“What is this? Sugat ba ‘to? Nakipag-away ka ba?” napalitan ng pag-aalala ang boses ko.Nakatingin pa rin ako sa kamay ni Giovanni, ang mga kamao niya pulang-pula at may bahagyang sugat sa kanan. Hindi ko maiwasang itanong kung saan galing iyon.Ibinaba niya ang tingin, at tila iniisip ang susunod na sasabihin bago tumitig pabalik sa akin, isang pilit na ngiti ang bumungad.“Hmm. Hindi ko lang siguro napansin, baka noong nag-CR ako dito sa hospital, nasira ‘yung pinto at ito ang naipang harang ko kaya siguro nagkasugat ako.” tugon ni Giovanni, kaswal ang tono, na para bang wala siyang pakialam.Pero hindi ako nakumbinsi. Kilala ko si Giovanni kahit sa maikling panahon pa lang, at alam kong hindi siya basta-bastang nakakalimot ng mga bagay, lalo na’t tungkol sa sarili niyang katawan. Bukod pa roon, ang sugat sa kamao niya, mukhang galing sa pagsuntok, hindi mula sa isang pinto.May sinuntok ba siya? May nakaaway ba siya? Pero sino?Lumapit ako nang bahagya, pinipilit siyang makipag-eye
Pagpasok pa lang namin sa condo unit, kaagad kong naramdaman ang pamilyar na vibe ng lugar. Parang may kung anong hinahatak sa alaala ko habang tinatanaw ko ang bawat sulok. Nang mapansin ko ang mga gamit sa paligid, lalo na ang mga paborito kong dekorasyon at gamit, hindi ko na napigilang itanong.“Giovanni... ang mga gamit... Gamit ko ang mga ito, 'di ba?” tanong ko, halos hindi makapaniwala.Ngumiti siya at inakbayan ako. “Yes, pinakuha ko ang mga gamit mo sa bahay niyo.”Napasinghap ako sa gulat. “Mabuti at hindi tumutol si Daddy?”"Hindi naman, dahil pinanakaw ko lang ang mga 'yan,” sagot niya, sabay tawa ng malakas.Napahagalpak din ako ng tawa, hindi mapigilan ang pagtawa sa kalokohan niya. Sino bang gagawa ng ganoon? Pero si Giovanni, he’d do anything for me— kahit pa manakaw ang sarili kong mga gamit.Habang tinitingnan ko ang paligid, naramdaman ko ang ginhawa ng pamilyaridad. Lahat ng ito ay akin, ang bawat bagay sa unit ay may kinalaman sa akin. Ngunit may isang bagay na t
Naramdaman ko ang sakit sa tiyan ko habang binibigkas ni Giovanni ang mga salitang iyon.Mapanganib…Ang isang salita ay tila nagpatibok sa puso ko, bumalot sa akin ng takot. Agad akong nag-alala. “A–Anong ibig mong sabihin na ‘involved’ siya sa something dangerous?” tanong ko, nanginginig ang boses ko. Nag-aalangan siyang sumagot, tila nahihirapan sa mga salita. “My father has connections na hindi maganda. Maraming tao ang galit sa kanya, at ngayon, nadadamay na tayo.” Naramdaman kong parang bumagsak ang mundo ko sa mga salitang iyon. “Giovanni, anong klase ng koneksyon? Paano tayo nadamay dito?” nagmamadali kong tanong, ang takot at pag-aalala ay namumuo sa aking dibdib. Dahil sa tono ng boses ko, nagdesisyon siyang umupo sa tabi ko sa kama. “I promise, I’ll do everything to protect you. Huwag kang mag-alala,” sabi niya, pero sa boses niya, may kaunting pangamba. “Huwag ako mag-aalala? Giovanni, kasal na tayo! Paano kung may mangyari sa iyo? O sa akin?” puno ng pag-aalala kong s
Giovanni's Point of ViewHabang naglalakad ako palabas ng condo, kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Sander. Kailangan ko ng oras. Alam kong hindi ko pwedeng harapin si Dad sa ngayon, lalo na’t kasama ko si Fatima at may mga bagay akong kailangang unahin—ang kaligtasan niya.“Sander, I need you to do something for me.” sabi ko nang sagutin niya ang tawag.“Naku, ano na naman ito, Giovanni?”Sander sounded cautious. Alam ko na ayaw niyang madamay, pero wala na akong ibang mapagkakatiwalaan.“Tell Dad that I’m out of the country. Sabihin mo na kailangan kong tapusin ang isang urgent business trip.”Tahimik si Sander sa kabilang linya, tila iniisip ang sitwasyon. “What if magalit siya sa akin? Ayokong madamay, dahil alam mo naman kung paano magalit ang Daddy mo.” ramdam ko ang pag-aalinlangan sa boses niya.Huminga ako nang malalim, alam kong tama siya. Alam kong hindi biro ang galit ni Dad, pero wala na akong ibang paraan para mapigilan siyang magsalita ng masyadong maram
Fatima’s Point of View Tahimik na ang gabi, halos wala akong marinig kundi ang mahinang paghinga ni Giovanni sa tabi ko. Pinagmamasdan ko siya sandali, ang kaniyang mukha na tila walang problema sa mundo. Pero sa isip ko, hindi ko maiwasan ang mga tanong na bumabagabag sa akin. Sino nga ba ang Daddy ni Giovanni? Bakit tila hindi niya gaano ito binabanggit? Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng kama at maingat na ini-dial ang numero ng kaniyang Daddy, sinisikap na huwag siyang magising. Habang hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya, mabilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan. Ngunit hindi isang lalaki ang sumagot. “H-Hello? Ito po ba ang cellphone number ng Daddy ni Giovanni?” tanong ko, hindi sigurado kung tama ang na-dial ko. Sa halip na simpleng tugon, narinig ko ang mabigat na boses ng isang babae— tila ba may halong lungkot at pangingilabot sa kaniyang mga salita. “E-Eunice... Anak ko?” sagot ng babae sa kabilang linya, halatang naguguluhan, ngunit may halong pananabik sa ti
Niyakap ko si Fatima, at marahang hinaplos ang kaniyang likod upang pawiin ang pag-aalala sa mukha niya. Nararamdaman kong gusto niya pang magtanong, pero pinipigilan niya. Alam ko, iniisip niya kung sino si Eunice at bakit may ganoong kalituhan sa sagot ng babaeng sumagot sa cellphone ni Dad. “Kumalma ka, Fatima. Huwag mo nang isipin 'yon, baka may ibang Eunice siyang tinutukoy.” bulong ko, sinisikap na gawing mapayapa ang aking tono kahit ako mismo ay hindi mapakali. Pero ang totoo, pati ako ay naguguluhan. Sino ba ang sumagot sa cellphone ni Dad? At bakit tila kilala niya si Eunice? Nag-alinlangan akong itanong ito kay Fatima dahil ayokong magdagdag pa ng pag-aalala. Ngunit gano'n pa man, kung sino man ang babaeng sumagot, ay nagpapasalamat na din ako sa kaniya dahil hindi si Daddy ang nakausap ni Fatima. Kung hindi ay tiyak na katapusan ko na– katapusan na ng mga plano ko. “Giovanni... sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya, pilit na ngumingiti ngunit kita sa mata niya an
Fatima’s Point of ViewNang umalis si Giovanni, tahimik na bumalik ang bigat ng aking damdamin. Sinundan ko siya ng tingin habang nagmamadali siyang pumasok sa lumabas ng condo, halos hindi man lang ako nilingon bago ito tuluyang umlis. Nang mawala na siya sa aking paningin, naramdaman ko ang bigat ng katahimikan na muling bumalot sa buong bahay. Ako na lang ulit. Mag-isa.Hindi niya alam ang tunay na nararamdaman ko. Akala niya ay ayos lang ako, pero sa totoo lang, hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari kamakailan. May mga tanong sa isipan ko na hindi ko masagot, mga pag-aalinlangan na hindi ko alam kung paano haharapin. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang may kulang, kahit na nandiyan naman siya?Tumayo ako at naglakad-lakad sa sala, sinubukang iwasan ang pakiramdam ng kawalan. Tumitig ako sa mga larawan namin ni Giovanni na nakasabit sa dingding—masaya, puno ng pagmamahalan. Pero ngayon, bakit parang hindi ko na maramdaman iyon?Sumandal ako sa sofa at binulong sa sar
Nang makauwi sila sa condo ay inasikaso kaagad ni Fatima si Giovanni. Tinulungan naman siya ng isa sa mga attendant ng condo building kaya hindi siya nahirapan na dalhin si Giovanni papasok ng condo unit nila. Tinaggap niya ang suot nitong sapatos at kumuha siya ng basang bimpo saka ito pinunasan. “Grabe naman ang pagkalasing mo, parang wala ng bukas.” inis na reklamo ni Fatima. Habang pinupunasan niya ang mukha nito ay sunod niyang tinaggal ang suot nitong t-shirt. She saw a scar— malapit sa puso nito. Kaagad niya itong hinimas, dahil mukha itong matagal na at hilom na ngunit parang napakasakit kung titingnan. Ngayon niya lang nakita ‘yon. “Anong nangyari dito? Bakit may sugat ka?” tanong ni Fatima kahit alam niyang hindi naman sasagot si Giovanni. Ipinagsawalang bahala niya ‘yon at sunod na pinunasan ang leeg nito pababa sa dibdìb. Dito niya lang napansin ang hubog qt tigas ng katawan ni Giovanni. Napakagat tuloy siya sa ibabang labi niya dahil tila pinagnanasahan niya ngayon an
Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng silid. Nang marinig ang unang putok ng baril, agad na kumilos si Giovanni, mabilis at determinado. Tinamaan ang isa sa mga tauhan ni William sa balikat, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak nang malakas sa sahig. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nag-aksaya ng oras si Lydia. Hinawakan niya nang mahigpit si Fatima at mabilis itong kinaladkad palabas ng silid. Halatang takot si Fatima, nanginginig ang buong katawan, ngunit wala siyang magawa kundi sumunod kay Lydia, na nagmamadaling maghanap ng ligtas na lugar sa lumang gusali.“Giovanni! Tumigil ka! Alam mong wala kang laban sa akin!” malakas na sigaw ni William habang nagtatago sa gilid ng pinto, iniiwasan ang mga bala ni Giovanni.“Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, titiyakin kong hindi mo na magagawa ulit ito!” sagot ni Giovanni na puno ng galit, habang patuloy na nagpapalit ng posisyon upang maiwasang maging target ng mga natitirang tauhan ni William. Ang kanyang mga mata ay puno ng det
Dumating sina Giovanni at Lydia sa airport sa Manila. Malakas ang hangin dahil sa amihan, at naririnig mula sa malayo ang mahihinang tunog ng lungsod kahit tahimik ang gabi. Naunang bumaba ng eroplano si Giovanni, bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon, habang kasunod niya si Lydia, mabigat pa rin ang dalahin ng konsensya sa kanyang balikat.“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Lydia habang papunta sila sa isang itim na kotse na inihanda na ni Giovanni.“Hahanapin natin ang safehouse,” sagot ni Giovanni nang walang emosyon. “May sinabi kang clue— ikwento mo lahat ng naalala mo sa sinabi ni Dad.”Sandaling tumigil si Lydia bago sumagot habang sumasakay sila sa kotse. “Ang alam ko lang, isa itong lumang ari-arian niyo malapit sa museo sa Bulacan, isa sa mga dating safehouse ng Daddy mo. May nabanggit siyang simbahan na malapit doon, pero hindi siya malinaw.”Sumingkit ang mga mata ni Giovanni habang unti-unting nabubuo ang naiisip niyang lugar.“Museo? Tama, marahil ang tinutukoy ni Da
Giovanni sat in his dimly lit apartment, staring at the small photograph of his wife. The image had worn edges, his thumb tracing the familiar contours of Fatima’s face. His conversation with Sander echoed in his mind. “Dig deeper.” Could there be a connection between the mysterious woman and his wife?He rubbed his temples, frustration boiling in his chest. “This doesn’t make sense,” he muttered.A sharp knock on the door startled him. Giovanni stood, hesitating before approaching. His hand hovered over the doorknob. Sino kaya ito, at ganitong oras pa? Slowly, he opened the door.Standing there was Fatima—no, Lydia—her face illuminated by the dim hallway light. She wore a gentle smile, but something in her eyes made Giovanni uneasy.“Fatima?” Giovanni’s voice was barely above a whisper.Lydia tilted her head, a playful smirk forming on her lips. “Naalala kita, Giovanni. Hindi ko rin maipaliwanag, pero parang may koneksyon talaga tayo.”His heart raced as confusion clouded his thought
“Who are you?” tanong ni Giovanni.“I’m Fatima, Fatima Vega. Ikaw sino ka ba? Kilala ba kita?” kunot na tanong ng babae.Nanlata si Giovanni. Hindi ang asawa niya ang narito kundi kapangalan lang ni Fatima. Akala niya makikita na niya ang asawa niya. Giovanni slumped into the wooden chair by the window, his gaze fixed on the woman before him. She had the same name, at may hawig ito ni Fatima, and yet, she wasn’t her.The woman still standing, crossed her arms, studying Giovanni with suspicion.“Bakit parang kilala mo ako? Para kang nakakita ng mutlo.” She tilted her head, a trace of curiosity breaking through her stern tone.Giovanni hesitated, his voice trembling. “I… I’m sorry. Hindi kita dapat nilapitan ng ganito. It’s just... you look exactly like my wife. At ang pangalan mo pa—” He broke off, looking away, swallowing the lump in his throat.“Wife?” Fatima’s brows furrowed. “Saan siya ngayon? At paano naman tayo nagkakilala kung ganon?”“She’s…” Giovanni’s voice faltered, the wor
Madilim ang gabi, ngunit maliwanag ang buwan na tila nagmamasid mula sa kalangitan. Habang naglalakad si Giovanni sa kahabaan ng ospital, hawak ang envelope at sulat, napansin niyang may liwanag mula sa maliit na chapel sa loob ng compound. Nagdesisyon siyang pumasok, tila hinahatak ng tahimik na panawagan mula sa loob.Sa loob ng chapel, nakita niya si Mayvel, nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tumayo siya nang makita si Giovanni at lumapit nang may maingat na ngiti. "Hindi ko alam na pupunta ka rito. Hindi ka ba makatulog?" "Paano ako makakatulog, Mayvel? Nalaman ko na ang dahilan ng lahat, pero parang mas lalo akong nawasak. Bakit ganoon? Kapag mas lumalapit ako sa sagot, mas lalong nagiging masakit ang katotohanan." "Hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Ang mahalaga ngayon, alam mo na ang katotohanan. At mula rito, maaari kang gumawa ng hakbang para ayusin ang lahat." "Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko siya haharapin, lalo na't alam
Pagkatapos ng mahaba at emosyonal na araw, naupo si Giovanni sa isang bangko sa hardin ng ospital. Tahimik niyang hawak ang sulat ni Fatima, paulit-ulit na binabasa ang bawat linya. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila sinasalamin ang lungkot sa kanyang puso. Dumating si Mayvel, dala ang dalawang tasa ng mainit na kape, at maingat na umupo sa tabi niya.“Hindi ka na naman kumain, Giovanni. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas.” sambit ni Mayvel. Bahagyang napangiti si Giovanni habang nakatingin sa sulat. “Hindi ko naman napapansin ang gutom. Mas iniisip ko kung nasaan si Fatima ngayon. Anong ginagawa niya? Masaya ba siya? Napatawad na kaya niya ako sa mga pagkukulang ko noon?”Tumingala si Mayvel sa buwan, tila nagmumuni-muni) “Sa tingin ko, Giovanni, hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad sa kanya. Mahal ka niya, alam ko iyon. Pero baka ang sarili niya ang hindi niya mapatawad.”Napabuntong-hiningadi Giovanni. “Bakit kailangan niya lumay
“Giovanni, nakita ko siya. Nasa Maynila siya ngayon, pero hindi pa siya pwedeng puntahan. Kailangan natin ng kaunting oras." “Maynila? Anong ginagawa niya roon? At bakit hindi ko siya puwedeng makita? Sander, matagal na akong naghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal.” “Giovanni, kalma. May mga bagay na masalimuot, at may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero huwag kang mag-alala, tinutulungan ko na siya. Importante lang na maging matatag ka.” Nanatiling tahimik si Giovanni, pilit inuunawa ang mga sinabi ni Sander. Ngunit ang puso niya ay nag-uumapaw sa halo-halong emosyon—pag-asa, pagkabigo, at pangungulila. “Hindi ko maintindihan, Sander. Kung mahalaga ako kay Fatima, bakit siya lumayo? Bakit hindi niya man lang sinubukang makita ako kahit isang beses mula nang magising ako?” Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Sander. “Giovanni, maybe may rason siya. Pero hindi ako ang nararapat magsabi sa 'yo ng lahat ng iyon. Hintayin mo siya. Bigyan mo siya
Biglang bumukas ang pintuan ng silid, at sa pagbukas nito ay pumasok si Mayvel, bitbit ang anak niyang si Joshua. Napuno ng ingay ang tahimik na silid sa boses ng masiglang bata. “Tito Giovanni!” tumakbo ito papalapit sa kama, halatang sabik makita siya. Napatingin si Giovanni sa pumasok. Sa unang saglit, ang mukha niya ay puno ng pag-asa, umaasang ang makikita niya ay si Fatima. Ngunit nang makita niyang si Mayvel at Joshua ang dumating, bahagyang naglaho ang ngiti niya. Mabilis naman niya itong itinago at ngumiti ng bahagya habang sinalubong ang bata. Hinaplos ni Giovanni ang ulo ni Joshua. “Uy, Joshua, kamusta ka? Mukhang mas masigla ka pa ngayon kaysa noong huli kitang nakita.” Umupo si Joshua sa gilid ng kama at masayang nagkukwento. “Tito, ang dami ko nang natutunan sa school! Tapos kahapon, naglaro kami ng basketball ng kaklase kong si Ronnie sa park. Tinalo ko siya! Ang galing ko, ‘di ba?” Ngumiti si Giovanni. Ngunit sa likod ng ngiti niyang iyon, naroon ang bahagyang lung
THE FOLLOWING WEEK – SWITZERLANDSa gitna ng isang tahimik na umaga, abala si Fatima sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Ang araw ay bahagyang sumisilip sa ulap, at ang hangin ay may dalang lamig ng tagsibol. Nasa tabi niya si Amanda, umiinom ng kape habang nagmamasid sa paglalaro ni Marcus at Bruno sa damuhan.“Mukhang mas lumalakas ang mga pangarap ng prinsipe natin, ah. Kahapon, bayani. Ngayon, parang gusto nang maging astronaut.” natatawang sambit ni Amanda.Natawa rin si Fatima. “Kung saan-saan na kasi niya nakikita ‘yung mga laruan niya. Minsan may espada, minsan may helmet. Sobrang creative na bata nitong si Marcus.”Habang nag-uusap sila, biglang pumasok sa gate ang isang lalaki— matangkad, may maayos na pananamit, at may dalang brown na envelope. Agad na napansin ito ni Fatima.Bahagyang lumapit si Fatima.“Yes? What can I do for you?”Ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Ma’am. Are you Fatima Flores?"Nagpalitan ng tingin sina F