Nagpaalala si Hailey sa kan'yang Mommy na aalis sila ng kambal. Hindi na sumama ito at may gagawin pa raw at isa pa bonding raw ito nilang mag-iina kaya enjoy-ina na lang daw niya. Lumakad na sila at baka hindi pa nila maabutan ang last misa sa umaga. Ayaw naman niya magsimba ng gabi at mahirap kasama ang dalawa na makukulit at maraming tao kapag hapon na sa simbahan. Pinasakay niya na ang kambal sa backseat at nagdrive na siya papalayo ng Mansyon. Nang makarating sila roon inalalayan niya ito sa paglabas ng sasakyan hanggang sa makapasok sila ng simbahan.. Nasa simbahan sina Hailey at nakagawian niya ng magsimba tuwing sasapit ang araw ng Linggo ng dahil 'yon sa Nay Metring at Tay Mandp niya. Nalulungkot nga siya e, gusto niyang bisitahin ang mga ito. Nag-a-alala na rin siya sa mga ito dangan lamang na marami pa siyang gagawin mga iniwang trabaho ng kan'yang asawa sa kan'ya. Habang nasa loob siya ng simbahan hindi niya namalayan na lumabas ang kambal dahil napa pikit siya ng s
Kabado si Xavier ngayon dahil magda dalawang linggo na nang dinala niya sa laboratory ang test sample ng isa sa kambal at nang sa kan'ya. Sinabihan niya rin ang ospital na sobrang confidential ito kaya walang dapat maka alam na kahit na sino pa. Ayaw niyang mapurnada ang mga plano niya gayong palapit na palapit na siya sa katotohanan na gusto niyang malaman. Hindi siya mapakali at panay laro niya sa pen na hawak niya at naghihintay siya ng tawag sa laboratory na kakilala niya doon. Hindi na nga rin siya nakapagtrabaho ng maayos dahil sa kabang kanina pa niya nararamdaman. Para siyang na excite na hindi niya malaman ng mga oras na 'yon. Halos hindi nga siya nakatulog ng nagdaang gabi at palagi niyang naiisip ang magiging resulta ng DNA Test result kung mag-ama ba sila o hindi. Naghintay pa siya ng mahigit isang oras bago tumunog ang kan'yang cellphone. Hanggang sa sinagot niya ito at nakausap niya ang kakilala niya doon sa laboratory at sinabi sa kan'ya na ready na ang result at
Maaga pa lang hindi na mapakali si Hailey. Kahapon tinawagan siya ng secretary ng asawa niya at ibinalita sa kan'ya na may important meeting raw siya with Mr. Reece. Kilala niya ang binatang business tycoon. Mayaman ang angkan nito maging ito man rin. Kilala ang pamilya niya at siya sa larangan ng pagnenegosyo. Wala pa yatang pinasok ito na negosyo na nalugi. Matalino ito at gwapo kaya hindi malabong mapa oo niya agad ang nakaka usap. Pabalik balik siya sa closet niya. Hindi niya kasi alam kung ano nga bang susuotin niya. Batid niyang meeting lang naman 'yon bakit pa ba siya nag aabalang maghanap ng masusuot. Pinili niya ang top and skirt niya at dinoblehan niya ng coat. Nang maisuot niya ang napili nag-apply siya ng light make-up ng sagayon magka kulay naman ang kan'yang mukha kahit papaano man lang. Nang masatisfied sa kan'yang ayos sinukbit na niya ang shoulder bag na gagamitin at pagkatapos sinuot naman niya ang kan'yang stilleto. Isa pang pasadang ikot sa harap ng malaking sa
Matapos ang pagkikita nilang dalawa hindi na ulit nagpakita pa si Hailey rito. Medyo bored siya ng araw na 'yon kaya naisipan niyang ipasyal ang kambal na si Harvey at Harris. "Twins, come here. Mommy will ask you something." wika niya. Agad naman naglapitan ang magkapatid sa kan'ya. "What is it Mom?" excited na tanong Harris na hindi na mapakali. "Where do you want to go? Mommy is free today." nakangiting sagot niya sa kambal. "Yeheey! Mommy, I want to go to the Mall and play arcade games." suggestion ni Harrison na hindi na lalo mapakali ng oras na 'yon. "Yeah! Sure son, go and take a bath quickly." utos niya sa anak. Agad naman sumunod ito sa kan'ya at hindi na nag dalawang isip pa basta gala alisto ang kambal niya. Naiwan naman siyang nag-iisa at nag-iisip. Nang tumunog ang kan'yang cellphone at sinagot niya ito. Bumungad ang bosed agad ni Quatro. "Hey! Babe, are you busy? Can we go out now??" tanong niya. "Uhmm! Sorry, may lakad kasi kami ng anak ko at naka
Mula sa malayo tanaw na tanaw ni Xavier kung paano pumapel ang lalaking kinaiinisan niya sa mga anak niya. Galit ang nararamdaman niya ng mga sandaling 'yon. Gusto niyang lapitan ang mga bata at magpakilala rito na siya ang daddy nila pero, natuod siya bigla at natakot sa pwedeng sabihin ng mga ito sa kan'ya. Lalo na't mahigit limang taon siyang nawala sa mga buhay nito. Hanggang sa kotse niya galit na galit pa rin siya. Hindi niya magawa ang gusto niya lalo na't ang bumawi sa mga anak niya gayong hindi naman siya pinapakilala ng Mommy nito sa kanila. Kailangan niyang maka isip ng paraan para makasama rin ang kan'yang mga anak. Hindi niya alam kong bakit hindi na lang siya ang tinawagan nito para makasama niya naman ang anak niya at hindi ang bweset na lalaking mapapel sa buhay ng mga anak nila. Habang nakaupo siya sa loob ng sasakyan siya namang ring ng cellphone niya at wala siyang balak sagutin ito dahil pihadong Mommy niya lang ito at kukulitin lang siyang makita ang apo niya
Sa Mansyon ng mga Reece Kausap ni Donya Sofia ang kanilang abugado na si Mr. Troy Cruz. Marami rami na rin itong kaso na nahawakan at naipanalo. "Good day Donya Sofia, ano bang maipaglilingkod ko sayo?" magalang niyang tanong. "May gusto lang akong itanong attorney Cruz. Kapag ganito ba ang case may laban na makuha ng daddy ng bata nag custody ng bata? The father didn't know that he had a son. Since, the mother of the child didn't tell him. It was a one night stand. So, do you think he has a chance to get what his right??" tanong ng ginang. Kagabi kasi hindi umuwi ang anak niya at nag-aalala siya rito. Hindi niya rin ito macontact. "Well, Donya Sofia if that's the case kailangang kausapin ang mother muna at kong ilalaban niya na hindi pwede makita ng daddy. Pwede na mag file nang custody ang daddy. Ilang taon ba ang bata??" "I think around 5 to 6 years old." sagot ni Donya Sofia. "Pag ganyan sa mother pa talaga ang custody. Kaya dapat makipag kasundo na lang ang dadd
Maaga pa lang nakatanggap na ng tawag si Hailey mula sa secretary ni Mr. Reece at pinapasabi nitong may meeting ang buong board since ang asawa niyang namatay ay malaki ang shares sa company kailangan niyang pumunta roon. Nag asikaso lang siya ng sarili bago umalis ng Mansyon nagpahatid ulit siya sa driver nila at wala siya sa mood na magdrive pa. Medyo malapit lang naman ang company ng mga Reece sa company nila ng namayapa niyang daddy. Malayo pa siya sa company medyo parang hindi na siya mapalagay sa loob ng kan'yang sasakyan. Iniisip niya na baka may mangyaring hindi maganda. Nag-a-alangan siyang tumuloy kaso lang ayaw naman niyang mapahiya ang pangalan ng namayapang asawa. Habang si Xavier naman ay kanina pa naghihintay sa pagdating nito. Hindi rin mapakali sa kan'yang kinauupuan at kapag naaalala niya ang tagpo sa Mall bumabalik yong nararamdaman niyang inggit at inis sa lalaking kasama nito na dapat ay siya. This time hindi na siya papayag na hindi nito ipakita ang kanil
At dahil sa takot ni Hailey na gawin nito ang banta niya. Wala siyang magawa kundi ipakilala na ang kambal sa totoong daddy nila. Binigyan lamang siya nito ng ilang araw para makapag paliwanag sa mga anak nila. Habang nasa kwarto ang kambal pumasok siya sa loob at huminga ng malalim. Pagkatapos tinantya niya muna kong nasa mood ang dalawa. Nang makita niyang nagbabasa ng libro si Harvey habang si Harris naman ay nanunuod. "Son, did I disturb you..?" bungad na tanong niya agad sa dalawa. Nakita niyang nag-angat ng ulo si Harvey at ibinaba ang librong hawak nito. Habang si Harrison naman ay nanatiling nanunuod nang telivision kaya hindi na niya muna ito inabala. Alam niya kasi na may mood ito na ayaw na ayaw naiistorbo lalo na't nanunuod. Nang lumapit si Harvey sa kan'ya niyakap niya agad ito at hindi napigilang mapa iyak. "Mom, are you alright?" tanong agad nito ng mapansing naiyak siya. Agad niyang pinunasan ng mabilisan ang luha niya bago pa nito makita. "Yes, anak, wal
Pagkatapos ng graduation ng kambal diretso kami sa resort. Dito namin napagkasunduan na icelebrate ang kanilang graduation celebration. Alam ko naman na gustong gusto nila ang dagat lalo na ang baby Xaviah. Pagkarating namin ng resort kanya kanya baba na ang kambal kasama si ate Havannah sumunod naman sa kanila si baby Xaviah. Hindi pa nga nagpapalit ng kanilang pang swimming attire ang apat nagtampisaw na agad sa dagat kaya hindi na rin namin pinigilan pa at hinayaan naming i-enjoy nila ang kabataan nila. Hinawakan ng asawa ko ang kamay ko sabay ngisi. Alam ko na yang ngisi niya pero, hindi pa pwede at marami pa kaming gagawin. "Ney, ilabas muna ang ilang gamit ng mga bata para maayos ko na rin sa mga kwarto nila. At balak naming dito na muna gayony bakasyon naman na ng mga bata. "Okay, Ney." sagot ng asawa ko na lulugo lugo akala mo naman nalugi ang kumpanya niya. Natatawa na nga lang ako kung minsan rito. Aba'y habang natanda e, parang bumabalik sa pagkabata niya kung mag
REECE MANSION Lahat kami ay abala ngayon dahil ito ang araw ng pagtatapos sa Senior High School ng aming Kambal na sina Harvery at Harrison. Nakalatuwa lang pa graduate na sila sa senior highschool gayong parang kailan lang naman ng isinilang ko sila sa mundo, mahirap maging single Mom hanggang sa bumalik ang daddy nila. Hindi rin naging madali ang buhay na magkakasama kami, maraming pagsubok ang pinagdaanan namin at ilang beses at narin kaming nagkawalay sa bawat isa. Ang akala ko nga hindi na kami magkakabalikan pa. "Ney, tara na hindi ka pa ba dyan tapos?" tanong ng aking asawa na kanina pa katok ng katok. "Oo, ney saglit lalabas na rin ako." sagot ko. Pagbukas ko ng pintuan nakita kong napatulala ang asawa ko kaya napa snap ako sa harapan niya. "Hoy, ney! Are you okay?" tanong ko para kasi siyang bigla na lang napatulala na di ko maintindihan. "Hmmm! Wala ney, akala ko anghel na bumaba sa langit." pabirong sagot nito. At ayan naman siya sa pang bobola niya sa akin.
FIVE YEARS LATER.. Nakapag patayo ako ng sarili kung company at ako ang C.E.O. Isa itong cosmetic business. Akalain ko bang mahihilig ako sa pagme make-up at kailan lang rin kinilala ako sa pinaka may matayog na cosmetics business sa iba't-ibang panig ng bansa. Mayaman ang asawa ko at ang pamilya ko, ngunit ayoko lang makilala ako dahil doon. Gusto kung makilala ako sa sarili kung pangalan. Sayang naman ang pinag aralan ko, diba kung hindi ko magagamit ang lahat ng natutunan ko sa professor ko kung paano mag tayo ng negosyo at magpatakbo nito. Talino at determinasyon ang sangkap para maabot mo ang ninais mo. Hindi ako naniniwala na mayaman lang ang may kaya nito kahit na mahirap na tao katulad ko ay magagawa ito. Basta magsikap lang at maging mabuting tao, higit sa lahat wala kang tatapakang ibang tao para makuha mo lang ang nais mo. Naimbitahan ako sa isang sikat na prestigious events. Nakilala kasi ang mga make-up ko na ginagamit ng karamihan lalo na ang mga sikat na tao sa
After two- Months. Isinilang ko ang baby Xaviah namin. Akalain mo 'yun, babae pala ang ipinag bubuntis ko. Lagi kasi akong masungit at madalas ngang ayaw ko siyang nakikita at kapag nawawala naman siya sa paningin ko ay nagagalit ako. Ay! Ewan, hindi ko rin maintindihan ang sarili napaka moody talaga. Nang ipanganak si baby Xaviah, masayang masaya ang ate Havannah niya na excited agad na makalaro ang kapatid. Akalain mo iyon tatlong taon na pala ang anak namin parang kailan lang..XAVIER POV Katulad ngayon kanina pa niya kinukulit ang Mommy niya. "Mom, I want to play with baby Xaviah, please." pakiusap nito with matching pout pa ng kanyang lips. Napapangiti ako, dahil parang ako lang ang anak ko. "Uhm! Not now ate, she's too young para mag play kayo. Hayaan mo kapag malaki na siya, makakapag play kayo." paliwanag ng Mommy niya, habang ako ay nakikinig lang sa'kanila. "Really Mom. I can't wait na makapag play kami together." excited na wika nito. "Yes! Ate, but before that kayo
Pag dating namin sa venue. Marami na ring tao ang dumating at nag sisimula na ang party. Nagkaroon muna nang guessing game tungkol sa bagong kasal. "Are you ready?" tanong ng host. "Readyyy!" sigaw ng crowd. "Game.. "First question. Ilang taon ang bride nang nagkita sila ng first time ng groom? Tahimik ang lahat hanggang sa nag taas ng kamay si Alleli. "Stand up pretty Lady." wika ng host. "30 years old." sagot ni Mina. "30 years old. It's correct." wika ng host. Nice. Siguro bestfriend 'to ng bride." biro ng host. "Actually yes, but now she's my Tita." sagot ni Mina. Nagulat naman ang ilang taong naroon na nakiki Maritess. "Next question.. "Anong edad naman nang groom nang magka kilala sila ng bride?" tanong ng host. This time ang boyfriend ko ang nag taas. "Yes. Handsome, biro ng host. Kaya napa ismid ako. "31 years old." proud na sagot nito. "31 years old, is correct." nakangiting sagot ng host. Mas umingay gawa ng bulong bulungan ng mga bisita. It's trully
KINABUKASAN Nagising siya na may ngiti sa'kaniyang mga labi. Nagtataka man siya at wala naman katao tao sa Mansyon. Nilibot na kasi niya ang loon as in walang tao at siya lang. Anong meron? Nasaan sila? Hanggang sa masagot ang tanong ko sa pag dating ni Mang Pedro. "Ma'am, pinasusundo na po kayo." ani niya. "Nino?" tanong ko. "Mamaya na lang ma'am. Sumakay po muna kayo.. "Sige. Clueless man, sumama ako kay Mang Larry. After One week. Ang renewal of vows nila ate Hailey at kuya Xavier ay mangyayari na kung saan ako ang napiling maid of honor at best man naman ang aking boyfriend. Yes! After One week na ligawan sinagot ko rin si Steven. Baka makawala pa sabi nila. Actually, hindi pa rin ako sanay na in a relationship na ako at kahapon lang nag celebrate pa kami ng pagkakasagot ko raw sa'kaniya, ewan ko ba bakit may ganon' pa, hinayaan ko na lang siya, dahil ayon ang gusto niya. Natatawa na nga lang nga ako, but at the same time sobrang kinikilig ako, dahil sa dami ng effort a
Nang makabalik kami ng Mansyon ibinalita kaagad nito ang baby number four na darating, hindi naman talagang halatang excited siya at hayan nga inunahan pa akong mag-sabi. "Wow! That's the greatest news I've ever heard today, " sambit ni Tiya Minerva na dumating pala galing US. "Me, too, Mom." sang-ayon naman ni Mina ang pinsan ni Xavier na anak ni Tiya Minerva. "So, tito and tito have a new baby again?" excited namang tanong ni Vienna ang anak ng pinsan niya. "Yes!" reply ni Mina sa anak niyang, hindi man lang nauubusan ng kaka tanong. Medyo sumakit ang ulo ko sa pagod kaya nagpaalam muna ako sa'kanilang lahat. "Ney, Tiya, Mina mauna muna ako sainyo, medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon." ani ko. "Sige," sagot ni ate Mina. Naglakad na ako patungong hagdan. Nang bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya'y napakapit muna ako sa grills ng hagdan at napatigil. Mabuti na nga lang sumunod ang aking asawa kaya't ako'y kaniyang naalalayan. "Ayos ka lang ba N
Nang mailipat na ako sa recovery room. Pinatawag kung muli ang asawa ko sa isang staff na nag lipat sa'akin. Para kasi akong ewan na nag hahanap na naman nang asawa. At nang pumasok ito sa loob naluha siyang bigla at nang lumapit ito sa kinaroroonan niya kaagad niya itong niyakap. Nagtaka man ito pero walang pakialam si Alex nang sandaling 'yon, kundi gantihan rin ng mahigpit na yakap ang kaniyang asawa. "Ney, bakit? May problema ka ba?May masakit ba sayo? Tell me, para mapa check-up natin habang nandito pa tayo." wika niya. "Wala, okay lang ako Ney," sagot ko. Habang patuloy pa rin sa pag patak ang mga luha sa mga mata ko na hindi ko mawari. "Ssssh! Tahan na Ney, nandito na ako, sorry kung nainis ka kanina sa'akin." wika nito. Hindi ko naman gustong mainis ka," dagdag pa niya. "Okay na! Hwag muna lang ulitin pa. Sobrang nainis mo ako," wika ko. Sabay pagpapalo ko rito sa braso. Sinalag naman niya ang mga palo ko habang yakap yakap pa rin niya ako. Hindi niya na ako binitiwan
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Hailey at nagsunod sunod pa ang pagiging mainitin niya ng ulo, iniisip niya na baka dala lang ng stressed, pagod o 'di kaya 'yung mens niya na hanggang ngayon ay wala pa rin. Never pa naman siyang na delayed kaya bigla na lang siyang natigil sa pag-iisip at natutop ang bibig. Hindi kaya??? Nagmamadali siyang tumakbo sa comfort room. Nag bukas siya ng ilang cabinet para mag check kung may nabili ba siyang pregnancy test, ngunit nasapo niya na lang bigla ang ulo niya na maalala na bakit pala siya magkaka stock ng gano'n. Kaya naman lumabas na lang siya ng comfort room at nag-i-isip kung paano ba siya makakabili ng pregnancy test na hindi malalaman ng asawa niya. Pero, sana mali ang sapantaha ko, hindi sa ayaw ko pang magka baby, ngunit parang gano'n na din lalo na't maliit pa si Baby Havannah gusto ko munang i-enjoy ang pagiging Mommy ko sa'kanila at sulitin ang mga nawalang panahon. Kung ipapahintulot ng itaas ay buong pusong tatanggapin ko, sapagk