“Anong asal ‘yun Xhymich?Bakit ganun ang ginawa mo? Pinahiya mo kami sa harapan ng pamilya ng mapapangasawa mo? Ikaw na bata ka, gamit-gamitin mo iyang kapirasong utak mo. Pilit mong I*****k sa paruranggot na utak mo ang lahat ng magagandang pwedeng maibigay nila na tulong sa atin. Hindi mo ba alam na napakalaking oportunidad na ang lumalapit sa iyo. Ikaw lang naman ang napusuan ng kaisa-isang anak ng pamilyang Solera. At alam mo naman siguro na isa sila sa pinakatanyag ngayon sa negosyo hindi lang dito sa ating lugar kundi maging sa ibang lugar. Ito lang naman ang tulong na mai-bibigay mo sa pamilya natin XhyMich itatak mo yan sa kokote mo. Kaya kung ako sayo makisama ka lang para walang maging problema?! Nauunawaan mo ba? ” galit na galit at puno ng diin na sabi ng aking ama na si Pablo habang matalim na nakatingin sa akin.
Paano ko ba pakikiharapan nga ang lalaking ‘yon at pamilya nito? Kung gano’n na sa unang pagkikita namin dito sa aming bahay ay pamamanhikan na pala ang sadya nila. Ganun na ba ang tamang pag-aasawa biglaan ngayon o bulagaan na lang talaga para walang kontra-kontra? I have my own life to live. Gusto ko na kahit babae ako ay ako ang magmaniobra ng buhay ko.
Hindi naman ako kagaya ng ibang mga kababaihan o kadalagahan na madaling nasisilaw sa estado ng pamumuhay ng lalaki o kung ano man yaman na kaya nilang ialay o mai-aambag sa pamilya namin o sa akin mismo. Pwede naman kaming umusad o bumangon muli sa paraan ng pagsisikap namin ng sama-sama.
Alam ng nag-iisa kong kaibigan na si Carmen na simple lang gusto ko sa aking buhay. Iyun bang matali ako sa lalaking mahal ko at mahal din ako ng tapayt. Kahit sino man at ano man ang kalagayan n’ya buhay ay ayos lang naman sa akin. Kasi para sa akin may sagot at paraan naman para umangat kami ng magkasama sa buhay at yun ay magsikap kasama ang taong mahal ka at mahal mo. Hindi man praktikal pero naniniwala ako sa mahika ng tunay at wagas na pag-ibig, maraming hiwaga at kayang gawin ang taong nagmamahal sangalan ng wagas na pag-ibig. Nabalik ako sa aking sarili ng mamulagatan ko ang aking ama na tila ba asar na asar habang naghihintay ng aking suhestyon. Alam kasi nito na hindi ako basta sumusunod.
“ Pero Papa! Hindi ko naman ho nobyo si Edgar para basta-basta sila pumanhik ng pamamanhikan dito sa atin kaagad. Alam n’yo naman na handa ako tumulong sa pamamalakad ng ating lupain hindi ba! Papa, Kaya ko naman talaga po papa, pero kayo ang may ayaw." balik kong sabi kay papa, na bakas na bakas ang galit dahil sa ginawa kong asal kanina sa mga bisita niya. Oo bisita niya dahil wala naman akong alam doon.
" At Papa, ibang usapan na po ang ikasal agad sa isang lalaki, lalo't hindi ko naman ito iniibig o tinatangi na lalaki. Papa, ni sa hinagap man lang ay hindi ko nakahulihan ng loob ni minsan si Edgar. Papa parang isang pagpapatiwakal ang tawag po doon pag-ginawa ko ang magpakasal sa kanya. Ang kaligayahan ko na po habang buhay ang nakasalalay po dito sana'y maunawaan niyo po ako. " Muling sabi ko habang nakamata silang lahat sa akin kaya nagpatuloy lang ako na ilabas bawat sintemyento ko.
" Buong buhay ko naman po Papa sumunod ako sayo sa lahat ng gusto niyo para lang maging mabuting anak. Dahil sa totoo lang gusto kong matuwa din kayo saakin gaya kina kuya. Kasi alam na alam ko naman na ako nag sinisisi niyo sa lahat na ako lang naman ang nagdala ng malas dito sa pamilya na ito, pero Pa ayoko po talagang magpakasal ng bigla. Please papa huwag po ganito! Bakit sina kuya hindi mo naman po pinakialaman sa mga gusto nila? Bakit ako lang papa?, Ah oo nga pala kasi malas kasi ako.!” Halos sunod sunod na pumatak na ang luha ko dahil pakiramdam ko wala akong kakampi sa bahay na ito. Mula pa naman noon wala naman talaga pala. Meron man pero hindi tuwirang lalantad dahil takor suwayin ang aming ama.
Si mama naman ay alam kong nauunawaan naman n’ya ako, pero sabi ko nga sa bahay na ito batas ang bawat salita ni papa sa amin. Wala kaming boses ni Mama dahil nga babae kami, tanging sina kuya ang laging pinapaboran ni papa dahil mga lalaki sila. Komo ng susuot ng pantalon maabilidad na at kaya ng pamahalaan ang lahat. Napaka makaluma ng paniniwala nga aming haliga ng tahanan.
Dahil nga ang mga anak daw kasi na lalaki ang mag aahon sa lahat ng pinaghirapan nila na unti-unting nalugmok na, ng dahil daw sa pagsilang ko sa maling pwesto o bilang ng anak. Kung tutuusin hindi ko kamalian ang mga iyon, wala naman akong ginusto na ganito ang kahinatnan ng lahat.
Ang mga kapatid kong lalaki naman ay nahahati sa mga opinyon ukol sa ganito na usapin. Apat sila ang dalawang sinundan ko lamang ang kakampi ko, yung umaaalo sa akin kapag talikod ni Papa, pero wala din naman silang magagawa. Samantalang sina kuya Uno at Dos ay kaugali ni Papa samantalang si kuya Tres at Quattro lang ang nakakaunawa sa akin at laging magiliw dahil ako daw ang prinsesa.
Hindi daw naging maganda ang epekto ng maipinanganak ako. May paniniwala si Papa o ang ilan na dapat sa anim na anak ay limang lalaki dapat at ika anim ang babae. Hindi ko gets ang paniniwala na iyun pero mula noon daw humina na ang kita ng lupain. Parang isa akong kamalasan o delubyo sa paningin ng aking ama. Salot nga daw. Bakit ba kasi sinilang ako sa maling pwesto o bakit ba dapat ganun kakitid ang utak nila?.
“ Ano?. Sumasagot ka na Xhy,!?!" Malakas na bulyaw ng aking ama.
" Baka lang hindi mo alam XhyMich, na ikaw lang naman ang dahilan ng paghina at pagbagsak ng kabuhayan natin." buong tatag at duro ni papa sa akin, gigil na gigil na ito base sa itsura.
" Minalas na kami mag mula ng dumating ka sa buhay namin. Alam mo ba yun? At Itong pagpapakasal mo lang kay Edgar Solera ang maitutulong mo at magiging ambag mo sa pamilyang ito upang maibalik sa tamang sirkualsyon ang negosyong nilupog ng pagsilang mo. Ito lang ang gampani mo dahil walang silbe ang anak na babae!?" Buong diin na pahayag ni Papa, napakasakit nito buong buhay ko wala akong naging magandang nagawa para sa kanila lalo na kay papa. Para akong buhay na patay naman, humihinga pero wala halaga.
" At sa tanong mo. Ang mga kuya mo hindi ko sila pinakikialaman pa kasi alam nila ang dereksyon ng buhay nila at tamang gawin. Pero ikaw walang pupuntahan ang ganyang estado mo, sisirain mo lang lalo ang lahat!?” Halos manginig ako sa takot at sakit dahil kita ko sa bawat pag bitaw ng salita ng aking Papa na puno ng galit at ang mga salita nito. Parang patalim na sumisira sa puso ko ng paulit-ulit na noon pa man ay sugatan na dahil din sa kanya. Ang aking ama ang unang kabiguan ng puso ko.
Mabilis naman lumapit ang aking Ina at inalo ang aking ama, pero na sigawan lang ito at natabig din ni Papa. Agad naman nagbago ang timpla ng mukha ng mga kuya ko nasa tingin ko ay kung nasaktan ang mama ng tuluyan ay aalma ang mga ito kay papa lalo na si kuya Tres dahil kung ako ang prinsesa si mama naman ang reyna.
Doon ako na patayo at ako na ang umalo kay papa upang matapos na ang gulo. Alam kong di naman ako mananalo.
“ Pa!, Please tama na po. ‘Wag naman po sanang ganyan, at wag nasa na madadamay pa si mama. S-sige po pa-payag na ako na paki harapan si Edgar, pero ‘wag naman po sanang madaliin ang kasal. Kilalanin ko po muna sana siya. Maging siya sa akin para bago ang lahat humantong kung saan o mauwe sa kasalan ay may alam na kami sa isa't isa.” Pagsamo ko sa aking ama na medyo nagbago na ang ekspresyon ng mukha dahil sa sinabi ko.
“ 'Yan ang pinaka matalino na magagawa mo. Oh sige, sasabihin ko si Edgar at pamilya nito. Magpaka-ayos ka XhyMich. Pasalamat ka at baliw na baliw sayo ang lalaki na ‘yun. Dahil kung hindi at umurong na sila sa usapan namin sinisiguro ko sayo na may kalalagyan ka sa akin Xhymich, kilala mo naman ako.” Mababa na ang tono na salita nito, pero puno ng pagbabanta sa akin. Sa bahay na ito kapag nagsasalita na si papa kahit sina kuya Uno at Dos bawal sumabat. Ganun kami pinalaki nito na walang maaring bali ng salita niya, mas mahigpit lang sa akin si Papa talaga.
Mabilis na nilisan ng aking ama ang aking kwarto. Sa unang pagkakataon nakita ko ang simpatcha sa mukha ng mga kuya ko lalo na ang panganay sa aming lahat . Parang isang gamit lang ako mula bata pa, parang desusi lang at tanging iminamando ni Papa ang dapat at hindi dapat kong gawin.
Kahit nga ang dapat na kaibiganin ay minamando pa ni Papa. Pero si Carmen lang ang hindi n’ya na palayo sa akin noon. Ilang beses ko bang ginutom ang aking sarili para lang hayaan nila kami ni Carmen na maging malapit sa isa't isa. May mga insedente pa nga na halos apat na araw na tubig lang talaga ang sumasayad sa aking sikmura para lang mapangatawanan ko na si Carmen ay manatiling kaibigan at kasa-kasama ko.
Pinag-aral naman ako ng dalawang taon lang na kurso, dahil pambahay lang ang mga babae ‘yan ang laman ng utak ni papa at paulit-ulit na binibigkas sa amin. Sa totoo lang naawa nga ako kay mama dahil nakikita ko ang sakit sa mga mata nito mula pa noon.
Kaming mga babae daw ay walang saysay sa mundo ng pagnenegosyo. Ang mga babae daw ay display lang sa tabi ng mga matagumpay na lalaki. Si kuya Uno ay isang doctor. Si kuya Dos ay mahusay na abugado. Si Kuya Tres naman ay Engineer at sikat ma sa field at si kuya Quattro ay Architect tandem sila ni kuya Tres. Samantalang ako Home economic para daw may silbe ako sa magiging asawa ko sa mga susunod na panahon. Mataas ang pride ni papa ayaw niya sa mga tulong ng kapatid ko kaya siguro umabot na sa ipakasal ako huwag lang tangapin ang bigay nina kuya kahit pa igiit ng mga ito na pinaka-investment nila.
Lahat silang mga kuya ko ay nagtapos na proud na proud si Papa. Ako noon, si kuya Quattro lang ang pumunta dahil nga ‘di pinayagan ni Papa si Mama na puntahan ako. Para saan pa daw ba iyon? Hindi naman daw achievements iyong nagawa ko. Sa ibang pamilya ‘di ba ka pag solo na anak na babae ay ginto ang turing, pero sa kanila na pamilya ko este kay papa lang pala ay parang hangin lang ako sa mahabang panahon na hindi dapat pag-aksayahan ng oras.
kinukuha ko lagi ang atensyon ni Papa uhaw na uhaw ako sa aruga ng ama, pero wala naman nangyari, pag may mga mali lang ako doon ako mapapansin at masisita ang masakit lahat sa akin isisisi at mauungkat ang nakaraan kabisa ko na nga lahat e.
Napagod na ako sa gano’n kaya ako na ang lumayo sa kanila,. Ar ngayon naman ay ipapakasal ako ni papa sa lalaki na kahit konti hindi ko nakita bilang maging kabiyak ng puso ko. Ang gusto ko lang ay maabot ang pangarap ko, iyon ay ang maging isang sikat na designer pero malabo na ‘yun. Mukhang dito na ako mawawalan ng hininga s lugar na ito habang baon ang sakit buhat pa ng isilang ako.
“ Oh ba’t nang hahaba ang nguso mo d’yan?, ” napalingon ako sa nagsabi noon. Walang iba kung hindi s Carmen na kaibigan ko. Malawak ang ngiti nito sa akin, bihira ko na lang din makasama ito dahil busy na sa buhay n’ya. Nakapagtapos ito ng kurso na gusto n’ya kaya ngayon ay ganap na itong nurse at alam ko rin ang lihim nito.
Ito lang naman ang lihim na kasintahan ng kapatid ko na si kuya Quattro. Lihim kasi si kuya Dos ko ay patay na patay sa babaeng ito na ubod bait at napakaganda naman talaga. hahangarin talaga ng kahit sino na kalalakihan ang isang Carmen.
“ Kailan ka pa dumating Carmen?” Masayang tanong ko sa kaibigan ko na maganda ang ngiti. Ngiti na mukhang laging may dilig.
“ Kanina lang. Sinundo ako ng kuya mo. Kagabi kasi ay sinabi n’ya ang nangyari sayo sa akin. Kaya nga heto at nagmamadali akong umuwi. Alam ko naman na kailangan mo ang kaibigan mo na ubod ng ganda, na tanging nakakaunawa sa maktol mo sa buhay, lalot ang tatay mong si Hitler ang issue.” Maloko na sabi nito alam ko na gusto lang ng kaibigan ko na pasayahin ako.
“ Alam mo Xhy. Hmmm, hindi naman sa inudyukan kita ah— pero mali na ang ginagawa ng papa mo sa iyo sa lahat ng aspeto. Aba ipapakasal ka sa lalaking hindi mo namanmahal asan ang hustisya don aber at saka lagi ka na lang niyang sinisisi sa mga nangyari na sa nakaraan. Baka kasi hindi lang siya talaga magaling mag-handle ng negosyo kaya naubos o nalugi kayo . Weird ng Papa mo sa part na’yan friendship talaga. Napakabuti mong anak sa totoo lang, pero you know friendship it’s about time to make your own life. Baka sa labas ng hawla na ito doon ang ay nagaabang ang isang magandang buhay para sa iyo. Sa totoo lang sinabi ko na ito sa kuya mo e, na hawla ang lugar na ito sa gaya mo na maraming pangarap. Kaibigan mo ko kaya, I’m willing to help you kahit si Tres, Quattro at Uno ganun din. Pero ‘wag ng isali si Dos kasi bitter parin kasi iyon sa amin ng kuya mo. E anong magagawa ko sa kamandag ni Quattro ako nahuhumaling e. Saka thankful ako ibang iba ang kuya mo sa tatay mong dragon.
” Sabi nito na nang hahaba ang nguso kaya natawa ako ng sobra. Talagang bata palang kami si Kuya Quattro talaga ang gusto niya kahit si kuta Dos ang bakod ng bakod.
“ ‘Wag kang tumawa diyan, gaga totoo to lahat ng mga sinasabi ko sayo. Magsabi ka lang ha! Xhy handa kaming tumulong para sayo, at sa ikakasaya ng buhay at puso mo. ” Seryoso na sabi nito na binigyan ko lang ng isang tango. Nagpaalam na rin muna ito at pagod pa sa trabaho maging sa naging byahe nila pauwe kaya sinangayunaan ko ‘din naman agad. Kahit papano sinuwerte naman ako sa kaibigan sa katauhan ni Carmen.
Mabilis lumipas ang mga araw. Nagkakausap at nagkakasama kami ni Edgar pero wala talaga akong espesyal na madama sa lalaki para bangang hanggang magkakilala lang ang kaya kong ibigay dito wala ng iba pa.
Unti-unti ng nalalapit ang araw ng aming kasal. Isang ingrande kasal daw ito ng taon ayon sa mga naririnig ko sa ibang tao at maging sa mga tauhan namin. Isang linggo na lang bago ang kasal ng nakausap ko ang mga kapatid ko, maliban kay kuya Dos. Binuo namin ang gagawing plano para sa pagtakas ko sa araw ng kasal.
Kung sa ngayon daw kasi namin gagawin ay, malabo ito na magtagumpay dahil nga bantay sarado ako ng tauhan ni Papa na sinabayan pa ng mga tauhan ng mga Solera. Mukhang alam ata ng mga ito na mabigyan lang ako ng pagkakataon at pupuga talaga ako sa lugar na ito.
Sa araw ng kasal ko ay si Mama lang ang kasama ko sa bridal car. At oo alam ng aking ina ang gagawin kong pag takas at nakahanda rin daw ang kaibigan ni kuya na siyang maglalayo sa akin sa lugar na ito. Ang lugar na puno ng mga lungkot, sakit at hinanakit. Ang lugar na sumugat sa buong pagkatao ko kasama ang mga taong walang iba na tingin sa akin kundi isang salot.
Ang driver ng bridal car ay papalitan ng tauhan ni kuya Tres. Kung paano nila gagawin ‘yun ay ‘di ko alam. Sana lang hindi magkaabirya ang plano hindi ko kayang matali kay Edgar. Dadalhin ako ng kaibigan ni kuya sa manila at doon muna ako mag tatago pansamantala. I‘yan ang malinaw na napag usapan namin ng mga kapatid ko at ni Carmen noong araw na nag-usap kami kampanti naman ako sa lahat ng plano pero ngayon medyo ginagapangan na ako ng kaba at takot.
Sana lang ay umayon ang plano namin sa araw na ito. Ayokong matali at manatiling sunud-sunuran sa aking ama. Ayuko ng makulong pa sa lugar na ito. Ito na ang araw ng pagbabago.
Malaya ka na sa mga susunod na mga araw Xhymich….. At sana doon ko na mabuo ang bagong ako…. Pilit kong inukilkil sa utak ko na ito na ang araw ng paglaya ko, habang umuusad na ang bridal car papunta sa simbahan.
Lumipas ang ilang minuto ng parang ibang lugar ata ang binabaybay namin. Nang balingan ko si Mama ay lungange na ito ako naman ay bahagyang nakakadama ng antok ng silipin ko ang driver ng bridal car. Halos malaglag ang panga ko dahil hindi ito ang kaibigan ni kuya Tres ngunit parang diyos ng Greyego ang nagmamaneho.
Isang mareno na lalaki, matangos at perpekto na nakahulma ang ilong nito at maging ang panga nito ay napaka prominente. Parang isang biyaya ang lalaking nagmamaneho ng aming sasakyan na lula. At bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nakita ko pa ang mala mapanganib na ngisi nito kasabay nang pagsabi nito ng katagang—
" Oras na ng paniningil, Ipapalasap ko sayo ang init ng impyerno na papaso sa buong pagkatao mo gaya ng ginawa ng ina mo sa aking ina! "