Share

TBA-2

Author: Ambisyosa22
last update Last Updated: 2023-07-01 22:40:45

" Nasaan si Juno ko?" Humahangos na sabi ko sa kapatid ni Juno na si Migo. Gwapo ang lalaki na ito, simpatiko, maganda ang katawan, malakas ang karisma playful, at laging nakangiti pero ang higit sa lahat na katangian nila at napatunayan ko na bata pa lang ako ay ang pagiging Daks nila ng kuya niya. Paano ko nalaman? 

Well mala hokage ako noon pa. Patay na patay kasi ako kay Juno noon pa man sa murang edad ko alam ko na siya na ang ideal man ko. Oo Juno lang ang tawag ko sa kanya kahit pa nga paulit-ulit niyang sinasabi na kuya daw. Kuya Juno daw, kuya niya may ass. E sa ayoko ng kuya ang tawag sa kanya kasi nga gusto ko ng kuyakoy niya. Ang landi…. Pilya nga kasi ako pero hindi ko magawang maging pilya sa harap ni Juno. Daig ko pa ang matimtimang birhen sa harap niya. Gusto ko kasing maging perpekto para sa kanya sa mata niya. 

Masaya naman ang buhay pagkabata ko, kasama ang pamilya ko. Malapit na kaibigan ng Allejo ang aking ama at ina. may sinabi din sa negosyo at koneksyon sila kaya talagang makakahalubilo ko ang mga ito. Larawan ng masayang buhay ang meron ako pati pamilya ko bago nangyari ang sakuna na kumitil sa buhay ng mga mahal ko. Kasamang namatay ang mga kapatid ko. Maswerte ngang maituturing dahil nailigtas ako ng mag-ama na Allejo at dahil doon ata mas lumala ang pagkahumaling ko kay Juno. Naibuhos ko lahat ng paghanga na meron ako sa lalaki noon pa man. Ngunit matagal kong nilisan ang lugar na iyon dahil nga wala na akong makakasama sa buhay dahil wala na ang aking ina at ama. Matagal na panahon akong nawala dahil kinuha ako ng isang kaibigan daw ng parents ko. Oo kaibigan lang dahil walang gusto na umampon sa akin dahil ayaw madamay. Ninais ng matandang Allejo na ako'y ampunin ngunit tinutulan ito ng mariin ni Juno. 

Doon sa lugar ng kaibigan ng parents ko ay nag-aral ako ng mabuti. Hindi naputol ang komunikasyon namin ni Juno akhut malayo na sa isa't isa. Kahit pa ganun may mga sikreto akong di ko sinasabi sa huli. Nang makilala ko sina Romary nagbago ang lahat. Late ko na sila na nakilala pero ang nakakagulat kilala niya din Si Darius na naging kuya ko na rin dahil sa isang pagkakataon na nagtagpo kami. Nahahati tuloy ang damdamin ko. 

Maliit nga lang talaga ang mundo dahil konektado pala kaming lahat sa isa't isa. Imagine kung saan - saan kami nagmula pero mga konektado sa isa't isa. Connect the dot ang peg. At ngayon na nakabalik na akong muli pwede ko ng tuparin at ituloy ang nabitin kong paglandi kay Juno. Nagulat ako ng biglang may tumapik sa akin. Mukhang na patagal ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan hindi ko na naalala si Migo ng ilang sandali. 

" Ingay mo naman kim-kim, hipag no. 2,babaeng mahilig manilip noon habang naligo kami ni Juno malapit sa kwadra." Banat na asar ni Migo sa akin. He's always like this to me and I'm used to it. 

" Hoy! Migo anong hipag no. 2 ka dyan? Only one ako ni Juno no! Nasan na ba si Juno ko ha Migo?" Pilingera na kung Pilingera bakit ba e kumpyansa akong Makukuha ko si Juno. Base sa itsura ko at likas na alindog maraming naghahangad sa gandang taglay ko kaya alam kong may laban ako. 

" Ha! 'yung si Juno mo ba? Ayon na sira na ang ulo. Itinuloy ang planong pagganti. Hindi pa naman sure na yung babae na' 'yun ay lahi o bunga ng babaeng sumira daw diumano ng buhay namin. Masyadong dinala ni Juno sa puso niya ang galit. Akala ko makakalimot siya sa dami ba naman ng naging kulasisi ni papa. Hindi ko siya masisi nakita niya kasing masaktan at bawian ng buhay ang aming ina. " Tila nanghina si Migo habang sinasabi ang mga naganap noon. Kahit balik tanaw lang ay talaga masakit. Ako man hinahanap ko pa rin ang totoong rason ng pagkaulila ko. Alam kong hindi basta sakuna iyon kaya hindi rin ako titigil. Nauunawaan ko si Juno pero naaawa at  natatakot ako sa pwedeng mangyari. Takot na para bang may mawawala sa akin o masasaktan akong muli. Tinignan ko si Migo bago ako nagsalita. 

" Ano pa bang magagawa natin diba! Mukhang uunawain lang natin siya pero kailangan nating makialam once na sobra na at nagkakasala na siya ng malala. Sana lang alam talaga ni Juno ang ginagawa niya Migo. Ako ang unang masasaktan pagnapahamak siya dahil sa ginagawa niya. " Puno ng sinceridad na sabi ko kaya Migo tila naman nakakaloko na ngumiti ito. Waring may mga naglalarong kakaiba sa utak nito. 

" Mukha ngang tama ka, mauuna ka ngang masaktan pero kung talagang mahal mo, tiisin mo, ilaban mo pero huwag na huwag kang papadehado lalo na sa utol ko. Kahit kapatid ko iyon ay sayo ako papabor Kim-kim alam mo naman na princess ka namin noon pa diba. Huwag na nating pag-usapan ang pangit na iyon kumain muna tayo. Matutuwa ang hukluban pagnakita ka kaya tara sabayan natin ang matanda. " Sa mga sinabi ni Migo ay nahiwagaan ako talaga, alam kong may kakaiba at mali ramdam na ramdam ko. Malakas ang pakiramdam ko kapag may parating na sakit o problema. 

But I'm completely different from a cry baby. Hinding hindi ako papadehado kahit di pa sabihin iyon ni Migo. Ilalaban ko ang tama at akin kahit kapwa ko tatablahin ko. Hindi ako mabait hindi rin ako pala kibo o imik basta kung hindi ko kaibigan. Pero ang nakakatakot at inaayaw ko naman ay ang kumakawala ang demonyo na nabuo sa loob dahil hindi ito napipigilan lalot naiipit sa gipitang sitwasyon. Hindi rin siguro gugustuhin ng kahit sino na kalabanin ang gaya ko na may maamong mukha pero nagiging ibang tao once na binabangga. 

" Kim-kim tara na nag daydreaming ka na naman ba?" Muling untag ni Migo. Migo didn't change cool and playful pa rin siya. Sana lang talaga author maihanap mo ng makalagas b*lbol itong si Migo na babae.. Please lang ng mabawasan ang kahanginan at kaasbawan. 

" Oo na tara na ng makaharap ko na ulit si Papa. " Balik kong sabi sanay itong makipag asaran sa akin. Pero kapag narito si Juno sa sawayin niya agad si Migo kakaasar sa akin kaya siguro mahal na mahal ko ang loko na iyon. Iniisip ko nga baka selos lang 'yun. 

Sa kumidor ang tungo namin, tila nakakita ng dyosa ang Don ng makita ako. Maliit na bagay naman kasi talaga pero sadyang ang ganda ko ay nakakasilaw.

" Hija, anak nandito ka pala halika bigyan mo ng yakap ang matandang uugod ugod na." Bati sa akin ni Don. Uugod-ugod na daw e napakakisig pa nito at parang di tumatanda. Yumakap at humalik ako sa pisngi nito bago naghiwalay at na upo na sa upuan na hinila ni Migo.

" Papa yari ka kay Juno kung nandito iyon may pahalik-halik at yakap ka pa. E alam niyong seloso ang unggoy na iyon." Aliw na aliw nasabi ni Migo. Hindi ako tanga para di makuha ang sinasabi niya. Pero tingin ko iniiwas lang ako ni Juno kasi baka patusin pa ako ng papa nila. Haler e papa din ang pinapatawag sa akin nito. 

" Tumigil ka Migo. Pwede ba? Pang manugang ko itong si Kim. Kaya nga yumakap na ako wala ang delubyo dito." Sabi ng Don sabay tawa na sinabayan pa ni Migo kaya natawa na rin ako. Sabay sabay kaming kumain habang nagkukwentuhan. Napuno ng tawanan ang buong kumidor ng mga oras na iyon. 

Juancho.. 

Habang binabagtas ko ang daan pauwi na sa hacienda namin habang kasama ang babaeng magiging katapuran ng paghihiganti ko ay di ko maiwasan na sulyapan ang maamo nitong mukha. Ang mukha nito na maamo na animoy may dala-dalang lungkot mula pa noon . Ngunit wala na akong pakialam sa parti na iyon. May kung anong kakaibang damdamin akong napupukaw ng babae. Para bang malapit na ito kaagad sa puso ko. 

" Mali iyan Juno, Get back to your senses!" kastigo ko sa utak ko. 

Bago ko isagawa ang plano na ito humingi ako ng tulong at koneksyon kay Darius Demoso na naging matalik na kaibigan na namin. Hindi naman ito humindi at nadamot ng tulong kaya smooth na ko na naisagawa ang plano na pagdukot sa babae. 

Ang plano ko na ito tinutulan ni Migo ng mariin ngunit wala siyang magagawa dahil buo na ang loob ko na ituloy ang lahat.  Alam ko sa puso ko na dapat ko itong ituloy upang matapos na rin ang sakit na dala dala at inalagaan ko sa puso ko ng halos lagpas isang dekada na. Alam kong dito lalaya ang puso ko na nabalot ng pagkamuhi noon ng makita kong bawian ng buhay ang aming mahal na ina. 

Morena ang babaeng ito kagaya ng akin kulay ng balat. Ibang iba sa kulay ni Kim. Sa tuwing naalala ko si Kim may kakaibang saya ang dulot niya sa aking puso. Kakaiba siya sa lahat. She's bubbly na parang bata lalot kaasaran si Migo. Iyan ang ikinaiinis ko kay Migo. 

Kapag kasi kami ang magkasama parang gusto ni Kim na maging simple, mahinhin at perpekto. Naiinis ako sa kanya sa parte na iyon na para bang iba ako kay Migo. Bata pa lang kami ay alam kong malapit siya kay Migo lalo na dahil magaling sila mang asar sa bawat isa. Kim is one of a special girl, sa kanya lang ako hindi nakakaramdam ng puot na halos madama ko noon sa mga babaeng nakakasalamuha. Ayoko ng hitad, malandi, higad o kahit ano pang kakatahinan ng isang babae.

Nang balingan ko ang babaeng nasa backset at nakatali ang kamay ay nakita kong gumalaw na ito at umakmang bumangon. Naging marahan ang pagpapatakbo ko lalot malapit na kami sa mismong massion namin. Nasa pusod ng aming lupain ang aming tahanan iyon ang isa sa pinakamamahal ko sa lugar na ito ang mapaligiran ng kalikasan. 

" S-sino ka? B-bakit ako nakatali? A-asan ako? S-saan mo ako dadalhin? A-ang mama ko nasaan?" Sunod-sunod na tanong ng babae, na may kasamang takot  tama iyon matakot siya dahil sisimulan ko ng maningil. 

" Hindi ko obligasyon na sagutin ang tanong mo. Makisama ka para walang mangyaring masama sayo. Gaya ng sabi ko maniningil ako ng pautang kasama ang dekadang interest. And about your mom she's safe. Kasama na siya ng pamilya mo? Pamilya nga ba? Hindi ba't daig pa ang hayop mung itrato ka ng iyong ama. Noon pa naman pala naigaganti na ako kahit pa konti-konti, pero ngayon itotodo ko na. 

" A-anong pinagsasabi mo? Anong akala mo marami kang alam? Saka wala akong ginawa sayo kaya bakit mo ako gagantihan at sisingilin? Nagkakamali ka lang ata Mr. —? 

" Juancho missy, Juancho Juno Allejo at your devil service. " 

Namagitan ang mahabang katahimikan. Paulit-ulit unukilkil sa utak ni Xhynich ang pangalan ng lalaki. 

Juancho Juno Allejo.. Juancho Juno Allejo. 

Tila ba musika iyon sa kanya pandinig. Ngunit na tapos ang kanyang simpleng pagpapatansya ng magsalita itong muli.

" Magiging alipin kita sa lugar na ito babae. Ayoko ng nagkakamali. Dahil bawat pagkakamali mo ay may kaakibat na parusa kaya husayan mo at listuhan. Hindi ako mabait lalo't kinumuhian ko ang gaya mo." Muling sabi ni Juno kay Xhymich. She was used to that kind of words pero parang mas masakit kapag galing sa estranghero na ito. Sino ba siya? 

" Kinamumuhian ko ang gaya mo" Parang sirang plaka na uminog ang mga salitang iyon sa utak ni Xhymich. Hanggang dito pala kinamumuhian siya. 

" Baba!" Muling pumukaw sa kanya ang tinig ng simpatikong si Juancho.

" Ba-bakit?" Tanong ng babae na nababanaag ang takot sa boses. 

" Baba, o gusto mong manatili sa sasakyan habang buhay!" sabay talikod ni Juancho sa babae. Pero napapihit din ito kaya naman sumalpok ang mukha ng babae sa matipunong dibdib nito.

" Kakalagan kita but don't try to escape, maniwala ka makatakas kaman sa akin, sa mga ligaw na hayop pihadong tapos ang buhay mo. Follow me. " Matigas na sabi nito muli. 

" O-okay!"  Naibulong na lang ng dalaga sa sarili. Naisip niya na makikisama na lang siya. Iniisip na babait din ang lalaki once na nakita nito na mabuting tao at babae siya. Sa punto na ito ay pilit kinakastigo ng dalaga ang sarili dahil imbes na matakot at mamuhi para bang inaanyayahan ng kanyang puso na unawain at pakapahalagahan ang binata. 

"Mukhang ito ata ang unang pag-ibig ko…" Naibulong muli ng dalaga saka mabilis na sumunod sa lalaking hindi na siya muling nilingon.

Related chapters

  • TRAPPED BY ALLEJO    TBA_1

    “Anong asal ‘yun Xhymich?Bakit ganun ang ginawa mo? Pinahiya mo kami sa harapan ng pamilya ng mapapangasawa mo? Ikaw na bata ka, gamit-gamitin mo iyang kapirasong utak mo. Pilit mong Isaksak sa paruranggot na utak mo ang lahat ng magagandang pwedeng maibigay nila na tulong sa atin. Hindi mo ba alam na napakalaking oportunidad na ang lumalapit sa iyo. Ikaw lang naman ang napusuan ng kaisa-isang anak ng pamilyang Solera. At alam mo naman siguro na isa sila sa pinakatanyag ngayon sa negosyo hindi lang dito sa ating lugar kundi maging sa ibang lugar. Ito lang naman ang tulong na mai-bibigay mo sa pamilya natin XhyMich itatak mo yan sa kokote mo. Kaya kung ako sayo makisama ka lang para walang maging problema?! Nauunawaan mo ba? ” galit na galit at puno ng diin na sabi ng aking ama na si Pablo habang matalim na nakatingin sa akin. Paano ko ba pakikiharapan nga ang lalaking ‘yon at pamilya nito? Kung gano’n na sa unang pagkikita namin dito sa aming bahay ay pamamanhikan na pala ang sadya

    Last Updated : 2022-12-24

Latest chapter

  • TRAPPED BY ALLEJO    TBA-2

    " Nasaan si Juno ko?" Humahangos na sabi ko sa kapatid ni Juno na si Migo. Gwapo ang lalaki na ito, simpatiko, maganda ang katawan, malakas ang karisma playful, at laging nakangiti pero ang higit sa lahat na katangian nila at napatunayan ko na bata pa lang ako ay ang pagiging Daks nila ng kuya niya. Paano ko nalaman? Well mala hokage ako noon pa. Patay na patay kasi ako kay Juno noon pa man sa murang edad ko alam ko na siya na ang ideal man ko. Oo Juno lang ang tawag ko sa kanya kahit pa nga paulit-ulit niyang sinasabi na kuya daw. Kuya Juno daw, kuya niya may ass. E sa ayoko ng kuya ang tawag sa kanya kasi nga gusto ko ng kuyakoy niya. Ang landi…. Pilya nga kasi ako pero hindi ko magawang maging pilya sa harap ni Juno. Daig ko pa ang matimtimang birhen sa harap niya. Gusto ko kasing maging perpekto para sa kanya sa mata niya. Masaya naman ang buhay pagkabata ko, kasama ang pamilya ko. Malapit na kaibigan ng Allejo ang aking ama at ina. may sinabi din sa negosyo at koneksyon sila ka

  • TRAPPED BY ALLEJO    TBA_1

    “Anong asal ‘yun Xhymich?Bakit ganun ang ginawa mo? Pinahiya mo kami sa harapan ng pamilya ng mapapangasawa mo? Ikaw na bata ka, gamit-gamitin mo iyang kapirasong utak mo. Pilit mong Isaksak sa paruranggot na utak mo ang lahat ng magagandang pwedeng maibigay nila na tulong sa atin. Hindi mo ba alam na napakalaking oportunidad na ang lumalapit sa iyo. Ikaw lang naman ang napusuan ng kaisa-isang anak ng pamilyang Solera. At alam mo naman siguro na isa sila sa pinakatanyag ngayon sa negosyo hindi lang dito sa ating lugar kundi maging sa ibang lugar. Ito lang naman ang tulong na mai-bibigay mo sa pamilya natin XhyMich itatak mo yan sa kokote mo. Kaya kung ako sayo makisama ka lang para walang maging problema?! Nauunawaan mo ba? ” galit na galit at puno ng diin na sabi ng aking ama na si Pablo habang matalim na nakatingin sa akin. Paano ko ba pakikiharapan nga ang lalaking ‘yon at pamilya nito? Kung gano’n na sa unang pagkikita namin dito sa aming bahay ay pamamanhikan na pala ang sadya

DMCA.com Protection Status