Ngumiti siya.“Oo nga, salamat sa Diyos. Teka, si Bianca kumusta na nga pala siya?” “Ang sabi ni Tita Ruby isang buwan pa raw ang palilipasin niya ito sa ospital. Alam mo na hindi biro ang operasyong pinagdaanan niya at kailangan parin siyang ma-monitor ng mga doctor.”“Ako kailan ako pwedeng lumabas?”
END of the month.Kagaya nang mga nakalipas na, masayang nagtatakbo si Raphael sa lobby ng St. Joseph Medical Center patungo sa emergency room kung saan naroon ang kanyang Lola Pilar. Dahil pag-aari ng pamilya ng Lola niya ang pribadong pagamutang iyon sa bayan ng Mercedes, pinapayagan siyang makapasok doon.
TWO YEARS LATER….IYON ang gabi ng JS Prom sa pinapasukang exclusive school for girls sa Maynila ni Louise. Lumabas siya ng gate para mag-abang ng taxi.
KAHIT sabihing napakaganda nito, at napakahusay sa kama.Wala siyang makapa sa dibdib niya na kahit anong espesyal na damdamin. Bukod pa sa inip na inip narin siya sa relasyon nilang halos dalawang buwan narin. Ang pinakamatagal na pakikipag-steady niya sa isang babae.“I swear hindi kita titigilan! Tandaan mo iyan!” banta nito sa kanya.
“ARE you hungry?” tanong sa kanya ni Hildegarde, ang kanyang Mama.Sunday, pauwi sila noon sa
“SIGURADO ka ayaw mong kumain?” paniniyak ni Hilde nang samahan siya nito at ni Ralph sa kanyang magiging kwarto.Nakangiti siyang umiling. “Okay lang ako Ma, pasensya na po kayo Tito. Talagang masama lang ang pakiramdam ko” paumanhin niya kay Ralph na nakangiting nakikinig sa usapan nilang mag-ina. “babawi nalang po ako mamayang dinner.”
“ANONG nangyayari dito?” bungad ni Ralph kasunod si Hilde.“Raphael! What are you doing here? At bakit ganyan ang ayos mo?” ani Ralph sa lalaking nakatayo parin sa paanan ng kanyang kama.Noon umiling-iling si Raphael, ang kanyang stepbrother? “I’m sorry, sa sobrang kalasingan ko hindi ko napansin na maling kwarto pala ang napasok ko” anitong isa-isang pinulot ang nagkalat nitong damit sa sahig.
“SA tingin ninyo Mama, okay lang kaya kung hanapin ko ang Papa?” kinagabihan ay naitanong niya sa ina.Matagal muna siyang pinagmasdan ng ina bago nito itinuloy ang pagpapadaan ng brush sa kulot niyang buhok. “I don’t think it’s a good idea anak” anito sa karaniwan ng mahinahon tinig.