Chapter 154 Will She? Lumabas si Gabriel sa silid upang magpahangin. Bigyan ng pagkakataon na mapag-isa si Serena at pag-isipan nga nito ang mga sinabi niya. Oo, inaamin niya na wala namang mali kung inaalala nga ng dalaga ang pamilya nito saka ipaglaban nito ang kalayaan dahil natural at likas na iyon. Siya itong nagpapakasarili. Ngunit ginagawa niya ang mga iyon dahil nais lang naman niyang protektahan ito at ipadama dito ang buhay na walang alinlangan. Kapag sinabi niya na hindi ito maaring lumabas ng silid. Hindi maari. “Gising na ba si Oxford o si Seneca?” Tanong niya sa tauhan na senenyasan niyang lumapit sa kanya. “Sa pagkaalam ko Master Gabriel, hindi pa umuuwi si Dr. Seneca at si Atty. Oxford naman hindi pa siya bumababa sa kanyang silid. Kakauwi lang din niya kahapon.” Napabuntong-hininga at tinalikuran ang kanyang tauhan. Naglakad-lakad papunta sa Lanai nang biglang napalingon siya dahil sa isang tahol ng tuta. Si Mishi na sumusunod sa kanya. Napakaliit ng mga pa
Chapter 155 Cease Fire Nang bumalik si Gabriel sa Manor kaagad siyang sinalubong ng mga tauhan niya. Kinuha sa kanya ang dalang basket saka si Mishi. Imbes na dumiretso sa silid niya kung nasaan si Serena pumunta muna siya sa kusina upang ipaghanda ng sariwang prutas ito. Personal na hinugasan niya at nahihiya man nga ang mga katulong kinuha nila ang attention nito. “Master Gabriel kami na ho ang gagawa niyan.” “No, it’s fine.” Nais niyang gawin iyon para kay Serena… Ang dalaga na balak ngang patayin siya. Napabuntong-hininga at umaasa na hindi iyon ang Habangbuhay na haharapin niya kasama si Serena. Pagkatapos niya mahugasan ang prutas kumuha siya ng bowl at inilagay doon saka niya dinala sa kanyang silid. Sa akalang ang daratnan niya ay nakakain na si Serena ng agahan nagkakamali siya. Nakaupo ito sa may sofa at nakasandal ang ulo nito sa may arm rest. Umiling sa kanya si Agatha na parang alam nito ang kanyang itatanong. “Hindi ka pa ba talaga kakain Serena?” Na siya
Chapter 156 What to Do? Kinabukasan… Nagising si Gabriel na nakayakap sa kanya ang dalaga at ang mga paa naman nito, kagabi, pilit na isinisiksik sa mga binti niya. Kaya naman yung position niya ay medyo nga hindi komportable para sa kanyang katawan. Nanibago siya ng husto dahilan upang mayroon nga siyang nangangalay na katawan. Yung totoo, yung pagtulog ba niya nakapagpahinga siya o hindi? “Tsk.” Gaya ng unang nagkasama sila sa hotel magulo nga talaga matulog si Serena. Laway na laway… Yun ata ang nakasanayan ng katawan nito dahil nga sa kaliwa-kanan na part-time nito noon. “Tss.” Sabay kuha niya ng kumot at kinumutan ng maayos ang malikot niyang katabi. Saka bumangon ito upang simulan nga niya ang natural niyang ginagawa tuwing umaga. Ang mag-ehersisyo. Yun pa naman ang kabilin-bilinan sa kanya ni Seneca na kung nais nga niyang tumagal sa mundong ito, kailangan niyang gawing prioridad ang kalusugan niya. “Magandang umaga Master Gabriel.” “Magandang umaga, Miss Agatha. D
Chapter 157 Fainted “Ako? Hinahanap ka?” Ulit ni Serena ng tanong ni Gabriel.“Tsk.” Saka lumapit ito sa kanya ng lumayo naman kaagad siya dito. Ngunit parang mali ang iniisip niya dahil parang siya pa itong napahiya dahil may kukunin lang naman si Gabriel sa may drawer. Napa-iling na lamang ito sa kanya. Ngunit natigilan ito lalo na ng mai-angat niya ang ilang papelis sa may drawer. “Tsk.” Sighal nito at napalingon ulit sa direksyon niya. “Pati ba naman ang mga files ko dito nilagyan mo ng sticker na ganto?” Bilang tugon niya… Ngumiti siya. Pilyang ngiti. “Para organize, dapat lahat ng andito may trademark. “Serena.” Bangit ng binata ng pangalan niya. At pabulong itong napamura… Inilabas na lamang nito lahat ng dokumento at hindi nga ito nagkamali… Napapikit at huminga ng malalim. Pilit na pinapahabaan ang pasensya nito dahil sa ginawa niya. Habang siya parang nais na naman niyang humalagapak sa kakatawa. Sa natutuwa siyang makita ngang napipikon ang pagmumukha ni Gabrie
Chapter 158 Unwell “I need a new copy of LH1A documents on my table later, Atlas.” “Yes sir.” Kausap ni Gabriel ang kanyang sekretarya sa kabilang linya habang abala na hinahanap ang isang dokumento at kung hindi mahahanap… “Isama mo na rin ang AQ78b files.’ “Nawala po ba Master Gabriel?” “No. Alam mong may ibang tao sa aking silid. Siguradong ibinasura niya iyon ng hindi namamalayan.” Na napa-ismid nga sa ideya na sinasabotahe siya ni Serena ng hindi nito alam. “Ah, I understand Sir. Uulitin ko lang sir ang pinapa-retrieve niyong documento. Ang LH1A at ang AQ78b files.” Nang biglang may sunod-sunod na kumatok at umangat naman ang paningin niya sa pinto. “Pasok!” malakas na sigaw niya upang matauhan kung sino man nga ang walang modong kumakatok sa pintuan. Bumukas ang pinto na agad naman sumalubong sa titig ng katulong ang matatalim na titig ni Gabriel. Napayuko ito at humingi ng despensa sa ginawa nito. Ngunit halata naman niya na naghahabulan ang hininga ng katulong
Chapter 159 He is Anxious Dahil hindi maaring i-kansela ang ginawang appointment mismo ni Gabriel noong hapon na iyon, natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili sa conference room na hindi pumapasok sa kanyang isipan ang mga pinagsasabi ng mga directors. Di niya mapigilan na isipin si Serena lalo na sa nangyayari dito.“Lumindol ba? Medyo kasi umikot ang paligid kanina.” Sabay sapo ng dalaga nang kanyang ulo. Lalapit sana si Gabriel sa kanya ng matigilan siya. “O baka nahilo ako.” Uutusan sana ni Gabriel ang utusan na naroroon na magpatawag ng doctor ngunit pinigilan siya ni Serena. Ayaw nito magpatingin sa doctor. “Wag mo akong pansinin. Sadyang nabuburo na ata ako dito.” Na napa-ismid na lamang siya ng marinig ito. Kaya naman ngayon sa loob ng conference room hindi niya napapansin na ilang beses siyang napapabuntong hininga at pansin ito ni Atlas. “At yun ang lahat ng kailangan ninyo malaman Sir Gabriel tungkol sa prosesso ng bagong project ng culinary department.” kuha ng at
Chapter 160: Hostage a Clown Ngumisi si Gabriel. Hindi man lamang siya sumuko sa titig na binibigay sa kanya ni Serena. “Well, hindi mo kailangan maburo dahil may pangarap ka diba? Bakit hindi mo ipagpatuloy?”Ngisi din ang isinukli ni Serena sa sinabi ng binata. “Kung tinatanong mo nga…”Muli niyang kinuha ang tinidor dahil may putahe siyang hindi pa niya natikman nagbabakasakali na yun ang makakapawi ng appetite niya na simula ng magising siya sa silid na iyon parang matagal nang nanahimik ito. Talagang wala siyang ganang kumain ngunit kailangan niya iyon gawin dahil baka dumating ang pagkakataon na makatakas nga siya kay Gabriel.Kinain at napanguya. Napatango naman siya sa lasa… Hindi niya maitatangi na ang mga pagkain na inihahanda para sa kanya ay masasarap naman talaga saka masustansya. Ang may problema lang talaga yung determinasyon niya kung talaga bang makakatakas siya kay Gabriel balang araw.“Pangarap ko… Yung makilala ata si Bill Gates sa personal.” Na sinundan niya ng n
Chapter 161: When Will I Get Pregnant? Hindi makapagsalita si Serena sa sinabi ni Gabriel sa kanya. Hindi niya namalayan nakatulalang nakatitig siya dito. Seryoso si Gabriel sa pinakawalan nitong salita… Kaya hindi niya mahanap ang kanyang sasabihin dito.Saka hinayaan nga niyang maunang makaalis si Gabriel sa kanyang harapan.Maaga pa para matulog kaya namalayan ni Gabriel na nasa harapan ulit siya ng ilang documento. Kausap si Atlas hangang sa nakarating siya sa kanyang silid. Sa pagbukas niya dumiretso siya sa may sofa at doon naupo para basahin sa tablet device niya ang ipinadalang importanteng papelis.Saka niya napansin na may ginagawa si Serena. Nanahi ito habang nakaupo sa harapan nito si Mishi.“Heto, maganda itong ginagawa ko at ito ang gagamitin mo bukas. Tatapusin natin ito kaagad.”Tumahol naman ang tuta…At si Gabriel napabuntong-hininga na lamang. Hindi siya makapag-concentrate dahil nga sa ingay ni Serena. Kaya naman tahimik na lamang siyang lumabas at bumalik sa stud
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy