Chapter 149 His Sweetness and Bitterness Nang sumara ang pinto, muling iminulat ni Gabriel ang kanyang mga mata.Tsk. Halatang paborito ng dalaga ang pangit na kulay dilaw na parisukat na keso. O inaasar lang talaga siya ni Serena. Ito ba ang ganti sa kanya ng dalaga? Tsk. At nang pinuntahan ni Gabriel ang higaan, wala roon si Serena. Sinabi ni Agatha na nakatulog na ito… Ngunit saan ito natulog? O may gana pa itong makipaglaro sa kanya. Edi mas mabuti para nga magtuos sila sa ginawa nitong kababuyan sa kanyang silid. Hinanap niya ito na hindi nga tinatawag ang pangalan. Tiyak ngang nagtatago na ito. At nakita niya ito sa nakabukas na pinto ng terrace, kaya tinungo ito ni Gabriel at hindi niya napigilan na tawagin ang pangalan nito.“Serena.” Nanatili itong naka-upo na parang hindi siya narinig, ngunit ng lapitan ni Gabriel napagtanto niyang… Tulog na tulog ito. Muling napabuntong-hininga na lamang si Gabriel. Napatitig siya sa mukha nito… Nakahinga siya dahil m
Chapter 150 Her Laugh Kinabukasan, naunang nagising si Serena. At nagisnan niya na parang isang panaginip lamang ang mukha ni Gabriel. Ang mukha nito na mala-anghel… Kaya biglang pinisil ni Serena ang kanyang sarili… Ngunit hindi siya nanaginip. Talaga namang gwapo itong si Gabriel. Mala-anghel ang tulog, at sino namang babae ang hindi titili kapag nakita nga ang isang lalaking nakikita niya ngayon? Ngunit napangiti si Serena dahil… Parang may katabi siyang seven years old dahil sa suot nitong pampatulog. Sayang ng kagwapuhan dahil nga sa pinagagawa ng dalaga. Tumawa si Serena na walang tunog sa takot nga na magising ito. Hangang sa nahimasmasan siya at tinitigan na lamang ang mukha ni Gabriel. Napaka-amo ng mukha nito… yun kapag tulog nga lang. Anghel na walang pakpak… At parang hindi marunong magsungit. Ngunit kapag mulat na mulat naman ang mga mata nito at nagsisitaasan ang kilay, parang nakita ng disoras ni Serena si Kamatayan. Lalo na nga kapag pinapainit nga niya a
Chapter 151 Still Trying Aktong babangon si Serena ng pinigilan siya ni Gabriel. “Natatawa ka dahil sa suot ko? At sinuot ko nga ang damit na ito dahil ang sabi bibigyan mo ako ng ngiti. Asan yung pangako mong iyon?” “Ah. Oh heto.” Sabay pilit na ngumiti siya. Bigla kasing pinatay ni Gabriel yung pangtitrip niya dito. “Is that your real smile? Tsk.” Saka nga ito bumangon na naasar sa kanya na tila ba alam nito ang tunay niyang ngiti. Sa pagtalikod ni Gabriel sa kanya bigla siyang napabungisngis. Humagikhik ng walang tunog at napapahawak sa kanyang tiyan dahil nga sobra siyang nagpipigil na tumawa. Nang biglang umangat ang paningin niya dahil biglang hinubad ni Gabriel ang pang-itaas na damit nito. Muli nawala ang kapilyuhan niya. “Uy! Hoy! Ano—.” Nang hinagis nga ni Gabriel ang damit sa mukha niya. “Ayusin mo ang lahat ng 'to. Hindi ako nakikipagbiruan sayo Serena. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo.” Ngunit parang baliw parin na nakangiti si Serena at halos tumawa na nam
Chapter 152 He Might Let Me Go? Kahit nga pinaramdam ni Gabriel ang panliliit nito sa kanya, alam niyang kailangan talaga niya itong makumbinsi. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin ngunit nag-alala ang pamilya ko para sa akin!” mataas na bosses na ang binitawan niya. Ngunit ngumisi si Gabriel na para bang tinutuya siya ng husto. “Pamilya mong pala-asa? Pwede ba Serena kalimutan mo na muna sila? Wala silang kailangan sayo at para din sa ikakatahimik ng isipan mo, binibigay ko ang mga pangangailangan nila. Wala kang dapat na ipag-alala sa kanila. Kaya tumigil ka!” Sa sinabi ni Gabriel nakumpirma niya na nais nga nito na kontrolin siya. Kaya naman hindi napigilan pa niyang magalit dito ulit. “Nauunawaan ko kung bakit ginagawa mo ito Gabriel. Sinasabi mo ang mga yan, palibhasa lumaki ka ng walang pamilyang nag-aaruga sayo. Kaya hindi ko kailangan na ipagtaka kung bakit ka ganito. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko! Hindi! Wala ka kasing alam kung ano ang ibig sabihin ng
Chapter 143 Trying to Kill Him Nakatulog si Serena pagkatapos ng pagtutos nila ni Gabriel. Ito ang palaging napapansin ng binata sa kanya sa tuwing may nangyayari nga sa kanila. Tipong isinara nito ang kanyang mga mata at parang walang sa sarili upang maging mahimbing ang tulog nito. Habang si Gabriel pinagmamasdan ang mukha ni Serena. Sa kanyang isipan, hindi niya pakakawalan ang dalaga kahit ano man ang mangyari. Kanya ito. Hinalikan niya ito sa noo bago bumangon at pinatawag si Agatha para ito nga ang mag-ayos ng kalat nilang dalawa kanina. Nang magising si Serena, kaagad na napabalikwas ng bangon. Agad naman bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari… kanina lang. Hinaligilap niya si Gabriel ngunit wala siyang makita kundi si Agatha at kasama nitong katulong na inihanda ang pagkain sa mesa. Nang makita siyang nitong gising na, ngumiti ito sa kanya. “Magandang umaga, Miss Serena.” Tutugon sana siya ng matigilan siya. Hubad siya… At tanging ang kumot ang dahilan upang ma
Chapter 154 Will She? Lumabas si Gabriel sa silid upang magpahangin. Bigyan ng pagkakataon na mapag-isa si Serena at pag-isipan nga nito ang mga sinabi niya. Oo, inaamin niya na wala namang mali kung inaalala nga ng dalaga ang pamilya nito saka ipaglaban nito ang kalayaan dahil natural at likas na iyon. Siya itong nagpapakasarili. Ngunit ginagawa niya ang mga iyon dahil nais lang naman niyang protektahan ito at ipadama dito ang buhay na walang alinlangan. Kapag sinabi niya na hindi ito maaring lumabas ng silid. Hindi maari. “Gising na ba si Oxford o si Seneca?” Tanong niya sa tauhan na senenyasan niyang lumapit sa kanya. “Sa pagkaalam ko Master Gabriel, hindi pa umuuwi si Dr. Seneca at si Atty. Oxford naman hindi pa siya bumababa sa kanyang silid. Kakauwi lang din niya kahapon.” Napabuntong-hininga at tinalikuran ang kanyang tauhan. Naglakad-lakad papunta sa Lanai nang biglang napalingon siya dahil sa isang tahol ng tuta. Si Mishi na sumusunod sa kanya. Napakaliit ng mga pa
Chapter 155 Cease Fire Nang bumalik si Gabriel sa Manor kaagad siyang sinalubong ng mga tauhan niya. Kinuha sa kanya ang dalang basket saka si Mishi. Imbes na dumiretso sa silid niya kung nasaan si Serena pumunta muna siya sa kusina upang ipaghanda ng sariwang prutas ito. Personal na hinugasan niya at nahihiya man nga ang mga katulong kinuha nila ang attention nito. “Master Gabriel kami na ho ang gagawa niyan.” “No, it’s fine.” Nais niyang gawin iyon para kay Serena… Ang dalaga na balak ngang patayin siya. Napabuntong-hininga at umaasa na hindi iyon ang Habangbuhay na haharapin niya kasama si Serena. Pagkatapos niya mahugasan ang prutas kumuha siya ng bowl at inilagay doon saka niya dinala sa kanyang silid. Sa akalang ang daratnan niya ay nakakain na si Serena ng agahan nagkakamali siya. Nakaupo ito sa may sofa at nakasandal ang ulo nito sa may arm rest. Umiling sa kanya si Agatha na parang alam nito ang kanyang itatanong. “Hindi ka pa ba talaga kakain Serena?” Na siya
Chapter 156 What to Do? Kinabukasan… Nagising si Gabriel na nakayakap sa kanya ang dalaga at ang mga paa naman nito, kagabi, pilit na isinisiksik sa mga binti niya. Kaya naman yung position niya ay medyo nga hindi komportable para sa kanyang katawan. Nanibago siya ng husto dahilan upang mayroon nga siyang nangangalay na katawan. Yung totoo, yung pagtulog ba niya nakapagpahinga siya o hindi? “Tsk.” Gaya ng unang nagkasama sila sa hotel magulo nga talaga matulog si Serena. Laway na laway… Yun ata ang nakasanayan ng katawan nito dahil nga sa kaliwa-kanan na part-time nito noon. “Tss.” Sabay kuha niya ng kumot at kinumutan ng maayos ang malikot niyang katabi. Saka bumangon ito upang simulan nga niya ang natural niyang ginagawa tuwing umaga. Ang mag-ehersisyo. Yun pa naman ang kabilin-bilinan sa kanya ni Seneca na kung nais nga niyang tumagal sa mundong ito, kailangan niyang gawing prioridad ang kalusugan niya. “Magandang umaga Master Gabriel.” “Magandang umaga, Miss Agatha. D
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy