Hello, dear readers! Bless morning! Sisikapin kong makapglapag ng 10 chapters today! Abangan pa ang mag susunod na chapters! Ingats always and God bless you all! <3
Nang matanggap ni Giovanni ang video galing kay Sander, ay akala niya simpleng CCTV lamang ‘yon, but when he saw kung ano ang nangyayari sa video ay mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang cellphone. Tears fell down on his face. Kitang-kita niya kung paano matakot, umiyak, at masaktan si Fatima.He immediately called Sander. “Find that fvcking man, at iharap mo siya sa akin. Don’t hurt him, ‘cause I will be the one who will cut his head.” malamig at puno ng galit niyang sambit.Hindi na niya napigilan pa na ibato ang kaniyang cellphone dahil sa galit. Tumama ‘yon sa pader, at lasog lasog na ito’t hindi na mapapakinabanagan pa. He slowly sits at the bench and holds his head.“Bakit ba nangyayari sa akin ‘to? Bakit kay Fatima pa? She’s pure and innocent, mas lalong-lalo naman ang anak namin.” sunod-sunod na tanong ni Giovanni sa kaniyang isipan. He suddenly remember Fatimas’ family, at ganon’n din ang kaniyang ama.“Bakit nila pinapahirapan ng ganito si Fatima? What is the reason why I
“Of course. Ano bang klaseng tanong ‘yan? There's no turning back, when my seed starts growing inside you. Hindi ko kayo hahayaan ng anak natin.” tugon ni Giovanni.Kahit hirap kumilos ay nagawa pa rin ni Fatima na yakapin ng mahigpit si Giovanni. Sumilay ang malamyos na ngiti sa kaniyang labi, at tila napalagay ang loob niya. She knew, Giovanni will be a good father to their child.“H–Handa na ako, Gio…”Napakunot si Giovanni. “What do you mean na handa ka na? Handa ka na saan?” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Giovanni, na tila ba nahuhulaan na niya ang tinutukoy nito.“Handa na akong magpakasal sa ‘yo…”Hindi kaagad nakapagsalita si Giovanni, habang nakatitig sa mga mata ni Fatima na nangingilid na ang luha. Dapat ay matuwa siya, pero hindi iyon ang nararamdaman niya. May halong lungkot at guilt– Nakokonsensya siya.“Are you sure? Hindi mo naman kailangan madesisyon kaagad. I understand–”“Nakapagdesisyon na ako, Giovanni. I trusted you. Ilang beses mo ng iniligtas ang buhay ko
“What? How come he knows me?!” kunot-noong tanong ni Giovanni.“Nakita ka pala nilang umalis ng building kasama ni Fatima. It happens na kilala ka pala nila, at nang dumating ang Daddy mo ay sila na ang nagsumbong sa kaniya, na kaya wala na si Fatima ay kinuha mo ito.”Nagngingit ang ngpin ni Giovanni dahil sa galit. “Putang’na, talagang hay0p na ‘yan. Hinding-hindi ko ‘yan bubuhayin.” tugon ni Giovanni.“Paano na ang gagawin natin nito?”“Don’t worry about Dad. Ako na ang bahala sa kaniya. Pahirapan niyo ang gag0ng ‘yan, pero huwag niyong papatayin dahil ako ang tatapos sa buhay niya.”“Got it, Dude.”Ibinaba na ni Giovanni ang tawag. Hindi niya alam kung ano ang dapat uunahin niya ngayon, pero as mabuti yatang maikasal na talaga sila ni Fatima sa lalong madaling panahon. Wala na siyang maitatago pa sa kaniyang ama. At natitiyak niyang ipinapahanap na siya nito.Sunod na tinawaan ni Giovanni ang kilala niyang Mayor, at sunod naman ay ang hair and make up artist na siyang mag-aayos ka
Nang matapos ayusan at magbihis ni Fatima ng tanging hospital gown, ay pumasok siya sa kaniyang hospital room. Napaawang ang labi niya nang makita na kahit pa paano ay may mga disenyo ng bulaklak.The room wasn’t adorned with so many flowers, pero sapat na ang iilan upang magbigay buhay sa paligid. Wala ring mga grand display of luxury, but to her, it was perfect. Naroon si Katie sa gilid at masayang pumapalakpak habang katabi nito si Sander.Lumapit si Giovanni sa kaniya and he stood beside her, wearing the same hospital gown as her, his hand gripping hers tightly as if to assure her that they were in this together.Gusto niyang matawa dahil ang tila tema ng kasal nila ay hospital patient theme.‘I can’t believe this is happening... here, in a hospital room. Hindi ganitong klaseng kasal ang pinapangarap ko, pero sapat na ‘to at masaya ako na si Giovanni at ako... we're finally together. Nothing else matters.’ wika ni Fatima sa kaniyang isipan.She turned her head and smiled weakly at
Giovanni’s Point of View“Hindi ako makapaniwala dito sa naging desisyon mong ‘to.” sambit ni Sander habang nasa hindi kami kalayuang puwesto sa loob ng hopsital room ni Fatima.“Psh. Ano naman ang hindi kapani-paniwala dito? This is just a wedding.” tugon ko.“Just? Baka nakakalimutan mo, Giovanni, nakatali ka na ngayon. No more happy going!” sabay tawa ni Sander.Napailing ako. “Kasal lang ako, but it doesn’t mean na hahayaan kong maging malungkot ang buhay ko, especially my sex life.”“That’s fvcking Giovanni I know more than my life!” natatawang sambit pa ni Sander.Napaisip ako. Isang kasal-kasalan lang ba talaga ‘to para sa akin? Pero bakit gano’n? Pakiramdam ko ay nadadala na ako ng emosyon ko— na para bang may nararamdaman na ako para kay Fatima nang higit pa sa iniisip ko.Iwinaksi ko sa aking isipan ang mga salitang ‘yon.“Saan niyo nga pala itinago ang gag0ng nambastos kay Fatima?” tanong ko kay Sander.Napakunot ng noo si Sander. “It’s your wedding day, huwag mo na isipin
Fatima’s Point of ViewHinintay ko ang pagbalik ni Giovanni, ngunit dala na rin siguro ng pagod at mga gamot na itinuturok sa akin ay tuluyan akong nakatulog.Madilim pa rin ang silid nang magising ako, naramdaman ko ang bigat ng kama na tila may tumabi sa akin. Napapitlag ako, ang kaba at takot ay biglang bumalot sa akin. Mabilis na naglaro ang mga tanong sa isip ko— sino ang nasa tabi ko? Pero bago pa ako magpanik, narinig ko ang pamilyar na boses, malalim at kalmado, na agad nagpaalis ng aking pangamba.“It’s me, wife, nagising ba kita?” tanong ni Giovanni, ang tono niya’y banayad, puno ng pag-aalala.Kaagad akong kumalma, ang takot ko'y napalitan ‘Wife’— asawa na niya ako. Parang panaginip, pero totoo. Ako, si Fatima, ang asawa ni Giovanni. Hindi ko mapigilan ang pagngiti, kahit pa mahina pa ako mula sa sakit at sa mga gamot na itinurok sa akin.“Giovanni…” mahina kong bulong.Dahan-dahan siyang lumapit, ipinulupot ang braso niya sa akin, marahang hinahaplos ang buhok ko. Ramdam k
“What is this? Sugat ba ‘to? Nakipag-away ka ba?” napalitan ng pag-aalala ang boses ko.Nakatingin pa rin ako sa kamay ni Giovanni, ang mga kamao niya pulang-pula at may bahagyang sugat sa kanan. Hindi ko maiwasang itanong kung saan galing iyon.Ibinaba niya ang tingin, at tila iniisip ang susunod na sasabihin bago tumitig pabalik sa akin, isang pilit na ngiti ang bumungad.“Hmm. Hindi ko lang siguro napansin, baka noong nag-CR ako dito sa hospital, nasira ‘yung pinto at ito ang naipang harang ko kaya siguro nagkasugat ako.” tugon ni Giovanni, kaswal ang tono, na para bang wala siyang pakialam.Pero hindi ako nakumbinsi. Kilala ko si Giovanni kahit sa maikling panahon pa lang, at alam kong hindi siya basta-bastang nakakalimot ng mga bagay, lalo na’t tungkol sa sarili niyang katawan. Bukod pa roon, ang sugat sa kamao niya, mukhang galing sa pagsuntok, hindi mula sa isang pinto.May sinuntok ba siya? May nakaaway ba siya? Pero sino?Lumapit ako nang bahagya, pinipilit siyang makipag-eye
Pagpasok pa lang namin sa condo unit, kaagad kong naramdaman ang pamilyar na vibe ng lugar. Parang may kung anong hinahatak sa alaala ko habang tinatanaw ko ang bawat sulok. Nang mapansin ko ang mga gamit sa paligid, lalo na ang mga paborito kong dekorasyon at gamit, hindi ko na napigilang itanong.“Giovanni... ang mga gamit... Gamit ko ang mga ito, 'di ba?” tanong ko, halos hindi makapaniwala.Ngumiti siya at inakbayan ako. “Yes, pinakuha ko ang mga gamit mo sa bahay niyo.”Napasinghap ako sa gulat. “Mabuti at hindi tumutol si Daddy?”"Hindi naman, dahil pinanakaw ko lang ang mga 'yan,” sagot niya, sabay tawa ng malakas.Napahagalpak din ako ng tawa, hindi mapigilan ang pagtawa sa kalokohan niya. Sino bang gagawa ng ganoon? Pero si Giovanni, he’d do anything for me— kahit pa manakaw ang sarili kong mga gamit.Habang tinitingnan ko ang paligid, naramdaman ko ang ginhawa ng pamilyaridad. Lahat ng ito ay akin, ang bawat bagay sa unit ay may kinalaman sa akin. Ngunit may isang bagay na t
Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng silid. Nang marinig ang unang putok ng baril, agad na kumilos si Giovanni, mabilis at determinado. Tinamaan ang isa sa mga tauhan ni William sa balikat, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak nang malakas sa sahig. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nag-aksaya ng oras si Lydia. Hinawakan niya nang mahigpit si Fatima at mabilis itong kinaladkad palabas ng silid. Halatang takot si Fatima, nanginginig ang buong katawan, ngunit wala siyang magawa kundi sumunod kay Lydia, na nagmamadaling maghanap ng ligtas na lugar sa lumang gusali.“Giovanni! Tumigil ka! Alam mong wala kang laban sa akin!” malakas na sigaw ni William habang nagtatago sa gilid ng pinto, iniiwasan ang mga bala ni Giovanni.“Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, titiyakin kong hindi mo na magagawa ulit ito!” sagot ni Giovanni na puno ng galit, habang patuloy na nagpapalit ng posisyon upang maiwasang maging target ng mga natitirang tauhan ni William. Ang kanyang mga mata ay puno ng det
Dumating sina Giovanni at Lydia sa airport sa Manila. Malakas ang hangin dahil sa amihan, at naririnig mula sa malayo ang mahihinang tunog ng lungsod kahit tahimik ang gabi. Naunang bumaba ng eroplano si Giovanni, bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon, habang kasunod niya si Lydia, mabigat pa rin ang dalahin ng konsensya sa kanyang balikat.“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Lydia habang papunta sila sa isang itim na kotse na inihanda na ni Giovanni.“Hahanapin natin ang safehouse,” sagot ni Giovanni nang walang emosyon. “May sinabi kang clue— ikwento mo lahat ng naalala mo sa sinabi ni Dad.”Sandaling tumigil si Lydia bago sumagot habang sumasakay sila sa kotse. “Ang alam ko lang, isa itong lumang ari-arian niyo malapit sa museo sa Bulacan, isa sa mga dating safehouse ng Daddy mo. May nabanggit siyang simbahan na malapit doon, pero hindi siya malinaw.”Sumingkit ang mga mata ni Giovanni habang unti-unting nabubuo ang naiisip niyang lugar.“Museo? Tama, marahil ang tinutukoy ni Da
Giovanni sat in his dimly lit apartment, staring at the small photograph of his wife. The image had worn edges, his thumb tracing the familiar contours of Fatima’s face. His conversation with Sander echoed in his mind. “Dig deeper.” Could there be a connection between the mysterious woman and his wife?He rubbed his temples, frustration boiling in his chest. “This doesn’t make sense,” he muttered.A sharp knock on the door startled him. Giovanni stood, hesitating before approaching. His hand hovered over the doorknob. Sino kaya ito, at ganitong oras pa? Slowly, he opened the door.Standing there was Fatima—no, Lydia—her face illuminated by the dim hallway light. She wore a gentle smile, but something in her eyes made Giovanni uneasy.“Fatima?” Giovanni’s voice was barely above a whisper.Lydia tilted her head, a playful smirk forming on her lips. “Naalala kita, Giovanni. Hindi ko rin maipaliwanag, pero parang may koneksyon talaga tayo.”His heart raced as confusion clouded his thought
“Who are you?” tanong ni Giovanni.“I’m Fatima, Fatima Vega. Ikaw sino ka ba? Kilala ba kita?” kunot na tanong ng babae.Nanlata si Giovanni. Hindi ang asawa niya ang narito kundi kapangalan lang ni Fatima. Akala niya makikita na niya ang asawa niya. Giovanni slumped into the wooden chair by the window, his gaze fixed on the woman before him. She had the same name, at may hawig ito ni Fatima, and yet, she wasn’t her.The woman still standing, crossed her arms, studying Giovanni with suspicion.“Bakit parang kilala mo ako? Para kang nakakita ng mutlo.” She tilted her head, a trace of curiosity breaking through her stern tone.Giovanni hesitated, his voice trembling. “I… I’m sorry. Hindi kita dapat nilapitan ng ganito. It’s just... you look exactly like my wife. At ang pangalan mo pa—” He broke off, looking away, swallowing the lump in his throat.“Wife?” Fatima’s brows furrowed. “Saan siya ngayon? At paano naman tayo nagkakilala kung ganon?”“She’s…” Giovanni’s voice faltered, the wor
Madilim ang gabi, ngunit maliwanag ang buwan na tila nagmamasid mula sa kalangitan. Habang naglalakad si Giovanni sa kahabaan ng ospital, hawak ang envelope at sulat, napansin niyang may liwanag mula sa maliit na chapel sa loob ng compound. Nagdesisyon siyang pumasok, tila hinahatak ng tahimik na panawagan mula sa loob.Sa loob ng chapel, nakita niya si Mayvel, nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tumayo siya nang makita si Giovanni at lumapit nang may maingat na ngiti. "Hindi ko alam na pupunta ka rito. Hindi ka ba makatulog?" "Paano ako makakatulog, Mayvel? Nalaman ko na ang dahilan ng lahat, pero parang mas lalo akong nawasak. Bakit ganoon? Kapag mas lumalapit ako sa sagot, mas lalong nagiging masakit ang katotohanan." "Hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Ang mahalaga ngayon, alam mo na ang katotohanan. At mula rito, maaari kang gumawa ng hakbang para ayusin ang lahat." "Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko siya haharapin, lalo na't alam
Pagkatapos ng mahaba at emosyonal na araw, naupo si Giovanni sa isang bangko sa hardin ng ospital. Tahimik niyang hawak ang sulat ni Fatima, paulit-ulit na binabasa ang bawat linya. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila sinasalamin ang lungkot sa kanyang puso. Dumating si Mayvel, dala ang dalawang tasa ng mainit na kape, at maingat na umupo sa tabi niya.“Hindi ka na naman kumain, Giovanni. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas.” sambit ni Mayvel. Bahagyang napangiti si Giovanni habang nakatingin sa sulat. “Hindi ko naman napapansin ang gutom. Mas iniisip ko kung nasaan si Fatima ngayon. Anong ginagawa niya? Masaya ba siya? Napatawad na kaya niya ako sa mga pagkukulang ko noon?”Tumingala si Mayvel sa buwan, tila nagmumuni-muni) “Sa tingin ko, Giovanni, hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad sa kanya. Mahal ka niya, alam ko iyon. Pero baka ang sarili niya ang hindi niya mapatawad.”Napabuntong-hiningadi Giovanni. “Bakit kailangan niya lumay
“Giovanni, nakita ko siya. Nasa Maynila siya ngayon, pero hindi pa siya pwedeng puntahan. Kailangan natin ng kaunting oras." “Maynila? Anong ginagawa niya roon? At bakit hindi ko siya puwedeng makita? Sander, matagal na akong naghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal.” “Giovanni, kalma. May mga bagay na masalimuot, at may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero huwag kang mag-alala, tinutulungan ko na siya. Importante lang na maging matatag ka.” Nanatiling tahimik si Giovanni, pilit inuunawa ang mga sinabi ni Sander. Ngunit ang puso niya ay nag-uumapaw sa halo-halong emosyon—pag-asa, pagkabigo, at pangungulila. “Hindi ko maintindihan, Sander. Kung mahalaga ako kay Fatima, bakit siya lumayo? Bakit hindi niya man lang sinubukang makita ako kahit isang beses mula nang magising ako?” Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Sander. “Giovanni, maybe may rason siya. Pero hindi ako ang nararapat magsabi sa 'yo ng lahat ng iyon. Hintayin mo siya. Bigyan mo siya
Biglang bumukas ang pintuan ng silid, at sa pagbukas nito ay pumasok si Mayvel, bitbit ang anak niyang si Joshua. Napuno ng ingay ang tahimik na silid sa boses ng masiglang bata. “Tito Giovanni!” tumakbo ito papalapit sa kama, halatang sabik makita siya. Napatingin si Giovanni sa pumasok. Sa unang saglit, ang mukha niya ay puno ng pag-asa, umaasang ang makikita niya ay si Fatima. Ngunit nang makita niyang si Mayvel at Joshua ang dumating, bahagyang naglaho ang ngiti niya. Mabilis naman niya itong itinago at ngumiti ng bahagya habang sinalubong ang bata. Hinaplos ni Giovanni ang ulo ni Joshua. “Uy, Joshua, kamusta ka? Mukhang mas masigla ka pa ngayon kaysa noong huli kitang nakita.” Umupo si Joshua sa gilid ng kama at masayang nagkukwento. “Tito, ang dami ko nang natutunan sa school! Tapos kahapon, naglaro kami ng basketball ng kaklase kong si Ronnie sa park. Tinalo ko siya! Ang galing ko, ‘di ba?” Ngumiti si Giovanni. Ngunit sa likod ng ngiti niyang iyon, naroon ang bahagyang lung
THE FOLLOWING WEEK – SWITZERLANDSa gitna ng isang tahimik na umaga, abala si Fatima sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Ang araw ay bahagyang sumisilip sa ulap, at ang hangin ay may dalang lamig ng tagsibol. Nasa tabi niya si Amanda, umiinom ng kape habang nagmamasid sa paglalaro ni Marcus at Bruno sa damuhan.“Mukhang mas lumalakas ang mga pangarap ng prinsipe natin, ah. Kahapon, bayani. Ngayon, parang gusto nang maging astronaut.” natatawang sambit ni Amanda.Natawa rin si Fatima. “Kung saan-saan na kasi niya nakikita ‘yung mga laruan niya. Minsan may espada, minsan may helmet. Sobrang creative na bata nitong si Marcus.”Habang nag-uusap sila, biglang pumasok sa gate ang isang lalaki— matangkad, may maayos na pananamit, at may dalang brown na envelope. Agad na napansin ito ni Fatima.Bahagyang lumapit si Fatima.“Yes? What can I do for you?”Ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Ma’am. Are you Fatima Flores?"Nagpalitan ng tingin sina F