Bagong ligo si DJ, hindi na nagtataka si Dianne kung bakit maganda ang porma ng abs nito dahil alaga nito ang katawan sa gym, every monday, wednesday and friday ay palagi itong dumadaan sa gym bago siya ihatid sa spa and massage services na negosyo, pero ngayong may sarili na siyang kotse at driver ay dumidiretso na doon ang asawa. Kapag araw ng schedule ng gym nito ay maaga itong gumigising, naliligo at nag-aayos. Nakasanayan na nitong mag-shower muna bago tumungo ng gym at maliligo ulit after two hours ng gym. Huminto lamang ito ng one month at nag-enroll ulit. Dati rin siya nitong pinaenroll sa gym ngunit nang nalaman na buntis siya ay pinahinto siya, sabi nito ay self-exercise lang siya sa kanilang bahay ng mga simple exercises na pang buntis para walang anuman na kumplikasyon.''Bakit yan lang ang suot mo?'' tanong ni Dianne.''Excited na ako na kaagad maligo sa dagat paglabas ng hotel, nakita mo naman kaharap lang ng hotel ang dagat'' sagot ni DJ.''Baka naman gusto mo lang pagp
Napatingin si DJ ng mariin kay Boni. Kahit si Dianne ay nagulat din sa sinabi nito. Si Boni ay mag-isang taon na niyang kasama sa trabaho kung hindi siya pinahinto ni DJ na magtrabaho sa kompanya nito. Bonifacio talaga ang buo nitong first nama. Pina shortcut lang nito iyon, ang totoo mas gusto nitong tawagin na Cardo sa 'Ang Probinsyano' nA si Cardo Dalisay. Iniidolo kasi nito si Coco Martin kaya ginagaya nito ang kilos at pananalita, kaya nga mayabang ito magsalita dahil kamukha daw nito si Coco Martin, at sabi pa nito, mas bagay daw sa kanya ang tawaging Cardo as his nickname at preskung-presko pa siya sa lalaki noon. Hanggang sa isang araw, ay nagtaka siya nang bigla itong palaging tahimik at tulala. Nang meron siyang pagkakataon ay kinausap niya ito sa kanyang opisina. Sinabi sa kanya ng lalaki na namatay raw ang nag-iisa at bunso nitong kapatid na babae. Na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ito maka move on, hindi nito matanggap na wala na ang nag-iisa't super close
Tahimik ang lahat na nakikinig kay DJ habang nagsasalita. Hinihintay ang katotohanan na sasabihin nito sa asawa.''Ang totoo, hindi ako naging seryoso sayo noong unang naging tayo...''panimula nito na ikinamangha ng lahat sa sinabi ng lalaki. Subalit siya ay hindi na nagtaka, narinig na niya iyon mula kay Girlie. Na kaya lang siya naging girlfriend noon ni DJ dahil sa deal ni Girlie. Sa totoo lang masyado siyang nasaktan nang malaman iyon mula kay Girlie.''Sorry,Babe, pero ang toto'y unti-unti kitang nakilala ng buong-buo at minahal kita ng higit pa sa buhay ko, when I realized how amazing you are. Lalo na nang unang pumunta tayo sa province nyo sa Bacolod, hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Mang Melchor noon. Dati ang tanging nasa isip ko lang na dapat ay mapangasawa ko ang babaeng gusto ko, but then I realized when Mang Melchor said na ang pag-aasawa is a lifetime commitment, na ang pundasyon ay tiwala sa isa't isa. At sayo ko yon nakikita, Babe, because I know you will love me
Ang mga kaganapan sa nakalipas na mga kabanata....-Company Anniversary ng kompanya ni DJ kaya naisipan niyang i-celebrate iyon ng kanyang mga staff. Actually he has 35 branches of finance company nationwide. Binigyan nya na lamang ng kanya-kanyang budget ang ibang branches para makapag-celebrate din ang mga ibang staff ng anniversary. Sumama rin sina Dianne, Kier, Athena,Dansel at Amy. -Pagkatapos nilang mag-basketball ay nag-team building sila sa Boracay. -Napagkasunduan nilang mag Truth or Dare gamit ang pagpapaikot ng bote. -Munting bungad ng kwento kay Boni, isa sa mga finance company staff ni DJ na dating kasamahan ni Dianne sa iisang Department. --- Sa pagpapatuloy... Si Dianne ang sumunod na nagpaikot ng bote, huminto ang bote at humarap ito kay Melissa. Ang ka-workmate niya noon na narinig niyang nagsabi na kulang nalang buntot para magmukha siyang unggoy.Tumingin si Melissa kay Dianne pagkatapos nitong piliin ang Truth. ''Ma'am Dianne, sorry po. Isa po ako
Habang nakapikit si Dianne at feel na feel ang kinakanta. Nagulat siya nang marinig ang boses ng asawa na kumakanta. Tamang-tama ang tyempo nitong chorus ang ikinanta. Hinayaan niyang tapusin nito ang chorusIkaw ang pag-ibig na hinintayPuso ay nalumbay nang kay tagalNgunit ngayo'y nandito na ikawIkaw ang pag-ibig na binigaySa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay koLigaya't pag-ibig ko'y ikawDuet nilang kinanta ang last choruskaw ang pag-ibig na hinintayPuso ay nalumbay nang kay tagalNgunit ngayo'y nandito na ikawIkaw ang pag-ibig na binigaySa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay koLigaya't pag-ibig ko'y ikawAng ganda talaga pakinggan ang boses ng asawa niya. Tagos hanggang puso, ang gaan sa pakiramdam at ang lamig sa taenga pakinggan. Nakita niyang lumalapit ito sa kanya habang kumakanta na walang mikropono ngunit nilakasan lamang nito ang boses. Saka lamang nito kinuha an
'Ang mga kaganapan sa nakalipas na kabanata...Nag due it sina Dianne at DJ sa pagkantaNagtrruth or dare sila ulit pero sa pagkakataon na yon unforgettable moment at karanasan na nagpabago sa buhay nila.Sinabi ni Kier sa grupo na dati ay lihim niyang hinahangaan si Dianne.Sa pagpapatuloy...'Bago ang lahat, gusto kong magpasalamat sa mga paghanga nyo sa akin...na kahit ganito ako, hindi naman ako kagandahan at maitim ang kulay ng balat ko. I really appreciate it Boni, Kier at sa nag-iisang lalaki sa puso ko na tumanggap sa akin ng buong-buo, thank you, babe for loving me for what and who I am...''pahayag ni Dianne. Matamis na ngumiti sina Boni, Kier at DJ kay Dianne. Na siya namang tukso ng mga kasamahan nang niyakap ni DJ ang katabing asawa. Lihim na tiningnan ni Dansel si Gemma para makita kung ano ang reaksiyon ng babae, nakita niyang lihim itong napairap at pagkatapos ay balat kayong ngumiti. Lihim na napakunot noo si Dansel, n
Nang matapos kantahin ni Gemma ng Lason Mong Halik,pagkatapos ng kantang iyon ay muli siyang kumanta 'Kung tayong dalawa' ni Katrina Velarde. Sa totoo lang sinasadya ni Gemma na kantahin ang mga kantang iyon para maipadama kay DJ ang sakit na kanyang naramdaman ng iwan siya nito noon.Ano nga bang meron kaBakit ba kailangan paAng landas natin at magkatagpoAko'y nasa tahimik na masaya sa piling niyaNgunit nang dumating ka’y puso'y nagulo‘Di inakalang, ikaw pala ang hanap ng puso kong ligawNgunit kailangang piliin ang tama't dapatNa ‘kong bumitaw sa’yoNgunit tanong ng puso'y paanoKung naging tayong dalawaNakamit kaya'ng minimithing sayaSakali mang naging tayong dalawaKung umayon lang ang pagdating sa buhay ko'y baka nagingTayong dalawa, kung naging tayong dalawaTayong dalawa, kung naging tayong dalawaPa'no nga ba kung naging tayong dalawaMahal kita kahit na alam kong kasalanan naIsipin na parang tayo ang ‘tinakdaAng lambing ng tinig mo at init ng bisig moAng asam asam
Nainis si DJ sa sinabi nito, ayaw niyang ipahiya ang asawa ngunit pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili. Pinagtitimpi niya na lamang ang loob. Pagkatapos na kumanta ni DJ ay inalalayan niya si Dianne pabalik sa upuan. Siya naman ay muling bumalik sa gitna para kantahin ang susunod niyang nakasalang na kanta. ''Babe, ang susunod na kakantahin ko ay para sayo na kahit anuman ang maririnig mo na sinasabi ng iba. Wala akong pakialam kung anuman ang kanilang sasabihin ang mahalaga....kahit sino ka man, kahit anupa ang tingin sayo ng ibang tao ay mahal na mahal pa rin kita ng buonh-buo.'' Sabi ni DJ nang hindi pa nag-uumpisa ang kanta. Napatingin saglit ang babaeng maiksi abg buhok sa kasama nito. Alam kasi nito na ang kasama nito ang pinariringgan. Nang mag-umpisa na ang kanta ay nag-umpisa na rin si DJ.'As long As You Love Me' iyon ng backstreet Boys.Although loneliness has always been a friend of mine I'm leavin' my life in your hands People say I'm crazy and that I am blind
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta ng Bacolod sina Dianne at DJ , napag usapan ng mag asawa at Mang Melchor na si DJ ang magbabantay at magtitinda sa palengke ng mga daing na paninda ni Mang Melchor kaya maaga pang pumunta si DJ sa palengke. Pumunta rin si Dianne sa palengke para dalhan ang asawa ng pagkain for breakfast, ngunit nakaramdam siya ng selos nang makitang pinag uumpukan ng mga babaeng mamimili si DJ nang makarating siya sa palengke at di kalayuan sa pwesto ng asawa. Nagulat at nagtaka siya nang nagtext si Gemma.Sa Pagpapatuloy...Nagulat si Dianne nang maramdaman ang paag vibrate ng kang cellphone sa kanyang bulsa, pinasilent mode at pinavibrate niya lang kasi iyon. Nagtaka rin siyang makita na nagtext si Gemma, ang text nito na nakita siya nang dumaan at papasok sa main entrance ng palengke. Nasa batchoy na resto raw ito, nasa gilid lang iyon ng main entrance ng palengke. Gusto raw nitong magkita sila. Nagtataka siya kung naroon ito sa lugar nila? Tumin
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta sina Dianne at DJ sa Bacolod, buong akala ni DJ bibili lamang sila ng tinda ni Mang Melchor ng bangus na dinaing ngunit lihim siyang nagulat nang sinabi ni Dianne na siya ang magtitinda ng mga paninda nitong driedfish.Nang makasakay na silang mag asawa ng traysikel pauwi, sinabi rin ni Dianne na gusto niya na maranasan ni DJ na mangisda sa laot.Sa Pagpapatuloy..."Ayaw mo ba, babe? Hindi mo ba kaya?" Tanong ni Dianne sa asawa nang makita ang reaksyon ng mukha nito."Kahit na mahirap ay gagawin ko, babe kung gusto mong gawin ko yon. Sabi mo nga noon, walang imposible basta naniniwala ka lang sa Maykapal at ma tiwala sa iyong saril. Hindi ako sanay sa ganyang gawain, babe, pero mahal kita, eh. Lahat kakayanin ko para sayo." Pahayag ni DJ.Hindi umimik si Dianne, sa totoo lang, naawa sana siya sa asawa na bigyan ito ng pagsubok pagkatapos ay iiwan ito. Yon ang balak niya, kung tutuusin kulang pa ang pagsubok na gagawin ng asawa niya
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Binayaran ni DJ ang utang ng dalawang lalaki gayundin ang pagdating ng mamang nagtitinda ng sorbetes.Nakita nila DJ at Kier na unti unting natutunaw ang binili ni DJ na ice cream para sa asawa kaya sinabihan ni Kier si DJ na kainin o dilaan ang ibabaw na parte ng ice cream na natutunaw.Sa Pagpapatuloy...Natagalan sina DJ at Kier sa kalagitnaan ng traffic pabalik sa bah nina DJ at Dianne, napansin ni DJ na unti unting natutunaw ag ibabaw ng ice cream nahawak. Kaya sinabi ni Kierna kainin ang ibabaw na parte ng ice cream para hindi mahulog sa sahig ng kotse nito."Ano? Alam mo naman na ibibigay ko ito kay Dianne." Sabi ni DJ."Hindi mo naman kakainin lahat, eh. Hindi mo naman uubusin, kakainin mo lang5 naman ang parte na natutunaw" wika ni Kier.Ginawa nga iyon ni DJ. Nang makarating sila sa bahay, nakita nila si Dianne sa sala kaya agad silang tumungo sa kinaroroonan ni Dianne.
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Gustong kumain ng ice cream ni Dianne na tinitinda sa kalsada kaya umalis sina DJ at Kier para maghanap sa paniniwalang naglilihi si Dianne.Pinagtawanan sila ng dalawang lalaki.Sa Pagpapatuloy...Muli na nagtawanan ang dalawang lalaki."Hoy, ano ba kayo? Maayos na nagtatanong ang tao sa inyo" saway ng babaeng may ari ng tindahan. Nasa mid fifty na ang edad nito."Akala ko kasi mga pulitiko na mamimigay ng pera, yon pala magtatanong lang ng ice cream, hik..."anang isang lalaki na lasing na natatawa habang nagsasalita."Hindi po kami pulitiko, nakita kasi namin na pumasok dito ang nagtitinda ng sorbetes kaya sinundan namin. Buntis kasi ang asawa ko at naglilihi, gustong kumain ng ice cream. Hindi kami pumunta rito para mamimigay ng pera pero kung gusto nyo kami nalang ang magbabayad ng mga nainom nyo" medyo nainis na sabi ni DJ ngunit tinitimpi nya lamang ang kanyang sarili sa mga narinig s
Ang ma naganap sa nakalipas na kabanata...Kinausap ni Gemma si Dianne tungkol kay DJ, nagkwento ito ng mga negative tungkol sa lalaki.Nagtaka sina DJ at Kier kay Dianne kung bakit hindi pa nakaayos at nakabihis?Sa ipagpatuloy..Nagtaka sina Kier at DJ kung bakit hindi pa nakaligo, nakabihis at naka ayos si Dianne, papunta ang babae sa kanilang kinaroroonan."Babe, hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong ni DJ sa asawa nang makalapit."Masama ang pakiramdam ko, babe, mabigat an katawan ko. Parang gusto ko yatang kumain ng ice cream...hinahanap ng lalamunan ko,eh. Gusto ko ng ice cream na tinitinda sa kalsada,ayokong tinitinda sa mall, resto at fastfood." malambing na sabi ni Dianne sa asawa na namumungay pa ang mga mata.Nagkatinginan sina DJ at Kier sa sinabi ni Dianne."Feeling ko, naglilihi si Dianne" sabi ni DJ kay Kier, papasok na sila sa kotse ni Kier."Parang masyadong late na para maglihi si Dianne,tol, m
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Hindi inaasahan ni DJ na magkita sila ni GemmaNakipagkita si Gemma kay DianneSa ipagpatuloy...."Mukhang nauuhaw ka, Dianne? Naubos mo kasi kaagad ang buko shake mo, gusto mo bang iorder kita ulit?" Tanong ni Gemma na alintana ang nararamdaman ni Dianne."Wag na, salamat na lang. Pwede bang sabihin mo na kung ano ang tungkol kay DJ?" Ani Dianne.Huminga ng malalim si Gemma. Umiba ang reaksyon ng mukha nito na tila naaawa sa kanya."Sorry sa sasabihin ko, Dianne" Anito. "DJ is like a leech, na kakapitan ka nya at hindi titigilan hanggang sa masira. Tulad ng linta na sipsipin ang dugo mo hanggang sa maubos saka ka iiwanan..." ani Gemma saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa..."Sinasabi ko to sayo dahil para sakin isa kang tunay na kapatid ko' 'ani Gemma, "Isa ako sa biktima ni DJ, Dianne...sinira niya ang buhay ko. As in sirang-sira saka ako iniwan..." nanlulumo ang mga mat
Ang mga kaganapan sa nakalipas na kabanata...Gumaan ang pakiramdam ni DJ mula sa problemang gumugulo sa isipan dahil kwento ni DianneNagkita sina DJ at GemmaSa Pagpapatuloy..."Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit ginagawa kong iwasan ka?" Inis na sabi ni DJ, hindi umimik si Gemma."Dahil ayokong maalala na natutunan kong magkaroon ng poot at galit sa isang tao na katulad mo dahil sa ginawa mong pagpapalaglag ng bata. Kinitil mo ang buhay ng isang batang walang kamuwang-muwang at walang kasalanan, kinitil mo ang buhay ng isang inosenteng bata na nararapat mabuhay at isilang. Ngayon, sinasabi mo na mahal mo ako? Sarili mo lang ang mahal mo Gemma, dahil kung talagang mahal mo ako dapat ay pahalagahan mo rin ang bata sa sinapupunan mo dahil ako ang ama ng bata" pahayag ni DJ na galit ang boses kahit na kalmado siyang nagsasalita."DJ, Ssorry...hindi ko alam-"wika ni Gemma na hawakan sana si DJ ngunit mabilis na nakaiwas ang lalaki at nap
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Hindi mawari ni DJ kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip ngunit hindi na sya nag abala pa upang isipin iyonNagkwento si Dianne kay DJ ng isang parable upang maibsan ang iniisip nitong problema tungkol sa company nito.Sa Pagpapatuloy..."Mas lalo pa siyang naging maligaya ng lalong umunlad ang kanyang pamumuhay, nagkaroon siya ng maraming negosyo, naging sucessful siya sa lahat ng aspeto ng buhay, pamilya, career at lahat. Ngunit sa sobrang abala at pagod nakakalimutan niyang magdasal kung gabi...hanggang isang araw, biglang bumagsak ang kanyang buhay. Nagkasakit ang kanyang mga anak at nalugi ang kanyang negosyo. Hanggang sa bumalik siya sa dating buhay, na mahirap. Isang gabi, nanaginip siyang...naglalakad sa tabi ng dagat. Lumingon siya at nakitang dalawang pares na lamang ng bakas ng paa ang nakitaniya sa buhangin, kaya nalungkot siya...nasabi niya sa kanyang isipan na kung saan ay k
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nagkwento si Dianne tungkol sa karanasan niyaNanaginip si DJSA Pagpapatuloy...Napabalikwas si DJ sa kanyang inuupuan, nakatulog kasi siya sa kapapanood sa asawa habang nagluluto ito ng hapunan nila. Maaga pa siyang nakauwi sa bahay mula sa trabaho, pagdating sa kanilang bahay ay saglit siyang nagbihis ng damit pangbahay at pinuntahan ang asawa sa kusina. Gusto pa sana niyang tulungan ang asawa sa paghahanda ng kanilang hapunan pero sinabi ni Dianne na hayaan na lamamg ito na ipagluto siya.Naglutokasi ito ng paborito niyang ulam, sisig iyon at bicol express, nasabi niya sa asawa na na-missed na niyang kumain ng ng mga ganoong pagkain. Kaya hindi na siya nagpumilit sa asawa, napagdesisyunan niyang umupo na a lamang sa upuan ng lamesa sa kusina at panoorin ang asawa habang hinihintay ito na makatapos. Nakatulog na pala siya sa kapapanood sa asawa, nanaginip siya! Isang panaginip na nagpabulabog sa kanya at nagpa