Share

Chapter 3

Author: Yassieebells
last update Last Updated: 2021-12-01 09:07:08

"What's your order, Faith?"

Narinig kong tanong ng lalaking nakilala ko sa dating app kagabi. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makipagmeet up sa kanya. Well, desidido nga pala akong maghanap ng lalaking magpapanggap bilang nobyo ko.

"Kahit ano nalang." tipid na sagot ko. I smiled at him at pasimpleng bumuntong hininga. Sinabi nya sa waiter na igaya nalang nya ang order ko sa inorder nya.

Honestly, nireto lang siya ni Freda sa akin. Despereda akong makahanap ng lalaki kaya naman tinanggap ko ito. Masasabi ko naman na may hitsura ang lalaking kasama ko. Para syang model kung ilalarawan ko. May kalakihan rin ang kanyang braso lalong lalo na ang kanyang panga. But, hindi ako ganoon kaattracted sa kanya. Gagamitin ko lang sya sa plano ko, hanggang doon lang. Sana lang wala akong makitang bad sides sa kanya at kung hindi iiwan ko siya rito.

Mula kagabi ay limang lalaki na ang kinameet up ko pero lahat sila ay sex ang habol. Gosh! Hindi ako ganoon kababaw para pagbigyan sila. They can stole my money not my virginity.

Nag-uusap kami sa ilang personal na bagay. Mayaman pala sila at pagmamay-ari nila ang isang resort. Wala naman akong pakialam doon, hindi ko pinahalata na hindi ako interesado sa mga kinukwento nya. Sumabay na lang ako at sinasagot siya everytime na may tinatanong ito sa akin.

Mapang-akit ang titig na tinapon niya sa akin. Hindi ko naiwasang kabahan at mailang. Nagmumukha siyang rapist kung ilalarawan ko. Pasimple akong sumimsim sa iced tea na nasa left side ko. Pinapanood niya ang bawat kilos ko. Mukhang sinusuri niya ang kabuuan ko.

Nakita kong nakatitig siya sa aking dibdib. Medyo kita kasi ang cleavage ko sa aking suot. Napaiwas ako ng tingin. Pinagpapawisan na ako. Kabisadong-kabisado ko na ang ganoong titig ng mga lalaki. Gosh! Ba't ang tagal dumating ng order namin?

Tumaas ang aking balahibo nang maramdaman kong may humaplos sa aking hita sa ilalim ng mesa. Nang tapunan ko ang lalaki ng tingin ay nakangisi na ito sa akin. What the? He was harassing me!

Tinapik ko ang kamay nya na nakahawak sa aking hita. Matalim ang tingin na tinapon ko sa kanya.Hindi na tama itong ginagawa nya sa akin. Sa maamo niyang mukha, tarantado pala. Tsk!

Padabog akong tumayo at isinuklib sa aking balikat ang dala kong bag. Napatingin siya sa akin. Nagtataka sa aking inaasta.

"Hey, what's wrong?" inosenteng tanong niya sa akin. Pinagsingkitan ko siya ng mata at gustong-gustong sipain sa mukha. Kung wala lang tao sa paligid, bugbog sarado na siya sa akin. Ayokong masira ang pangalan ko kaya naman magtitimpi nalang ako.

"Pupunta lang ako sa comfort room." Paalam ko sa kanya. Nagpatay malisya nalang ako sa ginawa niya. 

Tumango naman siya kaagad. Hindi niya alam na lalayasan ko siya. Hellar! Ayoko sa lahat ay binabastos ako kaya bahala siya doon. Mabuti na lamang at hindi siya nakatingin sa akin pag-alis ko sa pwesto namin kanina. Diretso lamang ang lakad ko palabas ng restaurant kung saan nakapagkasunduan namin ng lalaki na magkita. Kung alam ko lang na gaya lang siya ng mga naunang lalaki na in-entertain ko, sana hindi na ako nagsayang ng oras. Sayang itong beauty ko.

Nang matanaw ko na ang kotse ko na nakaparada sa parking lot ay kinuha ko na sa aking slingbag ang susi ng sasakyan ko. I walk towards the car. Pumasok ako't inandar ang makina. Tama nga ako ng hinala, wala akong mapapala dito sa kalokohan ko. Gosh!

Hindi ko naabutan sina Mama pagkauwi ko ng bahay kaya naman dumiretso nalang ako sa kwarto ko. Nagpalit muna ako ng damit bago humiga sa malambot kong kama.

Kung alam ko lang na mamanyakin ako ng mga tarantadong lalaki na nakilala ko sa dating app, sumama nalang sana ako sa medical mission. Yes, medical mission na proyekto nina Mama. Matulungin silang dalawa ni Papa kaya sinusuportahan namin sila ni Kuya. 

"Ano ba naman 'yan, Freda. Lahat nalang ng nireto mo sa akin puro sex ang habol. Mukha na ba akong bayarin na babae? Psh!" singhal ko sa aking kaibigan. 

Naisipan ko na siyang tawagan dahil napapanis na ang laway ko rito. Wala akong makausap at magawa kaya binulabog ko siya. Tutal wala akong gagawin, plaplanuhin ko nalang ng mabuti ang oplan maghanap ng fake boyfriend.

"Malay ko bang pasado ang hotness mo sa standards nila. " Tumawa pa siya ng malakas at aaminin kong nainsulto ako doon.

Kahit hindi ko kaharap si Freda ay pinaikot ko pa rin ang aking mata dahil sa inis. Naiinis ako dahil pakiramdam ko hindi ki na matatakasan itong problema ko. Isang tulog nalang ay aattend na kami nina Mama sa dinner kasama ng relatives namin. At ang malala pa doon, wala pa akong nahahanap na boyfriend para maipakilala sa kanila. Gosh! 

"To be honest, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mas stressful pa ito  kesa sa paggawa ko ng ipapasang plates, " saad ko at nagsisimula na namang mag-init ang ulo ko. 

Narinig kong tumawa si Freda sa kabilang linya dahil sa sinabi ko. Well, I'm just saying the truth. Ramdam na ramdam ko kasi ang stress dito sa ginagawa kong paghahanap ng fake boyfriend. 

"Para 'di ka na mastress diyan, aminin mo nalang kasi kina Tito na wala ka naman talagang boyfriend. Sigurado naman akong maiintindihan ka nila, " suhestiyon ni Freda. 

Actually, ilang beses na niyang nirerequest sa amin na umamin na ako kina Mama. Pero, iniisip ko pa lang na malalaman na nila ang sikreto ko, umaatras na ang dila ko. Ayaw na ayaw kong paasahin sila kaya gagawin ko lahat para makahanap ng fake boyfriend. 

"Ngayon pa ba ako aaminin, e, nasabi ko sa kanilang dalawang taon na kami kuno ng boyfriend ko, " depensa ko naman. Nasapo ko nalang ang noo ko. Stress na stress na ako. 

"Ibang klase ka rin, no? Hahaha! Hindi ko na alam kung ano ang iaadvice sa'yo. Basta, ang alam kong way para malutas na 'yang problem mo is aminin sa kanila ang totoo. " Asik niya pa rin. 

Pansin ko sa tono ng kanyang boses na wala na siyang maibigay na advice sa akin. Lahat na yata kasi nang pwedeng iadvice sa akin ay ginawa ko na. 

"Eh, ayoko nga. Pa'no nalang kung ipaarrange marriage ako ni Papa sa mga amigo't amiga nila ni Mama? Ano nalang magiging buhay ko kung ganoon? Syempre, kung ako ang tatanungin mo, ayokong magpakasal sa taong 'di ko naman mahal. Titiisin ko nalang ang hirap sa pagpapanggap kong 'to, no." Depensa ko at muntik pa akong mabulol. 

"Hayts! The deciscion is yours. Hindi naman kita mapipilit sa bagay na 'di mo naman gusto. Basta advice ko sa'yo, maging alerto ka lagi para 'di ka mabisto, " paalala niya sa akin. Kung sermonan niya ako daig niya pa si Mama. 

"Obkors, hindi naman ako tatanga-tanga e."

After a very long conversation with Freda, natulog muna ako. Ramdam ko kasi 'yong pagod at bored dito sa bahay. Napagod na rin maski utak ko na mag-isip ng paraan para malutasan ang problema ko. 

Nagising ako nang maramdaman kong may humawi sa ilang hibla ng buhok sa aking mukha. Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin si Mama. Mukhang pinapanood niya ang pagtulog ko kanina. 

"Ma, nandito ka na pala, " ani ko at bumangon sa pagkakahiga. Nakaupo siya sa left side ko. Umupo na rin ako at sumandal sa headboard ng aking kama. 

"Yeah, " sagot niya at inalis na ang kamay nito at nakahawak sa aking mukha. "Mukhang pagod na pagod ka. Bihira ka kasing matulog sa tanghali kaya nanibago ako. "

Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago siya sinagot. Kapansin-pansin ba talaga ang paglamon sa akin ng stress? Gosh! 

"Hindi naman po masyado, bumawi lang ako ng tulog dahil sa nagdaang party na binigay niyo nina Kuya sa akin. Magkasunod na gabi kasing kulang ako sa tulog, " palusot ko kay Mama upang hindi na siya magtanong pa. 

"Sabagay," Sagot niya. Nginitian ko pa sya para makumbinsi sa nasabi kong palusot. " Nga pala, anak, dinala ko na rito ang isusuot mong damit sa dinner natin bukas kasama ang mga relatives natin. "

Tumayo si Mama sa pagkakaupo sa tabi ko. Pinanood ko siyang naglakad papunta sa sofa na nasa 'di kalayuan sa pwesto ng aking kama. Nakita ko kung paano niya itinaas ang hanger na may nakasabit na magandang dress. 

Kung ilalarawan ko, kulay maroon siya na kumikinang ang disensyo na nakalagay rito. Sapat lamang na bumagay sa akin iyon since mahilig ako sa maroon. 

"Wow! " iyon nalang ang lumabas sa bibig ko pagkakita sa damit na dinala ni Mama rito sa aking kwarto. 

"Do you like it, honey? " Tanong ni Mama sa akin. Napansin niya ang pagmangha na mababasa aking mukha. 

Tumango ako bilang sagot." Yes, Ma, gustong-gusto ko. Napakaganda."

Naexcite ako bigla na isuot iyon ngunit nawala ang excitement ko nang maalala na may problema pa pala ako. Wala pa pala akong maipapakilala sa kanila bilang boyfriend ko.  

"What's wrong, baby? " Tanong ni Mama nang mapansing nawala ang ngiti sa labi ko. Nasa akin pala ang tingin niya kaya napansin niya ang paglungkot bigla ng aura ko. 

"Nothing, Ma. " At umiling pa ako ng bahagya. 

"Okay." Ani Mama. "C'mon, baby, isuot mo nga at tignan natin kung babagay nga talaga sa'yo. " Utos ni Mama sa na mukhang naeexcite makita ako na suot ang pinagawa niyang dress sa akin. 

Tumayo na ako at kinuha kay Mama ang damit. Nagpaalam ako na pupunta ako sa banyo upang isuot iyon. Halos lumuwa ang mata ko pagkasuot ko noon. Nagpaikot-ikot pa ako sa tuwa na para bang isang prinsesa. Bagay na bagay nga talaga sa akin. 

"Omg, baby, you're so beautiful, " puri ni Mama sa akin pagkalabas ko ng banyo. Napatakip pa siya sa kanyang bibig  nang makita kong suot ko ang damit na binili niya para sa akin. 

"Thanks, Ma."

Linapitan ko siya at inayos-ayos naman niya ang buhok ko para mas lalong bumagay raw ang suot kong dress. Nang matapos ay kinuha niya ang selpon sa kanyang bulsa at nagselfie kaming dalawa. 

"Ma, simpleng dinner lang naman 'yong magaganap, ba't nagpagawa pa kayo ng ganitong damit. For sure, mahal na naman ang binayad mo

rito. " Mungkahi ko nang mapansin kung gaano kagalante ang suot kong damit ngayon. 

"Don't mind the price, baby. Ang gusto ko ay maging presentable ka sa harap ng mga relatives natin, okay? " Depensa naman niya at sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. 

"Pero, Ma, marami pa naman akong damit dito na pwede kong isuot e. Hindi ka na sana bumili, nagsayang ka pa tuloy ng pera, " asik ko naman. Nagtama ang aming tingin ngunit nakangiti pa rin ito sa akin. 

"Eliza, baby, pagbigyan mo na lang ang Mama. Promise, last na'to, " aniya at itinaas ang isang kamay. 

"Okay, fine. Basta last na'to, Mama. "

"Tutal maganda ka, dapat gwapo rin ang boyfriend mo na haharap sa relatives natin, ah. " Paalala ni Mama na ikinagulat ko. 

Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa bagay na 'yon. Heto na naman at nilalamon na naman ako ng stress. Parang ayokong matulog ngayong gabi at maghanap ng fake boyfriend ko na ihaharap kina Mama bukas. 

"Nakikinig ka ba, Eliza? " Nabalik ako sa reyalidad nang itanong 'yon ni Mama sa akin. Gosh! Nalilipad ang utak ko. 

"Po? Ano po 'yon, Ma? "

"Sabi ko, dapat umattend ang boyfriend mo bukas ng gabi. Nasabi ko pa naman sa kanila na may boyfriend ka at gusto rin daw nilang makilala. " Saad ni Mama. 

Kinabahan ako bigla sa mga sinabi niya. Bakit ba nakalimutan kong matabas ang dila ni Mama pagdating sa boyfriend thing? Jusko! Mukhang wala na akong takas.

"S-sige po, " 'yon nalang ang naisagot ko. Napatingin ako sa malayo at iniisip kung ano ang mangyayari bukas sa akin. 

Sumabay ako kina Mama at Papa na kumain ng dinner. About sa dinner bukas ang topic nila kaya nawalan ako ng gana. Mabuti nalang at hindi nila napansin ang pagwawalang kibo ko. 

After kong kumain ay naghalfbath muna ako at ginawa ang skin routine ko. Habang naglalagay ng toner sa mukha ko ay hindi mawala sa isip ko ang mangyayari bukas. Nagdasal na rin ako nang sa ganoon ay Diyos na ang bahala sa akin. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ngayon palang ay nagprapraktis na ako ng sasabihin incase mabisto ako bukas. 

Kinabukasan, tinanghali ako ng gising kakaisip sa problema ko. Mabuti na lamang at hindi ako binulabog nina Mama. At nalaman ko sa kasambahay nin na lumabas na silang dalawa ni Papa. Naiwan na naman ako dito. 

Kumain na ako ng breakfast at pagkatapos ay naligo na. Napagdesisyunan kong pumunta ng gym kaya nagsuot ako ng sports bra na pinaresan ko ng pink leggings. Pinuno ko rin ng tubig ang tumbler ko at naglagay ng extra clothes saka towel sa bag na dadalhin ko. 

Nagdrive ako papunta sa gym. I stay there for about one hour. Kahit papaano ay nakapag-exercise ako sa kabila ng pagiging busy. After that, nagshower muna ako at nagsuot ng simpleng tshirt with high-waist jeans. Lumabas na ako ng gym at pumunta sa malapit na kainan. Nagutom ako bigla at hindi ko nalamayan ang oras sa pag-eexercise ko kanina. 

"Eliza, where are you? " Tanong ni Papa nang sagutin ang tawag niya. Napahinto ako sa paglamon nang tumunog ang selpon ko. 

"Nandito po sa kainan malapit sa gym, bakit, Pa? " Tanong ko. Mukha kasing may sasabihin siyang importante. 

"Umuwi ka na pagkatapos mo diyan. Nagpadala  ako ng mga makeup artist na aayos sa'yo para sa dinner mamaya. " Wika niya. Napatingin ako sa rel kong nakapulupot sa aking pulsuhan. Around 2pm na pala at malapit nang gumabi. 

"Noted, Pa."

Maaga pa naman kaya pumunta muna ako ng mall para bumili ng bagong sapatos na ipaparehas ko sa damit na pinagawa ni Mama sa akin. After that, umuwi na ako at nadatnan ko sa bahay ang mga pinadala ni Papa na aayos sa akin. 

Sinimulan na nila akong ayusan. Habang palapit ng palapit ang nakatakdang oras ay kinakabahan ako. Titig na titig ako sa wall clock na narito sa aking kwarto. Nagdadalawang-isip pa ako kung talagang aattend ako ng dinner. 

Pagkatapos nila akong ayusan ay hinatid na ako ng driver namin sa venue na pinareserved nina Mama. Kaliwa't kanan ang mga pagbati na ipinaulan ng mga relatives namin sa akin. Tanging ngiti ang naisasagot ko dahil hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa boyfriend ko. Wala akong nahanap dahil hindi nagresponse ang mga nilandi ko sa dating app kagabi. Sana pala hindi na ako nagpuyat. Psh! 

Nang makita nina Mama na nandito na ako ay linapitan nila ako't hinalikan sa pisngi. Umattend rin ang sister-in-law ko kasama si Kuya. Gaya ng iba ay pinuri rin nila ako dahil sa suot ko ngayong gabi. 

"Wow! Eliza, you're so beautiful. " Puri ni Tita Carmina nang lapitan niya ako. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. 

"Thanks, Tita, " nakangiting ani ko. 

Binati at pinuri rin ako ng iba. Ang ilan ay humihumingi ng litrato kasama ako. Pinagbibigyan ko naman sila kaya muntik nang mawala sa isip ko ang pinaalala sa akin kagabi ni Mama. Dapat raw na umattend ang boyfriend ko. Damn! 

"We're very happy for your success, Eliza. " Usal ni Tito Billy sa akin nang nasa hapag na kami. Kasalukuyan naming hinihintay ang ilan pa naming mga relatives. Napaaga kami ng punta rito kaya marami pa ang wala. 

"Thank you so much, " muntik pa akong maiyak dahil sa kanyang sinabi. Simpleng pagbati lang 'yon pero tagos na tagos sa puso ko. Nakakaoverwhelmed. 

Nag-uusap sila tungkol sa business kaya naout of place na naman ako. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan at gustong-gusto ko na talagang umuwi para matakasan sila. Kahit pa man nakaready na ang script ko, hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Kulang nalang ay mabutas ang dibdib ko sa lakas ng pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.

"By the way, Eliza, nalaman namin na may boyfriend ka na, where he is? " Mahinhin na tanong ni Tita Roxanne. Halos magulat ako sa sinabi niya kahit pa man nasabi na ni Mama na aware na silang may boyfriend na ako. 

Napatingin tuloy ang lahat sa akin. Masasabi ko na lahat sila ay excited na makilala ang boyfriend ko. Pansin na pansin ko iyon sa mukha nila lalong-lalo na kina Mama na ang lapad ng ngiti na tinapon sa akin. 

"Uhm, he's coming po. Natraffic lang siguro, " palusot ko at ngumiti ng pilit sa kanila. Nagsitanguan sila sa sinagot ko at ipinagpatuloy ang pag-uusap tungkol sa business..

Dahil sa hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan, nagpaalam na ako sa kanila na magpapahangin muna ako sa labas since hinihintay pa namin ang iba. Napatingin si Papa sa akin nang tumayo ako at mukhang napansin niya ang pagiging aligaga ko. Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na palabas ng restaurant. 

Pabalik-balik akong naglalakad rito sa may garden habang nag-iisip ng paraan kung paano takasan sina Papa. Kinailangan ko ng tumakas tutal wala naman akong maipapakilala sa kanila. Pero, hindi ako ganoon kakumbinsido sa gagawin kong pagtakas dahil tyak mapapahiya naman ako sa mga relatives namin. 

"Gosh! I hate this life. " Naiinis na singhal ko sa aking sarili. Napapasapo pa ako sa aking noo. Wala na akong alam na gawin kundi takasan at takbuhan sila. 

Ang ilang tao na naglalakad ay napapatingin sa akin dahil sa pagmumurang ginagawa ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang inis na nararamdaman ko. 

"Eliza, nasa'n na ang boyfriend mo? Kumpleto na ang mga bisita natin at gusto na nilang makilala ang boyfriend mo." Narinig kong usal ni Papa sa likuran ko. Sinundan niya pala ako palabas ng restaurant. 

Mas lalo pa akong kinabahan. Nagdadalawang-isip pa ako kung haharap ako sa kanya o hindi. Napapikit ako at nilakasan ang loob na harapin siya. 

"Uhmm..." Hindi ko alam ang sasabihin. Ano kaya kung magkunwari akong hihimatayin? Magdadahilan kaya ako na natatae ako? Na sumasakit ang ulo ko? Gosh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lord, help me please. 

"What? May problema ba? Ba't mukhang namumula ka? Are you okay, Eliza? " Nag-aalalang tanong ni Papa sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko upang icheck ang kalagayan ko. 

Bago ko pa siya masagot ay may nakita akong lalaki na papalapit sa gawi namin. Wait, ito na ba ang kasagutan sa problema ko? May itsura naman siya at may hubog rin ang pangangatawan. Nakasuot siya ng polo at nakatupi iyon sa kanyang siko. Para siyang aattend ng date kung ilalarawan ko.

"Babe," tawag ko sa lalaking 'di ko naman kilala.  Napatingin si Papa sa likuran niya kung saan may tinawag ako roon.

Nagulat naman ang lalaki  sa ginawa ko lalo na nang lapitan ko siya at yakapin. Kinakailangan kong galingan ang pag-arte lalo na pinapanood ako ni Papa. 

"Huh? " Usal ng lalaki dahil sa inaasta ko. Pinagdilatan ko naman siya upang sabayan ako sa pag-arte ko. 

"Babe, mabuti naman nakarating ka. Kanina ka pa hinihintay nina Mama sa loob." Wika ko ulit at kunwari ko pang inayos ang kwelyo ng kanyang damit. Takang-taka ang lalaki sa mga pinaggagagawa ko sa kanya. 

"Baliw 'ata 'tong babaeng 'to, " bulong niya pero rinig na rinig ko. Hindi ko nalang siya pinansin at humarap kay papa habang nakayakap sa kanyang braso. 

"By the way, babe, this is my dad," duro ko kay Papa. "-Pa meet my boyfriend, " dinuro ko naman ang lalaking katabi ko. 

Linapitan siya ni Papa at iniabot ang kamay nito. Abot teinga ang ngiti ni Papa  dahil sa wakas may naipakilala na ako sa kanya. Kung hindi ko pa tinapik ang lalaking hinablot ko lang kanina ay hindi na niya tatanggapin ang kamay ni Papa. Napilitan siyang makipagkamay rito kahit hindi niya alam ang nangyayari. After that, tumingin ito ng makahulugan sa akin na para bang sinasabi niyang kinakailangan kong mag-explain sa kanya. 

Related chapters

  • That Tuesday Night   CHAPTER 4

    "Teka lang, Miss, nababaliw ka na ba? Ba't mo'ko pinakilala sa tatay mo bilang nobyo mo, e, 'di nga kita kilala. " Halos umusok na ang ilong ng lalaking ipinakilala ko kay Papa kanina. Padabog niyang inalis ang braso kong nakapulupot sa kanya. Magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin. Kulang na lang ay patayin niya ako sa kanyang mga tingin. Nagpaalam ako kay Papa na mag-uusap pa kami ng boyfriend ko saglit bago kami pumasok sa loob. Mukha kasing naguguluhan ang lalaking hinablot ko nalang bigla kanina. Mabuti nalang at sumakay siya sa kalokohan ko't 'di kami nahalata ni Papa. Napahilot ako sa aking sentido dahil pakiramdam ko nadagdagan ang stress na aking nararamdaman. Isama mo pa'tong paghablot ko sa lalaking hindi ko naman kilala para ipakilala kay Papa bilang boyfriend ko. Wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko kanina. Kaso, hindi ko na alam ang susunod kong gagawin lalo na at hindi ko kilala itong lalaki. "So-sorry, " napakagat ako sa pang-ibaba kong labi dahil na

    Last Updated : 2021-12-19
  • That Tuesday Night   CHAPTER 5:

    "I need to find him, Freda. Whatever happens, I need to convince Myco. Hindi ako papayag na tanggihan nya ako ng ganon-ganon lang. Psh! Mali 'ata sya ng kinalaban, " naiinis na usal ko kay Freda habang nakakrus ang braso ko sa may dibdib ko. We're here at coffee shop, katabi ng company building namin. Dito namin napag-usapan na magkikita tutal dito ang meeting place namin palagi kapag may pag-uusapan kaming importante. I already told her about what happened last night. At gaya ng inaasahan ko, gulat na gulat nga sya. Napatakip sya sa kanyang bibig dahil sa gulat at bahagya pang namilog ang kanyang mga mata. Imbes na tanugin ako kung naging successful ang pagkukunwari namin ni Myco, mas lalo nyang pinagtuunan ng pansin ang binata. Gosh! "Bes, huwag mo na kasing pilitin 'yong tao kung ayaw, kawawa naman, " Freda commented while pouting. I know, she was just concern about Myco not for me." 'Di ba nga, sinabi nya sa'yong hindi nya kaya ang pinapagawa mo. Sapat na 'yong dahilan para ha

    Last Updated : 2022-01-20
  • That Tuesday Night   Chapter 6

    "Mabuti naman nandito ka na, Engineer," narinig kong usal ng isa sa mga kasamaan ni Myco na lumapit sa kanya. Kabababa nya lang sa sasakyan nito na motor. Tatlong lalaki ang lumapit sa kanya at nagtaka ako kung bakit tinawag syang engineer ng mga ito gayung trabahador lang naman sya dito. "Oh, bakit, anong meron?" Nagtatakang tanong nito sa tatlong lalaki. Maingat na inalis nya ang helmet na nakasuot sa kanyang ulo at kanya nya itong isinabit sa manibela ng kanyang motor. Inayos nya ang kanyang buhok at mukhang hindi nya ako napansin rito sa pwesto ko kahapon. Malapit lang kasi ang parking area nila dito sa pwesto ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ang tatlong lalaki at kusa na akong nagpakita kay Myco. Nagsitakbuhan tuloy ang mga kalalakihan at iniwan nila kaming dalawa ni Myco. Doon ko naman napansin ang iritadong reaksyon ni Myco noong nakita nya ako. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa dibdib ko, direkta ko syang tinignan habang nakataas ang isa kong kilay. Sa katunayan, sinady

    Last Updated : 2022-07-31
  • That Tuesday Night   Chapter 7

    "Makakauwi ka na kung 'di mo na kaya." Nakakrus ang mga braso ni Myco habang nakasilong sya sa tent na nakatingin sa akin. Abala akong hinahalo ang semento na gagamitin nila sa pagflooring ng bahay na ginagawa nila. Ramdam ko ang init ng araw dahil nakabilad ako, nakasuot ako ng manipis na jacket at sumbrero. Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi lang ako despereda na mapapayag si Myco sa gusto kong magpanggap sya. Napilitan akong gawin ang gusto nyang tumulong sa paghalo ng semento. Habol ko ang aking hininga na tumingin sa kanya. Inirapan ko pa sya't gusto ko syang lapitan para ipamukha sa kanyang hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa nya sa akin. No choice naman ako kundi sumunod na lang sa gusto nya tutal mukhang malapit na syang pumayag sa gusto ko. "Hoy! Kaya ko 'no." Asik ko, hinalo ko na naman 'yong semento." Sisiw lang 'to sa akin." Palusot ko kahit mamamatay na ako sa init. Nauuhaw na rin ako kung tutuusin. "Sisiw daw, e ba't nakabusangot ka dyan?" Dinuro nya pa ako n

    Last Updated : 2022-08-04
  • That Tuesday Night   CHAPTER 8

    "Ma, Pa, nandito na po si Myco, boyfriend ko."Nakayakap ako sa braso ni Myco habang masaya syang ipinakilala kina Mama at Papa. Kaharap namin sila rito sa may sala dahik kararating lang namin. Hindi maipinta ang tuwa na makikita sa kanilang mukha dahil sa wakas ay pumunta na ang boyfriend ko dito sa bahay. "Hello po, Maam, Sir." Magalang na pagbati ni Myco sa kanilang dalawam inilahad nya pa ang kamay nya para makipagshakehands. Masayang tinugon naman 'yon nina Mama at Papa. "Naku, tita nalang ang itawag mo sa'kin, hijo.?" Ani Mama pagkatapos nyang makipagkamay kay Myco. "Tito na lang din ang itawag mo sa'kin." Ani naman ni Papa. "S-sige po." Alanganing sagot ni Myco saka sinulyapan ako. Tumango ako bilang senyales sa kanya na hayaan ang gusto nina Mama at Papa na tawagin nya ang mga ito ng Tita at Tito. "Ang gwapo naman talaga ng mamanugangin ko," tinapik ni Papa ang braso ni Myco, bahagya nya pa itong hinimas. Tuwang-tuwa sya dahil pumunta si Myco dito sa bahay. Kahit naman noo

    Last Updated : 2022-08-07
  • That Tuesday Night   Chapter 9

    "Seriously? Naisip mong magkunwaring nahimatay kesa umaktong kaya mong maglaro ng billiards?"Nakatanggap kaagad si Myco ng sermon sa akin pagkagising nya. Nakahiga sya sa kama dito sa may guest room. Ngiting tagumpay nga ang nakaguhit sa labi nya dahilan para mainis ako lalo. Kung pwede lang na daganan sya ay ginawa ko na. "Kaysa naman malampaso ako ng Papa mo. Tsaka, magpasalamat ka nalang, pwede? Atleast natakasan ko na sya kaysa magmukha akong mangmang doon na 'di alam kung pa'no maglaro ng pisteng billiards na 'yan." Depensa nya't inayos ang dalawang braso sa kanya ulo't ginawa itong unan. "'Di ba sabi ko sa'yo kanina, gayahin mo na lang kung paano maglaro si Papa?""E hindi ko nga nakuha 'yong mga moves nya." Depensa nya. "Myco, ano na lang ang iisipin nina Mama at Papa sa'yo? Jusmiyo naman." Napahilot ako sa aking sentido. Pakiramdam ko sasabog 'tong ulo ko sa inis. "Sana umakto ka na lang na parang alam mo kung pa'no maglaro non.""Tapos ano, pagtatawanan ako ng Papa mo kap

    Last Updated : 2022-08-08
  • That Tuesday Night   Chapter 10

    "Aki, 'yong pinto ilock mo ng mabuti pati 'yong mga bintana. Kumain na ba kayo? Ah, sige. Hoy! Huwag nyong kalimutang maghalfbath bago matulog ah. 'Yong kama pagpagin ng mabuti saka ayusin 'yong punda at bedsheet. Ilock mo rin pala pati 'yong gasul tsaka 'yong mga sinampay natupi mo na ba? Sige. Oo, nag-overtime ako kaya ikaw muna bahala dyan. Ulol! Bantayan mo si Mia kundi patay ka sa'kin. Tawagin mo mga kapitbahay kapag may napapansin kang kakaiba ha? Ingat kayo dyan." Halos mabingi ako sa pakikipag-usap ni Myco sa kanyang selpon at hindi ko rin mawari kung sino 'yong kausap nya basta ang dinig ko ay 'Aki'ang pangalan noon. Nagkunwari akong nagbabasa ng harry potter kong libro dito sa kama habang palihim na sumusulyap sa kanya. Even we're not that close, curious rin ako sa family background nya. Gusto ko rin makasigurado na hindi sya nagmula sa masamang pamilya. Mabilis akong umiwas nang magtama ang tingin namin. Napansin yata nyang nakatingin ako sa kanya kaya mabilis akong gumaw

    Last Updated : 2022-10-16
  • That Tuesday Night   Chapter 11

    "Eliza, may importante akong lakad ngayong araw." Nagpapadyak si Myco sa sahig pagkarinig ng sinabi kong kailangan ko syang itrained ngayon. Humingi na rin ako ng tulong kay Freda ukol sa bagay na ito dahil desididong-desidido ako. Mabuti na nga lang ay nakaalis na si Mama nang sa ganoon ay makausap ko ng maayos si Myco ukol sa binabalak kong gawin. "I-cancel mo muna." Sagot ko pagkatapos ay isinuot ko na iyong hikaw ko pagkatapos ay naglagay ng light make-up sa mukha ko. Narito kami sa kwarto ko at kanina pa pumapalya si Myco dahil nga may trabaho daw sya ngayong araw. "Ano? Nababaliw ka na ba? Nangako ka sa'kin na pagkatapos ng dinner natin kasama ng parents mo ay hindi mo na'ko guguluhin. E, ano na naman 'tong hinihingi mo sa'kin?" Linapitan na ako ni Myco at puwesto sa left side ko. Hindi ko sya nagawang tignan dahil busy nga ako sa paglalagay ng make-up sa mukha ko. Para syang bata na pinipilit payagan sa gusto nya. "It was just a simple favor, Myco, relax." Pagpapakalma ko

    Last Updated : 2022-10-20

Latest chapter

  • That Tuesday Night   Chapter 13

    "Bakit si Mama pa, e, nandito naman ako." Kunwaring nagtatampo na usal ni Myco habang pinapatahan ang bunsong kapatid na si Mia. "Oo nga naman, Mia. Mas dabest naman si Kuya mag-alaga sa'tin e." Sabat ni Marky sa usapan at nagthumbs up pa ito ng bahagya. Pinanood ko lang sila dahil wala akong ideya kung ano nga ba ang puno't dulo o dahilan kung bakit hinahanap ni Mia iyong nanay nila. Narinig ko nga lang kanina na galing sa kaniya iyong inuwi ni Marky na lechon manok. Nakaramdam ako ng kakaibang awa kay Mia. Sa paraan ng pag-iyak niya, alam kong hinahanap niya iyong Mama nila. Naalala ko ang sarili ko sa kaniya noong bata ako, umiiyak ako kapag hindi ko makita si Mama o 'di kaya naman kapag namimiss ko ito lalo na't pupunta sa ibang lugar para asikasuhin ang negosoyo namin. Kumalas si Mia at tinignan ng diretso si Myco. "Si Mama ang gusto ko, Kuya. Kailan ba siya uuwi?" Matamlay na tanong nito. Napahaplos si Myco sa buhok nito saka pilit na nginitian. "Nag-usap kami ni Mama, kap

  • That Tuesday Night   Chapter 12

    "Pasok ka," sinenyasan ako ni Myco na pumasok sa munti nilang bahay. Hindi ko siya kaagad sinundan papasok dahil sinuri ko muna ang kabuuan ng kanilang bahay. Maliit lamang iyon at ang pader ay hindi semento kundi kahoy mismo. May ilang tao na nakatingin sa'kin, nahalata nilang bagong salta lamang ako dito sa kanila. Pinagkaguluhan rin nila 'yong kotse ko na nakaparada sa tapat ng bahay nina Myco. "Uy! Huwag niyong hahawakan 'yan, baka magasgasan, mahal pa naman 'yan." Asik ni Myco sa kanyang mga kapitbahay nang mapansin na pinagpyestahan nila 'yong sasakyan ko. "No, it's okay." Sagot ko. Hindi naman bigdeal sa akin kung hawakan nila 'yon, as long as hindi nila masira. Tuluyan nang nakapasok si Myco sa loob ng kanilang bahay, sinundan ko siya at kaagad ko na naman sinuri ang kabuuan nito sa loob. Maayos naman kung ilalarawan ko, may munti silang sala at sa left side noon ay dining table nila na kumukonekta na rin sa kusina. Iyong refrigerator nakapwesto malapit sa hagdanan. Napat

  • That Tuesday Night   Chapter 11

    "Eliza, may importante akong lakad ngayong araw." Nagpapadyak si Myco sa sahig pagkarinig ng sinabi kong kailangan ko syang itrained ngayon. Humingi na rin ako ng tulong kay Freda ukol sa bagay na ito dahil desididong-desidido ako. Mabuti na nga lang ay nakaalis na si Mama nang sa ganoon ay makausap ko ng maayos si Myco ukol sa binabalak kong gawin. "I-cancel mo muna." Sagot ko pagkatapos ay isinuot ko na iyong hikaw ko pagkatapos ay naglagay ng light make-up sa mukha ko. Narito kami sa kwarto ko at kanina pa pumapalya si Myco dahil nga may trabaho daw sya ngayong araw. "Ano? Nababaliw ka na ba? Nangako ka sa'kin na pagkatapos ng dinner natin kasama ng parents mo ay hindi mo na'ko guguluhin. E, ano na naman 'tong hinihingi mo sa'kin?" Linapitan na ako ni Myco at puwesto sa left side ko. Hindi ko sya nagawang tignan dahil busy nga ako sa paglalagay ng make-up sa mukha ko. Para syang bata na pinipilit payagan sa gusto nya. "It was just a simple favor, Myco, relax." Pagpapakalma ko

  • That Tuesday Night   Chapter 10

    "Aki, 'yong pinto ilock mo ng mabuti pati 'yong mga bintana. Kumain na ba kayo? Ah, sige. Hoy! Huwag nyong kalimutang maghalfbath bago matulog ah. 'Yong kama pagpagin ng mabuti saka ayusin 'yong punda at bedsheet. Ilock mo rin pala pati 'yong gasul tsaka 'yong mga sinampay natupi mo na ba? Sige. Oo, nag-overtime ako kaya ikaw muna bahala dyan. Ulol! Bantayan mo si Mia kundi patay ka sa'kin. Tawagin mo mga kapitbahay kapag may napapansin kang kakaiba ha? Ingat kayo dyan." Halos mabingi ako sa pakikipag-usap ni Myco sa kanyang selpon at hindi ko rin mawari kung sino 'yong kausap nya basta ang dinig ko ay 'Aki'ang pangalan noon. Nagkunwari akong nagbabasa ng harry potter kong libro dito sa kama habang palihim na sumusulyap sa kanya. Even we're not that close, curious rin ako sa family background nya. Gusto ko rin makasigurado na hindi sya nagmula sa masamang pamilya. Mabilis akong umiwas nang magtama ang tingin namin. Napansin yata nyang nakatingin ako sa kanya kaya mabilis akong gumaw

  • That Tuesday Night   Chapter 9

    "Seriously? Naisip mong magkunwaring nahimatay kesa umaktong kaya mong maglaro ng billiards?"Nakatanggap kaagad si Myco ng sermon sa akin pagkagising nya. Nakahiga sya sa kama dito sa may guest room. Ngiting tagumpay nga ang nakaguhit sa labi nya dahilan para mainis ako lalo. Kung pwede lang na daganan sya ay ginawa ko na. "Kaysa naman malampaso ako ng Papa mo. Tsaka, magpasalamat ka nalang, pwede? Atleast natakasan ko na sya kaysa magmukha akong mangmang doon na 'di alam kung pa'no maglaro ng pisteng billiards na 'yan." Depensa nya't inayos ang dalawang braso sa kanya ulo't ginawa itong unan. "'Di ba sabi ko sa'yo kanina, gayahin mo na lang kung paano maglaro si Papa?""E hindi ko nga nakuha 'yong mga moves nya." Depensa nya. "Myco, ano na lang ang iisipin nina Mama at Papa sa'yo? Jusmiyo naman." Napahilot ako sa aking sentido. Pakiramdam ko sasabog 'tong ulo ko sa inis. "Sana umakto ka na lang na parang alam mo kung pa'no maglaro non.""Tapos ano, pagtatawanan ako ng Papa mo kap

  • That Tuesday Night   CHAPTER 8

    "Ma, Pa, nandito na po si Myco, boyfriend ko."Nakayakap ako sa braso ni Myco habang masaya syang ipinakilala kina Mama at Papa. Kaharap namin sila rito sa may sala dahik kararating lang namin. Hindi maipinta ang tuwa na makikita sa kanilang mukha dahil sa wakas ay pumunta na ang boyfriend ko dito sa bahay. "Hello po, Maam, Sir." Magalang na pagbati ni Myco sa kanilang dalawam inilahad nya pa ang kamay nya para makipagshakehands. Masayang tinugon naman 'yon nina Mama at Papa. "Naku, tita nalang ang itawag mo sa'kin, hijo.?" Ani Mama pagkatapos nyang makipagkamay kay Myco. "Tito na lang din ang itawag mo sa'kin." Ani naman ni Papa. "S-sige po." Alanganing sagot ni Myco saka sinulyapan ako. Tumango ako bilang senyales sa kanya na hayaan ang gusto nina Mama at Papa na tawagin nya ang mga ito ng Tita at Tito. "Ang gwapo naman talaga ng mamanugangin ko," tinapik ni Papa ang braso ni Myco, bahagya nya pa itong hinimas. Tuwang-tuwa sya dahil pumunta si Myco dito sa bahay. Kahit naman noo

  • That Tuesday Night   Chapter 7

    "Makakauwi ka na kung 'di mo na kaya." Nakakrus ang mga braso ni Myco habang nakasilong sya sa tent na nakatingin sa akin. Abala akong hinahalo ang semento na gagamitin nila sa pagflooring ng bahay na ginagawa nila. Ramdam ko ang init ng araw dahil nakabilad ako, nakasuot ako ng manipis na jacket at sumbrero. Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi lang ako despereda na mapapayag si Myco sa gusto kong magpanggap sya. Napilitan akong gawin ang gusto nyang tumulong sa paghalo ng semento. Habol ko ang aking hininga na tumingin sa kanya. Inirapan ko pa sya't gusto ko syang lapitan para ipamukha sa kanyang hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa nya sa akin. No choice naman ako kundi sumunod na lang sa gusto nya tutal mukhang malapit na syang pumayag sa gusto ko. "Hoy! Kaya ko 'no." Asik ko, hinalo ko na naman 'yong semento." Sisiw lang 'to sa akin." Palusot ko kahit mamamatay na ako sa init. Nauuhaw na rin ako kung tutuusin. "Sisiw daw, e ba't nakabusangot ka dyan?" Dinuro nya pa ako n

  • That Tuesday Night   Chapter 6

    "Mabuti naman nandito ka na, Engineer," narinig kong usal ng isa sa mga kasamaan ni Myco na lumapit sa kanya. Kabababa nya lang sa sasakyan nito na motor. Tatlong lalaki ang lumapit sa kanya at nagtaka ako kung bakit tinawag syang engineer ng mga ito gayung trabahador lang naman sya dito. "Oh, bakit, anong meron?" Nagtatakang tanong nito sa tatlong lalaki. Maingat na inalis nya ang helmet na nakasuot sa kanyang ulo at kanya nya itong isinabit sa manibela ng kanyang motor. Inayos nya ang kanyang buhok at mukhang hindi nya ako napansin rito sa pwesto ko kahapon. Malapit lang kasi ang parking area nila dito sa pwesto ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ang tatlong lalaki at kusa na akong nagpakita kay Myco. Nagsitakbuhan tuloy ang mga kalalakihan at iniwan nila kaming dalawa ni Myco. Doon ko naman napansin ang iritadong reaksyon ni Myco noong nakita nya ako. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa dibdib ko, direkta ko syang tinignan habang nakataas ang isa kong kilay. Sa katunayan, sinady

  • That Tuesday Night   CHAPTER 5:

    "I need to find him, Freda. Whatever happens, I need to convince Myco. Hindi ako papayag na tanggihan nya ako ng ganon-ganon lang. Psh! Mali 'ata sya ng kinalaban, " naiinis na usal ko kay Freda habang nakakrus ang braso ko sa may dibdib ko. We're here at coffee shop, katabi ng company building namin. Dito namin napag-usapan na magkikita tutal dito ang meeting place namin palagi kapag may pag-uusapan kaming importante. I already told her about what happened last night. At gaya ng inaasahan ko, gulat na gulat nga sya. Napatakip sya sa kanyang bibig dahil sa gulat at bahagya pang namilog ang kanyang mga mata. Imbes na tanugin ako kung naging successful ang pagkukunwari namin ni Myco, mas lalo nyang pinagtuunan ng pansin ang binata. Gosh! "Bes, huwag mo na kasing pilitin 'yong tao kung ayaw, kawawa naman, " Freda commented while pouting. I know, she was just concern about Myco not for me." 'Di ba nga, sinabi nya sa'yong hindi nya kaya ang pinapagawa mo. Sapat na 'yong dahilan para ha

DMCA.com Protection Status