READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! Dark romanceđ¤ (This story is TRAPPED SERIES#4) RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahalâĽď¸ ************ âNasaan na ang mga kuya mo? Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbabayad sa akin ng renta. Aba'y dalawang buwan na kayong hindi nakakapagbayad! Sabihin mo sa mga kapatid mo na kung hindi nila maibibigay sa akin ngayon ang kabuohang bayad ninyo ay mas mabuti pa na lumayas na kayo! Nanggagalaiting wika ni Aling Perena habang nakapamewang na nakaharap sa anim na batang babae. Musmos man, naiintindihan ng paslit ang mga sinasabi ng matandang kaharap. Sa hirap ng kanilang buhay, maagang nahubog ang kaniyang utak sa ganitong sitwasyon. Wala siyang pagpipilian kung hindi ang makisabay sa agosâ gaya ng kanyang mga kapatid na lalaki. "Sige po, Aling Perena. Sasabihin ko kina kuya ang bayad," sagot ni Yuri sa maliit na tinig. Pinipigil niya ang pag-iyak. Hindi siya naiiyak dahil sa bulyaw at sigaw nito, naiiyak siya dahil mahapdi na ang kanyang sikmura dahil sa gutom. Dalawang araw na mula ng magkalaman ang kanyang sikmura. Ayon sa mga kuya niya, babalik ang mga ito na mayro'ng dalang pagkain para sa kanya, subalit hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga ito. Umungot si Yuri nang makaramdam ng sakit ng tiyan. Hindi na niya kaya pa ang hapdi ng kanyang sikmura dahil sa gutom. Natatakam at napapalunok siya habang nakatingin sa mga taong kumakain sa isang karinderya rito sa pinakadulong kanto ng kanilang lugar. Walang tigil ang pagkalam ng kanyang sikmura dahil sa gutom. "Hindi ba siya ang anak ng mag-asawang Dessa at Yolando? Iyong mag-asawa na nagpakamatay isang taon na ang nakararaan?" Wika ng isang customer na kumakain sa karinderya. Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid ni Yuri. Bakas ang awa sa mga mukha ng mga tao habang nakatingin sa paslit. Nang marinig nito ang pangalan ng magulang, nagsimula itong humikbi. "N-Nanay, T-tatay!" Tawag ni Yuri sa magulang at nagsimula na itong umatungal ng iyak. Ang alam lamang ng bata ay bumili ng pagkain ang kanyang magulang. Ito ang sinabi sa kanya ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Subalit matagal na siyang naghihintay, hindi pa rin ito dumarating. Nasasabik at nangungulila na siya na makita ang mga ito. Nakaramdam ng habag ang ilang mga kumakain kay Yuri. Bukod sa marumi ito at tadtad ng sugat ang maliit na katawan dahil sa kagat ng mga lamok, napakapayat rin nito na tila wala nang sustansiya sa katawan. "Heto, kumain ka na muna." Inabutan siya ng matandang tindero ng karinderya. "Palagi kong sinasabi sa'yo na kung magugutom ka ay magpunta ka lamang rito para mabigyan kita ng pagkain. Tigilan mo na ang paghihintay sa talipapa dahil hindi na babalik sina Dessa at Yolando. Hindi ba sinabi 'yon ng mga kuya mo sa'yo?" Hindi sumagot si Yuri. Natuon ang atensyon nito sa pagkain. Maski maiinit pa ito at magkapaso-paso ang kaniyang dila ay patuloy siya sa paglantak sa pagkaing hawak. Napabuntong hininga na lang ang matanda habang awang-awa na nakatingin sa bata. "Nasaan na ba ang dalawang kuya mo? Imbis na alagaan ka ay pinabayaan ka na simula nang mawala ang magulang ninyo. Huwag mong sabihin sa akin na sumama na naman sila kila Basilyo?" Pumalatak ang matandang tindero ng tumango si Yuri rito. Umiling-iiling pa ito na tila hindi nagustuhan ang nalaman. "Matagal ko nang binalaan ang mga kuya mo na huwag sasama sa magkapatid na iyon pero ang titigas ng ulo nila. Simula ng mawala ang magulang ninyo ay siya namang pagbabago ng mga ugali nila, hindi na sila marunong makinig ngayon. Sayang at matatalino ang mga kapatid mo. Sana lang ay hindi sila malihis ng landas katulad nila Basilyo." Tukoy nito sa mga sikat na kawatan sa kanilang lugar. Matapos magpasalamat ay umalis na si Yuri at nagtungo sa talipapa para hintayin ang magulang. Narinig na nito na wala na, o patay na ang kanilang magulang. Subalit hindi iyon matanggap ng kanyang murang isipan. Binura ng paslit ang imahe ng magulang na nakasabit sa kisame habang may lubid sa leeg. At itinatak sa kanyang isip na hindi pa patay ang mga itoâ Na buhay ang kanyang magulang at babalik pa ang mga ito. Alas onse nang gabi... Isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong dumaraan, subalit nanatili si Yuri sa kanyang kinatatayuan. Sa gilid ng poste kung saan mayro'ng ilaw para magbigay liwanag sa daan ay naghihintay siya na baka sakali ay darating ang mama at papa niya. "Yuri!" "Kuya!" Ang kaninang malungkot na mukha ni Yuri ay nabahiran ng tuwa at pagkasabik ng makita ang nakatatanda niyang kapatid na si Dolan. Nagpalinga-linga ang kinse anyos na si Dolan sa paligid habang buhat si Yuri. Pagdating sa kanilang bahay ay ibinaba ng binatilyo ang kapatid. Ang pagkain niyang dala ay inihanda niya upang kainin nito. "Bilisan mong kumain, Yuri. Wala na tayong oras kailangan nating makaalis sa lalong madaling panahon." Mariing utos ni Dolan habang abala sa paglalagay ng mga damit sa isang bag. Napatingin si Yuri sa bag na nakabukas. Puno ito ng peraâ Agad na kinuha ito ng Kuya niya at agad na itinabi. "Kuya, ang dami na nating pera... hindi na tayo magugutom." Tuwang-tuwang saad nito. "Oo, Yuri. Hindi na tayo magugutom! Bilisan mo na dahil aalis na tayo." Muling utos ng binatilyo. Nakangiting tumango si Yuri. Masaya ito dahil umuwi na ang kuya Dolan niya at marami pa silang pera. Habang abala siya sa pagkain ay abala naman ang kuya niya sa paghanda para sa kanilang pag alis. "Kuya, nasaan si kuya Dino?" Tanong ni Yuri pagkalipas ng ilang sandali. Natigil sa pag iimpake si Dolan. Nanginig ang katawan nito at mayamaya pa ay nagsimula na itong lumuha. "P-Patawad, Yuri... p-pero hindi na siya babalik pa." Lumapit si Dolan sa kapatid. "H-Hindi na siya babalik pa dahil wala na siya..." Dugtong nito sabay hagulhol. Nang humawak si Dolan sa kamay ni Yuri, saka lamang napansin ni Yuri na mayro'ng bahid ng dugo ang kamay nito. Ang musmos na isipan ni Yuri at mukha ay puno ng pagtatanong sa kanyang kapatid. Gusto man paniwalaan ni Yuri ang kanyang sarili na babalik ang kuya Dino niya katulad ng magulang, ay hindi na niya nagawa... ibayong sakit na naman ang nararanasan ng kanyang murang isipan. Walang salitang namutawi sa kanyang labi kundi ang mahihinang paghikbi. 'K-Kuya Dino..." Panaghoy ni Yuri. Sumagi sa alaala niya ang nakangiting imahe nito sa kanya bago umalis. 'Pangako, ibibili ka namin ng masarap na pagkain!' Iyon ang sinabi nito sa kanya bago umalis. Binalot ng awa, sakit, at galit ang puso ni Dolan habang nakatingin sa kanyang kapatid. Niyakap niya ito ng mahigpit. Pareho silang lumuluha at nagluluksa. "Gusto lang naman namin ni Dino na gumanti sa mga Gabrielle." Ramdam ni Dolan ang pagkirot ng kanyang dibdib ng banggitin ang pangalan ng kanyang kakambal. "P-Pero hindi namin akalain mangyayari 'to..." Hinawakan ni Dolan ang nakababatang kapatid sa balikat. Puno ng lungkot ang mata nito. "Y-Yuri, patawad. Sa ngayon ay kailangan kitang iwan. Hindi makabubuti na sumama ka sa akin. Sa oras na mahuli niya ako ay tiyak na papatayin niya ako." "Wag mo akong iiwan, kuya Dolan!" Yumakap ng mahigpit si Yuri rito at humahagulhol na nagmakaawa. "Please po, kuya, wag mo akong iiwan mag-isa. Natatakot akong mag-isa, kuya!" Ang maisip na mawawala pati ang kanyang kuya Dolan ay tila ikamamatay ni Yuri. Ang mga ito na lamang ang nagpapaalala at nagpaparamdam sa kanya na mayro'n pang nagmamahal sa kanya. "G-Gusto mo bang mabuhay ako, Yuri?" Natigilan si Yuri sa tanong ng kanyang nakatatandang kapatid. "K-Kuya, ayaw po kitang mamatay... please po wag mo ako iiwan..." Pinahid ni Dolan ang luha sa pisngi ng kapatid. Ang makitang nagmamakaawa ito ngayon sa kanya upang huwag niyang iwan ay ikinadudurog ng puso niya. Kung may magagawa lamang sana siya. "Yuri, alam mo naman na mahal na mahal ka namin di'ba? Mahal na mahal ka namin ni Dino kaya kahit gusto na naming sumunod kina mama at papa ay hindi namin magawa. Gusto ka namin alagaan at mahalin pa. Pero hindi namin kayang manahimik." Nagbara ang lalamunan niya. "H-hindi namin maatim na tayo ay nagdurusa samantalang ang kanilang pamilya ay masaya. "G-Gusto lang namin na gumanti... P-Pero b-bakit nangyari 'to..." Hinampas ni Dolan ang dibdib at tila kinapos ng hininga dahil sa labis na pag-iyak. Kapag sumasagi sa kanyang isipan kung paano sinalo ng kakambal ang balang para sa kanya ay parang pinapatay siya sa labis na sakit. 'S-Si Yuri a-alagaan mo siya' Iyon ang katagang sinabi ni Dino bago malagutan ng hininga. "Mahal na mahal kita, Yuri, kaya kailangan ko itong gawin. Sa sandaling mahuli niya ako ay tiyak akong papatayin niya ako, at sigurado akong idadamay ka niya. Ang iwan ka ang tangi kong naiisip na paraan para maging ligtas ka." "K-Kuya ko..." Lumuluha at puno na kalungkutan na panaghoy ni Yuri. (May mga SCENE na hindi angkop sa mga banal na mambabasa! Huwag nang ituloy ang pagbasa kung ayaw sa mga baliw na lalaki)READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!Dark romanceđ¤ (This story is TRAPPED SERIES#4)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahalâĽď¸[Yuri]Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ni Yuri ng magising siya. Hinawakan niya ang kanyang ulo at mahina itong pinukpok gamit ang kanyang kamao. Panaginip... Isang malabo at paulit-ulit na panaginip. Pinahid niya ang luha sa pisngi. Tama nga siyaâ Lumuluha siya. Sa tuwing nananaginip siya ng mga malalabong pangyayaring iyon ay lumuluha siya. Minsan naiisip niya kung bakit paulit-ulit niya iyong napapanaginipan na tila parte ito ng kanyang pagkatao. "Ay yawa!" Mabilis na bumangon siya nang makitang malapit na siyang mahuli sa klase. Mabilis siyang naligo at kumain nang almusal."
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!Dark romanceđ¤ (This story is TRAPPED SERIES#4)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahalâĽď¸[Yuri]Pinigilan niya ang mapangiwi habang suot ang tube green cocktail dress na pilit na pinasuot sa kanya ni Vera. Hindi umabot sa kalahati nang kanyang hita ang suot niya. Pakiramdam tuloy niya ay pasok na pasok ang hangin hanggang sa singit niya."Yawa, ang pait!" Nalukot ang mukha niya ng husto sa pait nang alak na tinungga niya. Nagtawanan ang mga kaibigan niya nang marinig ang reklamo niya.Hindi ito ang unang beses na sumama siya kina Vera at Nikka sa ganitong lugar. Pero hindi naman siya mahilig uminom. Sumasama lang naman siya sa mga ito para hindi siya mabagot at para mabawasan na rin
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!Dark romanceđ¤ (This story is TRAPPED SERIES#4)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahalâĽď¸[Yuri]Napailing nalang siya habang napapailing. Paranoid na naman siya. Simula nang umattend siya sa kasal ni Pamela ay ganito na palagi ang pakiramdam niya. Hindi kaya dahil umuulan nang pogi no'ng time na 'yon? Sinaid niya ang laman nang hawak niyang baso. Hindi siya nakontento at nagtawag pa nang waiter, this time ay hard ang pinili niyang inumin at saka uminom nang uminom."Ang tahimik mo d'yan, ah." Umupo si Nikka sa tabi niya na kararating lang. Bahagya pa siya nitong binangga sa balikat. "Do'n tayo sa grupo nila Ken. Tara, let's enjoy the night." "Ikaw nalang, dito nalang muna ako." Nag
[Yuri]"Wew!" Sumipol si Wilson nang makita siya. "You looked so beautiful!" Puno nang paghangang dugtong nito.Inikutan niya ito nang mata. "Alam ko, pero hindi mo 'ko madadala sa paganyan mo, noh!" Kilala itong tirador ng mga babae sa university nila. Hindi pa nga hiwalay sa iba aba may bago agad.Babaerong hindi naman kagwapuhan.Natawa ito sa sinabi niya. "Kaya wala kang boyfriend. Ang suplada mo kasi." Pangbubuska ng lalaki."Mas mabuti na ang walang boyfriend, kaysa naman magkakanobyo nga ako, kamukha at kaugali mo naman. NO THANKS!" Aniya saka ito tinalikuran. Narinig pa niya ang malakas nitong tawa kaya pikon na pikon siya.Nasaan na ba kasi ang mga kaibigan niya? Nawala na naman? Ganito nalang palagi kapag nasa party sila.Mahina siyang napadaĂng nang tumama ang mukha niya sa dibdib ng isang lalaki. "Anak ng! Ang laki-laki mo tapos nakaharang ka sa daanâ" Natigil siya sa pagdakdak nang pag angat niya nang mukha ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Redâ Ang lalaki sa bar!"A-Ay,
[Yuri]Para siyang baliw na tumatawa habang nakatingin sa bote ng gayuma na binili niya. Desperada na siyaâ Gagamitan niya ng ganito si Virvin. Gusto niya bago siya maka-graduate ngayon taon ay magnobyo na sila. Tapos kasal na ang sunod!"Tingnan ko nalang kung hindi mo ako mapansin." Natigil siya sa paghalakhak ng makarinig ng katok. Tumingin siya sa relong nasa bisigâ Alas onse na nang gabi. Siguradong si Aling Maryang ito. Baka mangungutang.Sumilip muna siya sa maliit na butas ng pinto niya bago magbukas. Maganda na ang sigurado. Marami pa naman masasamang loob sa panahon ngayon.Nanlaki ang mata niya nang makitang hindi ito si Aling Maryang, kundi si Red!Yawa! Paano nito nalaman ang bahay niya? Saka bakit nandito ito? May kailangan ba 'to?Sumandal siya sa pinto at hindi nagsalita. Tiis lang, siguradong aalis din naman itoâ Napangiwi siya. Hindi lang ang katawan niya ang naalog sa lalong paglakas ng katok nito, maging ang utak niya.Galit na binuksan niya ang pinto. "Ano ba?! G
[Yuri]"Yuri, pwede ba umupo ka nga. Kanina pa ako nahihilo sa kakalad mo, eh!" Reklamo ni Nikka."Ano ba kasi ang problema mo at kanina ka pa hindi mapakali?" Tanong naman ni Pamela.Mahinang natawa si Vera. "It's obvious, guys. It's about Virvin."Nang mangalay ay umupo na siya. Narito sila ngayon sa isang coffe shopâ At syempre, libre silang lahat ni Vera."Ganito kasi 'yon, guys." Nilabas niya ang boteng nasa bag. "Bumili ako nito sa Quiapo. Ang sabi sa akin nang 'matandang nagbebenta nito 'epektib daw 'to." Kinuha ni Nikka ang boteng hawak niya. Nanlaki ang mata nito nang mabasa ang nakalagay rito."Gayuma?!" Hindi makapaniwalang pakli pa ni Nikka."What?" Maging si Vera at Pamela ay nakiusyoso na. "The heck, Yuri. Naniniwala ka sa ganitong bagay?" Anito sabay tawa nang mahina.Hanggang sa sabay-sabay na nagsitawa ang tatlo na para bang nababaliw na siya."Akin na nga 'yan!" Inagaw niya ang bote pabalik."Seriously, Yuri... Don't tell me may balak ka talagang gamitin 'yan kay Virv
[Yuri]Nangingitim ang ilalim ng mata niya habang nakatingin sa bote nang gayumang hawak niya. Hindi na niya nakita pa si Virvin simula ng subukan niyang magtapat. Mukhang iniwasan na siya nito.Ang saklap naman ng nangyari sa kanyaâ Kung kailan handa na siya saka pa siya nito iniwasan."Yuri, cheer up, okay. May susunod na araw pa naman." Pagpapalakas ni Pamela ng loob niya.Umiling-iling si Nikka at naaawang tumingin sa kanya. "Iniwasan siya ni Virvin, Pamela. It's mean, he knew about Yuri's feeling and he doesn't want to hear anything about it.""Nikka is right." Segunda ni Vera. "Hindi ka iiwasan ni Virvin kung gusto ka niya."Mas lalo siyang nanlumo sa narinig.Ngumisi si Vera at nginuso ang hawak niyang bote. "Gamitin mo na ang alas mo. Ang plan B!" Sinamaan niya ito ng tingin. "No'ng nakaraan lang tinawanan niyo pa ako, tapos ngayon susulsulan niyo ako na gamitin 'to." Magulo din talaga paminsan-minsan ang utak nito, e."May choice ka pa bang iba?" Nang umiling siya ay parang t
[Yuri]Inabot din nang tatlong araw si Virvin sa hospital. Grabe ang pag aalala niya. Mabuti nalang at naisugod agad ito sa hospital. Pina-test niya ang gayumang inilagay nila sa pagkain ni Virvin pero hindi naman ito nakalalason ayon sa doktor. Mabuti nalang at ligtas na ito, iyon ang importante."Salamat sa pagbisita, Yuri. I really appreciate it." Natigil siya sa pagbalat ng mansanas at hindi makapaniwalang tumingin sa binata. K-Kinakausap siya nito?"Humihingi ako ng pasensya sa kagaspangan ng ugali ko sayo minsan." Ani pa nito.Anong minsanâ Madalas kaya.Natigilan siyaâ Tama ba ang narinig niya? Humihingi ito ng pasensya? Mahina itong natawa nang mapansin ang reaskyon niya."Nahihiya lang naman kasi akong kausapin ka.... M-Masyado ka kasing maganda.""O-Ouch!" D***g niya nang masugatan ang kamay niya."Yuri," Hinawakan nito ang kamay niya at saka hinipan ang maliit na sugat niya sa kamay. "Mag ingat ka kasi."Tila nakakita siya nang sungay habang nakatingin kay Virvin. Nakangang
âYou may kiss the bride!â Lahat ay pumalakpak matapos halikan ni Alaric ang asawa nitong si Pamela. Maliban kay Red na wala ang atensyon sa kinakasal, dahil ang mata nang binata ay nakatuon sa babaeng nakaagaw nang kanyang atensyon. Agad pansin ang morenang balat nang dalaga. Matangos ang maliit na ilong, bilugan ang mata na bumagay sa maliit nitong mukha. Walang pilat ang makinis nitong balat. Bawat galaw nang mapula at makipot nitong labi ay siya namang alon nang kanyang lalamunan. Is she good when it comes to kissing? Pinilig ni Red ang ulo. Bigla ang paggagalawan nang kanyang panga. Maisip pa lang nang binata na mayroân nang nakauna sa kanya na maangkin ang labi nito ay tila nag iinit ang dugo niya. Sa reception. Napahawak ang binatang doktor sa labi nang makita kung paano kumibot ang mapulang labi nang dalaga habang kausap ang asawa nang groom. Namumula ang mata nang dalaga sa sobrang tuwa para kaibigan nito. âMasaya ako para saâyo, Pamela.â Bati nang dalaga sa kaibigan.
[Yuri]Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang magising siya. Agad na nilibot niya nang tingin ang paligid. Mukhang nasa hospital siya.Tumingin siya sa mainit na bagay na pumisil sa kamay niya. Si Red, nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya. âR-RedâŚâ Agad na nag unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa kanyang dibdib.Sana panaginip lang ang lahatâ Pero alam niyang totoo ang lahat nang nangyari. Wala na ang kaibigan niya, wala na si Nikka.âA-ang sakit, Red!â Sa tuwing maaalala niya ang pagbaril nito sa ulo ay nahihirapan siyang huminga sa sakit. Parang dinudurog ang dibdib niya.Akala niya handa na siyang mawala ito, o kalimutan ito bilang kaibigan niya, pero hindi pa rin pala. Sa kabila nang ginawa nito ay mayroân pa rin itong puwang sa puso niya. Mahirap burahin ang pagkakaibigan nila dahil sa tagal nang pinagsamahan nilang dalawa.Hinayaan siya ni Red na umiyak sa bisig nito. Alam nito kung gaano siya nasasaktan ngay
[Yuri]Dumating si Red!Walang pagsidlan ang kaligayan sa puso niya dahil dumating ito para iligtas siya. Kahit delikado, dumating pa rin ito.Lumamlam ang mata ni Red nang magkasalubong sila ng tingin. Pero ang lamlam sa mga mata nito ay agaran na nawala nang makita ng binata ang dugo na umaagos sa leeg niya.Marahas na napalunok sina Virvin at Nikka nang makita kung paano dumilim ng sobra ang ekspresyon ni Red. Maging siya ay napalunok. Sumigid sa kanilang kalamnam ang nakakatakot na awra nito. Nakakatakot!Wala pa itong ginagawa subalit dama na nila ang bagsik nito.Ang tapang sa mukha ng dalawa kanina lang ay nawala. Ang kamay ni Virvin ay mas lalong nanginig dahilan para mas lalong dumiin ang patalim nito sa kanyang leeg.Dumating si Miguel, malaki ang ngisi nito. Samantalang si Tres at Jack ay hindi maipinta ang mukha. Nakasuot ng masikip na bestida ang dalawa, sa sobrang sikip ay punit na ang harapang bahagi ng bestida, nakasuot din ang dalawa ng wig na pula.Napapitlag sina Vi
[Yuri]âMamaya kayo sa amin, beybi gerls!â Pinigilan niya ang masuka ng mag-flying kiss pa ang dalawang lalaki sa kanina ni Jessie bago umalis.Kumuyom ang kamay niya ng marinig ang matinis na halakhak ni Nikka, animoây tuwang-tuwa itong makita na tila asong ulvl ang mga kasama nito at nakahanda silang lantakan mamaya pagbalik ng dalawa.Nang pumuwesto sina Virvin at Nikka sa upuang nakaharap sa gawi nila ni Jessie ay pumikit siya agad at nagkuwanri na tulog. âOhh, V-Virvin, ohhh lick me more!â Malakas na unÄĄol ni Nikka.Mga walanghiya! Nagawa pang mag-sex kahit na narito sila ni Jessie. Hindi niya akalain na ganito ka-cheap si Nikka.âMamatay sana kayo sa sarap!â âBabe, ano ang ginagawa mo?â Natigil si Nikka sa paghithit ng sigarilyo at kunot ang noo na bumaling kay Virvin. Katatapos lang magtalik ng dalawa. Ngumisi si Virvin matapos ilagay sa bag na dala nito ang laman na pera at alahas ng mga bag nila Tonyo at Manuel, ang parte ng dalawa.âAalis na tayo habang wala sila! Hindi n
[Yuri] Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Jessie. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may malay na ito. Mabuti na lang din at kinalagan siya nina Virvin kanina bago sila sumakay rito. Mas mapapdali nga naman kung nakakalakad siya ng maayos kesa ang magkatumba-tumba siya dahil sa pagkakatali sa kanyang kamay at paa. âJ-Jessie,â Niyakap niya ito. Para itong lantang gulay ngayon. Halata na nanghihina ito dahil sa mga sugat na natamo. Kapag tumagal pa sila at hindi nakatakas ay baka maubusan na ito ng dugo. Agad na pinilig niya ang ulo ng sumagi sa isip niya ang pwedeng mangyari rito. Kung mag iisip siya ng ganoân ay lalo lang siyang paghihinaan ng loob. Naalala niya ang kuya niya. Kamusta kaya ito? Paano kung hindi ito masaklolohan at madala agad sa hospital? âY-Yuri, I-Iâm sorry. H-hindi ko pala kaya naging pabigat pa ako sa inyo ni Red. I-imbis na makatulong ay n-naging pasanin lang ako.â Nanghihina at lumuluha na usal ni Jessie. Kada bitaw nito ng salita ay napapang
[Yuri]Naalala niya ang malabong panaginip na madalas na dumalaw sa kanya noon. Hindi pala isang panaginip ang eksenang iyon⌠kundi totoo!âN-napakasama niyo, Virvin! Napakasama niyong magkapatid!â Hindi lang ang magulang niya ang pinatay ng mga ito. Maging ang kuya Dino niya, ang magulang at ang kapatid ni Red!Hindi lang ang pamilya niya ang biktima, maging ang pamilya ni Red.Lalo na si Red!Lahat ng sisi ay ibinuhos niya sa binata, pati ang kuya niya ay si Red din ang sinisi sa pagkamatay ng kakambal nito, pero wala pala itong kasalanan!âK-kuya!â Napahiyaw siya ng biglang barilin pa ito ni Virvin sa dibdib. âK-kuya! Walanghiya ka! N-napakasama mo talaga!â Sinugod niya ito, pero dahil nakatali ang paa at kamay niya ay wala siyang nagawa. Natumba pa siya kaya tumama ang mukha niya sa malamig na sahig. Sakto na bumagsak siya paharap sa kinaroroonan ng kapatid. Binalot ng pag aalala ang dibdib niya ng makita kung paano umagos ang masaganang dugo sa katawan ng kapatid niya. âK-k-kuy
[Yuri]âNasa iyo na ang kailangan mo, ngayon pakawalan mo na si Yuri! May usapan tayo, Virvin!â Akmang lalapit ang kuya niya sa kanya ng barilin ito ni Virvin sa binto. âArhhh!â NapaunÄĄol si Dolan sa sakit.âKuya!ââOopsss!â Tinutok nito sa kanya ang baril. âHuwag kang kikilos kung ayaw mong mabaril sa ulo, Yuri.â Nakangising wika ni Virvin. âMagpasalamat ka dahil kailangan kita para makalabas sa lugar na âto. Kaya hindi ko muna kayo papatayin. Ngayon, sumama ka sa akin, sundin mo ang bilin ko kung ayaw mong tuluyan ko itong kapatid mo!â âK-kuyaâŚâ Nag aalala siya. Gusto niya itong lapitan pero natatakot siya na baka masaktan ito lalo.âW-wala ka talagang kwentang kausap, Virvin! Parehong-pareho kayo ng kapatid mong si Basilyo! Napakasama at mapansamantala kayong tao!â Puno ng poot na tumingin rito si Dolan. âKayo ang pumatay ang magulang namin! Hindi ko kayo mapapatawad!â Tinawanan lang ni Virvin ang sinabi nito. May mapang uyam na ngumisi pa ito na tumingin sa kapatid niya. âSa ting
[Yuri]Hindi siya makahinga sa diin ng pagkakasakal ni Virvin ng braso nito sa kanyang leeg. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito sa likuran niya.âTangina! Masyadong pakialamero ang boyfriend mo! Papatayin ko siya kapag nakatakas ako rito! Papatayin ko siya!â Galit na galit na banta nito.Nang masiguro ng lalaki na walang nakasunod sa kanila ay patulak siya nitony binitawan papasok sa isang silid. Napaluha siya sa sakit ng alisin nito ang nakabusal na tape sa bibig niya.âSubukan mong simigaw pasasabugin ko ang ulo mo!â Nanlalaki ang banta nito sa kanya. âGanito, Yuri. Kung gusto mo na pareho tayong mabuhay ay sundin mo ang gusto ko. Gusto kong sabihin mo kay Red na huwag magpapaputok.. sabihin mo na mahal mo ako at ayaw mo akong masaktan, sabihin mo na kapag sinaktan niya ako ay magagalit ka kamo! Naiintindihan mo ba ako?!â Nakangising wika pa nito. Akala yata ay susunod siya sa sinabi nito.Nawala ang ngisi sa labi ni Virvin ng tingnan niya ito ng masama. Naging bulag siya s
[Yuri]Nahintatakutan si Nikka na nagsalita. âB-babe, sa likuran na lang tayo dumaan. Sigurado na hindi pa sila nakakarating doon. Mas ligtas kung doân tayo dadaanââ Natigil ito sa pagsasalita ng makarinig sila ng malakas na sigaw.âWalang hiya ka!!! Papatayin kita!!!â Umalingawngaw ang malakas na boses ni Jessie sa paligid. Narito si Jessie! Hindi niya mapigilan ang maluha. Narito rin ba si Jessie para iligtas siya? Mas lalo tuloy bumigat ang dibdib niya sa naisip. Sa kabila ng ginawa niya ay nagawa pa rin nitong sumuong sa panganib. Sa kabila ng pagdududa niya at pananakit sa damdamin nito ay dumating pa rin ito.âAhhh! Bitiwan mo akong babae ka!â Tili ni Nikka ng mahila ni Jessie ang buhok nito. âB-babe, tulungan mo ako!!!â Hingi nito ng tulong kay Virvin. Subalit hindi ito pinakinggan ng binata, umatras ito ng dahan-dahan nang hindi inaalis ang baril na nakatutok sa sintido niya. Takot na takot ito na malingat at mamatay sa isang kisapmata lang.âV-Virvin, wag mo akong iwan, ahhh