[Yuri]
"Wew!" Sumipol si Wilson nang makita siya. "You looked so beautiful!" Puno nang paghangang dugtong nito.Inikutan niya ito nang mata. "Alam ko, pero hindi mo 'ko madadala sa paganyan mo, noh!" Kilala itong tirador ng mga babae sa university nila. Hindi pa nga hiwalay sa iba aba may bago agad.Babaerong hindi naman kagwapuhan.Natawa ito sa sinabi niya. "Kaya wala kang boyfriend. Ang suplada mo kasi." Pangbubuska ng lalaki."Mas mabuti na ang walang boyfriend, kaysa naman magkakanobyo nga ako, kamukha at kaugali mo naman. NO THANKS!" Aniya saka ito tinalikuran. Narinig pa niya ang malakas nitong tawa kaya pikon na pikon siya.Nasaan na ba kasi ang mga kaibigan niya? Nawala na naman? Ganito nalang palagi kapag nasa party sila.Mahina siyang napadaíng nang tumama ang mukha niya sa dibdib ng isang lalaki. "Anak ng! Ang laki-laki mo tapos nakaharang ka sa daan—" Natigil siya sa pagdakdak nang pag angat niya nang mukha ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Red— Ang lalaki sa bar!"A-Ay, hehe. Sorry." Aniya at saka nagmamadaling umalis sa harapan nito.Grabe naman kung tumingin 'yon. Parang gusto siyang sakalin. Kaya hindi nakakapagtaka na magkaibigan ito at saka ang asawa ni Pamela.Parehong nakakatakot ang dalawa.Kwentuhan dito. Kwentuhan do'n. Nakangiti siya pero ang totoo ay ilang na ilang siya— Sinong hindi maiilang, damang-dama niya ang mainit na tingin ni Red sa kanya."Sandali lang, ha." Paalam niya sa kausap niya.Bumuga muna siya nang hangin at saka lakas-loob na nilapitan si Red."Mister," Yawa, bakit sobrang lakas ng tibok ng dibdib niya— Bakit nakakadama siya ng takot? "Pwede ba na wag ka naman tingin nang tingin sa 'kin. Naiilang na ako sa ginagawa mo, eh."Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang sabihin dito ang gustong sabihin.Lihim siyang napalunok habang nakatingala at nakatitig sa kulay Hazel brown eyes nitong mata. Heto na naman ang kilabot na hatid ng tingin nito."So, my stare made you uncomfortable." Gumuhit ang ngisi sa labi nito. "Why?""Ako pa talaga ang tinanong mo ng 'why?" Aba, loko-loko din pala ang isang 'to, eh! Namewang siya sa harapan nito. "Sabihin mo nga sa 'kin. Type mo ba ako?" Lakas-loob niyang tanong.Iyon lang naman kasi ang isang valid reason na naiisip niya kung bakit panay ang tingin nito sa kanya. Alangan tanungin niya kung may galit ito sa kanya. It doesn't make sense. Wala siyang kasalanan na nagawa rito. Malamang may gusto ito sa kanya.Bumaba ang tingin niya sa dibdib nito— Wow, halatang matigas. Hindi pa man niya nakikita ang tiyan nito ay alam niyang may pandesal ito. Moreno at lalaking-lalaki ang tindig. Sa laki nang katawan nito ay parang kahit sino ay kaya nitong ibalibag.Napanganga siya nang magawi ang mata niya sa pagitan nang hita nito— Anak ng! Bukol na bukol ang junjun! Mala-sawa sa laki—"Eyes up, Yuri. Baka magalit 'yan at tuklawin ka.""Di ako takot sa ahas, no—" Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto ang sinabi nito. "Binabastos mo ba ako?" Naniningkit ang matang tanong niya rito.'Teka, hindi ba't gano'n din ang ginawa mo nang titigan mo ang junjun niya?' Kastigo nang utak niya."If that's what you think. Hmm, maybe yes." Lumagok ito ng alak at mataman na tumingin sa kanya. "Never let your guard down, Yuri... One of these days, surely you'll get bitten." Makahulugan nitong wika.Inis na inis siya habang nakasunod ang tingin rito."Bitten mo mukha mo." Humawak siya sa mukha na nag-iinit na pala. Nakakahiya! Bakit ba kasi dumako ang tingin niya sa hindi dapat.Oo nga pala— Hindi nito sinagot ang tanong niya. Sabagay, may gusto man ito sa kanya o wala ay wala na siyang pakialam.May Virvin na siya na mamahalin habangbuhay.****"OH EM GIII!!! Si Mr. Gabrielle!""Siya nga, biii!!!""What is he doing here?!! Ehhh!!"Nagtakip siya ng tenga. Parang mababasag ang eardrum niya sa tinis ng mga tili ng kababaihan. Nagkalat ang mga 'to sa hallway na para bang nakakita ng artista.Humikab siya. Hanggang ngayon ay inaantok pa rin siya. Hindi kasi siya nakatulog kagabi kakaisip kung itutuloy ba niya ang pagbili ng gayuma sa quiapo, o hindi. Iyon nalang kasi ang naisip niyang paraan para mapansin siya ni Virvin.Napatigil siya sa paghakbang at napatingin sa kulay itim na leather shoes na nasa kanyang harapan. Nang mag angat siya nang tingin ay sumalubong sa kanya ang matiim na tingin ni Red.Humawak siya sa dibdib— Dug. Dug. Dug. Ang lakas ng kabog niya dahil sa kaba."Hi, Yuri." Bati ng binata sa baritonong boses. Sumigid ang lamig nang boses nito maging sa kaibuturan ng kanyang buto— OA man pakinggan pero 'yon ang totoo.Ang kaninang maingay na kababaihan ay natahimik lahat— Puno nang pagtatanong ang mga mukha nito ngayon.Yawa— Issue na naman 'to!"Are you free later?" Nakangiting tanong nito— Pero hindi umabot sa mata iyon. "I want to invite you for lunch. Sasama ka ba?"Wala— Pero hindi niya 'yon sasabihin."Pasensya na pero hindi ako pwede mamaya." Pagsisinungaling niya. "Ay, oo nga pala may gagawin pa ako!" Nagmamadaling tinalikuran niya ito. Halos takbuhin niya ang daan makalayo lamang dito.Ano ang ginagawa nang lalaking 'yon dito? Gusto na tuloy niya isipin na sinusundan talaga siya nito.Wait— Hindi kaya may gusto talaga ito sa kanya?Katulad nang inaasahan niya ay mabilis na kumalat ang balita. Nitong nakaraan lang ay si Pamela ang usap-usapan, ngayon ay siya na naman ang diba sa mga kwento ng mga mabahong bibig ng mga studyante rito."She's poor, right? Then how come that orphan girl knew the hottest doctor on earth?" Tanong ni Georgia sa maarteng tinig."Who knows. Magtataka pa ba tayo, eh magkaibigan sila ni Pamela. Parehong makati." Nakatawang ani naman ni Suzeth na may halong pang iinsulto.Napahinto siya sa paghakbang at lumingon kay Georgia na ngayon ay kasama ang mga alipores nito. Hindi talaga nawawala ang ganitong klase ng grupo pagdating sa university— Feeling mga entitled."Anong sabi mo?" Ayaw niya nang gulo, o pumatol sa mga ito. Pero may limitasyon din naman ang pasensya niya.Ngumunguya nang bubble gum na lumapit sa kanya si Georgia— Bitch na bitch ang dating nang gaġa kasama ang mukhang mga sugpong kampon."Spell out pa namin sa'yo ang narinig mo? Narinig mo naman, di'ba?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "You and your friends are slut. Is that your way para makaahon sa kahirapan? Ang mang-landi ng mga mayayaman— Ouch!!!"Napasinghap ang lahat ng sapakin niya si Georgia sa mukha."Opps. Sorry, ha. Idinemo ko lang naman sa'yo kung gaano ako kalakas manapak." Nakangisi niyang turan na ikinalunok ng mga alipores ni Georgia. "Sa susunod na marinig kong iinsultuhin niyo kami ng kaibigan ko... Tatama ulit ang kamao ko sa mukha mo, sa mukha ninyong lahat.""I-I will report you to the—""Go on, bitċh." Pinagkrus niya ang braso sa dibdib nginisihan ito. "I will tell this to Pamela para siya na ang bahalang magsumbong nito sa asawa niya. Ano kaya ang mangyayari sa inyo kapag nalaman ni Mr. Martin na pinagsasalitan niyo ng masama ang asawa niya... Hmm, gusto niyo hulaan ko pa?"Namutla ang mga 'to. Mahina siyang natawa nang kanya-kanyang pulasan ang mga alipores ni Georgia at iwan ito ng mga kasama."Ano, ha? Gusto mo paduguin ko ulit nguso mo?" Mayabang na hamon niya."M-May araw ka rin, Yuri!" Anito bago nagkukumahog na sumunod sa mga kasama.Akala yata ng mga 'to ay takot siya dahil hindi siya pumapatol sa mga ito. Ayaw lang naman niya nang gulo kaya nanahimik siya sa mga panlalait ng mga 'to sa kanya.Napangiti siya. Sa wakas, nasapak din niya ang mukha nang bruhang 'yon. Matagal na siyang nagtitimpi rito sa totoo lang. Mabuti nalang at kinatatakutan ang asawa ni Pamela dito sa unibersidad nila.Nawala ang ngiti niya sa labi nang maalala ang dahilan ng tsisimis tungkol sa kanya.Kasalanan 'to ni Red, eh. Ano ba kasi ang trip nang isang 'yon at lapit ito nang lapit sa kanya?[Yuri]Para siyang baliw na tumatawa habang nakatingin sa bote ng gayuma na binili niya. Desperada na siya— Gagamitan niya ng ganito si Virvin. Gusto niya bago siya maka-graduate ngayon taon ay magnobyo na sila. Tapos kasal na ang sunod!"Tingnan ko nalang kung hindi mo ako mapansin." Natigil siya sa paghalakhak ng makarinig ng katok. Tumingin siya sa relong nasa bisig— Alas onse na nang gabi. Siguradong si Aling Maryang ito. Baka mangungutang.Sumilip muna siya sa maliit na butas ng pinto niya bago magbukas. Maganda na ang sigurado. Marami pa naman masasamang loob sa panahon ngayon.Nanlaki ang mata niya nang makitang hindi ito si Aling Maryang, kundi si Red!Yawa! Paano nito nalaman ang bahay niya? Saka bakit nandito ito? May kailangan ba 'to?Sumandal siya sa pinto at hindi nagsalita. Tiis lang, siguradong aalis din naman ito— Napangiwi siya. Hindi lang ang katawan niya ang naalog sa lalong paglakas ng katok nito, maging ang utak niya.Galit na binuksan niya ang pinto. "Ano ba?! G
[Yuri]"Yuri, pwede ba umupo ka nga. Kanina pa ako nahihilo sa kakalad mo, eh!" Reklamo ni Nikka."Ano ba kasi ang problema mo at kanina ka pa hindi mapakali?" Tanong naman ni Pamela.Mahinang natawa si Vera. "It's obvious, guys. It's about Virvin."Nang mangalay ay umupo na siya. Narito sila ngayon sa isang coffe shop— At syempre, libre silang lahat ni Vera."Ganito kasi 'yon, guys." Nilabas niya ang boteng nasa bag. "Bumili ako nito sa Quiapo. Ang sabi sa akin nang 'matandang nagbebenta nito 'epektib daw 'to." Kinuha ni Nikka ang boteng hawak niya. Nanlaki ang mata nito nang mabasa ang nakalagay rito."Gayuma?!" Hindi makapaniwalang pakli pa ni Nikka."What?" Maging si Vera at Pamela ay nakiusyoso na. "The heck, Yuri. Naniniwala ka sa ganitong bagay?" Anito sabay tawa nang mahina.Hanggang sa sabay-sabay na nagsitawa ang tatlo na para bang nababaliw na siya."Akin na nga 'yan!" Inagaw niya ang bote pabalik."Seriously, Yuri... Don't tell me may balak ka talagang gamitin 'yan kay Virv
[Yuri]Nangingitim ang ilalim ng mata niya habang nakatingin sa bote nang gayumang hawak niya. Hindi na niya nakita pa si Virvin simula ng subukan niyang magtapat. Mukhang iniwasan na siya nito.Ang saklap naman ng nangyari sa kanya— Kung kailan handa na siya saka pa siya nito iniwasan."Yuri, cheer up, okay. May susunod na araw pa naman." Pagpapalakas ni Pamela ng loob niya.Umiling-iling si Nikka at naaawang tumingin sa kanya. "Iniwasan siya ni Virvin, Pamela. It's mean, he knew about Yuri's feeling and he doesn't want to hear anything about it.""Nikka is right." Segunda ni Vera. "Hindi ka iiwasan ni Virvin kung gusto ka niya."Mas lalo siyang nanlumo sa narinig.Ngumisi si Vera at nginuso ang hawak niyang bote. "Gamitin mo na ang alas mo. Ang plan B!" Sinamaan niya ito ng tingin. "No'ng nakaraan lang tinawanan niyo pa ako, tapos ngayon susulsulan niyo ako na gamitin 'to." Magulo din talaga paminsan-minsan ang utak nito, e."May choice ka pa bang iba?" Nang umiling siya ay parang t
[Yuri]Inabot din nang tatlong araw si Virvin sa hospital. Grabe ang pag aalala niya. Mabuti nalang at naisugod agad ito sa hospital. Pina-test niya ang gayumang inilagay nila sa pagkain ni Virvin pero hindi naman ito nakalalason ayon sa doktor. Mabuti nalang at ligtas na ito, iyon ang importante."Salamat sa pagbisita, Yuri. I really appreciate it." Natigil siya sa pagbalat ng mansanas at hindi makapaniwalang tumingin sa binata. K-Kinakausap siya nito?"Humihingi ako ng pasensya sa kagaspangan ng ugali ko sayo minsan." Ani pa nito.Anong minsan— Madalas kaya.Natigilan siya— Tama ba ang narinig niya? Humihingi ito ng pasensya? Mahina itong natawa nang mapansin ang reaskyon niya."Nahihiya lang naman kasi akong kausapin ka.... M-Masyado ka kasing maganda.""O-Ouch!" D***g niya nang masugatan ang kamay niya."Yuri," Hinawakan nito ang kamay niya at saka hinipan ang maliit na sugat niya sa kamay. "Mag ingat ka kasi."Tila nakakita siya nang sungay habang nakatingin kay Virvin. Nakangang
[Yuri]“Congrats sa kaibigan namin na malapit nang magkajowa!!!” Malakas at sabay-sabay na congratulate sa kanya nang tatlo niyang kaibigan habang taas ang kanya-kanyang hawak na ice coffee.Ngiting-ngiti na sumimsim siya ng hawak na coffe. Sa laki nang ngiti niya daig pa niya ang nanalo sa lotto. May isang linggo na rin kasi silang nagdi-date ni Virvin. Araw-araw siya nitong hinahatid-sundo sa university kaya araw-araw ay parang lutang din siya sa sobrang tuwa. Dahil din dito natigil na ang tsismis tungkol sa kanya at kay Red.Mabuti nalang din at hindi na siya ginugulo ng lalaking ‘yon. Naging payapa at tahimik na rin ang gabi niya. Hindi na rin siya binabangungot dahil sa nakakatakot nitong awra. “I’m happy for you, Yuri. Sana all nila-love back ng taong mahal nila.” May halong pag-e-emote ni Nikka.Nginuso ni Vera si Pamela na ngayon ay hindi na mapakali habang hawak ang cellphone. Mukhang binabasa nito ang messager ng asawa. Hindi nagtagal ay tumayo na ito. “Guys, I have to go. C
[Yuri]Hindi siya makatulog kakaisip sa tsekeng binigay ni Red kay Virvin. Ano ang gusto nitong palabasin? Na mukhang pera ang lalaking gusto niya?Bago nito pinausad ang sasakyan nito ay binigyan pa siya nito nang nang-iinsultong tingin.“Arrrggghhh! Ang yabang, adik naman!” Aniya habang nagpapagulong-gulong sa higaan niya.Paano kaya niya makukumbinse si Virvin na ibalik ang pera ni Red? Paano kung maging si Virvin ay guluhin na nito? May kumatok sa pintuan niya.Dahan-dahan siyang tumayo at sumilip. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi ito si Red kundi si Aling Maryang.“May kailangan ka, Aling Maryang?” Kakabayad lang kasi niya sa upa kaya imposible naman na maniningil ito. “Ah, uutang ka ho? Sandali—“ Pinigilan siya nito nang akmang kukunin niya ang wallet niya.“Nagpadala ng package ang sponsor mo.” Ani ng matanda.Namilog ang mata niya. “Talaga po?” Dali-dali siyang sumunod dito. Gano’n nalang ang tuwa niya nang makita ang naglalakihang box na pinadala sa kanya.Buwan-buwan m
[Yuri]Agad siyang bumango nang magising at nilibot ng tingin ang paligid. Si Red!Sa pagkakatanda niya ay narito ang binata sa loob at ito ang huling nakita niya bago mawalan ng malay. Pero nang ilibot niya ang mata sa paligid at hindi naman niya ito nakita.Nakahinga siya nang maluwag. “Yawa, panaginip lang pala.” Tumayo siya pero agad din siyang napaupo ng kumirot ang ulo niya. Para itong pinupukpok sa sobrang sakit.Natigilan siya nang mapansin ang suot niyang damit. Hindi na ito ang suot niyang damit kagabi. Walanghiyang adík ‘yon! Malilintikan talaga ito kapag nagkita silang dalawa!Kahit masama pa ang pakiramdam ay naligo siya. Pagpunta niya sa kusina ay natigilan siya dahil may pagkain na nakatakip sa mesa. Mukhang pati kusina niya ay pinakialaman nito bago umalis.Kahit na ipagluto pa siya nito hindi maalis ang pagka-bwisit niya rito. Pumasok na nga ito sa bahay niya. Pinalitan pa nito ang suot niya ng walang permiso! Nang mapatingin siya sa salamin ay kitang-kita ang pagka
[Yuri]Hindi naman siya ang gurdian nang matanda pero siya ang narito ngayon sa hospital habang nagbabantay rito. Parating palang kasi ang kaanak nito.Tumingin siya sa matandang lalaki at dalawang matandang babae na humahangos na dumating. Nang makita nito ang matanda na binabantayan niya ay umiiyak na lumapit ang mga ‘to bakas ang labis na pag aalala sa mga mukha.“S-Salamat naman at l-ligtas ka, manoy.” Ani ng matandang lalaki habang hawak ang kamay ng matanda. Pagkatapos mag iyakan ay saka lamang siya napansin ng tatlo.“I-Ineng, salamat sa paglitas sa kapatid namin. Kung hindi dahil sa’yo ay baka nawala na ang kapatid namin.”“Naku, nagkakamali ho kayo. Si Re— I mean si Dr….” Ano nga ulit ang apelido ni Red? “Si Dr. Red ang nagligtas sa kanya at hindi ako. Iyon po siya, oh.” Aniya sabay nguso sa binata na papalapit sa pwesto nila.Panay ang pasasalamat ng tatlo kay Red. Napangiti siya— May nagawa din itong tama. “Kuya, ang tigas nang ulo mo, sinabihan na kitang pumirmi sa bahay.”
“You may kiss the bride!” Lahat ay pumalakpak matapos halikan ni Alaric ang asawa nitong si Pamela. Maliban kay Red na wala ang atensyon sa kinakasal, dahil ang mata nang binata ay nakatuon sa babaeng nakaagaw nang kanyang atensyon. Agad pansin ang morenang balat nang dalaga. Matangos ang maliit na ilong, bilugan ang mata na bumagay sa maliit nitong mukha. Walang pilat ang makinis nitong balat. Bawat galaw nang mapula at makipot nitong labi ay siya namang alon nang kanyang lalamunan. Is she good when it comes to kissing? Pinilig ni Red ang ulo. Bigla ang paggagalawan nang kanyang panga. Maisip pa lang nang binata na mayro’n nang nakauna sa kanya na maangkin ang labi nito ay tila nag iinit ang dugo niya. Sa reception. Napahawak ang binatang doktor sa labi nang makita kung paano kumibot ang mapulang labi nang dalaga habang kausap ang asawa nang groom. Namumula ang mata nang dalaga sa sobrang tuwa para kaibigan nito. “Masaya ako para sa’yo, Pamela.” Bati nang dalaga sa kaibigan.
[Yuri]Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang magising siya. Agad na nilibot niya nang tingin ang paligid. Mukhang nasa hospital siya.Tumingin siya sa mainit na bagay na pumisil sa kamay niya. Si Red, nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya. “R-Red…” Agad na nag unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa kanyang dibdib.Sana panaginip lang ang lahat— Pero alam niyang totoo ang lahat nang nangyari. Wala na ang kaibigan niya, wala na si Nikka.“A-ang sakit, Red!” Sa tuwing maaalala niya ang pagbaril nito sa ulo ay nahihirapan siyang huminga sa sakit. Parang dinudurog ang dibdib niya.Akala niya handa na siyang mawala ito, o kalimutan ito bilang kaibigan niya, pero hindi pa rin pala. Sa kabila nang ginawa nito ay mayro’n pa rin itong puwang sa puso niya. Mahirap burahin ang pagkakaibigan nila dahil sa tagal nang pinagsamahan nilang dalawa.Hinayaan siya ni Red na umiyak sa bisig nito. Alam nito kung gaano siya nasasaktan ngay
[Yuri]Dumating si Red!Walang pagsidlan ang kaligayan sa puso niya dahil dumating ito para iligtas siya. Kahit delikado, dumating pa rin ito.Lumamlam ang mata ni Red nang magkasalubong sila ng tingin. Pero ang lamlam sa mga mata nito ay agaran na nawala nang makita ng binata ang dugo na umaagos sa leeg niya.Marahas na napalunok sina Virvin at Nikka nang makita kung paano dumilim ng sobra ang ekspresyon ni Red. Maging siya ay napalunok. Sumigid sa kanilang kalamnam ang nakakatakot na awra nito. Nakakatakot!Wala pa itong ginagawa subalit dama na nila ang bagsik nito.Ang tapang sa mukha ng dalawa kanina lang ay nawala. Ang kamay ni Virvin ay mas lalong nanginig dahilan para mas lalong dumiin ang patalim nito sa kanyang leeg.Dumating si Miguel, malaki ang ngisi nito. Samantalang si Tres at Jack ay hindi maipinta ang mukha. Nakasuot ng masikip na bestida ang dalawa, sa sobrang sikip ay punit na ang harapang bahagi ng bestida, nakasuot din ang dalawa ng wig na pula.Napapitlag sina Vi
[Yuri]“Mamaya kayo sa amin, beybi gerls!” Pinigilan niya ang masuka ng mag-flying kiss pa ang dalawang lalaki sa kanina ni Jessie bago umalis.Kumuyom ang kamay niya ng marinig ang matinis na halakhak ni Nikka, animo’y tuwang-tuwa itong makita na tila asong ulvl ang mga kasama nito at nakahanda silang lantakan mamaya pagbalik ng dalawa.Nang pumuwesto sina Virvin at Nikka sa upuang nakaharap sa gawi nila ni Jessie ay pumikit siya agad at nagkuwanri na tulog. “Ohh, V-Virvin, ohhh lick me more!” Malakas na unġol ni Nikka.Mga walanghiya! Nagawa pang mag-sex kahit na narito sila ni Jessie. Hindi niya akalain na ganito ka-cheap si Nikka.‘Mamatay sana kayo sa sarap!’ “Babe, ano ang ginagawa mo?” Natigil si Nikka sa paghithit ng sigarilyo at kunot ang noo na bumaling kay Virvin. Katatapos lang magtalik ng dalawa. Ngumisi si Virvin matapos ilagay sa bag na dala nito ang laman na pera at alahas ng mga bag nila Tonyo at Manuel, ang parte ng dalawa.“Aalis na tayo habang wala sila! Hindi n
[Yuri] Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Jessie. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may malay na ito. Mabuti na lang din at kinalagan siya nina Virvin kanina bago sila sumakay rito. Mas mapapdali nga naman kung nakakalakad siya ng maayos kesa ang magkatumba-tumba siya dahil sa pagkakatali sa kanyang kamay at paa. “J-Jessie,” Niyakap niya ito. Para itong lantang gulay ngayon. Halata na nanghihina ito dahil sa mga sugat na natamo. Kapag tumagal pa sila at hindi nakatakas ay baka maubusan na ito ng dugo. Agad na pinilig niya ang ulo ng sumagi sa isip niya ang pwedeng mangyari rito. Kung mag iisip siya ng gano’n ay lalo lang siyang paghihinaan ng loob. Naalala niya ang kuya niya. Kamusta kaya ito? Paano kung hindi ito masaklolohan at madala agad sa hospital? “Y-Yuri, I-I’m sorry. H-hindi ko pala kaya naging pabigat pa ako sa inyo ni Red. I-imbis na makatulong ay n-naging pasanin lang ako.” Nanghihina at lumuluha na usal ni Jessie. Kada bitaw nito ng salita ay napapang
[Yuri]Naalala niya ang malabong panaginip na madalas na dumalaw sa kanya noon. Hindi pala isang panaginip ang eksenang iyon… kundi totoo!“N-napakasama niyo, Virvin! Napakasama niyong magkapatid!” Hindi lang ang magulang niya ang pinatay ng mga ito. Maging ang kuya Dino niya, ang magulang at ang kapatid ni Red!Hindi lang ang pamilya niya ang biktima, maging ang pamilya ni Red.Lalo na si Red!Lahat ng sisi ay ibinuhos niya sa binata, pati ang kuya niya ay si Red din ang sinisi sa pagkamatay ng kakambal nito, pero wala pala itong kasalanan!“K-kuya!” Napahiyaw siya ng biglang barilin pa ito ni Virvin sa dibdib. “K-kuya! Walanghiya ka! N-napakasama mo talaga!” Sinugod niya ito, pero dahil nakatali ang paa at kamay niya ay wala siyang nagawa. Natumba pa siya kaya tumama ang mukha niya sa malamig na sahig. Sakto na bumagsak siya paharap sa kinaroroonan ng kapatid. Binalot ng pag aalala ang dibdib niya ng makita kung paano umagos ang masaganang dugo sa katawan ng kapatid niya. “K-k-kuy
[Yuri]“Nasa iyo na ang kailangan mo, ngayon pakawalan mo na si Yuri! May usapan tayo, Virvin!” Akmang lalapit ang kuya niya sa kanya ng barilin ito ni Virvin sa binto. “Arhhh!” Napaunġol si Dolan sa sakit.“Kuya!”“Oopsss!” Tinutok nito sa kanya ang baril. “Huwag kang kikilos kung ayaw mong mabaril sa ulo, Yuri.” Nakangising wika ni Virvin. “Magpasalamat ka dahil kailangan kita para makalabas sa lugar na ‘to. Kaya hindi ko muna kayo papatayin. Ngayon, sumama ka sa akin, sundin mo ang bilin ko kung ayaw mong tuluyan ko itong kapatid mo!” “K-kuya…” Nag aalala siya. Gusto niya itong lapitan pero natatakot siya na baka masaktan ito lalo.“W-wala ka talagang kwentang kausap, Virvin! Parehong-pareho kayo ng kapatid mong si Basilyo! Napakasama at mapansamantala kayong tao!” Puno ng poot na tumingin rito si Dolan. “Kayo ang pumatay ang magulang namin! Hindi ko kayo mapapatawad!” Tinawanan lang ni Virvin ang sinabi nito. May mapang uyam na ngumisi pa ito na tumingin sa kapatid niya. “Sa ting
[Yuri]Hindi siya makahinga sa diin ng pagkakasakal ni Virvin ng braso nito sa kanyang leeg. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito sa likuran niya.“Tangina! Masyadong pakialamero ang boyfriend mo! Papatayin ko siya kapag nakatakas ako rito! Papatayin ko siya!” Galit na galit na banta nito.Nang masiguro ng lalaki na walang nakasunod sa kanila ay patulak siya nitony binitawan papasok sa isang silid. Napaluha siya sa sakit ng alisin nito ang nakabusal na tape sa bibig niya.“Subukan mong simigaw pasasabugin ko ang ulo mo!” Nanlalaki ang banta nito sa kanya. “Ganito, Yuri. Kung gusto mo na pareho tayong mabuhay ay sundin mo ang gusto ko. Gusto kong sabihin mo kay Red na huwag magpapaputok.. sabihin mo na mahal mo ako at ayaw mo akong masaktan, sabihin mo na kapag sinaktan niya ako ay magagalit ka kamo! Naiintindihan mo ba ako?!” Nakangising wika pa nito. Akala yata ay susunod siya sa sinabi nito.Nawala ang ngisi sa labi ni Virvin ng tingnan niya ito ng masama. Naging bulag siya s
[Yuri]Nahintatakutan si Nikka na nagsalita. “B-babe, sa likuran na lang tayo dumaan. Sigurado na hindi pa sila nakakarating doon. Mas ligtas kung do’n tayo dadaan—“ Natigil ito sa pagsasalita ng makarinig sila ng malakas na sigaw.“Walang hiya ka!!! Papatayin kita!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Jessie sa paligid. Narito si Jessie! Hindi niya mapigilan ang maluha. Narito rin ba si Jessie para iligtas siya? Mas lalo tuloy bumigat ang dibdib niya sa naisip. Sa kabila ng ginawa niya ay nagawa pa rin nitong sumuong sa panganib. Sa kabila ng pagdududa niya at pananakit sa damdamin nito ay dumating pa rin ito.“Ahhh! Bitiwan mo akong babae ka!” Tili ni Nikka ng mahila ni Jessie ang buhok nito. “B-babe, tulungan mo ako!!!” Hingi nito ng tulong kay Virvin. Subalit hindi ito pinakinggan ng binata, umatras ito ng dahan-dahan nang hindi inaalis ang baril na nakatutok sa sintido niya. Takot na takot ito na malingat at mamatay sa isang kisapmata lang.“V-Virvin, wag mo akong iwan, ahhh