Matapos niyang simutin ang katas ng asawa ay inalalayan siya nito patayo. Agad siyang sinibasib ni Vince ng halik sa labi, ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya at gumalugad doon. Lalo pang naging mapusok ang halik nito at bumaba na ang kamay ni Vince sa pang upo niya at pinisil pisil ang pisngi ng pwetan niya. Binuhat siya ng asawa at agad niyang ipinilupot ang mga binti sa beywang nito habang nakakawit ang mga kamay niya sa leeg ng asawa. Patuloy sila sa paghahalikan habang naglalakad si Vince patungo sa kama. Ramdam niya ang matigas na dragon nitong tumutusok-tusok na sa lagusan niya kaya ramdam niyang mas lalo iyong namasa. Nngunit imbes na maingat siyang ilapag pahiga ng asawa niya sa kama, ay bigla na lang siya itong hinagis sa malambot na kama na kaya napasigaw siya sa pagkabigla. "Ay lintik ka, hubby!" mura niya sa asawa na tinawanan lamang siya. "Sorry, wifey nanggigigil lang ako sa'yo," sambit nito. "Ay tangina! Ganito pala manggigil ang isang Vince Santillan,
12 Years later... Ito ang araw na magdidiwang ng ika-labing walong taon ng kambal na sina Casey at Carter. Maingat ang mga hakbang ni Casey pababa ng engrandeng hagdanan ng kanilang mansion na nilagyan ng red carpet para sa espesyal na okasyong ito. Naka abresyete siya sa braso ng kakambal niyang si Carter na nakaalalay sa kanya pababa ng hagdanan. Nakaabang naman ang lahat ng bisita at ang buong atensyon ay nasa kanya. Kinakabahan siya at malakas ang kabog ng dibdib niya. Lalo pa at nasilayan niya ang gwapong mukha ni Asher na seryosong nakatingin sa kanya. "Happy 18th birthday my princess and my prince," agad na salubong ni Vince sa mga anak pagkababa ng mga ito sa hagdanan. Emosyonal naman si Coleen na binati ang mga anak. "Happy 18th birthday mga anak. Ang bilis ng panahon, dalaga at binata na kayo," naluluhang sambit nito kaya niyakap ito ni Vince. "Happy birthday, sissy! You're so beautiful," masayang bati ni Angel kay Casey. Saka nito binalingan si Carter. "Happy birthd
ANGEL Ilang taon pa ang lumipas sa wakas nakapagtapos na ng pag-aaral si Angel. At naririto siya ngayon sa sementeryo para dalawin ang puntod ng namayapang mga magulang niya. "Hello po mama, papa. Kamusta na po kayo dyan sa heaven? Miss na miss ko na po kayo," nahuhulang sambit ni Angel habang hinahaplos ng palad niya ang lapida ng kanyang mga magulang. Thanks to her mommy Coleen at daddy Vince, dahil pinagawan ng mga ito ng museleo ang mga yumaong magulang niya. "Ma, Pa, huwag po kayo mag-alala sa akin, nasa maayos po ang buhay ko. Patuloy nyo lang po sana akong gabayan palagi. At sana masaya rin kayo sa kung anuman ang naabot ko, dahil kahit wala na po kayo rito ay hindi naman kayo nawala sa puso ko," patuloy na pagkukwento ni Angel sa mga magulang at panay naman ang agos ng mga luha niya. Sobrang na miss na niya ang mama at papa niya. At salamat ng marami sa mga taong ipinadala para maging guardian niya at tumulong sa kanya at nagbigay sa kanya ng magandang buhay. "Sige na
ANGEL"Gabi na pero nandito pa rin ang babaeng yon? Wala ba siyang planong umuwe? Hindi pa nga sila kasal ni Carter, pero halos tumira na siya rito sa mansion," nakasimangot na wika ni Casey, habang nakataas ang isang kilay.Tahimik lamang siya habang nakatingin sa plato niya. Katabi niya sa ang isang kambal na si Vayden. Mababait ang mga ito at sobrang close sa kanya ang dalawa. Palagi siyang sinasali ng mga ito kapag naglalaro ng badminton sa court nila. May sarili ka kasi silang play court sa bakuran ng kanilang mansion. Maya-maya pa ay dumating na rin ang daddy Vince nila at naupo na rin ito sa harap ng hapag-kainan.Sakto rin na narinig nila ang boses ni Carter at Alexa na palapit sa dining area."Oh, bumaba pa kayo?" sarkastikong sambit ni Casey."Casey, please," ani Carter na tila sinasaway ang kapatid."Please, what!?" sagot naman ni Casey. "Dito ka na ba nakatira sa mansion Alexa? Gabi na oh, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Dagdag ni Casey na binalingan ang nobya ng kakam
ANGEL Galing sa mayamang pamilya si Josh. Isa itong engineer. Gwapo at mayaman ang lalaki. Complete package na kasi mabait pa. "Kahit pa maubos ang pera ko sa chocolates at bulaklak na 'to ay ayos lang, basta para sa'yo," swabeng sagot sa kanya ni Josh. Kaya naiiling na natatawa na lamang siya sa mga hirit nito. Masaya pa silang nagkukwentuhan ng binata nang dumaan na sina Carter at Alexa. "Naku, Angel, sagutin mo na si Josh, para magka-boyfriend ka na rin," nakangising wika ni Alexa at tumigil pa talaga sa tapat nila ni Josh. Kimi niyang nginitian ang babae. At hindi ito sinagot, wala siyang plano makipag-usap sa babaeng ito. But in her peripheral vision ay nakikita niya ang mga titig sa kanya ni Carter. Hindi niya alam kung bakit ganito ito makatingin sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama sa lalaki. Pero bakit galit at inis ang nakikita niya sa mga titig nito. "It's okay, Alexa, hindi naman ako nagmamadali eh. At isa pa, ilang araw ko pa lang naman sinimulang liga
ANGEL "A-Anong ginagawa mo rito? Bakit nandito ka sa loob ng room ko?" nagtatakang tanong niya sa binata. "Boyfriend mo na ba ang lalaking 'yon!?" seryosong tanong nito sa baritonong boses. Natigilan naman si Angel sa tanong na iyon ni Carter at bahagya pang napaawang ang bibig niya. "Naputulan ka na ba ng dila Angel at simpleng tanong ko hindi mo masagot?" anito. Ngunit imbes na sumagot ay itinikom niya na lang ang nakaawang na mga labi. Wala siyang planong sagutin ang tanong nito. Saka bakit ba ito nagtatanong? Ano naman ang paki nito sa kung ano man ang magiging sagot niya. Kung boyfriend man niya si Josh or hindi ay dapat labas na ito roon. Pero heto at tila imbestigador na nagtatanong sa kanya. "Angel!" untag nito sa pananahimik niya. "Hindi ko pa boyfriend si Josh. Okay na ba your honor? Pwede ka na bang lumabas ng room ko? Dahil inaantok na ako at may trabaho pa ako bukas," naiinis niyang sagot sa binata, saka ito tinalikuran. Narinig niya ang mga yabag nito pa
ANGEL Gabi na nang umuwe si Angel sa mansion. Tumawag naman siya sa mommy Coleen niya na gagabihin siya at nagyaya si Josh na mag dinner date sila sa labas. Pinaunlakan naman niya ang binata total weekend naman kinabukasan at walang pasok. Madilim sa loob ng mansion pagkapasok niya. Nakapatay na mga ang ilaw sa sala at tanging ang ilaw na lang sa dining area ang bukas na nagbibigay ng konting liwanag sa madilim ng sala. Paakyat na sana siya sa hagdan nang marinig niya ang taong nagsalita kaya napahawak siya sa dibdib niya dahil sa gulat. "Alam mo ba kung anong oras na? Oras pa ba ito ng pag-uwe ng isang babae?" anang baritonong boses na walang iba kundi ang masungit na lalaki! Nilingon ito ni Angel nang maramdaman niya ang mga yabag nito sa kanyang likuran. "Ano naman ngayon kung ginabi ako sa pag-uwe? Isa pa tumawag naman ako kay mommy Coleen at isa pa ligtas naman na hinatid naman ako ni Josh pauwe," aniya sa binata at sinalubong ang mga titig nito. Pero siya rin ang unan
“Seriously mom!? Gusto niyo na makasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal!” hindi makapaniwalang bulalas ni Coleen sa kanyang ina. “I told you that before honey, didn't I?” mahinahong sagot ng mommy niya. “Kaibigan namin ng dad mo ang parents ni Vince at kilalang kilala na namin sila kaya panatag kami ng daddy mo na mapupunta ka sa tamang lalaki. Isa pa, mabait at gwapo si Vince, bagay kayong dalawa kaya wala kang dapat ipag-alala anak,” tila kinikilig na sabi ng mommy niya. Napahilot si Coleen sa sentido niyang bahagyang kumirot. Hindi siya makapaniwala na talagang ipagkakasundo siya sa lalaking ‘yon. Ilang beses naman na niya itong nakita at nakakasama sa tuwing may pa dinner or pa party ang mga magulang nila pero never niya itong nakakausap man lang. “Pag-isipan mong mabuti ito anak, para din naman sayo ‘tong ginagawa namin ng dad mo, isa pa 25yrs old kana anak, dapat may asawa ka na, sabik na kami ng dad mo na magkaroon ng apo,” masayang wika ng mom niya. “But mom, hind