Simpleng buhay, simpleng pamilya, simpleng mga pangarap ang binuo namin ni mama sa lugar na ito. Hindi ko man nakita ang papa ko bago niya kami iwan, naging maayos naman ang buhay namin dahil sa pag sisikap ni mama.
"Star anak papunta ako sa bayan ngayon, huwag kang lalabas ng bahay naiintindihan mo ba?" Wika ni mama habang dala dala ang basket na pag lalagyan niya ng mga bibilhin niya. Tumango lang ako sa kaniya at agad naman siyang umalis.Tahimik akong nakatanaw sa malaking bintana ng kubo namin, habang nakangiti kong pinag mamasdan ang mga puno at dahon na sumasayaw sa hangin." Nakakainip naman, siguradong mamaya pa uuwi si mama." Bulong koUmalis ako sa kinauupuan ko at nakapag desisyon na lumabas ng kubo, gusto ko na mag libot libot muna dito sa kileyo siguro naman mamaya pa uuwi si mama dahil medyo may kalayuan din ang bayan dito.Masaya akong nag lalakad habang pinipitas ang mga bulaklak na nadadaanan ko, siguradong matutuwa si mama kapag binigyan ko siya ng mga bulaklak.Sa pag lalaakd ko ay napansin ko ang isang napakalaking gate, sumilip ako dito at napansin ko ang tatlong bata na nag lalaro sa bakuran nila maputi ang dalawang lalake at ang isa naman ay may katamtamang kulay." Hero saluhin mo!" Sabi ng isang lalake na may suot na salamin, hindi nasalo ng bata ang bola kaya tumama ito sa kaniyang mukha at umiyak lang ito ng malakas." Isusumbong kita kay mommy!" Sigaw ng bata at dali daling tumakbo papasok sa napakalaking bahay.Kumunot ang noo ko ng mapabaling sakin ang isang lalake at nanlilit ang mga tingin niya." Who are you?" Tanong nito sakin." Ako si star, ikaw?" Nakangiti kong sagot dito." Hindi kita kailangan sagutin, at next time wag ka ng silip ng silip dito sa bakuran namin." Masungit niyang sabi." Nag tanong ka sinagot ka naman ng maayos, bat ba masungit ka?" Sabi ko dito at tinitigan siya ng matalim." I said, hindi ko kailangan sagutin ang mga tanong mo." Aniya at agad napatingin sa mga hawak kong bulaklak." So? Ikaw pala ang pumipitas ng mga bulaklak dito samin?" Sabi niya na nag pakunot sa noo ko." Nasa labas ng bakuran niyo ito, wag ka nga bintangero diyan.....""Lupain namin ito, hanggang dun sa dulo...." Aniya habang tinuturo ang kahabaan ng kalsada. " Kaya ang bulaklak na yan ay sa amin" sabi niya at ngumisi sakin habang bumabalik balik ang tingin sa kamay ko." oh edi sayo na! Akala mo naman kung sino ka.." Sagot ko sa kaniya habang nakanguso binato ko mga bulaklak sa naka pagitang gate samin at mas lalong sumilay ang ngisi sa labi niya." Ang tapang mo ahh bata?" Aniya" Hindi na ako bata, mag e eight na ako!" Mayabang kong sagot sa kaniya." Bata ka parin para sakin, wag ka ng mag libot libot dito dahil baka pakawalan ko ang aso namin at habulin kapa nun" sabi niya at tumawa ng mahina" Ang sama mo" bulong ko" Kuya hallen!" Sigaw ng batang papalapit sa amin, bumaling ito sakin at sumilay ang ngiti sa labi." Hi? Sino ka?"" Ako si star..."Pag papakilala ko dito, sa kanilang dalawa mas mukhang mabait ang isang ito hindi katulad ng hallen masyadong mayabang." Ikaw ba ang pumitas ng mga ito?" Tanong nito sakin at tumango naman ako agad.Binitawan niya ang hawak niyang bola at Isa isa niyang pinulot ang mga bulaklak." Sayo na ito star." Aniya habang matamis na nakangiti sakin" Ako si Harris, Harris Endrelton at ito si kuya hallen" inabot niya ang kamay niya sa pagitan ng nakasarang gate at tinanggap ko naman agad ito"Salamat sa bulaklak, pasensya kana kung hindi ako nag paalam ang akala ko kasi walang may ari." Paliwanag ko" Sa kaniya nag pasensya ka sakin hindi? Iba ka rin ah?" Masungit na sabat ni hallen. Inirapan ko ito at hindi pinansin, bumaling ako kay harris at muli itong nginitian." Buti kapa hindi ka nagalit, yung isa kasi diyan sinabi pang ipapahabol daw ako sa aso" pag paparinig ko at mas lalaong kumunot ang noo ng masungit na lalake" Naku! Wag mo pansinin si kuya ganiyan talaga yan, pwede kang pumitas kahit kailan mo gusto. Pwede ka din mag punta dito at makipag laro samin." Aniya" Talaga? Salamat! Wala kasi akong nakakalaro dito at isa pa madalas wala ang mama ko dahil nag t trabaho siya sa bayan." Masaya kong sagot." Masyado ka ng madaldal bata, mabuti pa umuwi kana wag mo na kami abalahin dito." Sabat ng masungit na si hallen." kuya wag mo sungitan si star, wala naman ginagawang masama sayo."saway ni harris sa kaniya." Hallen! Harris! Pumasok na daw kayo sabi ni señiora!" Tawag ng isang babae na naka unipormeBumaling sakin si harris at ngumiti." mag ingat ka sa pag uwi mo star, papasok na din kami" Sabi nito at ngumiti lang ako sa kaniya at tumango, Habang ang kuya naman niya ay nauna ng umalis para pumasok sa malaking bahay.Napaka swerte naman nila, may malaki silang bahay, may mga katulong at mukhang wala silang problema hindi katulad namin ni mama na bawat araw ay kailangan pa mag pagod sa trabaho para lang may makain.Sa mura kong edad namulat na ako sa kahirapan ng buhay. hindi madali, dahil mag isa lang si mama na bumubuhay sakin. Wala na si papa at kailangan namin mag sikap ni mama para mabuhay." Sinabi ko na huwag kang lalabas diba? Hindi mo ba maintindihan yun ha? Star? Paano kung may mangyari sayo? Pano kita hahanapin?" Galit na sabi ni mama habang ako ay naka dapa parin sa upuan at dama parin ang sakit ng mga hampas niya sa pang upo ko." Sorry mama, hindi ko na po uulitin!" Umiiyak kong sabi.Naupo si mama sa tabi ko at pinunasan ang pawis na nasa noo niya, pagod siya sa pamimili ng paninda sa bayan, tapos madadatnan pa niya na wala ako at masiyado siyang nag alala." Sorry mama, sorry po." Sabi ko at maamo siyang tinitigan.Lumapit si mama sakin at niyakap ako at naramdaman ko ang mahina niyang pag hikbi." Mama hindi ko na po yun uulitin, wag ka ng umiyak."" Star, tayong dalawa nalang. Paano kung pati ikaw mawala sakin? Paano kapag nay nangyari sayo? Hindi tayo mayaman, madamot ang kapalaran satin. At kung hindi natin iingatan ang sarili natin patuloy tayong malulugmok sa mundong ito. Ang protektahan ka at mahalin ka yan lang ang kaya kong ibigay sayo." Wika ni mama habang patuloy parin sa pag agos ng luha sa mata niya.lumipas ang mga araw nanatili nalang ako sa bahay satuwing umaalis si mama, ayoko na siyang mag alala at ayoko na din na umiyak siya ulit dahil sakin.Pangarap ko balang araw na mabigyan si mama ng magandang bahay, para hindi na kami nag titiis sa butas na bubong namin. Siguro kung nandito si papa hindi na mahihirapan ang mama ko, bakit ba kasi iniwan niya kami agad, bakit kinalimutan niya kami agad? Hindi niya ba mahal si mama? Ayaw ba niya sakin?" Tao po!"Napatayo ako mula sa pagkakaupo ng marinig ang katok sa pintuan namin, ng buksan ko yun ay agad bumungad sakin si harris." Bakit ka nandito?" Naka kunot noo kong tanong sakaniya." Gusto ko lang ito ibigay sayo" Aniya at inabot ang isang box na hawak niya." Ano ito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko, Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko." Inalam ko lang, buksan mo yan magugustuhan mo yang donut" Aniya" Salamat harris." Sabi ko habang pinag mamasdan ang ngiti niya na hindi maalis alis sa labi niya habang nakatitig sakin." Bakit ka nakatitig?" Tanong ko rito at doon lang siya natauhan" Nothing, Babalik ako dito next time mag laro tayo." Aniya at tumango naman ako agad.Inilagay niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko at matamis na ngumiti sakin." I have to go, kainin mo yan star favorite ko din yan e.." sabi niya at agad niya akong tinalikuran at nag lakad paalisNapaka bait naman niya mag kaibang mag kaiba sila nung masungit niyang kuya. Sigurado ako na magkalayo ang edad namin, pero bakit ganun siya kabait sakin? Kahit alam niya na mainit ang dugo sakin ng kapatid niya maayos parin niya akong pinapakitunguhan.Naupo ako sa kahoy naming upuan at kinain ang bigay ni harris, totoo nga na masarap ito at mukhang mahal din. Siguradong magugustuhan ito ni mama."Sino ang nag bigay nito sayo anak?" Tanong ni mama sakin habang nakatanaw parin ako sa bintana namin." Si harris po mama kaibigan ko, dun siya nakatira sa mataas na bahay."" Mataas na bahay, sa mansion ba ng Endrelton anak?" Tanong niya ulit" Opo mama.. mababait po sila maliban nalang dun sa isang lalake napaka sungit akala mo naman kung sino"Natawa si mama ng bahagya sa sinabi ko at naupo siya sa tabi ko." Mababait ang mga endrelton anak, tumutulong sila sa mga mahihirap dito sa bayan natin. sikat at hinahangaan dahil mayaman sila at may pinag aralan." Sabi ni mama at saglit siyang natulala " Ganun din ang papa mo, Mayaman at may pinag aralan din siya pero dahil sa ganoong estado ng buhay niya hindi kami pwede, hindi kami pwede dahil eto lang ako..."Malungkot ang tingin sakin ni mama habang dahan dahan na hinahaplos ang buhok ko ." Kaya ikaw, mangarap ka... mag sikap ka na mag aral. Dahil kahit gaano pa kayaman ang kaharap mo, kung matalino kang tao hinding hindi ka nila ma aapi."" Mama? Mama?" Sigaw ko habang papasok ako sa bahay namin.Kakauwi ko lang galing sa pakikipaglaro sa mga batang kapitbahay namin, mabuti nalang at pinayagan ako ni mama." Mama?" Paulit ulit kong sigaw, pumasok ako sa kwarto at nataranta ako ng makita ko si mama na umiiyak habang inaayos ang mga damit niya." Ma? May problema po ba?" Nag aalala kong tanong, bumaling siya sakin at napatitig ako sa namumugto niyang mga mata dahil sa kakaiyak." Anak makinig ka sakin, kailangan kong lumuwas ngayon dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan ko sa maynila. Nakauwi na dito sa bansa ang papa mo at kailangan ko na mapuntahan siya agad dun." Aniya habang hawak ako sa mga braso ko." Hindi mo ako isasama Mama?" Naluluha kong tanong sa kaniya." Hindi pwede Anak, hindi ko alam kung anong buhay ang nag hihintay sakin sa paghahanap sa papa mo. Mas ligtas ka dito at alam ko na malalampasan din natin ito" Paliwanag niya sakin.Yumuko nalang ako dahil sa lungkot na naramdaman ko, hindi ako maaa
"Congratulations iha, kahit kailan hindi mo ako binigo!" Masayang puri sakin ni Señyora" Maraming salamat po, Sinikap ko po talaga ito para kahit papano naman hindi masayang yung pag tulong niyo sakin." Sagot ko at matamis akong nginitian ni Señyora." Kumain ka ng marami, sabihan mo ako kung ano pa ang mga kailangan mo sa pag aaral mo" Aniya at sinuklian ko lang siya ng ngiti.Walong taon na ang nakalipas mula ng kupkupin ako ng pamilya Endrelton, walong taon kong pinilit mabuhay habang binablot ng kalungkutan ang puso ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binalikan ni mama, maraming nag sasabi na wag na daw akong umasa na babalik pa siya pero kahit minsan hindi ko naisip na tumigil na sa pag hihintay.Isang taon nalang at Graduate na ako ng highschool, Siniguro ko na hindi masasayang ang pag tulong sakin ni Señyora nag pursigi ako sa pag aaral at hindi naman ako nabigo dahil palagi akong nangunguna sa school na pag mamay ari din ng Endrelton." Congrats Star, Top 1 ka na na
" Star! Hey Star!" Sigaw sakin ni Hero habang ka bababa lang ng kotse niya.Halos pag tinginan kami ng mga estudyante dahil sa lakas ng sigaw niya sa pangalan ko, kaagad akong Tumigil sa paglalakad at hinintay ko siyang makalapit sakin." Naglakad ka lang? Sabi ko hintayin mo ako sabay tayong papasok diba?" Aniya habang naka kunot ang noo." Kaya ko naman mag lakad, tska malapit lang naman ang school hero." " Suss...ayaw mo lang akong kasabay e." Sagot nito sakin at agad na umakbay sa mga balikat ko. Ang malaki niyang braso ay nag bigay ng bigat sakin ngunit hinayaan ko nalang siya na akbayan ako habang nag lalakad kami papasok sa gate ng school." Napaka landi talaga ng Star na yan e! " " kaya nga lahat nalang ng lalake talagang dinidikitan niya, at ang mga Endrelton pa talaga!" Bulong bulungan ng mga estudyanteng Babae habang nag lalakad kami." Akin na nga yang bag mo Star!" Wika ni Hero at agad na inagaw sakin ang Bag ko. Hindi na ako nakatanggi dahil sa bigla niyang pag hablot
"Star, Sakay na!" Tawag sakin ni Harris na hinintuan pa ako ng kotse.Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at kita ko ang ang mga estudyante na nag sisimula na naman mag bulungan." Wag na Harris mag lalakad nalang ako." Sagot ko at kumunot naman agad ang noo niya sakin." Tara na Star, mas lalo silang magagalit kapag binuhat pa kita papasok sa kotse." Wika niya.Dahil sa ayaw ko naman na buhatin pa niya ako ay agad nalang akong sumakay. Inayos niya ang seatbelt ko habang nakasilay ang ngiti sa labi niya." kamusta ang araw mo? Nauna ka na naman pumasok." Aniya habang iniistart ang kotse." Oo, sabi ko naman hindi ko na kailangan sumabay pa sa inyo. Sana maintindihan niyo din, ayoko naman na pare pareho tayong pag isipan ng hindi maganda ng ibang tao." " Bakit ba lagi mong iniisip ang iba? E ano kung malapit ka samin? Mula bata magkakasama na tayo Star kaya wag kang mag pa apekto sa ibang tao okay?" Aniya habang nakatuon ang tingin sa kalsada Hindi ko siya sinagot, hindi ko alam kun
Our heart is like a rain, we cannot stop it from pouring dahil Habang palakas ng palakas ang buhos nito, nakakaramdam tayo ng panlalamig at naghahangad ng makakapag bigay sa atin ng init sa pamamagitan ng pagmamahal." Hintayin nalang natin tumila, baka madisgrasya pa tayo kung pipilitin natin makauwi." Wika ni Hallen habang nakaupo sa mga dayami at dahan dahang hinihimas ang paborito niyang kabayo na si herculesNaupo ako sa tabi niya at isinandal ko ang likod ko sa kahoy na dingding. Kanina pa kami naka pirmi dito sa kuwadra dahil naabutan kami ng ulan. " I have something to ask you." Aniya at napabaling naman ako agad sa kaniya." Ano? Kung bakit maliit ako? Nasa lahi na namin ito pero tatangkad pa ko wag ka masyadong paepal!" Sabi ko at inirapan siya." Hindi yan ang itatanong ko bakit ba masyado kang defensive? " Aniya habang nakataas ang kilay." E diba masaya ka kapag nilalait mo ako?" Wika ko at seryoso parin siyang nakatitig sakin." Nililigawan ka ba ni Harris?" Seryoso niy
"Star, tara na maligo kana din!" Sigaw sakin ni Hero habang abala siya sa pag swimming. " Mamaya na ko Hero." Sagot ko sa kaniya at inilapag ko sa mesa ang meryenda na pinadala sakin ni manang." Di ka pa maliligo?" Tanong naman sakin ni Harris na kakarating lang." Mamaya nalang ako, kayo nalang muna ni hero." Sagot ko tumango siya at nginitian lang niya ako.Ilang araw ko na din pansin ang pag iwas sakin ni Harris, siguro dahil na din sa nangyari doon sa dagat. Hinayaan ko nalang din siya at hindi ko na muna siya kinausap tungkol dun.Pinag masdan ko si Harris habang tinatanggal niya ang suot niyang bathrobe at tanging maikling short nalang ang suot niya, Agad siyang lumublob sa pool at hindi ko maiwasan ang hindi siya titigan. Gwapo talaga si Harris at maganda din ang katawan sana lang maisipan na niyang mag hanap ng Girlfriend para naman hindi lang ako ang babae na nadidikit sa kanila." Hoy Star ano na... dali mag bihis kana kaya!" Wika ni Hero" Sige saglit lang." Sagot ko at A
" Kamusta na ang trabaho sa Rancho Star? Hallen?" Tanong ni señyora habang sama sama kaming nasa hapag kainan." it's okay mom, Star and I have finished that work." Wika ni hallen at napasulyap sakin." Mabuti naman kung ganun." Sambit ni señyora at napatitig sa dalawa niyang anak na kanina pa din tahimik na kumakain." Kayong dalawa pansin ko na parang tahimik kayo, may problema ba Harris? Hero?" " Wala Mom." Sabay na sagot nila.Ilang araw din ang lumipas ng mag tapat sakin si Hallen, at pilit ko na silang iniiwasan dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang isasagot ko sa kaniya. Oo gusto ko na din si Hallen, pero ayoko naman na pag mulan pa yun ng away nila ni Harris." Next week balak ko na isama na ulit si Hallen sa manila, Harris at Star kayo na muna ang bahala sa Rancho." Wika ni Señyora at bakas sa mukha ni Hallen ang pag kagulat, at kahit ako ay nabigla din sa sinabi ni Señyora. Noon pa paalis alis na talaga dito sa mansion si Hallen hindi ko alam kung bakit masyado ako
In a world that is cruel to me and in my life that is full of sadness, Destiny brought me to this place to meet the man who will fill the missing part of my heart.Ang nag iisang lalake na nag padama sakin ng unang pagibig, at pinadama sakin na isa akong bituin na hinahangad ng iba. Hindi man naging maganda ang unang pagtatagpo namin, napuno man kami ng pag aaway at madalas na pagtatalo kahit sa maliit na bagay lang, naging rason yun para mas makilala pa namin ang isa't isa at matutunan na tanggapin ang mga mali namin." Sakay na Star!" Aniya na nauna ng maupo sa kabayo, Hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahang inangat para makasampa sa unahan." Maglibot muna tayo sa Rancho bago ako umalis mamaya." Aniya at mahigpit na hinawakan ang bewang ko ng isa niyang kamay." I will miss holding you so tightly Star." Bulong niya at nag simula ng patakbuhin ang kabayo niya." Gaano ka ba katagal dun?" Tanong ko." Ilang buwan din siguro , kilala mo naman si Mommy marami din siyang inaasikaso
"Bakit ngayon ka lang? At saan ka natulog?" Salubong sakin ni Mama." K-Kay Elle po Ma." Nauutal at kabadong sagot ko.Dire-Diretso lang ako na naglakad at nilagpasan ko si Mama pero agad niyang nahablot ang braso ko. May bakas na ngisi sa labi niya at tila nakakalokong nakatitig sakin." Bakit po Ma?" " Hindi si Elle ang kasama mo I know." " Ma naman kung ano na naman iniisip mo diyan!" Sambit ko at natawa lang siya ng bahagya at napakunot na lamang ang noo ko." Oh siya! Mag ayos kana doon at mag hahain nako siguradong pagod ka sa buong gabi." Aniya at tinulak pa ako paakyat sa hagdan.Hindi na ako nakaimik pa sa inasal ni Mama at kaagad na lang ako nag lakad patungo sa kwarto ko. Nang makapasok ako ay kaagad nang hina ang mga binti ko at napa upo na lamang ako sa kama.Nanginginig ang katawan ko at tila nakikipag karera ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog nito. Napapikit na lamang ako ng mariin nang muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I'm very drunk and I can't im
Since I was a child I learned to be strong even though I was repeatedly stepped on and fell to the ground. Mas pinipili ko na manahimik at hindi lumaban kahit gaano pa kasakit ang mga binabato sakin. I prefer to endure everything and continue to hide to myself the tears and pain they cause me and I chose to forgive rather than harbor anger in my heart." Miss Dimiantez Is it true that you had a relationship with Mr Lambert?" Tanong sakin ng isang Reporter.Agad na humarang sakin ang mga tauhan ni Bethany at napatigil ako sa paglalakad at kaagad ko silang hinarap."I have no relationship with anyone and especially with Mr lambert. So to those who spread false news, don't spread false information if we have no basis. I live a Peaceful life here in Paris and I hope you all also live peacefully without harming other people." Sagot ko at mas lalo naman kaming dinumog ng mga Media.Hindi ko alam kung paano ko silang lahat sasagutin pero sa sitwasyon ko ngayon i think hindi ako ang dapat na
"How are you Selene did you sleep well? And did you like Tita Mildred's hotel service? Kung hindi pwede naman tayo lumipat sa Los Angeles para maiba naman." Sambit ni Elle na kakapasok lang ng room ko." Okay na ako dito Elle." Simple kong sagot.Naupo si Elle sa Sofa habang ako naman ay abala sa pag aayos ng mga damit ko at nililipat ito sa closet. Pangalawang lipat na namin ito ni Elle ng Hotel. Gusto ni Papa na bumili ako ng condo unit ko pero tumanggi ako dahil gusto ko na makabili ng sarili kong tutuluyan sa sarili kong pag hihirap. Isang buwan palang ako dito pero para na akong mababliw sa pagkainip. Balak ko na mag libot libot mamaya habang hindi pa ako nag sisimula sa pag pa plano ng itatayo kong business. The Dimiantez has hotels, Restaurants and Construction company at sa mga yan ay wala akong makita na gusto kong gawin. Hindi ko alam pero nalilito na din ako sa buhay ko." Saan ka?" Tanong ni Elle sakin habang abala siya sa ginagawa niya sa Laptop niya." Diyan lang sa lab
" Nakapag Decide na ako. Naisip ko na hindi ko pala dapat ipilit Kay Selene ang kagustuhan ko na Pumalit siya sakin sa kompanya and At her age she should be enjoying her life and not shouldering the responsibility that should be mine." Sabi ni Papa at bumaling ng tingin sakin habang may ngiti sa labi niya."Haist Finally!" Bulong ni Yvon na ikinatawa ng mga pinsan ko." Ang totoo niyan Tito We are also stressed about your Daughter!" Dagdag pa ni Elle." Pasensya na kayo dahil nag mana talaga yan sa Mama niya." Si Papa.Napairap si Mama at muling bumaling sakin." Pwede ka ng mag Boyfriend anak." Nakangiting sabi ni Mama sakin na parang may halong pang aasar." Mama!" Suway ko." Mag kaka boyfriend lang si Selene kapag ako ang pumili." Sabi ni Papa at muling bumaling sa pagkain na nasa plato niya." Actually tito matagal ng may nagugustuhang lalake si Selene." Sabat pa ni Claudia.Napayuko na lang ako at nag kunwaring hindi naririnig ang pang aasar nila sakin. Ayokong mawala sa mood da
"What are your plans selene? Hindi ba gusto ng Papa mo na tulungan mo siya sa kompanya?but You can't run a company because you're forced to." Sambit ni Elle habang nag mamaneho ako pabalik sa Restau ni Yvon.Agad din akong napaisip sa sinabi niya. Sa totoo lang ay halos lahat ng pinsan ko ay yan ang sinasabi sakin pero tama naman sila dahil hindi yun ang gusto kong gawin." Maybe I need a long time to think about it Elle. Ayoko lang talaga na biguin si Papa at alam ko naman kasi na gusto na din niyang mag pahinga." Sagot ko at malalim ang pinakawalan ko na buntong hinga." I'm also a bit under pressure!" Dagdag ko." Hayy naku! Kaya mo yan ikaw pa ba?" I hope I can handle it because I don't want to disappoint my parents, Mahirap din pala kapag mataas ang Expectations ng mga tao sayo dahil lagi silang umaasa na kaya mong gawin ang lahat. Palagi kang matatakot na mabigo mo sila, palagi mong iisipin yung gusto nila kaysa sa gusto mo." kamusta naman kayo Nung CEO ng H&E?" Tanong ni Ell
" Goodmorning po Miss Dimiantez nasa loob pa po si sir may kausap pa po siya pero nag bilin siya na papasukin kana lang daw." Sabi ng Secretary ni Papa." Ganun ba? Pero pwede naman ako mag hintay dito sa labas."Ngumit siya sakin ng pilit at parang may takot." Okay papasok na lang ako padala na lang ako ng Coffee Thanks." Sabi ko at kaagad kong pinihit ang Doorknob at pumasok sa Office ni Papa." Goodmorning." Bati ko at agad na bumungad sakin ang nakatalikod na lalake. " Goodmorning Anak." Tumayo si papa at hinalikan ako s apisngi bago ako makaupo sa tabi niya.Halos mamilog ang mata ko ng makaharap ko ang lalake na nakasuot ng itim na Suit at matalim ang tingin sakin." Selene this is Hallen Casperion Endrelton jr. CEO ng H&E ." Nakangiting sabi ni Papa habang hindi parin naalis ang tingin ko sa matalim na titug sakin ni Hallen. Anong ginagawa niya dito? Posible kaya na alam niya noon pa kung saan ako mahahanap?" Hi Mr. Endrelton nice to meet you." Nakangiti kong sabi at inab
" Hi Selene omg you're so Pretty!" Masayang salubong sakin ni Claudia. Napabaling ako kay Sophie na kumaway sakin mula sa kinauupuan niya." Naku muntikan pa nga itong hindi sumama mabuti na lang at napilit namin ni Elle si Tita Selena." Halos sumigaw sila sa isa't isa habang nag uusap dahil sa lakas ng music sa bar. Nag tungo kami sa kinauupuan ni Sophie at naupo naman kami sa tabi nito habang pinag mamasdan ko ang mga taong abala sa pag sasayaw at pag inom.Mabuti na lang at pumayag si Mama dahil nahihiya naman ako kay Elle at Yvon dahil nag abala pa sila na Sunduin ako sa bahay." It's better to drink and enjoy because we can't stay long dahil maya maya lang ay tatawag na ang Mama ni Selene!" Sambit ni Elle at natatawa pa." Masyadong mahigpit ang parents mo Selene. Pero kung sabagay, maganda ka at bata pa mahirap na baka mauto ka ng mga lalake." Si Clau.Inabutan niya ako ng isnag baso ng Wine at agad ko naman yun tinanggap." Wag ka mag alala wine lang yan at hindi ka din namin
" Bagay na bagay sayo ang uniform mo Selene." Sambit ni Mama habang sinusuklay ang Buhok ko. Nakatapat kami sa salamin at tanaw ko ang magandang ngiti niya." Ma hindi ba masyadong maikli itong palda nila?" " Naku hindi naman at bagay naman sayo dahil maganda ang mga binti mo." Puri ni Mama. " Hindi pa ba kayo Tapos diyan?" Sigaw ni Papa mula sa labas ng Kwarto ko. Agad naman namin tinapos ni Mama ang ginagawa namin bago kami lumabas at naabutan nga namin Si papa na nasa tapat ng pintuan at nag hihintay samin." Hindi pa pwedeng mag paligaw Selene Do you understand? " Seryosong sabi ni papa matapos niya akong titigan mula ulo hanggang paa.Kung alam lang nila na nag ka boyfriend na ko dati at muntikan na din may mangyari samin. Mabuti na lang at wala dahil baka buntis na ko ngayon at imposible ng matupad ang nga pangarap ko." Ricardo bilisan mo naman baka ma late ni ang anak natin!" Singhal ni Mama na ikinatawa ko."Sorry honey I'm just being careful."Hindi ko alam kung normal la
" Mama...." Bulong ko at agad naman bumaling sakin ang taong matagal ko ng pinapangarap makasama.Nakatulala lang siya sakin at kaagad ko siyang nilapitan para yakapin ng mahigpit." Mama Sobra kitang na miss." Niyakap niya ako pabalik ngunit seryoso parin ang mukha niya sakin. Bakas man sa mukha niya ang edad niya hindi parin natakpan ng kulubot ang ganda niya at Siya lang ang kaisa isang babae na hinangaan ko ng husto. Masipag at mapagmahal na Ina na hindi dapat mahusgahan ng mga taong walang alam." Ikaw ba si Selene?" Tanong niya at agad naman akong tumango." Opo mama ako po ito. Ako po si Star anak mo po ako."Tumulo ang luha ko ngunit agad niya yun pinunasan ng kamay niya." Sorry kung hindi kita maalala sa ngayon. Pero ramdam ko sa puso ko kung gaano ko kamahal ang anak ko kahit hindi ko maalala kung paano ko siya hagkan at alagaan noon. My heart is always looking for love and I'm trying to search in my mind who is the person who can give it to me At sa tingin ko ikaw nga yun