Maagang nag-ayos si Madel. Araw ng lunes at unang araw nya sa trabaho. Sabay na sila papasok sa opisina ni Jane. Ang landlady nya mismo ang nagsabi na sabay sila hanggang sa mag leave ito. Sino pa sya para umangal eh ibig sabihin libre din pamasahe nya ng higit isang buwan kaya mas makakaipon sya. Sabi din nito na makakafocus siya na pag-aralan ang mga trabaho na kailangan nya matutunan dahil nasa out of the country ang kanilang boss ng isang linggo. Kaya next week na nya eto makikilala.
Sa loob ng isang linggo ay kinabisa ni Madel ang mga iba't ibang departamento ng opisina pati ang mga department heads. Pinag-aralan nya ang mga projects ng opisina pati ang mga business partners at mga kakompetensya nito. Pinabasa sa kanya ni Miss Jane(tawag nya kay Jane sa opisina) ang mga panuntunan ng kompanya. Pati mga gusto at di gusto ng boss nya na si William Cedrick Conde. Parang pamilyar ang pangalan nito wika nya sa sarili. Sa loob ng isang linggo madami itong natutunan sa negosyo at pamamalakad ng amo na kanyang hinangaan. Nalaman nya kay Miss Jane na ito ang nagpalago sa business ng magulang na dati ay constuction company lang hanggang nasali ito sa iba't ibang business venture at lumago na. Ayon pa dito matagal ng single ng amo matapos lukohin ng dating nobya na pinerahan lamang sya at may pamilya na pala. Kaya simula noon ay mailap na ito at naging masungit lalo na pag may babaeng nagpapapansin dito.
Isang linggo si William sa Australia para sa sasalihang panibagong business venture. Ito ay ang shipping company. Nais nitong itry ang shipping industry kaya naglaan eto ng isang linggo upang obserbahan at pag-aralan ang kalakaran sa negosyong ito. After 1 week ay natutunan nya ang mga dapat ayusin at paglaanan ng pansin lalo at di ito ganoon kadali. Bago sya umuwi ay bumili ito ng pasalubong sa kanyang magulang. Ibinili din nya ng gamit pang baby at bag ang assistant na si Jane dahil naaasahan nya ito sa ganitong panahon pati na rin ang magiging bago nyang assistant pawelcome naman nya. Ayon kay Jane ay bagong graduate at masipag ito. Di din daw ito maluho dahil aral at trabaho lamang ang inatupag nito sa 4 na taon. Medyo naexcite sya lalo at ganitong mga tao ang dapat binibigyan ng magandang opportunity. Naalala nya nung isang linggo ang waitress sa bar na nakauto sa mga kaibigan nya di lang si Greg at Lance kundi pati ibang kaibigan nya na nakausap ay abot ang papuri dito. Na intriga sya sa personalidad nito. Napagalitan pa sya ng mga kaibigan dahil bakit daw nya ito sinusungitan eh ito daw ang pinakamasipag na waitress doon. Pero di din nya makalimutan ang pagyakap ni Lance dito na di nya mapigilang bigyang malisya. Mukang may halong landi. Binura na lamang nya ang nasa isip at tinuon ang atensyon sa nakitang bag na mukang babagay sa bagong assistant.
Pabalik na ng Pilipinas si William at bukas, araw ng linngo. At sa lunes, nais nitong magpatawag ng meeting para sa bagong negosyong papasukin.
Lunes na naman, nasanay na si Madel sa aga ng paggising. Mukang naka adjust na ang katawan nya sa pagtulog at paggising ng maaga. As usual masigla ito kahit medyo kinakabahan dahil ngayon nya unang beses makikilala ang boss nya. Bilin ni Miss Jane, wag kokontrahin ang boss nya lalo kung may mga sinasabi ito sa negosyo. Ayaw daw nito ng nagmamagaling. Hay natakot tuloy sya, di pwede i correct ang boss. Eh paano kung un-intentionally eh magkamali eto, di padin pwede itama. Si Madel pa naman ang tipo ng tao pag tingin nya ay mali ka itatama ka nya. Ganoon kasi sya pinalaki, di nya pinapalampas ang pagkakamali lalo kung proven na tama sya. Mukang dapat na nya itong kalimutan muna. Di nya pwedeng kontrahin ang amo at baka mawalan sya agad ng trabaho eh bad record agad yun.
Pag dating ni Madel at Miss Jane sa opisina ay agad nilang tinungonang kani-kaniyang table. Inayos nila ang schedule ng boss nila ngayon umaga. Sya ang nagbigay sa mga department heads ng mga minutes of the meeting na hinanda ni MissJane . Tinungo nito ang conference room upang iaayos ang lahat ng gagamitin bago bumalik sa table nito. Pag balik ay agad siya tinawag ni Miss Jane upang ipakilala sa boss. Di inaasahan sumabit ang kaniyang palda na nagpahaba ng slit nito. Di pa naman sya ngsusuot ng stockings kaya abot ang takip nya. Lalagyan na sana nya ng perdible pero hinila na sya ni Miss Jane.
Pagpasok nila sa opisina ng boss ay agad sya pinakalila sa boss nya.
"Sir William eto po si Madel ng bago niyong assistant. Madel si sir William ang boss natin."
Nacurious si William sa pangalan na binanggit ni Jane kaya nilingon nya eto at di nga sya nagkamali ng hinala. She is the same Madel from the bar. Nagulat pa ito dahil abot -abot ang ayos sa slit ng palda na kita ang kalahati ng hita. "YOU!" gulat na bulalas nuto.
Nagulat si Madel kaya napatingin sya aa may-ari ng baritonong boses na yun. "Kayo ang boss ko?" Para syang pinagsakluban ng langit sa nakita. Ang lalaking pinaka ayaw nya makita dahil sa sobrang antipatiko ay sya p nyang boss ngayon. Gusto nyang tumakbo palayo pero di nya maigalaw ang paa.
Katatapos lamang ng meeting nila sa opisina kasama ang department heads ng dumating ang mga kaibigan ni William sa opisina. Nandoon si Greg, Lance at Brix. Sila ay kilala na ni Madel dahil na rin madalas sila sa bar noon. Si sir William lamang nya ang di nya masyado nakakasalamuha. Nagulat pa ang tatlo ng makita nila ito sa mesa ng assistant. "Madel my dear is that you?" Bulalas ni Lance na di nakaligtas sa pandinig ni William na kakapasok lamang sa opisina nito. Napakunot ang noo nito kaya imbes na umupo ay lumabas muli ito. "Sir Lance, kayo po pala! Nandyan po si sir sa loob." Sagot ni Madel at binati din nito sina Greg at Brix. "Hi po sir Greg , sir Brix. Long time no see po." "Why didn't you tell us na dito ka pala sa WCC mag wowork. Dun ka na sana sa kompanya ko.i would have hired you as my assistant as well." Sagot ni Lance "Why did you fire your assistant? And what are you guys doing here?" Tila naiinis na sabat ni William. "Relax bro. You know Lance is just kidding. And w
Maagang natapos ni Madel ang kanyang trabaho kaya mahaba ang oras nya para makapamili ng susuotin. Tinawagan nya si Nikka dahil day off nito at para matulungan na din sya sa mga kakailanganin nya. Magkikita nalang daw sila sa mall. Kaya naman nag ayos na sya at umalis. Wala naman syang balak gamitin ang card ng boss nya dahil may ipon naman sya at wala syang masyadong pinagkakagastusan. Nang nasa mall na ay dumiretso sya sa fast food chain malapit sa entrance umorder na din sya ng makakain nila ni Nikka dahil on the way nalang naman eto at malapit na din kaya sakto lang.Matapos kumain nina Madel at Nikka ay sakto naman na may text message na natanggap si Madel galing sa boss William nya. "Madel go to Yna's boutique located at star mall. I have instructed them on what dress you will wear tomorrow at dinner and on Greg's wedding. Just give them my card and do the fitting for the dress, shoes and any accesories. That's an order so you can't say no." Nanlumo si Madel sa nabasa at pinaki
Dahil wala naman pasok at gabe pa naman ang lakad ni Madel ay tanghali na ito bumangon. Nilubos nya ang beauty rest ika nga para sa dinner mamaya. Medyo excited na kinakabahan dahil first time nya makadalo sa ganoong event at first time din makikilala ang magulang at pamilya ng boss nya. Ayon naman sa kwento ni Jane sa kanya ay mababait daw ang parents ni William. Dating dean ang Mama nya at Presidente naman ng kompanya ang Daddy nito. May isang kapatid na babae eto si Rachel. May asawa ito na si John isang american businessman at isang anak na si Riz, 3 years old. Nakatira na sila sa amerika at umuuwi lang dahil sa ganitong mga event kaya asahan na daw ni Madel na nandoon sila. Usapan nina Nikka, Madel at Jane na sa bahay ng huli manggagaling si Madel. Dun na sya magaayos para daw si Jane ang bahala sa buhok nito. Alas tres ng hapon ay nakaligo na si Madel at inayos na ang gamit papunta sa bahay ni Jane. Kasama nya si Nikka na nagbitbit sa iba pang abubot nito. Ang plano nila ay ha
Madel was in awe when she saw the venue. Puno ng mga bulaklak at ilaw ang palogid. Sabagay, anniversary nga naman ng parents ng kanyang boss kaya magarbo ito. She felt nervous kasi nga di naman sya sanay sa ganitong okasyon, wala rin syang kakilala kaya naman plano nyang sa gilid nalang tumambay hanggang matapos ang party. Tila naramdaman naman ni William ang kaba ni Madel. "Don't worry my family won't bite. Mababait sila, and nandyan din sina Greg so may makakausap ka. Plus, I won't leave you alone ok." Tila nabunutan ng tinik si Madel sa narinig. May kilig pa syang naramdaman sa sinabi ng boss na agad nyang inalis sa isip. "Salamat sir". na lamang ang kanyang naisagot. Pag bungad pa lamang nila sa hardin kung saan ginaganap ang party, they caught everyone's attention. Bagay na bagay sila iyan ang ilang katagang maririnig mo sa mga bisita."Look at who just arrived!" wika ni Greg sabay beso kay Madel. Sunud-sunod na ang paglapit ng mga kaibigan ni William sa kanila ng biglang"Madel
Maayos na natapos ang anniversary party ng parents ni William. Hinatid niya si Madel pauwi kahit maka-ilang ulit itong tumanggi. After ay bumalik ito sa kanilang villa dahil na rin sa kagustuhan ng magulang na doon eto this weekend. The next morning, maagang nagising Si William upang magpunta sa kanilang sariling gym. Ito ang kaniyang routine araw-araw bago mag almusal. After nitong mag gym ay nagshower at nagbihis na ito. his plan was to go back to his own place ng tanghali. May mga trabaho pa itong nakatambak. He was on his way to the dining area dahil pinatatawag na sya ng kanyang parents. "Hijo come on join us" wika ng mama nito.Si William naman ay bumeso sa kanyang magulang bago umupo. " Son, how are you and your company?" tanong ng Daddy nya. Di kasi nila pinagusapan ang takbo ng kompanya sa dinner party kagabi. "It is OUR company dad." May pagdidiing sinabi nito." And it is actually running quite well. Malapit na i-launch ang shipping business natin. And I am looking into a
It will be Greg's wedding tomorrow and William was feeling excited. He was imagining Madel wearing the dress he chose. He really wasn't expecting his behavior this past few days. One time, his mom visited his office pero si Madel ang hinanap nito at hindi sya. He felt happy that his mom was actually liking a girl for him, pero he was also annoyed that he was not the reason kaya bumisita ang mommy nito. There was also an instance na nagalit sya sa board meeting nila because one of the executive manager was hinting on liking Madel. And it made him feel jealous kaya sya dito nagalit at muntik pa nya alisin sa trabaho. Kaya naman ginawan nya ng rules na after Madel finishes the preparation on board meetings sa tabi lamang nya ito uupo. At bukas nga ay sa mga friends naman nya nais ilayo si Madel, lalo pa at kilala din ni Madel ang mga ito lalo na si Luke. He was planning to leave at work early at pauwiin na din si Madel. They need to prepare for tomorrow at susunduin nya ito ng maaga. dah
Sa sasakyan ay tahimik lang ang dalawa. Nagtataka si Madel sa asal ng kanyang boss. Si William naman ay di maka get over sa ganda ni Madel. Iniisip na nya kung paano nya ito babakuran dahil sigurado siyang di lamang sya ang mabibighani sa ganda nito. Lalo at nandoon pa ang kanyang mga kaibigan lalo na si Luke na ka close din ni Madel. He was really thinking of ways that nobody can snatch his lady. Muntik na sila makabangga ng aso sa sobrang pag-iisip ni William. Kaya napasigaw si Madel nag bigla prumeno ang sasakyan. Kinabahan sya doon."Sir may sakit po ba kayo at parang di kayo focus sa pagmamaneho? Ako nalang mag drive sir marunong naman pi ako." wika ni Madel."Shit... I'm sorry. Are you ok? May iniisip lang ako. Wait, are you hurt?" wika ni William na natauhan bigla. Di ito magkamayaw sa pag check kay Madel. Bigla nya din ito niyakap sa sobrang pag aalala. "I'm sorry, i won't forgive myself if something happened to you. I'm sorry."Wika ni William at yakap muli nito kay Madel. "
Nagising si Madel ng may dumampi sa kanyang labi. At pagmulat ng mata nya ay si William ang una nyang nakita. "Nananaginip ba ako, ang guwapo naman ng gumising sa akin." wika ni Madel na halatang wala pa sa ulirat. "No , you're not dreaming love, and you need to wake up aalis na tayo." Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig si Madel at agad na napabangon. "Ahm sir bakit di nyo ako agad ginising. Tara na po!"Aligagang aligaga si Madel. Namumula din aito sa hiya at sa kilig. "Relax my love, you need to fix your hair, pati damit mo at also a little retouch. I will wait on the couch ok just relax and take your time we still have an hour." saka umalis ng kwarto si William. Naiwan si Madel na halatang nalilito. Biglang siyang napa-upo sa kama. "Sir ano ba naman ang ginagawa mo sa akin. Kanina yakap, tapos halik sa pisngi.." Bigla siyang napahawak sa kanyang labi. "Totoo kaya ang halik na naramdaman ko o panaginip lang. May pa love love ka pang nalalaman sir. Ano ba talaga? Ginugulo mo an