Taming the Sunshine is one of Deathwish's comeback series and you may support the series by giving your votes! Follow to catch daily updates! Drop a comment and review for more updates! KAMSAMIDA!
Nagsimula na iyong inihandang programa para sa mag-asawang Lim. Tahimik lamang si Gabriel habang inaasist ng mga tauhan nito lalo na ng kanyang sekretarya. Hangang sa handa na nga ang mesa para kumain.Nakayukong kumakain si Serena habang ang kanyang paligid ay abalang nag-uusap tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa negosyo. Wala naman siyang maunawaan at higit sa lahat ano ba naman ang mai-aambag niya sa usapan na ito? Saka may lakas na loob ba siya magsalita?Wala.Habang si Gabriel naman ni hindi nito binuksan ang labi simula nga ng sinabi niya kay Liam na ayos lang sa kanya na katabi nito si Serena. Kahit yung pagkain hindi man lang ito tumikim kundi inatupag nito ang isang basong alak. Pinapaikot ang laman na tila ba iyon lang ang pinunta nito.Noong kailangan na ang opinion ni Gabriel hindi parin ito nagsalita kundi yung abogado nito kahit nga personal na tinatanong ni Liam.Halata naman na masasarap ang pagkain na nakaahin sa harapan ni Serena. Ngunit wala siyang ganang kumai
“May problema ba Serena?” Tanong ni Liam ng sila na lamang ang makakarinig ng boses nila.“Wala naman.” Kaagad na sagot ng dalaga dahil kahit paano nakahinga nga ito. At maari na niyang pakalmahin ang puso niyang nagwawala sa kaba… Dahil kay Gabriel.Ang bagay na ayaw sana niyang malaman nito… Ay natural, nabunyag na.Nahihiya siya kay Liam.Nagsalita siya sa likuran nito at hindi niya inaasahan na sa napakaraming tao na makikilala niya, bakit nga ba ang Presidente pa ng kompanyang pinagsisilbihan ni Liam?“Pasensya na Sera kung gano'n ang pinag-uusapan namin. Opportunity na kasi iyon para marinig ni Gabriel ang panibago at sariwang ideya namin para din sa kompanya. Natural kasi sa kanya na hindi nagsasalita kapag wala siya sa trono niya.” Pabirong sinabi ni Liam.“Ngunit…” Nang naisip ni Serena si Gabriel. “Hindi siya nagsasalita dahil… Siguro… Hindi naman ata pag-uusap tungkol sa negosyo ang ipinunta niya dito. Kundi andito siya para makisaya sa inyo?”Si Liam…Hindi niya alam kung b
“Miss Serena…” May tumawag sa kanya… At ang boses nito ay hindi pa nabura sa isipan niya… Napakasariwa pa noon para nga mabura. At ang taong tumatawag noon sa kanya ay walang iba kundi si Andrew…Nilingon nga ni Serena…Si Andrew nga.Kaagad naman siya nito sinalubong ng ngiti.“Juice?” Taas ni Andrew ng dala niyang baso. Wala naman magagawa si Serena para tangihan ito, tinangap niya ang inumin.“…Hindi mo sa akin sinabi na… Nagkukunwari lang pala talaga ang boss mo…”Direktang sinabi ni Serena… At sinalubong ang titig ng binata.Nanatili ang ngiti ni Atlas sa kanyang labi. “At dahil riyan Miss Serena, kailangan ko na rin ata sabihin sayo kung sino ako. Hindi Andrew ang pangalan ko.”Napapikit si Serena.Ito yung ayaw niya… Yung harapan na nagsisinungaling sa kanya ang tao. Ngunit ang bagay na ito hindi naman niya makokontrol. Saka sa label ni Serena natural na maraming makakaharap siya ng ganito…Mga sinungaling.Hindi naman siya galit… Sadyang nalulungkot lang siya.Naupo si Atlas s
“Tsk. Nagpapatawa ka ba Serena? Bakit hindi mo yan sa akin sabihin ng direkta?”Nagitla si Atlas at higit sa lahat si Serena.Ang boses na iyon…Ang tugon na iyon, hindi iyon galing kay Atlas.Tumayo si Atlas at napayuko bilang pagrespeto sa kung sino man nga ang nasa likuran ngayon ni Serena. At ang boses nito ang dahilan kung bakit ang kinakalma niyang puso ay ngayon parang ilang kabayo ang nagsisitakbuhan.Hindi rin alam ni Serena kung paano nga niya haharapin ang may ari ng boses na iyon. Pakiramdam kasi niya… Naging masama siya pagkatapos nga magsalita siya laban kay Liam sa likuran nito. Kailangan niya humingi ng tawad kay Liam at sabihin nga ang tungkol sa bagay na ito.Para kahit paano hindi na nga siya makaramdam ng ganito…Saka walang duda kung sino nga ang nagsalita…Walang iba kundi…Si Gabriel Aquinas.“Naisanla? Tsk.” Dagdag pa ni Gabriel. “Bravo.”Anong gagawin ni Serena?Tatakbo siya?Paano niya matatakasan ang isang kagaya ni Gabriel? Lalo na sa maaring sabihin nito sa
Ramdam ni Gabriel ang tension na nararamdaman ni Serena dahil sa presensya niya.Dahil sa natuklasan nito kung sino ba talaga siya.May kung ano sa kanya na parang nagsisi siya… Na mali itong paraan na ginawa niya para magpakilala ng totoo kay Serena. Ngunit hindi na maibabalik kung ano man ang nangyari na.Umaasa na lamang si Gabriel na makakausap niya si Serena at ipaliwanag nga ang lahat ng ito. Kahit siya hindi natutuwa sa nangyayari. At hindi niya sadya na mailang ang dalaga. Saka hindi rin niya nais na magsinungaling dito sadyang dala lang ng sitwasyon kung bakit niya itinago sa dalaga kung sino ba siya.Hangang sa biglang tumayo ang dalaga at kinuha nga nito ang attention ng mga kasama nila sa mesa. Ngunit hindi umangat ang paningin ni Gabriel kundi nakinig na lamang sa idinahilan ni Serena. Sa totoo nais lang naman nito dumistansya sa kanya.Nang umalis si Serena kasama si Liam may kung anong mali na nararamdaman si Gabriel. Hindi niya gusto na malaman at makitang magkasama ang
Sa pag-iisa ni Gabriel iniisip niya kung ano ang maari niyang sabihin sa dalaga, hangang sa dumating nga ang isang tauhan na pinadala ni Atlas para sabihin sa kanya na hindi na kasama ni Serena si Liam.Walang paliguy-ligoy bumalik nga si Gabriel. Naabutan niyang kasama ni Serena si Atlas. May sinasabi ang dalaga na kaagad sumalungat sa pananaw ni Gabriel. Kaya naman imbes na si Atlas ang sumagot sa dalaga, siya itong nagsalita. Kaagad naman sanang aalis si Atlas ng si Serena itong nais na iwasan siya.Sa nakikita ni Gabriel at ginagawa ni Serena apektado nga ito sa natuklasan ng dalaga tungkol sa kanya. Ngunit bakit?Nais niya ng paliwanag pero iniwasan siya nito.Nais sana niyang magpaliwanag din ngunit hinayaan na lamang niya itong talikuran siya.Dumaan ang dalaga na parang hangin siya nitong dinaanan.Isa lang ang ibig sabihin nito.Masakit man ngunit hindi kontrolado ni Gabriel ang sitwasyon.Hindi kailangan ni Gabriel sabihin ang totoo. Ginawa na niya yung parte niya para pagdu
Nang dumating si Liam kasama ang isang babae di maikakaila ni Seneca at Oxford na nakuha nito ang attention nila. Tahimik nilang pinagmamasdan ang dalaga hangang sa dumating nga si Gabriel.Ito ang pinagtataka ng dalawa. Kung bakit sa okasyon na iyon pinili nga ni Gabriel dumalo? Anong nakain ng alaga nila para makumbinsi? At siguradong may dahilan kung bakit nga dumating ito.Ngunit ang hindi inaasahan nilang dalawa ang mas pinili ni Gabriel ang maupo sa tabi ng dalaga. Kahit kailan, ano man na pagtitipon, iniiwasan ng lahat na may makatabing babae si Gabriel…Ngunit ngayon, bakit iyon ang hinilang upuan ni Atlas? Katabi ng dalaga?Bawat kilos ni Gabriel lihim na pinagmamasdan ni Seneca.Ewan niya kung siya lang ang nakapansin na parang sinasadya ni Gabriel na titigan ang dalaga. At kanina pa itong nahahalata ni Seneca. Kung makatingin parang hinuhuli nito ang paningin ng dalaga.Noong una ang akala ni Seneca sadyang naiilang lang si Gabriel dahil babae ang katabi nito.Ngunit mali…M
Nang bumalik si Gabriel naramdaman kaagad ni Seneca ang hindi magandang awra nito. Kung ang titig ni Gabriel kay Serena ay nais magkaroon ng malaking puno sa pagitan ng dalaga at ni Liam para hindi niya ito makitang magkatabi… Ang kay Liam naman parang nais niya itong maglaho.Inamin ni Gabriel na kaibigan lang ang turing niya sa dalaga kaya dapat diba kahit paano magpansinan itong dalawa? Ngunit bakit parehong naiilang ang dalawa? Bakit kung tratuhin nito ang bawat isa parang hindi pa sila nagkita o magkakilala?Hindi…Ang dalaga ang naiilang…At ang pagmumukha ni Gabriel parang kanina pang binuro sa asin.Asar na asar na ito…Ngunit mas piniling manahimik kahit gigil na gigil.At ang inaakala ng mga taong nasa paligid nila normal ito kay Gabriel sapagkat yun naman ang nakikita nila parati sa binata, parang hindi maloloko nino man.Dahil sa sinabi ni Liam tuluyan ngang hindi nawala ang paningin ng mga tao sa kanya. Balak na ngang yayain ni Liam na magpakasal sila ni Serena.Kapag nang
Chapter 201 To Guard Her “Aba naman. Long time no see Prince Charming.” Isang babae na napalingon nang naupo ito sa sofa. May mapaklang ngiti dahil alam na nito ang pinunta at medyo nga nagtataka din sa sinabi ng… “Tumawag ang little brother ko. Kailangan mo na naman ang service ko.”“Tsk.” Yun ang itinugon ni Gabriel sa kanya saka naupo ito sa harapan ng bisita niya.“Well, ang sasabihin ko lang naman, alam mo bang nakakaabala ka sa akin? Wala akong pakialam kung napakalaki ng network mo dahil hindi ako masaya sa pinapagawa mo sa akin.”“May sinabi na sayo si Atlas hindi ba?”“Ipagyayabang mo na naman yung tungkol sa triple kong pera na makukuha kesa sa sahod ko sa banda namin? Eww. Nakakadiri ka.”Napa-ismid si Gabriel.“Anong gusto mo burahin ko ang lahat ng detalye tungkol sa banda mo?”“Aba naman, nakakainis din talaga kung bakit natali ang pamilya namin sa mayabang na kagaya mo. Kasalanan talaga ‘to ni Atlas. Haist kung hindi ko lang talaga mahal ang little brother ko hindi ko
Chapter 200 Her Monthly “Dinalaw?” naitanong ni Gabriel na hindi niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng doktor.Nang biglang pinagtawanan siya ng kanyang dalawang ama-amahan.“Pagdating talaga sa mga babae wala kang alam no?” dagdag na panunuya sa kanya ni Seneca. “Sabagay hindi ko din nabantayan ang tungkol sa bagay na yan.”Tinignan ng doktor ang isang utusan. “Maari mo bang ipatawag si Agatha.”Kaagad naman kumilos ang utusan at tumalikod sa kanila.“Ano ba kasi ang sinasabi ninyo?”“Oxford gusto mo bang ikaw ang magpaliwanag sa batang to ang gusto ko sa kanyang sabihin?”Napa-iling na lamang ang abogado dahil medyo napangiti nga siya sa ideya na walang alam talaga si Gabriel tungkol sa isang babae.Lumipat ulit ang paningin ni Gabriel kay Seneca. Seryoso ang mukha nito. “Maari mo naman ata sa akin ipaliwanag ng walang paligoy-ligoy, hindi ba?”Dahil ang ayaw ni Gabriel yung tipong pinaglalaruan siya sa simpleng mga bagay na hindi niya alam. Oo na, wala nga siyang alam pagdat
Chapter 199: Thoughts of Pregnancy “… Gabriel.”Tumayo si Gabriel at piniling lumabas ng silid na hindi man lang nilingon ang dalaga kahit nga paulit-ulit siyang tinawag nito. Hinabol man siya ngunit muli niya itong sinarhan ang pinto at senenyasan ang bantay na siguraduhing hindi ito makakalabas.Naglalaro sa isipan ni Gabriel kung hahayaan na nga ba niya itong makalabas sa Manor na mas ipapriority niya ang kaligtasan nito ngunit ito rin ang kaligayahan ng babaeng mahal niya.Hindi niya masabi sa dalaga na ngayon na iyong araw na hinihintay nito.Ang dumalaw lamang sa pamilya nito.Para na din magkaroon na ng katahimikan ang loob ni Serena na nasa maayos nang kalagayan ang pamilya nito.Sa paglabas niya sa Manor sinalubong siya ng sariwang hangin. Maganda ang panahon… Bughaw na bughaw ang kalangitan… At ang mga maliliit na ibon na malayang lumilipad parang nakikita niya kung sino ang sinisimbolo nito…Si Serena.Yun din naman ang nais niya para sa dalaga.Ang maging malaya…Pero is
Chapter 198: His Promised Dalawang linggo na ang nakalipas hindi parin matalo-talo ni Serena si Gabriel. Kaya ngayong umaga nagdadalawang-isip ang dalaga kung yayain pa ba niyang maglaro sila ulit ng binata.Nakaupo siya sa sofa at nakatitig sa may terrace kung nasaan si Gabriel at mayroon itong katawagan sa kabilang linya. Napakagat ng kuko si Serena. Hindi niya namalayan na ang isipan niya pinagmamasdan ang tindig at kabuhuan na pangangatawan ng binata.Hindi niya akalain na ang isang matipunong binata ay gagawin ang lahat para lang hindi siya makawala dito. Oo, sabihin na nating possessive ito masyado sa kanya. Natatakot na makalabas siya sa pamamahay nito. Isang preso na inaasam ang kalayaan niya ngunit hindi maari dahil nga hindi niya makuhakuha ang tiwala nito.Para sa kanya… Hindi naman siya tatakas kung sakali ngang hayaan siyang maging malaya nito. O sadya lang talagang nag-aalala ito sa maari niyang sabihin sa ibang tao dahil sa mga ginawa nito sa kanya.Napabuntong-hining
Chapter 197 Checkmate Hinintay ni Serena ang paglabas ni Gabriel sa banyo. Sa araw na iyon alam niyang wala sa pagpipilian na magpapatalo siya dito. Kampante dahil nagawa niyang natalo ng ilang beses ang tutor niya kahapon. Si Gabriel pa kaya na halos buong buhay ata inatupag nito ang tungkol sa kompanya. Wala itong oras para mas lalong hubugin ang sarili sa larong iyon.Napangiti siya.Ramdam na ramdam niya na kanya ang panalong ito.Nakahanda na ang board ng lumabas si Gabriel. Nilapitan siya nito na mayroong ngiti din ang labi. Naupo sa harapan niya.“Wag ka ngang ngingiti. Oo maganda ang ngipin mo pero walang dahilan para ngumiti ka.”“Nakakasigurado ka ba?”“Oo naman. Matatalo kita.”Pinili niya ang kulay puti at kay Gabriel naman yung kulay itim.“Magpapahanda na muna ako ng agahan. Kumain na muna tayo.”“Epp! Di pa ako gutom. Wag na madaming patalastas Gabriel. Maglaro na lang tayo. Kahapon ka pa.”“Inaalala lang kita Serena. I know kampante ka na matatalo mo ako but walang ka
Chapter 196 This Morning…Kinabukasan, himalang maagang nagising si Serena. Mas maaga pa kay Gabriel. Nasa tabi niya ito at hindi nga niya namalayan na tumabi ito sa kanya kagabi. Sa tuwina kasi kapag nagigising siya ng madaling araw… Wala ito sa tabi niya at nalalaman na lamang niya sa katulong na nakakatulog ito sa study room nito.Ito ata talaga ang napapala sa mga taong halos wala nang oras para matulog ng maayos. Mga bagay na pina-priority kesa sa sariling kalusugan. At kung hindi dumating si Gabriel sa buhay niya siguradong hangang ngayon nararanasan parin niyang ipagkait sa sarili ang matulog ng maayos.Mahimbing ang tulog ni Gabriel at hindi nga niya namalayan na matagal na niyang pinagmamasdan ang mukha nito.Mala-anghel na mukha.Ang mga daliri niya kusang lumapit sa pisngi ni Gabriel.Pinindot-pindot ito dahil hindi ata siya makapaniwala na kung totoo ba ito dahil sa malaporcelanang mukha nito.Palibhasa… Anak mayaman.Nang biglang nanlaki ang mga mata ni Serena dahil mulat
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas
Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k