"I hate you."Iyon lang ang narinig ni Tamara mula sa kaniyang nobyo. Naputol na agad ang tawag at hindi man lang nakasagot ang dalaga ng kahit na ano. Napatingin lang siya sa nakangising si Melvin at sa nagagalit na si David. Nakatayo sila sa lobby ng gusali na pagmamay-ari ng mga Montillano. Nalaman niya ang lugar na iyon dahil sa tulong ng mga kagrupo niya. "Sir, ano po ba ang nagawa kong mali?" tanong ng dalaga sa nanginginig na tinig. "Ask yourself, Tamara. What have you done in the past?" "Past?" bulong ng dalaga. "Sir, wala po akong maalala." "I don't buy your fücking lie, hija. Go away and never come back here." "Pero, sir, nagsasabi po ako ng totoo." Umiling si David. Nilagay nito ang mga kamay sa kaniyang bulsa at saka hinarap muli si Tamara. "Kapag hindi ka pa umalis, tatawag na ako ng mga guwardiya. You are wasting my precious time," sabi nito. "Tara na, Tamara. 'Wag mo nang hintayin pang ipakaladkad ka nila sa mga guwardiya," bulong ni Ruel na noon ay nasa likuran
Sa isang madilim na lugar dinala ng kung sino ang nakapiring na si Tamara. Ang nasasaktan na dalaga ay hindi man lang nakakaramdam ng takot. Kalmado siyang naupo sa malamig na sahig at pilit niyang inaalala ang eksena na nasa picture kanina sa bar ng mansion ng mga Montillano. "Ang tibay mo talaga, Tamara. Hindi ka man lang ba lalaban? Excited pa naman akong maka-sparring ka dahil isa ka raw sa pinakamagaling sa grupo ninyo,” saad ng isang bagong miyembro ng Triangulo. “Sino ka?” matatag na tanong ni Tamara. “Hindi mo ako kilala,”sagot ng lalaki. Si Allan na nanonood at nakikinig lang sa usapan ng kaniyang tauhan at ni Tamara ay biglang binatukan ang lalaking kanina pa nang-iinis kay Tamara. Sinenyasan niya ito na lumabas na ng silid. Pansamantalang nanatili si Allan sa tabi ni Tamara. Pinagmasdan niya lang ang relax na dalaga. Nakakaramdam ng matinding hilo si Tamara. Ang init sa silid na kaniyang kinaroroonan ay ay nagpapalala ng kaniyang nararamdaman. Dama niyang may mga matan
Napasalampak si Andrei sa upuan nang mahimasmasan siya. Punong-puno ng pag-aalala ang kan'yang puso pero mas nananaig pa rin ang galit. "Akala ko ba hahanapin natin si Tamara. Tutuloy pa ba tayo, Andrei?" tanong ni Rod sa kaibigan niya. "Hindi na, buddy. Baka kasama niya lang na tumakas ang ibang lalaki. Probably, bukod sa amin ni Ruel ay may iba pa siyang lalaki. And her way to get away with it is magkunwari na kinidnap siya. I don't buy her drama." "Paano kung hindi? Paano kung nasa panganib pala ang buhay niya ngayon?" "Hindi ko na problema iyon, Rod. Tapos na ang relasyon naming dalawa at wala na akong pakialam pa sa kan'ya. Bukod sa pagpatay niya sa dati ko ay nahuli ko pa siyang niloloko niya ako. That's too much to bear, buddy." Tiningnan ni Rod ang kan'yang kaibigan. Sa tagal na nilang magkasama at magkakilala, ngayon niya lang ito nakitang nanlulumo. Alam ni Rod na labis na nasasaktan si Andrei. For the meantime, habang binabalutan ng galit ang puso nito, kikilos siya pa
Hindi nagawang pumunta ni Andrei sa lugar kung nasaan ang dating driver ng kaniyang ama. Hindi kasi siya mapakali magdamag kaya bago pa magising si David ay nakaalis na ang binata. Tinawagan niya si Rod at hiniling dito na tulungan siya sa paghahanap kay Tamara. "Nananaginip ba ako, Andrei? Madaling araw pa, buddy. Pwede bang ipagpabukas na lang natin ito? 'Di ako pwedeng lumabas dito sa kampo ng ganitong oras." Inaantok na pahayag ni Rod. Narinig pa ni Andrei ng humikab ito. "Sige ako na lang ang lalakad mag-isa. Actually, nasa kalsada na ako ngayon. Lihim akong magmamanman sa lugar kung saan nakita ang sasakyan ni Tamara," saad ni Andrei. "Pwede kang pumunta ng presinto. Malay natin, baka may bago nang natuklasan ang mga pulis," suhestiyon ni Rod. Nagpasalamat si Andrei sa kan'yang kaibigan. Agad siyang tumungo sa istasyon ng pulisya. Ngunit katulad nang sinabi ng mga pulis kaya Rod, wala pa rin silang impormasyon tungkol sa pagkawala ni Tamara. Ilang araw na ang lumipas ngunit
Lumipas ang isang taon. Walang kasal na naganap sa pagitan nina Andrei at Diane. Kahit maimpluwensya ang pamilya ng babae ay hindi niya napatiklop ang isang Lieutenant Andrei Montillano. Ginawa ni Diane ang lahat hanggang sa umabot pa siya sa puntong siniraan niya sa social media at maging sa telebisyon at radyo ang lalaking gustong-gusto niya pero hindi siya nagtagumpay. Noong una ay pinaniwalaan si Diane ng mga tao. Nagawa n'yang paikutin ang madla hanggang sa lumitaw ang tunay na ama ng kan'yang anak. Sa labis na kahihiyan ay itinakwil si Diane ng kaniyang mga magulang at tinanggalan din siya ng mana. Si David ay punong-puno ng pagsisisi at panay ang hingi ng tawad kay Andrei. Nangako siya sa kan'yang pamangkin na hindi niya na pakikialaman pa ang binata kahit sino pa ang piliin nitong maging asawa. Pilit niyang kinukumbinsi ang binata na bumalik na ng Rizal o Quezon City at huwag na ulit hilingin pa sa mga pinuno nito na ilipat ito muli ng assignment. Subalit mas pinili pa rin
Nakatulala si Tamara habang pinapanood ang early news sa telebisyon. Tanging iyak ng kan'yang anak ang nakapagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Maging ang mga kasama niya sa living room ay biglang nanahimik at nakatingin lang sa kaniya. "Oh, God, grabe ang balitang ito," sabi ni Kryzell. "Expected na yan sa gan'yang trabaho," seryosong saad ni Kaizer. "Sanay na tayo sa gan'yan." "Ang insensitive mo talagang lalaki ka." Inginuso ni Kryzell si Tamara na noon ay tahimik lang habang isinasayaw ang anak. "Itikom mo ang bibig mo, Kaizer, dahil baka ako ang magsara niyan gamit itong mga labi ko." "What are we gonna do now? Gusto mo bang dalawin si Andrei sa hospital, Tamara?" "Hindi ko po alam, boss." "Agaw-buhay siya ngayon dahil sa tama sa dibdib niya. Sabi ng doktor ay napakaliit ng chance na mabuhay siya pero gagawin nila ang lahat. Baka sakaling makatulong si Tamara para magkaroon siya ng dahilan para mabuhay," sabi ni Kryzell. "Pwede rin na maka-sama ako sa sitwasyon," malu
"Excuse me. What is the matter there?" Itinuro ng may-ari ng hospital ang labas. "Sir, there is a suspicious car near the gate," sabi ng isang surgeon. "A car? Tell the guards to let that car in. It's a car with doctors in it. They are here to observe us." Utos ng may-ari ng hospital sa isa sa mga janitors. "How did you know, sir, that the car I was referring is the same sa car na sinasabi mo?" "The doctors texted me." Gusto pa sanang magtanong ng surgeon kung bakit gabi mag-o-observe ang mga doctor na sinasabi ng may-ari ng hospital subalit hindi na siya kumibo. Dahil sa ginawa ng kapatid ni Ruel kaya naging mas madali at mas safe para sa grupo ni Tamara ang makapasok ng hospital. Bagamat maraming bantay ay walang problema na nakapasok ng hospital ang mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization. Maging si Tamara ay walang takot na lumakad sa corridor. Suot ang doctor's gown, in character na pumasok si Tamara sa silid ni Andrei. Ang laki ng pasasalamat niya dahil hindi siy
Pigil hininga ang mga kasamahan ni Tamara habang naglalambitin siya. Mabuti na lang at gabi kaya wala ang mga construction workers na nagtratrabaho ng bagong building na itatayo sa bahaging iyon ng hospital. "Humawak ka," wika ni Ruel. Pilit nitong inaabot ang dalaga na nanginginig na ang mga kamay. Nang makasampa ang dalawa sa hagdan na ginagamit sa fire exit, mabilis silang inalalayan ng mga kasama nila. Agad silang bumaba ng gusali at nilisan ang hospital. Sa bahay, halos hindi bitawan ni Tamara ang kaniyang anak. Panay ang halik niya rito. Hindi mawala sa isip niya ang panganib na pinagdaanan n'ya kanina. Naitanong niya tuloy sa kaniyang sarili kung worth it ba ang ginawa niyang paglagay ng sarili sa panganib kapalit ang makita lang ang lalaking kinamumuhian siya. “Baby, akala ko ay hindi na kita makikita pang muli. Natakot si mommy kanina. Paglaki mo, ayaw kong pagdaanan mo iyon. Mamuhay ka ng normal, anak,” wika ni Tamara. Umingit naman ang sanggol na para bang narinig nito
Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa
Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul
Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog
Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n
“Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu
Habang naghihintay ng update sa nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni David at ng Triangulo, humingi si Tamara ng gatas at cookies sa isa sa mga babaeng palaging naghahatid sa kan'ya ng pagkain. Hiniling niya rin sa mga ito na kung maaari ay payagan siyang manood ng tv dahil inip na inip na siya sa kan'yang silid. At dahil gusto ni Allan na makuha ang kan'yang loob, lahat ng gusto ni Tamara ay sinusunod nito maliban na lamang sa request ng huli na tanggalin na ang kan'yang posas at maging ang kadena na nakakabit sa kaniyang mga paa. Ilang beses nang sinubukan ni Tamara na tumakas pero palagi siyang nabibigo. Pinalagyan kasi ni alan ng marami cctv cameras ang buong compound kung nasaan ang bahay nito. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ni Allan, may isang bagay na ipinagpapasalamat si Tamara. Iyon ay ang pagrespeto nito sa kan'yang pagkababae. "Pwede bang dito na muna ako?" tanong ni Tamara sa isa sa mga babaeng palaging nakabantay sa kan'ya. "Mukhang nawiwili ka na sa labas, Tam
Agad nalaman ni David na hinahanap siya ni Allan dahil nagsumbong si Tamara sa lider ng Triangulo. Mabilis na nag-alsa-balutan siya bago pa siya mapatay ng mafia boss. Kasama ang kaniyang mga tapat na tauhan, tumuloy siya sa pinakatatago niyang bahay na nabili niya noong siya pa ang namamahala ng Montillano Empire. Si Allan naman ay lalong naniwala na ginawan nga ng masama ni David si Tamara dahil sa pagtakas ng dating negosyante. Matindi ang galit niya kaya ipinag-utos niyang hanapin ng mga miyembro ng Triangulo ang uncle ni Andrei at dalhin sa kaniya. Habang nasa poder ni Allan si Tamara ay ipinakita ng lalaki kung gaano niya kamahal ang huli. Subalit sa halip na mabihag ang puso niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Tamara. “Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukunin ko mula sa Devil’s Angel Mafia Organization ang anak mo, Tamara, para magkasama-sama na tayong tatlo. Magiging isa na tayong buong pamilya,” wika ni Allan. “Huwag na huwag mong kakantiin ang anak ko
Habang lumalakad sina Ruel at Tamara patungo sa bahagi ng gusali kung saan bumagsak si Andrei, mas lalong tumitindi ang bakbakan sa lugar na iyon. Habang nakakubli sa isang sirang pader, lihim na pinapahid ni Tamara ang luha niya. Lalo siyang tuluyang nawalan ng pag-asa na mabuhay pa si Andrei sa tindi ng mga naririnig niyang putok. "Andrei, kahit anong mangyari, pupuntahan kita riyan sa lugar na kinaroroonan mo," bulong ng isip ni Tamara. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating puntahan ang lugar na iyon, Tamara," sabi ni Ruel. "Mukhang napakaraming kalaban doon. Wala na rin tayong kontak sa mga kasamahan natin na dumaan kanina sa likod kaya mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan natin ngayon. Ang bilin sa akin ni Boss Kaizer ay unahin ang kaligtasan mo."“Hindi pwede. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko nakikita si Andrei.” “Sobrang mapanganib para sa ating dalawa ang pumunta pa roon, Tamara. Baka sa lugar na makatulong sa grupo ang gagawin natin ay mas lalo pa itong maging