THIRD PERSON POVNaka upo lang ang binatang si Hayes at pinapanood nito ang balita na nag labasan sa national tv. Naka taas pa ang paa nito dahil sa nakikita niya. “Huwag kang kampante, Bata dahil hindi pa natin nakikita kumilos si Labrador.” Pag papaalala ni El Mayor sa binata.Lumingon ang binatang si Hayes dito at umupo ito ng maayos, “Alam ko ‘yan. Sa ngayon yan na muna ang magiging atake ko saka na ako mag dadag-dag kapag kailangan na..” sagot ng binata.Wala namang imik si El Mayor sa sagot ng binata sa kanya.SA KABILANG BANDA napalingon ang dalagang si Catleyah sa kanyang ina. “Mom?! Totoo ba ito? Kahapon ito diba? Sabi mo makikipag kita ka kay Ninong!” Pagtatanong ng dalaga sa kanyang ina.“Tapos ito ang ginawa niyo? Pati si dad?!” Pag tataas nito ng boses sa ina. “Nakakadiri ka mom! Buhay pa si daddy tapos ganito ginagawa mo?!” Sigaw na naman nitong tanong sa kanyang ina.Ngunit isang malakas na sampal ang sinagot ng ina nito sa kanyang anak. “Don’t talk to me like that! Gin
HAYES COX FERGUSONKINAUMAGAHAN tulad ng sinabi sa akin ni Tiger, nagtungo ako sa presinto kasama ko si Dalton at Luigi.Pag pasok ko pa lang ng presinto ay agad akong sinalubong ni Jimenez at ang kasama nito lagi na pulis din. “Doon tayo sa opisina ko. Magandang umaga Mr. Ferguson..” pagbati nito pero tango lang ang naging sagot ko.“Para saan ba ito at kailangan pa akong pumunta dito? Is that really confidential?” Tanong ko habang patungo kami sa opisina nito.“Oo, at wala akong tiwala sa mga kapwa ko pulis dahil na din ang iba dito ay kayang bayaran ni Leona.” Halos pabulong na nitong sagot at pumasok ito pag una sa opisina.Kaya naman sumunod na lang din kaming tatlo nila Dalton at Luigi. “Maupo kayo, iwan mo na kami..” utos nito sa amin at sa pulis na kasama nito.“Yes Sir!” Sumaludo pa ito at ganun din si Jimenez. Nang lumabas ang pulis napa lingon ako muli sa harap ni Jimenez ng marinig kong may binagsag ito sa mesa.“Confession yan ng dating katulong ng mga Tate, noong panahon
THIRD PERSON POVUmupo sa sahig si Leona at kinuha nito ang maliit na box mula sa kanyang mga gamit.Nang buksan niya ito dito makikita ang isang litrato ng dalawang dalagang babae, kinuha niya ito at hinimas ang litrato na ito.“Maipag hihiganti na rin kita, ate. Malapit na..” bulong nito.Hanggang kunin nito ang isang diary na halatang may kalumaan na rin. Binuksan niya ito at binasa ng may tamang lakas.“Buong akala ko siya na ang lalaking mag aahon sa akin sa kahirapan, ngunit mali ako dahil siya ang mismong mag lulubog pa sa akin sa kumunoy na aking pinanggalingan. Minahal ko siya at sinamba dahil ganun ko siya ka gusto ngunit sa pagmamahal na ‘yun ako lang pala ang may nararamdaman..” putol nito sa pagbabasa.“Nalaman ko na may ibang babae pala siyang tunay na mahal. Nasaktan ako ng sobra sobra kinompronta ko siya at sinabi niya sa akin mismo na hindi niya ako kaya mahalin, dahil may mahal siyang iba. Ito ang gusto niya makasama habang buhay, ginamit niya lang ang katawan ko dah
HAYES COX FERGUSONHABANG PATUNGO KAMI SA PRESINTO napansin ni Luigi na may sumusunod sa amin na sasakyan.“Sir, kanina pa po sumusunod sa atin ang sasakyan na yan..” wika ni Luigi kaya napa lingon ako sa likod.“Saan dyan?” Tanong ko dahil tatlo naman ito. “Lahat po. Kanina pa yan noong nakalabas tayo ng highway..” sagot ni Luigi.Tiningnan ko ng maigi ang sasakyan bago ako mag salita. “Dalton, huwag ka mataranta normal speed lang tayo hanggang makarating tayo sa hindi matao na kalsada pagkatapos doon ka na kabahan..” utos ko na kina nganga ng dalawa kong kasama.Yumuko ako at kinuha ko ang bag ko na may nakatagong mga rehistradong bar*l. Kinuha ko ito at nilagay ito ng bala.“Ma-marunong ka niyan?” Tanong sa akin ni Dalton.Tiningnan ko ito ng malamig ay sumagot . “Past time namin ito ni Dad noon, mas lalo kapag gusto lang niya mag tanggal ng stress..” sagot ko na kina singhap ng dalawang kasama ko.“Mag handa kayo dahil kapag naka lagpas na tayo sa maraming tao. Gigit-gitin nila t
ELIJAH “Tiger” EVANSNAPALINGON AKO ng tawagin ako ni Hayes at doon ako napa takbo ng makita ko itong naka luhod at naka hawak sa tyan nito.Nang sundan ko ng tingin, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang patak ng dugo. “HAYES!!” Tawag ko dito at tumakbo ako agad ngunit nawalan na itong malay.“Dalian niyo kailangan siya madala sa hospital!” Utos ko at binuhat ko sa likod ko si Hayes naramdaman ko agad ang basa sa likod ko.Ang dugo ni Hayes ito. Agad akong nag lakad palabas at si Luigi naman ay binuksan ang pinto. “Dalton! Sa L&V hospital tayo ngayon!” Utos ko at sumakay na ako agad.Hinubad ko ang damit ko at tinakpan ko ang sugat ni Hayes kung saan ito nasaksak. “Si Micro na ang bahala tumingin sa CCTV kung sino ang sumaksak kay Hayes.” Panimula ni Luigi.“Kaya na niya ‘yun andun din sila El Mayor. Bilisan mo baka maubusan ng dugo si Hayes..” utos ko dito.Naramdaman ko na bumilis ang takbo ng sasakyan. Hanggang sa makarating kami ng hospital at agad akong bumaba dahil may naka aban
HAYES COX FERGUSONNAGISING AKO SA MALAMIG NA TUBIG NG IBUHOS ITO SA MUKHA KO. Napa ubo ako dahil ang iba ay nainom ko pa.“Gising!” Narinig kong boses ng isang babae. Unti unti kong binuksan ang mata ko, naalala ko ang nangyari sa akin kagabi sa bar. Kaya ang ini-expect ko ay nasa hospital ako pero, base sa nakikita ko ngayon ay madilim ay mabaho ang paligid at madilim.“Huwag ka na muna mamatay, hindi pa ako tapos pag laruan ka at ang buhay mo.” Narinig kong wika ng babae, doon ko nakilala ang boses nito.Tiningnan ko ito ng malamig at gumuhit sa labi ko ang ngisi. “Leona..” bigkas ko sa pangalan nito na kina laki ng mata nito.Ramdam ko na nakatali ako sa isang Garrote Rope, masakit pa ang saksak sa akin pero mas mabuti hindi ko muna ito isipin. Kailangan ko makalaya dito.Ang dalawang kamay ko at nasa likod ng inuupuan ko, habang ako ay naka upo nakita ko din ang pagdurugo ng sugat ko. “Mabuti naman at kilala mo ako? Hindi mo ba alam kung gaano ako ka-galit sa magulang mo?!” Tano
THIRD PERSON POVHABANG NAGLALAKAD ANG BINATANG SI DAMON SA KAKAHUYAN. Hindi maiwasan ng mga police na mapa iling dahil naririnig nila ang pag sipol nito.“Gusto ko mag duda na isa siya sa mga mafia..” wika ng isang babaeng pulis.“Hindi s’ya pwedeng baliwain kahit na siya ang naghahatid ng gulo sa angkan nila hindi maalis sa kanya na isa pa rin siyang mafia..” bulong ni JimenezSA KABILANG BANDA habang naglalakad si Hayes narinig niya ang pag lakad ng tauhan ni Leona sa likod niya.Agad itong nag tago sa malaking puno at nanahimik doon. “Hanapin niyo siya hindi ito makaka layo dahil sugatan ito!” Utos ni Leona sa kanyang tauhan na natitira.Habang naglalakad ang binatang si Damon naaninag nito ang dalawang pigura ng tao. Hindi siya pwede mag kamali alam niyang lalaki ang mga ito.Kaya naman luminga-linga muna ito sa paligid upang, makita ang paligid at likuran nito. Tumigil din ito sa pag sipol na pinag taka ng mga pulis at kasama sila Micro at Tiger.“Ibig sabihin nasa malapit ang l
SANDRA ANDRADA GILLIAMHindi ko maiwasan hind mag taka sa mga nangyayari sa Maynila. Ang buong akala ko makakarating sila pero, ng marinig ko ang sagot ni Elijah hindi ko maiwasan hindi kutuban.“May hindi ba ako alam?” Tanong ko habang naka harap ako sa cellphone ko.“Hija may problema ba, anak?” Tanong ni mommy sa akin.Agad akong lumingon at tinago ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking jacket. “Wala mom, sinabi lang ni Elijah na hindi sila matutuloy sa pagpunta dito dahil may malaking problema ata sa kumpanya..” mahinahon kong paliwanag.Ngumiti ako para hindi na mag aalala si mommy kay Hayes. “So tayo tayo lang mag se-celebrate?” Tanong ulit ng mommy ko.Tumango ako at ngumiti ako ng tipid. Bumuntong hininga naman ang mommy ko. “Hayaan mo na po mommy, baka po talagang may problema.” Sagot ko at inaya ko na si mommy na pumasok sa loob.Nasa isang maliit na resort kami ngayon, sinama ko ang buong pamilya ni Tina para dito mag celebrate ng bagong taon.Kasi kung sa kanila hindi sila
HAYES COX FERGUSONNaka upo ako sa waiting area ng City Jail habang hinihintay ko si Leona at Caezer. “Mr. Ferguson hindi makaka labas si Caezar sa kulungan niya. Dadalhin ito sa hospital,” bulong sa akin ni Officer Acol.Tumango ako at hindi na umimik, ito na ang oras para ipakita ko ang kapatid ni Leona sa kanya. Para magising na it mo sa kahibangan niya na paghihiganti.Kinakabahan ako pero.. “Kaya ko ito..” bulong ko lang at hindi nag tagal lumabas na si Leona. Naka posas lang ito at hawak ito ng dalawang police na babae.“Ibalik niyo na ako, kung yang tao lang na yan ang makakag——” nag salita ako agad at hindi ko ito pinatapos.“Gusto ko lang sabihin sayo na, ang matagal mo ng hinahanap na tao ay hawak ko na. Gusto ko makita mo siya..” wika ko.Lumingon ito sa akin, “Pero bago yun gusto ko lang itanong kung nagsisisi ka na ba sa lahat ng ginawa mo?” Tanong ko dito.Natawa ito at nginisian ako, nag lakad na ito palapit sa akin at umupo muna ito. Hindi ako umupo hinintay ko lang it
HAYES COX FERGUSONKINAKABAHAN AKO NGAYON NG GABI dahil sa opening na ito. Napili namin ito gawin ng gabi at ngayon dahil tumapat din ito sa kaarawan ng aking ina.“Huwag ka na kabahan huy! Hindi yan ang Hayes na kilala ko!” Narinig kong wika ni Micro napa tingin ako sa salamin at nakita ko itong pumasok.“Hindi maiwasan, this is the biggest event na hahawakan ko. Isama mo pa na kaarawan din ng mommy ko..” sagot ko dito at inayos ko ang bow tie ko at tumayo na ako.“Hahaha okay lang yun, nandito naman kami. Nasa labas na lahat ng bisita pero ang mga Lavistre at Valencia wala pa, nag message naman si Thunder na male-late sila saglit at may tantrum daw ang isa sa kambal na anak ni Flame..” mahabang sagot nito.Ngumiti naman ako at umiling. “Okay lang wala naman problema, pero sana sinama na lang nila ang mga bata sa kanila?” Pagtatanong ko.Nag kibit balikat ito at sabay kami napa tingin sa pinto ng bumukas ito. “Sorry guys, ngayon lang ako!” Humahangos na wika ni Sandra.“Nag madali ka
HAYES COX FERGUSONLUMIPAS PA ANG ISANG LINGGO MATAPOS NAMIN mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Ang inasikaso ko naman ang kumpanya at ang pagbubukas muli Coleen’s Clothing line, pinangalan ko ito sa mommy ko dahil para sa kanya ito.Ang kumpanya dati ng mga Tate ay siyang ginamit ko para ma-ipatayo ang clothing company ni Mommy. Under parin ito sa pangalan ko dahil ako naman ang may ari.“Handa kana para bukas?” Tanong ni Tita Carmella. Lumingon ako dito at nilapag ko ang hawak kong wine glass.“Opo handa na po ako,” naka ngiti kong sagot. Ngumiti ito at tumabi sa akin.“I’m sure sobrang proud sayo ni Kuya..” wika nito. Kuya ang tawag niya sa daddy ko.“I know tita,” tumango ako at namulsa ako. “Tita may tanong ako..” wika ko at nilingon ko ito.Binalingan ako nito ng salubong ang kilay nito. “Sige ano yun?” Tanong nito.“May balita ka ba kay Tito Larry?” Tanong ko dito, nakita ko nagulat ang mata nito at humarap sa akin.“Bakit mo natanong si Larry? May problema ba?” Sunod
JAMES MICRO TAN“Anong laro nyo mga bata?” Tanong ko sa kanila, naging dahilan yun para mag angat ng tingin si Hayes.“Lalaro po kami patintero!” Sagot ng isang bata.“Uy sali ako! Matagal na ako hindi nakaka pag laro ng ganyan.” Sagot ko at inalis ko na ang cellphone ko at wallet ko sa aking bulsa. Hinagis ko ito sa gawi ni Luigi na agad naman nito nasalo.“Sali din kami!” Wika naman ni Dalton at tumayo na ito natawa naman ako at lumapit na kami sa mga bata.“Agawan base na lang Agnes kasi marami tayo!” Wika ni Don-don kay Agnes.“Alam nyo po yung agawan base kuya James?” Tanong sa akin ni Agnes.“Oo naman ako pa ba? Game ka Dalton?” Tanong ko naman kay Dalton.“Parang hindi ako naging bata, Sir Micro.” Sagot lang nito na kina tawa ko at tango.HAYES COX FERGUSONHawak ko ang wallet ni James ng buksan ko ito habang nag lalaro ang mga ito. Kasama sila Jaguar napapangiti ako kahit hindi ko sila nakikita dahil sa mga tawanan nila.Wala silang laban at malalaki ang kasama nila, tatakbo p
HAYES COX FERGUSON“Pwede ba kami tumulong?” Napa lingon ako sa pinto ng may nag salita.“Jaguar? Sige pasok..” pag payag ko at pumasok ito kasama nito si Jason may dala din itong box na hindi ko matukoy ang laman dahil sa hindi ko naman matagal nakita.“Narinig namin na nag pack kayo ng school supplies for the homeless kids? Paano ka nakaka siguro na papasok sila?” Tanong naman ni Jaguar.Infact lahat sila hindi ko alam ang totoong pangalan nila. Kaya naman puro nick name ang tawag namin sa isa’t isa, maliban siguro sakin kilala na nila noon pa.“Kung hindi sila papasok ibibigay ko parin, kahit kasi hindi sila pumasok pero yung ibang miyembro ng pamilya naman ay tingin ko papasok yun sa school. l.” Sagot ko naman dito.Buti may nabili kaming lagayan para sa mga gamit ng bata. “Bakit mo ba naisipan ito gawin?” Tanong naman ulit ni Jaguar.Ngumiti ako at kinuwento ko ang nangyari kanina sa simbahan. “Naka kita kasi ako ng batang babae nagtitinda ito ng Sampaguita. Noong binigyan ko siya
HAYES COX FERGUSONMAAGA PA LANG BUMANGON NA AKO para puntahan ang puntod ng magulang ko. Nakapag desisyon ako kagabi na mag isa magpunta dito, nang umuwi ang mga bisita kagabe nag usap lang kami ni Agatha pero napaka bilis lang nito dahil dumating si Jimenez.Pinadaan ko sila sa likod upang hindi sila mag tagpo, mahirap na makita si Agatha ng mga pulis. Nanatili pa rin itong fugitive, nag suot lang ako ng itim na leather jacket at kinuha ko ang susi ng sasakyan kong Lamborghini Aventador kulay gray ito, matapos nito bumaba na ako at nag tungo sa garahe.Binuksan ko muna ang gate at sumakay sa sasakyan ko na naka labas na rin sa garahe. Mabilis kong pinaandar ito at bumaba ako muli ako at sinara ko ang gate.Wala pang gising na katulong kaya alam ko na wala pang mag sasara nito, matapos nito mabilis akong lumabas ng guard house inabutan ko sila ng isang libo para mag agahan sila.Matapos nito mabilis na ako nag tungo sa sementeryo upang dumalaw sa magulang ko. Nag tungo muna ako sa ma
HAYES COX FERGUSONNAPA LINGON AKO SA MGA TAO SA LOOB NG Court Room ang iba sa kanila ay lumuluha na rin."Ang pag patay at pag set up sa isang tao ay hindi tama gawin. Ngunit dahil sa pera at kapangyarihan sa lipunan na ito, nakakagawa tayo ng hindi maganda.." makahulugan na wika ng Judge. Ako ay hindi pinaalis sa aking kina-uupan sa hindi ko malaman na dahilan. "Kayong mag asawa, kaya hindi kami pumayag na pag salitaan kayo dito dahil na rin yun sa request ng mga naiwan ng biktima niyo. Gusto nila kayong makulong ng walang pag asang idepensa ang inyong mga sarili, kung unfair man ang paghatol sa inyo at pagtrato. Isipin niyo na lang ang walang awa niyong pinatay at pinarusahan." wika ng judge ulit.Yumuko lang ako at tahimik na nakinig. "Lahat sila inosente, ginamit para lang sa pang sariling tawag ng laman. Kung may death penalty ang bansang ito? Hindi ako magtataka kung nasa list na kayo. Ngunit wala, pero ang pagkakulong ninyo habang without any possible of parole ay isa ng hal
HAYES COX FERGUSONHabang kumakain ng gabihan nag salita si Mr. Gilliam. “Siguro naman tapos na ang laban mo hijo?” Tanong nito.Uminom na muna ako ng tubig at pinunasan ko ang aking bibig bago sumagot. "Hindi pa po, may huling hearing pa but i hope pinaka huli na ito. Nang matapos na ito lahat.." magalang kong sagot."Dapat kanina pa lang nag desisyon na sila nilatag mo na ang lahat ng ebidensya." wika ni Tita Serina."Kung ano man po ang maging desisyon aayon ito sa akin kaya wala ako magiging problema doon.." sagot ko at nginitian ko sila ng tipid.Hindi na ako nakarinig ng kahit ano pang tanong hanggang matapos ang dinner. Nang matapos binigyan nila kami ng isang baso ng wine, masasabi ko na masarap ang wine na ito "World class ang wine na ito, marami nakaka-alam na ang wine company na ito at ang totoong may ari ang batang mafia na yun." bulong ni Micro at pinakita sa akin ang nakuha nitong intel."Hanggang dito ba naman? Info parin?" hindi ko maka paniwalang tanong dito, tumawa
HAYES COX FERGUSONMATAPOS KAUSAPIN NG HUKOM MAG isa si Catleyah ito na ang sumalang sa hot seat. Ngunit nagulat ako ng bago mag umpisa ang pagtatanong tumayo ito habang hawak ang isang folder at nag salita ito.“Mula sa hukuman na ito, ang nasasakdal na si Hayes Cox Ferguson sa salang pagnanakaw at panggagahasa kay Catleyah Chloe Tate, ay pina-pasawalang bisa na ng korteng ito. Ang lahat ng ebidensya na sinumiti sa hukuman na ito ay maigi na pinag aralan at binusisi. Ang hukuman na ito ay tinatanggap din ang ebidensya at pag amin ng nag akusa na si Catleyah Chloe Tate, na ang nasabing nangyari ay pawang dala lang ng impluwensya ng kanyang magulang na si Leona Tate at Caezar Tate..” putol nito na kina laki ng mata koNapa lingon ako sa mga kasama ko, naka ngisi silang sa lahat sa akin at sila nanay naman ay nakita kong tumulo ang luha ng mga ito.“Ngunit ang nasabing kaso ay maaaring bayaran parin ng kabilang panig ng higit isang daang milyon pesos, bilang danyos moral sa nasasakdal.