Chapter 138 His Prisoner Naramdaman ni Serena na nagpipigil si Gabriel sa pamagitan ng mahigpit nang hawak nito sa kanyang braso. “Tss. May magagawa pa ba ang paghahampas mong yan sa akin? Sa pamagitan ba nito maibabalik ang lahat. Ha, Serena?! Tsk. Sinasayang mo lang ang lakas mo. Wala ng saysay yan dahil simula ngayon kapag nagmatigas ka pa, isipin mo na lang kung ano ang maari kong gawin sa pamilya mo. Hindi ko nais manakot ngunit kapag nakita kong pinapahirapan mo masyado ang sarili mo, mahahanap mo ang hinahanap mo Serena.” Saka binitiwan siya nito. Pipiliin na sanang manahimik ni Serena, ngunit narinig niya ang tungkol sa kanyang pamilya. Tinatakot siya ni Gabriel dahil sa kanyang pamilya. Napatunayan lamang na wala siyang pinagkaiba sa mga mayayaman na kilala niya. Mga mayayaman na minsan pumasok siya bilang katulong… Naglingkod siya ng tapat at maayos, ngunit ang isinukli sa kanya, siya pa itong pagbibintangan na magnanakaw. Mayabang. Mayabang pala…Ang nanginginig
Chapter 139 His Decision Dinig naman ni Agatha ang sigawan na nangyayari sa loob ng silid. Nakayuko lamang ang mga kasamahan niyang katulong ngunit alam niyang kapag tumalikod siya, ito ang pag-uusapan ng lahat sa buong Manor. Ang tungkol sa dalaga at higit sa lahat kung ano ang nangyari sa pagitan nito at ni Gabriel. Bumukas ang pinto, at inaasahan na si Gabriel ang lalabas kaya naman kaagad nagsiyukuan ang mga katulong dahil sa presensya ng binata. Bago pa man masarhan nito ang pinto dinig nilang lahat ang paki-usap ng dalaga habang umiiyak ito. Nang masarhan, saglit na hinawakan ni Gabriel ang doorknob at pinakingan ang pagmamakaawa ng dalaga. Ang hikbi nito…Hangang sa sumuko nga ito. Napabuntong-hininga na lamang si Gabriel… Saka tuluyan na nilock ang pinto. Lumingon siya sa grupo ni Agatha… At kaagad na inutos…“Bilhin niyo ang mga kailangan niya.” “Master Gabriel…” Angal ni Agatha, dahil nakiusap sa kanya ang dalaga na tulungan ito makaalis sa lugar na iyon. Akala
Chapter 140 The Truth Nang mahimasmasan si Gabriel nagdesisyon itong bumalik sa kanyang silid hindi para ipagpatuloy ang sagutan nila ni Serena kundi maghanda para pumasok ng kompanya. Pagbukas niya ng pinto kaagad niya nakita si Serena na nakaupo sa harapan ng bintana. Hindi na lamang niya ito pinansin. Nilapitan na lamang siya ni Agatha…“Sigurado po ba kayo Master Gabriel na papasok kayo ng kompanya?” Saka lumingon ng bahagyang si Agatha sa direksyon ni Serena. Nais nitong ipahiwatig kung talaga bang iiwan niya si Serena. Napatango na lamang si Gabriel. “Kung ganoon ihahanda ko na ang iyong isusuot.” Ngunit ng makita ni Gabriel ang pagkain sa mesa na hindi man lang nagalaw… Napailing na lamang siya. Parang mahihirapan nga siya ng husto kay Serena. “Maghanda kayo ng panibagong pagkain.” Sinabi niya iyon habang nakatitig sa direksyon ng dalaga. Kalmado ang dalaga kaya dapat lang na hindi na niya muna ito guluhin. Hayaan itong mag-isip, kahit ano man ang isipin nito. Kun
Chapter 141 StayMuli napalunok si Serena. Susubukan na hindi tumaas ang boses niya… At pakiki-usapan ng maayos ang binata. “Gagawin mo ba talaga yung sinabi mo kanina? Na mananatili ako rito?” Ang tanong na nais niyang malaman ang sagot. Umaasa siya na maayos itong sasagutin ni Gabriel… Maayos, sa paraan na… Hindi dapat gawin ito ng binata sa kanya. Malaya siyang tao… At hindi siya matutuwa kung ikukulong nga siya ni Gabriel sa silid na iyon. “I have one word, Serena. Kapag sinabi ko na pinanghahawakan ko talaga at di ko binabali. At kung ang sinasabi mo ay tungkol sa sinabi ko kanina, I am afraid you need to stay here.” Biglang naningkit ang mga mata ni Serena ng marinig yun. Ngunit hindi dapat siya magpadala sa sinasabi ni Gabriel, kung hindi masisira na naman ang pagkakataon na ito para sabihin sa kanya ang dahilan niya at pagtangi sa kagustuhan nito. Huminga siya ng malalim. Kapag sinakyan niya ang mga sinabi nito mag-aaway lang sila kagaya ng kanina. Kaya kailangan
Chapter 142 Been On His Heart Nagsidatingan ang mga katulong upang iligpit ang pinagkainan nila ni Gabriel kanina. Sa nakikita ni Serena, walang gustong may magsalita o kausapin man lang siya. Kahit ang mga ito, umiiwas na makasalubong man lang ang titig niya. Alam niya na impossibleng tulungan siya ng mga ito na makaalis nga sa pamamahay na iyon… Dahil sa silid pa lang nga ni Gabriel hindi na siya makalabas… Paano pa kayo makatakas sa lugar na iyon? Nang may ipinasok na dalawang malalaking kahon.“Ilagay niyo lang diyan.” Yung matandang babae at sa narinig ni Serena ito ang Mayordoma ng pamamahay ni Gabriel. Lumapit ito sa kanya at pilit na ngumiti para sa dalaga pero bakas sa mukha nito ang sympatya para sa kanya. Ngunit kahit ito wala itong magagawa sa nais mangyari ni Gabriel. Pinunasan na lamang ni Serena ang kanyang luha. “Hindi ko na itatanong Miss Serena kung ayos ka lang. Sa nakikita ko kasi, hindi.” Ngunit umiling si Serena… At kahit paano nga tinindig niya ang ka
Chapter 143 Who is He? “Matigas ang ulo ni Master Gabriel, yun ang masasabi ko sa kanya bilang tagapangalaga niya.” Napalingon si Serena kay Agatha. Minsan na ngang naikwento ni Gabriel na dalawa lamang ang babae sa buhay niya. Siya at si Agatha… At ang tinutukoy ni Gabriel ay ang kausap niya ngayon. “Kung ano man ang sabihin niya at i-utos niya, wala kaming magagawa kundi sundin siya. Kaya pasensya na iha kung wala nga akong magagawa sa sitwasyon mo ngayon. Ngunit, andito kami para maging maayos ka rito. Kung kailangan mo ng kausap, andito lamang ako.” At muling ngumiti ito sa kanya. “Ang totoo niyan iha, ikaw ang unang babae na dinala dito ni Master Gabriel sa manor. Sa tingin ko napakahalaga mo sa kanya. Ikaw ata itong babae na nililihim niya sa kanyang ama-amahan. Dahil natitiyak niya na puputaktihin ka ng mga ito. Sinubukan niya na ilihim ang tungkol sayo… Kaya lang hindi naman niya kontrol ang magagawa ng kanyang ama-amahan.” “Po?” “Nakita ko kung gaano niya sinubuk
Chapter 144 A Psychopath “Good morning, Sir Gabriel.” Bati lagi ni Atlas sa tuwing dumarating si Gabriel. “Same here.” Na ikinagulat ng sekretarya dahil ni minsan hindi tumugon sa kanya. Napangiti na lamang si Atlas. “Parang maganda yata Sir ang gising natin ngayon.” Mahinang pagbibiro ni Atlas ngunit narinig ito ni Gabriel. “Sort of...” Na lalong ikinagulat ni Atlas.May kinalaman ba itong pagbabago bigla ng mood ng kanyang boss ay dahil sa pina-deliver nitong potato fries’ ng maaga? O matagumpay ang naging plano ng mga ama-amahan nito kagabi. Tungkol doon ayaw na muna ni Atlas na pag-usapan ang tungkol sa nangyari kagabi. Hindi kasi tamang lugar ang kompanya para doon iyon pag-usapan. Ang kompanya ang nagsisilbing battlefield ng boss niya at maraming nagkukubling may mga masasamang intension dito. Dahil nasa magandang mood naman itong boss niya hindi na nagdalawang isip na itanong dito kung… “About the documents Sir last week, natapos niyo na po bang mareview iyon?” Sa k
Chapter 145 She is Determine “Mayroong kayong dalawang araw para mag-ayos ng silid Miss Serena.” Napatango si Serena sa sinabi ni Agatha. Napakagat na siya ng kanyang kuko… At nag-iisip nga kung paano niya didismayahin si Gabriel. Sa ganitong paraan makakaganti siya sa binata. Alam niyang susuko ito sa kanya kapag ginawa nga niya ang kanyang plano. Plano na gawing magulo ang silid nito. Halata namang disiplinado si Gabriel pagdating sa gamit at pagkatao nito. Ang pagiging organize nito at nanatiling malinis ay minsan na niyang napansin sa binata noon. Kaya maghapon na inimagine ni Serena ang kalalabasan ng mga materiales na hinihingi niya kay Agatha. Saka siyang ngumiti. “Heto ang mga kailangan ko.” Bigay ni Serena ng listahan. At ng basahin ni Agatha kung ano ang nakapaloob sa listahan niya…“Miss Serena… Sigurado po ba kayo dito?” dahil hindi makapaniwala ito sa nababasa niya sa listahan na ginawa ng dalaga. Matatag na tumango ang dalaga. “Yan ang mga kailangan ko pa
Chapter 218 Egg Cells? Abala si Serena na lagyan ng palaman ang kanyang tinapay habang nasa kapatagan. Sariwa ang hangin… at napakaganda ng paligid. Nililipad ang kanyang buhok… At sa pagkagat sana niya ng kanyang tinapay, biglang siyang nakakita ng mga-asawang kuneho.Nagtataka man kung bakit mayroong kuneho sa paligid niya… Bumangon siya dahil gustong-gusto niya makakita noon sa malapitan. Nilapitan niya ang mag-asawang kuneho, pero bigla itong tumakbo… Kaya hinabol niya. Hangang sa nakita niyang may mga kasama itong maliliit na kuneho…Napangiti siya.Yung pakiramdam na napakagaan ng ngiti niyang iyon.Hangang sa…Naghihintay siya sa may bus stop… Nang biglang umulan. Nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid niya… Habang siya manghang-mangha sa patak ng ulan. Nang bigla niyang hinubad ang suot niyang sapatos… At masayang nagtampisaw sa ulan.Yung pakiramdam na iyon… Sobra siyang nagagalak. Na tipong lahat ng bagay ay umaayon para sa kanyang kaligayahan. Walang katumbas ng pananabik an
Chapter 217 The Changes Hindi inaasahan ni Serena na kilala ni Venus ang kuya Ryan niya.“Akalain mo ang liit talaga ng mundo.” Natatawang sinabi ni Venus at bakas sa mukha nito na puno ng pang-aasar ang mababanat nito sa maghapon sa pamilya niya.“Kung ano man ang pinaplano mo itigil mo yan.”“Anong itigil? Nakakatuwa ngang isipin kapag naisakatuparan ko ang pangti-trip ko ngayon.”“Saan mo ba napulot ang taong yan Sera?” bumalik si Ryan na may dalang prutas at nilapag sa harapan nila. “Tsk. Di ko aakalain na makaka-apak yan dito sa bahay natin.”“Kuya.”“At bakit sa dinami-daming maaring maging kapatid mo yan pang gago, ha Serena?” Balik naman ni Venus kay Ryan na nakatitig dito.Nagkasalubungan ang paningin at wala ngang nagpatalo. Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Siguro nga talaga mayroong hidwaan.“Makapagsalita ‘to, baka nakakalimutan mo wala ka sa territoryo mo.”“Heh. Ikaw ata ang nakakalimot, isa kami sa sponsor ng foundation na nagbigay ng bahay na’to sa inyo. Kaka
Chapter 216 Venus Vs. Her Siblings “Ate, kakarating pa lang nila Ate Sera.” si Allison na nakiki-usap nga kay Rozzie. “Hayaan na muna natin sila magpahinga. Saka na lang din kapag andito na sila Mama at Kuya Ryan.”“Ewan ko lang Allison. Simple lang naman ang isasagot niya, nagawa pang pag-inartehan ako.”“Ikaw din po Ate baka magsisi ka.” Matalinghangang pagsawsaw ni Venus sa usapan. “Okey ka na ba Serena?”“Kung sino ka mang babae ka, hindi kita tinatanong. Wag ka ngang makisawsaw. Usapang pamilya ‘to. Oo malaki ang utang na loob ni Sera sa inyo dahil binigyan niyo siya ng trabaho, ngunit alam niyo ba ng dahil sa inyo malalagay sa alanganin ang pamilyang ito? Kayo ata ang dahilan kung bakit lumaki ang ulo niya.”“Sa may dahilan naman talaga na lumaki ang ulo niya kung si Liam lang naman ang itatapat.” Sagot kaagad ni Venus na napahawak na n
Chapter 215 Hearing His Name “Nasaan sila?” naitanong na lamang ni Serena kay Allison na inihanda nga nito sa mesa ang ginawang Mango Graham. Halata naman kasing nag-iisa lang ito.“Ah sila Ate, may mga pinuntahan lang pero mamaya pauwi na ang mga yun. Lalo na andito ka. Nga pala nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Kuya Ryan? Heto…” Abot ni Allison ng kutsara at binigyan din si Venus.“Ang galing niya Ate.”Ang balitang tungkol sa pagiging bayani ni Ryan matapos sumagip ito ng mga tao.“Mabuti at di siya napahamak. Pero masaya ako para sa kanya.”“Infairness may sinabi nga itong Mango Graham mo.” Si Venus. “Kunin kitang chef ng banda namin gusto mo?”Nanlaki ang mga mata ni Allison.“Talaga?!”“Oo naman kung gusto mo bakit hindi?”“Sige! Kapag nanganak na ako.”“Wait ma
Chapter 214 His Web Nakaramdam ng pagyugyug ng balikat si Serena kaya naimulat niya ang kanyang mga mata.“Andito na po tayo sa village niyo.” Si Venus.Umangat naman ang paningin ni Serena… At kaagad naging pamiliar nga sa kanya ang paligid. Yung village kung saan inilipat ni Gabriel ang pamilya niya.Nang biglang nakaramdam siya ng panghihilo. Biglang sumakit ang ulo niya na para bang kurot… Ngunit nawala naman kaagad.“Ganto ha, sakyan mo na lang ang mga kwento ko kung hindi baka bigtiin tayo ni Gabriel kapag nabigo o nahuli tayo ng pamilya mo. Saka wag na wag kang magtatangka na magsumbong sa kanila. Di mo alam ang magagawa ng isang Gabriel Aquinas.”Ang huling mga salitang binitiwan ni Venus ay talaga namang seryoso at isa itong pagbabanta sa kanya. Yun nga, sino naman ang makakagawa ng bagay na kitang-kita nang talo na.Napabuntong-hininga na lamang si Serena
Chapter 213 It Should Not Happened Naiyukom na lamang ni Serena ang kanyang kamay dahil parang hindi siya titigilan ni Venus.“Ang tanong, lumabas na ba si Bloody Mary?”Yan, pati mga santo na hindi niya kilala tinatanong sa kanya.“Sinong Bloody Mary?”“Bobols ka din, no? Yung IQ ni Big Boss pang universe ang dating yung iyo naman pang tuldok lang ng ballpen. Bloody Mary po, yung period mo?!”“Ganun ba. Hindi pa naman pero irregular po ako. At hindi po ako buntis.”“Kung ako sayo, patingin ka sa doktor para maconfirm. Balita ko kasi iwas ka sa doktor, bakit? May gustong itago kay Big Boss?”“Wala naman talaga akong tinatago sa kanya. Buti pa ako, ako itong tinatago niya.” ‘“Heh. Alam mo bang sa tingin ko…” Tinignan siya ni Venus mula ulo hangang paa… “Buntis ka. At siyam na buwan ka hindi dadalawin ng bloody Mary, kaya kung ako sayo dapat ihanda mo na ang sarili mo dahil balita ko lahi na ng mga Aquinas ang pagiging mga masungit. Ahaha.”“Ano ba! Tumigil ka nga. Hindi nga ako bunti
Chapter 212 Her Future Name “So, buntis ka nga?”“Huh?”“Buntis ka ba?” Ulit ni Venus dahil parang nabibingi nga si Serena.“Sinong may sabi na—. Hindi. At may nakain lang siguro akong masama kaya ako nagsusuka saka—.” Natigilan si Serena. “In denial ka pa.” putol nga ni Venus.Dahil biglang napapikit si Serena… At parang may kung ano na naman ang nais na ilabas ng bibig niya… Hindi ba… Isinuka na niya yung kinain niya kanina lang?Buntis siya?Possible ngunit… Hindi yun maari.“Wag mo akong pag-isipan ng ganyan. Saka nahihilo naman talaga ako sa mga gantong sasakyan.”“Hala. Nagagawa mo pa talagang tangihan si Big Boss… At ang performance niya? Haha. Tignan mo nga itong reply niya.”“Ewan ko sayo.”“May nangyari sa
Chapter 211 His Concern “…” Aangal pa sana si Serena ngunit lumapit na siya kay Gabriel para nga mapadali na ang lahat. At para ng manahimik na din ang binata at kahit siya hindi niya inaasahan na hahalikan niya ito sa pisngi.Saglit nga siyang natigilan…At nagkatitigan silang dalawa.Anong ginagawa niya?“Uhmmm… Alis na kami. Bye.” Walang emotion na sinabi niya ngunit ang hiya sa ginawa niya halatang-halata sa namumula niyang mukha. Kaya naman para siyang gansa na lumapit kay Venus at hinila ang kamay nito para tuluyan nga silang makalabas ng sala.“Problema nito… kunwari pa.” si Venus.“Shhh…” Awat ni Serena na parang kaagad nga silang naging malapit sa isa’t-isa.Dumating ang sasakyan sa harapan nila, at sa likuran nila nakasunod si Gabriel. Bago pa man sila makalapit sa sasakyan, si Gabriel itong n
Chapter 210 Her Husband? Mas naunang bumaba si Serena at kahit nga nakita na niya ang napakalaking bulwagan ng Manor, namamangha parin siya sa ganda. Yung mga painting at mga mamahaling porcelana… Ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na makaka-apak siya sa ganitong klaseng bahay.“Hello. Siguro naman satisfy ka na at agree ka dito sa damit ko ha.” Bati sa kanila ni Venus.Nanlaki naman ang mga mata ni Serena. Sa nakikita niya ngayon… Halos hindi niya makilala si Venus dahil ang palaging kasuotan nito yung para bang emo lang ang dating. Halos itim palagi ang suot nito. Nakasuot ito ng sunny dress with matching straw hat.Saan ang beach?Pero napakaganda nito.Walang-wala sa kanya. Kuko lang ata siya nito. Ang puti nito mas healthy pa kumpara sa kanya. Saka babaing-babae ang awrahan talaga.Medyo nga siya Natotomboy sa nakikita niya…Nakakaramdam ng insecurit