THIRD PERSON'S 7 months later... Nasa kwarto ngayon si Angel at chinicheck niya kung kompleto na ba ang mga gamit ng triplets. Ngunit napahawak siya bigla sa tiyan niya nang makaramdam siya ng biglang pananakit nito. Sandali niyang pinakiramdaman ang sarili pero napapangiwi na siya sa sunod-sunod na pagsakit nito. Nangangalay na rin madalas ang balakang niya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Carter, habang nakahawak ang isang kamay niya sa malaki niyang tiyan. "Yes, love?" bungad nito sa kabilang linya. "Hubby, uwe ka na. I think manganganak na ako," aniya sa asawa at napapangiwi na sa sakit. "Okay, love. Uuwe na ako ngayon din, okay? Si mommy ba nandiyan? Tatawagan ko siya live para puntahan ka diyan sa room natin. And mag relax ka love at huwag ka magpapanic, uuwe na ako," natatarantang wika ni Carter. Kahit napapangiwi sa sakit ng tiyan ay hindi maiwasan ni Angel ang mapangiti. Kakasabi ng asawa niya na huwag magpapanic pero sa tinig nito, ito yata ang nagp
THIRD PERSON "Handa ka na ba para sa big day natin bukas, love?" ani Carter kay Angel. "Yes love, of course, handang-handa na ako, ikaw ba?" balik tanong niya sa asawa habang nakayakap rito mula sa likod. Bukas na kasi ang gaganaping kasal nila sa simbahan. Tiningnan siya ni Carter mula sa salamin at nginitian. "Handang-handa na wifey," anito. Nasa harapan sila ng salamin at nag aayos si Carter dahil aalis ito ngayon papuntang airport para sunduin ang kakambal nitong si Casey. Kagabi niya lang nalaman sa asawa niya ang totoo tungkol kay Casey. At naiintindihan naman niya ang naging desisyon nito. Mabuti na lang at nakumbinsi ng asawa niya si Casey na umuwe para makadalo sa kasal nila ni Carter. Hinatid naman ni Angel ang asawa hanggang sa helipad kung nasaan ang private chopper ng kanilang pamilya. Ito ang gagamitin ni Carter na pang sundo kila Casey sa airport pauwe rito sa mansion. Talagang mahal na mahal ni Carter ang kakambal nito at swerte siya dahil naging asawa niya
ANGEL Ilang beses na kinurap-kurap ni Angel ang mga mata niya para kumpirmahin kung totoo ba talaga ang nakikita niya. Pasimple na rin niyang kinurot ang sarili pero nasaktan lang siya sa ginawa niya. Dahil totoo ang lahat ng nakikita niya sa paligid niya. Kasalukuyan siyang naglalakad ngayon sa red aisle sa gitna. Maraming mga bisita ang nakamasid sa kanya habang dahan-dahang siyang naglalakad patungo sa altar kung saan naghihintay ang lalaking pakakasalan niya. Ang lalaking simula pa man noon ay minahal na niya. Si Carter Sanchez Santillan. Hindi niya napigilan ang maiyak dahil sa sobrang saya niya pero sa kabila nun ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng lungkot. Lungkot dahil ito hindi niya kasama sa pinaka espesyal na araw ngayon ang mga magulang niya. Pero alam niya na palagi lang nandiyan ang mama at papa niya nakabantay sa kanya at sa pamilya niya. Pero kahit ganun, super thankful naman siya dahil kasama niya ngayon ang mommy Coleen at daddy Vince niya na siyang magha
Back to 5 Years Ago... CASEY 18th birthday ang araw ng pagiging ganap na dalaga ni Casey. Pinakamasayang araw para sa kanya. Pero pinakamasakit rin na araw dahil sa harapang pag-ayaw sa kanya ng lalaking mahal niya. Si Asher. "Asher, gusto kita. Mahal kita, sana ako na lang," tahasang pag-amin ni Casey kay Asher sa tunay na nilalaman ng puso niya habang nasa gitna sila at nagsasayaw. "I'm sorry Casey, pero may mahal na akong iba. Siya lang ang nagmamay-ari sa puso ko," deretsahang sagot ng binata sa kanya na siyang ikinadurog ng puso niya. Natapos ang selebrasyon ng 18th birthday ni Casey na umiiyak at durog na durog ang puso niya. Ano ang magagawa niya kung ayaw sa kanya ng taong mahal niya? Alangan naman na pilitin niya rin itong mahalin siya kahit alam niyang imposible. Ilang buwan na lang at matatapos na sa highschool si Casey. Kaya isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan. Kakausapin niya ang mga magulang niya na sa ibang bansa siya magpapatuloy sa pag-aaral niya ng
CASEY Pagpasok niya sa loob ng kanyang silid ay agad siyang naghagilap ng gamot sa kanyang drawer at agad na uminom. Mas mainam na at dahil baka lagnatin pa siya sa sobrang sakit ng gitna niya. Pumasok din siya sa loob ng banyo para mag shower at mapreskuhan ang pakiramdam niya. Matapos patuyuin ang basang buhok gamit ang hair dryer ay nagbihis na si Casey. Aalis siya ngayong umaga dahil naisipan niyang puntahan sa condo unit nito si Asher para sana kausapin tungkol sa nangyari sa kanila. At para na rin sana magpaalam sa lalaki na aalis na siya patungong ibang bansa sa susunod na linggo. Pero pagdating niya sa condo unit ng binata ay isang masakit na eksena naman ang naabutan niya ang nakita ng dalawa niyang mga mata. Nakayakap ang girlfriend nitong si Chelsea kay Asher at ganun rin ang lalaki rito. Sobrang sweet ng dalawa sa isa't-isa habang magkayakap. At ang nagpadagdag pa sa sakit niya sa puso ay ang makita ng dalawang mata niya na naghahalikan ang dalawa. Nanikip ang dibdib
CASEY Kakatapos lang maligo ni Casey at kasalukuyan siyang nagbibihis ngayon. Humarap siya sa malaking salamin at hinaplos ang kanyang tiyan. Tatlong buwan na pala ang nakalipas simula nang malaman niya na nagbunga ang isang gabi ng kapusukan niya kasama ang lalaking ama ng anak niya. Halata na ang baby bump niya. Palaki na nang palaki ang baby sa sinapupunan niya. At ilang buwan na lang ang hihintayin niya lalabas na ang baby niya. Magiging mommy na siya. Napapangiti siya habang patuloy na hinahaplos ang kanyang tiyan. Hindi na siya makapaghintay na makita at mahawakan ang anak niya. Ganito pala ang feeling ng isang ina. Sobrang sarap sa pakiramdam. Salamat sa isang gabi na nag-iwan sa kanya ng isang magandang alaala na habambuhay niyang iingatan at pakamamahalin. Hindi man siya kayang mahalin ng ama ng anak niya, ay hindi na mahalaga pa sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay ang anak niya, rito niya ibubuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal na meron siya. Hindi niya hahayaan na ma
THIRD PERSON Pagdating sa cafe ay agad na nag-order ang lalaki. Pero tubig lang ang inorder ni Casey. "Kamusta ka," basag ni Asher sa katahimikan nilang dalawa. "I'm fine," tipid niyang sagot na hindi nakatingin sa lalaki. But in her peripheral vision, kita niya ang mariing pagtitig nito sa kanya. "Casey... gusto ko lang mag-sorry sa 'yo sa nangyari sa atin noon. Pero maniwala ka, pinuntahan kita sa mansion niyo noong gabi pagkatapos may nangyari sa atin. Pero sayang at hindi na kita naabutan," wika nito na nasa tono ang panghihinayang. At kung para saan, iyon ang hindi niya alam. "Si Carter ang nagsabi sa akin na nakaalis ka na nang gabing iyon patungo sa ibang bansa. Kaya kita pinuntahan dahil gusto kitang kausapin, na wala akong balak na takasan ang ginawa ko sa 'yo. Na handa akong panindigan ka," patuloy nito sa sinasabi. "Sinabi ko sa kakambal mo na gusto kita, na liligawan kita. Pero ang sabi niya, kung talagang gusto kita, hayaan daw muna kita na makapagtapos sa pag-a
THIRD PERSON Pagdating sa hotel ay agad na dumeretso si Casey sa 3rd floor. Dito na lang ang napili niyang room na malapit sa reception kaysa roon sa presidential suite pa sa pinakataas na floor. Hindi rin naman sila mag stay rito dahil pagkatapos ay uuwe rin naman sila sa mansion. Dahan-dahan niyang inilapag ang anak sa malambot na kama. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Tinanggal na muna niya ang suot nitong sapatos. Mamaya na lang sila tutungo sa reception hall kapag nagising na si Zoe. "Sige na Yaya Beth, mauna na ho kayo ro 'n sa baba para makakain na po kayo," aniya sa yaya ni Zoe. "Naku mam, ayos lang po ba talaga sa inyo na mauna ako roon?" paninigurado pa nito. "Yes po, Yaya. Ayos lang po talaga," aniya. Pagkaalis ni Yaya Beth ay hindi naman mapakali si Casey. Palakad-lakad siya sa labas ng kwarto habang nag-iisip. Palapit nang palapit ang landas ni Zoe sa ama nito. Gusto na niyang ipaalam ky Asher ang tungkol kay Zoe pero pinapangunahan na naman siya ng takot. T