Chapter 135 Proprietor Nang makalabas si Gabriel sa kanyang silid, sinalubong siya ng ilang utusan sa labas. Napayuko ang mga ito sa presensya niya lalo na si Agatha. “Magandang umaga Master Gabriel.” Napatango ang binata. Alam niyang alam nito ang nilalaman ng kanyang silid… Alam din nito na may possibilidad ngang may mangyaring milagro sa kanyang silid. “Si Serena, puntahan ninyo at asikasuhin ninyo. Ang aking mga ama-amahan, nasaan sila?” “Nasa Lanai sila ngayon, Master Gabriel.” Saka nga tumalikod si Gabriel kay Agatha. Sinundan ito ng matandang mayordoma ng paningin hangang sa napa-iling na lamang ito. Nauunawaan niya kung bakit ito nangyari, wala nang ibang paraan dahil wala nang dapat na panahon na kailangan aksayahin. Nakita naman niya kay Gabriel kung paano nito sinubukan pigilin ang sarili sa kapangahasan nito sa dalaga, ngunit dahil nga wala nang oras kailangan isantabi ang mga bagay na kailangan iyon ang inuna ng binata. Ang makuha ang puso ng dalaga at idaan
Chapter 136 His Lady Napabuntong-hininga si Agatha ng tumalikod sa kanila si Gabriel. Walang bakas sa mukha ng binata na hindi ito nagsisi sa ginawa nito. Oo may alam siya sa nangyari dito, dahil iyon naman talaga ang binabalak ng ama-amahan ng binata. Ngunit hangang ngayon hindi parin siya makapaniwala na magagawa ni Gabriel ang bagay na iyon. Ang binata na inalagaan niya simula nga ng maipanganak ito sa mundo. Siguro disperado na nga masyado dahil nga sa sunod-sunod na problemang dumating at nanganganib na maputol ang dugo ng pamilyang Aquinas. Kasama ng mga iba pang katulong kanina pa silang naghihintay sa labas ng pinto. Dinig nila ang paminsan-minsang tili at sigaw ng dalaga. Ngayon naman dahil nga iniwan ito ni Gabriel sa loob ng silid, makakaharap niya ito. Hindi niya alam kung ano ang mga sasabihin niya lalo na kung paano nga maibsan kung ano man ang nararamdaman ngayon ng dalaga. Ang tungkol sa dalaga hindi iyon nakalampas kay Agatha, alam niya ang ilang detalye tungkol
Chapter 137 Let Me Go Nang sumara ang pinto… Kaagad nagpumiglas si Serena sa yakap ni Gabriel. Ngunit hindi ito hinayaan ng binata, kanya ang kontrol. Wala itong magagawa sa nais niyang mangyari. Kaya wala ngang nagawa si Serena kundi tumigil sa kanyang ginagawa dahil siya lang naman itong mauubusan ng lakas. Ang magagawa na lamang niya ang umiyak. Luha na hindi niya alam kung saan pa ba niya kinukuha. Napabuntong-hininga si Gabriel. Kailangan na siguro niyang humingi ng kapatawaran kahit paano. “I'm sorry Serena.” At dahil sa binigkas na mga salita ni Gabriel lalong umiyak si Serena. Hinalikan na lamang ng binata ang ulo nito saka siya naupo sa tabi ni Serena. Pinakingan ang pag-iyak nito…At hinayaan lang na umiyak ito.Hangang sa tatayo sana si Serena ng…“Tatayo ka lang riyan Serena kapag kakain ka na ng agahan.” Matikas ang boses ni Gabriel, lalong-lalo na mayroon naman itong autoridad sa pamamahay niya. “Kakain ka na ba?” Hindi sumagot si Serena kundi hinila nga ni
Chapter 138 His Prisoner Naramdaman ni Serena na nagpipigil si Gabriel sa pamagitan ng mahigpit nang hawak nito sa kanyang braso. “Tss. May magagawa pa ba ang paghahampas mong yan sa akin? Sa pamagitan ba nito maibabalik ang lahat. Ha, Serena?! Tsk. Sinasayang mo lang ang lakas mo. Wala ng saysay yan dahil simula ngayon kapag nagmatigas ka pa, isipin mo na lang kung ano ang maari kong gawin sa pamilya mo. Hindi ko nais manakot ngunit kapag nakita kong pinapahirapan mo masyado ang sarili mo, mahahanap mo ang hinahanap mo Serena.” Saka binitiwan siya nito. Pipiliin na sanang manahimik ni Serena, ngunit narinig niya ang tungkol sa kanyang pamilya. Tinatakot siya ni Gabriel dahil sa kanyang pamilya. Napatunayan lamang na wala siyang pinagkaiba sa mga mayayaman na kilala niya. Mga mayayaman na minsan pumasok siya bilang katulong… Naglingkod siya ng tapat at maayos, ngunit ang isinukli sa kanya, siya pa itong pagbibintangan na magnanakaw. Mayabang. Mayabang pala…Ang nanginginig
Chapter 139 His Decision Dinig naman ni Agatha ang sigawan na nangyayari sa loob ng silid. Nakayuko lamang ang mga kasamahan niyang katulong ngunit alam niyang kapag tumalikod siya, ito ang pag-uusapan ng lahat sa buong Manor. Ang tungkol sa dalaga at higit sa lahat kung ano ang nangyari sa pagitan nito at ni Gabriel. Bumukas ang pinto, at inaasahan na si Gabriel ang lalabas kaya naman kaagad nagsiyukuan ang mga katulong dahil sa presensya ng binata. Bago pa man masarhan nito ang pinto dinig nilang lahat ang paki-usap ng dalaga habang umiiyak ito. Nang masarhan, saglit na hinawakan ni Gabriel ang doorknob at pinakingan ang pagmamakaawa ng dalaga. Ang hikbi nito…Hangang sa sumuko nga ito. Napabuntong-hininga na lamang si Gabriel… Saka tuluyan na nilock ang pinto. Lumingon siya sa grupo ni Agatha… At kaagad na inutos…“Bilhin niyo ang mga kailangan niya.” “Master Gabriel…” Angal ni Agatha, dahil nakiusap sa kanya ang dalaga na tulungan ito makaalis sa lugar na iyon. Akala
Chapter 140 The Truth Nang mahimasmasan si Gabriel nagdesisyon itong bumalik sa kanyang silid hindi para ipagpatuloy ang sagutan nila ni Serena kundi maghanda para pumasok ng kompanya. Pagbukas niya ng pinto kaagad niya nakita si Serena na nakaupo sa harapan ng bintana. Hindi na lamang niya ito pinansin. Nilapitan na lamang siya ni Agatha…“Sigurado po ba kayo Master Gabriel na papasok kayo ng kompanya?” Saka lumingon ng bahagyang si Agatha sa direksyon ni Serena. Nais nitong ipahiwatig kung talaga bang iiwan niya si Serena. Napatango na lamang si Gabriel. “Kung ganoon ihahanda ko na ang iyong isusuot.” Ngunit ng makita ni Gabriel ang pagkain sa mesa na hindi man lang nagalaw… Napailing na lamang siya. Parang mahihirapan nga siya ng husto kay Serena. “Maghanda kayo ng panibagong pagkain.” Sinabi niya iyon habang nakatitig sa direksyon ng dalaga. Kalmado ang dalaga kaya dapat lang na hindi na niya muna ito guluhin. Hayaan itong mag-isip, kahit ano man ang isipin nito. Kun
Chapter 141 StayMuli napalunok si Serena. Susubukan na hindi tumaas ang boses niya… At pakiki-usapan ng maayos ang binata. “Gagawin mo ba talaga yung sinabi mo kanina? Na mananatili ako rito?” Ang tanong na nais niyang malaman ang sagot. Umaasa siya na maayos itong sasagutin ni Gabriel… Maayos, sa paraan na… Hindi dapat gawin ito ng binata sa kanya. Malaya siyang tao… At hindi siya matutuwa kung ikukulong nga siya ni Gabriel sa silid na iyon. “I have one word, Serena. Kapag sinabi ko na pinanghahawakan ko talaga at di ko binabali. At kung ang sinasabi mo ay tungkol sa sinabi ko kanina, I am afraid you need to stay here.” Biglang naningkit ang mga mata ni Serena ng marinig yun. Ngunit hindi dapat siya magpadala sa sinasabi ni Gabriel, kung hindi masisira na naman ang pagkakataon na ito para sabihin sa kanya ang dahilan niya at pagtangi sa kagustuhan nito. Huminga siya ng malalim. Kapag sinakyan niya ang mga sinabi nito mag-aaway lang sila kagaya ng kanina. Kaya kailangan
Chapter 142 Been On His Heart Nagsidatingan ang mga katulong upang iligpit ang pinagkainan nila ni Gabriel kanina. Sa nakikita ni Serena, walang gustong may magsalita o kausapin man lang siya. Kahit ang mga ito, umiiwas na makasalubong man lang ang titig niya. Alam niya na impossibleng tulungan siya ng mga ito na makaalis nga sa pamamahay na iyon… Dahil sa silid pa lang nga ni Gabriel hindi na siya makalabas… Paano pa kayo makatakas sa lugar na iyon? Nang may ipinasok na dalawang malalaking kahon.“Ilagay niyo lang diyan.” Yung matandang babae at sa narinig ni Serena ito ang Mayordoma ng pamamahay ni Gabriel. Lumapit ito sa kanya at pilit na ngumiti para sa dalaga pero bakas sa mukha nito ang sympatya para sa kanya. Ngunit kahit ito wala itong magagawa sa nais mangyari ni Gabriel. Pinunasan na lamang ni Serena ang kanyang luha. “Hindi ko na itatanong Miss Serena kung ayos ka lang. Sa nakikita ko kasi, hindi.” Ngunit umiling si Serena… At kahit paano nga tinindig niya ang ka
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala
Chapter 186 His Dare “Sige.” may kasamang tango na tinangap ni Serena ang hamon ni Gabriel. “Maglalaro tayo ulit.”“But not now.” tumayo na si Gabriel. “Kailangan ko pumunta ng kompanya. Make sure you behave yourself or alam mo ang mangyayari ulit sayo. Anyway, may ginising ka sa pagkatao ko na hindi ko kontrolado, brace with it.”Kindat ni Gabriel at naglakad palayo sa harapan ni Serena. Hindi maunawaan ng dalaga ang sinabi nito… Ngunit ng maging klaro sa kanyang isipan kaagad nanlaki ang mga mata niya…Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit… may nangyayari sa kanila ni Gabriel?“Hindi ko yun kasalanan?!”“Eat your breakfast at kapag hindi mo ginalaw ang pagkain mo after ko magshower… Baka may gawin na naman ako sayo.”“…” hindi na lamang makapagsalita si Serena.Dahil nga natatakot siya sa pagbabanta ni Gabriel, kumain siya. Saka kailangan niya kumain dahil sa paghahamon sa kanya nito. Kailangan niya matuto kung paano laruin ang chess…Tiwala lang ang kailangan niyang makuha k
Chapter 185 His Words Kinabukasan ng magising si Serena, ewan ba pero maganda yung tulog niya. Napaunat ng kamay at sinamyo ang sariwang hangin na pumasok dahil nakabukas ang bintana at terrace na malapit lamang sa kama.“Magandang umaga Miss Serena.” si Agatha na nakangiti sa kanya.“Magandang umaga rin po.” tugon niya na may ngiti rin sa labi saka bumangon nga siya.Nang biglang sa pagbangon niya kaagad na napayakap sa sarili dahil nakasleeping robe lamang siya.At parang kidlat na naalala niya kagabi kung paano nga siya pinatulog ni Gabriel. Kaagad naman napalingon sa sahig si Serena at nakita niyang pinulot ng katulong yung damit na nagkalat.Nanlaki ang mga mata niya dahil totoo ang nangyari at may ginawa na naman sa kanya si Gabriel.Halos biglang gumuho ang mundo niya.Napaupo sa kama ulit…“Miss Serena?” may pagtataka sa mukha ni Agatha.“Si… Si Gabriel po?”“Nasa study room niya Miss Serena.”Nakahinga siya dahil akala niya tinakasan na naman siya nito. Muli siyang tumayo at
Chapter 184 Realization Sa tuwing may nangyayari sa pagitan nila ni Serena at walang nagagawa ito kundi magpa-ubaya…Agad naman nakakatulog si Serena.Kaya ng maramdaman ni Gabriel na mahimbing ang tulog nito napa-upo bangon na siya. Tinitigan saglit ang katabi niya… Maaliwalas ang mukha at siguro dahil halos isang buwan na ito sa Mansion at ilang beses na rin may nangyari sa kanila…Napapikit siya…Nakasanayan na ni Serena…Ngunit…Magkakaroon pa ba ng bunga ang ginagawa niyang ito? O sadyang pinapahirapan lamang niya ang kalooban lalo na nga si Serena?Hawak ni Seneca ang resulta kung ano ang kundisyon ng pagkalalaki niya. Masaya siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Serena ngunit naroon ang pangamba na para saan pa ba iyon?Kung si Serena nakakatulog ng maayos kaagad…Siya naman nakakaramdam ng frustration na hindi niya maunawaan. Kaya naman bumangon siya at nagpakuha ng alak sa isang tauhan saka tumungo sa kanyang study room.Habang nasa terrace at hawak niya ang isang wine
Chapter 183 Consequences was Served.“Natulog na ba siya?” tanong ni Gabriel kay Agatha na hinatiran siya nito ng tsaa sa kanyang study room. Tambak na mga papelis ang nasa harapan niya at iniwan nga niya si Serena kanina para makapagpahinga ulit ito. “Hindi parin Master Gabriel.”Tinignan niya ang oras at napatayo siya.“Anong gusto ng babaing yun.”Dahil halos maghahating-gabi na naman.Pinuntahan niya si Serena sa silid at nadatnan niyang natatawa ito dahil sa pinapanood. “Hindi ka pa matutulog?”“Hi-hindi pa ako puyat.”“Tsk.” lapit ni Gabriel dito pinatay kung ano man ang pinapanood nito.“Ang killjoy mo talaga.”“Tss. Hindi ka makatulog?” saka naupo sa tabi ni Serena at aalis sana ito ng hinila niya ang kamay nito paupo ulit.“Baka nakakalimutan mo ang tungkol sa kasunduan natin kaninang umaga.”“Hindi ah. Ang sabi hindi mo rin ako nahanap sa loob ng sampung minuto kaya patas lang tayo. Dapat nga ako ang panalo. Tungkol nga roon kailan ulit ang laro nating dalawa? Bukas? Sige
Chapter 182 His Relatives Kaagad na kinapa ni Gabriel ang tinutukoy na bukol ni Serena. Hinayaan naman siya nito… At hindi nga maikakaila ang sinabi nito.“Tsk. Kailangan nila ito makita Serena.”Hindi na niya napigilan si Gabriel dahil halata naman sa mukha nito ang biglaan at labis na pag-aalala sa kanya.Bumalik ang mga doktor at tinignan ang bukol niya.“Nauntog po ba ang ulo niyo Miss Serena?”“Nauntog?” ulit niya.“Tumama sa matigas na bagay?”Si Gabriel nakikinig at tahimik na naghihintay sa kumpirmasyon ng dalaga. Ngunit ng wala silang makuhang sagot dito… Lumabas siya ng silid. Dumiretso siya sa may footage record room ng biglang may katulong na nagmamadali dahilan upang mabundol siya nito. Hindi siya natinag ngunit ang babae bago pa man ito bumagsak nahila na niya ang kamay nito.“Ma-master Gabriel hi-hindi ko po sina—.” kaagad naman niyang binitiwan ito.Hindi katulong kundi… Ito ang kinuhang tutor ni Agatha para kay Serena.“Tsk.” tumalikod si Gabriel na ang pakialam niy