Share

Chapter 2

Author: Yassieebells
last update Last Updated: 2021-12-01 09:06:12

"I thought you're going together with your boyfriend, Eliza?"

Iyon na kaagad ang bungad ni Kuya sa akin pagpasok ko palang sa bar kung saan gaganapin ang party na pinagawa niya. Bumungad na agad sa'kin ang ingay ng paligid. Amoy na amoy ko na rin ang alak at muntik pa akong bumahing sa baho noon.

I rolled my eyes. Naprepressure ako ng sobra kapag usapang boyfriend na. Guilty ako dahil wala naman talaga akong boyfriend. Takot lang ako na malaman nilang nagpapanggap akong meron akong boyfriend.

"He's busy, Kuya." Palusot ko. Inayos ko pa ng bahagya ang aking buhok dahil nagulo iyon habang naglakad ako papasok ng bar.

"Busy? That much?" Sarkastimong ani niya. Matalim ang tingin na tinapon ko sa kanya. Ayoko ang tono ng kanyang boses. What if nalang kung totoong may boyfriend ako, edi naoffend ako nang wala sa oras. Psh!

Nagsimula ang party nang masaya at maingay. Nakipagchikahan ako sa mga kaibigan ni Kuya since ilan sa kanila ay kaclose at kilala ko na. Wala akong ininvite na friends since Freda is not available. Siya lang naman ang gusto kong imbitahan kapag ganitong may party except noon sa bahay. 

At isa pa, ayokong mag- invite nang kung sino-sino dahil baka matipuhan nila si Vince ko. Ayoko pa namang may kaagaw pagdating sa crush kong iyon. Masyado siyang gwapo para ipamigay sa iba.

Napasarap ang kwentuhan namin kaya hindi ko namalayan na naupo si Vince sa tabi ko. Iyon nalang kasi ang bakanteng upuan at sinadya kong ilagay ang pouch ko roon para kay Vince. Akala ko kanina hindi na siya darating. Ginanahan tuloy akong magkwento tungkol sa college journey ko 

Kaliwa't kanan ang tanong ng mga kaibigan ni Kuya sa akin. Syempre, nandito si Vince kaya nagpakitang gilas ako. Kahit hindi nila tinatanong ay kinukwento ko sa kanila. Napapansin ko tuloy ang pagngisi ni Kuya everytime na magtatama ang tingin namin. Alam kong nahuhuluaan niyang nagmamayabang ako since nasa tabi ko si Vince. Gosh!

Naglaro pa kami ng spin the battle. Aminado akong nag-enjoy ako roon kahit pa man hindi humihinto ang bote sa harapan ko. Hinihintay ko lang naman ang turn ko since iyon ang mechanics ng laro namin.

Huminto ang bote sa harap ni Vince kaya naging excited aki bigla sa itatanong nila sa kanya. Akala ko tungkol sa girlfriend thing ang itatanong nila sa kanya ay hindi pala. Tanga ba naman kasi ng kaibigan ni Kuya, minsan na nga lang magtanong hindi niya pa sinagad. Kainis.

Nawalan tuloy ako ng gana dahil sa katangahan ng isang kasama namin. Hinintay ko lang ang turn ko na huminto ang bote sa harapan ko. After a few minutes ay huminto nga ito. Lahat tuloy ng tingin ay nasa akin. Nagkuwanri akong walang pakialam pero sa kaloob-looban ay talagang natutuwa ako. Sana lang about sa boyfriend ang itanong nila sa akin. Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaksyon ni Vince once na malaman niyang may boyfriend ako.

"Eliza, sino ang crush mo?" Tanong ni Ate Meredith sa akin. Naghiyawan silang lahat na animo'y excited sa magiging sagot ko. 

"Uhmm.." Kunwaring nag-isip pa ako para hindi masyadong halata na kinikilig ako. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin si Vince sa akin. Para akong highschool student kung kiligin.

Siguro ito na ang time para ipaalala ulit kay Vince ang paghanga ko sa kanya. Hindi naman ako naghahangad ng kapalit e. Nagbabakasakali ako na baka this time pagbigyan na niya ang paghanga ko sa kanya.

"Uhmm...si---"

"Sus! May boyfriend na kaya 'yan," pamumutol ni Kuya sa sasabihin ko.

Lahat ay nagulat sa sinabi ng Kuya ko. Naghiyawan sila at halatang kinikilig. Hindi ko tuloy maiwasan na tignan ng masama ang Kuya kong epal.

"Seryoso, may boyfriend ka na, Eliza? Uwu! Who's the lucky guy?" Excited na bungisngis ni Ate Sandra at bahagya pang tinatakpan ang bibig.

Narinig ko ulit ang kanilang hiyawan. Ang ilan ay pinilit pa akong ireveal kung sino ang boyfriend ko. Since wala naman akong ganoon, tumawa nalang ako ng malakas at gumawa ng paraan para ilayo ang usapan.

Gosh! Ayoko sanang mag-assume pero iba talaga ang tingin ni Vince sa akin pagkarinig sa sinabi ni Kuya. Nagseselos ba siya o nacucurious lang?

"Congrats, Eliza." Bati ni Vince sa akin. Kami nalang ang natira dito sa table namin. Ang mga kasama namin including Kuya ay naroon sa dancefloor, sumasayaw. Umingay tuloy ang paligid dahil sa music na nakakaindak. Hindi naman ako marunong sumayaw kaya nagpaiwan ako.

Kanina ko pa napapansin ang ilang kababaihan na nakatingin kay Vince. Tulad ko, hindi niya rin ito pinapansin. Masyado atang conservative ang lalaking ito. O, baka naman mapili siya sa babae? Who knows, right?

"You already congratulate me," pagtutukoy ko noon sa naging usapan namin sa party sa bahay. 

Natawa siya ng mahina habang nilalaro ang alak na naroon sa baso nitong hawak. He look so cool. Para siyang hollywood star sa kanyang dating. Kaya siguro napapatingin ang mga kababaihan dahil sa dating niyang nakakaagaw atensyon.

"It's not about your graduation," usal niya."Congrats because you have a boyfriend na. I'm happy for you, Eliza. Hope you are happy to that guy."

Para bang may tumusok na karayom sa dibdib ko pagkarinig sa sinabi niya. Akala ko magseselos siya sa ginawa ni Kuya pero hindi pala. So ganoon, nasaktan na naman ako dahil sa aking pag-aassume.

Hindi ko akalain na ganoon ang sasabihin nito sa akin. Mukhang wala nga talaga siyang pake. At ang masakit pa roon, binati niya pa ako. Gosh! Karma ba ito?

"T-thank you."

Muntik pa akong mautal sa pagsasalita. Nawalan ang lakas pati ang bibig ko dahil sa mga narinig kong sinabi niya. Napansin ko nalang ang sarili ko na sunod-sunod na tumagay ng alak. Iniwan na ako ni Vince at kung nasaan man siya ay hindi ko na alam. 

Sa dami ba naman kasi ng tao sa mundo, bakit sa kasing manhid niya pa ako nagkagusto? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, ilang beses na nga niyang pinamukha na hindi niya ako gusto, umasa pa rin ako. 

Isa-isa nang nagpapaalam ang mga kaibigan nina Kuya sa amin. It's getting late na. Nararamdaman ko na rin ang tama ng alak sa katawan ko. Hindi ako tuloy nakapagpasalamat sa mga kaibigan ni Kuya sa pagpunta nila sa hurtful party na ito para sa akin. Damn!

"Hoy! Broken ka ba? Ba't lasing na lasing ka yata?" Tanong ni Kuya habang akay-akay niya ako palabas ng bar. Kulang nalang ay humalik na ako sa sahig sa lakas ng tama ng alak sa akin. Masyadong mababa ang alcohol tolerance ko. Sana lang kayanin ko bukas ang malupitang hangover.

"Luh! Ewan ko nga ba at bakit dito sa bar mo naisipang gawin 'yong party. Kaya heto, nalasing na ako." Muntik akonh mawalan ng balanse dahil sa pagiging malikot ko. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Kuya at kung hindi baka bumagsak na ako sa sahig.

"Ba't parang kasalanan ko pa?" Asik niya at halata sa kanyang boses ang inis.

"Dinala mo ako rito e."

"Whatever." Wika niya at inakay ako pasakay sa kanyang sasakyan. Wala akong masakyan pauwi dahil nagpahatid lang naman ako kanina.

Inalalayan niya ako papasok ng passenger seat. Ingat na ingat ito na baka tumama ang ulo ko sa kisame ng kanyang sasakyan. After niya akong maiupo ay umikot naman ito papasok sa driver seat. Nakita niyang hindi ako nakaseatbelt kaya siya na ang nag-abalang maglagay noon para sa akin.

Bago niya binuhay ang makina ay tumingin ito ng makahulugan sa akin. Para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya kahit ang totoo ay wala naman. Weird.

"Tsk! Mahal ka ba talaga ng boyfriend mo? Talaga bang seryoso siya sa'yo, Eliza?" Ramdam ko sa beses niya ang inis.

Nasapo ko ang aking noo dahil sa sinabi niya. Padabog pa akong sumandal sa aking kinauupuan pagkarinig sa sinabi niya. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya o magbibingi-bingihan nalang ako.

Ayokong pag-usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon. Baka mamaya ay madulas ang dila ko't masabi ko sa kanya ang sikreto ko. Hindi pa ako handa na malaman nila ang lihim ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko ginusto na magsinungaling sa kanila. Natatakot lang ako na madissapoint sila.

Mula pagkabata ay naiimpress ko na silang lahat nina Mama. Ayokong masira ang record ko sa kanila dahil lang doon. Alam ko na malulutasan ko ang problema kong ito sa tamang panahon. All I need to do now is to trust the process.

"Bakit ba ang interesadong-interesado kayo masyado sa boyfriend ko?" I tried to calm myself. Nagsisimula na naman akong mairita. Baka naman epekto ito ng alak. Well, I don't know.

Bumuntong-hininga ito ng malalim tsaka ako tinapunan ng seryosong tingin. Mabilis siyang basahin kaya nasisiguro kong seryoso na siya ngayon.

"Sino ba naman kasi ang hindi magdududa sa boyfriend mo. Ni hindi ko alam ang pangalan niya maski pagkatao niya. Syempre, bilang Kuya mo, nararapat kitang pakialaman sa bagay na iyon. Ayoko lang na masaktan at mapahamak ka, Eliza." Sermon nito sa akin.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon ang naging tanong niya sa akin kanina. Never akong nagpakilala ng boyfriend sa kanya pati na rin kina Mommy. Maski anino ng kunwaring boyfriend ko ay hindi pa nila nakita. Wala din naman akong alam na pangalan para sabihin sa kanila. Natatakot akong magsambit ng pangalan dahil baka hanapin nila ito sa social media. Nakakatakot ang sitwasyon kong ito.

"Sa talino kong ito, Kuya, sa tingin mo magiging bobo ako sa pagpili ng lalaki? Well, doon ka nagkakamali. And besides, I can handle this kaya kumalma ka, pwede?" asik ko.

Napailing ito na mukhang hindi kumbinsido sa mga sinabi ko. Hindi ko naman siya pinipilit na paniwalaan ako. Nasa kanya kung magpapauto ito sa akin. Psh!

Inaway ko pa si Kuya habang nasa byahe kami. Sinabi ko sa kanyang hindi ako natuwa na ipinaalam niya sa mga kaibigan nito na may boyfriend na ako. Dahil sa pagiging epal niya kanina, imbes na magselos si Vince ay mukhang natuwa pa. Fuck!

"How many times do I have to tell you na hinding-hindi ka papatulan ni Vincent. Bakit ba hindi mo 'yon matanggap." Kuya laughed after he said those shit words.

I rolled my eyes. Masama ang tingin na itinapon ko sa kanya. Pagdating kay Vince, si Kuya ang number one basher ko. Gosh! Hindi pa ako sikat, may basher na ako.

"Wow! Ang supportive mo,ha!"

Tumawa ito ng malakas na lalo ko pang ikinais. Kung alam niya lang kung paano nagmukhang tanga sa harap ni Vince habang binabati ako ng malaman na mayroon na akong nobyo. Gosh! Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari sana pala hindi na ako sumali sa laro kanina. Nasaktan tuloy ako.

"I'm just being honest, my little sis," ani niya habang abala sa pagmamaneho. "Ayoko lang na magmukha kang tanga kakaasa sa doktor na 'yon. Halata naman kasi na friendzone ka lang doon e. Marami pang iba dyan tsaka may nobyo ka diba? Unknown boyfriend, I guess." 

Umilig pa siya ng ilang beses at bahagya pa itong natawa. Unknown boyfriend daw dahil maski anino nito ay hindi niya nakita. Tsk! That's not my problem anymore.

"Palagi mo kasi akong binabati pagdating kay Vince, ayon tuloy nausog na." Reklamo ko sa kanya. Natawa ulit siya sa sinabi ko.

"Tsk! Hindi 'yon usog, baka talagang hindi siya para sa'yo." 

Hindi naman nakakatuwa ang sinabi niya kaya sa inis ay kinurot ko siya sa kanyang braso. Kung hindi lang siya nagmamaneho baka bugbog sarado na ito sa akin.

Niyaya muna niya akong sumimsim ng kape sa malapit na coffee shop. Hindi na ako pumalag dahil gusto kong mahimasmasan. Nagbabakasakali akong mababawasan noon ang pagkahilo ko. 

Dalawang tasa ng kape ang pinaorder ko kay Kuya. Sana lang talaga kayanin ko ang hangover bukas. Nabalot ang katahimikan sa pagitan namin ni Kuya hanggang sa makauwi kami.

Around 3am na nang makauwi kami sa bahay. Dito na raw siya matutulog since inaantok na siya. May trabaho naman daw ang asawa niya. Itetext nalag daw niya na narito siya sa bahay.

Tahimik ang buong bahay nang makauwi kami. Sign iyon na tulog pa ang lahat including sina Mama at Papa. Tahimik nalang kami na pumaroon sa kanya-kanya naming mga kwarto.

Naghalfbath muna ako bago nag-ayos upang makatulog na. After I did my skin care routine ay humiga na ako sa aking kama. Medyo nahihilo pa ako kaya bumaba ako papuntang kusina upang uminom ng tubig.

I am really tired. Isama mo na rin ang masakit na pagbati sa akin ni Vince knowing that I have a boyfriend. Tinatanong ko pa nga ang sarili ko kung naguiguilty ba siya sa mga sinabi niya sa akin. Alam naman niya siguro na may gusto ako sa kanya. Ginagawa niya ba lahat ng iyon para saktan ako tutal alam niyang crush ko siya? Damn!

The next morning, around 11am na akong nagising. Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman kong para itong mabibiyak. Muntik pa akong matumba nang maglakad ako papasok ng banyo.

Ito ang kinaiinisan ko lahat kapag umiinom ako. I really hate for having a hangover. Mabuti sana kung ganoon kadaling magtiis sa sakit ng ulo.

Para mabawasan ang pagkahilo ko ay kaagad na akong naligo. Sana lang mamaya ay bumuti na ang pakiramdam ko. Hindi ako matutuwa kung magtatagal pa itong sakit ng ulo ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabunutan ang aking ulo. Sobrang sakit kasi noon. Matagal-tagal na rin noong huli akong nakaranas ng hangover. Sobrang busy ko sa schoolworks kaya walang time para gumimik.

"Goodmorning, baby." Bati sa akin ni Mama nang makita akong papalapit ako sa dining table namin. Hindi ko nakita si Kuya roon na kasalo nila. Hindi kaya umuwi na iyon o tulog pa?

Dahil sa masakit ang aking ulo ay hindi ko nabati pabalik sina Mama at Papa. Hinalikan ko nalang sila sa pisngi at nginitian. 

Para akong lantay gulay na naupo sa kanilang harapan. Pinagsilbihan naman ako ng isa naming kasambahay. Sinalinan niya ng gatas ang basong naroon sa may left side ko. 

"Are you okay, Eliza? Nais mo bang magpatawag ako ng doktor para tignan ka?" Nag-aalalang tanong ni Papa.

Kung kukuha ka ng dokor,Papa, kahit si Vince nalang baka sakaling matuwa pa ako.

"Pa, okay lang po ako. Naparami lang ako ng inom kagabi." Saad ko at nagsimula nang kumain. Kumakain sila ng lunch samantalang ako breakfast pa lang. Nirequest ko kasi na ayoko munang kumain ng pananghalian. Hindi ako sanay na 'di kumakain ng breakfast.

"Mukhang nag-enjoy ka sa party na ginawa ng Kuya mo sa'yo." Mom said. Natutuwa talaga siya kapag inaalala ako ni Kuya. She was happy knowing that my big brother do something on me like giving some effort.

"Yes, Ma." Walang ganang sagot ko."Nasaan pala siya? Did he go to work already?"

"Yeah," tumango si Mama."Nagmamadali nga siyang umalis kaninang umaga." 

Tumango ako at hindi na ulit nagsalita. Nag-uusap silang dalawa about business. Hindi ko naman maintindihan ang pinag- uusapan nila kaya tumahimik nalang ako. Sa aming lahat ay ako lang ang hindi business minded. I don't know why.

"By the way, Hija." Pagkuha ni Mama sa atensyon ko. Tinignan ko siya at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"This coming tuesday, we have a dinner with our relatives at the famous restaurant here at city. You need to be extra presentable lalo na excited silang makita ka," pagpapatuloy ni Mama.

Muntik pa akong masamid sa sinabi niya. May celebration na naman ba sa graduation ko? Grabe naman! Ano ito, hindi maputol-putol na celebration? Gosh! 

"Don't tell me that dinner is also a part for my graduation celebration?" Tanong ko. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana. Hindi pa naman ako sociable na tao. Sa mga malalapit na tao lang ako nakikihalubilo. And besides, I don't know how to approach other people.

"Exactly." naghand gesture pa si Mama at tuwang-tuwa silang dalawa ni papa. Hindi ko alam kung nararapat ba akong matuwa sa mga nangyayari. I hate being exposed, to be honest.

"Ma, katatapos lang ng party na binigay ni Kuya sa akin meron na naman? Grabeng celebration naman ng graduation ko 'yan, hindi maputol-putol." Nakangusong saad ko.

"Oh, anong masama roon? Dapat ka pa ngang matuwa dahil marami ang nasisiyahan sa tagumpay mo. Ngayon mo mairerealize na hindi lang kami ang proud sa'yo, Eliza. Even our relatives are happy for your success." Masiglang aniya Mama.

Napahilot ako sa aking sentido. Gustuhin ko man na pumalag ay hindi ko na nagawa. Relatives namin ang dadalo sa dinner na iyon. Ayokong isipin nila na ayaw ko silang iaapproach. Kinakailangan ko nalang na makipagplastik para hindi ako mapahiya sa kanila.

"Malay natin baka sila pa ang mag-offer ng trabaho sa iyo after you pass your board exam." Sabat ni Papa sa usapan. Abala siya sa pagpupunas sa gilid ng kanyang labi na bahagyang nadumihan.

"Alam niyo naman na nakaplano na ako kung saan ko gustong magtrabaho, 'diba?"

Nasabi ko noon sa kanila kung saang kompanya ko balak magtrabaho. Pangarap ko iyon mula noon kaya ipinangako ko sa aking sarili na once makapasa ako ng board exam ay doon ako magtratrabaho.

"Malay lang naman natin.Hehehe."

"Nga pala, anak, baka hanapin nila ang boyfriend mo kaya sabihin mo na pumunta siya."

Nabilaukan ako sa sinabi ni Mama kaya dali-dali itong napatayo at iniabot ang baso ng tubig sa akin. Hinagod-hagod niya ang aking likod at pansin ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Be careful, Eliza. What's wrong with you? Are you okay, huh?" Nag-aalalang tanong ni Mama. Nakatingin naman si Papa sa amin na animo'y nag-aalala rin sa akin.

"Ma, ba't naman pati iyong boyfriend ko nasali sa usapan?" Reklamo ko nang makabalik na si Mama sa kanyang pwesto kanina.

Nagkatinginan silang dalawa bago ako sinagot. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan ko pang magdala ng boyfriend. Required ba iyon kapag kasama ang relatives? Gosh!

"Hija, pati ba naman sa salo-salo kasama ang ating mga kamag-anak ay hindi sisipot ang nobyo mo? Hindi maaari, sabihin mo sa kanya na pupunta siya or else humanda siya sa akin." Ramdam ko ang banta sa tono ng boses ni Mama.

Biglang namuo ang pawis sa noo ko. Taena! Sino naman ang dadalhin ko at ipapakilala sa kanila? Sana lang ganoon kadaling humanap sa takteng dating app na 'yan.

"Ma--"

"Ano bang meron sa nobyo mo at ayaw niyang magpakilala sa amin? Eliza, nasa tamang edad ka na, oo, pero, bilang mga magulang mo ay concern rin kami bagay na iyon. Ayaw namin na masaktan, umiyak at mapahamak ka. Hindi naman mahirap kung haharap siya sa amin at magpakilala ng personal. Kung talagang matapang siya, harapin niya kami. Hindi naman importante sa amin kung mayaman ito o may itsura basta ang mahalaga ay makilatis namin." Mahabang diskorso ni Papa sa akin. Bahagya niya pang tinapik ang mesa na nagdulot ng ingay sa  paligid.

Huhuhuhu! E anong magagawa ko, wala naman talaga akong boyfriend.

Kung alam lang nila kung gaano ako kahirap sa akin mag-isip ng paraan para mapagtakpan ang sikreto ko. Sana ganoon lang kadali na maghire ng lalaki na magpapanggap bilang boyfriend ko. Sana ganoon kadali lahat para matapos na ang problema ko.

"Pero, Pa..."

"Wala nang pero-pero, Eliza. Dalhin mo ang nobyo mo, sa ayaw at sa gusto mo. Maliwanag?" 

Dahil sa takot na baka uminit ang ulo ni Papa ay tumango nalang ako. Kahit pa man ilang beses akong pumalag ay siya pa rin ang masusunod. Sanay na sanay pa naman ako na laging sumusunod sa mga gusto niya.

Damn! Saan naman ako makakahanap ng lalaking magpapanggap bilang boyfriend ko?

Related chapters

  • That Tuesday Night   Chapter 3

    "What's your order, Faith?" Narinig kong tanong ng lalaking nakilala ko sa dating app kagabi. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makipagmeet up sa kanya. Well, desidido nga pala akong maghanap ng lalaking magpapanggap bilang nobyo ko. "Kahit ano nalang." tipid na sagot ko. I smiled at him at pasimpleng bumuntong hininga. Sinabi nya sa waiter na igaya nalang nya ang order ko sa inorder nya. Honestly, nireto lang siya ni Freda sa akin. Despereda akong makahanap ng lalaki kaya naman tinanggap ko ito. Masasabi ko naman na may hitsura ang lalaking kasama ko. Para syang model kung ilalarawan ko. May kalakihan rin ang kanyang braso lalong lalo na ang kanyang panga. But, hindi ako ganoon kaattracted sa kanya. Gagamitin ko lang sya sa plano ko, hanggang doon lang. Sana lang wala akong makitang bad sides sa kanya at kung hindi iiwan ko siya rito. Mula kagabi ay limang lalaki na ang kinameet up ko pero lahat sila ay sex ang habol. Gosh! Hindi ako ganoon kababaw para pagbigyan sila. They

    Last Updated : 2021-12-01
  • That Tuesday Night   CHAPTER 4

    "Teka lang, Miss, nababaliw ka na ba? Ba't mo'ko pinakilala sa tatay mo bilang nobyo mo, e, 'di nga kita kilala. " Halos umusok na ang ilong ng lalaking ipinakilala ko kay Papa kanina. Padabog niyang inalis ang braso kong nakapulupot sa kanya. Magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin. Kulang na lang ay patayin niya ako sa kanyang mga tingin. Nagpaalam ako kay Papa na mag-uusap pa kami ng boyfriend ko saglit bago kami pumasok sa loob. Mukha kasing naguguluhan ang lalaking hinablot ko nalang bigla kanina. Mabuti nalang at sumakay siya sa kalokohan ko't 'di kami nahalata ni Papa. Napahilot ako sa aking sentido dahil pakiramdam ko nadagdagan ang stress na aking nararamdaman. Isama mo pa'tong paghablot ko sa lalaking hindi ko naman kilala para ipakilala kay Papa bilang boyfriend ko. Wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko kanina. Kaso, hindi ko na alam ang susunod kong gagawin lalo na at hindi ko kilala itong lalaki. "So-sorry, " napakagat ako sa pang-ibaba kong labi dahil na

    Last Updated : 2021-12-19
  • That Tuesday Night   CHAPTER 5:

    "I need to find him, Freda. Whatever happens, I need to convince Myco. Hindi ako papayag na tanggihan nya ako ng ganon-ganon lang. Psh! Mali 'ata sya ng kinalaban, " naiinis na usal ko kay Freda habang nakakrus ang braso ko sa may dibdib ko. We're here at coffee shop, katabi ng company building namin. Dito namin napag-usapan na magkikita tutal dito ang meeting place namin palagi kapag may pag-uusapan kaming importante. I already told her about what happened last night. At gaya ng inaasahan ko, gulat na gulat nga sya. Napatakip sya sa kanyang bibig dahil sa gulat at bahagya pang namilog ang kanyang mga mata. Imbes na tanugin ako kung naging successful ang pagkukunwari namin ni Myco, mas lalo nyang pinagtuunan ng pansin ang binata. Gosh! "Bes, huwag mo na kasing pilitin 'yong tao kung ayaw, kawawa naman, " Freda commented while pouting. I know, she was just concern about Myco not for me." 'Di ba nga, sinabi nya sa'yong hindi nya kaya ang pinapagawa mo. Sapat na 'yong dahilan para ha

    Last Updated : 2022-01-20
  • That Tuesday Night   Chapter 6

    "Mabuti naman nandito ka na, Engineer," narinig kong usal ng isa sa mga kasamaan ni Myco na lumapit sa kanya. Kabababa nya lang sa sasakyan nito na motor. Tatlong lalaki ang lumapit sa kanya at nagtaka ako kung bakit tinawag syang engineer ng mga ito gayung trabahador lang naman sya dito. "Oh, bakit, anong meron?" Nagtatakang tanong nito sa tatlong lalaki. Maingat na inalis nya ang helmet na nakasuot sa kanyang ulo at kanya nya itong isinabit sa manibela ng kanyang motor. Inayos nya ang kanyang buhok at mukhang hindi nya ako napansin rito sa pwesto ko kahapon. Malapit lang kasi ang parking area nila dito sa pwesto ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ang tatlong lalaki at kusa na akong nagpakita kay Myco. Nagsitakbuhan tuloy ang mga kalalakihan at iniwan nila kaming dalawa ni Myco. Doon ko naman napansin ang iritadong reaksyon ni Myco noong nakita nya ako. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa dibdib ko, direkta ko syang tinignan habang nakataas ang isa kong kilay. Sa katunayan, sinady

    Last Updated : 2022-07-31
  • That Tuesday Night   Chapter 7

    "Makakauwi ka na kung 'di mo na kaya." Nakakrus ang mga braso ni Myco habang nakasilong sya sa tent na nakatingin sa akin. Abala akong hinahalo ang semento na gagamitin nila sa pagflooring ng bahay na ginagawa nila. Ramdam ko ang init ng araw dahil nakabilad ako, nakasuot ako ng manipis na jacket at sumbrero. Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi lang ako despereda na mapapayag si Myco sa gusto kong magpanggap sya. Napilitan akong gawin ang gusto nyang tumulong sa paghalo ng semento. Habol ko ang aking hininga na tumingin sa kanya. Inirapan ko pa sya't gusto ko syang lapitan para ipamukha sa kanyang hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa nya sa akin. No choice naman ako kundi sumunod na lang sa gusto nya tutal mukhang malapit na syang pumayag sa gusto ko. "Hoy! Kaya ko 'no." Asik ko, hinalo ko na naman 'yong semento." Sisiw lang 'to sa akin." Palusot ko kahit mamamatay na ako sa init. Nauuhaw na rin ako kung tutuusin. "Sisiw daw, e ba't nakabusangot ka dyan?" Dinuro nya pa ako n

    Last Updated : 2022-08-04
  • That Tuesday Night   CHAPTER 8

    "Ma, Pa, nandito na po si Myco, boyfriend ko."Nakayakap ako sa braso ni Myco habang masaya syang ipinakilala kina Mama at Papa. Kaharap namin sila rito sa may sala dahik kararating lang namin. Hindi maipinta ang tuwa na makikita sa kanilang mukha dahil sa wakas ay pumunta na ang boyfriend ko dito sa bahay. "Hello po, Maam, Sir." Magalang na pagbati ni Myco sa kanilang dalawam inilahad nya pa ang kamay nya para makipagshakehands. Masayang tinugon naman 'yon nina Mama at Papa. "Naku, tita nalang ang itawag mo sa'kin, hijo.?" Ani Mama pagkatapos nyang makipagkamay kay Myco. "Tito na lang din ang itawag mo sa'kin." Ani naman ni Papa. "S-sige po." Alanganing sagot ni Myco saka sinulyapan ako. Tumango ako bilang senyales sa kanya na hayaan ang gusto nina Mama at Papa na tawagin nya ang mga ito ng Tita at Tito. "Ang gwapo naman talaga ng mamanugangin ko," tinapik ni Papa ang braso ni Myco, bahagya nya pa itong hinimas. Tuwang-tuwa sya dahil pumunta si Myco dito sa bahay. Kahit naman noo

    Last Updated : 2022-08-07
  • That Tuesday Night   Chapter 9

    "Seriously? Naisip mong magkunwaring nahimatay kesa umaktong kaya mong maglaro ng billiards?"Nakatanggap kaagad si Myco ng sermon sa akin pagkagising nya. Nakahiga sya sa kama dito sa may guest room. Ngiting tagumpay nga ang nakaguhit sa labi nya dahilan para mainis ako lalo. Kung pwede lang na daganan sya ay ginawa ko na. "Kaysa naman malampaso ako ng Papa mo. Tsaka, magpasalamat ka nalang, pwede? Atleast natakasan ko na sya kaysa magmukha akong mangmang doon na 'di alam kung pa'no maglaro ng pisteng billiards na 'yan." Depensa nya't inayos ang dalawang braso sa kanya ulo't ginawa itong unan. "'Di ba sabi ko sa'yo kanina, gayahin mo na lang kung paano maglaro si Papa?""E hindi ko nga nakuha 'yong mga moves nya." Depensa nya. "Myco, ano na lang ang iisipin nina Mama at Papa sa'yo? Jusmiyo naman." Napahilot ako sa aking sentido. Pakiramdam ko sasabog 'tong ulo ko sa inis. "Sana umakto ka na lang na parang alam mo kung pa'no maglaro non.""Tapos ano, pagtatawanan ako ng Papa mo kap

    Last Updated : 2022-08-08
  • That Tuesday Night   Chapter 10

    "Aki, 'yong pinto ilock mo ng mabuti pati 'yong mga bintana. Kumain na ba kayo? Ah, sige. Hoy! Huwag nyong kalimutang maghalfbath bago matulog ah. 'Yong kama pagpagin ng mabuti saka ayusin 'yong punda at bedsheet. Ilock mo rin pala pati 'yong gasul tsaka 'yong mga sinampay natupi mo na ba? Sige. Oo, nag-overtime ako kaya ikaw muna bahala dyan. Ulol! Bantayan mo si Mia kundi patay ka sa'kin. Tawagin mo mga kapitbahay kapag may napapansin kang kakaiba ha? Ingat kayo dyan." Halos mabingi ako sa pakikipag-usap ni Myco sa kanyang selpon at hindi ko rin mawari kung sino 'yong kausap nya basta ang dinig ko ay 'Aki'ang pangalan noon. Nagkunwari akong nagbabasa ng harry potter kong libro dito sa kama habang palihim na sumusulyap sa kanya. Even we're not that close, curious rin ako sa family background nya. Gusto ko rin makasigurado na hindi sya nagmula sa masamang pamilya. Mabilis akong umiwas nang magtama ang tingin namin. Napansin yata nyang nakatingin ako sa kanya kaya mabilis akong gumaw

    Last Updated : 2022-10-16

Latest chapter

  • That Tuesday Night   Chapter 13

    "Bakit si Mama pa, e, nandito naman ako." Kunwaring nagtatampo na usal ni Myco habang pinapatahan ang bunsong kapatid na si Mia. "Oo nga naman, Mia. Mas dabest naman si Kuya mag-alaga sa'tin e." Sabat ni Marky sa usapan at nagthumbs up pa ito ng bahagya. Pinanood ko lang sila dahil wala akong ideya kung ano nga ba ang puno't dulo o dahilan kung bakit hinahanap ni Mia iyong nanay nila. Narinig ko nga lang kanina na galing sa kaniya iyong inuwi ni Marky na lechon manok. Nakaramdam ako ng kakaibang awa kay Mia. Sa paraan ng pag-iyak niya, alam kong hinahanap niya iyong Mama nila. Naalala ko ang sarili ko sa kaniya noong bata ako, umiiyak ako kapag hindi ko makita si Mama o 'di kaya naman kapag namimiss ko ito lalo na't pupunta sa ibang lugar para asikasuhin ang negosoyo namin. Kumalas si Mia at tinignan ng diretso si Myco. "Si Mama ang gusto ko, Kuya. Kailan ba siya uuwi?" Matamlay na tanong nito. Napahaplos si Myco sa buhok nito saka pilit na nginitian. "Nag-usap kami ni Mama, kap

  • That Tuesday Night   Chapter 12

    "Pasok ka," sinenyasan ako ni Myco na pumasok sa munti nilang bahay. Hindi ko siya kaagad sinundan papasok dahil sinuri ko muna ang kabuuan ng kanilang bahay. Maliit lamang iyon at ang pader ay hindi semento kundi kahoy mismo. May ilang tao na nakatingin sa'kin, nahalata nilang bagong salta lamang ako dito sa kanila. Pinagkaguluhan rin nila 'yong kotse ko na nakaparada sa tapat ng bahay nina Myco. "Uy! Huwag niyong hahawakan 'yan, baka magasgasan, mahal pa naman 'yan." Asik ni Myco sa kanyang mga kapitbahay nang mapansin na pinagpyestahan nila 'yong sasakyan ko. "No, it's okay." Sagot ko. Hindi naman bigdeal sa akin kung hawakan nila 'yon, as long as hindi nila masira. Tuluyan nang nakapasok si Myco sa loob ng kanilang bahay, sinundan ko siya at kaagad ko na naman sinuri ang kabuuan nito sa loob. Maayos naman kung ilalarawan ko, may munti silang sala at sa left side noon ay dining table nila na kumukonekta na rin sa kusina. Iyong refrigerator nakapwesto malapit sa hagdanan. Napat

  • That Tuesday Night   Chapter 11

    "Eliza, may importante akong lakad ngayong araw." Nagpapadyak si Myco sa sahig pagkarinig ng sinabi kong kailangan ko syang itrained ngayon. Humingi na rin ako ng tulong kay Freda ukol sa bagay na ito dahil desididong-desidido ako. Mabuti na nga lang ay nakaalis na si Mama nang sa ganoon ay makausap ko ng maayos si Myco ukol sa binabalak kong gawin. "I-cancel mo muna." Sagot ko pagkatapos ay isinuot ko na iyong hikaw ko pagkatapos ay naglagay ng light make-up sa mukha ko. Narito kami sa kwarto ko at kanina pa pumapalya si Myco dahil nga may trabaho daw sya ngayong araw. "Ano? Nababaliw ka na ba? Nangako ka sa'kin na pagkatapos ng dinner natin kasama ng parents mo ay hindi mo na'ko guguluhin. E, ano na naman 'tong hinihingi mo sa'kin?" Linapitan na ako ni Myco at puwesto sa left side ko. Hindi ko sya nagawang tignan dahil busy nga ako sa paglalagay ng make-up sa mukha ko. Para syang bata na pinipilit payagan sa gusto nya. "It was just a simple favor, Myco, relax." Pagpapakalma ko

  • That Tuesday Night   Chapter 10

    "Aki, 'yong pinto ilock mo ng mabuti pati 'yong mga bintana. Kumain na ba kayo? Ah, sige. Hoy! Huwag nyong kalimutang maghalfbath bago matulog ah. 'Yong kama pagpagin ng mabuti saka ayusin 'yong punda at bedsheet. Ilock mo rin pala pati 'yong gasul tsaka 'yong mga sinampay natupi mo na ba? Sige. Oo, nag-overtime ako kaya ikaw muna bahala dyan. Ulol! Bantayan mo si Mia kundi patay ka sa'kin. Tawagin mo mga kapitbahay kapag may napapansin kang kakaiba ha? Ingat kayo dyan." Halos mabingi ako sa pakikipag-usap ni Myco sa kanyang selpon at hindi ko rin mawari kung sino 'yong kausap nya basta ang dinig ko ay 'Aki'ang pangalan noon. Nagkunwari akong nagbabasa ng harry potter kong libro dito sa kama habang palihim na sumusulyap sa kanya. Even we're not that close, curious rin ako sa family background nya. Gusto ko rin makasigurado na hindi sya nagmula sa masamang pamilya. Mabilis akong umiwas nang magtama ang tingin namin. Napansin yata nyang nakatingin ako sa kanya kaya mabilis akong gumaw

  • That Tuesday Night   Chapter 9

    "Seriously? Naisip mong magkunwaring nahimatay kesa umaktong kaya mong maglaro ng billiards?"Nakatanggap kaagad si Myco ng sermon sa akin pagkagising nya. Nakahiga sya sa kama dito sa may guest room. Ngiting tagumpay nga ang nakaguhit sa labi nya dahilan para mainis ako lalo. Kung pwede lang na daganan sya ay ginawa ko na. "Kaysa naman malampaso ako ng Papa mo. Tsaka, magpasalamat ka nalang, pwede? Atleast natakasan ko na sya kaysa magmukha akong mangmang doon na 'di alam kung pa'no maglaro ng pisteng billiards na 'yan." Depensa nya't inayos ang dalawang braso sa kanya ulo't ginawa itong unan. "'Di ba sabi ko sa'yo kanina, gayahin mo na lang kung paano maglaro si Papa?""E hindi ko nga nakuha 'yong mga moves nya." Depensa nya. "Myco, ano na lang ang iisipin nina Mama at Papa sa'yo? Jusmiyo naman." Napahilot ako sa aking sentido. Pakiramdam ko sasabog 'tong ulo ko sa inis. "Sana umakto ka na lang na parang alam mo kung pa'no maglaro non.""Tapos ano, pagtatawanan ako ng Papa mo kap

  • That Tuesday Night   CHAPTER 8

    "Ma, Pa, nandito na po si Myco, boyfriend ko."Nakayakap ako sa braso ni Myco habang masaya syang ipinakilala kina Mama at Papa. Kaharap namin sila rito sa may sala dahik kararating lang namin. Hindi maipinta ang tuwa na makikita sa kanilang mukha dahil sa wakas ay pumunta na ang boyfriend ko dito sa bahay. "Hello po, Maam, Sir." Magalang na pagbati ni Myco sa kanilang dalawam inilahad nya pa ang kamay nya para makipagshakehands. Masayang tinugon naman 'yon nina Mama at Papa. "Naku, tita nalang ang itawag mo sa'kin, hijo.?" Ani Mama pagkatapos nyang makipagkamay kay Myco. "Tito na lang din ang itawag mo sa'kin." Ani naman ni Papa. "S-sige po." Alanganing sagot ni Myco saka sinulyapan ako. Tumango ako bilang senyales sa kanya na hayaan ang gusto nina Mama at Papa na tawagin nya ang mga ito ng Tita at Tito. "Ang gwapo naman talaga ng mamanugangin ko," tinapik ni Papa ang braso ni Myco, bahagya nya pa itong hinimas. Tuwang-tuwa sya dahil pumunta si Myco dito sa bahay. Kahit naman noo

  • That Tuesday Night   Chapter 7

    "Makakauwi ka na kung 'di mo na kaya." Nakakrus ang mga braso ni Myco habang nakasilong sya sa tent na nakatingin sa akin. Abala akong hinahalo ang semento na gagamitin nila sa pagflooring ng bahay na ginagawa nila. Ramdam ko ang init ng araw dahil nakabilad ako, nakasuot ako ng manipis na jacket at sumbrero. Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi lang ako despereda na mapapayag si Myco sa gusto kong magpanggap sya. Napilitan akong gawin ang gusto nyang tumulong sa paghalo ng semento. Habol ko ang aking hininga na tumingin sa kanya. Inirapan ko pa sya't gusto ko syang lapitan para ipamukha sa kanyang hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa nya sa akin. No choice naman ako kundi sumunod na lang sa gusto nya tutal mukhang malapit na syang pumayag sa gusto ko. "Hoy! Kaya ko 'no." Asik ko, hinalo ko na naman 'yong semento." Sisiw lang 'to sa akin." Palusot ko kahit mamamatay na ako sa init. Nauuhaw na rin ako kung tutuusin. "Sisiw daw, e ba't nakabusangot ka dyan?" Dinuro nya pa ako n

  • That Tuesday Night   Chapter 6

    "Mabuti naman nandito ka na, Engineer," narinig kong usal ng isa sa mga kasamaan ni Myco na lumapit sa kanya. Kabababa nya lang sa sasakyan nito na motor. Tatlong lalaki ang lumapit sa kanya at nagtaka ako kung bakit tinawag syang engineer ng mga ito gayung trabahador lang naman sya dito. "Oh, bakit, anong meron?" Nagtatakang tanong nito sa tatlong lalaki. Maingat na inalis nya ang helmet na nakasuot sa kanyang ulo at kanya nya itong isinabit sa manibela ng kanyang motor. Inayos nya ang kanyang buhok at mukhang hindi nya ako napansin rito sa pwesto ko kahapon. Malapit lang kasi ang parking area nila dito sa pwesto ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ang tatlong lalaki at kusa na akong nagpakita kay Myco. Nagsitakbuhan tuloy ang mga kalalakihan at iniwan nila kaming dalawa ni Myco. Doon ko naman napansin ang iritadong reaksyon ni Myco noong nakita nya ako. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa dibdib ko, direkta ko syang tinignan habang nakataas ang isa kong kilay. Sa katunayan, sinady

  • That Tuesday Night   CHAPTER 5:

    "I need to find him, Freda. Whatever happens, I need to convince Myco. Hindi ako papayag na tanggihan nya ako ng ganon-ganon lang. Psh! Mali 'ata sya ng kinalaban, " naiinis na usal ko kay Freda habang nakakrus ang braso ko sa may dibdib ko. We're here at coffee shop, katabi ng company building namin. Dito namin napag-usapan na magkikita tutal dito ang meeting place namin palagi kapag may pag-uusapan kaming importante. I already told her about what happened last night. At gaya ng inaasahan ko, gulat na gulat nga sya. Napatakip sya sa kanyang bibig dahil sa gulat at bahagya pang namilog ang kanyang mga mata. Imbes na tanugin ako kung naging successful ang pagkukunwari namin ni Myco, mas lalo nyang pinagtuunan ng pansin ang binata. Gosh! "Bes, huwag mo na kasing pilitin 'yong tao kung ayaw, kawawa naman, " Freda commented while pouting. I know, she was just concern about Myco not for me." 'Di ba nga, sinabi nya sa'yong hindi nya kaya ang pinapagawa mo. Sapat na 'yong dahilan para ha

DMCA.com Protection Status