Share

CHAPTER 56

"Ano po ito sir?" tanong ni Bethy.

"Isa yang ingdrients na pampasarap sa niluluto ninyo, ihalo niyo yan sa pagkain o sa iinuming juice...!"

Nagtinginan sila Bethy at Lea na para bang mayroon silang pagdududa sa sinasabi ni Ahron.

"Oh anong problema ninyong dalawa? Bakit parang nagdududa kayo sa mga sinasabi ko?" tanong ni Ahron na nakatitig kay Bethy.

"Sir, pasensya na po kayo... sa tagal ko na po kasing nagluluto, parang wala naman akong nakikitang ganito!"

Sinakal ni Ahron si Bethy dahil sa pagkairita nito. Namuo ang ugat sa kanyang noo sa bwisit. "Sabi ko, ilagay mo ito sa pagkain o sa juice na ihahain ninyo sa mga bisita ko! Alam mo naman sigurong ayaw ko ng paulit ulit, Bethy!"

"Sir, wag niyo naman pong saktan si Manang Bethy, may katandaan na po siya!" pag aawat ni Lea.

Binitawan ni Ahron si Bethy at dinuro si Lea. "Isa ka pa... konsintidor ka rin kay Kendall kaya natutong sumuway ang bata na yun... basta sundin niyo na lang ang gusto kong mangyari para wala tayong maging probl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status