Chapter 144 A Psychopath “Good morning, Sir Gabriel.” Bati lagi ni Atlas sa tuwing dumarating si Gabriel. “Same here.” Na ikinagulat ng sekretarya dahil ni minsan hindi tumugon sa kanya. Napangiti na lamang si Atlas. “Parang maganda yata Sir ang gising natin ngayon.” Mahinang pagbibiro ni Atlas ngunit narinig ito ni Gabriel. “Sort of...” Na lalong ikinagulat ni Atlas.May kinalaman ba itong pagbabago bigla ng mood ng kanyang boss ay dahil sa pina-deliver nitong potato fries’ ng maaga? O matagumpay ang naging plano ng mga ama-amahan nito kagabi. Tungkol doon ayaw na muna ni Atlas na pag-usapan ang tungkol sa nangyari kagabi. Hindi kasi tamang lugar ang kompanya para doon iyon pag-usapan. Ang kompanya ang nagsisilbing battlefield ng boss niya at maraming nagkukubling may mga masasamang intension dito. Dahil nasa magandang mood naman itong boss niya hindi na nagdalawang isip na itanong dito kung… “About the documents Sir last week, natapos niyo na po bang mareview iyon?” Sa k
Chapter 145 She is Determine “Mayroong kayong dalawang araw para mag-ayos ng silid Miss Serena.” Napatango si Serena sa sinabi ni Agatha. Napakagat na siya ng kanyang kuko… At nag-iisip nga kung paano niya didismayahin si Gabriel. Sa ganitong paraan makakaganti siya sa binata. Alam niyang susuko ito sa kanya kapag ginawa nga niya ang kanyang plano. Plano na gawing magulo ang silid nito. Halata namang disiplinado si Gabriel pagdating sa gamit at pagkatao nito. Ang pagiging organize nito at nanatiling malinis ay minsan na niyang napansin sa binata noon. Kaya maghapon na inimagine ni Serena ang kalalabasan ng mga materiales na hinihingi niya kay Agatha. Saka siyang ngumiti. “Heto ang mga kailangan ko.” Bigay ni Serena ng listahan. At ng basahin ni Agatha kung ano ang nakapaloob sa listahan niya…“Miss Serena… Sigurado po ba kayo dito?” dahil hindi makapaniwala ito sa nababasa niya sa listahan na ginawa ng dalaga. Matatag na tumango ang dalaga. “Yan ang mga kailangan ko pa
Chapter 146 In Love Pagdating na pagdating ni Gabriel sa Florida, sakto at kaagad siyang pumunta sa programa ng kanyang kompanya. Kasunod nito ang general assembly na ipinakilala nga ang mga mamalakad ng kompanya. Hindi niya halos namalayan ang oras, kung hindi nga sa kanya ibinulong ni Atlas na kailangan niyang kumain. Mismo sa suot niyang relo, alam niyang gabi na sa kinalalagyan ngayon ni Serena. Inaasahan niyang nagpapahinga na ito sa mga oras na iyon, ngunit tinawagan parin niya si Agatha para nga kumpirmahin ang situation ng dalaga. “Master Gabriel…” “Si Serena?”“Tinignan ko siya kanina, nakatulog na Master Gabriel. Gigisingin ko po ba siya?” “Wag. At buti nakatulog na siya. Kumain ba siya ng maayos?” “Oo,” “Kamusta ang naging buong araw niya?” “Yun naging maayos naman. Naging abala nga lang siya kung ano at paano niya gagawin yung renovation ng silid ninyo.”“I see. Tulungan niyo siya.” “Master Gabriel…” “Oo, tulungan niyo siya.” “Sigurado po ba kayo?” “
Chapter 147 She Thought Nang magising si Serena agad niyang pinunasan ang kanyang labi. Sarap na sarap sana siya matulog, kaya lang… Ramdam niyang babahain na siya kapag hindi pa siya bumangon. Yung laway niya. Napabuntong-hininga ang dalaga. Yun ang pangit sa kanya… Ang palaging natutulog na tulo laway. Halos walang panaginip na siyang maaring makapag-gigising sa kanya. Oo, mahirap nga talaga siyang gisingin. Yun na ang nakasanayan niya dahil nga sa kaliwa-kanan niyang mga trabaho. Sa palagi siyang pagod kapag umuuwi at ang nais ng kanyang katawan ang mahiga at makatulog. Sa pagbangon niya… Nadismaya siya. Wala siya sa kanyang silid na minsan lang niya nagisnan. Kundi ang silid na nagpapaalala sa kanya na mayroong lumabag ng karapatang pangtao niya. Hindi talaga siya nanaginip…Talagang ikinulong siya ni Gabriel. Illegal itong ginagawa ng binata sa kanya. Sapat na ito para nga magsumbong siya sa autoridad. Malakas naman ang magiging ebidensya niya kung sakali. Ngunit an
Chapter 148 His Secretary Nagulat si Atlas ng sabihin sa kanya ni Gabriel na pagkatapos ng opening ceremony diretso sila sa airport at uuwi na nga. Kaya inihanda na niya ang lahat kung sakaling hindi nga magbago ang desisyon ni Gabriel. Hangang sa natapos ang programa at naitanong ni Atlas… “Sir, sigurado ba kayong ngayon na kayo uuwi?”“Tss. Mayroon pa bang kailangan na gawin dito, Atlas?” “Hindi po ba muna kayo magpapahinga?” Nanabik itong umuwi kesa nga unahin muna ang sarili. Bakit nga ba hindi, nais na nitong makita si Serena. “Tsk. Kailangan na natin umuwi ngayon.” Napatango si Atlas at tinawagan na ang mga tauhan na ihanda na ang sasakyan dahil palabas na sila ng gusali. Ngunit kailangan muna magpa-iwan ni Atlas. “Sir, kailangan ko magpa-iwan dahil sa ilang cliente na naghihintay na makausap kayo o either representative ninyo.” “Can you handle it, Atlas?” Napatango naman si Atlas. Kaya mag-isa ngang sumakay si Gabriel sa sasakyan. “Susunod po ako kaagad.” “Ts
Chapter 149 His Sweetness and Bitterness Nang sumara ang pinto, muling iminulat ni Gabriel ang kanyang mga mata.Tsk. Halatang paborito ng dalaga ang pangit na kulay dilaw na parisukat na keso. O inaasar lang talaga siya ni Serena. Ito ba ang ganti sa kanya ng dalaga? Tsk. At nang pinuntahan ni Gabriel ang higaan, wala roon si Serena. Sinabi ni Agatha na nakatulog na ito… Ngunit saan ito natulog? O may gana pa itong makipaglaro sa kanya. Edi mas mabuti para nga magtuos sila sa ginawa nitong kababuyan sa kanyang silid. Hinanap niya ito na hindi nga tinatawag ang pangalan. Tiyak ngang nagtatago na ito. At nakita niya ito sa nakabukas na pinto ng terrace, kaya tinungo ito ni Gabriel at hindi niya napigilan na tawagin ang pangalan nito.“Serena.” Nanatili itong naka-upo na parang hindi siya narinig, ngunit ng lapitan ni Gabriel napagtanto niyang… Tulog na tulog ito. Muling napabuntong-hininga na lamang si Gabriel. Napatitig siya sa mukha nito… Nakahinga siya dahil m
Chapter 150 Her Laugh Kinabukasan, naunang nagising si Serena. At nagisnan niya na parang isang panaginip lamang ang mukha ni Gabriel. Ang mukha nito na mala-anghel… Kaya biglang pinisil ni Serena ang kanyang sarili… Ngunit hindi siya nanaginip. Talaga namang gwapo itong si Gabriel. Mala-anghel ang tulog, at sino namang babae ang hindi titili kapag nakita nga ang isang lalaking nakikita niya ngayon? Ngunit napangiti si Serena dahil… Parang may katabi siyang seven years old dahil sa suot nitong pampatulog. Sayang ng kagwapuhan dahil nga sa pinagagawa ng dalaga. Tumawa si Serena na walang tunog sa takot nga na magising ito. Hangang sa nahimasmasan siya at tinitigan na lamang ang mukha ni Gabriel. Napaka-amo ng mukha nito… yun kapag tulog nga lang. Anghel na walang pakpak… At parang hindi marunong magsungit. Ngunit kapag mulat na mulat naman ang mga mata nito at nagsisitaasan ang kilay, parang nakita ng disoras ni Serena si Kamatayan. Lalo na nga kapag pinapainit nga niya a
Chapter 151 Still Trying Aktong babangon si Serena ng pinigilan siya ni Gabriel. “Natatawa ka dahil sa suot ko? At sinuot ko nga ang damit na ito dahil ang sabi bibigyan mo ako ng ngiti. Asan yung pangako mong iyon?” “Ah. Oh heto.” Sabay pilit na ngumiti siya. Bigla kasing pinatay ni Gabriel yung pangtitrip niya dito. “Is that your real smile? Tsk.” Saka nga ito bumangon na naasar sa kanya na tila ba alam nito ang tunay niyang ngiti. Sa pagtalikod ni Gabriel sa kanya bigla siyang napabungisngis. Humagikhik ng walang tunog at napapahawak sa kanyang tiyan dahil nga sobra siyang nagpipigil na tumawa. Nang biglang umangat ang paningin niya dahil biglang hinubad ni Gabriel ang pang-itaas na damit nito. Muli nawala ang kapilyuhan niya. “Uy! Hoy! Ano—.” Nang hinagis nga ni Gabriel ang damit sa mukha niya. “Ayusin mo ang lahat ng 'to. Hindi ako nakikipagbiruan sayo Serena. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo.” Ngunit parang baliw parin na nakangiti si Serena at halos tumawa na nam
Chapter 202: The Warning “…”Ipinikit na lamang ni Gabriel ang kanyang mga mata at napahilot ng sintido.“Infairness ha, curious ako kung sino si Girl.”At malayo pa nga si Serena dinig na ni Gabriel ang boses nito para maimulat ang kanyang mga mata.“Ga-Gabrielllllll!”at parehong napaligon si Venus at Gabriel sa pinangalingan ng boses.Ang ngiti ni Serena hangang tenga nito at labis ngang namamangha sa nakikita nito.“Hmmm… teka lang… Pamiliar siya sa akin?” titig ni Venus pabalik kay Gabriel. “Hindi ba siya ang pinakilalang fiancei ni Liam noong—.”“Tsk. Hindi na ngayon.”Na kaagad na nanlaki ang mga mata ni Venus.Nakalapit na si Serena bago pa man nga makapagsalita ulit si Venus.“Sobra… Ang laki pala ng bahay ninyo.” Nakasunod kay Serena ang ilang utusan at si Agatha.Tinapik ni Gabriel ang pwesto sa tabi niya at yun ang paraan nito para nga yayain na maupo si Serena.Naupo naman ang dalaga at medyo natahimik ng makita nga si Venus. Pareho silang nagkatitigan… Hangang sa nanlak
Chapter 201 To Guard Her “Aba naman. Long time no see Prince Charming.” Isang babae na napalingon nang naupo ito sa sofa. May mapaklang ngiti dahil alam na nito ang pinunta at medyo nga nagtataka din sa sinabi ng… “Tumawag ang little brother ko. Kailangan mo na naman ang service ko.”“Tsk.” Yun ang itinugon ni Gabriel sa kanya saka naupo ito sa harapan ng bisita niya.“Well, ang sasabihin ko lang naman, alam mo bang nakakaabala ka sa akin? Wala akong pakialam kung napakalaki ng network mo dahil hindi ako masaya sa pinapagawa mo sa akin.”“May sinabi na sayo si Atlas hindi ba?”“Ipagyayabang mo na naman yung tungkol sa triple kong pera na makukuha kesa sa sahod ko sa banda namin? Eww. Nakakadiri ka.”Napa-ismid si Gabriel.“Anong gusto mo burahin ko ang lahat ng detalye tungkol sa banda mo?”“Aba naman, nakakainis din talaga kung bakit natali ang pamilya namin sa mayabang na kagaya mo. Kasalanan talaga ‘to ni Atlas. Haist kung hindi ko lang talaga mahal ang little brother ko hindi ko
Chapter 200 Her Monthly “Dinalaw?” naitanong ni Gabriel na hindi niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng doktor.Nang biglang pinagtawanan siya ng kanyang dalawang ama-amahan.“Pagdating talaga sa mga babae wala kang alam no?” dagdag na panunuya sa kanya ni Seneca. “Sabagay hindi ko din nabantayan ang tungkol sa bagay na yan.”Tinignan ng doktor ang isang utusan. “Maari mo bang ipatawag si Agatha.”Kaagad naman kumilos ang utusan at tumalikod sa kanila.“Ano ba kasi ang sinasabi ninyo?”“Oxford gusto mo bang ikaw ang magpaliwanag sa batang to ang gusto ko sa kanyang sabihin?”Napa-iling na lamang ang abogado dahil medyo napangiti nga siya sa ideya na walang alam talaga si Gabriel tungkol sa isang babae.Lumipat ulit ang paningin ni Gabriel kay Seneca. Seryoso ang mukha nito. “Maari mo naman ata sa akin ipaliwanag ng walang paligoy-ligoy, hindi ba?”Dahil ang ayaw ni Gabriel yung tipong pinaglalaruan siya sa simpleng mga bagay na hindi niya alam. Oo na, wala nga siyang alam pagdat
Chapter 199: Thoughts of Pregnancy “… Gabriel.”Tumayo si Gabriel at piniling lumabas ng silid na hindi man lang nilingon ang dalaga kahit nga paulit-ulit siyang tinawag nito. Hinabol man siya ngunit muli niya itong sinarhan ang pinto at senenyasan ang bantay na siguraduhing hindi ito makakalabas.Naglalaro sa isipan ni Gabriel kung hahayaan na nga ba niya itong makalabas sa Manor na mas ipapriority niya ang kaligtasan nito ngunit ito rin ang kaligayahan ng babaeng mahal niya.Hindi niya masabi sa dalaga na ngayon na iyong araw na hinihintay nito.Ang dumalaw lamang sa pamilya nito.Para na din magkaroon na ng katahimikan ang loob ni Serena na nasa maayos nang kalagayan ang pamilya nito.Sa paglabas niya sa Manor sinalubong siya ng sariwang hangin. Maganda ang panahon… Bughaw na bughaw ang kalangitan… At ang mga maliliit na ibon na malayang lumilipad parang nakikita niya kung sino ang sinisimbolo nito…Si Serena.Yun din naman ang nais niya para sa dalaga.Ang maging malaya…Pero is
Chapter 198: His Promised Dalawang linggo na ang nakalipas hindi parin matalo-talo ni Serena si Gabriel. Kaya ngayong umaga nagdadalawang-isip ang dalaga kung yayain pa ba niyang maglaro sila ulit ng binata.Nakaupo siya sa sofa at nakatitig sa may terrace kung nasaan si Gabriel at mayroon itong katawagan sa kabilang linya. Napakagat ng kuko si Serena. Hindi niya namalayan na ang isipan niya pinagmamasdan ang tindig at kabuhuan na pangangatawan ng binata.Hindi niya akalain na ang isang matipunong binata ay gagawin ang lahat para lang hindi siya makawala dito. Oo, sabihin na nating possessive ito masyado sa kanya. Natatakot na makalabas siya sa pamamahay nito. Isang preso na inaasam ang kalayaan niya ngunit hindi maari dahil nga hindi niya makuhakuha ang tiwala nito.Para sa kanya… Hindi naman siya tatakas kung sakali ngang hayaan siyang maging malaya nito. O sadya lang talagang nag-aalala ito sa maari niyang sabihin sa ibang tao dahil sa mga ginawa nito sa kanya.Napabuntong-hining
Chapter 197 Checkmate Hinintay ni Serena ang paglabas ni Gabriel sa banyo. Sa araw na iyon alam niyang wala sa pagpipilian na magpapatalo siya dito. Kampante dahil nagawa niyang natalo ng ilang beses ang tutor niya kahapon. Si Gabriel pa kaya na halos buong buhay ata inatupag nito ang tungkol sa kompanya. Wala itong oras para mas lalong hubugin ang sarili sa larong iyon.Napangiti siya.Ramdam na ramdam niya na kanya ang panalong ito.Nakahanda na ang board ng lumabas si Gabriel. Nilapitan siya nito na mayroong ngiti din ang labi. Naupo sa harapan niya.“Wag ka ngang ngingiti. Oo maganda ang ngipin mo pero walang dahilan para ngumiti ka.”“Nakakasigurado ka ba?”“Oo naman. Matatalo kita.”Pinili niya ang kulay puti at kay Gabriel naman yung kulay itim.“Magpapahanda na muna ako ng agahan. Kumain na muna tayo.”“Epp! Di pa ako gutom. Wag na madaming patalastas Gabriel. Maglaro na lang tayo. Kahapon ka pa.”“Inaalala lang kita Serena. I know kampante ka na matatalo mo ako but walang ka
Chapter 196 This Morning…Kinabukasan, himalang maagang nagising si Serena. Mas maaga pa kay Gabriel. Nasa tabi niya ito at hindi nga niya namalayan na tumabi ito sa kanya kagabi. Sa tuwina kasi kapag nagigising siya ng madaling araw… Wala ito sa tabi niya at nalalaman na lamang niya sa katulong na nakakatulog ito sa study room nito.Ito ata talaga ang napapala sa mga taong halos wala nang oras para matulog ng maayos. Mga bagay na pina-priority kesa sa sariling kalusugan. At kung hindi dumating si Gabriel sa buhay niya siguradong hangang ngayon nararanasan parin niyang ipagkait sa sarili ang matulog ng maayos.Mahimbing ang tulog ni Gabriel at hindi nga niya namalayan na matagal na niyang pinagmamasdan ang mukha nito.Mala-anghel na mukha.Ang mga daliri niya kusang lumapit sa pisngi ni Gabriel.Pinindot-pindot ito dahil hindi ata siya makapaniwala na kung totoo ba ito dahil sa malaporcelanang mukha nito.Palibhasa… Anak mayaman.Nang biglang nanlaki ang mga mata ni Serena dahil mulat
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas