Fatima’s Point of ViewHinintay ko ang pagbalik ni Giovanni, ngunit dala na rin siguro ng pagod at mga gamot na itinuturok sa akin ay tuluyan akong nakatulog.Madilim pa rin ang silid nang magising ako, naramdaman ko ang bigat ng kama na tila may tumabi sa akin. Napapitlag ako, ang kaba at takot ay biglang bumalot sa akin. Mabilis na naglaro ang mga tanong sa isip ko— sino ang nasa tabi ko? Pero bago pa ako magpanik, narinig ko ang pamilyar na boses, malalim at kalmado, na agad nagpaalis ng aking pangamba.“It’s me, wife, nagising ba kita?” tanong ni Giovanni, ang tono niya’y banayad, puno ng pag-aalala.Kaagad akong kumalma, ang takot ko'y napalitan ‘Wife’— asawa na niya ako. Parang panaginip, pero totoo. Ako, si Fatima, ang asawa ni Giovanni. Hindi ko mapigilan ang pagngiti, kahit pa mahina pa ako mula sa sakit at sa mga gamot na itinurok sa akin.“Giovanni…” mahina kong bulong.Dahan-dahan siyang lumapit, ipinulupot ang braso niya sa akin, marahang hinahaplos ang buhok ko. Ramdam k
“What is this? Sugat ba ‘to? Nakipag-away ka ba?” napalitan ng pag-aalala ang boses ko.Nakatingin pa rin ako sa kamay ni Giovanni, ang mga kamao niya pulang-pula at may bahagyang sugat sa kanan. Hindi ko maiwasang itanong kung saan galing iyon.Ibinaba niya ang tingin, at tila iniisip ang susunod na sasabihin bago tumitig pabalik sa akin, isang pilit na ngiti ang bumungad.“Hmm. Hindi ko lang siguro napansin, baka noong nag-CR ako dito sa hospital, nasira ‘yung pinto at ito ang naipang harang ko kaya siguro nagkasugat ako.” tugon ni Giovanni, kaswal ang tono, na para bang wala siyang pakialam.Pero hindi ako nakumbinsi. Kilala ko si Giovanni kahit sa maikling panahon pa lang, at alam kong hindi siya basta-bastang nakakalimot ng mga bagay, lalo na’t tungkol sa sarili niyang katawan. Bukod pa roon, ang sugat sa kamao niya, mukhang galing sa pagsuntok, hindi mula sa isang pinto.May sinuntok ba siya? May nakaaway ba siya? Pero sino?Lumapit ako nang bahagya, pinipilit siyang makipag-eye
Pagpasok pa lang namin sa condo unit, kaagad kong naramdaman ang pamilyar na vibe ng lugar. Parang may kung anong hinahatak sa alaala ko habang tinatanaw ko ang bawat sulok. Nang mapansin ko ang mga gamit sa paligid, lalo na ang mga paborito kong dekorasyon at gamit, hindi ko na napigilang itanong.“Giovanni... ang mga gamit... Gamit ko ang mga ito, 'di ba?” tanong ko, halos hindi makapaniwala.Ngumiti siya at inakbayan ako. “Yes, pinakuha ko ang mga gamit mo sa bahay niyo.”Napasinghap ako sa gulat. “Mabuti at hindi tumutol si Daddy?”"Hindi naman, dahil pinanakaw ko lang ang mga 'yan,” sagot niya, sabay tawa ng malakas.Napahagalpak din ako ng tawa, hindi mapigilan ang pagtawa sa kalokohan niya. Sino bang gagawa ng ganoon? Pero si Giovanni, he’d do anything for me— kahit pa manakaw ang sarili kong mga gamit.Habang tinitingnan ko ang paligid, naramdaman ko ang ginhawa ng pamilyaridad. Lahat ng ito ay akin, ang bawat bagay sa unit ay may kinalaman sa akin. Ngunit may isang bagay na t
Naramdaman ko ang sakit sa tiyan ko habang binibigkas ni Giovanni ang mga salitang iyon.Mapanganib…Ang isang salita ay tila nagpatibok sa puso ko, bumalot sa akin ng takot. Agad akong nag-alala. “A–Anong ibig mong sabihin na ‘involved’ siya sa something dangerous?” tanong ko, nanginginig ang boses ko. Nag-aalangan siyang sumagot, tila nahihirapan sa mga salita. “My father has connections na hindi maganda. Maraming tao ang galit sa kanya, at ngayon, nadadamay na tayo.” Naramdaman kong parang bumagsak ang mundo ko sa mga salitang iyon. “Giovanni, anong klase ng koneksyon? Paano tayo nadamay dito?” nagmamadali kong tanong, ang takot at pag-aalala ay namumuo sa aking dibdib. Dahil sa tono ng boses ko, nagdesisyon siyang umupo sa tabi ko sa kama. “I promise, I’ll do everything to protect you. Huwag kang mag-alala,” sabi niya, pero sa boses niya, may kaunting pangamba. “Huwag ako mag-aalala? Giovanni, kasal na tayo! Paano kung may mangyari sa iyo? O sa akin?” puno ng pag-aalala kong s
Giovanni's Point of ViewHabang naglalakad ako palabas ng condo, kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Sander. Kailangan ko ng oras. Alam kong hindi ko pwedeng harapin si Dad sa ngayon, lalo na’t kasama ko si Fatima at may mga bagay akong kailangang unahin—ang kaligtasan niya.“Sander, I need you to do something for me.” sabi ko nang sagutin niya ang tawag.“Naku, ano na naman ito, Giovanni?”Sander sounded cautious. Alam ko na ayaw niyang madamay, pero wala na akong ibang mapagkakatiwalaan.“Tell Dad that I’m out of the country. Sabihin mo na kailangan kong tapusin ang isang urgent business trip.”Tahimik si Sander sa kabilang linya, tila iniisip ang sitwasyon. “What if magalit siya sa akin? Ayokong madamay, dahil alam mo naman kung paano magalit ang Daddy mo.” ramdam ko ang pag-aalinlangan sa boses niya.Huminga ako nang malalim, alam kong tama siya. Alam kong hindi biro ang galit ni Dad, pero wala na akong ibang paraan para mapigilan siyang magsalita ng masyadong maram
Fatima’s Point of View Tahimik na ang gabi, halos wala akong marinig kundi ang mahinang paghinga ni Giovanni sa tabi ko. Pinagmamasdan ko siya sandali, ang kaniyang mukha na tila walang problema sa mundo. Pero sa isip ko, hindi ko maiwasan ang mga tanong na bumabagabag sa akin. Sino nga ba ang Daddy ni Giovanni? Bakit tila hindi niya gaano ito binabanggit? Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng kama at maingat na ini-dial ang numero ng kaniyang Daddy, sinisikap na huwag siyang magising. Habang hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya, mabilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan. Ngunit hindi isang lalaki ang sumagot. “H-Hello? Ito po ba ang cellphone number ng Daddy ni Giovanni?” tanong ko, hindi sigurado kung tama ang na-dial ko. Sa halip na simpleng tugon, narinig ko ang mabigat na boses ng isang babae— tila ba may halong lungkot at pangingilabot sa kaniyang mga salita. “E-Eunice... Anak ko?” sagot ng babae sa kabilang linya, halatang naguguluhan, ngunit may halong pananabik sa ti
Niyakap ko si Fatima, at marahang hinaplos ang kaniyang likod upang pawiin ang pag-aalala sa mukha niya. Nararamdaman kong gusto niya pang magtanong, pero pinipigilan niya. Alam ko, iniisip niya kung sino si Eunice at bakit may ganoong kalituhan sa sagot ng babaeng sumagot sa cellphone ni Dad. “Kumalma ka, Fatima. Huwag mo nang isipin 'yon, baka may ibang Eunice siyang tinutukoy.” bulong ko, sinisikap na gawing mapayapa ang aking tono kahit ako mismo ay hindi mapakali. Pero ang totoo, pati ako ay naguguluhan. Sino ba ang sumagot sa cellphone ni Dad? At bakit tila kilala niya si Eunice? Nag-alinlangan akong itanong ito kay Fatima dahil ayokong magdagdag pa ng pag-aalala. Ngunit gano'n pa man, kung sino man ang babaeng sumagot, ay nagpapasalamat na din ako sa kaniya dahil hindi si Daddy ang nakausap ni Fatima. Kung hindi ay tiyak na katapusan ko na– katapusan na ng mga plano ko. “Giovanni... sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya, pilit na ngumingiti ngunit kita sa mata niya an
Fatima’s Point of ViewNang umalis si Giovanni, tahimik na bumalik ang bigat ng aking damdamin. Sinundan ko siya ng tingin habang nagmamadali siyang pumasok sa lumabas ng condo, halos hindi man lang ako nilingon bago ito tuluyang umlis. Nang mawala na siya sa aking paningin, naramdaman ko ang bigat ng katahimikan na muling bumalot sa buong bahay. Ako na lang ulit. Mag-isa.Hindi niya alam ang tunay na nararamdaman ko. Akala niya ay ayos lang ako, pero sa totoo lang, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari kamakailan. May mga tanong sa isipan ko na hindi ko masagot, mga pag-aalinlangan na hindi ko alam kung paano haharapin. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang may kulang, kahit na nandiyan naman siya?Tumayo ako at naglakad-lakad sa sala, sinubukang iwasan ang pakiramdam ng kawalan. Tumitig ako sa mga larawan namin ni Giovanni na nakasabit sa dingding—masaya, puno ng pagmamahalan. Pero ngayon, bakit parang hindi ko na maramdaman iyon?Sumandal ako sa sofa at binulong sa sar
Habang nagmamadali silang lumabas ng bahay, ang mga yabag ng mga kalaban mula sa dilim ay patuloy na lumalapit. Si Giovanni at ang kanyang grupo ay handa nang makipaglaban. Ang mga mata nila ay puno ng determinasyon at takot—alam nilang bawat galaw ay magdudulot ng buhay o kamatayan.Ngunit, bigla na lamang, may mga kalalakihan na sumulpot mula sa dilim. Lahat sila ay nakaitim, ang mga mukha ay tinatakpan ng mga sombrero at bandana. Agad na nagbanta sa kanila ang presensya ng mga lalaki—ang mga kalaban ba ay dumating na nang buo?"Mga kalaban!" sigaw ni Giovanni, sabay hawak sa kanyang baril. "Maghanda kayo!"Ang mga mata ni Fatima, Mariella, at Sander ay naging alerto. Tumigil sila sa kanilang mga hakbang at naghanda ng kanilang mga armas, ngunit hindi pa man sila nakakalapit sa mga kalalakihan, isang pamilyar na tinig ang narinig nila mula sa likod."Giovanni, itigil mo na!" sigaw ng isang lalaki na pumasok mula sa madilim na bahagi ng bahay. "Hindi kami kalaban!"Nagulat si Giovann
Ang malamlam na gabi ay nagbigay daan sa isang hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari. Mabilis na tumakbo si Giovanni at ang kanyang grupo—si Mariella, Fatima, at Sander—pabalik sa kanilang bahay, ang bawat hakbang ay puno ng kaba at tensyon. Iniisip ni Giovanni ang kaligtasan ng kanyang anak na si Marcus, at ang takot na may mangyaring masama sa kanilang pamilya. Kung hindi sila magmamadali, maaaring huli na ang lahat.Habang naglalakad sila, ang malamig na hangin ay sumasabay sa takot na umaabot mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang mga daliri. Minsan lang siyang magmadali, at ngayon, tila ang bawat minuto ay may buhay at kamatayan na nakataya. Hindi maitatanggi, ang galit at pagkabigo ay sabayang sumasabog sa kanyang isipan. Kung hindi siya nagmadali, hindi lang ang buhay niya ang mawawala, kundi pati na ang pamilya niyang matagal na niyang pinangarap protektahan."Giovanni, kailangan nating magmadali," sabi ni Mariella, habang ang mga mata nito ay nagmamasid sa paligid, til
Samantala si Mariella ay aksidenteng narinig ang pinag-uusapan ng mga taong na utos sa kaniya na patayin si Giovanni. Ang totoo pa lang motibo nito ay para makuha ang kompanya ng Samniego, at patayin pati na rin siya.Habang naglalakad si Mariella sa madilim na kalsada, ang mga saloobin niya ay gumugulo sa kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig—ang mga plano ng mga tao na nag-utos sa kanya na patayin si Giovanni. Hindi lang siya ang target nila. Gamit ang kanyang mga alyado, ang layunin nila ay ang kunin ang buong kompanya ng Samniego, at pagkatapos, tiyak na siya na rin ang kanilang tatapusin. Ang mga mata ni Mariella ay sumabog sa galit at takot. Paano niya nalaman ang mga lihim na ito? Bakit kailangan nilang gawin ito sa kanya at kay Giovanni?"Ang plano mo, Giovanni... hindi ko na kayang maging bahagi nito," bulong niya sa sarili habang mabilis na naglalakad, ang puso ay kumakalampag sa kaba.Naisip niyang kailangan niyang makita si Giovanni, para maipaliwanag
Habang iniisip ni Giovanni ang mga saloobin, nagpatuloy si Mariella sa pagtayo, hindi alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin. Nang biglang may narinig silang tunog ng mga yabag sa labas ng kwarto. Isang seryosong tinig ang dumaan sa silid, at napansin nilang may mga anino na dumadaan sa bintana.Giovanni ay mabilis na tumayo at naglakad papunta sa pinto, pinansin ang tensyon sa hangin. “Nandiyan sila,” ang sabi niya, boses na may kalakip na galit. “I’m sure they’ve been watching us the whole time.”Mariella, na nagsimulang makaramdam ng kaba, ay sumunod kay Giovanni. "Sino sila? Anong gagawin natin?"Giovanni ay nakatingin sa bintana, ngunit hindi tumugon agad. Habang ang ingay sa labas ay lumalakas, natanaw niyang may mga armado na sumusugod sa gusali. "Hindi na nila tayo papakawalan, Mariella," sagot niya sa tono ng kalmado ngunit puno ng determination.Habang ang mga yabag ay naging mas malapit, napansin ni Mariella na ang mga armas ng mga pumasok ay hindi basta-basta. "Mas
Lumipas ang ilang araw, at natagpuan ni Mariella ang sarili niyang nakatayo sa harap ng isang lumang gusali sa downtown, ang unang lokasyon na ibinigay sa kanya ng grupo ni Valderama. Sa loob ng gusali, isang grupo ng mga tauhan ang naghihintay—mga operatiba na gagabay sa kanya para sa pagbabalik niya sa mundo ni Giovanni.Pagpasok niya, sinalubong siya ni Mr. Cortez, may hawak na isang itim na bag. “Dito nakalagay ang lahat ng kailangan mo—damit, pera, at isang bagong phone na may direktang koneksyon sa amin.”Kinuha ni Mariella ang bag at binuksan ito, tinitingnan ang laman. “At ano ang unang gagawin ko?”Ngumiti si Mr. Cortez. “Ang una mong hakbang? Sisiguraduhin mong makikita ka ni Giovanni sa isang sitwasyon kung saan wala siyang choice kundi tulungan ka.”Mariella ay ngumiti nang mapanukso. “At anong klaseng sitwasyon ‘yan?”"Isang pekeng ambush," sagot ni Mr. Cortez habang nag-abot ng isa pang folder. "Isang senaryo kung saan para kang target ng isang assassination attempt. Per
Samantala sa loob ng madilim at mabahong kulungan, nakaupo si Mariella sa isang sulok, nakataas ang isang paa sa bakal na kama habang abala sa pagtalim ng isang maliit na piraso ng kahoy gamit ang isang bato. Ang kanyang mukha ay puno ng inis at pagod. Matagal-tagal na rin siyang nakakulong, ngunit imbes na makisama sa iba, mas pinili niyang makipag-away."Hoy, Mariella," sigaw ng isang matabang preso na si Liza, ang lider ng grupo ng mga babae sa loob ng kulungan. "Balita ko, sinubukan mo na namang bumangga sa mga bantay kanina. Anong akala mo, ikaw ang reyna dito?"Mariella ay nagtaas ng tingin at sinamaan ng tingin si Liza. "At ano naman kung totoo? Mas gusto ko pang mabulok dito nang mag-isa kaysa makisama sa mga katulad niyo."Biglang tumawa si Liza, ngunit ito'y may halong panunuya. "Talaga? Eh, paano kung dumating ang araw na wala kang kakampi rito? Alam mo naman kung anong nangyayari sa mga walang proteksyon sa loob ng kulungan, di ba?"Napangisi si Mariella, itinapon ang pina
Back to normal na ang buhay ni Giovanni, balik siya sa kaniyang pagpapatakbo ng kompanya niya, habang si Fatima ay isang butihing housewife, at nag-aaral na ang kanilang anak na si MarcusIsang tahimik na umaga sa bahay nila. Sa likod ng malalaking bintana ng kanilang sala, kitang-kita ang masilayan ng araw na tumatama sa berdeng hardin. Si Giovanni ay nakaupo sa isang maluwang na mesa, nag-audit ng mga reports ng kompanyang patuloy niyang pinapalago. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ngunit may mga pagkakataon na ang kanyang mga mata ay napapadako kay Fatima, na abala sa paghuhugas ng mga pinggan sa kusina.Si Fatima, suot ang kanyang simpleng puting damit, ay naglalakad mula sa isang sulok ng kusina patungo sa isa, naghahanda ng agahan para kay Marcus. Naisip ni Giovanni kung gaano siya nagpapasalamat sa mga simpleng bagay sa buhay. Sa kabila ng mga komplikasyon ng nakaraan, nakatagpo siya ng kapayapaan sa simpleng buhay na mayroon sila ngayon.Habang abala si Fatima, biglang narinig
Habang patuloy na umiikot ang kasiyahan sa paligid nila, nakatayo si Giovanni sa tabi ni Fatima, ang kanyang braso ay nakayakap sa kanya, at ang kanilang anak na si Marcus ay nasa kanilang gilid. Ang hindi inaasahang pagdating ni William ay patuloy na gumugulo sa isipan ni Giovanni, ngunit alam niyang kailangan nilang magpatuloy. Mas malakas sila ngayon, magkasama.Luminga si Fatima kay Giovanni, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba?" tanong niya nang malumanay, habang ang mga daliri niya ay dahan-dahang dumampi sa kanya.Tumango si Giovanni, kahit na may bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib. "Oo, Fatima. Kailangan kong maging ayos. Para sa iyo, para kay Marcus... para sa ating hinaharap."Si Sander, na matagal nang nanonood mula sa malayo, ay lumapit sa kanila na may tahimik na ngiti. "Giovanni, Fatima, alam kong hindi madali ang bitawan ang nakaraan, pero ngayong gabi... ngayong gabi ay para sa inyo at sa inyong pamilya. Huwag ninyong hayaang mawalan ng liwanag
Dalawang taon ang nakalipas, at ang araw ng kasal ni Giovanni at Fatima ay muling sumik, puno ng pag-asa at pagmamahal. Ang simbahan ay napakaganda, puno ng mga bulaklak at dekorasyong sumasalamin sa kanilang paglalakbay. Ang mga kaibigan at pamilya, pati na rin ang mga taong tumulong at nagsuporta sa kanila, ay naroroon upang makiisa sa pagdiriwang ng kanilang pagmamahalan.Si Giovanni, na nakatayo sa harap ng altar, ay malalim ang pag-iisip. Ang bawat hakbang na ginawa nila ni Fatima ay nagsilbing hakbang patungo sa isang bagong simula, at ngayon, narito siya, handang maglaan ng kanyang buong buhay para sa pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.Habang hinihintay nila ang pagdating ni Fatima, naramdaman ni Giovanni ang isang malalim na kaligayahan. Kasama ang kanilang anak na si Marcus, nakatayo siya sa harap ng simbahan, tinitingnan ang mga mata ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Tiningnan ni Giovanni si Sander, na nakangiti at tumango bilang tanda ng suporta."Giovanni, mal