Every time I think about graduation, I get excited. I have many plans after graduation. I don't know what awaits me in the future but I can feel that what's there is better than my life before.
"Substitute again? Sir Lennox didn't teach all week. Is he sick?Buong isang linggo na hindi pumasok si Sir Lennox pagkatapos ng nangyari sa restaurant. Maayos naman kami bago ako umuwi nang araw na iyon kaya't sa palagay ko'y hindi maaapektuhan nang naging sagutan namin ang grades ko."Are all your classes over?""Going home?""Goodbye, Xena!"Panay ngiti ko sa mga nakakasalubong. Sa buong linggo na iyon na wala siya, maraming magandang nangyari. Mas komportable rin akong kumilos dahil walang nakamasid o nakatitig sa akin. Nadagdagan din ang ibang mga kilala ko. Maging ang mga mayayaman na estudyante'y nauuna nang mag-approach sa akin. Marahil ay dahil kumalat ang usapang kinausap ako ni Mrs. Umali sa parehong araw kung saan kinausap din ang iba pang estudyante na posibleng magkaroon ng mataas na honor.Nakalilim ako sa isang waiting shed. Nag-aabang ako ng jeep nang biglang mayroon tumigil na sasakyan sa harapan ko. Naglakad ako at umusog dahil baka hindi makita ng driver ng jeep ang pagpara ko dahilan na nakaharang ang sasakyan. Subalit nang umusog ako, umusog din ang sasakyan. Tiningnan ko iyon nang masama dahil sa harapan ko mismo tumitigil. Hindi kita mula sa labas ang nagmamaneho.Pumikit ako at kinagat ang labi para kumalma. Naglakad ulit ako sa unahan para mas malayo na at sigurado na hindi na ako mahaharangan ng sasakyan. Pagkatigil ko'y itinaas ko ang aking isang kamay para parahin ang natanaw na paparating na jeep. Kaya lang, umabante ulit yung sasakyan kaya naharangan ulit ako. Dismayado ko na lang na sinundan ng tingin ang lumampas na jeep.Pabalang kong nilingon ang sasakyan. Masama ko iyon na tiningnan. Pinigilan ko ang paa na tadyakan iyon lalo pa't mukhang mamahalin at baka pagbayarin pa ako kung magasgasan. Naglakad na lang ulit ako. Padabog at nakasimangot akong nag-martsa. Sa likod na ng sasakyan ako pumuwesto para kitang-kita ako ng jeep na dadaan.Napangiti ako nang makita na maluwag ang sumunod na jeep. Pataas na ang kamay ko nang umatras ang sasakyan. Naharangan ako no'n. Pagkabaling ko sa jeep, lumagpas na iyon at naiwan na naman ako.Nang matantong nauubos ang oras ko at na maaari akong ma-late kung magpapatuloy ito'y hindi ko na natiis na lapitan ang sasakyan. Kumatok ako sa bintana. Mas malakas iyon kaysa sa normal na katok lang. Hindi maipinta ang mukha ko habang marahan na bumababa ang bintana. Hindi ko pa nakikita ang driver, nagsalita na ako."Mawalang galang na po pero hindi po ito parking lot. Nakakaabala po ang sasakyan ninyo sa—"Nang tuluyang maibaba ang bintana, nahinto ako. Napatitig ako sa anyo ng driver. Nakasalamin siya na madilim kaya't tinitigan ko ng mabuti dahil pamilyar sa akin ang hugis ng kanyang mukha. Nakaharap ito sa akin at nakapinta sa labi ang ngisi. Napaatras ako't napatayo ng maayos nang masino siya."Hop in," pautos na saad niya.Hindi ko siya pinansin at inayos ko lang ang bag ko sa pagkakasukbit sa aking balikat. Naglakad ako sa unahan at naghintay ulit ng jeep. Napanguso ako nang makita ang pag-abante niya para sundan ako. Hinubad niya ang mamahaling salamin niya't pinagbuksan ako ng pintuan mula sa loob."Get in, Xena!"Lumapit ako sa pinto at sinilip siya."Mag-aabang na lang po ako ng sasakyan, Sir. Marami pong jeep na dumadaan dito—"Napatili ako nang bigla niya akong hawakan sa pulso at hatakin papasok. Mabilis ang pangyayari at ni nawalan ako ng oras na mag-react. Mabilis niyang naisara ang pinto at nai-lock iyon."If I said get in, you should get in," aniya sabay paharurot sa sasakyan.Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa inis at pagkabigla. Ginagawa niya talaga kapag gusto niya. Walang nakakapigil sa kanya. Sa buong linggo noon na wala siya, tahimik ang buhay ko. Ngayon, heto't nanggugulo na naman.Tinitigan ko siya. Bahagya siyang nakalabi dahil pinipigilan niyang lumaki ang pagkakangisi niya. Kahit hindi ko siya nakita kanina'y sa palagay ko'y tinatawanan niya ako habang nahihirapan akong magtawag ng jeep. Nagsuot na lang ako ng seatbelt at hinayaan na siya sa gusto niya dahil nasa loob na rin naman ako.Habang nagmamaneho ay sumasabay ang mga daliri niya sa beat ng kanta na pinapatugtog niya sa loob sasakyan. Umiwas ako ng tingin dahil nag-uumpisa na naman akong mapatitig sa braso niya. Kahit pag-tap lang ng daliri niya'y parang may mahika at mapapatitig ka."Why don't you use your car to go to school?"Seryoso lang siya na nagmamaneho."Hindi ako marunong mag-drive."Sinulyapan niya ko at pinanliitan ng mata."Nagpabili ka ng sasakyan kahit hindi ka marunong mag-drive?"Hindi ako nagsalita. Hindi ko pinabili ang sasakyan at hindi rin ako ang bumili. Tahimik kami hanggang sa makarating sa parking lot. Humarap ako sa kanya para magpasalamat pero umurong ang dila ko nang makita ang paglapit ng mukha niya. Napasandal ako ng mariin sa sandalan ng upuan para magkaroon ng espasyo at maglayo ang mukha naming dalawa."W-what?" Naiilang ko nang tanong."Last time you are avoiding me and now you are giving me silent treatment?"Awtomatiko akong umiling. Halos maduling ako sa lapit ng mukha namin. Wala sa sariling tinitigan ko siya. Masyadong perpekto ang pagkakagawa sa mukha niya at walang maipipintas."Hindi...hindi ko lang alam kung paano ka kakausapin.""Oh, really?"He smirked. He leaned closer to look at every part of my face."How can you dig gold when you are this so plain? I don't think you even know how to seduce men."Napakurap ako. Hindi ko nasundan ang sinasabi niya dahil nakatitig ako. "Sorry. What is it again, Sir?"My eyes were fixed on his eyes as he carefully watched every inch of my face. From my perfectly shaped eyebrows. Down to my innocent black almond eyes. To my small but cute pointed nose. And lastly, to my natural full pinkish lips.Bahagyang bumuka ang labi ko nang magtagal ang mata niya sa labi ko. Hindi ako mahilig mag-ayos at walang inilalagay na kahit ano sa mukha. Kaliligo ko lang bago umalis sa bahay kaya't okay pa naman ang amoy ko. Kahit maayos ang itsura ko'y kinabahan ako na baka may makita siyang mali o pangit sa mukha ko.Nang makita ang ginawa kong pag-awang sa labi ko'y umangat ang mata niya. Nagkatitigan kami. Kalaunan ay napakurap siya at mabilis na lumayo nang makita na nakatitig ako sa kanya. Ang mapang-asar na ngisi kanina sa labi niya'y biglang nawala."Shit..." Nagmura siya pagkabalik sa kanyang upuan. Isinandal niya ang likod ng kanyang ulo sa sandalan at pumikit ng mariin. Madiin din ang pagkakasara ng panga niya na tila may biglang inindang masakit."Sir?" Hinubad ko ang nakayakap sa akin na seatbelt. Sinilip ko siya. Pinagpapawisan siya kahit malamig sa loob ng sasakyan."Sir, are you okay? Are you—""Get out of my car," mahina ang boses niya pero malalim at paos."May masakit po ba sa inyo?" Nag-aalala na tanong ko.He swallowed hard then he opened his eyes. Nagtama ang tingin namin. Mayroon kung ano roon na hindi ko mabasa. Hindi ako umalis. Lumapit pa ako lalo at itinaas ang kamay para hawakan ang noo niya. Napapiksi siya pagkadampi ng kamay ko. He's not hot but he's sweating cold. Mabilis din ang paghinga niya."Damn it, Xena! Get out of my car! Now!" Malakas niyang tinabig ang kamay ko.Dahil sa lakas ng sigaw niya at galit na pagtabig sa aking kamay ay mabilis akong napababa ng sasakyan. Hindi ko pa man naisasara ng maayos ang pinto, agad na niya 'yong pinaandar paalis.Ano'ng nangyari doon?Nagtataka akong pumasok sa kuwarto. Kumpleto na ang mga estudyante pero wala si Sir Lennox. Pumasok siya pero umalis ulit. Hindi ko alam kung babalik pa. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman siyang nagalit. Parang hindi siya professor kung kumilos at magsalita sa akin. Kaya minsan tuloy nakakalimutan ko na professor ko siya lalo pa't parang hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng edad namin. Dahil magandang lalaki, hindi ko masabi sa mukha niya kung ilang taon na siya.Pagkatapos ng kalahating oras, dumating siya. Iba na ang suot niyang damit at parang bagong ligo. Ang amoy ng pabango niya'y umabot sa akin kahit nasa dulo ako. Madalas siyang napapaiwas ng tingin sa tuwing magkakatinginan kami. Nagtataas ako ng kamay for recitation ngunit ni minsan hindi niya ako tinawag. Siguro'y dahil nasa likuran ako at sa unahan ang mga tinatawag niya. Nang matapos ang klase'y nauna rin siyang lumabas sa pinto."Saan ka?" Tanong ni Minerva, kaklase ko siya sa pangalawang subject."May extra time pa bago ang susunod na klase ko. Dadaan muna akong library.""Sige, mauna na kami ni Josh!"Sa pinto kami naghiwalay. Tinungo ko ang library para doon magpalipas ng oras. Pagkapasok ko, tahimik at kaonti lang ang tao sa loob. Marahil ay dahil mayroong klase ang iba. Ginala ko ang mata. Napabalik ang mata ko sa isang sulok nang mamataang nakaupo doon si Sir Lennox.Related sa hospitality and business ang itinuturo niya sa amin. Isang klase lang ang tinuturuan niya, sa aming klase lang. Pagkatapos ng klase niya sa amin ay madalas umaalis na siya.I watched him from the entrance of the library. He was wearing reading glasses. Nag-mukha siyang hot na nerd habang nakasalamin na nagbabasa ng libro.Nakagat ko ang labi at marahan na lumapit sa lamesa niya. Napa-angat siya ng tingin nang umupo ako sa harapan niya. Malamig ang tingin niya sa akin habang hinuhubad ang suot niyang salamin.I smiled at him and bit my bottom lip. He stared at my lips before he looked into my eyes."Nandito ka pala?" Panimula ko. Ngayon ko lang kasi siya naabutan sa library. "Are you feeling okay now?"He closed the book he was reading and grinned at me. Itinukod niya ang isang siko niya sa lamesa at dinala sa labi niya ang mga daliri."Yeah. After I left, something good happened. Do you want a full detail of what I did?"Pinaglalaruan ng mga daliri niya ang labi niya habang nakangisi siya sa akin kaya't doon natuon ang pagtitig ko."I went to the shower," kuwento niya. "And then I grabbed my...and then I move...and then..."Hindi niya itinutuloy. Hindi niya tinatapos pero pinamulahan ako. Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya o totoo na ginawa niya iyon."Every time you look at me, do you know what your eyes are saying?""My eyes?" Napahawak ako sa isang mata ko.He chuckled while staring into my eyes."Your eyes say you want to kiss me."Nagulat ako sa sinabi niya at pinamulahan lalo ng mukha. Dinilaan niya ang labi niya. Napunta doon ang mata ko. Wala sa loob na sinundan ko ng tingin ang bawat hagod doon ng dila niya."See?" Kumpirma niya.Mabilis na nanghina ang mga tuhod ko kahit nakaupo ako. Nahihirapan akong huminga sa malakas na paghampas ng dibdib ko. Alam ko iyon. Unang araw pa lang nang makita ko siya at nang itanong niya sa akin kung gusto ko ba siyang halikan sa loob ng opisina niya. Pinipigilan ko dahil mali at ayoko ng pakiramdam na iyon pero hindi ko alam na nababasa niya iyon sa mata ko.Hindi ako nakagalaw nang tumayo siya at itukod ang mga kamay sa lamesa. Nasa sulok ang upuan at walang gaanong tao kaya't walang nakakapansin sa amin. Kung hahalikan niya ako rito, walang makakakita. Nakagat ko ang labi ko nang ibinaba niya ang mukha niya. Akala ko'y hahalikan niya ako ngunit binulungan niya lang ako."Don't bite your luscious lips like you're waiting for a kiss."Mabilis kong napakawalan ang labi ko. Napalunok ako. Nanatiling nakaawang ang labi ko dahil pinipigilan ko na kagatin iyon habang nakatitig siya sa akin. Umayos siya ng tayo."Don't part your lips as if you're tempting me to slid my tongue inside your mouth."Natakot ako nang maimahe iyon. Biglang hindi ko alam kung anong gagawin kung sakaling gawin niya iyon. Sinubukan ko siyang iwasan dahil pakiramdam ko'y delikado kapag nasa malapit siya. Nang hindi ko siya maiwasan, sinubukan kong sanayin ang sarili na nandiyan siya. Na baka kapag nasanay ako'y mawala rin ang attraction na naramdaman ko unang kita ko pa lang sa kanya. Ilang buwan na lang naman."You look scared. Hide your lips from me if you don't want me to kiss you one day." He warned me. "Because in the next few days, I might not be able to stand it anymore. When that happens, I'll chew and swallow your lips."Titingnan niya ang labi ko at ibabalik sa mga mata ko. Para bang wina-warningan ako. Mabilis ko na lang na isinara ang labi at nag-baba ng tingin para maitago sa mata niya ang labi ko. Hindi rin naman siya nanatili dahil umalis din siya nang makita na wala na akong balak na tingnan siya muli.After he left, I want to run as fast as I can. Kaya lang ay hindi ako makatayo. Nanlalambot ang tuhod ko. Naibagsak ko na lang ang aking mukha sa lamesa. Kailangan kong umiwas kahit hanggang sa matapos lang ang graduation. Delikado ang mga parating na buwan na ito sa akin. Hindi ako maaaring makalimot.Nagpalipas ako ng ilang minuto. Nang oras na para sa susunod na klase'y wala akong pagpipilian kung hindi ang tumayo. Kinuha ko ang gamit na nasa tabi ko at mabilis ang paghinga na pumasok sa susunod na klase.Mas tahimik ang mga sumunod na klase. Pagkauwi ko'y pagod na pagod ako at pabagsak na napahiga sa kama. Pumikit ako ng mariin at naalala ang nangyari sa library. Kinagat ko ang labi ko at napahawak doon. Hindi ko makalimutan kung paano niya dinilaan sa harapan ko ang labi niya. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at nagpagulong-gulong sa kama para maalis iyon sa isipan ko."Xena, nasa loob ka ba?"Natigil ako sa paggulong nang kinatok ako ni Mama."Opo, Mama!""Kumain ka na!""Susun
Kinabukasan, kabado ako nang buksan ko ang pinto ng classroom sa subject niya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Ngunit pagkabukas ko, wala siya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakahinga ba ako ng maluwag dahil wala siya o mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil inaasahan kong makita siya pero wala siya.Sa sumunod na tatlong araw, ganoon din. Hindi siya nagpakita pagkatapos niya akong halikan. Nag-iwan lang siya ng mga gagawin at pag-aaralan. Pinagsisihan niya ba iyon? Nabigla lang ba siya no'n at natakot din siyang baka may makahuli sa amin at mawalan siya ng trabaho?Nang umabot ng dalawang linggo na wala siya'y naalis ko rin naman siya sa sistema ko. Lalo na't naging abala sa mga requirements na kailangan sa mga subjects. Kung hindi na siya papasok at hindi ko siya makikita, sa palagay ko'y makakalimutan ko rin na minsan akong na-attract sa kanya."Sa amin ka na lang, Xena! Mas bagay kang maging model namin!""Naka-sign na yata siya sa ibang group!""Aww! Sayang
"I'll pick you up at your house."Kanina pa natapos ang klase namin sa kanya. Hinintay niya ako sa parking lot para ihatid ako pauwi. Bukas na ang alis ng grupo namin kaya ngayon ay balak niya akong sunduin bukas."Bahala ka," inaantok kong tugon.Nakatulog ako sa sasakyan. Ginising niya lang ako pagkarating sa bahay. Sa sobrang antok ko, hindi ko na nagawang maglinis ng katawan. Naghubad lang ako ng uniform. Naka-panty na lang ako nang ibagsak ko ang katawan sa kama. "Xena! Gising na! May bisita ka! Aalis daw kayo!"Napaungot ako. Nakarinig ako ng magkakasunod na katok. Hindi ako nagla-lock ng pinto pero hindi iyon binubuksan ni mama kapag hindi ako ang magbubukas. Nawala ang ingay. Pinilit kong tumayo at binuksan iyon. Mapungay pa ang mata ko nang hindi si mama ang mapagbuksan ko kung hindi mukha ng lalaki."Anong oras na ba?" Paos ang boses ko dahil kagigising lang. "Ang aga mo yata?"Tiningnan ni Sir Lennox ang relo niya."You still have two hours to prepare. I'll wait in the livi
Madilim at ilaw lang sa kalangitan ang makikita. Buong grupo, sa iisang bahay tumuloy. Iisa ang kuwarto kaya't napagpasyahan na sa sala matutulog ang mga kalalakihan. Sa kuwarto naman ang mga babae.Nakahiwalay ang banyo nila kaya lumabas pa ako para makagamit ng banyo. Maglilinis lang ako ng katawan bago matulog. Nasa kamay ang mga damit ko at gamit panligo nang lumabas ako. Madilim pero kita ko naman ang daanan hanggang sa makalabas ako sa bahay."Where are you going?"Napasinghap ako at napahawak sa dibdib nang magsalita si Lennox sa likod ko habang sinasara ko ang pinto. Hindi ko alam na may gising pa. Puro hilik na kasi ang naririnig ko sa sala nang madaanan ko. Nasa labas pala siya't mukhang nagpapahangin pa."Maglilinis lang ako sandali ng katawan."Tiningnan niya ang mga hawak ko. Walang salitang inagaw niya ang mga iyon mula sa aking kamay."Sasamahan na kita.""Sasamahan mo ako? Bakit?"Naglakad siya patungo sa banyo. Habang sinusundan siya'y kung anu-ano na ang pumapasok sa
"See you in the classroom," he gave me a loud kiss on the lips before letting me leave his car.We're touching and kissing inside and outside the school ground. We are practically breaking the rules and my dreams is on the edge, but I set aside the reasons and let myself be with him. Dito sa loob, hanggang tinginan lang kami. Minsan kapag may pagkakataon, nagkikita kami sa tago na lugar.Bibilang lang ng ilang minuto pagkapasok ko sa classroom, siya naman ang dumating. Naghihiwalay kami sa parking lot. Magpapalipas siya roon ng ilang minuto para hindi kami magkasabay. We thought that with that, no one will suspect us. "Everyone, keep your gadgets and check the lesson sixty nine on your textbook!""Laptop na lang, Sir—""No. I forbid using gadgets in my class," he said with finality. "Now, it's either get your textbook or get out."Gaya ng lahat, nakalabi akong sumunod sa istriktong mando niya. Pagkaharap ko sa harapan, napangiti ako sa pagkindat niya nang magtama ang tingin namin. Iti
Hindi ako tuluyang bumaba nang matanaw si Lennox na kausap si Mena at Rico sa sala. Naririnig ko sa kusina sina Mama at Along na nagluluto. Nakasundo niya ang mga kapatid ko dahil sa araw-araw na paghatid-sundo niya sa akin sa bahay. Kahit walang pasok, nandito siya. Mayroon pa siyang dalang mga pagkain o laruan at ni minsa'y hindi nagpunta sa bahay na walang bitbit."It should be placed here because it's his hand.""It's the foot," si Rico."No, I'm telling you it's the hand.""It's the foot," pilit ng kapatid ko.Nagtatalo sila. Tumawa si Lennox. Itinuro niya kay Rico kung nasaan ang mga paa na ikakabit nila. Sa huli, natawa ulit si Lennox dahil si Rico ang tama. Matalino si Rico. Mabagal nga lang niyang matutunan ang mga bagay-bagay. Hindi ko siya napag-aral sa eskuwelahan ng mga kagaya niyang may special na kalagayan. Masyadong mahal ang bayad nang magtanong ako noon kaya't ako lang ang nagt-tiyaga na magturo sa kanya sa tuwing may oras ako."Smart boy!" Lennox lightly patted Rico'
Nasa bungad pa lamang ako ng pintuan ng kuwarto ko para lumabas, naririnig ko na ang tawa ni Lennox sa ibaba. Inaasar nila si Mena kaya umiiyak ito habang tuwang-tuwa silang dalawa ni Rico. Sumandal muna ako sa hamba ng pintuan ko at pinakinggan ang tawanan nila. Nakatitig ako sa kawalan at nag-iisip.Should I talk to him and stop him from coming here? If I do that, isn't that unfair? Kaya lang kasi masiyado na siyang malapit sa pamilya ko. Kung sakali na may mangyari o kung sakali'y biglaang huminto na siya sa pagpunta rito, ayokong madamay at masaktan ang mga bata kapag wala siya at hinanap ang presensya niya ng mga ito."Kanina pa iyan dito. Maaga pa't tulog ka pa nang dumating siya kaya hindi na kita ginising."Nabungaran ako ni mama pagka-akyat niya sa hagdan. Napatayo ako ng maayos. Ngumiti ako kay mama at tumango. Lumapit siya sa gilid ko."Nakikita ko naman na mabait siyang bata kaya hindi kita pinagsasabihan. Basta iingatan mo lang ang puso mo. Matalino kang bata at alam mo na
Nagawa ko pa ring makapasok sa sumunod na klase pagkatapos ng nangyari. I closed my thighs tightly and bit my lower lip as I remembered what happened. The intensity of the new feeling I felt was addicting.Pagkalabas ko sa classroom ay ginulat ako nina Josh at Minerva. Nagtatago sila sa gilid ng pintuan ng classroom kaya't hindi ko sila kaagad nakita."Ano'ng ginagawa n'yo rito?""Tara nuod tayo sa gym!""Manuod ng ano?""Mayroon naglalaro ng basketball!""Yayayain ninyo akong manood kaya kayo nandito?" Nasa tono ko na ang pag-ayaw. Parating na kasi si Lennox sa parking lot nang ganitong oras. "Kayong dalawa na lang. Kailangan ko na kasing umuwi."Lumabi si Minerva."Sige na! Sumama ka na kahit isang quarter lang! Hindi ka na nakakasama sa amin! Ngayon nga lang ako ulit nagyaya!"Nakagat ko ang labi ko, nagi-guilty na hindi ko na sila nasasamahan tuwing kumakain sila sa labas sa mga karinderya at street food. Magkasama kami ni Lennox tuwing break o lunch time at sa mga restaurant niya
Did those women deserve what Lennox did to them? My answer, I don't know. I just know that those women didn't know their worth. I also saw one of those women in person and from what I saw in her action, she has no respect for herself. I don't want to judge them because I'm not wearing their shoes, but the action they chose has no excuse.I was angry and disgusted with Lennox because of the videos he made but he patiently accepted all my hurtful words. He never cheated on me with another woman. He never insulted me in front of other people. He was there whenever I needed him. There's no question, he deserves a second chance.He lied but he learned. Kahit pa kasalungat sa gusto niya ang paglayo ay ginawa niya dahil ayaw niya akong pilitin at ayaw niyang maging makasarili. Hinayaan niya na maging mapayapa ako sa paglayo niya kahit ang naging kapalit ay pagkawasak niyaIt took me years to finally realised that I judged him like the way they judged me after they watched my video. I did the
Gusto kong maiyak sa harapan ng mga kaibigan ko ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ipinasok ko sa bulsa ang mga nanginginig na kamay at yumuko para hindi mahalata ng mga kasama ko sa elevator na namumula ang mga mata ko.Did she really mean it? Did she really loves Creed? Kung hindi niya mahal bakit namin sila naabutan sa ganoong ayos? Parehong n*******d. Katatapos lang ba nila? Hindi na ba sila umabot sa kuwarto kaya't sa sala na nila ginawa?"Lennox! Saan ka?" Tawag ni Al nang makita ang pagtalikod ko para sumakay sa sariling sasakyan."Mauna na ako," mahina na sagot ko.Tumingala ako at ibinalik sa loob ng mga mata ang luha na muntik nang bumagsak sa loob ng elevator. Pigil na pigil ako dahil nakakabawas sa pagkalalaki ko ang pag-iyak. Subalit pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, hindi ko naman din iyon napigilan.Ang sakit. 'Tang ina."Hoy, bakit mauuna ka? Sabay sabay na tayo!" Katok ni Al sa bintana ng sasakyan ko na hindi ko pinansin at nauna nang umalis bago pa niya makita ang
I can't look at her while she's crying, especially when I know that I'm the reason why she's shedding tears right now. She's right. I destroyed her. And I deserved all the disgust I've seen in her eyes. Lahat ng mga ginawa ko bago ko siya makilala ay pinagsisisihan ko na. Kung mas naging mabuti lang sana akong tao, hindi sana siya nandidiri ng ganito. If only I could have seen it coming, I could have done something differently. But, It's too late to regret now. I already fucked up everything.Only with her I felt different emotions. It was only with her that I experienced being happy, desperate, afraid, sad, and only with her did I cry. The only woman who gave me those emotions now wants me to get lost. She's done with me now. She's done with a liar and cold hearted man like me.Iyon ang huling hiling niya. Iyon ang pakiusap niya. Ano'ng karapatan ko para hindi ko iyon ibigay sa kanya? Ayokong maging makasarili gaya nang sinabi niya kaya hahayaan ko siya dahil alam ko na hindi ko na ma
I needed a bucket of self-control when I first saw her closely. She loves biting her lips like she's always seducing me or inviting me for a kiss. I don't know if it's her tactic or just her mannerism.Nakangisi akong mag-isa at natawa sa sarili nang maalala ko ang mga tingin niya. The way she looked and gawked at me. She's obviously attracted to me. I bit my lower lip as I stifled my smirk. Damn it. She likes me. Pumikit ako at nakaramdam ng saya.Dahan-dahan, nawala ang ngiti ko. Mabilis akong napadilat at naibaba ang hawak na alak. Shit. Umiling ako at tinawanan ang mga naiisip ko. Bakit tuwang tuwa ako? Right. I felt good because of my planned work. That's it. Yeah. That's it."Are you sure you don't want to teach another class and subject?""Yeah. I'm sure.""Isang klase lang ang tinuturuan mo…."Kinakausap ako ng head teacher ngunit wala akong ganang makipag-usap sa kanya dahil may pinapanood ang mga mata ko. Inaabangan ko siya ng tanaw habang papasok sa school. Natitigilan lang
"Lennox!"Napangisi ako nang makita si Bob at Al na nanlaki ang mga mata. Nasa likod namin ang mga nakaaway ko noong nakaraang araw."Tumakbo na tayo!" Naduduwag na suhestiyon ni Bob.Natawa kami ni Creed sa kanya. Umiling ako at hinarap ang mga tumawag sa akin. Isang kilalang gangster ang mga ito sa kabilang eskuwelahan. Naglalakad kami sa eskinita ng mga kaibigan ko. Kadadaan lang namin sa bahay ni Roiland kaya apat na lang kami na nasa masikip at madilim na lugar na ito."Why? Do you want to say hello to my fist again?"Napahawak si Creed sa tiyan niya at tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Wala pang isang linggo nang makaaway namin ang mga ito. Mas marami siyang kasama ngayon. Nakaraan kasi'y lima lang sila. Ngayon, walo na pero puro mga patpatin naman ang mga kasama kaya't lahat sila'y mayroon mga dala na mga panghampas na tubo at mga kahoy."Ang yabang mo! Pinagbigyan lang kita nang nakaraan!" Galit na sigaw nito."Pinagbigyan?" Natawa ako. "Kaya pala puro pasa iyang mukha mo h
My choices might not good to others but I want to help myself to be the best version of me. I've been in the painful chapters then I turned the page and the healing process was much longer and it's not been easy. Iniwan ko ang taong mahal ko dahil natakot akong mabasag sa milyon milyong piraso ngunit kahit ano ang pinili ko ay nabasag pa rin ako.I hit the rock bottom and watched myself tear apart into million pieces. I go slowly and take my time to put it back, trying to collect myself. At nang hindi ko mapulot lahat ay iniwan ko ang ibang parte ko, and that part was Lennox.I thought that was the painful part, but it wasn't. The most painful part is to stepping out of the box and put myself first before others. Ang hirap magdesisyon para sa sarili ko lalo't nasanay ako na unahin ang iba.I only have one life and I want to allow myself to be happy right now. I will decide today for myself. And I don't have to feel sorry for choosing myself. Kahit sino ang masaktan ko at kahit sino ang
Napupunta ang tingin ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Panay kasi ang ngiti niya at pinaglalaruan ang ibabang labi. Nanatili pa kami ng ilang oras sa sasakyan niya. Magliliwanag na rin nang hinatid niya ako. Pagkatigil ng sasakyan, lumapit siya't hinalikan ako habang abala akong magtanggal ng seatbelt na suot ko."I will wait here. Pagkatapos mong makausap si Xion, iuuwi ko na kayo."Umiling ako. Iniiwasan ko na magpang-abot sila ni Creed. Matatagalan din ako dahil si Creed ang una kong kakausapin bago ang anak namin. Maaga pa at maaaring natutulog pa si Xion."Umuwi ka muna. Tatawagan na lang kita."Ayaw niya sanang umalis ngunit pinilit ko siya. Magtatagal ako at hindi ko maisasama si Xion ng biglaan paalis sa penthouse ni Creed. Kailangan ko muna siyang mapaliwanagan ng maayos.Habang nasa elevator, na kay Creed ang buong isip ko. Bumagsak ang isang luha sa kaliwang mata ko na mabilis kong pinunasan. Sobrang bait niyang tao pero…nagawa ko ito sa kanya.Huminga ako ng malalim nang
Inalalayan niya ako pahiga na hindi pinaghihiwalay ang mga labi namin. I flinched when my back touched the cold leather of his car seats. I moaned in protest when he left my lips to kiss my cheeks down to my neck, gently grazing my soft skin with his teeth. Mula sa aking leeg, inangat niya ang ulo niya upang titigan ako gamit ang namumungay niyang mga mata."Xena," he whispered my name as if I were his beautiful dream.Umangat siya at nagmamadali na hinubad sa aking katawan ang suot ko na cotton dress. He was staring at me as I bit my lips while watching him undo his jeans and his shirts. We are only on our underwear when he leaned over to smashed my lips with his to kiss me hungrily. I raised my hands to tangled them around his neck as he start to position himself between my legs. Inangat niya ako at inabot ang hook ng aking bra sa likod. Hindi pa tuluyan na nahuhubad iyon nang ibaba niya ang halik mula sa leeg ko papunta sa aking dibdib.I gasped and closed my eyes tightly when his l
"No!"Sigaw at suntok ang ginawa ni Xion kay Lennox. Sa sobrang pagwawala niya'y walang nagawa si Lennox kung hindi ang ibalik sa akin ang anak namin.Mabilis na yumakap si Xion sa leeg ko at umiyak sa aking balikat. Nang mahimasmasan siya'y tumingin siya kay Lennox at sinigawan ang ama niya."I hate you! I hate you!"Nagulat ako sa sobrang pagwawala ni Xion. Sinubukan siyang lapitan ni Lennox ngunit sinasampal siya ni Xion sa mukha. Hindi siya ganito ka-agresibo kahit na hindi niya kakilala ang humawak sa kanya. Hindi kaya natakot siya dahil sa nangyari sa labas kanina?"Baby, calm down," I rubbed his back and his head.Hinila ni Lennox ang isang upuan at inilapit sa amin. Nakita ni Xion ang ginawa niya kaya itinulak siya nito palayo."Who is he, Mommy?"Nakatitig si Lennox sa amin ng anak niya pero hindi siya makalapit dahil na rin sa takot na lalong magwala ang anak niya. Nagwawala siya at baka kapag sinabi ko ang totoo ay lalo siyang magalit. Kailangan ko muna siyang amuhin bago ko