"Bwisit!" Sigaw ni Madel habang bitbit ang tray ng mga coctail drinks na tumapon sa kanya. Di naman nya kasalanan pero mukang kaltas na naman eto sa sasahurin nya ngayong buwan. Abot abot na nga ang pagiingat nya ay nabalewala parin.
"Anong nangyari Madel?" Tanong ni Nikka.
"Ayon binangga ako ng antipatikong customer. Ako pa ang sinabihang di tumitingin eh sya yung bigla nalang humarang. Hay bwisit talaga"
" Wala na tayo magagawa dyan sis kasi nga customer is always right. Sige palamig ka muna at ako muna ang bahala."
"Salamat sis mag break lang ako saglit, kailangan ko mahanginan baka balikan ko pa yung tukmol na yun." Sabay talikod ni Madel papunta sa exit sa likod.
Isang siyang waitress sa kilalang bar at dito di naman sya nababastos. May class at mayayaman ang mga pumupunta dito. Isang syang working student na kumukuha ng kursong Marketing Management at nasa huling semester na ito. Paglabas ng exit, huminga ng malalim at tumingin sa langit si Madel. "Konting tiis na lang makakatapos na ako, maghahanap ako ng trabaho agad para di ko na kailangan magtrabaho pa dito. Well ok naman kaso napapagod na ako kailangan concentrate sa isang trabaho at makapahinga din."
William was having a blast kasama ang kanyang mga kaibigan. He needs to unwind dahil sa dami ng mga meetings nya ng buong linggo. He is the youngest business tycoon at minsan lang sya makapag bar gaya ngayon. Well exclusive bar din ito para sa tulad nilang mayayaman, mga businessmen and women at minsan may mga social climber na gusto makabingwit ng gaya nyang mayaman. He was about to go to the rest room ng mabunggo nya ang isang waitress. Medyo natapunan ang kanyang suit at umiiral na naman ang kasupladuhan nya. "Hey, why are not looking to where you're going!! My god you just ruined my suit. Alam mo bang kulang pa ang sahod mo just to pay for this? Umalis ka na nga sa harap ko at baka ipatanggal pa kita dito." Angil nya sa waitress na di magkanda ugaga sa pag aayos ng tray ng cocktail drinks na hawak nito. Sasagot pa sana ang waitress ng iwan na nya ito at dumiretso na sa restroom.
Kakauwi lang ni Madel sa boarding house at day off din nya sa bar kaya bawi-bawiin nya ang kanyang tulog. Papasok na sana sya sa boarding house ng tawagin sya ng kanilang landlady na kakauwi lamang din galing trabaho "Madel!" Tawag ni Jane "Hi ate. Kamusta na po ang napakabait kong landlady?" Sabay yakap dito. Ganoon sila kaclose na parang magkapatid lang ang turingan. Nagkakilala sila dahil na rin kay Nikka na matagal ng nangungupahan sa kanila at ng makasama si Madel sa trabaho ay agad nitong inalok na magshare nalang sila sa boarding house ni Jane. " Naku binola mo na naman ako Madel. Ikaw ang kumusta? Diba graduating ka na?" "Opo ate. Sa 27 po ngayong May ako gagraduate sa wakas ate!" May kilig pa nyang sagot. "Ano plano mo after graduation?" "Plano ko ate ayusin lahat ng requirements at hahanap agad ng trabaho. Gusto ko kasi makahanap agad para naman maka ipon tapos resign na sa bar. " Sagot ni Madel. "Sakto Madel. Ikaw nalang kaya pumalit sa akin sa trabaho ko. Katulad mo
"You know her sir?" Pagtatakang tanong ni Jane sa boss nila. Ngayon lang ito nagreact ng ganoon na para bang gusto lamunin ng buhay ang nasa harapan. At si Madel naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig. "You know what Jane? This is the first time you disappointed me. I thought deserving ang napili mo? I should have picked the new assistant myself!" Wika ni William. Looking at Madel di nya alam kung bakit sya naiinis when he really doesn't know anything about her. Ang umuulit sa kanya was the scene when Lance was hugging her. Di nya alam kung bakit yun ang naaalala nya. "I beg your pardon sir, pero how can you say na di ako desrving kung di nyo naman ako kilala personally? Opo, nagkabanggaan tayo sa bar but that doesn't i am not deserving for this job right? Ganun nalang po ba kayo humusga without even knowing me? Sorry po ha pero if that's the case po siguro i am really not deserving to have a boss like you Sir. I deserve much better. Sorry Miss Jane napaka judgemental naman p
After what happened last night nagdecide si Madel na maagang mag out sa shift nya. Pumayag naman ang boss nya dahil di naman weekend at kaya naman na ng staff ang customers nila. Pag dating sa boarding house ay dumiretso sya nagshower, kumain ng noodles at inayos ang ipapasang term paper nya. " Huli na to at pag katapos graduation na ang aayusin ko. " Ika nya. After nya maayos ang kanyang term paper ay natulog na lamang sya ng maaga magising. Maaga ngang nagising si Madel. Katatapos lang nyang magluto ng almusal ay sakto namang dating ni Nikka. Sya ang kahati nito sa boarding house. "O sis sakto dating mo, kain muna tayo bago ka mag pahinga" wika ni Madel sa kaibigan. "Thank you sis. Ang galing talaga ng timing ko." Sabay upo sa hapag. " Sya nga pala sis alam mo ba pag- alis mo eh medyo may mga nagkainitan. Yung customer na nakabangga sayo VIP pala yun buti di na nagsumbong kundi lagot tayo kay boss James. Kaibigan pala nya yun." Saad uli ni Nikka. "Hala buti nalang pala. Eh ano nga
Maagang nag-ayos si Madel. Araw ng lunes at unang araw nya sa trabaho. Sabay na sila papasok sa opisina ni Jane. Ang landlady nya mismo ang nagsabi na sabay sila hanggang sa mag leave ito. Sino pa sya para umangal eh ibig sabihin libre din pamasahe nya ng higit isang buwan kaya mas makakaipon sya. Sabi din nito na makakafocus siya na pag-aralan ang mga trabaho na kailangan nya matutunan dahil nasa out of the country ang kanilang boss ng isang linggo. Kaya next week na nya eto makikilala. Sa loob ng isang linggo ay kinabisa ni Madel ang mga iba't ibang departamento ng opisina pati ang mga department heads. Pinag-aralan nya ang mga projects ng opisina pati ang mga business partners at mga kakompetensya nito. Pinabasa sa kanya ni Miss Jane(tawag nya kay Jane sa opisina) ang mga panuntunan ng kompanya. Pati mga gusto at di gusto ng boss nya na si William Cedrick Conde. Parang pamilyar ang pangalan nito wika nya sa sarili. Sa loob ng isang linggo madami itong natutunan sa negosyo at pamam
Katatapos lamang ng meeting nila sa opisina kasama ang department heads ng dumating ang mga kaibigan ni William sa opisina. Nandoon si Greg, Lance at Brix. Sila ay kilala na ni Madel dahil na rin madalas sila sa bar noon. Si sir William lamang nya ang di nya masyado nakakasalamuha. Nagulat pa ang tatlo ng makita nila ito sa mesa ng assistant. "Madel my dear is that you?" Bulalas ni Lance na di nakaligtas sa pandinig ni William na kakapasok lamang sa opisina nito. Napakunot ang noo nito kaya imbes na umupo ay lumabas muli ito. "Sir Lance, kayo po pala! Nandyan po si sir sa loob." Sagot ni Madel at binati din nito sina Greg at Brix. "Hi po sir Greg , sir Brix. Long time no see po." "Why didn't you tell us na dito ka pala sa WCC mag wowork. Dun ka na sana sa kompanya ko.i would have hired you as my assistant as well." Sagot ni Lance "Why did you fire your assistant? And what are you guys doing here?" Tila naiinis na sabat ni William. "Relax bro. You know Lance is just kidding. And w
Maagang natapos ni Madel ang kanyang trabaho kaya mahaba ang oras nya para makapamili ng susuotin. Tinawagan nya si Nikka dahil day off nito at para matulungan na din sya sa mga kakailanganin nya. Magkikita nalang daw sila sa mall. Kaya naman nag ayos na sya at umalis. Wala naman syang balak gamitin ang card ng boss nya dahil may ipon naman sya at wala syang masyadong pinagkakagastusan. Nang nasa mall na ay dumiretso sya sa fast food chain malapit sa entrance umorder na din sya ng makakain nila ni Nikka dahil on the way nalang naman eto at malapit na din kaya sakto lang.Matapos kumain nina Madel at Nikka ay sakto naman na may text message na natanggap si Madel galing sa boss William nya. "Madel go to Yna's boutique located at star mall. I have instructed them on what dress you will wear tomorrow at dinner and on Greg's wedding. Just give them my card and do the fitting for the dress, shoes and any accesories. That's an order so you can't say no." Nanlumo si Madel sa nabasa at pinaki
Dahil wala naman pasok at gabe pa naman ang lakad ni Madel ay tanghali na ito bumangon. Nilubos nya ang beauty rest ika nga para sa dinner mamaya. Medyo excited na kinakabahan dahil first time nya makadalo sa ganoong event at first time din makikilala ang magulang at pamilya ng boss nya. Ayon naman sa kwento ni Jane sa kanya ay mababait daw ang parents ni William. Dating dean ang Mama nya at Presidente naman ng kompanya ang Daddy nito. May isang kapatid na babae eto si Rachel. May asawa ito na si John isang american businessman at isang anak na si Riz, 3 years old. Nakatira na sila sa amerika at umuuwi lang dahil sa ganitong mga event kaya asahan na daw ni Madel na nandoon sila. Usapan nina Nikka, Madel at Jane na sa bahay ng huli manggagaling si Madel. Dun na sya magaayos para daw si Jane ang bahala sa buhok nito. Alas tres ng hapon ay nakaligo na si Madel at inayos na ang gamit papunta sa bahay ni Jane. Kasama nya si Nikka na nagbitbit sa iba pang abubot nito. Ang plano nila ay ha
Madel was in awe when she saw the venue. Puno ng mga bulaklak at ilaw ang palogid. Sabagay, anniversary nga naman ng parents ng kanyang boss kaya magarbo ito. She felt nervous kasi nga di naman sya sanay sa ganitong okasyon, wala rin syang kakilala kaya naman plano nyang sa gilid nalang tumambay hanggang matapos ang party. Tila naramdaman naman ni William ang kaba ni Madel. "Don't worry my family won't bite. Mababait sila, and nandyan din sina Greg so may makakausap ka. Plus, I won't leave you alone ok." Tila nabunutan ng tinik si Madel sa narinig. May kilig pa syang naramdaman sa sinabi ng boss na agad nyang inalis sa isip. "Salamat sir". na lamang ang kanyang naisagot. Pag bungad pa lamang nila sa hardin kung saan ginaganap ang party, they caught everyone's attention. Bagay na bagay sila iyan ang ilang katagang maririnig mo sa mga bisita."Look at who just arrived!" wika ni Greg sabay beso kay Madel. Sunud-sunod na ang paglapit ng mga kaibigan ni William sa kanila ng biglang"Madel