Share

Chapter 1

After what happened last night nagdecide si Madel na maagang mag out sa shift nya. Pumayag naman ang boss nya dahil di naman weekend at kaya naman na ng staff ang customers nila. Pag dating sa boarding house ay dumiretso sya nagshower, kumain ng noodles at inayos ang ipapasang term paper nya. " Huli na to at pag katapos graduation na ang aayusin ko. " Ika nya.  After nya maayos ang kanyang term paper ay natulog na lamang sya ng maaga magising. Maaga ngang nagising si Madel. Katatapos lang nyang magluto ng almusal ay sakto namang dating ni Nikka. Sya ang kahati nito sa boarding house. "O sis sakto dating mo, kain muna tayo bago ka mag pahinga" wika ni Madel sa kaibigan. "Thank you sis. Ang galing talaga ng timing ko." Sabay upo sa hapag. " Sya nga pala sis alam mo ba pag- alis mo eh medyo may mga nagkainitan. Yung customer na nakabangga sayo VIP pala yun buti di na nagsumbong kundi lagot tayo kay boss James. Kaibigan pala nya yun." Saad uli ni Nikka.

"Hala buti nalang pala. Eh ano nga uli yung nangyari?" Tanong ko. " Yun sis may dumating na mga babae dun. Kasama nung grupo sa table 8. Eh diba nasa table 9 lang yung si Mr. VIP. Nakita nung isang babae yun eh nagpapansin sya at nilalandi si Mr. VIP na ubod ng sungit. Sinungitan nya ngayon yung babae. Aba yung mga nasa table 8 pa daw ang susugod at binastos daw ni Mr. VIP yung kasama nila. Ayun muntik na sila magsuntukan. Di sila pinatulan nina Mr. VIP. " Sabay subo ni nikka. Nang maka nguya na "Tapos nung kinausap ni Mr. VIP si boss James ayun lahat ng nasa table 8 pina alis at pina ban na sa bar.  O diba! Ibig sabihn malaking kliyente nga yun." Kain uli.

Di makapaniwala si Madel. Aba kung pinatulan pala nya yung antipatikong yun malamang wala na syang trabaho. " Kung VIP yun sis iiwasan ko nalang sila. Baka makilala ako at mawalan pa ako trabaho. Di pwede yun lalo at malapit na ako grumaduate. Konting kembot nalang eh". Sabi nito kay Nikka.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta na si Nikka para maghugas ng ginamit nila. Kaya naman sya ay naghanda na sa pag pasok. Maaga sya nakarating sa school kaya naman maaga din nyang naipasa ang term paper nya. Lahat na ng kanyang requirements ay tapos na kaya pwede na syang huminga, ibig sabihin nito ay gagraduate na sya. Kinuha nya ang kanyang cellphone at tumawag sa kanyang mama na nasa probinsya.

"Hello Ma? Kumusta na kayo ?" Masaya niyang bati sa kanyang mama.

"O anak, ayos lang naman kami. Ikaw kumusta na? Di ka naman ba napapagod.? Trabaho at eskwela ang pinagsasabay mo. Baka napapabayaan mo na katawan mo anak!" May pag-aalalang tinig ng ina.

"Ma ok lang po ako. Eto nga ma at gagraduate na ako!! " Di nito mapigilan ang saya."Tapos na lahat ng requirements ko ma, graduation nalang at tapos na. Pagkatapos ay maghahanap agad ako ng trabaho bago ko bitawan ang trabaho sa bar. Kailangan ko muna makaipon ng allowance. Konting tiis nalang ma.!!!" Sabay pigil na tili nito.

"Naku anak napakagandang balita nyan. Siguradong proud na proud ang papa mo kung nabubuhay lamang sya. Sabihan mo nalang ako ng makaluwas kami ng pinsan mong si Jessica ha. Mag iingat ka lagi anak. Paghahandaan ko ang graduation ng nagiisa kong anak." Mababanaag sa boses ng kanyang mama ang saya na may mangiyangiyak na tono pa.

"Opo ma itatawag ko agad sa inyo. Ingat kayo ma ha ilove you." Sabay end ng tawag. Di kasama ni Madel ang kanyang ina sapagkat ito ang nag-aalaga sa mga alaga nilang hayop sa probinsya. Kasama nito ang pinsang si Jessica. Di na sya napigilan ng mama nya nung magpasya syang magtrabaho at mag-aral sa maynila. Kaya man nitong pag-aralin sya ay sinikap ni Madel na mapag-aral ang sarili. Allowance lamang ang kinukuha nya sa nais ibigay ng ina.

WCC Corp.

Maagang pumasok sa opisina si William at may mga presentation pa daw ang board sa kanya para sa sasalihang bidding ng kumpanya niya. Medyo masakit ang ulo di lang dahil sa alak pero pati na sa kaguluhang muntik na nyang masangkutan kagabi. Inis na inis sya simula ng mabangga ng isang waitress na di na nya nakita kalaunan at idagdag pa ang inis nya sa babaeng nagpapapansin at binastos daw nya.

Buti nalang at maagap ang kanyang assistant na may dalang kape at gamot para sa kanya. "Thank you Jane." Sabi nya sa assistant na na malapit ng manganak. Kita nito ang bagal sa pagkilos pero napaka efficient parin naman. "Kailan ang leave mo and for how long Jane?" Tanong nito sa assistant nya. "Sir in 2 months time sir kailangan ko na po mag leave at kung gaano po katagal ay di ko po masasabi sir. Actually sir, my husband wants me to quit my job kahit break lang daw ng isang taon para maasikaso ko muna si baby. Kaya sir , I need us to hire ng papalit sa akin. My suggestion is newly graduate sana sir. Para mas madaling hasain. Pag may experience sir eh baka kontrahin ka sa nalalaman nila kuno hahahah. " Sabi ni Jane.

Jane knows me kasi simula ng ako ang naging CEO 3 years ago ay sya na ang assistant ko. And she knows na ayoko ng nagmamagaling lalo sa trabaho. Kaya naman tama sya, i needed a fresh graduate para matuto sya sa amin ng dapat at di dapat lalo sa pagpapatakbo ng kumpanya.

"Ok so ang gawin mo you post an Ad then ikaw na ang mamili. You do the interview. You know what i need, what i do and don't like. So I'll just put you in charge."

"Ok boss, walang sisihan ha. By the way boss meeting will start in 15 minutes, ito po ang iprepresent nila sa inyo" sabay abot ni Jane ng folder.

"Ok I'll just proceed there. Thank you"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status