Share

Take my Hand and Choose me
Take my Hand and Choose me
Author: Meraki

I. Girlfriend!?!?

ALAS ONSE na nang gabi ngunit busy parin sa pagre-review si Austria, malapit na kasi ang Finals nila and it was her hell week tuwing patapos na ang semestre, madami kasing gawain idagdag pa ang exams.

Tahimik lang na nag aaral eto nang biglang tumunog ang cellphone nang dalaga kaya naman nawala sya sa focus.

She took a deep sigh before picking up the call, ni hindi manlang nagatubiling tingnan ang pangalan ng tumatawag.

"Hello" bungad nang dalaga at inilayo konti ang telepono upang masilip kung sino ang tumawag.

"Kayo po ba si Ms. Astria?" saad nang nasa kabilang linya na ikinabigla ni Astria at napadoble tingin sa Caller Id.

Tama naman ang pagkakatingin nya, Si Cian ang tumawag pero bakit ibang ang boses nang nasa tawag?

Bakit iba ang boses? nawala ba nya ang phone nya? Again!?

Napabuntong hininga nalang si Astria at pinagpatuloy ang usapan nila nang tao sa kabilang linya.

Matapos nang medyo may katagalang paguusap, naliwanagan naman na ang dalaga kung bakit iba ang boses na sumagot.

She cleaned up her desk and look at the Clock, It's already 11:48 pm at ilang oras na ang lumipas ng magsimula ang Curfew sa dormitoryong pinagtutuluyan nya.

Bumuntong hininga nalang ang dalaga dahil mukhang mabubungangaan nanaman sya nang Landlady nila, pero kahit pa ganon, kailangan nya parin lumabas.

Mukhang napaaway nanaman si Cian and she needs to bail him out sa kulungan.

Yung tumawag pala kanina ay pulis na nagsasabing kailangan nya daw pumuntang presinto.

Ano nanaman kayang katarantaduhan nang lalaking yon.

Kumatok muna sya sa kwarto ng landlady nila, gusto nyang makiusap rito na palabasin sya. The gate was already locked kasi.

"Oh, Astria? disoras na nang gabi bakit nanggigising ka?" bungad nang matanda na mukhang nagising nya pa ata.

Patay…

Mukhang mabubungangaan talaga sya neto.

"Uhm, Can I go out for a while Mrs. Lopez?" she shamelessly asked the lady kaya naman nagbago ang ekspresyon nang mukha neto.

"HA! Jusko kang bata ka! disoras na nang gabi lalayas kapa!? mga bata nga nama— blablablablablabla" mahahabang lintanya ni Mrs. Lopez, ganyan kasi talaga sya mahilig magbunganga lalo na pag gantong usapan. Hindi nalang pinakinggan ni Astria ang matanda at hinintay etong buksan ang gate. Malapit lapit kasi sa kwarto nang matanda ang gate.

"Once you come out, I will not open it up anymore for you, it was our rules remember" pagbibilin pa nang matanda pero hindi na eto pinansin ni Astria at nagmamadaling lumabas nang gate.

Matapos makalabas nang gate ay agad agad namang pumara nang taxi ang dalaga, buti nalang at may dumaan agad na taxi.

Guess, luck is on her side.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na sya sa Police Station.

Agad syang dumiretso sa front desk upang tanongin ang nangyari hindi kasi pinaliwanag nang maigi nang tumawag kanina ang nangyari.

"Hi! Nandito ako for Cian Funtaveriá?" nagmamadaling saad nya, the police scanned the logbook bago sumagot.

Ipinaliwanag naman nang pulis na may kailangan muna syang fill up-an bago tuluyang makalaya at makita nya ang binata.

And she do that, She fill upped the form and also of course bail him using her allowance, buti nalang at may savings pa siya. Matapos non ay iginaya na siya ng pulis papunta sa kinaroroonan ni Ciane.

"Kaano-ano ka ni Mr. Cian Funtaveriá?" the officer curiously asked "Ikaw lang kasi ang nasa emergency contact nya" pahabol pa neto.

Astria kinda hesitate, hindi nya alam paano ipapaliwanag ang relasyon nya sa binata.

Makalipas ang ilang minuto, Matapos masaayos ang isip ay sumagot na sya.

"I'm his childhood friend"

Well, it's true. Her family and his family are so close to each other, even yung lolo nila ay magbestfriend rin.

At dahil doon nabuo ang usap usapang pagkakasundo sakanila ni Cian, pero it's just purely talks kaya hindi nya rin masabi na Engage sila. Their parents didn't against in that idea, gusto kasi nang pamilya ni Cian si Astria kaya halos kinokonsidera na din nilang Daughter in-law si Astria kahit wala pang opisyal na engagement ang dalawa.

Cian is a spoiled young master, may pagkamaarte eto at dapat laging nasusunod. Kaya naman kung ayaw nya ay ayaw talaga, he will not back down.

Pero when it comes to the engagement talks nang mga lolo nila ay tinatawanan lang nang binata, he even makes fun or tease Astria pag napapagusapan iyon. But, He never mistreated Astria, he wasn't bad, alam nya ang limits nya when it comes to teasing her. Alam kasi nyang mahiyain at iyakin ang dalaga.

And, Astria never denied the talks, tinanggap nya eto nang buong puso kahit pa parang biro-biruan lang ang mga eto. She will accept it because since their childhood ay may gusto na sya kay Cian, she's so dependent on him to the point na hindi na sila mapaghiwalay dati. Pero she's not that brave to actively declared his feelings to him or bravely said na fiancé nya ang binata kaya maybe she can only introduce herself as her childhood friend.

"Ahh, Akala namin ay kapatid mo sya" kamot ulong saad ng pulis, napailing nalang ang dalaga "Maiba, nga pala, kailangan nyo palang makipag usap sa may ari nang bar na nagpadampot sakanya dahil sa pagsira at panggugulo sa bar tsaka rin sa dalawang lalaking hinampas nya nang bote" pagpapaliwanag nang pulis, nagulat naman si Astria dahil sa narinig.

Hindi naman na bago kay Cian ang makipag away pero grabe naman ang ginawa nya ngayon!?

"Teka po, nanggulo at nanira nang gamit? bakit po? what happen po?" tanong nang dalaga, hindi naman kasi gaganon si Cian kung walang dahilan. Palaaway man to pero laging may sense

"Ahh, Sabi sabi nang mga kasama ko e dahil daw sa girlfriend nang binata, sabi nang binata ay may mga nambastos daw sa girlfriend nya nung nasa bar sila at doon na nagsimula ang lahat, grabe nga muntik nya nang masira lahat sa bar. Kahit yung mga lalaking sinasabi nyang nambastos sa girlfriend nya ay sinugod sa Hospital dahil sa paghampas nya nang basag na bote sa dalawa, grabe tong bata na to. Dapat ay magulang nya ang pumunta rito e"

Para namang nagpintig ang mga tenga ng dalaga nang marinig ang unang mga gatagang sinabi nang pulis.

Did she heard him right???

dahil sa girlfriend nya kaya sya napunta sa presinto!?

HIS G-GIRLFRIEND!?!?

HE HAS A GIRLFRIEND!?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status