[Pamela]NAGISING siya na masakit ang ulo at katawan. Niyakap niya ang sarili ng maalala ang paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ni Alaric.Ang lalaki na minahal niya pero nagawa siya na gamitin at paikutin sa palad nito. Tumulo ang luha niya ng bumalik lahat ng sakit sa dibdib niya ng maalala ang ginawa sa kanya ng mga taong mahal niya. Pati ang magulang niya ay nagawa siyang linlangin at gamitin ng dahil lamang sa pera. Umiiyak na binalot niya ng kumot ang hubad na katawan. Pati ang katawan niya ay tuluyan ng nakuha ni Alaric. Tapos ano? Ikukulong siya at para gamitin pa na pasakitan si Alden? Hindi pa ba sapat na sinira nito ang buhay niya? Hindi ba ito titigil hangga't hindi nasisira ng tuluyan si Alden? Paano naman siya? Wala ba itong pakialam kahit na mawasak siya ng dahil sa paghihiganti nito sa mga tao na kinasusuklaman nito?Bakit kailangan ba idamay siya nito? Siya na wala naman ginagawang masama?Ipinikit niya ang mata ng marinig ang pagbukas ng pinto ng bathroom. Hindi niya
[Pamela]MALUNGKOT na nakatingin siya sa kisame ng kwarto na pinagkulungan sa kanya ni Alaric. Oo, ikinukong siya ni Alaric. Hindi na siya nakalabas magmula ng dalhin siya nito sa bahay na ito. Maging sa kusina nga ay hindi pa siya nakakarating dahil hinahatiran lang siya nito ng pagkain. Gustuhin man niya na tumakas ay hindi rin niya magagawa dahil naka-kadena ang isa niyang paa.Mahal niya si Alaric, pero sumusobra na ito sa ginagawa sa kanya.Pinahid niya ang luha na kusang tumulo sa mata niya. Hindi rin ito pumapasok sa trabaho, wala sa personalidad nito ang tamarin sa trabaho, kaya alam niya na binabantayan lang siya nito. Gano'n ito katakot na makatakas siya, dahil sa oras na makatakas siya ay wala na itong magagamit para sa paghihiganti kay Alaric.Isa lang talaga siyang laruan para rito.Gusto niyang pumasok ng bathroom para maligo. Nanlalagkit ang pakiramdam niya, pero hindi naman siya makaalis sa pesteng kadena na nasa paa niya.Bumukas ang pinto. Hindi na siya nag-abala na l
[Pamela]PUMIKIT siya at pilit na umiisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa lugar na ito. Wala na siyang kadena sa paa pero hindi naman siya makaalis dahil may mga bantay sa labas. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa maglagay ng tauhan ni Alaric. Takot na takot ba ito na mawala siya at mawalan ng taong gagamitin laban kay Alden? Kaya marahil kumuha na ng mga tauhan si Alaric ay dahil pumasok na ito ngayon.Pumasok nga ba o may kalandian?Nakagat niya ng madiin ang labi sa naisip. Shit, Pam, wag kang iiyak! Hindi siya dapat iyakan. Ang katulad niya na lalaki ay hindi deserve ang luha mo.Puro bilin siya sa sarili niya na wag ng iiyak, pero wala naman nangyayari. Kahit ano naman kasi ang gawin niya ay masakit parin talaga. May nangyayari nga sa kanila at nakakasama niya ito. Pero alam din niya na hindi siya nito mahal.Ang sakit!Kasama niya ang lalaki na mahal niya pero alam niya na ginagamit lang siya. Siguro ay masaya ito habang kasama ang babae nito. Baka nga may ginagawa
[Pamela]PAGDILAT niya ay ang gwapong mukha ni Alaric ang nabungaran niya. Tulog parin ito. Nakatagilid ito habang nakaunan siya sa isang braso nito, ang isang braso naman nito ay nakayakap sa baiwang niya.Tumingin siya sa mukha nito. Mula sa makapal at perpektong hugis ng kilay, magandang mata, pababa sa matangos na ilong, at nakakaakit na labi. Daig pa nito ang isang Hollywood actor sa sobrang gwapo-Mahina niyang kinutusan ang sarili. Ano ba 'yan, Pamela! Nadadala ka naman palagi! Niloko ka niya, remember?!Iniwas niya ang tingin sa mukha ni Alaric at binaling ang tingin sa malapad nitong dibdib. Inilapat niya ang palad sa dibdib nito at hinimas ito.Shocks! Ang tigas! Ibinaba niya ang kamay sa tiyan nito kung saan naro'n ang kumpleto at matigas na abs nito. Nakagat niya ang labi ng tuluyan ng lumapat ang kamay niya sa abs nito na pangarap niya na mahimas-wait, mahimas?!Muli niyang kinutusan ang sarili. Shocks! Ito na naman siya, nawawala sa sarili!Ikinuyom niya ang kamay at pum
[Pamela]HINDI niya mapigilan ang ma-excite habang nakatingin sa box na dumating. May hinala na siya kung ano ang laman nito, kaya naman hindi niya mapigilan ang kabahan. Last time kasi ay nadala siya at sarap na sarap sa ginawa ni Alaric kaya nakalimutan na niya ang tungkol sa party na dapat ay pupuntahan nila.Ito na ang pagkakataon niya para makatakas. Kailangan na magawa na niya ang plano na pagtakas.Napangiti siya ng nakita ang pink tube gown na isusuot niya at mermaid lace design. Napakaganda nito at halata na mamahalin. Lahat ng laman ng box ay puro pink. Gusto niya tuloy isipin na baka sinasadya talaga ni Alaric ang ganitong kulay dahil gusto niya ito."Ma'am, ito na po ang banana cue niyo." Nilingon niya si manang. Agad na nanakam siya ng maamoy at makita ang dala nito. "Naku salamat po!" Agad na kumain siya ng dala nitong meryenda."Ang ganda n'yan, ma'am. Halata na bagay na bagay sayo."Ngumiti siya at tumango. "Kaya nga po, ang ganda." Nakita niya na naging mailap ang m
[Pamela]HINDI makapaniwala na nakatingin siya rito. Paano nito nagawa na dukutin siya?! Pilit na hinihila niya ang kamay mula sa pagkakatali sa headboard ng kama pero hindi niya maalis ang tali nito dahil sa higpit."Pakawalan mo ako, Alden! Ano ba?!" Imbis na pakawalan siya ng ngumisi lang si Alden sa kanya. "Bakit kita papakawalan, babe? Sinabi ko naman sayo di'ba, sa akin ka lang?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "Nababaliw ka na, Alden. Matagal na tayong tapos kaya wag mo 'kong angkinin!" Magkapatid nga ito at si Alaric! Pareho mga siraulo!Malakas na tumawa ito. "Sige, sabihin na natin na matagal na tayong tapos at may asawa ka na. Di'ba pwede na ako naman ngayon, Pamela? Pwede ka naman siguro namin paghatian ni kuya ng hindi niya nalalaman. Ako naman dapat ang asawa mo ngayon at hindi siya."Nahihibang na ito!"Nababaliw ka na, Alden! Kahit kailan hindi na ako babalik sayo!" Singhal niya rito. Umalis nga siya sa poder ni Alaric para makatakas, tapos dito naman siya sa b
[Pamela]Tila sinaksak ang puso niya sa sakit ng bitiwan siya ni Alaric. Sumenyas ito sa mga tauhan na ihatid siya sa sasakyan. Kita niya ang pagsilay ng matagumpay na ngiti ni Patricia sa labi.Nagyuko siya ng ulo. Ang sakit! Gusto niyang lingunin si Alaric pero hindi niya ginawa. Ayaw niya na makita nito ang luha sa mata niya.Nanginginig ang labi na kinagat niya iyon. Habang naglalakad ay tuluyan na siyang humagulhol. Tama nga siya, wala siyang halaga sa lalaking mahal niya. Hindi talaga siya ang mahal nito kundi ang babaeng 'yon.Kung hindi marahil siya nito ginamit sa paghihiganti ay baka ang mga ito pa ang nagpakasal at hindi sila. Pagkarating sa sasakyan ni Alaric ay pumasok siya ro'n. Lalong nanikip ang dibdib niya ng maisip na baka masaya na ngayon ang dalawa ng umalis siya.Masayang magkahawak kamay. Masayang nagkukwentuhan. Masayang naghahalikan!Humawak siya tapat ng dibdib. Para 'yong dinudurog sa sakit!"STOP TALKING LIKE THAT IN FRONT OF MY WIFE, PATRICIA. BAKA PASABUGIN
[Pamela]IT'S been a year magmula ng magising siya. Naging maayos naman ang buhay niya rito sa Isla San Diego kasama si Zoren. Dito na na-assigned si Zoren isang taon na ang nakakaraan. Sumama narin siya rito dahil kailangan niya magpakalayo-layo. Natapos narin niya ang pag-aaral niya at kasalukuyan na nagtuturo na dito sa Isla San Diego.Maayos ang buhay niya rito ngayon. Tahimik. Natigil siya sa pagdidilig ng halaman ng makita ang paghinto ng pamilyar na sasakyan sa tapat ng maliit n'yang tirahan.Si Zoren.Nakangiti na lumapit ito sa kanya dala ang isang bungkos ng bulaklak."Salamat." Nakangiti na sabi niya ng iabot sa kanya nito ang bulaklak na hawak.Tinapat na niya ito na wala siyang balak na magpaligaw. Kasal pa kasi siya kay Alaric, pero mapilit ito. Nangako naman din ito na kukuha ng magaling na abogado para tulungan siya na maipa-annul ang kasal niya kay Alaric.Pero natatakot naman siya. Paano kung malaman ni Alaric kung nasaan siya nakatira at kunin na naman siya?Imposibl
LAHAT ng babae ay halos pigil ang paghinga. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay hindi maitago ang inggit sa mga mata. TILA isang hari na naglalakad ang binatang si Alaric Martin sa hallway ng isang Uniberisdad. Wala itong pakialam kung tingnan man ito ng karamihan. Sanay na siya at wala ng bago ro'n. Sinuman ang tumingin sa kanya ay masasabi agad na isa itong makapangyarihan na tao, and that's because of his powerful aura. Matangkad, katamtaman ang kulay ng makinis na balat na tila wala ni-isa mang pilat. Matangos ang ilong, perpekto ang prominenteng panga, magandang kulay berde na mata na binagayan ng makapal na kilay. Maganda din ang pangangatawan na halatang alaga sa ehersisyo. Nalukot ang mukha ng binata ng mabangga siya ng isang babae na may kapayatan. Sa laki ng katawan niya ay napa-upo ang babae sa marmol. Hindi man siya ang nasaktan ay hindi parin niya maiwasan ang mainis. Hindi ba siya nakita nito, O baka naman sinadya ito ng babae para magpapansin sa kanya?
[Pamela] HINDI siya nakapagsalita dahil sa pagkabigla sa narinig niya."Eight years ago, I know that you are applying for scholarship, kaya ko binili ang University na pinag- applyan mo at binigyan ka ng scholarship. Naduwag ako, Pam. Naduwag ako dahil masyado ka pang bata that time, kaya pinangako ko sa sarili ko na maghihintay ako, kaya sobrang galit ko ng malaman ko na may nobyo ka na, and that's my brother. Mas lalong nabuhay ang galit ko sa kanilang mag ina, sila ang dahilan kaya my mother killed herself, hindi niya matanggap na iniwan kami ni dad dahil sa mag inang 'yon."Hindi siya makapaniwala sa narinig. Walang taon na siyang mahal ni Alaric?! Ang lalaki na nakakatakot kung tumingin at para siyang babalatan ng buhay ay mahal pala siya matagal na?!"Kaya ng malaman ko kung sino ang nobyo mo ay nakaisip ako ng idea na gamitin ang pera ko para mapasa-akin ka. Makakaganti na ako kay Alden, mapapasa-akin ka pa. I'm sorry, Pam, nabulag ako ng galit at selos ko."Nagsimulang pumatak
[Pamela] SHE'S crying for almost three days. Simula ng sabihin sa kanya ni Alaric ang bagay na 'yon ay hindi siya makapaniwala. Hinintay niya na sabihin ni Alaric na isa lamang biro 'yon, pero hindi nangyari.Anak nila si Arem!Tumayo siya mula sa kama. Nasa mansion siya ni Alaric ngayon. Tatlong araw na siyang nagkulong sa kwarto.Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Alaric sa kanya. Lumabas siya ng kwarto at huminto sa tapat ng isang kwarto. Nakita niya na bahagyang nakaawang ang pinto kaya naman lumapit siya doon at sumilip.Naitakip niya ang kamay sa bibig ng makita si Arem na nakaupo sa kanlungan ni Alaric. Hindi niya mapigil ang lalong mapaluha. Hindi niya parin makayanan ang nalaman niya.Ayon kay Alaric ng ma-aksidente siya tatlong taon na ang nakaraan ay buntis pala siya. Nabuhay ang bata sa tiyan niya kahit comatose siya, at ligtas niyang na-ilabas sa pamamagitan ng cesarean. Ang sugat pala sa tiyan niya na palaging hawak ni Alaric sa tuwing nagtatalik sila ay hindi sanhi n
[Alaric] "ALAM NA NAMIN KUNG NASAAN SILA"Iyan ang mensahe na pinadala ng kaibigan ni Alaric na si Zandro. Naikuyom ni Alaric ang kamay.Gusto niyang durugin si Zoren at Kyle sa kamay niya. Hindi naman niya magawa na iwan si Pamela at Arem sa hospital. Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi parin nagigising ang dalawa. Ayon naman kay Red ay nasa mabuting kalagayan na ang asawa niya at gano'n din si Arem.Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Pamela. Malaki ang ibinagsak ng katawan ng asawa niya. Hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili dahil alam niya na kasalanan niya.Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil sa nangyari dito. Kung naging mas mabilis lamang siya ay hindi na mapapahamak pa ang mga ito.Pero mas higit na kasalanan ito ni Kyle at ni Zoren. Maraming tauhan niya ang nagkalat sa paligid. Alam niya na tuso sina Kyle at Zoren, gagawa ng paraan ang mga ito na makuha ang gusto, kaya kailangan na doble ingat ang gawin niya.Hindi niya gusto na m
[Pamela] MUNTIK siyang mapatalon sa takot ng makarinig ng putok ng baril. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya habang karga si Arem, o mananatili sa pwesto niya. Napalunok siya ng makarinig ng magkakasunod na yabag. Pati yata ang kilikili niya ay namamawis na sa sobrang kaba dahil ang mga yabag ay papalapit sa pwesto niya.Pumikit siya habang nagdadasal na sana ay wag silang makita ng mga tauhan ni Zoren. Gusto man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa takot na marinig ng mga ito ang yabag niya. Nasa bente minuto na pero wala parin sila Grigor at Kanor. Gusto niya ng takbuhin ang daan palabas, pero maraming mga tauhan na naroon kaya naman wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ang dalawa na makuha ang susi.Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo ang yabag sa pwesto niya. Pero para saan ang putok ng baril na narinig niya? "Hanapin niyo! Malilintikan tayong lahat sa katangahan niyo!" Malakas na sigaw ng isang lalaki.Shocks! Ibig sabihin ay alam na ng mga ito na nakatakas s
[Pamela] MAY sampung minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik ng dalawa, pero hanggang ngayon ay wala parin ang mga ito. Bawat usad ng oras ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng takot na baka bigla nalang sumulpot sina Zoren at ate Kyle sa harapan niya at gawin na ang masamang balak sa anak niya.Nagmamadali siyang tumayo ng makarinig ng yabag. Nakangiti na lumapit siya sa pinto ng marinig ang pagbukas nito."Mabuti at dumating na kayo—" Natigil siya sa pagsasalita ng bumaha ang liwanag sa kwarto. Si Zoren ang nasa harapan niya!Napaatras siya.Nagsimulang kainin ng takot ang puso niya. Bakit narito ito ngayon? May balak ba ito sa anak niya?"Bakit para kang nakakita ng multo, Pamela? Kanina lang ay nakangiti ka, tapos ngayon nakasimangot ka na?" Lumapit si Zoren sa kanya kaya umatras siya uli. "A-Anong kailangan mo?" Nginig ang boses na tanong niya.Nilapag ni Zoren ang dalang pagkain sa ibabaw ng kama. May dala pala itong tray ng pagkain, hindi niya napansin iyon, at saka wal
[Alaric] "NAKAHANDA NA BA ANG LAHAT?" Tanong ni Zandro sa mga kalalakihan na makakasama nila sa pagligtas kay Pamela."Yes, Sir!" Agad na sagot ng mga ito.Galit na galit siya sa sarili niya. Naunahan na naman siya ni Zoren sa paghahanap sa asawa niya. Halos mamuti ang kamao niya sa diin ng pagkakakuyom niya. "That bitch! Kung hindi dahil sa kanya ay nailigtas ko na si Pam!" Kapag naaalala niya si Kyle ay nanggigil talaga siya sa sobrang galit. Napakatuso ng babaing ito at nagawa pa na malaman ang plano nila dahil inakit nito ang isa sa tauhan nila! Ginamit nito ang katawan para malaman ang susunod nilang hakbang!"Tara na." Hinagisan siya ni Zandro ng isang klase ng baril. "Let's go and save your wife, Alaric. Wala tayong dapat sayangin na oras." Dagdag pa ni Zandro.Nagmamadali silang sumakay ng sasakyan. Tama si Zandro, walang dapat sayangin na oras.[Pamela]KANINA pa siya gising at nakaupo sa gilid ng kama at tahimik na umiiyak. Nang magising kanina ay narito na siya sa isang
[Pamela] TUMINGIN siya sa pagkain na dala ng tauhan ni Zoren. Hindi man niya gusto na kainin iyon ay hindi naman maaari lalo na at buntis siya. Kailangan niya ng lakas para sa kanila ng anak niya.Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya. Hindi nagtagal ay nakarinig siya yabag at humahangos na pumasok si Zoren sa kwarto at agad na nilapitan siya at saka hinigit ang braso niya. Nang hilahin niya ang braso pabalik ay lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Napansin niya na masama ang timpla ng mukha nito."Aray ko naman, Zoren! Dahan-dahan naman!" Reklamo niya."Shut up, Pamela!" Singhal ni Zoren.Wala siyang nagawa kundi ang magpadala dahil baka magalit pa ito sa kanya at saktan na naman siya. Habang naglalakad sila ay napapaligiran sila ng tauhan ni Zoren na mukhang hindi gagawa ng mabuti.Dinukot ni Zoren ang cellphone sa gamit ang isang kamay nito."Damn you! Bakit ba ang tagal mo? Natunton na nila kami pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin! Aalis na kami sa lugar na ito at m
[Pamela] NANG magmulat siya ng mata ay agad na kinapa niya ang tiyan. Tila tubig na rumagasa sa isip niya lahat ng nangyari kaya agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot.Sigurado siya na si Zoren ang nagdala sa kanya sa lugar na ito.Nanginginig man ang katawan ay pinilit niyang tumayo para alamin kung bukas ang pinto, pero katulad ng inaasahan niya ang nakasara iyon. Hindi naman niya kayang akyatin ang isang maliit na bintana na may kataasan dahil bukod sa mataas iyon ay wala siyang mapatungan dahil tanging kama lang at wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng kwarto.Nanlulumo na napaupo siya sa kama. Hindi niya alam kung nasaang lugar siya dinala ng baliw na si Zoren. Hindi niya rin alam kung ano na ang kalagayan ni Rob, pero sigurado siya sa isang bagay—hindi maganda ang lagay nito.Naihilamos niya ang nanginginig na kamay sa mukha. Ano ang plano ni Zoren sa kanya? Balak ba siyang patayin nito? Kung t