(Dahlia POV)Sira ulo yung tumulong sa akin.Syempre uulitin lang ng matandang yun ang ginagawa niya sa akin sa iba.Haist. Wala na bang matinong maisip na trabaho ang ilang tao para kumapit sa pag-ii-scam?Tsk.Sana naman di pa nasira ng tuluyan ang mukha ko sa social media.Sabagay di naman ako aktibo sa mga ganyan. Nagiging abala lang ako sa social media kapag nagbabasa ako. Inaalam ang mga trends ngayon.Yun ang gawain ng isang writer. Dapat dumaragdag ang mga kaalaman nito.Naalala ko ang sinabi ng lalaki sa akin kanina. Importante ang oras kesa sa pera. Kaya pinulot ko na yung mga pinamili ko at tuluyan ngang umalis sa lugar. Di ko na lang pinansin yung mga taong nagsasayang ng oras nila. At para naman kay Kuya na tumulong sa akin, thank you na lang. Kung magkano man ang ibinigay sa ale, donasyon na niya ito sa matanda.Sana naman nanay wag niyo na itong uulitin. Hindi lahat ng mabibiktima nila ay kagaya ko.Malapit na ako sa bahay ng biglang tumunog yung phone.Unregister numbe
(Cedrick POV)“A scent of rosemary.”Sinabi ni Master Kai ng mahawakan niya ang lumilipad na payong.Akala ko magkakaroon na naman ng tension sa paligid, ngunit halatang kalmado siya ngayon.“A woman.”Nakangiti ito.“Who do you think owns this?”“Master Kai.”Tinatanong niya ako na di ko naman siya kaagad masasagot.“An early challenge to return this to the owner. I am curious to her scent.”Kumalma lang siya dahil sa amoy na yun?Sa isang iglap nawala na lang si master Kai sa harapan ko.Maagang trabaho para sa isang kagaya ko. Saka wala na atang mapagka-abalahang iba si Master Kai kundi gawin ang mga bagay na walang kwenta.Ikinasunod ko naman sa kanya.Natagpuan ko ang sarili sa harapan ng hospital. Kagagaling ko pa lang kanina dito para dalhin ang naghihikahos na si Mr. Ofemia. Alam kong di naman nagkakamali si Master Kai sa paghahanap ng may-ari ng amoy.Sumunod na lamang ako.Nang matigilan siya. Saka sinabing…“She is the owner of the umbrella.”Yung babae kaninang umaga.“A
(Dahlia POV)Tumapat ako sa koridor na nakapaligid sa aking ang mga silid para sa mga VIP, naghinala na ako. Talagang dito si Carlo na admit?Saka tumigil nga sa tapat ng isang silid yung nurse.Ahem. Di ito maganda.“Yung totoo miss, sino ang nagdala sa kanya dito? May makakuha ba siyang commission para dito siya dalhin sa hospital na’to?! Saka naka-VIP pa ha.”Sa kumukulo na talaga ang dugo ko.Sponsor ba ng hospital si Carlo para hindi ito pagbayarin? O yung nagdala sa kanya dito ang magbabayad?Hindi. Sigurado ang bumugbog kay Carlo ang nagdala saka pinaglaruan siya na dito dalhin upang magkabaon-baon kami sa pagbabayad ng hospital bill.“Inaalala mo kaagad ang pera Miss, kesa sa buhay ng pinsan mo?”Napalingon ako sa may ari ng napakamaskulado at matipunong boses. Isang lalaki na kumukuha ng maiinom sa dispenser.“Ewan. Di ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa katangahan ng pinsan ko. Teka lang? Ikaw ba ang nagdala sa kanya?”Sa ang lakas ng loob niya para nga sumabat diba?
(Dahlia POV)Nang ginising ako sa pagkatulala ng tumunog ang phone ko.Si Karen…Isa pa to.“Hoy babae! Andito na kami ni Grandma sa shop. Asaan ka? Dinala na namin yung mga pinamili mo dito. Nagpumilit si Grandma na dalhin ko na siya. Pumunta ka na dito. Kailangan ka sa shop. Alam mo namang nakareserve sa oras na ito ang shop para sa mga kaibigan ko. Walang gagawa ng—.” Natigilan siya. At ng bumalik…“Teka lang.”Ibinaba niya ang tawag.Ako dapat ang baba ng tawag niya dahil wala itong kwenta at iniisip lang naman nila sarili. Dinadamay pa ako sa mga kalokohan nila.Sabagay alam naman nila Auntie ang mga nangyayri na sa mga anak nila. Kaya di naman hundred percent sa akin ang blame nito.Matanda ako sa mga anak nila, ngunit hindi ibig sabihin kargo ko sila diba? May sarili rin akong buhay na kailangan kong pagtuonan ng pansin. Hindi yung sa kanila ibubuhos ko ang aking buhay.Lalabas na sana ako sa silid ng tumunog ulit ang phone ko.Si Karen ulit. Kanina binabaan niya ako. Anong ib
(Dahlia POV)Binuksan ko ang aparador kung nasaan ang mga panglinis. Kinuha ko na din ang walis tambo.“Karen.” hagis ko sa kanya ng isang walis tambo.“Andito ka din naman, maglilinis tayong dalawa.”Sana may magagawa nga ito sa aatake sa amin.Napakaloskos ako ng jacket.Kahit babae kami ni Karen, kailangang ipakita ang pagiging amasona namin. Sus. Para saan ang pagiging amasona ni Karen sa akin kung di niya gagamitin sa tamang paraan.Ngayon Karen, kailangan natin yan.Dahil wala pa naman yung mga babalik daw. Naglinis na muna ako. Si Karen, nagkukunwaring naglilinis ngunit abala naman sa phone nito.Hay naku kung nakakakita pa lang si Grandma, tiyak titino ang mga ’to. Nilinis ko na ang counter. Hinahanda ko na yung mga ingredients.Nang tumakbo si Karen sa tapat ko. Bago pa man siya makapagsalita, nakita ko sa labas ang nagsitigil na mga sasakyan. Nabitiwan ko ang hinihiwa kong lemon.Heto na ang hinihintay ko, ang upakan sila. Maubos tong negative aura sa katawan ko.Sa isang
(Dahlia POV)“Dahlia… Mga kakilala mo ba sila?”Iminulat ko ang aking mga mata. Parang nanunuod ako ng suntukan nila Jet Lee at Jackie Chan. Napailing na lamang ako kay Karen.“Ah! We save by the time. Mga samahan ata ng mga fans ko. Go!”Ang kapal talaga ng mukha ni Karen.Yung lalaking nagligtas sa akin kanina. Sa kasamaang palad may atraso siya sa akin. Ang lalaking nagbigay ng pera sa madugas na matanda kaninang umaga.Narito ata siya para maningil.Siya ang may kasalanan kung bakit dinugas siya. Hindi ako. Wag na wag niya akong sisingilin.Muling humarap sa akin ang lalaki.Ngumiti ito sa akin. Bahagyan pa nga napayuko para bigyan ang ng respeto.Huh?Yung mga kasamahan niya, hinayaan niyang kaladkarin palabas yung mga basagulero.Nang may isa na dahan-dahang nilalapitan si Grandma. Napatango ako kay Kare at siya mismo ang pumulot ng kawali at hinampas yung sira ulo.Agad naman itong kumaripas palabas.Kaya naman sumunod kami ni Karen palabas, at nagsitakbuhan ang mga ulol.“Wag
(Venal POV)Bago ko hinarap ang mga tauhan ko, lumingon ako kay Miss Dahlia.Sa susunod na lang ata. Saka sa edad ngayon ni Master Dryzen, hindi naman siya nagmamadali maghanap ng babaeng ipapakilala niya bilang asawa.Sumenyas na ako sa mga tauhan. Agad naman nagsilabasan.Napatitig ako sa isang Milktea na hinanda para sa akin.Kinuha ko ito at dinala nga sa sasakyan kung nasaan si Master Dryzen.Sa tabi ako ng driver naupo at napatango na ako sa kanya para umalis sa lugar.Mayamaya lang, ang halimaw na nasa likuran namin, kinuha na ang pansin ko.“Di mo siya nakausap.”Alam na nito.“Tss.”“Master Dryzen, napaka-abala niya ngayon. Hindi naman maganda kung ipipilit natin sa kanya. Baka hindi siya pumayag sa gusto ninyong mangyari. Sa susunod na araw kakausapin ko siya.”Ngumisi siya sa akin. Kahit nga nakapikit ang kanyang mga mata at nakasandal ang likuran sa upuan.“Baka nakakalimutan mo Venal, makukuha ko ang gusto ko.”“Master Dryzen, maaga pa para paghandaan ang nais mangyari.”
(Venal POV)Pagdating ko sa aking opisina nadatnan ko ang dalawang kakasibak pa lang ni Master Dryzen. Tinitigan ko ang aking mga assistant na agad naman nakuha ang ibig sabihin ng titig ko.Pera. Yun ang dahilan nila upang kunin ang trabaho. Pera din ang ikakatikom ng bibig nila.“Hindi. Hindi ko yan tatangapin. Kailangan ko ang trabahong to.” Pagmamakaawa ni Sha-sha sa akin. Madali lang sana bangitin ang pangalan niya, kaya lang hindi talaga siya natangap ni Master Dryzen dahil sa suot niyang hikaw.“Anong dahilan upang hindi ako tangapin ng boss mo?”“Hikaw.” Agad kong sinagot ang tanong niya.“Dahil lang sa hikaw, di ko na makukuha ang trabahong to?!”Nilapag namin sa harapan niya ang termination ng kontrata. Plus, the Card na naroon nga ang perang matatangap niya bilang compensation kahit di pa naman siya nagsisilbi.“Ayoko! Hindi ko yan tatangapin! Hindi ako naririto para sa pera. Nais ko magsilbi sa kanya. Kahit boung buhay ko ibibigay ko sa kanya.”Ngumisi ako dito.She sounds
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama