"Teka lang, Miss, nababaliw ka na ba? Ba't mo'ko pinakilala sa tatay mo bilang nobyo mo, e, 'di nga kita kilala. "
Halos umusok na ang ilong ng lalaking ipinakilala ko kay Papa kanina. Padabog niyang inalis ang braso kong nakapulupot sa kanya. Magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin. Kulang na lang ay patayin niya ako sa kanyang mga tingin.
Nagpaalam ako kay Papa na mag-uusap pa kami ng boyfriend ko saglit bago kami pumasok sa loob. Mukha kasing naguguluhan ang lalaking hinablot ko nalang bigla kanina. Mabuti nalang at sumakay siya sa kalokohan ko't 'di kami nahalata ni Papa.
Napahilot ako sa aking sentido dahil pakiramdam ko nadagdagan ang stress na aking nararamdaman. Isama mo pa'tong paghablot ko sa lalaking hindi ko naman kilala para ipakilala kay Papa bilang boyfriend ko. Wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko kanina. Kaso, hindi ko na alam ang susunod kong gagawin lalo na at hindi ko kilala itong lalaki.
"So-sorry, " napakagat ako sa pang-ibaba kong labi dahil nakaramdam na ako ng guilt. Sa hitsura nya ay mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Halos magsalubong na kasi ang kanyang mga kilay habang nakapameywang itong nakatingin sa akin ng diretso. Para bang pinamumukha nyang malaki ang atraso ko sa kanya.
"This is not funny anymore, Miss. Kung ano man 'yang letseng kalokohan mo, please, huwag mo'kong idamay. Nananahimik akong tao." Aniya na mukhang pinapakalma ang sarili para hindi niya ako masigawan.
Dahil sa naguilty ako ng sobra, linapitan ko siya at hinawakan siya sa kanyang braso. I looked at him with puppy eyes para kahit papaano ay maawa naman siya sa akin. "I know you're mad at me but I really need you, Sir. "
"Tsk! Baliw ka ba? Anong klase ng droga ang nahithit mo't sa'kin mo pa naisipang humingi ng tulong? Miss, workaholic akong tao kaya kung maaari, tigilan mo na ako. May mas mahalagang bagay akong gagawin kaysa makisali dyan sa kalokohan mo. " Usisa nya. Marahan niya pang inalis ang pagkakahawak ko sa kanyang braso.
Nagsimula na siyang maglakad ulit pero mabilis akong humarang sa kanyang daraanan. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Kung ilalarawan ko siya, aminado akong naiinis na siya sa akin. Pero, gusto ko lang naman humingi ng tulong sa kanya. 'Yon lang naman, wala ng iba pa.
"Miss, sabing 'di ako intere--"
"Please, Sir, I really need your help. " Pagpupumilit ko pa rin at hinawakan ko na siya sa kanyang braso. Wala na akong maisip na paraan. Wala na rin akong malapitan, tanging siya na lang. Kaya sana ay pumayag siyang magpanggap bilang nobyo ko.
"E, hindi nga kasi kita kilala. Pa'no nalang kung kasali ka sa grupo ng mga budol-budol. Kawawa naman ako nyan. " niyakap niya ang kanyang sarili. Napakamot naman ako sa aking ulo dahil napagkamalan niya pa akong kasali ng budol-budol.
"Mukha na ba akong gano'n sa paningin mo, huh?" Nainsulto ako sa sinabi niya kaya naman salubong ang kilay ko siyang tinignan.
"Slight lang naman, " naghand gesture pa siya.
"Anyway, pumayag ka na sa gusto ko, please? " pagbabalik ko sa naudlot naming usapan." Babayaran kita kahit magkano pa 'yan. "
Napansin ko kung paano siya umiling ng paulit-ulit. Pinaglaruan niya pa ang dila nito sa loob ng kanyang bunganga. Nakapameywang ito na humarap sa akin. Mukhang nauubos na ang kanyang pasensya.
He stared at me for a while at nagsalita ulit. "Ang kulit mo naman. " Napakamot siya sa kanyang ulo." Hindi kita kilala kaya bakit kita tutulungan?"
Mabilis kong iniabot ang kaliwang kamay ko sa kanyang harapan. Nagulat naman siya sa ginawa ko at the same time nagtaka rin. Pinagkunutan niya ako ng noo at hinintay ang mga susunod kong kilos.
"Faith Elizabeth ang pangalan ko. " pagpapakilala ko sa kanya. "You can call me Faith or Eliza, h'wag lang Beth. Graduate ako ng architecture sa UST nitong nakaraang araw lang. Mahilig akong bumili ng mamahaling bag at pabango. Mahilig rin akong magtravel kung saan."
"Tsk! Ano naman ngayon, mukha ba akong may pake, Miss? " pagsusungit nito sa akin at hindi manlang nag-abala na makipagshakehands sa akin at makipagkilala.
Napailing ako at binawi na ang kamay kong nasa kanyang harapan. Hindi ko alam kung nararapat pa ba akong magmakaawa sa lalaking ito o iiwan ko dahil sa kasungitan. I don't like the way he answer me. Nakakairita at hindi ako natutuwa sa mga sinasagot niya sa akin. Gosh!
Pinagkrus ko ang aking mga braso tsaka taas kilay ko siyang hinarap. Kung ilalarawan ko siya, atat na siyang matapos ang usapan namin. Mukhang nagmamadali siya pero hindi ko na lang pinansin. Naniniwala kasi akong siya ang kasagutan sa lahat ng panalangin ko. Kahit pa man nakakainis siya ay kailangan kong pagpasensyahan para maisagawa ko na ang plano ko.
"Nagpapakilala na ako para wala ka nang rason diyan para 'di ako pagbigyan. " Depensa ko ng medyo pabulyaw. Hindi ko alam kung napansin niya 'yon o hindi. "Ikaw ba, anong pangalan mo?"
"Bakit mo tinatanong? Crush mo'ko, 'no? Wow! Love at first sight ba 'yan? Nakakakilig naman, " asar niya at narinig ko pa ang nakakainis niyang tawa. I do really hate how he act. Nakakairitang sobra.
Inirapan ko siya. "Yuck! In your dreams, " ani ko at naghangesture pa.
"Myco, myco ang pangalan ko, " sa wakas nagpakilala na siya. May sense rin pala siyang kausap, 'kala ko wala na.
Napangiti naman ako nang tuluyan na siyang nagpakilala. Nawala bigla ang inis ko at pakiramdam ko papayag na siya sa gusto ko. Naghandshakehands kami at nagngitian sa isa't isa.
Maganda at nakakaakit ang ngiti niya. Very perfect rin ang pilikmata niyang medyo may kahabaan. Isama mo na rin 'yong lips tsaka pisngi niyang mamula-mula ng konti. 'Yung mata niya, hindi ko mawari kung mata ng anghel o mata ng demonyo.
"So, Myco, nakikiusap ulit ako sa'yo. Pumayag ka na, please? Tulungan mo na'ko sa problema ko. " pagmamakaawa ko ulit sa kanya. Kontina lang talaga ay maiiyak na ako kakapilit sa kanya.
"Ayoko nga 'diba? Ano ba kasing mahirap intindihin don? Marami namang iba dyan e, humanap ka na lang ng iba. " Depensa nya.
"Please? Tutal naman magkakilala na tayo 'diba? Wala nang rason para 'di mo 'ko pagbigyan.
"Hindi nga ako interesado, Eliza. Nakakaintindi ka ba o hindi? Mas marami akong kailangan paglaanan ng oras ko kaysa dyan sa kalokohan mo. Please, tantanan mo na'ko." aniya at naglakad na sya ng tuluyan paalis.
Pakiramdam ko nawalan ako ng pag-asa sa kanyang mga sinabi. May namumuo ng emosyon sa dibdib ko. Napayuko ako at hinawi ang ilang butil ng luha na bumasa sa pisngi ko. Narinig ko na napatigil ang lalaki sa paglalakad. Naramdaman ko na huminto siya at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Tara na nga sa loob. Baka isipin ng ibang tao pinaiyak kita." Usal niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Akala ko hindi na sya makokonsensya sa akin.
Bahagya niya pang hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa aking mukha. Inipit niya 'yon sa likod ng teinga ko. Inutusan pa akong tumahan na dahil papayag na nga daw sya sa gusto ko. After that, tinanong na niya ako kung ano bang meron ngayong gabi. Pinaalam ko sa kanya na may dinner kami ng pamilya ko kasama ang mga relatives ko. And sinabi ko rin sa kanya na gustong makilala ng mga relatives ko ang boyfriend ko.
"Seryoso? Ipapakilala mo'ko sa mga relatives mo bilang boyfriend mo? " kompronta niya nang naglalakad kami papasok ng restaurant. Nakapulupot ang braso ko sa siko niya at inaalalayan niya akong maglakad dahil medyo may kalakihan ang high heel na suot ko.
Tumango naman ako at nakita ko kung paano niya haplusin ang kanyang noo. Hindi ko mawari kung naiinis lang siya o nagagalit na. Basta, ang nakikita ko sa kanya ay willing siyang tulungan ako. Sana nga at magtuloy-tuloy na para naman makatulog na ako ng maayos sa gabi.
"Again, I'm sorry, Myco but you need to do this. Kinakailangan talaga kitang ipakilala sa kanila bilang boyfriend ko. 'Yon lang naman e, after that, hindi na kita guguluhin. I promise that to you. " tugon ko. I raised my left hand and smiled to him. Hoping that she will gonna forgive me.
He exhales so deeply kaya napatingin ako sa kanya. Para bang may pinoproblema siya at kung ano 'yon ay hindi ko na alam. Nasisigurado ko talagang may gumugulo sa utak niya.
"What's wrong, Myco? " I asked to him.
"Eliza, hindi ganoon kadaling sabihin na matatapos ang problema mo once naipakilala mo na'ko sa kanila. What if hanapin nila ako after a few days? Imposibleng hindi ako iimbitahan ng parents mo sa inyo para kilalanin ako. Gaya ng sabi mo, ngayon ka lang may ipapakilala sa kanilang boyfriend mo. Imposibleng hindi mangyayari ang mga hinala ko. Huwag nalang kaya natin 'to ituloy. Sabihin mo nalang kaya sa tatay mo na nagbreak na tayo. " Komento niya na puno ng pag-aalala sa kanyang mukha. Inalis na rin niya ang pagkakahawak sa braso ko.
Taas-kilay ang tingin na itinapon ko sa kanya. Hindi ko inaasahan ganoon kabilis siyang magbago ng desisyon. Sobrang bilis naman yata. Wala pang isang oras ang pagpapanggap niya umaatras na siya. Gosh.
"What? Ganoon lang kadali sa'yong magbago ng desisyon? " naiinis na singhal ko sa kanya. Hinarap ko siya at hindi na mapigilan ang sarilinf mainis sa kanya. Mabuti nalang at walang masyadong dumadaan dito sa pwesto namin. Malaya akong mailalabas ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Masyado talaga nya akong iniistress.
"Hindi mo ba naiisip 'yong mga consequences na pwedeng mangyari? Paano nalang kung mabuking nila tayo? Paano kapag madulas ang dila ko't masabi sa kanilang nagpapanggap lang tayo. Eliza, marami ang pwedeng mangyari. Tsaka, ano ba kasing dahilan ba't nagsinungaling ka sa kanila na may boyfriend ka kahit wala naman talaga? " puno ng kuryosidad sa kanyang boses.
'Yong kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng takot at pangamba. Tama nga sya, maraming conseqeunces ang maaaring mangyari pagkatapos ko siyang ipapakilala sa family and relatives ko. But, I don't have any choice. I badly need to do this para naman mabawasan na ang iniisip ko lalo na balak ko nang magtake ng boars exam soon.
"Huwag na muna 'yan ang isipin natin. Marami pa namang oras para pagplanuhan 'yan e. For now, pumasok na tayo sa loob at baka mabagot sila kakahintay sa'tin, " usisa ko at mabilis kong ipinulupot sa braso nya ang kamay ko.
Sumama ang kanyang tingin sa akin at padabog na inalis ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. Tinapunan ko sya ng 'what's wrong' na tingin. "Ano? Hindi ka ba natatakot sa kanila once malaman nilang nagsisinungaling ka lang? Eliza, ayokong malagay sa gulo, huwag na huwag mo'kong idadamay lalo na't ako ang inaasahan sa'min." Depensa nya sa agresibong tono. Napahawak sya sa kanyang sentido't bahagya niyang hinilot iyon.
"Wala ka bang tiwala sa'kin?" Tanong ko sa kanya. I crossed my arms infront of him and glance for a while.
"Tsk! Malamang, wala, hindi pa naman tayo ganoon kaclose e. Tsaka, wala pang isang oras na nakilala kita. Sino ba naman kasi ang magtitiwala sa taong bigla-bigla nalang manghahablot tas isasali ka sa mga kalokohan nya?" Taas-kilay niyang suhestiyon.
Hindi ko na pa napigilan pang mapairap sa dami ng sinasabi niya. Siguro nga, hindi pa kami ganoon kaclose pero nararamdaman kong sya ang makakatulong sa akin. Nag-iinarte pa sya ngayon pero kapag napapayag ko na sya, wala na akong magiging problema.
"Psh! Ang dami mong sinasabi, daig mo pa mga babae. Tara na nga sa loob." Hinablot ko na ang kanyang braso't sapilitan syang inakay papasok ng restaurant. Patuloy naman syang kumakawala pero hindi naging sapat ang kanyang lakas.
Napabuga sya ng malalim na buntong-hininga. I know what he trying to say. Naiintindihan ko siya, gets ko lahat ng mga naiisip niya. Pero, nandito na kami, wala nang atrasan 'to. Pinapanalangin kong h'wag kaming pumalpak dahil tyak hindi ko na alam ang gagawin pagnagkataon.
"Magdasal ka na, baka ito na ang tamang oras para mabuking ka sa mga kalokohan mo, " usal nito habang naglalakad kami papasok ng restaurant. Nakangisi pa siya na talagang sinadya niyang sambitin ang mga nakakainis na salitang 'yon sa'kin. Nainis ako sa sinabi niya kaya naman siniko ko siya't narinig ko siyang umaray dahil medyo malakas ang pagsikong ginawa ko sa kanya.
Inirapan ko rin siya at hindi inalala ang pag-aray nya. Walang salitang awa sa akin kung ganoon sya magbiro. Akala naman niya nakakatawa."Salamat sa pagmomotivate mo sa'kin ah, " singhal ko sa kanya. Narinig ko naman ang nakakaasar niyang pagtawa.
Napunta ang lahat ng tingin ng mga relatives and family ko sa amin ni Myco nang tuluyan na kaming makapasok ng restaurant. Kinailangan ko pa syang sikuhin ulit para simulan na ang kanyang pag-arte bilang nobyo ko. Tinignan ko siya ng nagbabantang tingin at tanging ngisi ang naisagot nito sa akin. Wala akong tiwala sa ngisi na ginawa nya at para bang may balak syang masama. Jusko! Sana naman huwag akong ibuking ng taong 'to.
"Umayos ka, huwag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ko," bulong ko sya kanya nang makita kong sasalubungin kami nina Mama and Kuya together with his wife.
Tumango naman ito pero hindi nawala sa labi niya ang ngisi na lalong nagpakabog sa dibdib ko. Natatakot akong madulas ang dila niya't mabuking ang matagal ko ng sikreto. Ipinagkakatiwala ko na sa kanya lahat kaya sana naman huwag niya akong biguin.
"Omaygash! Is this your boyfriend, Eliza?" Tanong kaagad ni Mama habang nakaduro kay Myco na nasa tabi ko't ang lapad ng ngiti sa kanyang mga labi. Napako kay Myco ang mga tingin nila, mukhang sinusuri nila ang kabuuan nito.
"Yes, Ma, " masayang sagot ko at nagkatinginan kami ni Myco. Mabuti na lang nakakapit ako sa braso nya dahil kung hindi baka kanina pa ako nawalan ng malay dito dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"Hello, Maam, goodevening, " magalang na bati ni Myco sa mama ko at pati na rin kina Kuya. Kahit pa man naipakilala ko na sya kay papa kanina, nag-abala pa rin itong batiin ito dahil magkatabi sila ni Mama.
Napuno naman ng bulungan ang table na nireserve ni Papa para sa amin ng relatives namin. Mukhang si Myco ang pinag-uusapan nila at nakikita ko naman sa mga mukha nilang nagwagwapuhan sila rito. Well, hindi ko naman maikakaila na may itsura si Myco na kahit na sinong babae ay mapapalingon talaga. Sobrang lakas ng dating niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga relatives namin.
"Grabe! Hindi ko inasahan na ganito kagwapo ang boyfriend ng anak ko," komento ni Mama dahil abala syang sinusuri ang kabuuan ni Myco. Maski yata ito ay napahanga sa pagiging magandang lalaki nito. Pati yata si ate Eva na asawa ni Kuya ay humanga sa kagwapuhan ni Myco. Para tuloy sira si Kuya na nagtatampo.
Bahagya namang nahiya si Myco sa sinabi ni Mama kaya napakamot sya sa kanyang ulo. "Naku! Medyo lang naman po, Maam." Napapahiyang aniya.
"Sus! Talaga naman kasing gwapo ka e." Natutuwang usal ni Mama kaya lalo pang nahiya si Myco."By the way, what's your name, hijo?" Tanong ni Mama na napalitan na ng kuryosidad ang kanyang itsura.
"Myco Labaya po, Maam, " ipinuwesto ni Myco ang isang palad nya sa harap ni mama upang makipagkilala. Nakita kong natutuwa sina mama sa pagiging magalang nito.
"Oh, Myco, ang gandang pangalan naman 'yon," masayang tugon ni Mama. "Nice meeting you, Myco. Don't call me maam, tita na lang since boyfriend ka ng anak ko," ani Mama na tuwang-tuwa. Napapahiyang tumango si Myco at nakipagkamay kay Mama.
Matapos ang pagpapakilala ko kay Myco sa family ko ay isinunod ko naman sya sa mga relatives ko na halatang naeexcite. Isa-isang nakipagkamay si Myco sa mga ito at nakikita ko ang galak sa mga mukha nila.Yeah, alam kong natutuwa sila dahil ito ang unang beses na may naipakilala akong boyfriend sa kanila. Nagpapicture pa sila rito na animo'y isa syang artista. Pare-parehas lang sila ng sinasabi na ang swerte ko daw at si Myco ang naging boyfriend ko. Sinasakyan ko nalang rin ang mga banat ni Myco na 'ako ang mas swerte dahil nagkaroon ako ng girlfriend na gaya niya.' Nakakatawa man pero talagang kinikilig ako sa mga banat nya.
After that, inalok na kami ni Mama na maupo. Tabi kami ni Myco at nagulat ako noong ipinaghila nya pa ako ng upuan. Narinig ko tuloy ang pambubuyo ng mga relatives ko sa amin pati na rin sina Mama. Hindi ko napigilan ang sarili kong kiligin kahit nagpapanggap lang kami. Ngitian ko syang bilang pasasalamat saka ako naupo.
Masaya ang kwentuhan na nangyari sa pagitan ng relatives at family ko. Hindi na namin masyadong napagtuunan ng pansin ang mga inoder naming masasarap na pagkain. Pero, ang naging hot topic namin ay si Myco. Kinabahan tuloy ako dahil baka mawalan ako ng isasagot at baka hindi alam ni Myco ang isasagot sa mga katanungan nila. Naging aligaga ako pero sinubukan kong kumalma para hindi sila maghinala sa akin. Noong magtama ang tingin namin ni Myco, parang sinabi niyang 'ako na ang bahala rito'. Kahit pa man ganoon, hindi pa rin ako napanatag kaya mas lalo akong nilamon ng nerbyos.
"So, ikwento niyo naman sa amin kung paano nagsimula ang lovestory niyong dalawa, " kinikilig na usal ng isa kong tita.
Dahil sa sinabi niya ay nabilaukan ako. Nataranta naman sina Mama lalong-lalo na si Myco na katabi ko. Kaagad syang kumuha ng baso ng tubig upang ibigay 'yon sa akin. Naramdaman ko pa ang paghagod nya sa likod. Heto na nga ba ang kinakatakutan ko, nakilala na nga nila si Myco bakit kailangan pang may question and answer portion? Gosh!
"Okay ka lang ba? Anong nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang sambit ni Myco. Nakisosyo na rin sina Mama para tignan ang kalagayan ko. Hindi ko alam kung pagpapanggap pa rin ang pagiging overacting ni Myco o hindi.
"Yeah, I'm okay," sagot ko. Tinignan ko naman sya ng makahulugan. Pilit kong sinasabi sa kanya ang tungkol sa tanong ni tita gamit ang mga mata ko. Mabuti naman at nakuha nya ang ibig-sabihin ng mga tingin ko.
"Are you sure, baby?" Tanong ni Mama.
Mabilis naman akong tumango at kinulit ni Tita si Myco na ikwento kung paano kami nagkakilala. Nakita ko kung paano sya kabahan. Mukhang hindi nya rin alam ang sasabihin. Mabilis akong nag-isip ng palusot. Shocks! Hindi ko napaghandaan ang bagay na 'to.
"Ahh... Nagkakilala po kami sa.... sa... " hindi alam ni Myco ang sasabihin lalo na nakatingin ang lahat sa kanya. Naghihintay sila ng sagot mula rito. Tinapik ni Myco ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa, nakapatong sa hita ko. Mukhang nagpapatulong ito sa akin dahil hindi nya talaga alam ang isasagot.
"Ah, nagkakilala kami ni Myco sa fieldtrip, yeah, sa fieldtrip, 'di ba, babe?" 'Yon lang ang naisip kong paraan. Nagulat naman si Myco sa naging sagot ko pero tinapik ko sya sa ilalim ng mesa na sumakay na lang sya sa naging sagot ko.
"O-oo, oo, sa fieldtrip po kami nagkakilala. Tabi kasi kami sa upuan noon, naging crush ko po sya agad e, kumbaga nalove-at-firstsight po 'ko sa kanya." Pagsisinungaling na rin ni Myco at mabilis akong sumang-ayon na kunwaring totoo ang sinasabi niya.
Kinilig ang family and relatives ko nang patuloy na nagkwewento si Myco. Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang mga kwentong 'yon na hindi naman totoong nangyari sa amin. Kinuwento nya kung paano kami magcelebrate ng anniversary namin. At humingi sya ng sorry sa parents ko dahil hindi sya nagpakilala kaagad. Alam kong parte lahat 'yon ng pagpapanggap nya pero kinilig ako. Natutuwa na tuloy ang lahat sa kanyang pagiging jolly. Nakasundo nya kaagad ang ilang relatives ko pati na rin sina Papa at Kuya.
Nabalot ng tawanan ang table namin noong kunwaring kinukwento ni Myco ang mga kalokohan ko sa kanyang hindi naman talaga totoo. Sinakyan ko na lang sya at nagkwento na rin ng kunwari kalokohan nya sa akin. Hindi ko inasahan ganito ang personality nya. Ginagawa nya lahat para 'di ako mabuking sa sikreto ko. Naguiguilty tuloy ako dahil nakikita kong masaya sina Mama na nakilala si Myco. Naguguilty ako dahil puro kasinungalingan ang nasasaksihan nila ngayon.
"Gustuhin ka man namin makasama ng matagal, Myco, pero kinakailangan na naming umuwi. Sobrang nag-enjoy kami sa mga kwento mo. Sana magtagal pa kayo ni Eliza," masayang komento ng isa kong tito noong napagdesisyon na nilang umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Hindi namin namalayan ang oras dahil sa masayang pagkwekwentuhan namin.
Nagpaalam na ang mga relatives namin at magalang namin silang pinayagan. Gumagabi na at kinakailangan na rin naming umuwi para makapagpahinga.
"Kinakailangan na rin naming umuwi ni Eva, maaga pa ang duty namin bukas e," pagpapaalam ni Kuya sa amin at nakipagbeso ito pati na rin si Ate Eva. "Nice meeting you, bro, and welcome to the family, " sambit ni Kuya nang dadaan sya sa side ni Myco. Tinugon ni Myco ang pakikipagkamay ng Kuya ko sa kanya habang nakangiti. Pagkatapos ay nagpaalam na sila ng maayos sa amin.
"Ah, Ma, Pa, pwede po bang si Myco na lang ang maghahatid sa akin?" Tanong ko kina Mama. Sumilay naman ang ngiti sa labi nina Mama at nasisigurado kong natutuwa sila sa narinig mula sa akin. Nagulat naman si Myco sa naging desisyon kong sya ang maghahatid sa akin.
"Babe, sumabay ka nalang kina Tita pauwi. Uuwi na rin kasi ako e, " malambing na wika ni Myco na para bang hindi natutuwa sa naging desisyon ko pero kaagad kong narinig ang pag-angal nina Mama.
"If it is okay to you, Myco na ihatid mo si Eliza sa bahay? May dadaanan pa kasi kami ng Tita mo kaya malalate kami ng konti ng uwi. " Depensa ni Papa na ramdam ko namang may pupuntahan nga talaga sila. Natuwa naman ako dahil walang takas si Myco sa gusto ko. Wala syang nagawa kundi sundin ang gusto nina Mama na ihatid ako.
"Tsk! Bakit kinakailangan mo pang magpahatid sa'kin? Wala ba kayong driver? Tsaka, Eliza, tapos na ang trabaho ko bilang boyfriend sa'yo kaya itigil na natin 'to. " singhal ni Myco sa akin nang naglalakad kami papuntang parking lot. Nag-iinit ang ulo nya dahil gusto kong magpahatid sa kanya.
"Baka kasi takasan mo'ko e kaya para makasigurado ako, magpapahatid ako sa'yo." Maarteng depensa ko't yumakap sa kanyang braso.
"Ano ba, bitaw ka nga, " singhal nito sa akin at padabog na inalis ang kamay ko na nakayakap sa kanyang braso. Inirapan ko sya't sinabihan ng 'kj'. Nakasunod lang ako sa kanya at pinipilit akong ihatid ako sa bahay. Gusto ko kasi syang makausap ukol sa pagpapanggap niya bilang boyfriend ko. Tutal naman boto na sa kanya ang buong family and relatives ko.
"Eliza, naguiguilty ako sa pagsisinungaling natin sa family at relatives mo. Sinakyan ko lang lahat ng trip mo kanina e pero, pucha, ang babait ng mga taong 'yon, Eliza. Ako ang nasasaktan para sa kanila dyan sa kalokohan mo e. Hindi naman mahirap sabihin sa kanila ang totoo 'di ba? Umamin ka nalang , huwag na natin silang lokohin lalong-lalo na ang parents mo. Wala naman sigurong mawawala kung aamin ka 'di ba?" Panenermon ni Myco sa akin nang huminto sya't hinarap ako.
"Meron, merong mawawala sa'kin kung aamin ako sa kanila. " sagot ko.
"Ano? Mawawalan ka ng allowance galing sa kanila? Pagbabawalan ka nilang gumamit ng gadget? Gumala? 'Yon ba ang mga bagay na mawawala once umamin ka, Eliza? Tsk! Ang babaw mo naman, " agresibong prangka nya sa akin.
"Hindi, " muntik akong mautal na sabi ko dahil nararamdaman ko na naman ang namumuong emosyon sa dibdib ko. "Mawawala ang tiwala nila sa akin, Myco. Tiwala na ang hirap makuha once na sinayang ko. Kaya nakikiusap ako, magpanggap ka bilang nobyo ko kahit isang buwan lang." Pinilit kong huwag umiyak para di niya isipin na nagpapaawa ako.
Imbes na maintindihan nya ang rason ko ay umiling sya ng ilang beses. "Hindi madali 'yang pinapagawa mo sa'kin. Kaya mong kunin ang tiwala nila nang hindi mo sila niloloko, Eliza. Gusto man kitang tulungan pero hindi kaya ng konsensya ko, " sagot niya't tinalikuran na nya ako. Wala akong nagawa kundi panoorin ang bulto nyang papalayo habang umaagos ang mga luha ko.
"I need to find him, Freda. Whatever happens, I need to convince Myco. Hindi ako papayag na tanggihan nya ako ng ganon-ganon lang. Psh! Mali 'ata sya ng kinalaban, " naiinis na usal ko kay Freda habang nakakrus ang braso ko sa may dibdib ko. We're here at coffee shop, katabi ng company building namin. Dito namin napag-usapan na magkikita tutal dito ang meeting place namin palagi kapag may pag-uusapan kaming importante. I already told her about what happened last night. At gaya ng inaasahan ko, gulat na gulat nga sya. Napatakip sya sa kanyang bibig dahil sa gulat at bahagya pang namilog ang kanyang mga mata. Imbes na tanugin ako kung naging successful ang pagkukunwari namin ni Myco, mas lalo nyang pinagtuunan ng pansin ang binata. Gosh! "Bes, huwag mo na kasing pilitin 'yong tao kung ayaw, kawawa naman, " Freda commented while pouting. I know, she was just concern about Myco not for me." 'Di ba nga, sinabi nya sa'yong hindi nya kaya ang pinapagawa mo. Sapat na 'yong dahilan para ha
"Mabuti naman nandito ka na, Engineer," narinig kong usal ng isa sa mga kasamaan ni Myco na lumapit sa kanya. Kabababa nya lang sa sasakyan nito na motor. Tatlong lalaki ang lumapit sa kanya at nagtaka ako kung bakit tinawag syang engineer ng mga ito gayung trabahador lang naman sya dito. "Oh, bakit, anong meron?" Nagtatakang tanong nito sa tatlong lalaki. Maingat na inalis nya ang helmet na nakasuot sa kanyang ulo at kanya nya itong isinabit sa manibela ng kanyang motor. Inayos nya ang kanyang buhok at mukhang hindi nya ako napansin rito sa pwesto ko kahapon. Malapit lang kasi ang parking area nila dito sa pwesto ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ang tatlong lalaki at kusa na akong nagpakita kay Myco. Nagsitakbuhan tuloy ang mga kalalakihan at iniwan nila kaming dalawa ni Myco. Doon ko naman napansin ang iritadong reaksyon ni Myco noong nakita nya ako. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa dibdib ko, direkta ko syang tinignan habang nakataas ang isa kong kilay. Sa katunayan, sinady
"Makakauwi ka na kung 'di mo na kaya." Nakakrus ang mga braso ni Myco habang nakasilong sya sa tent na nakatingin sa akin. Abala akong hinahalo ang semento na gagamitin nila sa pagflooring ng bahay na ginagawa nila. Ramdam ko ang init ng araw dahil nakabilad ako, nakasuot ako ng manipis na jacket at sumbrero. Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi lang ako despereda na mapapayag si Myco sa gusto kong magpanggap sya. Napilitan akong gawin ang gusto nyang tumulong sa paghalo ng semento. Habol ko ang aking hininga na tumingin sa kanya. Inirapan ko pa sya't gusto ko syang lapitan para ipamukha sa kanyang hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa nya sa akin. No choice naman ako kundi sumunod na lang sa gusto nya tutal mukhang malapit na syang pumayag sa gusto ko. "Hoy! Kaya ko 'no." Asik ko, hinalo ko na naman 'yong semento." Sisiw lang 'to sa akin." Palusot ko kahit mamamatay na ako sa init. Nauuhaw na rin ako kung tutuusin. "Sisiw daw, e ba't nakabusangot ka dyan?" Dinuro nya pa ako n
"Ma, Pa, nandito na po si Myco, boyfriend ko."Nakayakap ako sa braso ni Myco habang masaya syang ipinakilala kina Mama at Papa. Kaharap namin sila rito sa may sala dahik kararating lang namin. Hindi maipinta ang tuwa na makikita sa kanilang mukha dahil sa wakas ay pumunta na ang boyfriend ko dito sa bahay. "Hello po, Maam, Sir." Magalang na pagbati ni Myco sa kanilang dalawam inilahad nya pa ang kamay nya para makipagshakehands. Masayang tinugon naman 'yon nina Mama at Papa. "Naku, tita nalang ang itawag mo sa'kin, hijo.?" Ani Mama pagkatapos nyang makipagkamay kay Myco. "Tito na lang din ang itawag mo sa'kin." Ani naman ni Papa. "S-sige po." Alanganing sagot ni Myco saka sinulyapan ako. Tumango ako bilang senyales sa kanya na hayaan ang gusto nina Mama at Papa na tawagin nya ang mga ito ng Tita at Tito. "Ang gwapo naman talaga ng mamanugangin ko," tinapik ni Papa ang braso ni Myco, bahagya nya pa itong hinimas. Tuwang-tuwa sya dahil pumunta si Myco dito sa bahay. Kahit naman noo
"Seriously? Naisip mong magkunwaring nahimatay kesa umaktong kaya mong maglaro ng billiards?"Nakatanggap kaagad si Myco ng sermon sa akin pagkagising nya. Nakahiga sya sa kama dito sa may guest room. Ngiting tagumpay nga ang nakaguhit sa labi nya dahilan para mainis ako lalo. Kung pwede lang na daganan sya ay ginawa ko na. "Kaysa naman malampaso ako ng Papa mo. Tsaka, magpasalamat ka nalang, pwede? Atleast natakasan ko na sya kaysa magmukha akong mangmang doon na 'di alam kung pa'no maglaro ng pisteng billiards na 'yan." Depensa nya't inayos ang dalawang braso sa kanya ulo't ginawa itong unan. "'Di ba sabi ko sa'yo kanina, gayahin mo na lang kung paano maglaro si Papa?""E hindi ko nga nakuha 'yong mga moves nya." Depensa nya. "Myco, ano na lang ang iisipin nina Mama at Papa sa'yo? Jusmiyo naman." Napahilot ako sa aking sentido. Pakiramdam ko sasabog 'tong ulo ko sa inis. "Sana umakto ka na lang na parang alam mo kung pa'no maglaro non.""Tapos ano, pagtatawanan ako ng Papa mo kap
"Aki, 'yong pinto ilock mo ng mabuti pati 'yong mga bintana. Kumain na ba kayo? Ah, sige. Hoy! Huwag nyong kalimutang maghalfbath bago matulog ah. 'Yong kama pagpagin ng mabuti saka ayusin 'yong punda at bedsheet. Ilock mo rin pala pati 'yong gasul tsaka 'yong mga sinampay natupi mo na ba? Sige. Oo, nag-overtime ako kaya ikaw muna bahala dyan. Ulol! Bantayan mo si Mia kundi patay ka sa'kin. Tawagin mo mga kapitbahay kapag may napapansin kang kakaiba ha? Ingat kayo dyan." Halos mabingi ako sa pakikipag-usap ni Myco sa kanyang selpon at hindi ko rin mawari kung sino 'yong kausap nya basta ang dinig ko ay 'Aki'ang pangalan noon. Nagkunwari akong nagbabasa ng harry potter kong libro dito sa kama habang palihim na sumusulyap sa kanya. Even we're not that close, curious rin ako sa family background nya. Gusto ko rin makasigurado na hindi sya nagmula sa masamang pamilya. Mabilis akong umiwas nang magtama ang tingin namin. Napansin yata nyang nakatingin ako sa kanya kaya mabilis akong gumaw
"Eliza, may importante akong lakad ngayong araw." Nagpapadyak si Myco sa sahig pagkarinig ng sinabi kong kailangan ko syang itrained ngayon. Humingi na rin ako ng tulong kay Freda ukol sa bagay na ito dahil desididong-desidido ako. Mabuti na nga lang ay nakaalis na si Mama nang sa ganoon ay makausap ko ng maayos si Myco ukol sa binabalak kong gawin. "I-cancel mo muna." Sagot ko pagkatapos ay isinuot ko na iyong hikaw ko pagkatapos ay naglagay ng light make-up sa mukha ko. Narito kami sa kwarto ko at kanina pa pumapalya si Myco dahil nga may trabaho daw sya ngayong araw. "Ano? Nababaliw ka na ba? Nangako ka sa'kin na pagkatapos ng dinner natin kasama ng parents mo ay hindi mo na'ko guguluhin. E, ano na naman 'tong hinihingi mo sa'kin?" Linapitan na ako ni Myco at puwesto sa left side ko. Hindi ko sya nagawang tignan dahil busy nga ako sa paglalagay ng make-up sa mukha ko. Para syang bata na pinipilit payagan sa gusto nya. "It was just a simple favor, Myco, relax." Pagpapakalma ko
"Pasok ka," sinenyasan ako ni Myco na pumasok sa munti nilang bahay. Hindi ko siya kaagad sinundan papasok dahil sinuri ko muna ang kabuuan ng kanilang bahay. Maliit lamang iyon at ang pader ay hindi semento kundi kahoy mismo. May ilang tao na nakatingin sa'kin, nahalata nilang bagong salta lamang ako dito sa kanila. Pinagkaguluhan rin nila 'yong kotse ko na nakaparada sa tapat ng bahay nina Myco. "Uy! Huwag niyong hahawakan 'yan, baka magasgasan, mahal pa naman 'yan." Asik ni Myco sa kanyang mga kapitbahay nang mapansin na pinagpyestahan nila 'yong sasakyan ko. "No, it's okay." Sagot ko. Hindi naman bigdeal sa akin kung hawakan nila 'yon, as long as hindi nila masira. Tuluyan nang nakapasok si Myco sa loob ng kanilang bahay, sinundan ko siya at kaagad ko na naman sinuri ang kabuuan nito sa loob. Maayos naman kung ilalarawan ko, may munti silang sala at sa left side noon ay dining table nila na kumukonekta na rin sa kusina. Iyong refrigerator nakapwesto malapit sa hagdanan. Napat
"Bakit si Mama pa, e, nandito naman ako." Kunwaring nagtatampo na usal ni Myco habang pinapatahan ang bunsong kapatid na si Mia. "Oo nga naman, Mia. Mas dabest naman si Kuya mag-alaga sa'tin e." Sabat ni Marky sa usapan at nagthumbs up pa ito ng bahagya. Pinanood ko lang sila dahil wala akong ideya kung ano nga ba ang puno't dulo o dahilan kung bakit hinahanap ni Mia iyong nanay nila. Narinig ko nga lang kanina na galing sa kaniya iyong inuwi ni Marky na lechon manok. Nakaramdam ako ng kakaibang awa kay Mia. Sa paraan ng pag-iyak niya, alam kong hinahanap niya iyong Mama nila. Naalala ko ang sarili ko sa kaniya noong bata ako, umiiyak ako kapag hindi ko makita si Mama o 'di kaya naman kapag namimiss ko ito lalo na't pupunta sa ibang lugar para asikasuhin ang negosoyo namin. Kumalas si Mia at tinignan ng diretso si Myco. "Si Mama ang gusto ko, Kuya. Kailan ba siya uuwi?" Matamlay na tanong nito. Napahaplos si Myco sa buhok nito saka pilit na nginitian. "Nag-usap kami ni Mama, kap