Umiwas si Allan kina Andrei at Tamara. Ang una ay napahawak ng mahigpit sa gilid ng lamesa na kaharap niya. Si Tamara ay napahaplos sa kaniyang baril. Kumpirmadong ang mga lalaki na gustong dumukot sa kaniya ay mga kasamahan din pala ni Allan at napatanong ang dalaga kung saan kumukuha ng pera ang lalaki para makapag-casino ito gayong hindi naman kalakihan ang sahod nito. Dahil sa pangyayari ay tumawag ang mga kasamahan ni Tamara kay Ruel para magpadala ito ng mas marami pang tauhan. Hindi kasi sila makalabas sa lugar na iyon dahil na rin sa banta ng presensya ni Allan at ng grupo nito. Hinawakan ni Andrei ng mahigpit ang kamay ni Tamara. Kung noong una ay natutuwa siyang malaman na peke ang pagsagip ni Allan kay Tamara, sa pagkakataon na ito ay nakakaramdam siya ng panganib para sa buhay nilang dalawa. Batid ng binata na hindi basta-basta ang lalaking kalaban niya sa puso ni Tamara. "Maghintay muna tayo. Walang lalabas o alis sa pwesto. Darating ang mga tauhan ng Devil's Angel Maf
Napasigaw si Tamara ng ubod lakas nang dumaplis sa kaniya ang bala ng baril na mula sa kung sino. Si Andrei ay halos hindi magkamayaw sa pagpapakawala ng sunod-sunod na putok habang pilit na tinatawagan ang kaniyang Uncle David. Panay ring lang naman ang cellphone ng kaniyang uncle kaya lalong nag-alala ang binata. Hindi na sinubukan ng magkasintahan na pumasok pa ng mansion ng mga Montillano. Tumawag na lang si Andrei ng mga pulis para may makatulong sila ni Tamara. Hindi na sinabihan ng dalaga ang grupo n'ya para maiiwas ang mga ito na mapagbintangan o kaya ay madamay. "Lt. Montillano, we are on the way now," sabi ng kakilala ni Andrei sa hanay ng pulisya. "Thank you, sir. I'll wait for you here," sabi ng binata. "Mukhang marami ang mga kalaban kaya mag-iingat kayo." Habang abala si Andrei sa pakikipag-usap sa cellphone ay nakatago naman si Tamara sa may gulong ng sasakyan n'ya at abala siya sa pakikipagpalitan ng putok. Walang takot na nararamdaman ang dalaga. Sa tingin niya ay
Parang nakatungtong sa ulap si Tamara habang nakahiga siya sa kama. Masakit ang buong katawan niya pero masaya siya na ganap na siyang isang babae. Nakatulog siyang may ngiti sa labi habang nakayakap kay Andrei. Nang magising ay isang masarap na almusal ang inihanda ng binata. Pinagsilbihan pa siya ang nobyo kahit medyo nahihiya si Tamara na tumingin sa kan'yang fiance. . Nang matapos kumain ay nanood ang magkasintahan ng bagong balita sa tv. Paulit-ulit pa rin na lumalabas ang tungkol sa ginawang paglusob ng Triangulo sa mansion ng mga Montillano sa Quezon City. Kalat na rin ang mga interviews kay David. Hindi nagugustuhan ni Andrei ang mga nagaganap kaya pinatay na lang niya ang tv at niyaya si Tamara na lumabas at pumunta sa mall. Balak ng binata na pagkatapos mamili ay dalahin niya ang dalaga sa isang resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Tamara para maalala nito ang ilang bagay sa nakaraan niya. Habang namimili si Tamara ay abala naman si Andrei sa pagtawag kay Polan para magp
Halos pagtawanan ni Kryzell si Andrei habang pinapanood itong parang basang sisiw na umalis ng opisina nila. Ngunit walang magawa ang asawa ng mafia boss dahil iyon ang utos ni Tamara. Palibhasa'y hindi naglilihim sa kaniya ang kaibigan kaya alam niyang may away ang magkasintahan. "Kumusta? Umalis na ba?" tanong ni Tamara sa nakangiting buntis. "Oo na po, madam. Ginawa mo pa akong sinungaling. Kapag itong nasa sinapupunan ko nagsisinungaling na agad paglabas, sisingilin talaga kita," biro ni Kryzell. Napatawa si Tamara. Kung hindi dahil sa utos ni Kryzell ay baka bukas ang mga braso na hinarap niya si Andrei. Pero dahil payo ng kaibigan niya na pahirapan muna ang kasintahan kaya iyon ang ginawa ng dalaga. "Baka sumuko iyon at hindi na ako hanapin," nag-aalala na sabi ni Tamara. "Kapag hindi ka niya hinanap, ibig sabihin ay mag- let go ka na dahil hindi totoo ang pagmamahal niya sa iyo. Kapag naman hinahanap ka niya, mahal ka nga niya," sagot ni Kryzell. "Mag-relax ka lang riyan d
Isang tawag ang natanggap ni Tamara. Panay ang mura ni Kaizer habang kausap niya ito sa telepono. Nagkabarilan daw kasi ang grupo nito at ang grupo ni Gen. Maximo Gomez. Agad pinauuwi ng mafia boss ang dalaga sa hideout nila. "Paano ba iyan, may utos si boss na umuwi raw muna ako," biro ni Tamara sa nobyo niya. "Pwede bang magreklamo sa kinauukulan?" pabirong tanong din ni Andrei. "Lagot tayo pareho niyan. Samahan mo pala ako. Babalik akong muli sa doktor." "Kumusta naman ang pakiramdam mo? Sumasakit pa ba ang ulo mo, honey?" "Hindi na." "May naalala ka na ba?" tanong ni Andrei. "Wala. Paulit-ulit lang ang mga panaginip ko. Parang ayaw ko ngang maniwala na may amnesia ako. Tinatanong ko naman ang mga kasama ko, nakapasok daw ako sa Devil's Angel Mafia Organization dahil sa ama ko." "Ama mo? Sinong ama?"Napatingin si Tamara kay Andrei. Hindi niya pa nga pala naikukuwento rito ang tungkol sa buo niyang pamilya. Ang nasabi niya lang sa binata ay anak siya ng pamilya na pinatay n
Halos isumpa ni Tamara si Melvin nang paggising niya kinabukasan ay ito agad ang nakita niya. Para siyang nahilo bigla nang pumasok sa isip niya ang isang eksena na kasama niya ito sa isang bahay pero hindi n'ya matandaan kung saan o kailan iyon. Gusto niya sanang tanungin ang lalaki pero pinigilan niya ang sarili. "Tamara, huwag kang mag-enjoy masyado na kasama Sir Andrei. Concern lang ako sa iyo kaya sinasabi ko ito," wika ni Melvin habang nakaabang sa daraanan ng dalaga. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa pader. Nakatayo lang din ito sa isang paa at para bang walang takot kahit magsumbong pa ang dalaga sa nobyo nito. "Sir, bakit kung anu-ano ang sinasabi mo sa akin? Simula pa lang ay alam ko nang mainit na ang dugo mo sa akin," pikon na saad ni Tamara. "Gusto mo ba talagang malaman? Hindi ko nais na nakikita na…" Nang sumulyap si Melvin sa silid ni Andrei at nakita nitong lumabas na ang binata ay agad itong tumalikod. Hindi na nito tinapos pa ang sasabihin. Balak pa sanang su
During the first day na hindi nagkita ang magkasintahan, panay ang text at tawag ni Andrei sa dalaga. Bukod paroon ang video calls at chats. Kinikilig naman si Tamara. Halata kasi sa kaniyang nobyo na hindi pa rin ito mapakali dahil sa nangyari bago siya umalis ng mansion ng mga Montillano. Ang mga mata naman ng mga kasamahan ng dalaga ay nakabantay sa kaniya. Maging si Kryzell na malaki na ang tiyan ay hindi rin nagpapahuli sa pang-aasar kay Tamara. Subalit kung ang mga kasamahan ng dalaga ay tuwang-tuwa sa nangyayari sa kaniya, hindi sina Gen. Gomez at Allan na nagbabantay lang mula sa malayo at naghihintay ng pagkakataon. Hanggang isang araw ay napansin ng mga kasamahan ni Tamara ang mga sasakyan na sumusubaybay sa dalaga kahit saan ito magpunta. “May mga nagmamanman sa iyo, Tamara,” bulong ng isa sa mga miyembro ng Devil’s Angel Mafia Organization habang nasa bangko sila. Sila kasi ang naatasan ng kanilang pinuno na magdeposito ng pera ng organisasyon. “Baka mga holdaper lang
Nakatulog si Tamara habang binabantayan siya ni Ruel. Dumating din ang ilang mga kasamahan nila at sa kanila siya ibinilin ng binata na hanggang ngayon ay lihim pa rin na minamahal ang dalaga. Tanggap na ni Ruel na tapos na ang relasyon nila ni Tamara. Batid ni Ruel na wala siyang ibang dapat sisihin sa paghihiwalay nila ni Tamara dahil siya ang nagkamali. Subalit sadyang hindi niya pwedeng pabayaan ang dalaga sa mga panahon na wala itong pwedeng kapitan. “Tumawag ba si Andrei?” tanong ni Tamara sa babaeng kasamahan niya nang ito ang una niyang nakita pagkagising niya. Tiningnan niya ang orasan, almost five in the morning na. “Dumating ba siya?” dagdag pa niyang tanong. Umiling ang babae. Napakunot ang noo ni Tamara at dahan-dahan siyang umupo sa kama. Inabot niya ang kaniyang cellphone at sinubukan niyang kontakin si Andrei. Subalit can not be reached pa rin ang number ng binata. Dahil hindi sanay na ganoon ang kaniyang kasintahan, tinawagan ni Tamara si Rod kahit minsan na siyang
Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa
Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul
Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog
Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n
“Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu
Habang naghihintay ng update sa nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni David at ng Triangulo, humingi si Tamara ng gatas at cookies sa isa sa mga babaeng palaging naghahatid sa kan'ya ng pagkain. Hiniling niya rin sa mga ito na kung maaari ay payagan siyang manood ng tv dahil inip na inip na siya sa kan'yang silid. At dahil gusto ni Allan na makuha ang kan'yang loob, lahat ng gusto ni Tamara ay sinusunod nito maliban na lamang sa request ng huli na tanggalin na ang kan'yang posas at maging ang kadena na nakakabit sa kaniyang mga paa. Ilang beses nang sinubukan ni Tamara na tumakas pero palagi siyang nabibigo. Pinalagyan kasi ni alan ng marami cctv cameras ang buong compound kung nasaan ang bahay nito. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ni Allan, may isang bagay na ipinagpapasalamat si Tamara. Iyon ay ang pagrespeto nito sa kan'yang pagkababae. "Pwede bang dito na muna ako?" tanong ni Tamara sa isa sa mga babaeng palaging nakabantay sa kan'ya. "Mukhang nawiwili ka na sa labas, Tam
Agad nalaman ni David na hinahanap siya ni Allan dahil nagsumbong si Tamara sa lider ng Triangulo. Mabilis na nag-alsa-balutan siya bago pa siya mapatay ng mafia boss. Kasama ang kaniyang mga tapat na tauhan, tumuloy siya sa pinakatatago niyang bahay na nabili niya noong siya pa ang namamahala ng Montillano Empire. Si Allan naman ay lalong naniwala na ginawan nga ng masama ni David si Tamara dahil sa pagtakas ng dating negosyante. Matindi ang galit niya kaya ipinag-utos niyang hanapin ng mga miyembro ng Triangulo ang uncle ni Andrei at dalhin sa kaniya. Habang nasa poder ni Allan si Tamara ay ipinakita ng lalaki kung gaano niya kamahal ang huli. Subalit sa halip na mabihag ang puso niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Tamara. “Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukunin ko mula sa Devil’s Angel Mafia Organization ang anak mo, Tamara, para magkasama-sama na tayong tatlo. Magiging isa na tayong buong pamilya,” wika ni Allan. “Huwag na huwag mong kakantiin ang anak ko
Habang lumalakad sina Ruel at Tamara patungo sa bahagi ng gusali kung saan bumagsak si Andrei, mas lalong tumitindi ang bakbakan sa lugar na iyon. Habang nakakubli sa isang sirang pader, lihim na pinapahid ni Tamara ang luha niya. Lalo siyang tuluyang nawalan ng pag-asa na mabuhay pa si Andrei sa tindi ng mga naririnig niyang putok. "Andrei, kahit anong mangyari, pupuntahan kita riyan sa lugar na kinaroroonan mo," bulong ng isip ni Tamara. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating puntahan ang lugar na iyon, Tamara," sabi ni Ruel. "Mukhang napakaraming kalaban doon. Wala na rin tayong kontak sa mga kasamahan natin na dumaan kanina sa likod kaya mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan natin ngayon. Ang bilin sa akin ni Boss Kaizer ay unahin ang kaligtasan mo."“Hindi pwede. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko nakikita si Andrei.” “Sobrang mapanganib para sa ating dalawa ang pumunta pa roon, Tamara. Baka sa lugar na makatulong sa grupo ang gagawin natin ay mas lalo pa itong maging