Sinulit ni Andrei ang mga panahon na kasama niya si Tamara. Lahat ng pagmamahal at pag-aalaga ay ibinigay niya sa dalaga para iparamdam kung gaano ito kahalaga sa kan'ya . Hanggang sa ipinatawag sila ni David. Kumuha na pala ang tiyuhin ni Andrei ng wedding planner dahil nababagalan ito sa pamangkin niya. "Ano ang gagawin natin? Kung ako kasi ang tatanungin ay mas gusto muna kitang makilala," sabi ni Tamara. "Masyadong mabilis kasi ang nangyayari sa ating dalawa." "Hayaan mo lang si Uncle David. Gan'yan lang siya dahil ayaw niya na akong manatili sa pagiging sundalo. Kung ano ang gusto mo, iyon ang susundin natin. Ang mahalaga kasi sa akin ay ang kaligayahan mo," wika ng binata. "Thank you. Ayaw ko kasing pumasok sa isang commitment na hindi ako sigurado," sabi ni Tamara. Ngunit nang nalaman ni David ang naging pasya ng magkasintahan ay tinawag sila nito. Sa opisina ni David sa loob ng mansyon ay para silang mga batang paslit na senermunan ng tiyuhin ni Andrei. "What are you wai
Walang direksiyon ang pagmamaneho ni Andrei. Hindi niya alam kung saan susuot para makaligtas sa mga lumilipad na bala na mula sa mga tauhan ni Gen. Gomez. Wala siyang plano na sumuko kahit na ano ang mangyari. Batid niyang hindi siya bubuhayin ng heneral na iyon. Gagawin talaga nito ang lahat para gipitin siya. Subalit wala siyang planong magpatalo. Lalaban siya hanggang sa huli. "Buddy, binabakbakan ako ng grupo ni Tiger," sabi ng binata kay Rod na siya niyang natawagan. Tinanong siya ng kaibigan kung nasaan siya at agad niya naman sinabi ang direksyon niya.Samantala, hindi mapakali si Tamara sa kaniyang silid. Mahigpit ang utos ni Kaizer na hindi siya dapat makialam sa gusot ni Andrei pero parang hindi niya kayang tiisin ang fiance niya. Parang isang bata na nagmumukmok siya sa silid habang hinihintay na tumawag si Andrei kaya nang tumunog ang cellphone niya ay agad niya iyong sinagot. "Tamara, nasaan ka? Malapit ka ba sa Manila?" tanong agad ni Rod. "Bakit, Rod? Saan mo nakuh
Hinawakan ni Andrei ang kamay ng kasintahan para magpaliwanag. Kahit kumakabog ang dibdib ay pinilit niyang magsalita para makumbinsi ang fiancée niya. "Inaalam ko pa lang ang dahilan ng grupo kung bakit ka nila hinahabol," pagsisinungaling ni Andrei kay Tamara. "At tama ka, ikaw ang misyon na ibinigay sa akin." "Kaya ka ba nakipagkilala sa akin para alamin mo ang mga kilos ko?" muling tanong ni Tamara. "Hindi. Matagal na kitang kilala. Syempre, sikat ka. Iniingatan ka ng iyong grupo dahil sa galing mo kaya ikaw ang iniiwasan din ng team na makabangga namin." "Hindi naman ako sikat," kontra ng dalaga sa sinabi ni Andrei."Akala mo lang iyon pero sa mata ng mga sundalo at ng mga alagad ng batas, ikaw ang isa sa mga kinatatakutan ng lahat.""Imposibleng ibigay sa iyo ang isang misyon nang walang dahilan, Andrei. Ano ang dahilan, bakit ako ang target mo?" "Kaya nga hindi ko sinunod ang utos kasi walang dahilan. Isa pa, wala akong pakialam sa misyon na iyan. Ikaw ang mahalaga sa akin
Nagtataka na nagising si Tamara sa isang silid na punong-puno ng mga larawan ng mga sundalo. Sa tabi niya ay nakaupo si Andrei. "Nawalan ka na naman ng malay," sabi ng binata. "Ang sakit kasi ng ulo ko kanina," saad ng dalaga. "Ang mga lugar dito, parang familiar sa akin. Hindi ko matandaan kung kailan ako nakarating dito." Hinaplos ni Andrei ang noo ng dalaga para mawala ang buhok na tumatabing doon. "Kumusta na ang pakiramdam mo, honey?" "Okay na ako. Wala ka nang dapat pang ipag-alala." Umupo ang dalaga at inalalayan naman siya ni Andrei. Noon niya lang napansin si Polan na nakatayo sa may pintuan. Nakikinig ito sa usapan nilang magkasintahan at nanonood na rin. "Hello. Pasensya na sa istorbo," saad ni Tamara. Hindi kumibo si Polan. Sa isip ng binata ay naglalaro ang mga kalokohan nila noon ni Tamara. Dahil prinsesa ang tingin ni Gen. Austria sa kaniyang nag-iisang anak kaya halos ayaw niya itong mawala sa paningin niya kapag nasa San Fernando ang heneral. May mga pagkakata
Gabi na pero hindi pa rin nagkikibuan ang magkasintahan. Habang nasa iisang silid ay parang hindi magkakilala sina Andrei at Tamara. Palihim na inilagay ng huli ang forty-five na baril sa kaniyang baywang at ganoon din ang ginawa ng binata. Pareho silang naninigurado dahil first time nilang nag-away ng ganoon katindi. Nakaupo lang si Tamara sa manipis na kama at nakasandal sa dingding. Sa likuran niya ay may malaking bintana na kung hindi man hinihingi ay planong talunin ng dalaga. Si Andrei naman ay nakaupo lang din sa bangko malapit sa may pintuan. Hindi naka-lock ang pinto para mabilis na makatakbo si Andrei kung sakali na umabot sila ni Tamara sa hindi niya gustong mangyari. Kapwa nagpapakiramdaman ang magkasintahan. Bukas ang ilaw at walang gustong kumilos ng alanganin. Wala rin nagsasalita dahil hindi nila alam ang sasabihin sa isa't isa. Habang nakatitig si Tamara sa kulay asul na bed sheets ay pinipigilan niya ang luha. Masama ang loob niya dahil sinigaw-sigawan siya kanina
Nakaalis ang magkasintahan nang hindi naiputok ni Allan ang hawak niyang baril. Galit na galit siya pero wala siyang magawa dahil sa dami ng mga empleyado na sabay-sabay na naglalabasan. Nakangiting kumaway pa siya sa isa sa mga empleyado na nagpaalam sa kaniya para ipakita na kunwari ay mabait siya. Ang magkasintahan ay kumain muna sa labas bago umuwi sa condo. Si Andrei ay panay ang kwento sa kasintahan kung ano ang naganap sa kampo. Kapwa sila masaya na malaya na silang makagagalaw sa mga susunod na araw. Minsan, habang magkaharap sa hapag kainan ang magkasintahan ay napag-usapan nila ang tungkol sa gustong mangyari ni Andrei para sa kaso ng kan'yang daddy. Humihingi kasi ng payo ni Tamara ang binata kung ano ang dapat niyang gawin ngayon na batid niyang may alam si Gen. Gomez tungkol sa katauhan ng salarin sa kaniyang ama. "Mahirap kausap ang heneral na iyon kaya mas mabuti pang sa iba ka lang nagtanong, Andrei. Hindi mo kasi alam kung totoo ba o hindi ang sasabihin ng taong iy
Nang aktong babarilin na sina Andrei at Tamara ng mga armadong lalaki, biglang iniharang ni Allan ang katawan niya."Mga boss, ano ang problema? Pwede bang pag-usapan muna natin ito?" tanong ni Allan. "Kukunin namin si Tamara. Gusto siyang ipakuha ng boss namin?" sagot ng isa sa mga lalaki. Nang narinig iyon ay agad na sumampa si Andrei sa loob ng sasakyan. Wala siyang plano na ibigay ang kasintahan kahit pa dehado sila ng mga kalaban. Pinaandar niya rin agad ang makina ng sasakyan. "Mga boss, kaibigan ko ang babaeng ito at kahit hindi ko gusto ko ang kasama niyang lalaki ay baka pwede kong hingiin sila sa inyo. Kung pwede lang, hayaan n'yo na sila," pakiusap ni Allan sa mga armadong lalaki. "Hindi pwede!" Angil ng isa sa mga lalaki. "Boss, sabihin n'yo lang ang kailangan n'yo at kung kaya ko naman ay ibibigay ko. Huwag lang ang dalawa na ito," pakiusap ni Allan. "Mukhang okay kang makipag-usap. Sige, pagbibigyan ka namin. Ngayon lang ito dahil sa susunod ay gagawin na namin ang
Nakangising Gen. Gomez ang bigla na lang sumulpot sa harapan nina Andrei at Tamara. Pilit pa sana siyang iiwasan ng magkasintahan pero huli na dahil nakita na siya ng mga ito. "Lieutenant Montillano, don't worry. Ngayong wala na ako sa serbisyo, wala na akong pakialam sa security ng bansa. Therefore, you and your girlfriend have nothing to worry na," wika ng heneral. "Sana nga, general," maikling sagot ni Andrei bago sila lumayo sa dating pinuno. Si Tamara ay naging alerto. Mga nakangiti kasi ang mga nasa harapan niya pero nakikita ng dalaga na nag-aapoy ang tingin nila sa isa't isa. Ang hawak din ni Andrei sa mga kamay niya ay napaka-higpit, senyales na alam ng binata na may panganib. "See you around, Lieutenant Montillano," sabi pa ni Gen. Gomez bago lumayo sa kanila. Nang mapag-isa ang magkasintahan ay hindi na ngumingiti si Andrei. Mabilis ang paghinga nito at malikot din ang mga mata. "Umalis na lang tayo rito," saad ni Tamara. "Alam kong hindi ka na comfortable dito. Hindi
Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa
Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul
Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog
Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n
“Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu
Habang naghihintay ng update sa nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni David at ng Triangulo, humingi si Tamara ng gatas at cookies sa isa sa mga babaeng palaging naghahatid sa kan'ya ng pagkain. Hiniling niya rin sa mga ito na kung maaari ay payagan siyang manood ng tv dahil inip na inip na siya sa kan'yang silid. At dahil gusto ni Allan na makuha ang kan'yang loob, lahat ng gusto ni Tamara ay sinusunod nito maliban na lamang sa request ng huli na tanggalin na ang kan'yang posas at maging ang kadena na nakakabit sa kaniyang mga paa. Ilang beses nang sinubukan ni Tamara na tumakas pero palagi siyang nabibigo. Pinalagyan kasi ni alan ng marami cctv cameras ang buong compound kung nasaan ang bahay nito. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ni Allan, may isang bagay na ipinagpapasalamat si Tamara. Iyon ay ang pagrespeto nito sa kan'yang pagkababae. "Pwede bang dito na muna ako?" tanong ni Tamara sa isa sa mga babaeng palaging nakabantay sa kan'ya. "Mukhang nawiwili ka na sa labas, Tam
Agad nalaman ni David na hinahanap siya ni Allan dahil nagsumbong si Tamara sa lider ng Triangulo. Mabilis na nag-alsa-balutan siya bago pa siya mapatay ng mafia boss. Kasama ang kaniyang mga tapat na tauhan, tumuloy siya sa pinakatatago niyang bahay na nabili niya noong siya pa ang namamahala ng Montillano Empire. Si Allan naman ay lalong naniwala na ginawan nga ng masama ni David si Tamara dahil sa pagtakas ng dating negosyante. Matindi ang galit niya kaya ipinag-utos niyang hanapin ng mga miyembro ng Triangulo ang uncle ni Andrei at dalhin sa kaniya. Habang nasa poder ni Allan si Tamara ay ipinakita ng lalaki kung gaano niya kamahal ang huli. Subalit sa halip na mabihag ang puso niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Tamara. “Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukunin ko mula sa Devil’s Angel Mafia Organization ang anak mo, Tamara, para magkasama-sama na tayong tatlo. Magiging isa na tayong buong pamilya,” wika ni Allan. “Huwag na huwag mong kakantiin ang anak ko
Habang lumalakad sina Ruel at Tamara patungo sa bahagi ng gusali kung saan bumagsak si Andrei, mas lalong tumitindi ang bakbakan sa lugar na iyon. Habang nakakubli sa isang sirang pader, lihim na pinapahid ni Tamara ang luha niya. Lalo siyang tuluyang nawalan ng pag-asa na mabuhay pa si Andrei sa tindi ng mga naririnig niyang putok. "Andrei, kahit anong mangyari, pupuntahan kita riyan sa lugar na kinaroroonan mo," bulong ng isip ni Tamara. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating puntahan ang lugar na iyon, Tamara," sabi ni Ruel. "Mukhang napakaraming kalaban doon. Wala na rin tayong kontak sa mga kasamahan natin na dumaan kanina sa likod kaya mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan natin ngayon. Ang bilin sa akin ni Boss Kaizer ay unahin ang kaligtasan mo."“Hindi pwede. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko nakikita si Andrei.” “Sobrang mapanganib para sa ating dalawa ang pumunta pa roon, Tamara. Baka sa lugar na makatulong sa grupo ang gagawin natin ay mas lalo pa itong maging