After he left, I want to run as fast as I can. Kaya lang ay hindi ako makatayo. Nanlalambot ang tuhod ko. Naibagsak ko na lang ang aking mukha sa lamesa. Kailangan kong umiwas kahit hanggang sa matapos lang ang graduation. Delikado ang mga parating na buwan na ito sa akin. Hindi ako maaaring makalimot.
Nagpalipas ako ng ilang minuto. Nang oras na para sa susunod na klase'y wala akong pagpipilian kung hindi ang tumayo. Kinuha ko ang gamit na nasa tabi ko at mabilis ang paghinga na pumasok sa susunod na klase.Mas tahimik ang mga sumunod na klase. Pagkauwi ko'y pagod na pagod ako at pabagsak na napahiga sa kama. Pumikit ako ng mariin at naalala ang nangyari sa library. Kinagat ko ang labi ko at napahawak doon. Hindi ko makalimutan kung paano niya dinilaan sa harapan ko ang labi niya. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at nagpagulong-gulong sa kama para maalis iyon sa isipan ko."Xena, nasa loob ka ba?"Natigil ako sa paggulong nang kinatok ako ni Mama."Opo, Mama!""Kumain ka na!""Susunod po ako!"Pinigilan ko ang pagtili dahil sa inis at pumailalim sa makapal na kumot kahit naka-uniporme pa. Si Mr. Andromeda ang nagbabayad sa tuition at allowance ko. Nakakahiya kapag nalaman niya na ganito ang inaasta ko.Maaga akong kumilos kinaumagahan. Ayokong ma-late dahil ayokong maabutan siya na nasa harapan. Mas magiging awkward sa akin iyon kagaya noong unang araw na na-late ako.Kaonti pa lang ang estudyante sa kuwarto nang maupo ako. Ilang minuto pa ay sabay-sabay na pumasok ang lahat ng estudyante. Kasunod nila ay si Sir Lennox.Mabilis akong nahanap ng mata niya. Umubo ako ng mahina at tumuwid sa pagkakaupo. Hindi ko hiniwalay ang tingin sa kanya dahil ayoko na isipin niya na naiilang ako.Inayos niya ang mga gamit niya sa lamesa. Tumingin ulit siya sa puwesto ko habang tinatanggal ang una't pangalawang butones sa dress shirt na suot niya. Lumabas ang kaonting balat sa dibdib niya dahil sa ginawa.Nakaramdam ako ng init sa buong katawan nang pagkatapos niyang buksan ang butones ay marahan niyang pinagasgas ang itaas na ngipin sa ibabang labi niya. Habang nakatingin ako sa ginagawa niya'y umawang ang labi ko. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko'y sinasadya niyang akitin ako.Hindi naman napansin ng mga tao sa loob na sa akin siya nakatitig dahil abala rin ang mga kababaihan sa panonood sa ginagawa niya. Mas marami ang mga babae sa klase na ito at bilang lang ang mga lalaki. Lahat pa ng mga lalaki'y nagdadaldalan at walang pakialam.Huminga ako ng malalim at ibinigay ang bigat sa sandalan ng upuan ko dahil sa panghihina sa ginagawa niya. Buo na ang loob ko na ignorahin siya. Alam ko naman kasing hindi ko siya maiiwasan gayong nasa iisang school kami. Ang choice ko na lang ay ignorahin siya at ang nararamdaman ko."All face on the paper!"Paikot ikot siya sa buong klase. Marahan ang paglalakad niya habang ino-obserbahan ang ginagawa ng mga estudyante na tahimik. Sa tuwing may mag-aangat ng mukha'y sinasaway niya.Tumigil siya sa gilid ko at humawak sa sandalan ng aking upuan. Mahina akong napasinghap nang maramdaman ang daliri niyang dumikit sa likod ko. Gumagalaw iyon at gumuguhit ng maliit na bilog. Nagtataasan ang balahibo ko.Nakayuko ang lahat ng nasa loob at nakatingin sa saguting ibinigay niya. Pumikit ako ng mariin at sinubukang basahin ulit ang hindi maintindihan na tanong.Pasimple kong inilayo ang aking likod sa sandalan para mailayo ang likod ko sa daliri niya. Halos masugatan ang labi ko sa diin ng kagat ko roon.Sinasadya niya ito. Sigurado ako. Sinusubukan niya kung hanggang kailan ko siya kayang ignorahin."You're doing great, Ms. Peña Vega."Halos mag-echo sa tenga ko ang boses niya. Hindi ko siya nililingon pero nanatili siya sa gilid ko. Nanigas ako nang ipatong niya ang isang kamay niya sa balikat ko para pumisil ng mariin doon. Mabilis niya rin naman na inalis iyon at naglakad patungo sa harapan."You all have fifteen minutes!" Aniya habang naglalakad.Pinagmasdan ko ang malapad niyang likod hanggang sa humarap siya at magtama ang tingin namin. Matalim ang ibinigay kong titig sa kanya. Bahagya siyang umupo sa ibabaw ng lamesa niya. Naghalukipkip siya't nangingiting ipinatong ang ilang daliri sa ibabang labi niya. Nakatingin siya sa akin at mukhang natutuwa sa naging reaksyon ko.Matalim ang tingin ko sa kanya nang una subalit pagkayuko ko'y tuluyang namungay ang aking mata. I don't know what he's up to and I'm scared. Paano kung magpatuloy ito at mahulog ako. Hindi ko alam na ganito pala kahirap sawayin at pigilan ang nararamdaman. Kahit na pagalitan ko ang puso ko, ayaw makinig.Alam ko sa sarili kong na-attract ako sa kanya unang araw pa lang pero tingin ko'y normal lang iyon dahil lahat naman ng mga babae rito'y na-atrract sa kanya gaya ko. May ilan pa ngang lantaran ang pangpi-flirt sa kanya, isa na roon si Abigail. Kaya bakit ako ang nilalapitan niya? Sa dami ng babae rito'y bakit ako?Ang mga natatapos ay pinapalabas na ni Sir Lennox. Lima na lang kaming babae na nasa loob. Ang iba'y tingin ko sinasadya na magpahuli. Ako, sadyang hindi maintindihan ang sinasagutan. Kung sa ibang araw, mabilis akong matatapos. Kaya lang kasi dahil sa ginawa niya'y na-distract ako. Lumilipad sa iba ang isip ko kaya't nakakalimutan ko ang tanong.Hindi ko maaaring ipagsapalaran na maiwan kaming dalawa sa classroom. Kaya kahit hindi maintindihan ang tanong, sinagutan ko na iyon kahit mali mali. Para matapos lang at makalabas sa classroom bago mauna ang iba.Tatlo na lang kami nang tumayo ako. Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko. Mabilis akong lumapit sa lamesa niya at inabot sa kanya ang sarili kong papel. Nakaupo na siya sa upuan sa likod ng kanyang mesa."I'm done, Sir."Nakahalukipkip niya akong tinitigan. Nakayuko ako habang nakatingala siya dahil nga nakaupo siya. Inangat niya ang kamay at marahan na inabot ang papel ko. Napapabuga ako ng hangin habang naglalakad papunta sa pinto."I guess you didn't understand the questions, Ms. Peña Vega."Nahinto ako sa tangkang paglabas dahil sa sinabi niya. Napaikot ako't napabalik ang mata sa kanya. Ang dalawang babae na natirang kasama ko ay kakaabot lang ng mga papel sa kanya."Sir?" May pagmamadaling tanong ko.Napalunok ako nang lagpasan ako ng dalawang kaklase na natira. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila. Kusang nagsara ang pintuan pagkalabas nila at ang ibig sabihin lang nito ay kaming dalawa na lang ni Sir Lennox ang naiwan sa kuwarto.Naidiin ko ang ngipin sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran. Nakaharap ako sa pinto. Hindi ako tumingin sa kanya pero naramdaman ko ang palad niya na dumampi sa maliit na bewang ko. Napahugot ako ng hininga. Nanigas ako sa simpleng hawak niya."If you don't understand the question, do you mind if I teach you?"Napasinghap ako nang dumikit ang dibdib niya sa likod ko. Ang labi niya'y malapit din sa tenga ko."If you want I can teach you everything I know. Everything for my favorite student."Wala akong lakas na harapin siya. Pakiramdam ko kung titingnan ko siya sa mga mata niya ngayon, mawawalan ako ng malay. Nakadikit siya sa akin ngunit hindi ko magawang kumawala at hindi ko siya magawang itulak. Ayoko na gusto ko ang init ng katawan niya."Hindi na, Sir. Aayusin ko na lang po sa susunod—""Your lips are so red, did you bite your lip?"Pagilid akong napatingala. Nakasilip pala siya sa akin mula sa likod. Malaki ang tangkad niya sa akin kaya't madali niyang nasilip ang mukha ko kahit nasa likuran ko pa siya. Dinilaan niya ang labi niya habang nakatitig sa labi ko. Awtomatikong nakagat ko ulit ang labi ko. Mahirap nang alisin sa akin iyon dahil nakasanayan ko na. Nagdilim ang mata niya at humigpit ang hawak sa bewang ko."Didn't I warn you not to bite your lip?" His gaze became darker and unknown emotions filled his eyes.Pinakawalan ko ang labi ko. Ramdam ko ang pamumula ng labi ko dahil sa kanina pang pagkagat."I can't do that! This is my mannerism!"Umigting ang panga niya."Then, it can't be helped."Yumuko siya. Hinuli niya ang labi ko at tuluyan akong hinalikan. Iniharap niya ako sa kanya habang hinahalikan ako. Ang kamay niyang nasa bewang ko ay pumulupot padulas sa aking likod. Ang isa'y nasa likod ng batok ko. Dilat pa ako at gulat kahit nang gumalaw at lumalim ang halik niya.Hindi ako nakagalaw. Nakadilat ang mga mata ko habang nakapikit siya. Ang paraan ng halik niya ay palalim ng palalim. Ang paghinga niya'y maingay na rin. Dumilat siya't pinaghiwalay ang labi namin tama lang para pahingahin ako. Napabuga ako. Ni hindi ko namalayan na nagpipigil ako ng hininga.Tinitigan niya ako gamit ang mapupungay na mga mata. Nakadilat lang ako at awang ang labi na hinihingal. Wala ako sa sarili habang nakatingin sa kanya. Tila hindi pa pumapasok sa akin na hinalikan niya ako."Breathe through your nose. I don't want to kiss a corpse when you die while I'm kissing you."Pagkabasa niya ng dila sa labi niya'y hinalikan niya ulit ako. Mas mabagal ang halik niya ngayon ngunit kasinglalim pa rin nang una. Bibitawan ng labi niya ang itaas na labi ko para lang s******n ang ibaba. Salitan sa labi at ilong ako huminga. Hindi ako humahalik pabalik pero hindi ko rin siya magawang itulak.Nang maglakad siya'y napaatras ako. Naramdaman ko ang whiteboard sa aking likod. Tinulak niya ako pasandal at idiniin ang sarili sa katawan ko. Kasabay no'n ay ang pagpasok ng dila niya sa bibig ko. Napahawak ako sa matigas na braso niya. Natatakpan iyon ng damit ngunit ramdam ng palad ko ang mga muscle niya sa katawan."Fuck!" Pagkatapos niyang magmura'y hinigop niya ang bibig ko. Nahuli niya ang dila ko at mabilis na s******p iyon."Hmm..." Bahagya ko siyang tinulak palayo.Nanlaki ang mata ko nang sa halip na mailayo siya ng pagtulak ko'y lalo siyang naging agresibo. Idiniin niya ang katawan niya sa akin. Gumalaw ang baba niyang katawan. Kahit hindi pa ako nakakakita sa personal, alam ko kung ano ang matigas na tumutusok sa tiyan ko. Narinig ko siyang paos na umungol. Hinila niya ang buhok ko pababa at ang agresibo niyang halik ay napalitan ng gutom na gutom na halik. Kulang na lang ay lunukin niya ako ng buo."S...sir... wait..."Lumikot ang kamay niya. Ang nakapulupot sa bewang ko'y umangat sa aking dibdib. Pumisil siya roon ng madiin. Nang makarinig ako ng ingay sa labas, nagawa ko siyang malakas na itulak."Stop... Please..." Nanginig ang boses ko.Nakaawang ang mapula at basa na labi niya at habol ang paghinga. Mapungay at mapula ang mga mata niya. Parang lasing na nawala sa katinuan."After the last class we will go straight to watch auto racing!""How much money did you bet?"May mga nag-uusap sa labas. Papahina iyon at mukhang palayo sila nang palayo sa pinto. Pareho kaming natahimik ni Sir Lennox. Malakas ko siyang itinulak nang mawala na ang mga boses. Kuyom ang mga kamay akong mabilis na lumabas.Nanginginig ako at nanlalambot ang magkabilang tuhod subalit nagawa ko pa ring tumungo sa sunod na klase. Hindi ko maintindihan ang itinuturo ng guro sa harapan. Mabuti na lang at nabasa ko na ang discussion niya ngayon kaya kahit hindi ko siya pinapakinggan, nakasagot ako nang tawagin niya.Habang pauwi, lumipad ang kamay ko papunta sa aking labi. Magaan kong pinadaanan ng mga daliri iyon. Kahit tapos na'y ramdam ko pa rin ang halik niya roon. Malambot, basa, at mainit ang labi niya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Unang halik ko iyon. At kahit na alam kong mali, hindi ko magawang pagsisihan iyon.Tulala ako pagkarating sa bahay. Normal akong kumilos para hindi magtanong si mama kung ano ang nangyari sa akin. Sa tuwing naaalala ko nga lang ang paraan ng paghalik niya'y napapahawak ako sa labi ko.Bakit niya ako nilalapitan? Bakit niya ako inaakit? At bakit niya ako hinalikan? May gusto ba siya sa akin? Love at first sight? Pero paano? Kailan lang kami nagkita at sa unang araw ay inaakit na niya ako.He is my professor and I am his student. We would both be expelled from school if anyone saw us. Hindi ko gustong mangyari iyon pero hindi ko rin magawang hindi magustuhan ang halik niya."Ano ang gagawin ko?" Naguguluhan at mangiyak-ngiyak kong ibinaon ang mukha sa unan.Kinabukasan, kabado ako nang buksan ko ang pinto ng classroom sa subject niya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Ngunit pagkabukas ko, wala siya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakahinga ba ako ng maluwag dahil wala siya o mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil inaasahan kong makita siya pero wala siya.Sa sumunod na tatlong araw, ganoon din. Hindi siya nagpakita pagkatapos niya akong halikan. Nag-iwan lang siya ng mga gagawin at pag-aaralan. Pinagsisihan niya ba iyon? Nabigla lang ba siya no'n at natakot din siyang baka may makahuli sa amin at mawalan siya ng trabaho?Nang umabot ng dalawang linggo na wala siya'y naalis ko rin naman siya sa sistema ko. Lalo na't naging abala sa mga requirements na kailangan sa mga subjects. Kung hindi na siya papasok at hindi ko siya makikita, sa palagay ko'y makakalimutan ko rin na minsan akong na-attract sa kanya."Sa amin ka na lang, Xena! Mas bagay kang maging model namin!""Naka-sign na yata siya sa ibang group!""Aww! Sayang
"I'll pick you up at your house."Kanina pa natapos ang klase namin sa kanya. Hinintay niya ako sa parking lot para ihatid ako pauwi. Bukas na ang alis ng grupo namin kaya ngayon ay balak niya akong sunduin bukas."Bahala ka," inaantok kong tugon.Nakatulog ako sa sasakyan. Ginising niya lang ako pagkarating sa bahay. Sa sobrang antok ko, hindi ko na nagawang maglinis ng katawan. Naghubad lang ako ng uniform. Naka-panty na lang ako nang ibagsak ko ang katawan sa kama. "Xena! Gising na! May bisita ka! Aalis daw kayo!"Napaungot ako. Nakarinig ako ng magkakasunod na katok. Hindi ako nagla-lock ng pinto pero hindi iyon binubuksan ni mama kapag hindi ako ang magbubukas. Nawala ang ingay. Pinilit kong tumayo at binuksan iyon. Mapungay pa ang mata ko nang hindi si mama ang mapagbuksan ko kung hindi mukha ng lalaki."Anong oras na ba?" Paos ang boses ko dahil kagigising lang. "Ang aga mo yata?"Tiningnan ni Sir Lennox ang relo niya."You still have two hours to prepare. I'll wait in the livi
Madilim at ilaw lang sa kalangitan ang makikita. Buong grupo, sa iisang bahay tumuloy. Iisa ang kuwarto kaya't napagpasyahan na sa sala matutulog ang mga kalalakihan. Sa kuwarto naman ang mga babae.Nakahiwalay ang banyo nila kaya lumabas pa ako para makagamit ng banyo. Maglilinis lang ako ng katawan bago matulog. Nasa kamay ang mga damit ko at gamit panligo nang lumabas ako. Madilim pero kita ko naman ang daanan hanggang sa makalabas ako sa bahay."Where are you going?"Napasinghap ako at napahawak sa dibdib nang magsalita si Lennox sa likod ko habang sinasara ko ang pinto. Hindi ko alam na may gising pa. Puro hilik na kasi ang naririnig ko sa sala nang madaanan ko. Nasa labas pala siya't mukhang nagpapahangin pa."Maglilinis lang ako sandali ng katawan."Tiningnan niya ang mga hawak ko. Walang salitang inagaw niya ang mga iyon mula sa aking kamay."Sasamahan na kita.""Sasamahan mo ako? Bakit?"Naglakad siya patungo sa banyo. Habang sinusundan siya'y kung anu-ano na ang pumapasok sa
"See you in the classroom," he gave me a loud kiss on the lips before letting me leave his car.We're touching and kissing inside and outside the school ground. We are practically breaking the rules and my dreams is on the edge, but I set aside the reasons and let myself be with him. Dito sa loob, hanggang tinginan lang kami. Minsan kapag may pagkakataon, nagkikita kami sa tago na lugar.Bibilang lang ng ilang minuto pagkapasok ko sa classroom, siya naman ang dumating. Naghihiwalay kami sa parking lot. Magpapalipas siya roon ng ilang minuto para hindi kami magkasabay. We thought that with that, no one will suspect us. "Everyone, keep your gadgets and check the lesson sixty nine on your textbook!""Laptop na lang, Sir—""No. I forbid using gadgets in my class," he said with finality. "Now, it's either get your textbook or get out."Gaya ng lahat, nakalabi akong sumunod sa istriktong mando niya. Pagkaharap ko sa harapan, napangiti ako sa pagkindat niya nang magtama ang tingin namin. Iti
Hindi ako tuluyang bumaba nang matanaw si Lennox na kausap si Mena at Rico sa sala. Naririnig ko sa kusina sina Mama at Along na nagluluto. Nakasundo niya ang mga kapatid ko dahil sa araw-araw na paghatid-sundo niya sa akin sa bahay. Kahit walang pasok, nandito siya. Mayroon pa siyang dalang mga pagkain o laruan at ni minsa'y hindi nagpunta sa bahay na walang bitbit."It should be placed here because it's his hand.""It's the foot," si Rico."No, I'm telling you it's the hand.""It's the foot," pilit ng kapatid ko.Nagtatalo sila. Tumawa si Lennox. Itinuro niya kay Rico kung nasaan ang mga paa na ikakabit nila. Sa huli, natawa ulit si Lennox dahil si Rico ang tama. Matalino si Rico. Mabagal nga lang niyang matutunan ang mga bagay-bagay. Hindi ko siya napag-aral sa eskuwelahan ng mga kagaya niyang may special na kalagayan. Masyadong mahal ang bayad nang magtanong ako noon kaya't ako lang ang nagt-tiyaga na magturo sa kanya sa tuwing may oras ako."Smart boy!" Lennox lightly patted Rico'
Nasa bungad pa lamang ako ng pintuan ng kuwarto ko para lumabas, naririnig ko na ang tawa ni Lennox sa ibaba. Inaasar nila si Mena kaya umiiyak ito habang tuwang-tuwa silang dalawa ni Rico. Sumandal muna ako sa hamba ng pintuan ko at pinakinggan ang tawanan nila. Nakatitig ako sa kawalan at nag-iisip.Should I talk to him and stop him from coming here? If I do that, isn't that unfair? Kaya lang kasi masiyado na siyang malapit sa pamilya ko. Kung sakali na may mangyari o kung sakali'y biglaang huminto na siya sa pagpunta rito, ayokong madamay at masaktan ang mga bata kapag wala siya at hinanap ang presensya niya ng mga ito."Kanina pa iyan dito. Maaga pa't tulog ka pa nang dumating siya kaya hindi na kita ginising."Nabungaran ako ni mama pagka-akyat niya sa hagdan. Napatayo ako ng maayos. Ngumiti ako kay mama at tumango. Lumapit siya sa gilid ko."Nakikita ko naman na mabait siyang bata kaya hindi kita pinagsasabihan. Basta iingatan mo lang ang puso mo. Matalino kang bata at alam mo na
Nagawa ko pa ring makapasok sa sumunod na klase pagkatapos ng nangyari. I closed my thighs tightly and bit my lower lip as I remembered what happened. The intensity of the new feeling I felt was addicting.Pagkalabas ko sa classroom ay ginulat ako nina Josh at Minerva. Nagtatago sila sa gilid ng pintuan ng classroom kaya't hindi ko sila kaagad nakita."Ano'ng ginagawa n'yo rito?""Tara nuod tayo sa gym!""Manuod ng ano?""Mayroon naglalaro ng basketball!""Yayayain ninyo akong manood kaya kayo nandito?" Nasa tono ko na ang pag-ayaw. Parating na kasi si Lennox sa parking lot nang ganitong oras. "Kayong dalawa na lang. Kailangan ko na kasing umuwi."Lumabi si Minerva."Sige na! Sumama ka na kahit isang quarter lang! Hindi ka na nakakasama sa amin! Ngayon nga lang ako ulit nagyaya!"Nakagat ko ang labi ko, nagi-guilty na hindi ko na sila nasasamahan tuwing kumakain sila sa labas sa mga karinderya at street food. Magkasama kami ni Lennox tuwing break o lunch time at sa mga restaurant niya
"You'll get cold." Tinulak niya ako palayo sa dibdib niya. "Go inside and go back to sleep. Okay?"Napalabi ako pero tumango rin ng marahan. Tahimik akong tumalikod. Napapaisip kung tama ba ang ginawa ko na pag-amin sa kanya. I confessed but he's unresponsive. Ganoon ba siya ka-shock para matahimik at hindi makasagot?Naglalakad ako pabalik sa bahay. Tulala. Bagsak ang balikat ko at nasa baba ang tingin nang marinig ko siyang magbuntonghininga."Xena..."Humarap ulit ako nang tinawag niya ang pangalan ko. Maliit na ngiti na lang ang naibigay ko. May problema ba? Bakit may takot sa mga mata niya pagkatapos kong aminin na mahal ko siya? Bakit parang hindi niya nagustuhan?Malamlam ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Nanatili ako ilang hakbang ang layo sa kanya at hindi na lumapit. Salitan niyang tinitigan ang mga mata ko na tila ba mayroong binabasa roon.Eventually, he sighed. He opened his mouth and closed it again as if he was hesitating to speak. He licked his lips and instead of
Did those women deserve what Lennox did to them? My answer, I don't know. I just know that those women didn't know their worth. I also saw one of those women in person and from what I saw in her action, she has no respect for herself. I don't want to judge them because I'm not wearing their shoes, but the action they chose has no excuse.I was angry and disgusted with Lennox because of the videos he made but he patiently accepted all my hurtful words. He never cheated on me with another woman. He never insulted me in front of other people. He was there whenever I needed him. There's no question, he deserves a second chance.He lied but he learned. Kahit pa kasalungat sa gusto niya ang paglayo ay ginawa niya dahil ayaw niya akong pilitin at ayaw niyang maging makasarili. Hinayaan niya na maging mapayapa ako sa paglayo niya kahit ang naging kapalit ay pagkawasak niyaIt took me years to finally realised that I judged him like the way they judged me after they watched my video. I did the
Gusto kong maiyak sa harapan ng mga kaibigan ko ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ipinasok ko sa bulsa ang mga nanginginig na kamay at yumuko para hindi mahalata ng mga kasama ko sa elevator na namumula ang mga mata ko.Did she really mean it? Did she really loves Creed? Kung hindi niya mahal bakit namin sila naabutan sa ganoong ayos? Parehong n*******d. Katatapos lang ba nila? Hindi na ba sila umabot sa kuwarto kaya't sa sala na nila ginawa?"Lennox! Saan ka?" Tawag ni Al nang makita ang pagtalikod ko para sumakay sa sariling sasakyan."Mauna na ako," mahina na sagot ko.Tumingala ako at ibinalik sa loob ng mga mata ang luha na muntik nang bumagsak sa loob ng elevator. Pigil na pigil ako dahil nakakabawas sa pagkalalaki ko ang pag-iyak. Subalit pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, hindi ko naman din iyon napigilan.Ang sakit. 'Tang ina."Hoy, bakit mauuna ka? Sabay sabay na tayo!" Katok ni Al sa bintana ng sasakyan ko na hindi ko pinansin at nauna nang umalis bago pa niya makita ang
I can't look at her while she's crying, especially when I know that I'm the reason why she's shedding tears right now. She's right. I destroyed her. And I deserved all the disgust I've seen in her eyes. Lahat ng mga ginawa ko bago ko siya makilala ay pinagsisisihan ko na. Kung mas naging mabuti lang sana akong tao, hindi sana siya nandidiri ng ganito. If only I could have seen it coming, I could have done something differently. But, It's too late to regret now. I already fucked up everything.Only with her I felt different emotions. It was only with her that I experienced being happy, desperate, afraid, sad, and only with her did I cry. The only woman who gave me those emotions now wants me to get lost. She's done with me now. She's done with a liar and cold hearted man like me.Iyon ang huling hiling niya. Iyon ang pakiusap niya. Ano'ng karapatan ko para hindi ko iyon ibigay sa kanya? Ayokong maging makasarili gaya nang sinabi niya kaya hahayaan ko siya dahil alam ko na hindi ko na ma
I needed a bucket of self-control when I first saw her closely. She loves biting her lips like she's always seducing me or inviting me for a kiss. I don't know if it's her tactic or just her mannerism.Nakangisi akong mag-isa at natawa sa sarili nang maalala ko ang mga tingin niya. The way she looked and gawked at me. She's obviously attracted to me. I bit my lower lip as I stifled my smirk. Damn it. She likes me. Pumikit ako at nakaramdam ng saya.Dahan-dahan, nawala ang ngiti ko. Mabilis akong napadilat at naibaba ang hawak na alak. Shit. Umiling ako at tinawanan ang mga naiisip ko. Bakit tuwang tuwa ako? Right. I felt good because of my planned work. That's it. Yeah. That's it."Are you sure you don't want to teach another class and subject?""Yeah. I'm sure.""Isang klase lang ang tinuturuan mo…."Kinakausap ako ng head teacher ngunit wala akong ganang makipag-usap sa kanya dahil may pinapanood ang mga mata ko. Inaabangan ko siya ng tanaw habang papasok sa school. Natitigilan lang
"Lennox!"Napangisi ako nang makita si Bob at Al na nanlaki ang mga mata. Nasa likod namin ang mga nakaaway ko noong nakaraang araw."Tumakbo na tayo!" Naduduwag na suhestiyon ni Bob.Natawa kami ni Creed sa kanya. Umiling ako at hinarap ang mga tumawag sa akin. Isang kilalang gangster ang mga ito sa kabilang eskuwelahan. Naglalakad kami sa eskinita ng mga kaibigan ko. Kadadaan lang namin sa bahay ni Roiland kaya apat na lang kami na nasa masikip at madilim na lugar na ito."Why? Do you want to say hello to my fist again?"Napahawak si Creed sa tiyan niya at tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Wala pang isang linggo nang makaaway namin ang mga ito. Mas marami siyang kasama ngayon. Nakaraan kasi'y lima lang sila. Ngayon, walo na pero puro mga patpatin naman ang mga kasama kaya't lahat sila'y mayroon mga dala na mga panghampas na tubo at mga kahoy."Ang yabang mo! Pinagbigyan lang kita nang nakaraan!" Galit na sigaw nito."Pinagbigyan?" Natawa ako. "Kaya pala puro pasa iyang mukha mo h
My choices might not good to others but I want to help myself to be the best version of me. I've been in the painful chapters then I turned the page and the healing process was much longer and it's not been easy. Iniwan ko ang taong mahal ko dahil natakot akong mabasag sa milyon milyong piraso ngunit kahit ano ang pinili ko ay nabasag pa rin ako.I hit the rock bottom and watched myself tear apart into million pieces. I go slowly and take my time to put it back, trying to collect myself. At nang hindi ko mapulot lahat ay iniwan ko ang ibang parte ko, and that part was Lennox.I thought that was the painful part, but it wasn't. The most painful part is to stepping out of the box and put myself first before others. Ang hirap magdesisyon para sa sarili ko lalo't nasanay ako na unahin ang iba.I only have one life and I want to allow myself to be happy right now. I will decide today for myself. And I don't have to feel sorry for choosing myself. Kahit sino ang masaktan ko at kahit sino ang
Napupunta ang tingin ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Panay kasi ang ngiti niya at pinaglalaruan ang ibabang labi. Nanatili pa kami ng ilang oras sa sasakyan niya. Magliliwanag na rin nang hinatid niya ako. Pagkatigil ng sasakyan, lumapit siya't hinalikan ako habang abala akong magtanggal ng seatbelt na suot ko."I will wait here. Pagkatapos mong makausap si Xion, iuuwi ko na kayo."Umiling ako. Iniiwasan ko na magpang-abot sila ni Creed. Matatagalan din ako dahil si Creed ang una kong kakausapin bago ang anak namin. Maaga pa at maaaring natutulog pa si Xion."Umuwi ka muna. Tatawagan na lang kita."Ayaw niya sanang umalis ngunit pinilit ko siya. Magtatagal ako at hindi ko maisasama si Xion ng biglaan paalis sa penthouse ni Creed. Kailangan ko muna siyang mapaliwanagan ng maayos.Habang nasa elevator, na kay Creed ang buong isip ko. Bumagsak ang isang luha sa kaliwang mata ko na mabilis kong pinunasan. Sobrang bait niyang tao pero…nagawa ko ito sa kanya.Huminga ako ng malalim nang
Inalalayan niya ako pahiga na hindi pinaghihiwalay ang mga labi namin. I flinched when my back touched the cold leather of his car seats. I moaned in protest when he left my lips to kiss my cheeks down to my neck, gently grazing my soft skin with his teeth. Mula sa aking leeg, inangat niya ang ulo niya upang titigan ako gamit ang namumungay niyang mga mata."Xena," he whispered my name as if I were his beautiful dream.Umangat siya at nagmamadali na hinubad sa aking katawan ang suot ko na cotton dress. He was staring at me as I bit my lips while watching him undo his jeans and his shirts. We are only on our underwear when he leaned over to smashed my lips with his to kiss me hungrily. I raised my hands to tangled them around his neck as he start to position himself between my legs. Inangat niya ako at inabot ang hook ng aking bra sa likod. Hindi pa tuluyan na nahuhubad iyon nang ibaba niya ang halik mula sa leeg ko papunta sa aking dibdib.I gasped and closed my eyes tightly when his l
"No!"Sigaw at suntok ang ginawa ni Xion kay Lennox. Sa sobrang pagwawala niya'y walang nagawa si Lennox kung hindi ang ibalik sa akin ang anak namin.Mabilis na yumakap si Xion sa leeg ko at umiyak sa aking balikat. Nang mahimasmasan siya'y tumingin siya kay Lennox at sinigawan ang ama niya."I hate you! I hate you!"Nagulat ako sa sobrang pagwawala ni Xion. Sinubukan siyang lapitan ni Lennox ngunit sinasampal siya ni Xion sa mukha. Hindi siya ganito ka-agresibo kahit na hindi niya kakilala ang humawak sa kanya. Hindi kaya natakot siya dahil sa nangyari sa labas kanina?"Baby, calm down," I rubbed his back and his head.Hinila ni Lennox ang isang upuan at inilapit sa amin. Nakita ni Xion ang ginawa niya kaya itinulak siya nito palayo."Who is he, Mommy?"Nakatitig si Lennox sa amin ng anak niya pero hindi siya makalapit dahil na rin sa takot na lalong magwala ang anak niya. Nagwawala siya at baka kapag sinabi ko ang totoo ay lalo siyang magalit. Kailangan ko muna siyang amuhin bago ko