‘’Sorry po ma’am pero ipinagbilin ni ma’am, Athena na hindi po kayo pwede pumasok. Mahigpit niyang ipinagbilin na kayo daw ni Ma’am Dianne Anilou Hernandez ay ipinagbabawal na pumasok dito sa bahay.’’ Wika ng guard na humarang sa kanila nang makalapit sila sa gate.‘’My God! Nasabi niya yan? ‘’Wika ni Dansel na nag-aalburuto ang puso sa galit. Ang sakit kaya non, ang sakit sa feeling na ang mismo mong best friend ay tratuhin ka na ganun Na pagbawalan kang dumalo sa mismong kaarawan nito. Yon ang nararamdaman ni Dansel ng mga sandaling iyon. Excited pa naman sana itong ibibigay ang regalo nito kay Athena, sa kaibigan nila!‘’Ano ang ginagawa nyo rito?’’ Tanong ni Athena na ngayon ay kaharap na nila, nasa likod nito si Amy.‘’Athena, nahihibang ka na ba? Mga best friends mo kami,’’ sabi ni Dansel na nanlulumo ang mga mata, sandaling nawala ang galit nito nang makita ang kaibigan, ang nasasabik na nitong makasama na kaibigan.‘’Athena, kung anuman ang problema at galit mosa akin, wag mo
Napabalkwas si Dianne mula sa pagkahiga. NAnaginip siyang biglang sinuntok ni Kier si DJ. Kahit sa kanyang panaginip ay hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit sinuntok ang asawa niya ni Kier..‘’Ano kaya ang ibig sabihin non?’’ Napahinga siya ng malalim. Seguro stress lang siya o di kaya’y sa sobrang kakaisip niya sa kalagayan ng pagkakaibigan nila ngayon.Tumingin siya sa kanyang tabi at nakitang hindi niya katabi si DJ, wala ito sa kanyang tabi. Kaya kumilos siya, nakita niyang alas sais y media na ang oras sa wall clock na nakakabit sa dingding ng kanilang kwarto. Naligo siya, pagkatapos niyang maligo na wala pa rin si DJ ay nagdesisyon siyang bumaba sa kusina. Naroon nga ang asawa niya sa kusina at kasalukuyang nagluluto ng pagkain para sa kanilang almusal.‘’Oh, Babe, gising ka na pala? Pasensiya na kung hindi kita ginising mukhang mahimbing kasi ang tulog mo kanina,’’sabi ni DJ sa kanya nang makita siya.Mukhang tapos na itong maligo, medyo basa pa kasi ang makapal nitong buh
Inawat ni Dianne si Dansel natatakot kasi siyang baka kung anupa ang mangyayari. At hindi niya hahayaan na magkagulo sa sandaling iyon. ‘’Hindi, Dianne. Sumusobra na kasi ang babaeng iyan!’’ Inis na sabi ni Dansel at naramdaman niyang ayaw nitong magpaawat. Naramdaman din ni Athena iyon kaya huminahon din ito. Kilala rin kasi nito si Dansel na hindi umaatras kahit sa giyera. ‘’Siyanga pala, nais kong ipaalam sa inyo that my fiend’s circle doesn’t need you anymore dahil may ipinagpalit na kaming kaibigan sa inyo,’’wika ni Athena. ‘’Gemma, I would like to meet you, my two ex-friends’’, pakilala pa nito sa kanila kay Gemma. Hindi kumibo si Gemma, hindi ito nagsalita ngunit ngumiti lamang ito sa kanila lalo na kay Dianne. Kilala na niya si Gemma dahil ipinakilala na ito ni Kier sa kanya. At kilala rin siya ng babae, seguro nga hindi ito kumibo para makaiwas rin na lalong magkagulo ang sitwasyon. ‘’Bye girls, good luck sa friendship nyong dalawa,’’ pagkasabi nun ay tumalikod na si Ath
DJ’s POV Papunta siya ngayon sa spa and massage shop and services para sunduin si Dianne. Katatawag lang kasi ng ina niya na uuwi daw ang mga ito ng Pilipinas ngayon. Pumunta ang kanyang mga magulang sa Germany, lalo na nang malaman ni Donya Consuelo na magaling na ang asawa mula sa sakit nito. Tumawag si Donya Consuelo na magpapasundo sa airport at gusto nitong si Dianne at DJ ang susundo sa mga ito. Umuwiang mga ito dahil gusto raw alagaan si Dianne dahil nalaman ng mga ito na nagdadalang tao si Dianne sa kanilang baby.At isa pa raw ay ilang buwan na lang ay manganganak na si Dianne, gusto ng mga ito na naroroon ang mga ito kung manganak na si Dianne. Excited na raw kasi ang mga itong makita ang apo nila sa kanilang unico jiho. Agad niyang na-park ang kotse pagdating sa lokasyon ng spa and massage shop and services nang makarating na siya roon. Bumaba siya sa kotse at nilakad ang kinaroronan ng asawa. Alam niyang nasa office ang asawa niya. Hinila niya ang glass door at papasok na s
Ngayon ang araw na lalabas si Dianne sa ospital, supposedly pwede naman siyang lumabas kinahapunan nang dalhin siya sa ospital, pero nag-stay siya doon ng two days dahil gusto ni DJ na maseguro ang kalagayan niya. Kaya pinaunlakan niya na lang kungsabagay tama naman ang asawa niya, gusto niya rin maseguro lalo na ang kalusugan ng mga anak niya dahil sabi ng doktor kambal daw ang anak niya, bukod pa sa sinabi ni DJ. Alam niya na kasi yon, nasabi na sa kanya ng doktor bago pa man sabihin ni DJ sa kanya,. Kasama niya si Dansel, totohanin niya ngang didiretso siya sa bahay ng kaibigan.Nagdrama kahapon si DJ na ayaw nitong iwan niya pero hindi man lang siya sinundo sa paglabas niya ng ospital ng mga sandali na yon. Hindi man lang ito nag-effort na gumawa ng paraan para manatili siya sa bahay nilang mag-asawa. Mga kaisipan na dumadaloy sa isipan ni Dianne na unti-unting nakalikha ng inis sa kanyang damdamin.‘’Okey, ka na ba? Kung ready ka na uwi na tayo’’ sabi ni Dansel na pumukaw naman
Napalaki ang mga mata ni Dansel nang makalapit na sila sa gitna. Kahit si Dianne ay parang hindi rin makapaniwala, this is the second time na gawin iyon, akala niya wala itong effort na gagawin pero sobra sobra pa pala sa inaakala niya. Oo, si DJ iyon! Hindi lang todo, kundi extra effort. Nakita niyang nasa likod ni DJ sina Kier, Don Virgilio at Donya Consuelo at ang tatlong mga ito ay may hawak na bulaklak. Pare-parehong red roses ang hawak ng tatlo. Samantalang si DJ naman ay may hawak na mikropono, ilang saglit aynarinig niya ang pag umpisa ng musika. Everyday I Love You ng na kanta ng Boyzone. Narinig niyang nag-umpisang kumanta si DJ. I don't know, but I believe,That some things are meant to be,And that you'll make a better me,Everyday I love you.I never thought that dreams came trueBut you showed me that they do,You know that I learn somethng new,Everyday I love you.'Cos I believe that destiny,Is out of our control,And you'll never live until you love,With all your
Hindi napigilan ni Gemma ang inis at galit na nararamdaman ng makita ang video ni DJ at Dianne na napanood niya. Makita niyang kumanta si DJ na nilalambing si Dianne. Kaya nahagis niya ang hawak na cell phone. Oo, inis na inis siya dahil na rin sa inggit kay Dianne. Nagseselos siya dahil malambing si DJ kay Dianne. Oo, inaamin niya gusto niya si DJ. Matagal na niyang gusto simula pa ng high school sila. Magkababata silang apat; nina Kier, DJ, sila ng kambal niyang si Gerlie. Since maliliit pa lamang sila ay sabay-sabay silang lumaki doon sa Germany. Lihim na niyang crush si DJ dahil bukod sa gwapo ito at mayaman ay napaka-talented pa dahil magaling itong kumanta at sumayaw. Sa katunayan nga eh, sa tuwing magprakticed ito ng sayaw o kanta noon ay kinikilig sya habang na nonood sa lalaki. Ngunit noong college na sila ay lihim siyang nasaktan nang malaman niyang dalawa na sina DJ at Gerlie. Lumayas siya sa kanilang bahay dahil malaki ang hinanakit niya sa kanyang mga magulang. Sabi nila
‘’Alam ko na friend kung ano ang gagawin natin para maging okay na ulit ang friendship nating apat,’’ sabi ni Dansel sa kanya habang nakangiti. Tulad niya ay mukhang desperado na rin ito, lahat na lang ay gagawin para manumbalik ang friendsip nila.Miss na ,miss niya na ang dating sila, na miss na niyang kasama si Athena, si Amy at na miss niya ng magkasama silang apat lalo na sa mga friendship dates nila.‘’pano kaya kung gayahin natin ang ginawa ni DJ? Ang pagsuyo niya sayo, susuyuin din natin sina Athena at Amy’’ pukaw ni Dansel sa katahimikan ni Dianne, okupado kasi ang isip niya sa mga ala-alang magkasama pa silang apat.‘’Effective kaya yan?’’ tanong ni Dianne.Nakita niyang umiba ang ekspresyon ng mukha ni Dansel.‘’Seguro, naging effective sayo ang ginawa ni DJ di ba?’’ Wika ni Dansel na hindi maikakaila ang pagkadesperado nito sa mukha.‘’Pupunta tayo sa kanilang bahay at magdala tayo ng karaoke at microphone, kung hindi tayo papasukin sa bahay nila. E, di sa labas na lang tay
Ang mga naganap sa nakakalipas na kabanata...Sinundan ni Gemma si Dianne sa palengke nang puntahan ni Dianne si DJ sa pwesto ng lalaki at hindi alam ni Dianne na sinundan siya ni Gemma. Sa di kalayuan sa kinaroroonan ng mag asawa pumwesto si Gemma na hindi ito makikita ng dalawa , subalit aksidenteng napatingin sa kinaroroonan ni Gemma, nagtaka si DJ kung bakit naroroon ito kaya sinundan si Gemma at kinausap, nagsinungaling pa ito na sinabi kay DJ ni Gemma nang magkaharap sila na naroroon si Gemma dahil nagbakasyon ito kasama ang mga kaibigan pero ang totoo ay talagang sinadya nito na pumunta ng Bacolod para sundan sina DJ at Dianne. Sinabihan ni DJ si Gemma na nakalikha ng sakit sa puso at damdamin ng babae.Sa ipagpatuloy...Nang tumalikod si DJ kay Gemma ay pinigilan nito ang sarili na wag umiyak dahil sa mga salita ni DJ na nagdulot ng panibagong sugat sa puso ni Gemma."Aray! Ang sakit naman..." yon lamang ang tanging iyak ng puso ni Gemma, ni hindi nga niya nakuhang magsalita b
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nakaramdam ng selos si Dianne nang makita si DJ na may kausap na magandang babae habang nagbabantay si DJ ng daing na paninda ni Mang Melchor sa palengke.Nagtaka siya nang nagtext si Gemma na naroon daw ito sa batchoy resto malapit sa palengke at gustong makausap si Dianne, sinabi ni Gemma na nagbakasyon siya sa Bacolod kasama ang mga kaibigan kaya naroroon ito.Nang nagpaalam si Dianne kay Gemma na puntahan si DJ sa loob ng palengke ay lihim siyang sinundan ni Gemma at hindi alam ni Dianne iyon. Subalit di sinasadyang mahagilap ng paningin ni DJ si Gemma.Sa Pagpapatuloy...Sentro lang ng main entrance at exit ng palengke ang pwestong paninda ni DJ, bali magkatabi ang entrance at exit. Kaya posibleng nahagip ng kanyang paningin ang babae, nasa walo o sampung dipa ang layo ng babae mula sa kinaroroonan niya."Babe, pwedeng pakibantay muna? Punta lang ako ng cr, kanina pa kasi akong ihing ihi, eh" ani DJ kay Dianne. Sumang ayon naman si Dian
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Nagkita sina Dianne at Gemma sa batchoy resto, na nasa gilid lang ng main entrance ng palengke. Lihim na natutuwa si Gemma sa sinabing binabalak sa kanya ni Dianne(Ano kaya ang binabalak ni Dianne?). Pinuntahan ni Dianne sa pwesto nito sa palengke , na abala sa pagtitinda ng daing. Nang makita ni Dianne na may kausap ang asawa na maganda, maputi at sexy na babae ay nakaramdam siya ng selos.Sa ipagpatuloy..."Ang galing ko, babe, no? Maaga palang pero halos maubos na ang tinitinda ko. Seguradong matutuwa si Mang Melchor" natutuwa na sabi ni DJ kay Dianne nang sila na lang dalawa. Umalis na rin si Bridgette ilang saglit pagdating niya."Kaya nga, matutuwa talaga si Mang Melchor" nakangiting wika ni Dianne."Pa'no ba naman kasi gwapo ang nagtitinda kaya maraming bumibili" pagyayabang na sabi ni DJ at sinadya pa nitong magpacute sa kanya."Yabang mo! Ikaw mismo ang bumubuhat ng sarili mong upuan!"Sabi ni Dianne at inirapan ang asawa kahit na tot
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta ng Bacolod sina Dianne at DJ , napag usapan ng mag asawa at Mang Melchor na si DJ ang magbabantay at magtitinda sa palengke ng mga daing na paninda ni Mang Melchor kaya maaga pang pumunta si DJ sa palengke. Pumunta rin si Dianne sa palengke para dalhan ang asawa ng pagkain for breakfast, ngunit nakaramdam siya ng selos nang makitang pinag uumpukan ng mga babaeng mamimili si DJ nang makarating siya sa palengke at di kalayuan sa pwesto ng asawa. Nagulat at nagtaka siya nang nagtext si Gemma.Sa Pagpapatuloy...Nagulat si Dianne nang maramdaman ang paag vibrate ng kang cellphone sa kanyang bulsa, pinasilent mode at pinavibrate niya lang kasi iyon. Nagtaka rin siyang makita na nagtext si Gemma, ang text nito na nakita siya nang dumaan at papasok sa main entrance ng palengke. Nasa batchoy na resto raw ito, nasa gilid lang iyon ng main entrance ng palengke. Gusto raw nitong magkita sila. Nagtataka siya kung naroon ito sa lugar nila? Tumin
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Pumunta sina Dianne at DJ sa Bacolod, buong akala ni DJ bibili lamang sila ng tinda ni Mang Melchor ng bangus na dinaing ngunit lihim siyang nagulat nang sinabi ni Dianne na siya ang magtitinda ng mga paninda nitong driedfish.Nang makasakay na silang mag asawa ng traysikel pauwi, sinabi rin ni Dianne na gusto niya na maranasan ni DJ na mangisda sa laot.Sa Pagpapatuloy..."Ayaw mo ba, babe? Hindi mo ba kaya?" Tanong ni Dianne sa asawa nang makita ang reaksyon ng mukha nito."Kahit na mahirap ay gagawin ko, babe kung gusto mong gawin ko yon. Sabi mo nga noon, walang imposible basta naniniwala ka lang sa Maykapal at ma tiwala sa iyong saril. Hindi ako sanay sa ganyang gawain, babe, pero mahal kita, eh. Lahat kakayanin ko para sayo." Pahayag ni DJ.Hindi umimik si Dianne, sa totoo lang, naawa sana siya sa asawa na bigyan ito ng pagsubok pagkatapos ay iiwan ito. Yon ang balak niya, kung tutuusin kulang pa ang pagsubok na gagawin ng asawa niya
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Binayaran ni DJ ang utang ng dalawang lalaki gayundin ang pagdating ng mamang nagtitinda ng sorbetes.Nakita nila DJ at Kier na unti unting natutunaw ang binili ni DJ na ice cream para sa asawa kaya sinabihan ni Kier si DJ na kainin o dilaan ang ibabaw na parte ng ice cream na natutunaw.Sa Pagpapatuloy...Natagalan sina DJ at Kier sa kalagitnaan ng traffic pabalik sa bah nina DJ at Dianne, napansin ni DJ na unti unting natutunaw ag ibabaw ng ice cream nahawak. Kaya sinabi ni Kierna kainin ang ibabaw na parte ng ice cream para hindi mahulog sa sahig ng kotse nito."Ano? Alam mo naman na ibibigay ko ito kay Dianne." Sabi ni DJ."Hindi mo naman kakainin lahat, eh. Hindi mo naman uubusin, kakainin mo lang5 naman ang parte na natutunaw" wika ni Kier.Ginawa nga iyon ni DJ. Nang makarating sila sa bahay, nakita nila si Dianne sa sala kaya agad silang tumungo sa kinaroroonan ni Dianne.
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata....Gustong kumain ng ice cream ni Dianne na tinitinda sa kalsada kaya umalis sina DJ at Kier para maghanap sa paniniwalang naglilihi si Dianne.Pinagtawanan sila ng dalawang lalaki.Sa Pagpapatuloy...Muli na nagtawanan ang dalawang lalaki."Hoy, ano ba kayo? Maayos na nagtatanong ang tao sa inyo" saway ng babaeng may ari ng tindahan. Nasa mid fifty na ang edad nito."Akala ko kasi mga pulitiko na mamimigay ng pera, yon pala magtatanong lang ng ice cream, hik..."anang isang lalaki na lasing na natatawa habang nagsasalita."Hindi po kami pulitiko, nakita kasi namin na pumasok dito ang nagtitinda ng sorbetes kaya sinundan namin. Buntis kasi ang asawa ko at naglilihi, gustong kumain ng ice cream. Hindi kami pumunta rito para mamimigay ng pera pero kung gusto nyo kami nalang ang magbabayad ng mga nainom nyo" medyo nainis na sabi ni DJ ngunit tinitimpi nya lamang ang kanyang sarili sa mga narinig s
Ang ma naganap sa nakalipas na kabanata...Kinausap ni Gemma si Dianne tungkol kay DJ, nagkwento ito ng mga negative tungkol sa lalaki.Nagtaka sina DJ at Kier kay Dianne kung bakit hindi pa nakaayos at nakabihis?Sa ipagpatuloy..Nagtaka sina Kier at DJ kung bakit hindi pa nakaligo, nakabihis at naka ayos si Dianne, papunta ang babae sa kanilang kinaroroonan."Babe, hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tanong ni DJ sa asawa nang makalapit."Masama ang pakiramdam ko, babe, mabigat an katawan ko. Parang gusto ko yatang kumain ng ice cream...hinahanap ng lalamunan ko,eh. Gusto ko ng ice cream na tinitinda sa kalsada,ayokong tinitinda sa mall, resto at fastfood." malambing na sabi ni Dianne sa asawa na namumungay pa ang mga mata.Nagkatinginan sina DJ at Kier sa sinabi ni Dianne."Feeling ko, naglilihi si Dianne" sabi ni DJ kay Kier, papasok na sila sa kotse ni Kier."Parang masyadong late na para maglihi si Dianne,tol, m
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Hindi inaasahan ni DJ na magkita sila ni GemmaNakipagkita si Gemma kay DianneSa ipagpatuloy...."Mukhang nauuhaw ka, Dianne? Naubos mo kasi kaagad ang buko shake mo, gusto mo bang iorder kita ulit?" Tanong ni Gemma na alintana ang nararamdaman ni Dianne."Wag na, salamat na lang. Pwede bang sabihin mo na kung ano ang tungkol kay DJ?" Ani Dianne.Huminga ng malalim si Gemma. Umiba ang reaksyon ng mukha nito na tila naaawa sa kanya."Sorry sa sasabihin ko, Dianne" Anito. "DJ is like a leech, na kakapitan ka nya at hindi titigilan hanggang sa masira. Tulad ng linta na sipsipin ang dugo mo hanggang sa maubos saka ka iiwanan..." ani Gemma saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa..."Sinasabi ko to sayo dahil para sakin isa kang tunay na kapatid ko' 'ani Gemma, "Isa ako sa biktima ni DJ, Dianne...sinira niya ang buhay ko. As in sirang-sira saka ako iniwan..." nanlulumo ang mga mat