" Mama? Mama?" Sigaw ko habang papasok ako sa bahay namin.
Kakauwi ko lang galing sa pakikipaglaro sa mga batang kapitbahay namin, mabuti nalang at pinayagan ako ni mama." Mama?" Paulit ulit kong sigaw, pumasok ako sa kwarto at nataranta ako ng makita ko si mama na umiiyak habang inaayos ang mga damit niya." Ma? May problema po ba?" Nag aalala kong tanong, bumaling siya sakin at napatitig ako sa namumugto niyang mga mata dahil sa kakaiyak." Anak makinig ka sakin, kailangan kong lumuwas ngayon dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan ko sa maynila. Nakauwi na dito sa bansa ang papa mo at kailangan ko na mapuntahan siya agad dun." Aniya habang hawak ako sa mga braso ko." Hindi mo ako isasama Mama?" Naluluha kong tanong sa kaniya." Hindi pwede Anak, hindi ko alam kung anong buhay ang nag hihintay sakin sa paghahanap sa papa mo. Mas ligtas ka dito at alam ko na malalampasan din natin ito" Paliwanag niya sakin.Yumuko nalang ako dahil sa lungkot na naramdaman ko, hindi ako maaaring umiyak at pilitin si mama na isama ako. Kailangan ko din na mag tiis at unawain ang sitwasyon namin." Saan mo ako dadahlhin mama?" Tanong ko habang bitbit niya ang bag ko na pinaglalagyan ng mga gamit ko." Nakausap ko na ang pansamantalang kukupkop sayo, Anak mag pakabait ka at palagi mo lang hihintayin si Mama naiintindihan mo ba yun Star?" Aniya at tumango lang ako sa kaniya habang nangingilid ang mga luha ko." Mag promise ka Mama na babalikan mo ako, Wag ka po mag tatagal dun" Sambit ko, Tumango si Mama at pinunasan ang luha sa mga pisngi niya.Mabilis kaming naglakad ni mama habang hawak niya ang isa kong kamay, bawat hakbang namin ay parang gusto ko ng mag maktol at mag lumpasay sa lupa dahil naiisip ko na iiwan ako ng Mama ko, naiisip ko kung paano ako kung hindi na siya bumalik, paano ako kung may hindi magandang mangyari sa kaniya sa pag alis niya." Dito na tayo anak." Wika ni Mama ng huminto kami sa tapat ng malaking gate." Bakit dito tayo Mama? " Tanong ko dahil sa pagtataka kung bakit kami huminto sa tapat ng malaking gate na pagmamay- ari ng Mga Endrelton.Naupo si mama sa harap ko para magkapantay kami, hi awakan niya ako sa pisngi ko at mariin akong tinitigan." Nakiusap ako kay Señyora na tanggapin ka muna dito sa mansion nila, at hindi naman siya tumanggi Anak. Magpakabait ka at suklian mo ng kabutihan ang pagtulong nila satin." Wika ni mama.Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at nakaramdam din ako ng pangamba dahil naalala ko ang huling pagtatagpo namin ng panganay na Endrelton, At siguradong hindi nila matatanggap kung titira kami sa iisang bahay." Mahal na mahal kita Star, gagawin ko ito para sa pamilya natin. Ilalaban ko ang karapatan mo. Hindi ako papayag na mabuhay ka ng ganito kahit hindi dapat, Hindi mo dapat maranasan lahat ng paghihirap Star." Umiiyak na wika ni mama.Mahigpit kong niyakap si Mama habang pilit kong pinipigilan ang luha ko.Sana lang ay Magtagumpay si Mama, sana lang ay maging maayos siya doon. Magpapakatatag ako habang hinihintay siya, habang hinihintay na maging maayos ang pamilya namin at ang buhay namin." Selena siya naba ang anak mo?" Masayang tanong ng babaeng nasa harapan na namin.Tumango si mama sa kaniya at nakangiti naman akong nilapitan ng magandang babae." Siya si Señyora Trina Anak, sa kaniya ka muna titira mula ngayon."Pilit kong sinuklian ng ngiti si señyora, napaka ganda niya at maraming alahas ang suot suot niya. Seryoso ba si Mama na tinanggap ako ng mayamang babae na ito?" Mag enjoy ka dito sa Mansion iha, may mga katulong at mga tauhan na handa kang gabayan dito at Mamaya din ipapakilala kita sa mga Anak ko at sana mag kasundo sundo kayo dito sa mansion." Nakangiting wika nito." Maraming salamat po" Sagot ko at muling hinarap si Mama na malungkot na nakatingin sakin." Aalis nako Star, mag pakabait ka" Aniya at hinaplos ang buhok ko " Señyora, maraming salamat sa tulong mo babawi ako sa oras na makabalik ako dito." Dagdag ni mama." Walang anuman Selena, wag kang mag alala dito kay Star dahil hindi din namin yan pababayaan dito." Ani ni Señyora.Bumitaw si Mama ng pagkakahawak sa kamay ko at pilit na ngumiti sakin." Paalam na anak." Aniya at mabilis na naglakad paalis at doon na tuluyang tumulo ang luha ko" Mama mag iingat ka!" Sigaw ko kahit nasa malayo na siya.Naramdaman ko ang paghaplos sa likod ko at napabaling ako kay Señyora na malungkot na din ang mga tingin sakin." Pumasok na tayo nag hihintay na sila satin" Aniya at tumango ako.Sinundan ko si Señyora sa paglalakad papasok sa napakalawak na bakuran, ang malaking bahay na nasa harapan ko ay tila isang palasyo na kahit minsan hindi ko naisip na magiging tirahan ko.Pumasok kami sa malaking pintuan at agad naglibot ang mata ko ng tingin sa paligid at Ang malalaking larawan ng tatlong batang lalake na nakadikit sa dingding ay agad na bumungad sakin." Hallen,Harris,Hero ito nga pala si Star makakasama niyo na siya dito sa mansion mula ngayon"" What!" Gulat na tanong ni hallen." May problema ba Anak?" Tanong ni Señyora dito." Bakit dito pa? Wala bang bahay yan?" Masungit na sagot niya at napayuko nalang ako." Kuya ayaw mo ba nun? Meron ng magandang babae dito sa bahay" wika ng pinakabata sa kanila habang naka ngisi." Tama naman si Hero kuya hallen, at si mommy naman ang nag dala sa kaniya dito wag ka nalang makialam diyan." Napangit ako sa sagot ni Harris at ngumiti naman siya sakin pabalik habang si hallen ay matalim ng nakatitig sakin." Mabuti naman at pumayag kayo, ikaw hallen wala ka ng magagawa ngayon kundi pakisamahan si Star bilang kuya sa kanila Ituring mo si Star na kapatid. Naiintindihan niyo ba?"" Yes Mom" Sabay na sagot ni Harris at Hero." Hallen? Niintindihan mo ba?"" Yeah.." Simple nitong sagot at naupo sa Sofa at mariin paring nakatitig sakin." Star, Sasamahan ka ni Manang selya patungo sa kwarto mo." Wika ni Señyora habang nakangiti sakin." Salamat po Señyora." Sagot ko at tumango naman siya." Tayo na Po Maam." Ani ng babaeng kakalapit lang sakin. Sinundan ko ito paakyat sa malaking hagdan at naglakad kami patungo sa kwarto na gagamitin ko.Tumigil kami sa tapat ng kulay gintong pinto at naunang pumasok si manang selya. Halos malula ako sa lawak nito at sa laki ng kama, na halos sinlaki na ng bahay namin." Dito po ba ako matutulog? Napakalaki naman nito pwede naman ako sa maliit lang na silid "" Naku iha, hayaan mo na si Señyora kagabi lang niya ito pinalinis at mukhang excited siya na makita mo ang kwarto na ito." Sagot ni manag sakin.Naupo ako sa gilid ng kama at napakalamabot nga nito, magkano kaya ang bili dito? Siguradong mas mahal pa itong kama sa tinitirhan namin ni Mama." Iha, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. Binilin ka rin sakin ni Señyora kaya wag kang mahihiya na lumapit at magtanong sakin."" Maraming salamat po, napakabait niyo po sakin." Sagot ko dito at ngumiti siya sakin bago tuluyang lumabas ng silidDahan dahan kong hinaplos ang kama at ang mga magagarang dekorasyon na nakadikit sa dingding. Napaka aliwalas ng silid dahil sa magagandang painting na nakadikit sa dingding. Manghang mangha ako at hindi parin makapaniwala na nandito ako sa palasyo na dati ko lang pinagmamasdan sa malayo.Dahil sa saya sa mga nakikita ng mata ko ay pansamantala kong nakalimutan ang pag hihiwalay namin ni Mama kanina at dahil din sa pagod ay kaagad akong nakaidlip sa napakalambot na kama.Sana lang ay maging ligtas ang pag alis ni Mama, pangako ko sa kaniya na magiging maayos din ako dito sa mansion ng mga Endrelton at susuklian ko ang pagtulong nila samin.Nagising ako dahil sa katok sa pinto at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at kaagad akong napatayo ng makita ko ang matalim na titig sakin ni Hallen." B..bakit? " Tanong ko dito." Kanina pa kita kinakatok, pinapatawag ka ni Mommy para kumain na." Masungit niyang sabi." E bakit galit ka? Nakaidlip ako pasensya na." Sagot ko dito na mas lalaong nagpakunot ng noo niya." Hindi ko tinatanong, bilisan mo at bumaba kana!" Wika niya bago tulyang lumabas ng silid.Grabe naman ang lalakeng yun bakit ba lagi siyang galit sakin? Wala naman akong ginagawa na pwede niyang kainisan.Napabuntong hininga nalang ako at agad akong naglakad palabas ng kwarto. Pag baba ko ay agad sakin sumalubong si manang para ituro sakin kung saan ang hapag kainan. At ng marating namin yun ay agad tumambad sakin ang napakaraming pagkain at halos mapuno na ang napakahabang mesa." Maupo ka iha, kumain ka at ng magkalakas ka naman" wika ni Señyora at agad namang inayos ni manag ang uupuan ko at nilagyan ang pinggan ko ng pagkain." Maraming salamat po Señyora." Sagot ko." Kanina ka pa nag papasalamat iha, ayos na sakin ang isang beses " aniya " Siya nga pala, malapit na ang pasukan balak mo ba na mag aral iha?" Tanong nito." Kung may pagkakataon po, nakakahiya naman po kung pati pag aaral ko ay iintindihin niyo pa." Sagot ko na nag pangiti kay Señyora." Ano kaba iha may mga scholar talaga ako dito sa kileyo, yung iba nga pinag aaral ko ikaw pa kaya? Hayaan mo nalang akong tulungan ka iha."" Salamat po..." sagot ko at muli kong ginalaw ang pagkain na nasa harapan ko. Narinig ko ang pagbagsak ng kubyertos sa mesa at napatigil kaming lahat sa pagkain" Tapos na ko." Wika ni Hallen at tumayo" Mamaya ka ng umalis, hintayin mo na matapos ang mga kumakain ." Serysong sabi ni Señyora.Bumuntong hininga si hallen at kaagad na bumalik sa kinauupuan niya" Parang maiinit ata ang ulo mo ngayon kuya" Sabat ni harris at ngumisi sakin, katabi niya si Señyora habang si Hero naman ay napapagitnaan namin ni Hallen." Panong di iinit araw araw na niyang makikita Si Star." Sabat ni hero at tumawa ng mahina." Kumakain kayo, itikom niyo muna yang mga bibig niyo Harris at Hero!" Saway ni Señyora sa kanilaDahil sa pagkailang ko ay yumuko nalang ako at tahimik na kumain. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari sa bagong buhay ko ngayon, pero sana naman ay umayon na samin ni mama ang lahat. Simpleng buhay lang ang pangarap namin at sana naman ay wag na itong ipagdamot."Congratulations iha, kahit kailan hindi mo ako binigo!" Masayang puri sakin ni Señyora" Maraming salamat po, Sinikap ko po talaga ito para kahit papano naman hindi masayang yung pag tulong niyo sakin." Sagot ko at matamis akong nginitian ni Señyora." Kumain ka ng marami, sabihan mo ako kung ano pa ang mga kailangan mo sa pag aaral mo" Aniya at sinuklian ko lang siya ng ngiti.Walong taon na ang nakalipas mula ng kupkupin ako ng pamilya Endrelton, walong taon kong pinilit mabuhay habang binablot ng kalungkutan ang puso ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binalikan ni mama, maraming nag sasabi na wag na daw akong umasa na babalik pa siya pero kahit minsan hindi ko naisip na tumigil na sa pag hihintay.Isang taon nalang at Graduate na ako ng highschool, Siniguro ko na hindi masasayang ang pag tulong sakin ni Señyora nag pursigi ako sa pag aaral at hindi naman ako nabigo dahil palagi akong nangunguna sa school na pag mamay ari din ng Endrelton." Congrats Star, Top 1 ka na na
" Star! Hey Star!" Sigaw sakin ni Hero habang ka bababa lang ng kotse niya.Halos pag tinginan kami ng mga estudyante dahil sa lakas ng sigaw niya sa pangalan ko, kaagad akong Tumigil sa paglalakad at hinintay ko siyang makalapit sakin." Naglakad ka lang? Sabi ko hintayin mo ako sabay tayong papasok diba?" Aniya habang naka kunot ang noo." Kaya ko naman mag lakad, tska malapit lang naman ang school hero." " Suss...ayaw mo lang akong kasabay e." Sagot nito sakin at agad na umakbay sa mga balikat ko. Ang malaki niyang braso ay nag bigay ng bigat sakin ngunit hinayaan ko nalang siya na akbayan ako habang nag lalakad kami papasok sa gate ng school." Napaka landi talaga ng Star na yan e! " " kaya nga lahat nalang ng lalake talagang dinidikitan niya, at ang mga Endrelton pa talaga!" Bulong bulungan ng mga estudyanteng Babae habang nag lalakad kami." Akin na nga yang bag mo Star!" Wika ni Hero at agad na inagaw sakin ang Bag ko. Hindi na ako nakatanggi dahil sa bigla niyang pag hablot
"Star, Sakay na!" Tawag sakin ni Harris na hinintuan pa ako ng kotse.Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at kita ko ang ang mga estudyante na nag sisimula na naman mag bulungan." Wag na Harris mag lalakad nalang ako." Sagot ko at kumunot naman agad ang noo niya sakin." Tara na Star, mas lalo silang magagalit kapag binuhat pa kita papasok sa kotse." Wika niya.Dahil sa ayaw ko naman na buhatin pa niya ako ay agad nalang akong sumakay. Inayos niya ang seatbelt ko habang nakasilay ang ngiti sa labi niya." kamusta ang araw mo? Nauna ka na naman pumasok." Aniya habang iniistart ang kotse." Oo, sabi ko naman hindi ko na kailangan sumabay pa sa inyo. Sana maintindihan niyo din, ayoko naman na pare pareho tayong pag isipan ng hindi maganda ng ibang tao." " Bakit ba lagi mong iniisip ang iba? E ano kung malapit ka samin? Mula bata magkakasama na tayo Star kaya wag kang mag pa apekto sa ibang tao okay?" Aniya habang nakatuon ang tingin sa kalsada Hindi ko siya sinagot, hindi ko alam kun
Our heart is like a rain, we cannot stop it from pouring dahil Habang palakas ng palakas ang buhos nito, nakakaramdam tayo ng panlalamig at naghahangad ng makakapag bigay sa atin ng init sa pamamagitan ng pagmamahal." Hintayin nalang natin tumila, baka madisgrasya pa tayo kung pipilitin natin makauwi." Wika ni Hallen habang nakaupo sa mga dayami at dahan dahang hinihimas ang paborito niyang kabayo na si herculesNaupo ako sa tabi niya at isinandal ko ang likod ko sa kahoy na dingding. Kanina pa kami naka pirmi dito sa kuwadra dahil naabutan kami ng ulan. " I have something to ask you." Aniya at napabaling naman ako agad sa kaniya." Ano? Kung bakit maliit ako? Nasa lahi na namin ito pero tatangkad pa ko wag ka masyadong paepal!" Sabi ko at inirapan siya." Hindi yan ang itatanong ko bakit ba masyado kang defensive? " Aniya habang nakataas ang kilay." E diba masaya ka kapag nilalait mo ako?" Wika ko at seryoso parin siyang nakatitig sakin." Nililigawan ka ba ni Harris?" Seryoso niy
"Star, tara na maligo kana din!" Sigaw sakin ni Hero habang abala siya sa pag swimming. " Mamaya na ko Hero." Sagot ko sa kaniya at inilapag ko sa mesa ang meryenda na pinadala sakin ni manang." Di ka pa maliligo?" Tanong naman sakin ni Harris na kakarating lang." Mamaya nalang ako, kayo nalang muna ni hero." Sagot ko tumango siya at nginitian lang niya ako.Ilang araw ko na din pansin ang pag iwas sakin ni Harris, siguro dahil na din sa nangyari doon sa dagat. Hinayaan ko nalang din siya at hindi ko na muna siya kinausap tungkol dun.Pinag masdan ko si Harris habang tinatanggal niya ang suot niyang bathrobe at tanging maikling short nalang ang suot niya, Agad siyang lumublob sa pool at hindi ko maiwasan ang hindi siya titigan. Gwapo talaga si Harris at maganda din ang katawan sana lang maisipan na niyang mag hanap ng Girlfriend para naman hindi lang ako ang babae na nadidikit sa kanila." Hoy Star ano na... dali mag bihis kana kaya!" Wika ni Hero" Sige saglit lang." Sagot ko at A
" Kamusta na ang trabaho sa Rancho Star? Hallen?" Tanong ni señyora habang sama sama kaming nasa hapag kainan." it's okay mom, Star and I have finished that work." Wika ni hallen at napasulyap sakin." Mabuti naman kung ganun." Sambit ni señyora at napatitig sa dalawa niyang anak na kanina pa din tahimik na kumakain." Kayong dalawa pansin ko na parang tahimik kayo, may problema ba Harris? Hero?" " Wala Mom." Sabay na sagot nila.Ilang araw din ang lumipas ng mag tapat sakin si Hallen, at pilit ko na silang iniiwasan dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang isasagot ko sa kaniya. Oo gusto ko na din si Hallen, pero ayoko naman na pag mulan pa yun ng away nila ni Harris." Next week balak ko na isama na ulit si Hallen sa manila, Harris at Star kayo na muna ang bahala sa Rancho." Wika ni Señyora at bakas sa mukha ni Hallen ang pag kagulat, at kahit ako ay nabigla din sa sinabi ni Señyora. Noon pa paalis alis na talaga dito sa mansion si Hallen hindi ko alam kung bakit masyado ako
In a world that is cruel to me and in my life that is full of sadness, Destiny brought me to this place to meet the man who will fill the missing part of my heart.Ang nag iisang lalake na nag padama sakin ng unang pagibig, at pinadama sakin na isa akong bituin na hinahangad ng iba. Hindi man naging maganda ang unang pagtatagpo namin, napuno man kami ng pag aaway at madalas na pagtatalo kahit sa maliit na bagay lang, naging rason yun para mas makilala pa namin ang isa't isa at matutunan na tanggapin ang mga mali namin." Sakay na Star!" Aniya na nauna ng maupo sa kabayo, Hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahang inangat para makasampa sa unahan." Maglibot muna tayo sa Rancho bago ako umalis mamaya." Aniya at mahigpit na hinawakan ang bewang ko ng isa niyang kamay." I will miss holding you so tightly Star." Bulong niya at nag simula ng patakbuhin ang kabayo niya." Gaano ka ba katagal dun?" Tanong ko." Ilang buwan din siguro , kilala mo naman si Mommy marami din siyang inaasikaso
Since he left, every movement of the clock suddenly slowed down and it seemed to excite me. because every minute, second and hour I did nothing but wait for him to come back to me.Dahil sa Nangyari sa amin ni Mama noong umalis siya, nagkaroon ako ng matinding takot dahil pakiramadam ko lahat ng taong aalis at magpapalam sakin ay hindi ko na muling makikita. Pakiramdam ko wala ng saysay pa ang pangako dahil kahit isumpa mo pa ito magagawa mo parin itong hindi tupadin." Happy birthday Star!" Wika ni Hero at inabot sakin ang malaking box na dala niya." Salamat nag abala ka pa!" Nakangiti kong sabi sakaniya. " Maya maya ba baba na tayo marami na ang bisita na nag hihintay." Aniya.Muli akong bumaling sa malaking salamin at pinagmasdan ang kabuuhan ko. Suot ko ay isang lace gown na kulay pula na galing kay señyora at Gold necklace na binigay sakin ni Harris.Ang totoo hindi ko naman gusto ng ganitong Celebration, nahiya lang ako na tanggihan ang mga gusto ni Señyora dahil baka sabihi
"Bakit ngayon ka lang? At saan ka natulog?" Salubong sakin ni Mama." K-Kay Elle po Ma." Nauutal at kabadong sagot ko.Dire-Diretso lang ako na naglakad at nilagpasan ko si Mama pero agad niyang nahablot ang braso ko. May bakas na ngisi sa labi niya at tila nakakalokong nakatitig sakin." Bakit po Ma?" " Hindi si Elle ang kasama mo I know." " Ma naman kung ano na naman iniisip mo diyan!" Sambit ko at natawa lang siya ng bahagya at napakunot na lamang ang noo ko." Oh siya! Mag ayos kana doon at mag hahain nako siguradong pagod ka sa buong gabi." Aniya at tinulak pa ako paakyat sa hagdan.Hindi na ako nakaimik pa sa inasal ni Mama at kaagad na lang ako nag lakad patungo sa kwarto ko. Nang makapasok ako ay kaagad nang hina ang mga binti ko at napa upo na lamang ako sa kama.Nanginginig ang katawan ko at tila nakikipag karera ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog nito. Napapikit na lamang ako ng mariin nang muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I'm very drunk and I can't im
Since I was a child I learned to be strong even though I was repeatedly stepped on and fell to the ground. Mas pinipili ko na manahimik at hindi lumaban kahit gaano pa kasakit ang mga binabato sakin. I prefer to endure everything and continue to hide to myself the tears and pain they cause me and I chose to forgive rather than harbor anger in my heart." Miss Dimiantez Is it true that you had a relationship with Mr Lambert?" Tanong sakin ng isang Reporter.Agad na humarang sakin ang mga tauhan ni Bethany at napatigil ako sa paglalakad at kaagad ko silang hinarap."I have no relationship with anyone and especially with Mr lambert. So to those who spread false news, don't spread false information if we have no basis. I live a Peaceful life here in Paris and I hope you all also live peacefully without harming other people." Sagot ko at mas lalo naman kaming dinumog ng mga Media.Hindi ko alam kung paano ko silang lahat sasagutin pero sa sitwasyon ko ngayon i think hindi ako ang dapat na
"How are you Selene did you sleep well? And did you like Tita Mildred's hotel service? Kung hindi pwede naman tayo lumipat sa Los Angeles para maiba naman." Sambit ni Elle na kakapasok lang ng room ko." Okay na ako dito Elle." Simple kong sagot.Naupo si Elle sa Sofa habang ako naman ay abala sa pag aayos ng mga damit ko at nililipat ito sa closet. Pangalawang lipat na namin ito ni Elle ng Hotel. Gusto ni Papa na bumili ako ng condo unit ko pero tumanggi ako dahil gusto ko na makabili ng sarili kong tutuluyan sa sarili kong pag hihirap. Isang buwan palang ako dito pero para na akong mababliw sa pagkainip. Balak ko na mag libot libot mamaya habang hindi pa ako nag sisimula sa pag pa plano ng itatayo kong business. The Dimiantez has hotels, Restaurants and Construction company at sa mga yan ay wala akong makita na gusto kong gawin. Hindi ko alam pero nalilito na din ako sa buhay ko." Saan ka?" Tanong ni Elle sakin habang abala siya sa ginagawa niya sa Laptop niya." Diyan lang sa lab
" Nakapag Decide na ako. Naisip ko na hindi ko pala dapat ipilit Kay Selene ang kagustuhan ko na Pumalit siya sakin sa kompanya and At her age she should be enjoying her life and not shouldering the responsibility that should be mine." Sabi ni Papa at bumaling ng tingin sakin habang may ngiti sa labi niya."Haist Finally!" Bulong ni Yvon na ikinatawa ng mga pinsan ko." Ang totoo niyan Tito We are also stressed about your Daughter!" Dagdag pa ni Elle." Pasensya na kayo dahil nag mana talaga yan sa Mama niya." Si Papa.Napairap si Mama at muling bumaling sakin." Pwede ka ng mag Boyfriend anak." Nakangiting sabi ni Mama sakin na parang may halong pang aasar." Mama!" Suway ko." Mag kaka boyfriend lang si Selene kapag ako ang pumili." Sabi ni Papa at muling bumaling sa pagkain na nasa plato niya." Actually tito matagal ng may nagugustuhang lalake si Selene." Sabat pa ni Claudia.Napayuko na lang ako at nag kunwaring hindi naririnig ang pang aasar nila sakin. Ayokong mawala sa mood da
"What are your plans selene? Hindi ba gusto ng Papa mo na tulungan mo siya sa kompanya?but You can't run a company because you're forced to." Sambit ni Elle habang nag mamaneho ako pabalik sa Restau ni Yvon.Agad din akong napaisip sa sinabi niya. Sa totoo lang ay halos lahat ng pinsan ko ay yan ang sinasabi sakin pero tama naman sila dahil hindi yun ang gusto kong gawin." Maybe I need a long time to think about it Elle. Ayoko lang talaga na biguin si Papa at alam ko naman kasi na gusto na din niyang mag pahinga." Sagot ko at malalim ang pinakawalan ko na buntong hinga." I'm also a bit under pressure!" Dagdag ko." Hayy naku! Kaya mo yan ikaw pa ba?" I hope I can handle it because I don't want to disappoint my parents, Mahirap din pala kapag mataas ang Expectations ng mga tao sayo dahil lagi silang umaasa na kaya mong gawin ang lahat. Palagi kang matatakot na mabigo mo sila, palagi mong iisipin yung gusto nila kaysa sa gusto mo." kamusta naman kayo Nung CEO ng H&E?" Tanong ni Ell
" Goodmorning po Miss Dimiantez nasa loob pa po si sir may kausap pa po siya pero nag bilin siya na papasukin kana lang daw." Sabi ng Secretary ni Papa." Ganun ba? Pero pwede naman ako mag hintay dito sa labas."Ngumit siya sakin ng pilit at parang may takot." Okay papasok na lang ako padala na lang ako ng Coffee Thanks." Sabi ko at kaagad kong pinihit ang Doorknob at pumasok sa Office ni Papa." Goodmorning." Bati ko at agad na bumungad sakin ang nakatalikod na lalake. " Goodmorning Anak." Tumayo si papa at hinalikan ako s apisngi bago ako makaupo sa tabi niya.Halos mamilog ang mata ko ng makaharap ko ang lalake na nakasuot ng itim na Suit at matalim ang tingin sakin." Selene this is Hallen Casperion Endrelton jr. CEO ng H&E ." Nakangiting sabi ni Papa habang hindi parin naalis ang tingin ko sa matalim na titug sakin ni Hallen. Anong ginagawa niya dito? Posible kaya na alam niya noon pa kung saan ako mahahanap?" Hi Mr. Endrelton nice to meet you." Nakangiti kong sabi at inab
" Hi Selene omg you're so Pretty!" Masayang salubong sakin ni Claudia. Napabaling ako kay Sophie na kumaway sakin mula sa kinauupuan niya." Naku muntikan pa nga itong hindi sumama mabuti na lang at napilit namin ni Elle si Tita Selena." Halos sumigaw sila sa isa't isa habang nag uusap dahil sa lakas ng music sa bar. Nag tungo kami sa kinauupuan ni Sophie at naupo naman kami sa tabi nito habang pinag mamasdan ko ang mga taong abala sa pag sasayaw at pag inom.Mabuti na lang at pumayag si Mama dahil nahihiya naman ako kay Elle at Yvon dahil nag abala pa sila na Sunduin ako sa bahay." It's better to drink and enjoy because we can't stay long dahil maya maya lang ay tatawag na ang Mama ni Selene!" Sambit ni Elle at natatawa pa." Masyadong mahigpit ang parents mo Selene. Pero kung sabagay, maganda ka at bata pa mahirap na baka mauto ka ng mga lalake." Si Clau.Inabutan niya ako ng isnag baso ng Wine at agad ko naman yun tinanggap." Wag ka mag alala wine lang yan at hindi ka din namin
" Bagay na bagay sayo ang uniform mo Selene." Sambit ni Mama habang sinusuklay ang Buhok ko. Nakatapat kami sa salamin at tanaw ko ang magandang ngiti niya." Ma hindi ba masyadong maikli itong palda nila?" " Naku hindi naman at bagay naman sayo dahil maganda ang mga binti mo." Puri ni Mama. " Hindi pa ba kayo Tapos diyan?" Sigaw ni Papa mula sa labas ng Kwarto ko. Agad naman namin tinapos ni Mama ang ginagawa namin bago kami lumabas at naabutan nga namin Si papa na nasa tapat ng pintuan at nag hihintay samin." Hindi pa pwedeng mag paligaw Selene Do you understand? " Seryosong sabi ni papa matapos niya akong titigan mula ulo hanggang paa.Kung alam lang nila na nag ka boyfriend na ko dati at muntikan na din may mangyari samin. Mabuti na lang at wala dahil baka buntis na ko ngayon at imposible ng matupad ang nga pangarap ko." Ricardo bilisan mo naman baka ma late ni ang anak natin!" Singhal ni Mama na ikinatawa ko."Sorry honey I'm just being careful."Hindi ko alam kung normal la
" Mama...." Bulong ko at agad naman bumaling sakin ang taong matagal ko ng pinapangarap makasama.Nakatulala lang siya sakin at kaagad ko siyang nilapitan para yakapin ng mahigpit." Mama Sobra kitang na miss." Niyakap niya ako pabalik ngunit seryoso parin ang mukha niya sakin. Bakas man sa mukha niya ang edad niya hindi parin natakpan ng kulubot ang ganda niya at Siya lang ang kaisa isang babae na hinangaan ko ng husto. Masipag at mapagmahal na Ina na hindi dapat mahusgahan ng mga taong walang alam." Ikaw ba si Selene?" Tanong niya at agad naman akong tumango." Opo mama ako po ito. Ako po si Star anak mo po ako."Tumulo ang luha ko ngunit agad niya yun pinunasan ng kamay niya." Sorry kung hindi kita maalala sa ngayon. Pero ramdam ko sa puso ko kung gaano ko kamahal ang anak ko kahit hindi ko maalala kung paano ko siya hagkan at alagaan noon. My heart is always looking for love and I'm trying to search in my mind who is the person who can give it to me At sa tingin ko ikaw nga yun