Nang makita ni Athena na papalapit sa kanya si Gemma aymabilis niyang pinahiran ang luha sa pisngi at inayos ang mukha. Para hindi nito mahalata na umiyak siya.‘’Athena. Pwede mo bang kausapin ang mga kaibigan mo sa labas?’’ tanong ni Gemma sa kanya ng makalapit ito.‘’Baka kasi makaisturbo sa mga kapit-bahay dahil maingay, nakakahiya sa mga kapit bahay nyo,’’ dagdag pa ni Gemma.Naisip ni Athena na tama nga si Gemma, nasa labas pa naman ng gate nila sina Dianne at Dansel.Simula na maging magkaibigan sila ni Gemma ay halos araw araw itong nasa bahay nila.Inutusan niya ang katulong na pagsabihan ang guard na pahintuin sina Dianne at Dansel. Kaya naman ginawa rin ng katulong ang sinabi ni Athena.Napahinto sina Dianne at Dansel nang sabihan sila ng guard, malungkot at nagngingitngit ang damdamin ni Dansel habang inaayos ang mga gamit na ginamit nila sa kanilamg pagpapatugtog.‘’Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na ang turing sa atin ni Athena, parang wala tayong pinagsa
Hinintay ni Dianne si DJ na umuwi, naligo muna siya dahil feeling niya ay mainit at malagkit ang katawan. Paglabas niya ng banyo ay nakarating na ang asawa.‘Nandito ka na pala, ang aga mo yata, babe?’’ Tanong ni Dianne kay DJ.‘’Oo, sinadya ko talagang umuwi ng maaga at isa pa wala naman ako masyadong gawin sa trabaho. Na-miss lang din kita, babe,’’ wika ni DJ at humalik sa pisngi ng asawa, nakasanayan na nitong humalik sa asawa sa tuwing uuwi ito simula nang ikinasal sila ni Dianne.‘Hmmm…bango ng asawa ko, halatang bagong ligo,’’ sabi ni DJ ng makalapit kay Dianne at maamoy nito.‘’Mainit kasi kaya naligo nalang ako at feeling ko kasi ang lagkit ng aking katawan, kaya nagcold shower ako. ‘’ Sabi ni Dianne.Ilang saglit ay tumunog ang cell phone ni Dianne. Text message iyon mula kay Gemma.‘’Umuwi na ako dito sa bahay ng mga magulang ko. Thank you nga pala sa adviced mo kanina sa akin,’’ binasa iyon ni Dianne na narinig din ni DJ.‘’Magkasama pala kayo ni Gemma,’’ wika ni DJA na umi
‘’Okey naman kami, salamat nga pala ha?’’ Sabi ni Gemma, kasalukuyan silang nasa National Bookstore para maghanap ng Happy Mother’s Day Letter para ibigay sa ina nito. Nagpatulong si Gemma sa kanya dahil bukas ay mother’s day na. Gusto raw nito bigyan ang ina, pumili na lang din siya ng ibibigay sa kanyang ina. Gusto niya rin na bigyan ang kanyang ina. Dahil gusto niyang maging masaya ito sa araw ng mga ina, ipapadala niya na lang sa Bacolod sa kanilang bahay. Bilhan niya na lang din ng gift, balak niyang bilhan ng kwentas na regalo sa ina, pure gold. Saka magpapadala siya ng pera para makahanda sa bahay nila at saka cake. Tatawagan niya mamaya ang bunsong kapatid niya na ito ang bahalang mag-asikaso, sasabihin niya sa kapatid na sorpresahin ang ina, ang bunsong kapatid niya ang kokontakin dahil alam niyang ito na lamang na kapatid niya ang naiwan sa kanilang bahay, mahilig kasi ang nanay niya sa dramatic effect at mga sorpresa. Alam niyang nagsibalikan na sa kani-kanilang trabaho ang
Umiiyak si Donya Consuelo nang tumawag kay DJ. Pauwi na nang mga sandaling iyon si DJ galing sa kanyang trabaho nang tumawag ang kanyang ina, umiiyak ito. Nasa nilang mag-asawa ang mga magulang niya, naroroon ang ama at ina sa kanilang bahay upang pigilan si Dianne dahil nag-empake na ang kanyang asawa, aalis na raw ito. Huminga siya ng malalim habang nagmsamaneho, binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan baka hindi niya maabutan ang kanyang minamahal na asawa. Nang malapit na siya sa gate ng kanilang bahay ay wala siyang tigil sa pananalangin na sanahindi matutuloy ang pag-alis ng asawa niya.Nang makapasok na si DJ sa gate ay agad niyang hininto ang sasakyan sa harap ng bahay nila at tumatakbong tumungo sa kanilang kwarto. Nakita niya ang kanyang ina na umiiyak, naroroon din ang kanyang ama.‘’Jiha. Pakiusap wag ka nang umalis,’’ narinig niyang sabi ng kanyang ina.Nang makalapit siya sa asawa ay agad siyang lumuhod. ‘’Kung anuman ang problema pag-usapan natin, babe. Please…gagaw
Lumapit si Athena kay Dianne laking gulat ni Dianne nang bigla itong yumakap sa kanya."Sorry, sa inasal ko, I really miss you na friend" wika nito.Napayakap na rin siya sa kaibigan,sa totoo lang na miss niya na rin ito. Hindi inaasahan ni Dianne nang yumakap si Athena sa kanya, matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na iyon. Na muling manumbalik ang magandang pagkakataon ng pagkakaibigan nila. Hindi nya napigilang mapaluha habang nakayakap sa kaibigan.FEW HOURS AGO...Athena's POV Hindi niya napigilan na tumulo ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata habang binabasa ang birthday letter ni Dianne kasama ang regalo ng kaibigan nang kaarawan niya.To the most beautiful friend of mine, Happy Birthday!Hopefully, bigyan mo ng pagkakataon at basahin ang sulat ko. Na miss na kita, friend...na miss ko na ang kaibigan kong si Athena, na miss ko na ang bonding natin. Ang makasama ang makulit at jologs kong mga kaibigan. Salamat pala nang dahil sayo nakilala ko rin sina
Napakunot ng noo si Amy nang dumating sa bahay nina DJ at Dianne.Ang kaninang inis at galit ay napalitan ng damdaming pananabik...sabik itong makalaro ang mga kaibigan. Sabik na itong makabonding ulit na kumpleto ang mga kaibigan. Na miss na niya ang mga ito. Miss na miss...Sobra!Bago dumating si Amy...Takip silim, habang nag iinuman sina DJ at Kier, nagtaka sila nang makita sina Dianne, Athena at Dansel na parang mga batang naglalaro at naghahabulan . Masaya at nagtatawanan na may bitbit na water gun, binabaril ang isa't isa ng tubig na bala. Tumatakbo ang mga ito patungong kinaroroonan nila sa hardin. Natatawa na hinahabol ni Athena si Dianne. Tangkang barilin sana si Dianne. Na Tangkang mabasa ngunit sinalo ni DJ kaya ito ang nabasa."Alam mo,parang saviour at knight in shining armour ka ni Dianne palagi mo na lang siyang sini save. Noon sa tuwing malasing siya at mawalan ng malay, sinasalo mo siya para di matumba sa sahig, ngayon naman para hindi siya mabasa." Wika ni Athena."
Tamang-tama dahil meron na thirty employees ang kompanya ni DJ, isinama niya narin ang janitor at pantry na parehong lalaki. Hinati niya ang mga ito sa dalawang grupo at dalawang team. team A at B. Bawat grupo ay mayroong fifteen na members. Sinabi ni DJ na meron lucky prize na thirty thousand ang team na mananalo para maganahan ang mga ito sa laro. Ang talo naman ay siyang magsisilbi sa team na nanalo kapag na naroroon na sila sa Boracy, ibig sabihin silas ang maghahanda ng food at ibang mga kakailanganin pag naroroon na sa ila.Sumali rin sina Kier, Dianne, Athena, Dansel at Amy wala rin naman daw silang gagawin at gustong makisabay sa mga empleyado. Sumali na rin si DJ sa larong basketball as coach, ganon din si Kier coach din. Nagbunut-bunot pa sila kung saang team sila. Si Dianne at Athena ay given na doon di9n kasali kung saang team ang nabunot ng mga husband nila. Team A si Kier at Athena, Team B naman si DJ at Dianne sina Amy at Dansel ay nagbunot din kasama nina DJ at
Pagkatapos nilang magcheer and yells ay nun lamang tinawag ni DJ ang lahat ng basketball players ng team nila, kinausap niya ang mga ito.Nang nagtipun-tipon na ang team basketball players ay lumapit si Dianne kay DJ at kinausap kung pwede bang isali pati ang sa cheer andyells dahil mas maganda kung lahat ng mga ito ay makarinig ng positive motivations, pumayag naman si DJ. Kaya pumaypay ng kamay si Dianneat nagsenyas sa mga kasamahan at kay Amy na lumapit sa kanila, lahat naman ng mga ito ay nagsitayo sa mda upuan at lumapit sa kinaroroonan nila.Ipinaliwanag ni Dianne sa kanila ang gagawin kaya lahat sila ay nagtipon kasama ang mga basketball team players.Saka nagtipon-tipon silang lahat ng team B,pinatapos ni Dianne magsalita si DJ saka humingi ng permiso sa lalaki kung pwedesiyang makapagsalita. Iniimagine niya naq nasa peptalk siya sa mgatauhan bilang finance manager.'' Isipin nyo lamang kung paano kayo makakapuntos, manalo o matalo tAyo at least lumaban tayo at ginawa nati
Huling naganap...Bitbit ni Dianne ang kanyang maleta habang palabas ng bahay, buo na ang kanyang desisyon na umalis at iwan si DJ.Sa Pagpapatuloy...Kahit na mahirap man gawin at isiping iiwan niya ang asawa ay kailangan niyang gawin iyon...hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapakanan ng kanyang mga anak na binubuntis. Ganun pala kapag ina ka, kailangan mong magsakripisyo, at hindi mo na iniisip ang sarili mong nararamdaman...ang nasasaktan mong puso dahil lahat ay gagawin mo para lamang sa kabutihan ng mga anak mo. Iyon ang nawika niya sa kanyang isipan. Nang dumaan siya sa sala nakita niya ang dalawang katulong na nagtataka. Hindi siya kumibo dumiretso lamang siya sa paglalakad.Pagdating niya sa labas ng mayor na pintuan nakasalubong niya si Mang Victor, ang kanyang personal driver."Saan po kayo pupunta, Maam Dianne? Gabi na po ito" nagtataka na tanong ni Mang Victor."Aalis na po ako dito sa bahay, Mang Victor" sagot niya."Po?"Kumunot ang noo nito at biglang lumungkot
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nang makita ni Gemma na nagpaalam si DJ na magcr ay nagcr din sya para sundan si DJLaking tuwa niya nang naroroon na sa lobby ng cr, walang ibang tao roon. Hindi niya alam kung may mga tao sa loob ng cr ng mga lalaki, basta ang alam niya nang pumunta siya sa cr ng mga babae, walang tao doon. Muli siyang tumungo sa lobby at hinintay doon si DJ. Sa isip niya na gagawin ang lahat para masira si DJ at Dianne. Laking gulat ni DJ nang makita si Gemma, at lalo pa siyang nagulat nang lumakad ito palapit sa kanya ng diretso at hinalikan siya sa labi. Sa pagpapatuloy...Hindi inaasahan iyon ni DJ kaya sa pagkabigla ay huli ng maawat ang babae.Ilang minuto ang nakalipas...Hindi mapakali si Dianne, nasa isip na baka magkurus ang landas ni Gemma at DJ, baka kung anupa ang maaring gawin ng asawa niya kay Gemma kaya tumayo siya mula sa inuupuan at nagpaalam na pupunta ng cr. Nakisabay si Dansel sa kanya dahil ihing ihi na raw ito, kaya magkasabay sil
Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Napabulalas sa gulat ang ina ni Dianne na si Aling Marilyn nang makita ang mukha ni DJ,napasign of the coss pa ito halos nagkapantal pantal ati ang leeg ng lalaki, nakauwi na sila sa bahay ng ga magulang ni Dianne at kakarating lamang. Sa Pagpapatuloy.... Ipinaliwanag ni Dianne sa kanyang ina kung ano ang nangyari, nang kausapin sya nitong mag isa sa kusina, wala doon ang kanyang ama dahil naroon ito sa bakery shop na binigay niyang negosyo noon para sa kanyang mga magulang. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa asawa mo, parang pinaparurusahan mo kasi siya, nang dumating kayo dito una niyang ginawa na pinagawa mo ay nagtinda xa sa palengke ng dinaing na babgus na tinitinda ni Melchor, kinabukasan nun pinasama mo naman sa pangingisda sa laot tapos nang pumunta kato kay tyong Alberto mo pinaakyat mo naman si DJ sa puno ng mangga na maraming malalakinh pulang langgam"wika ng kanyang ina. "Hindi naman po, dala lang seguro ng b
Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Kinakanta ni DJ ang 'Everything I Do, I Do It For You' habang iniisip na gusto lamang ipadama sa kanyang asawa ang tunay niyang nararamdaman at nais nya rin ipabatid sa maraming tao kung gaano niya ito kamahal. Sa Pagpapatuloy... Pagkatapos na kumanta ang lahat ng mga contestants ay tumayo silang lahat sa stage na magkahawak ng kay, tatawagin a at hihirangin ang nanalo g third, second, first prize at grand champion ng singing contest. Ang third prize ay makakatanggap ng five thousand, second ten thousand, first twenty thousand at ang hihirangin na grand champion ay makakatanggap ng thirty thousand at trophy. Habang nakatayo si DJ sa stage kasama ang ibang mga contestants, nasa isip nya na hindi na sya umaasa na manalo sa singing contest na iyon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay mapahiwatig sa kanyang asawa ang kanyang nararamdaman at nais ipabatid at ipahayag sa harap ng maraming tao na ipinagmamalaki niyang makilala ito at sabihin na mahal
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pumayag na sumali si DJ sa singing contest.Sa Pagpapatuloy...Habang kumakanta si DJ sa gitna ng entablado at hawak ang gitara na hiniram kay Mark, hindi mapipigilan ni Dianne ang sarili na mapangiti. Lalo na nang marinig niya ang kinakanta ng asawa ay 'Everything I Do, I Do It For You' ni Bryan Adams. Naalala niya palagi niyang pinapakanta si Mark ng kantang iyon at habang pinapakinggan ang kantang iyon noon. She's drowned in imagination nay lalaking magmamahal sa kanya, whoever she is..at kaya siyang tanggapin anupaman ang hitsura niya...tapos ay gagawin nito ang lahat para sa kanya. Napabuntong hininga siya, ewan ba niya kung...itutuloy pa kaya niya ang kanyang binabalak na gawin at ipapagawa sa asawa? Napapikit siya' Hayan ka naman! Isipin mo ang kabutihan at kapakanan ng mga anak mo! Wag kang magpalinlang at magpadala sa iyong emosyon!' Galit na sigaw ng kanyang kumukontra na isipan niya. Nag aalala rin siya sa maaring mangyayari kay D
Naganap sa nakalipas na kabanata...Malapad ang pagkangiti ni Gemma habang umiinom ng red wine kasama at kausap si Ulga.Sa Pagpapatuloy...Nabalot ng saya ang puso at damdamin ni Gemma habang pinapakinggan ang kwento sa kanya ni Ulga tungkol sa naging reaksiyon at usapan nito ni Dianne hingkil sa mga hindi maganda na kwentong ginawa gawa ni Ulga para maging masamang tao si DJ sa paningin ni Dianne.Napangiti si Ulga nang muling nagsalita,"Buti na lang, Madam, hindi ako nahirapan na hanapin siya sa karnehan ng baboy sa palengke, gaya ng sabi mo kung saan siya naroroon. Dahil siya mismo ang lumapit sa akin kakapasok ko palang sa entrance" wika ni Ulga , sinabihan siya ni Gemma kung saan makikita si Dianne dahil nagkaroon ng ideya sapagkat bago natapos ang usapan nila ni Dianne sa cellphone ay tinanong na niya si Dianne kung saan ito banda sa palengke at maseguro na makita ito ni Ulga at makausap. Plano niya sanang makipagkita kay Dianne kaya tinawagan niya ito upang maseguro na hindi
Naganap sa nakalipas na kabanata....Nagulat sina Dianne at ang nanay niya sa harana ni DJ isang hapon.Sa pagpapatuloy...Nang hapon na iyon, narinig ng nanay ni Dianne ang magandang boses mula sa labas ng bintana ng kanilang bahay habang gumagawa ng burda ang kanyang ina at si Dianne naman ay naaaliw na pinapanood ang kanyang ina. Napatigil ang kanyang ina sa ginagawa nito nang marinig ang magandang tinig na iyon."Naririnig mo ba? May naghaharana yata sa labas" Sabi kanyang ina sa kanya."Baka si Mark lang yan" sagot ni Dianne. Ang tinutukoy nya na Mark ay ang kapatid na si Mark Francis, ang piloto niyang kapatid na dumating habang nasa palengke pa siya. Dumating ang kapatid para magbakasyon, mahilig kumanta at maggitara ang kanyang kapatid at bukod pa roon ay maganda ang boses nito sa pagkanta."Hindi naman mahilig kumanta ang kapatid mo ng lumang tugtogin, malimit ay modernong kanta ang kinakanta niya" wika pa ng kanyang ina."Nay, parang anga naman kung sakaling may naghaharana
Ang mga naganap sanakalipas na kabanataNang mag isang pumunta si Dianne sa palengke ay nakiita niya ang babaeng nakasama ni DJ sa picture na katabi ni DJ sa kama at pareho ang mga ito na walang damit. Kasalukuyan silang nasa batchoy resto para mag usap at galit na galit ang babae habang nagsasalita tungkol kay DJ.Sa Pagpapatuloy...Nakikinig si Dianne sa babae habang galit na galit itong nagsasalita, pareho nilang hindi pinansin ang order nilang batchoy na ngayon ay nakalagay na sa mesa. Sa totoo lang pwede niya sanang pagalitan ang babae na kaharap niya ngayon dahil nagkaroon ito ng affair sa asawa niya. Pero mas pinili niyang pakinggan ito."Ano ba ang nangyari?" sa wakas ay tanong na bumitaw mula sa kanyang pananahimik.Saglit na napatigil ang babae, "Pasensya ka na hindi na ako nakapakilala sayo. Nadala kasi ako sa aking emosyon at galit sa asawa mo. " Sabi nito at huminga ng malalim. "Ako nga pala si Ulga dela Vega" pakilala nito, umiwas ito ng tingin sa kanya at yumuko. "Alam
Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...Agad na nakatulog si DJ Pagdating ng lalaki galing sa pangingisda sa laot.Sa Pagpapatuloy...Nang maramdaman ni Dianne na mahimbing na nakatulog ang asawa, iminulat niya ang kanyang mga mata.Tinitigan niya ang mukha ni DJ, naalala niya nang unang beses niya itong tinitigan. Hindi niya akalain na sa pagtitig niyang iyon, ay yon noon ang simula na mahuhulog ang loob sa lalaki. Tinitigan niya ito mula sa mga kilay nito hanggang bibig, ang gwapo talaga ng asawa niya.Sino ba naman ang mag aakala na ang gwapong tulad ni DJ ay magkakagusto sa isang hamak na pangit katulad niya? Na mahuhulog ang loob sa kanya, iibigin siya at pakakasalan. Parang imposible! Unless, lang kung meron ngang binabalak na gawin si DJ upang sirain siya! Tama nga seguro si Gemma. Ngunit hinding hindi siya papayag na mangyari iyon. Lalo na kung kinabukasan ng mga anak nila na dinadala niya ang nakasalalay dito, ibang usapan na yon! Masira lang siya, wag lang ang mga anak niy