[Pamela] HABANG naghihintay siya kay Zoren na dumating ay panay ang tingin niya sa relo. Ngayon lang nahuli ng isang oras si Zoren sa pagsundo sa kanya. Hindi rin ito nagtext kaya naman nag-aalala na siya na baka may nangyari dito.Nag-angat siya ng tingin sa sasakyan na huminto sa harap niya. Napatulala siya saglit ng makita na bumaba si Alaric at lumapit sa kanya."Pam."Saka lang siya natauhan ng magsalita ito sa harap niya."Ano ang ginagawa mo rito?" Maanghang na tanong niya. Saglit n'yang sinuyod ng tingin ang kabuuhan nito. Nakasuot ito ng tshirt na kulay asul na tshirt saka kulay itim na khaki pants na binagayan ng puting rubber shoes. Nakabrush-up din ang buhok nito na bagay na bagay rito. Napansin din niya ang paglapad lalo ng katawan nito. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong sila ng mata. Katulad ng dati ay nakaka-intimidate ang mga tingin ng berde nitong mata. "Masama ba na sunduin ko ang asawa ko?" Nakatingin sa mga mata niya na sabi ni Alaric.Nag-iwas siya n
[Pamela] PANAY ang tingin niya sa relo. Katulad kahapon ay hindi na naman dumating si Zoren. Kinuha niya ang cellphone ng tumunog ito.'Pamela, hindi kita masusundo ngayon. Pasensya na' Binalik niya ang cellphone sa bag. Naiintindihan niya. Alam niya naman na busy itong tao. Napairap siya ng makita ang pagparada ng pamilyar na sasakyan sa harap niya.Nakangiti na lumapit sa kanya si Alaric. Pansin niya ang magulong buhok nito, pero napakagwapo parin."Wala parin yata ang sundo mo? Sumakay ka na at ako na ang maghahatid sayo." Hindi na siya nakipagtalo. May gusto rin siyang sabihin dito kaya sumakay na siya.Gusto niya itong makausap.Nang makarating sila sa bahay niya ay pinapasok niya ito. Nagtimpla siya ng kape para dito. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kanya."Alaric, bakit mo ginawa kay Zoren 'yon?" Agad na tanong niya. Nawala ang ngiti sa labi nito. "Wala naman siyang kasalanan sayo kaya bakit ganyan ka sa kanya? Ano ba ang problema mo? Maghihiwalay na tayo, Alaric. Gust
[Pamela] PUPUNGAS-pungas na tumayo siya mula sa pagkakahiga. Suminghot siya ng maka-amoy ng pagkain. Nagmamadali siya na lumabas para pumunta sa kusina.Napaawang ang labi niya ng makita si Alaric na nagluluto habang nakatalikod na tanging boxer shorts at sando na kulay puti ang suot. Ngayon rumihistro sa isip niya na narito nga pala ang asawa kuno niya. Nag-iwas siya ng tingin at lihim na napalunok. Shit, ang hot ni Alaric tingnan kahit na nakatalikod.Easy, Pamela! Wag ka magpapadala!Tumikhim siya. "Dapat umuwi kana sa bahay mo. Bakit narito ka pa rin?" Nakangiti na lumingon sa kanya si Alaric."Good morning, Pam. Nagluto ako para sa 'yo." Iniwas niya ang tingin sa gwapo nitong mukha. Shocks! Bakit sobrang gwapo naman ng lalaking ito!"Walang good sa morning ko dahil nakita kita, Alaric." Nakairap na sabi niya.Mahinang natawa si Alaric. "Talaga ba, Pam? Kaya pala tumutulo na ang laway mo ngayon?"Nanlaki ang mata niya at agad na kinapa ang gilid ng labi. Napabusangot siya ng mapa
[Pamela] DAHIL si Alaric ang nagluto ay nagpasya siya na siya naman ang maghugas ng pinagkainan nila."Lalo kang gumanda, Pam."Natigil siya sa pagbanlaw ng pinggan at inirapan si Alaric. "Manahimik ka nga d'yan, Alaric. Alam ko na maganda ako matagal na kaya hindi mo na ako kailangan bolahin." Pambabara niya.Mahinang natawa si Alaric dahil sa sinabi niya."Ang sungit mo naman, Pam." Nang matapos maghugas ay sumandal siya sa lababo at tinaasan ito ng kilay. "Masungit? E bakit narito ka sa bahay ko kung nasusungitan ka pala sa akin? Pwede ka naman umalis anytime, Alaric. Mas maganda nga sana kung aalis ka na." Aniya rito.Tumuwid ng upo si Alaric at tumingin ng matiim ang mata nito sa kanya."Hindi ako aalis kahit magsungit ka pa habambuhay sa akin, Pam." Habambuhay? Nagbibiro na naman ba ito? Kapag naputol na ang ugnayan nilang dalawa at tuluyan ng naputol ang kasal nila ay wala ng habambuhay para sa kanila. Tuluyan na silang magkakahiwalay at mabubuhay ng malayo sa isa't isa. "D
[Pamela] HINDI siya sumagot ng marinig ang pagkatok ni Alaric sa pinto. "Pam, kakain na tayo. Kumain ka muna bago matulog." Hindi siya sumagot. Wala siyang gana at hindi niya gusto na makaharap ito ngayon. Lalo pa na namamaga ang mata niya dahil sa pag iyak at kasalanan nito iyon.Naiinis na siya dahil hindi parin ito tumitigil sa pagkatok. Sa inis niya ay sumigaw na siya. "Hindi ako kakain!" "No Pam, kakain ka sa ayaw at gusto mo." Matigas ang boses na sabi ni Alaric."Wala nga akong gana! Bakit ba ang kulit mo!" Pumikit siya at nagtalukbong ng kumot. Akala niya ay titigil na ito sa pagkatok pero mas lalo lang nito nilakasan ang pagkatok sa pinto na para bang wawasakin iyon.Kainis naman!"Ano ba, Alaric! Hindi nga sabi ako kakain! Ang kulit mo naman!""Hindi ako titigil sa pagkatok hangga't hindi ka lumalabas d'yan, Pam. Hindi ka magpapalipas ng gutom kaya kung ako sayo ay lalabas na ako." Walang balak na sumuko si Alaric sa pagkatok.Inis na tumayo siya at hinanap ang shades niy
[Pamela] HINDI mawala ang ngiti sa labi ni Alaric hanggang makapasok sila ng sasakyan. Samantalang siya naman ay pinipigil ang ngiti. Hindi niya naman kasi gusto ipahalata na masaya siya sa lakad nila ngayon.Aminin man niya o hindi ay masasabi na DATE nga ito para sa kanila.Naku, Pamela, ayan ka na naman! Kinikilig ka na naman!Habang nagmamaneho si Alaric ay huli niya ang pagsulyap nito sa kanya."Pwede ba Alaric, ituon mo ang atensyon mo sa daan, baka mamaya mabangga tayo sa ginagawa mo." Pagsita niya rito.Rinig niya ang mahina na pagtawa nito at sumunod nalang sa kanya.Kahit pagtawa ni Alaric ay ang ganda. Lalaking-lalaki at ang sarap sa pandinig. My god, Pamela! Pati ba naman pagtawa?! Nang makarating sila ng grocery store ay agad na bumaba sila ni Alaric pagkatapos nito magpark ng sasakyan. At sa kinamalas-malasan ay muntik pa siya matapilok mabuti nalang at nasalo siya ng matigas na braso ni Alaric. Shocks! Daig pa nila ang nasa isang pelikula!Paano ba naman ay nagkatiti
[Pamela] PAGKATAPOS niyang mag-asikaso ay pumasok na siya ng kwarto para magpalit ng damit. Hindi niya tinapunan ng tingin si Alaric na alam niya na nagtataka. Mabilis siyang naligo at nagbihis bago nahiga ng kama. Gusto niya sana lumabas para manood ng tv pero hindi nalang niya ginawa dahil naroon si Alaric. Hindi nagtagal ay tumayo siya at lumabas para uminom ng tubig. Nagulat pa siya dahil nakita niya na umiinom si Alaric ng tubig.Muntik na siya mapanganga ng makita ang pag alon ng lalamunan nito. Daig pa ang nasa isang commercial ng tubig! Ang hot tingnan!Agad na inalis niya sa isip ang naisip. Ano ba naman yan, Pamela! Iyan ka na naman!Kung may kamay lang ang isip niya ay tiyak na nasabunutan na siya. Nang ibaba ni Alaric ang baso ay dumako ang tingin nito sa kanya. Gusto man niya iiwas ang mata ay huli na dahil nakita na nito na nakatingin siya rito.Kunwari ay walang pakialam na kumuha siya ng tubig kahit ang totoo ay namamawis siya dahil sa nakita niya kanina lang.Natigil
[Pamela] NAKANGITI na binati niya pabalik si Alaric ng batiin siya nito. Kagigising lang niya at handa na siyang pumasok sa trabaho, pero hindi pumayag si Alaric na hindi siya kumain bago umalis. Syempre, sino ba naman siya para tumanggi na tikman ang luto ni Alaric. Habang kumakain ay iniiwasan niya ang titigan ito, lalo na ang labi nito na nagpapaalala sa muntik na nilang paghahalikan. Hindi naman bago ang paghalik sa kanila, mas lagpas pa nga do'n ang nagawa na nila. Pero dahil siguro sa matagal din silang hindi nagkita at siya na may nobyo na ay iba na ang sitwasyon. Pagkatapos kumain ay hinatid din siya agad ni Alaric sa trabaho. Tulad ng nakaraan ay halos kandahaba ang mga leeg ng mga babae na nakakakita sa kanila. Kulang na nga lang ay magsitulo ang mga laway ng mga ito. Sabagay, hindi niya masisisi ang mga ito dahil talaga naman na kalaway-laway si Alaric.Napailing nalang siya sa naisip. Nang aalis na siya papasok ay pinigilan siya ni Alaric sa braso kaya humarap siya rito
LAHAT ng babae ay halos pigil ang paghinga. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay hindi maitago ang inggit sa mga mata. TILA isang hari na naglalakad ang binatang si Alaric Martin sa hallway ng isang Uniberisdad. Wala itong pakialam kung tingnan man ito ng karamihan. Sanay na siya at wala ng bago ro'n. Sinuman ang tumingin sa kanya ay masasabi agad na isa itong makapangyarihan na tao, and that's because of his powerful aura. Matangkad, katamtaman ang kulay ng makinis na balat na tila wala ni-isa mang pilat. Matangos ang ilong, perpekto ang prominenteng panga, magandang kulay berde na mata na binagayan ng makapal na kilay. Maganda din ang pangangatawan na halatang alaga sa ehersisyo. Nalukot ang mukha ng binata ng mabangga siya ng isang babae na may kapayatan. Sa laki ng katawan niya ay napa-upo ang babae sa marmol. Hindi man siya ang nasaktan ay hindi parin niya maiwasan ang mainis. Hindi ba siya nakita nito, O baka naman sinadya ito ng babae para magpapansin sa kanya?
[Pamela] HINDI siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa narinig niya."Eight years ago, I know that you are applying for scholarship, kaya ko binili ang University na pinag- applyan mo at binigyan ka ng scholarship. Naduwag ako, Pam. Naduwag ako dahil masyado ka pang bata that time, kaya pinangako ko sa sarili ko na maghihintay ako, kaya sobrang galit ko ng malaman ko na may nobyo ka na, and that's my brother. Mas lalong nabuhay ang galit ko sa kanilang mag ina, sila ang dahilan kaya my mother killed herself, hindi niya matanggap na iniwan kami ni dad dahil sa mag inang 'yon."Hindi siya makapaniwala sa narinig. Walang taon na siyang mahal ni Alaric?! Ang lalaki na nakakatakot kung tumingin at para siyang babalatan ng buhay ay mahal pala siya matagal na?!"Kaya ng malaman ko kung sino ang nobyo mo ay nakaisip ako ng idea na gamitin ang pera ko para mapasa-akin ka. Makakaganti na ako kay Alden, mapapasa-akin ka pa. I'm sorry, Pam, nabulag ako ng galit at selos ko."Nagsimulang pumatak
[Pamela] SHE'S crying for almost three days. Simula ng sabihin sa kanya ni Alaric ang bagay na 'yon ay hindi siya makapaniwala. Hinintay niya na sabihin ni Alaric na isa lamang biro 'yon, pero hindi nangyari.Anak nila si Arem!Tumayo siya mula sa kama. Nasa mansion siya ni Alaric ngayon. Tatlong araw na siyang nagkulong sa kwarto.Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Alaric sa kanya. Lumabas siya ng kwarto at huminto sa tapat ng isang kwarto. Nakita niya na bahagyang nakaawang ang pinto kaya naman lumapit siya doon at sumilip.Naitakip niya ang kamay sa bibig ng makita si Arem na nakaupo sa kanlungan ni Alaric. Hindi niya mapigil ang lalong mapaluha. Hindi niya parin makayanan ang nalaman niya.Ayon kay Alaric ng ma-aksidente siya tatlong taon na ang nakaraan ay buntis pala siya. Nabuhay ang bata sa tiyan niya kahit comatose siya, at ligtas niyang na-ilabas sa pamamagitan ng cesarean. Ang sugat pala sa tiyan niya na palaging hawak ni Alaric sa tuwing nagtatalik sila ay hindi sanhi n
[Alaric] "ALAM NA NAMIN KUNG NASAAN SILA"Iyan ang mensahe na pinadala ng kaibigan ni Alaric na si Zandro. Naikuyom ni Alaric ang kamay.Gusto niyang durugin si Zoren at Kyle sa kamay niya. Hindi naman niya magawa na iwan si Pamela at Arem sa hospital. Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi parin nagigising ang dalawa. Ayon naman kay Red ay nasa mabuting kalagayan na ang asawa niya at gano'n din si Arem.Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Pamela. Malaki ang ibinagsak ng katawan ng asawa niya. Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili dahil alam niya na kasalanan niya.Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil sa nangyari dito. Kung naging mas mabilis lamang siya ay hindi na mapapahamak pa ang mga ito.Pero mas higit na kasalanan ito ni Kyle at ni Zoren. Maraming tauhan niya ang nagkalat sa paligid. Alam niya na tuso sina Kyle at Zoren, gagawa ng paraan ang mga ito na makuha ang gusto, kaya kailangan na doble ingat ang gawin niya.Hindi niya gusto na m
[Pamela] MUNTIK siyang mapatalon sa takot ng makarinig ng putok ng baril. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya habang karga si Arem, o mananatili sa pwesto niya. Napalunok siya ng makarinig ng magkakasunod na yabag. Pati yata ang kilikili niya ay namamawis na sa sobrang kaba dahil ang mga yabag ay papalapit sa pwesto niya.Pumikit siya habang nagdadasal na sana ay wag silang makita ng mga tauhan ni Zoren. Gusto man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa takot na marinig ng mga ito ang yabag niya. Nasa bente minuto na pero wala parin sila Grigor at Kanor. Gusto niya ng takbuhin ang daan palabas, pero maraming mga tauhan na naroon kaya naman wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ang dalawa na makuha ang susi.Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo ang yabag sa pwesto niya. Pero para saan ang putok ng baril na narinig niya? "Hanapin niyo! Malilintikan tayong lahat sa katangahan niyo!" Malakas na sigaw ng isang lalaki.Shocks! Ibig sabihin ay alam na ng mga ito na nakatakas s
[Pamela] MAY sampung minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik ng dalawa, pero hanggang ngayon ay wala parin ang mga ito. Bawat usad ng oras ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng takot na baka bigla nalang sumulpot sina Zoren at ate Kyle sa harapan niya at gawin na ang masamang balak sa anak niya.Nagmamadali siyang tumayo ng makarinig ng yabag. Nakangiti na lumapit siya sa pinto ng marinig ang pagbukas nito."Mabuti at dumating na kayo—" Natigil siya sa pagsasalita ng bumaha ang liwanag sa kwarto. Si Zoren ang nasa harapan niya!Napaatras siya.Nagsimulang kainin ng takot ang puso niya. Bakit narito ito ngayon? May balak ba ito sa anak niya?"Bakit para kang nakakita ng multo, Pamela? Kanina lang ay nakangiti ka, tapos ngayon nakasimangot ka na?" Lumapit si Zoren sa kanya kaya umatras siya uli. "A-Anong kailangan mo?" Nginig ang boses na tanong niya.Nilapag ni Zoren ang dalang pagkain sa ibabaw ng kama. May dala pala itong tray ng pagkain, hindi niya napansin iyon, at saka wal
[Alaric] "NAKAHANDA NA BA ANG LAHAT?" Tanong ni Zandro sa mga kalalakihan na makakasama nila sa pagligtas kay Pamela."Yes, Sir!" Agad na sagot ng mga ito.Galit na galit siya sa sarili niya. Naunahan na naman siya ni Zoren sa paghahanap sa asawa niya. Halos mamuti ang kamao niya sa diin ng pagkakakuyom niya. "That bitch! Kung hindi dahil sa kanya ay nailigtas ko na si Pam!" Kapag naaalala niya si Kyle ay nanggigil talaga siya sa sobrang galit. Napakatuso ng babaing ito at nagawa pa na malaman ang plano nila dahil inakit nito ang isa sa tauhan nila! Ginamit nito ang katawan para malaman ang susunod nilang hakbang!"Tara na." Hinagisan siya ni Zandro ng isang klase ng baril. "Let's go and save your wife, Alaric. Wala tayong dapat sayangin na oras." Dagdag pa ni Zandro.Nagmamadali silang sumakay ng sasakyan. Tama si Zandro, walang dapat sayangin na oras.[Pamela]KANINA pa siya gising at nakaupo sa gilid ng kama at tahimik na umiiyak. Nang magising kanina ay narito na siya sa isang
[Pamela] TUMINGIN siya sa pagkain na dala ng tauhan ni Zoren. Hindi man niya gusto na kainin iyon ay hindi naman maaari lalo na at buntis siya. Kailangan niya ng lakas para sa kanila ng anak niya.Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya. Hindi nagtagal ay nakarinig siya yabag at humahangos na pumasok si Zoren sa kwarto at agad na nilapitan siya at saka hinigit ang braso niya. Nang hilahin niya ang braso pabalik ay lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Napansin niya na masama ang timpla ng mukha nito."Aray ko naman, Zoren! Dahan-dahan naman!" Reklamo niya."Shut up, Pamela!" Singhal ni Zoren.Wala siyang nagawa kundi ang magpadala dahil baka magalit pa ito sa kanya at saktan na naman siya. Habang naglalakad sila ay napapaligiran sila ng tauhan ni Zoren na mukhang hindi gagawa ng mabuti.Dinukot ni Zoren ang cellphone sa gamit ang isang kamay nito."Damn you! Bakit ba ang tagal mo? Natunton na nila kami pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin! Aalis na kami sa lugar na ito at m
[Pamela] NANG magmulat siya ng mata ay agad na kinapa niya ang tiyan. Tila tubig na rumagasa sa isip niya lahat ng nangyari kaya agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot.Sigurado siya na si Zoren ang nagdala sa kanya sa lugar na ito.Nanginginig man ang katawan ay pinilit niyang tumayo para alamin kung bukas ang pinto, pero katulad ng inaasahan niya ang nakasara iyon. Hindi naman niya kayang akyatin ang isang maliit na bintana na may kataasan dahil bukod sa mataas iyon ay wala siyang mapatungan dahil tanging kama lang at wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng kwarto.Nanlulumo na napaupo siya sa kama. Hindi niya alam kung nasaang lugar siya dinala ng baliw na si Zoren. Hindi niya rin alam kung ano na ang kalagayan ni Rob, pero sigurado siya sa isang bagay—hindi maganda ang lagay nito.Naihilamos niya ang nanginginig na kamay sa mukha. Ano ang plano ni Zoren sa kanya? Balak ba siyang patayin nito? Kung t