Share

Pagpupulong

Maaga pa lang nasa opisina na si Xavier para hintayin ang mga ka business meeting niya. May two hours pa siya para magprepare ng mga sasabihin niya. Alam naman niya pero, hindi niya alam kong bakit kinabahan siya ng malaman niyang naroon si Mrs. Hiroshima.

Nang kumatok ang secretary niya hudyat na para pumunta siya.

"Sige papunta na ako." ani niya. Inayos niya lang ang kwelyo niya at naglaka na palabas ng opisina..

Sumakay siya ng elevator kasunod niya ang secretary. Nang bumukas ito nauna na siyang naglakad palabas at kasunod pa rin niya ito hanggang sa makarating siya ng board room. Napabuntong hininga na lang siya ng malalim hanggang sa pumasok na siya sa loob. Hinanap agad ng mga mata niya si Mrs. Hiroshima kaso lang hindi niya ito nakita.

Nagsimula na siyang mag explain sa mga board members. Kan'ya kan'ya naman sila ng opinyon para sa ikagaganda ng bago nilang ilo launch na product sa market. Natapos ang meeting na lahat sila ay nagkaisa. Hindi pa rin nagpapakita si Ha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status