HAYES COX FERGUSON“Ibig sabihin gusto mo kami mag bakasyon kay Tina?” Tanong ni Nanay habang inaayos nito ang kanyang damit.“Oo nay, mas maganda na ‘yun susunod na lang kami doon sa 31..” sagot at pagsisinungaling ko.Binigyan muna ako nito ng makahulugan na tingin saka ako ngumiti. “Susunod po kami, pangako po.” Sagot ko dito.“Hijo, ayoko mababalitaan sa tv na may hindi magandang nangyari sa inyo, mas lalo na sa’yo..” mahina pero may kaunting pagbabanta nitong paalala sa akin.Ngumiti ako at tumango, “Alam ko ‘yan, nay. Paki sabi sa ibang katulong na makaka uwi muna sila para makasama ang pamilya nila sa bagong taon..” paalala ko at umalis na ako.Pag talikod ko agad kong inalis ang ngiti sa labi ko, maayos na simula dito sa oras na maka alis sila. Hindi ko na kailangan matakot sa mangyayari sa kanila.Lumabas ako ng bahay at nag tungo sa garahe, nakita ko si Dalton at Luigi dito. “Guys, gusto ko kayo maka usap.” Bungad ko ng maka lapit ako sa dalawang kapwang nag kakape.Agad tum
THIRD PERSON POVNapa tulala si Caezar Tate sa pag labas ng balita tungkol sa kanyang asawa. At pag labas pa ng kanyang mga ginawa sa mga batang babae.“Ang kaso mo pala ay pang gagah*sa sa mga bata?” Tanong ng isang lalaki na kapwa nito naka kulong.Ito ang mayor ng Selda Trese ngayon na dati ay si El Mayor. Ngunit walang makaka palit parin sa nag iisang El Mayor.“Hindi yan totoo! Walang katotohanan ang mga yan!” Pag tanggi ni Caezar sa tanong ng Mayor na si Giablo.Natawa naman ito at nag salita, “Tanda. Nakikita mo ba yung payat na lalaking yun?” Tanong nito at hindi pinansin ang sagot ni Tate.Sinundan ni Tate ng tingin ang tinuturo ni Giablo. “Alam mo ba kung gaano kalaki ang katawan niyan noon? Ang kaso niya ay pang gagah*sa sa sarili niyang anak na walang muwang sa mundo.” Paliwanag ni Giablo.Nakaramdam ng takot si Tate makikita ito sa kanyang mga mata, dahil kung makikita mo ang lalaking sinasabi ng Mayor dito. “Dati yan maskulado, kaso dahil sa kanyang kaso naging bakla na
HAYES COX FERGUSONGusto ko mainis dahil sa gising pa si Labrador hindi ko magawang kumilos. Ito ang kwarto na ito ang pakay ko. Dahan dahan akong nag tungo sa gilid ng malaking bintana.Nagawa ko pang sumilip sa labas para makita kung mag uumaga na ba. “Alam mo naman kung gaano ko kagusto mahawakan ka at maka-inig ka diba? Leona?” Tanong ni Labrador.Napa ngisi naman ako at kinuha ko ang cellphone ko mabuti naka baba ang ilaw nito kaya hindi niya ito mapapansin. Nag simula na ako mag record ng usapan nila.Tinaas ko ng kaunti ang manggas ng jacket ko para makita ang oras, wala pang tatlumpung minuto ng makapasok ako dito.“Papayag ako sa gusto mo, basta masigurado mo lang sa anak mo na hindi kami makukulong ng anak ko..” narinig kong sagot ni Leona.Napa iling na lang ako sa sagot ni Leona, handa talaga siyang ibenta ang katawa niya para lang sa kagustuhan niya.“Sigurado na yan, magkita na lang tayo ibibigay ko sayo kung saan tayo magkikita..” wika ni Labrador.Nang makita kong tuma
WARNING !!Wala pong SPG pero may mga salita na baka po hindi kayo komportable. Maaari po na i-skip na lang po salamat!-HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN hindi ko na hinintay na magising ang lahat ng umalis ako. Hindi pa sumisikat ang araw ng umalis ako upang mag tungo sa bilibid.Hindi na ako nag abalang gumamit ng sasakyan dahil saglit lang naman ako. Inayos ko ang pagkaka parada ng motor ko sa loob mismo ng bilibid at nag tungo na ako sa mismong pinaka pusod ng kulungan.“Red, bumalik ka ulit.” Wika ni Pablo na isa din taga-bantay dito.Nakipag kamay ako dito at nag tanong, “Pwede ko ba siya makausap?” Tanong ko dito. Tumayo naman ito at nag umpisa ng mag lakad kaya sumunod na ako. “Oo pwede, pero siguro naman alam mo na ang nangyayari sa kanya dito sa loob?” Tanong nito sa akin.Nag lakad lang ako habang hawak ang aking helmet, “Oo. Maaari ko ba maalaman sino ang may pakana ng lahat ng ‘yun? O sino ang nanguna?” Tanong ko dito.Kahit alam ko naman kung sino pero mas okay na rin n
THIRD PERSON POVNaka upo lang ang binatang si Hayes at pinapanood nito ang balita na nag labasan sa national tv. Naka taas pa ang paa nito dahil sa nakikita niya. “Huwag kang kampante, Bata dahil hindi pa natin nakikita kumilos si Labrador.” Pag papaalala ni El Mayor sa binata.Lumingon ang binatang si Hayes dito at umupo ito ng maayos, “Alam ko ‘yan. Sa ngayon yan na muna ang magiging atake ko saka na ako mag dadag-dag kapag kailangan na..” sagot ng binata.Wala namang imik si El Mayor sa sagot ng binata sa kanya.SA KABILANG BANDA napalingon ang dalagang si Catleyah sa kanyang ina. “Mom?! Totoo ba ito? Kahapon ito diba? Sabi mo makikipag kita ka kay Ninong!” Pagtatanong ng dalaga sa kanyang ina.“Tapos ito ang ginawa niyo? Pati si dad?!” Pag tataas nito ng boses sa ina. “Nakakadiri ka mom! Buhay pa si daddy tapos ganito ginagawa mo?!” Sigaw na naman nitong tanong sa kanyang ina.Ngunit isang malakas na sampal ang sinagot ng ina nito sa kanyang anak. “Don’t talk to me like that! Gin
HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN tulad ng sinabi sa akin ni Tiger, nagtungo ako sa presinto kasama ko si Dalton at Luigi.Pag pasok ko pa lang ng presinto ay agad akong sinalubong ni Jimenez at ang kasama nito lagi na pulis din. “Doon tayo sa opisina ko. Magandang umaga Mr. Ferguson..” pagbati nito pero tango lang ang naging sagot ko.“Para saan ba ito at kailangan pa akong pumunta dito? Is that really confidential?” Tanong ko habang patungo kami sa opisina nito.“Oo, at wala akong tiwala sa mga kapwa ko pulis dahil na din ang iba dito ay kayang bayaran ni Leona.” Halos pabulong na nitong sagot at pumasok ito pag una sa opisina.Kaya naman sumunod na lang din kaming tatlo nila Dalton at Luigi. “Maupo kayo, iwan mo na kami..” utos nito sa amin at sa pulis na kasama nito.“Yes Sir!” Sumaludo pa ito at ganun din si Jimenez. Nang lumabas ang pulis napa lingon ako muli sa harap ni Jimenez ng marinig kong may binagsag ito sa mesa.“Confession yan ng dating katulong ng mga Tate, noong panahon
THIRD PERSON POVUmupo sa sahig si Leona at kinuha nito ang maliit na box mula sa kanyang mga gamit.Nang buksan niya ito dito makikita ang isang litrato ng dalawang dalagang babae, kinuha niya ito at hinimas ang litrato na ito.“Maipag hihiganti na rin kita, ate. Malapit na..” bulong nito.Hanggang kunin nito ang isang diary na halatang may kalumaan na rin. Binuksan niya ito at binasa ng may tamang lakas.“Buong akala ko siya na ang lalaking mag aahon sa akin sa kahirapan, ngunit mali ako dahil siya ang mismong mag lulubog pa sa akin sa kumunoy na aking pinanggalingan. Minahal ko siya at sinamba dahil ganun ko siya ka gusto ngunit sa pagmamahal na ‘yun ako lang pala ang may nararamdaman..” putol nito sa pagbabasa.“Nalaman ko na may ibang babae pala siyang tunay na mahal. Nasaktan ako ng sobra sobra kinompronta ko siya at sinabi niya sa akin mismo na hindi niya ako kaya mahalin, dahil may mahal siyang iba. Ito ang gusto niya makasama habang buhay, ginamit niya lang ang katawan ko dah
HAYES COX FERGUSONHABANG PATUNGO KAMI SA PRESINTO napansin ni Luigi na may sumusunod sa amin na sasakyan.“Sir, kanina pa po sumusunod sa atin ang sasakyan na yan..” wika ni Luigi kaya napa lingon ako sa likod.“Saan dyan?” Tanong ko dahil tatlo naman ito. “Lahat po. Kanina pa yan noong nakalabas tayo ng highway..” sagot ni Luigi.Tiningnan ko ng maigi ang sasakyan bago ako mag salita. “Dalton, huwag ka mataranta normal speed lang tayo hanggang makarating tayo sa hindi matao na kalsada pagkatapos doon ka na kabahan..” utos ko na kina nganga ng dalawa kong kasama.Yumuko ako at kinuha ko ang bag ko na may nakatagong mga rehistradong bar*l. Kinuha ko ito at nilagay ito ng bala.“Ma-marunong ka niyan?” Tanong sa akin ni Dalton.Tiningnan ko ito ng malamig ay sumagot . “Past time namin ito ni Dad noon, mas lalo kapag gusto lang niya mag tanggal ng stress..” sagot ko na kina singhap ng dalawang kasama ko.“Mag handa kayo dahil kapag naka lagpas na tayo sa maraming tao. Gigit-gitin nila t
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.