Share

YOU

Author: Bryll McTerr
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Eksaktong ala-una nang ibaba ni Riko ang suot niyang headphones. Mabilis namang umikot si Kenji papasok sa Dj’s booth para pansamantala siyang palitan.

“Thanks!” malakas ang boses na ani ni Riko kay Kenji na tumango lang at itinuon na ang atensiyon sa turntable.

Inayos naman ni Riko ang hoodie ng suot niyang pullover bago pasimpleng humalo sa mga taong patuloy na nakikisabay sa maharot na tugtog. Bahagya siyang yumuko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa staff room.

Nang makapasok sa staff room ay kaagad na tinungo ni Riko ang locker niya. Binuksan niya iyon gamit ang hawak niyang susi. Mabilis niyang kinuha mula sa dala niyang maliit na backpack ang cellphone niya.

Kaagad niyang tiningnan kung may message siya mula kay Manang Linda. At nang makita niyang wala ay nakahinga nang maluwag si Riko. Bilin niya sa matanda na tawagan o kaya ay i-message kaagad siya nito kapag may nangyari. Kahit kasi halos isang taon na silang hiwalay ni Ian ay hindi pa rin siya panatag lalo pa nga at nagbanta ang lalaki na hindi raw ito titigil hangga’t hindi sila bumabalik ni Loreen dito.

Kaya para makasigurong hindi malalaman ni Ian kung saan sila nakatira ni Loreen ay hindi niya ipinaalam kahit na kanino sa pamilya niya kung saan sila lumipat. It’s a good thing na hindi kilala ng lalaki si Reeze kaya panatag ang loob niya. Nakilala niya kasi si Reeze nang minsang pumunta siya sa Baguio para sa isang seminar.

Ilang saglit pa muna siyang nanatili sa loob ng staff room para makapagpahinga. Hinilot din niya ang binti niyang nagsisimula nang kumirot dahil sa matagal na pagkakatayo. Pagkatapos maubos ang tinimpla niyang kape ay tumayo na si Riko. Dumiretso siya sa comfort room na para lamang sa staff ng Velvet Lounge para mag-retouch.

Nang masigurong maayos na uli ang itsura niya ay lumabas na rin siya ng comfort room. Ipinasok niya ang magkabilang kamay sa bulsang nasa harapan ng suot niyang pullover. Ilang hakbang na lang at mararating na niya ang Dj’s booth nang bigla siyang hilahin ni Reeze.

“Kanina pa kita hinahanap,” malakas ang boses na turan ni Reeze kay Riko na wala sa loob namang napasunod sa kaibigan.

“Hey, where are you taking me?” nagtatakang sita ni Riko sa kaibigan nang tila mahimasmasan.

Lumingon si Reeze at kumindat. “Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.” sagot niya.

Kumunot ang noo ni Riko. Pumasok sa kanyang isipan ang lalaking nakita niyang kausap ni Reeze kanina. Siya ba ang tinutukoy nitong kaibigan?

Dahil sa kanyang naisip ay biglang kinabahan si Riko. Kinakabahan siyang hindi niya mawari.

“Kailangan ko nang bumalik sa–”

“Mabilis lang ‘to…” pagpipilit ni Reeze na patuloy na hinihila si Riko patungo sa isang pamilyar na dereksiyon.

“Reeze–”

Ngunit hindi na naituloy ni Riko ang kanyang sasabihin nang mapansin niyang naroon na sila sa harapan ng mga kaibigang sinasabi nito.

“Reign, meet my best friend, Rik.” ani ni Reeze sa magandang babaeng kasama ng masungit na lalaki. “And, Rik, this is Reign.”

“Hi!” malakas ang boses na ani ni Reign sabay abot ng isa nitong kamay kay Riko. “It’s so nice to meet you, Rik.” dugtong pa nitong nakaguhit sa mga labi ang masayang ngiti.

Napangiti na rin tuloy si Riko. Nakakahawa naman kasi ang kasiglahan ng babae. Maputi ang babae. Matangos ang ilong. Bilugan ang mga matang binagayan ng malalantik na pilikmata. Pouty din ang mga labi nitong napipinturahan ng kulay pulang lipstick. Maliit ang mukha at kulay pula ang mahabang buhok.

In short, para itong buhay na manika. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

“Hello,” tipid na turan ni Riko sa babati na kaagad namang bumungisngis.

“Ang tipid mo namang magsalita. Para kang itong kasama ko.” komento ni Reign bago nito ibinaling ang pansin sa katabing lalaki. “Rik, meet my best friend, Alvaro. Roh, si Rik.” pakilala nito sa dalawa.

Alanganin man ay inabot pa rin ni Riko ang kanang kamay sa lalaki ngunit nabigla siya nang sa halip na tanggapin ang pakikipag-kamay niya ay tinapunan lang siya nito ng blangkong tingin.

Sandaling umawang ang mga labi ni Riko. Naningkit ang mga mata niya kasabay ng unti-unting pagkalukot ng kanyang ilong. Ibinaling niya kay Reign ang paningin at bagot na nagpaalam sa babae.

“Babalik na ako sa booth ko. Enjoy your night, Reign…” aniya sa babae bago tumalikod. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Alvaro na patamad namang dinampot ang baso nito na may lamang alak.

“Rik!” tawag ni Reeze ngunit sa halip sa sagutin ang kaibigan ay itinaas lamang niya ang kanang kamay at binigyan ito ng dirty finger sign. Hindi rin siya nag-abalang lingunin ang kaibigan.

Nang tuluyang makalapit sa booth ay kaagad siyang sinalubong ni Kenji.

“What happened?’ tanong ng lalaki kay Riko.

Nakita nito ang nangyari dahil habang pansamantalang pinalitan si Riko ay hindi naman nito hinihiwalayan nnnng tingin ang girlfriend na si Reeze.

Hindi mapinta ang mukha na dinampot ni Riko ang headphone niya at isinuot iyon sa kanyang tainga.

“That asshole…” usal niya.

DALAWANG LINGGO na rin ang nakakalipas simula nang makabalik si Alvaro sa San Bartolome. Nakapanganak naman nang maayos ang kanyang kabayo pero masama ang loob niya. Naisahan kasi siya ni Reign. At oo, naiinis siya. Nauwi sa wala ang pagpayag niyang samahan ito sa Velvet Lounge.

Paano naman kasi, binigyan lang naman siya ng malditang babae ng pa-expire nang gift certificate ng Nerds’. Flight na niya kinabukasan kaya ibinilin niya sa babae na i-email na lang nito sa kanya ang gift certificate.

Balak niya sanang sa bayan ng Santa Barbara i-redeem ang nakuha pero laking pagkadismaya niya nang makitang isang araw na lang ay mag-e-expire na iyon. Nagkataong nang araw ding iyon manganganak ang kabayo niya kaya hindi siya makaalis. Mas malaki ang mawawala sa kanya kapag hindi niya mababanyan nang maayos ang alaga niya.

Masama man ang loob ay walang nagawa si Alvaro kundi hayaan na lamang na hindi niya mapakinabangan ang nakuhang gift certificate. Kaya naman niyang bumili pero sayang din ‘yon. Mahalaga ang bawat salaping kinikita niya kaya tuwang-tuwa sana siya dahil magkakaroon siya ng libreng kape at cake mula sa Nerds’.

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dinukott niya iyon mula sa suot na pantalon at nang makita ang pangalang nakasulat sa screen ay kaagad na umusim ang mukha niya.

“Oh, bakit?” masungit na bungad niya.

“Roh!” tili ni Reign mula sa kabilang linya.

Mabilis na inilayo ni Alvaro ang hawak na cellphone sa kanyang tainga. Pakiramdam niya ay nabingi siya dahil sa matinis na boses ng babae.

“What?!” maasim ang mukha na untag pagkatapos i-on ang speaker ng cellphone. Nilapag niya iyon sa kanyang working table at humalukipkip na tila ba kaharap lang niya ang babae.

“Samahan mo ulit ako sa Velvet Lounge–”

Hindi na niya pinatapos si Reign sa iba pa nitong sasabihin.

“Ayaw ko!” matigas ang tinig na aniya. Muling pumasok sa kanyang isipan ang gift certificate na hindi niya napakinabangan.

Humagikhik si Reign sa kabilang linya.

“Sorry na kasi,” anito pa ngunit bakas sa boses ang pinipigil na tawa. “bibigyan kita ng bagong gift certificate. Dawala at next month pa ang expiration. Pambawi ko sa’yo–”

“The answer is still no!”

“Sige na kasi, Roh…” dinig ni Alvaro na ani ni Reign sa kabilang linya.

Kung hindi siya nagkakamali ay nakanguso pa ito ngayon habang sinusubuka na naman siyang i-scam.

“Siraulo ka ba? Paano kita masasamahan, eh, nandito ako sa San Bartolome–”

“Libre ko ang pamasahe mo balikan plus two gift certificate at may hardbound ng new released book ni Andrew Reynolds.”

Napaunat sa kanyang kinauupuan si Alvaro nang marinig ang sinabi ni Reign. Sandali siyang napaisip. Mukhang hindi na siya talo sa offer nito. Saka ‘yong Waves and Tales na bagong release ni Andrew Reynolds, hindi niya mapapalagpas ‘yon.

“Seryoso?” naninigurong tanong niya kay Reign.

“Oo nga. Check mo pa, nai-email ko na sa’yo ‘yong gift certificate mo. “Yong book naman ni Andrew Reynolds, makukuha mo kaagad pagdating mo rito sa Manila.”

Mabilis na pinindot ni Alvaro ang intercom at nang sumagot ang secretary niya ay tinanong niya ito.

“May email ba ako from Reign?”

“Yes, Sir. Kararating lang po.”

Napa-angat ang kilay ni Alvaro. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at napangisi.

“Okay…” aniya.

“Cool!” tuwang sabi ni Reign mula sa kabilang linya. “Check mo na din ang e-mail mo, na-send ko na ang ticket mo. Balikan ‘yan. Get ready na dahil ala-una ang flight mo. Babye!”

Bago pa man makasagot si Alvaro ay nawala na sa kabilang linya si Reign. Napatanga na lamang siya at walang nagawang tumayo para magbihis.

Minsan talaga ay napapaisip na siya kung paano niyang napagta-tiyagaan si Reign.

FRIDAY NIGHT at breaktime ni Riko. Nagpalit sila ng schedule ng isa pang Dj ng Velvet Lounge. May sakit daw kasi ang asawa nito kaya nakipagpalit sa kanya.

Kasalukuyang kausap ni Riko si Reign. Kasama uli nito si Alvaro na himala yatang hindi masungit ngayon. Hindi ito nagsasalita pero maayos naman ang itsura nito. Nagtataka tuloy si Riko. Ano kaya ang nakain ng lalaki?

‘Nakalunok siguro ng gold bar.’ bulong ng isipan ni Riko.

“How long have you been here?” interesadong tanong ni Reign kay Riko.

Ilang minuto bago ang break niya ay lumapit ang babae sa Dj’s booth kanina. Gusto raw siya nitong makausap at hindi na niya nagawang tumanggi dahil hinintay pa siya ng babae.

“Almost two months.” sagot niya sa babaee habang nilalaro ng hinturo ang isang parte ng labi ng hawak niyang baso na may lamang ladies drink.

“Really?” ani ni Reign bago binalingan si Alvaro. “Roh, punta lang ako ladies room. Ikaw na muna ang bahala kay Rik.” aniya sa lalaking kaagad na kumunot ang noo.

“What?!”

“Huwag mong sindakin.” bilin pa ni Reign bago ito tuluyang tumayo.

Ilang sandali pa ay sina Riko at Alvaro na lamang ang naiwan. Pareho silang tahimik at nagpapakiramdaman. Nang hindi makatiis ay ibinaba ni Riko ang hawak na baso.

“I—”

“No…” putol ni Alvaro sa sasabihin ni Riko. “Stay!” may diin sa tinig na aniya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Riko. Hindi niya nagustuhan ang tila pautos na pagkakasabi ng lalaki ngunit hindi na lamang kumibo.

Muli niyang dinampot ang basong hawak niya kanina at inisang lagok ang laman niyon.

Hindi na uli nagsalita si Alvaro kaya tahimik lang din si Riko. Gusto niyang iwanan ang lalaki pero tila ayaw namang makisama ng mga paa niya.

Napakamot naman si Alvaro sa gilid ng kilay niya. Sinulyapann niya ang suot na relong-pambisig. One-fifteen pa lang. Ang alam niya ay thirty minutes ang break ni Riko.

“Mind if we go outside?” aniya sa babaeng kaagad na nangunot ang noo.

“Excuse me?” untag ni Riko.

Ano raw? Tama ba ang dinig niya?

Mahinang tumikhim si Alvaro bago muling nagsalita.

“Masyadong maingay dito. Masakit sa ulo.”

Umangat ang kilay ni Riko ngunit hindi na nagkomento. Tumayo siya pagkatapos damputin ang isang boteng beer. Humakbang siya patungo sa backdoor ng Velvet Lounge. Nakasunod sa kanya si Alvaro na paminsan-minsan siyang hinahawakan sa braso kapag nababangga siya ng mga sumasayaw.

Nang makalabas ng Velvet Lounge ay tahimik na umupo si Riko sa hagdanang bakal na limang baitang din ang taas. Nakatayo naman si Alvaro sa ikalawang baitang at nakasandal sa railings na bakal. Abala ito sa hawak na cellphone kaya hindi na pinansin ni Riko.

Tahimik niyang tinungga ang hawak na bote ng beer habang nakatanaw sa malayo.

“I’m sorry, nag-text lang ako kay Reign. Baka hanapin tayo.” ani ni Alvaro kay Riko.

Nagkibit ng balikat si Riko. “No problem.” tipid niyang sagot bago muling dinala sa bibig ang hawak na bote.

Ngunit bago pa man iyon lumapat sa mga labi ni Riko ay mabilis na inagaw ni Alvaro ang bote.

“Hey!” medyo iritableng ani ni Riko bago tumayo at nilapitan si Alvaro. Pilit niyang kinukuha sa lalaki ang botte.

“Stop…” ani ni Alvaro.

“Akin na ‘yan!” sikmat ni Riko.

“Marami ka nang nainom.”

“So? Ano naman ang pakialam mo?!”

Pumalatak si Alvaro. Hindi niya akalain na bukod kay Reign ay makakatagpo pa siya ng babaeng matigas din ang ulo. At hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kagustuhan niyang mapalapit dito.

“Kung gusto mong maglasing, sasamahan kita but not now.”

“Just give me the fucking beer!” gigil nang singhal ni Riko kay Alvaro.

Pero dahil mas matangkad si Alvaro kay Riko ay hindi niya makuha mula rito ang bote ng beer. At sa pagpipilit niyang abutin iyon ay hindi niya ng huli na nakahawak na siya sa dibdib ng lalaki at nakapulupot naman ang isang kamay ng una sa beywang ng babae. Nag-aalala kasi si Alvaro na baka mawalan ng panimbang si Riko lalo na’t marami na itong nainom.

Nasa ganoong posisyon sila nadatnan ni Reign.

“Ops!” nanunuksong ani ng bagong dating.

Napatigil naman sa pag-aagawan ng bote ang dalawa at saka pa lang din nila napansin ang kakaiba nilang posisyon.

“Fine!” inis na sabi ni Riko kay Alvaro bago padabog na tinalikuran ang lalaki. “Babalik na ako sa loob.” aniya kay Reign na ngiting-ngiti namang tumango.

Nang tuluyang makapasok sa loob ng Velvet Lounge si Riko ay nanunuksong nginisihan ni Reign si Alvaro na napabuntong-hininga na lang.

“What was that, huh?” tanong pa ni Reign. Ni hindi nito itinago ang panunukso sa tinig.

Umikot ang mga mata ni Alvaro. “Ewan ko sa’yo…” aniya sa kaibigan na bumungisngis lang bilang tugon.

WALA SA LOOB NA NAPAHILAMOS sa kanyang mukha si Alvaro. Muli niyang tiningnan ang pangalang nakasulat sa malaking signage na nasa kanyang harapan.

Velvet Lounge…

“Shit!” mahinang usal niya bago umalis mula sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan. “What the hell am I even doing here?” dugtong pa niya bago tumalikod.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Basta natagpuan na lamang niya ang sarili na sakay ng kotse at bumibiyahe palabas ng Manila. Unaware of where he’s going to, nagpatuloy lamang siya sa pag-drive. Lumipas ang isang oras mahigit at naroon na siya sa parking lot ng isang pamilyar na lugar.

Ang club ni Lance kung saan nagta-trabaho si Riko bilang isang Dj.

“This is crazy…” bulong niya bago binuksan ang kanyang sasakyan.

Pasakay na sana siya nang bigla niyang marinig ang isang pamilyar na tinig.

“Alvaro?” tila naninigurong tawag ni Riko sa nakatalikod na lalaki. "It's reaaly you!"

Nagpalinga-linga pa siyya para tingnan kung nasa paligid si Reign. At nang makitang wala kahit na kapirasong anino ng babaeng palagi nitong kasama ay tuluyan nang nangunot ang noo niya.

“Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Riko.

Napatigil naman sa akmang pagpasok sa loob ng dala niyang kotse si Alvaro. Lumingon siya sa gawing pinanggagalingan para lang matigilan. Napatitig siya sa babaeng nakatayo, ilang metro ang layo mula sa kanya.

‘Pretty…’ komento ng isang bahagi ng isipan ni Alvaro.

“Hey…” tawag-pansin ni Riko sa lalaking nakatitig lang sa kanya.

Tumikhim ng mahina si Alvaro. Napakamot din siya sa kanyang batok bago pilit na ngumiti.

“Ah,” naghahagilap ng sasabihin na usal niya.

Ano nga ba ang idadahilan niya? Ayaw naman niyang sabihin na basta na lang siyang nag-drive na hindi alam kung saan pupunta tapos namalayan na lamang niyang nadoon na siya sa harap ng Velvet Lounge.

“Ah?” panggagaya ni Riko habang naghihintay ng iba pang sasabihin ni Alvaro.

Muling napakamot sa batok niya si Alvaro bago muling nagsalita.

“Ah, napadaan lang.” hindi nag-iisip na sabi bago lihim na napangiwi.

‘Shit, man…that was so lame!’ anang isipan niya.

Umangat naman ang kilay ni Riko bago tumango-tango.

“Oh, I see…” ani na lamang niya.

Ayaw niyang isipin na sinadya siya ni Alvaro doon dahil alam niyang imposible iyon. At kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ang kagaya niya ang tipo nitong babae.

Tiningnan ni Alvaro ang suot niyang relong-pambisig. Pasado alas-kuwatro na ng umaga. Alas-singko ng umaga ang out ni Riko. Nabanggit iyon ni Reign sa kanya nang minsang mapag-usapan nila ang babae. Kung bakit napunta kay Riko ang usapan nila ay hindi na niya tanda.

“Malapit na ang out mo,” simula ni Alvaro. Pinagkiskis pa niya ang mga palad na tila ba sa pamamagitan niyon ay mababasawan ang kabang nararamdaman niya.

Kabang hindi niya alam kung saan nanggagaling.

Muling umangat ang kilay ni Riko. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Hindi na siya nagtanong kung bakit nito alam ‘yon.

“Uh-huh,” tugon niya habang nakatayo sa harapan ng sasakyan ni Alvaro. Nakapangalumbaba naman ang lalaki sa bubong ng kotse nito.

“Ah, mind if I invite you for a cup of coffee?”

Sandaling napatitig si Riko kay Alvaro. Maliwanag sa kinaroroonan nila dahil sa nakabukas na ilaw sa posteng nasa hindi kalayuan.

“Well?” untag ni Alvaro kay Riko nang wala siyang makuhang sagot mula rito. Nadoble naman ang kabang nararamdaman niya dahil doon.

“Yeah, sure…” sagot ni Riko pagkaraan ng ilang saglit.

Kaagad na lumiwanag ang mukha ni Alvaro.

“Really?” paniniguro niya.

“Oo naman.”

“Good…good!” hindi maitago ang tuwa sa tinig na aniya kay Riko. “So, I’ll wait for you here?” turan niya.

Nagkibit ng balikat si Riko.

“Sige…”

Kaugnay na kabanata

  • THE RANCHER'S OBSESSION   KISSES AND GOODBYE?

    TULALANG nakatitig lamang sa kawalan si Riko. Nakahawak din ang pareho niyang kamay sa kanyang magkabilang pisngi.“No, no, no…” parang sira-ulo aniya sa sarili na sinabayan pa ng matitigas na iling. “This can’t be!” naiinis niyang dugtong.Like how? P’wede ba ‘yon? Kailan lang niya nakilala si Alvaro at sa loob ng tatlong buwan na pagkakakilala nila ay limang beses pa silang nagkikita ng lalaki, kasama na doon ang dalawang beses nitong pagpunta sa Velvet Lounge kasama si Reign.Pagkatapos ng limang beses na pagkikita ay hindi na iyon nasundan dahil naging abala na ang lalaki. Hindi naman siya nagtatanong kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Wala siyang karapatan. Magkaibigan lang sila ng lalaki. ‘Kaibigan lang? Talaga ba, Rik?’ Napangiwi si Riko dahil sa tanong na iyon ng kanyang isipan. Kaibigan pa rin ba ang tingin niya kay Alvaro o unti-unti na siyang nahuhulog dito? Pero paano nga nangyari ‘yon gayong sa cellphone lang naman sila nag-uusap ng lalaki.“Argh!” napipikong ungol ni

  • THE RANCHER'S OBSESSION   CONFUSED

    KANINA PA KUNOT ANG NOO at salubong ang mga kilay ni Alvaro habang nilalaro sa kanyang mga daliri ang hawak niyang ballpen. Tila tukso kasing pumapasok sa kanyang isipan si Riko. Hindi rin mawala sa kanyang alaala ang naging huling pag-uusap nila ng babae. Ang galit nitong anyo. Ang tila nahihirapang kislap ng mga mata. Ang nanginginig na tinig na punong-puno ng frustration at takot. ‘Mahal kita, Alvaro…’Tila iyon sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Alvaro. Kumuyom ang mga kamay niya habang patuloy niyang naririnig sa isipan ang boses ni Riko. And the sound of defeat in her voice, no…that’s not her. Bago iyon sa kanya. Ilang araw na ba silang hindi nag-uusap simula nang gabing iyon? Isa, dalawa, tatlo hanggang sa maging isang linggo? No, not just a week. Mahigit isang linggo na silang hindi nag-uusap ni Riko. At oo, inaamin niyang namimiss na niya ang babae. Ang pagiging pikon nito kapag kinukulit niya. Ang kadaldalan. Ang boses nitong hindi alam ni Alvaro nguni

  • THE RANCHER'S OBSESSION   FRUSTRATIONS

    PATAMAD NA BUMANGON si Riko mula sa kanyang kama. Aburidong kinapa niya ang kanyang cellphone na kanina pa nag-iingay dahil sa alarm. Biyernes na naman at tiyak na marami uling tao sa Velvet Lounge. Alas sais na at kailangan na niyang kumilos. Kailangang nasa club na siya bago pumatak ang alas otso ng gabi.Bumaba na ng higaan si Riko at naglakad palabas ng kanyang silid. Pagkarating sa ibaba ay kaagad niyang hinanap ang anak na si Loreen. Nakita niya ito sa kusina at tumutulong kay Manang Linda sa pagtanggal ng mga dahon ng kangkong.“Hi, my love,” bati ni Riko sa anak habang nakaunat ang magkabilang kamay. “where’s my hug?” untag niya kay Loreen.Kaagad namang binitawan ni Loreen ang hawak nitong kangkong at patakbong lumapit sa ina.“Careful…” turan ni Riko sa anak ngunit kaagad ding natigilan. ‘Careful…’Napangiwi si Riko nang marinig niya sa kanyang isipan ang tinig ni Alvaro. At mas lalo pa siyang napangiwi nang tila tuksong pumasok sa kanyang isipan ang nangyari pagkatapos

  • THE RANCHER'S OBSESSION   ABOUT US

    KANINA PA pasulyap-sulyap si Riko sa bahaging kinaroroonan ni Alvaro. Maya’t-maya rin siyang napapatingin sa ilang bote ng beer na nasa ibabaw ng bilog na mesang nasa harapan nito. Ang alam niya'y hindi naman mahilig uminom ang lalaki. Ano ang ginagawa ng lalaki sa Velvet Lounge? Nagtataka siya lalo na’t hindi nito kasama si Reign. Ito ang ikalawang beses na pumunta si Alvaro sa Velvet Lounge na mag-isa. Ang una ay noong makita niya ito ng madaling-araw sa parking lot.'Baka gusto kang makita.' tukso ng isang parte ng isip niya. Wala sa loob na napa-irap si Riko. Siya ang sadya? Malabo yata ‘yon. Para nga’ng hindi siya nag-e-exist sa paningin ng lalaki. Kanina pa ito roon pero ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Isang ismid ang pinakawalan ni Riko kasabay ng pagkalukot ng kanyang ilong.'Hmp, eh, ano naman kung ayaw siya nitong pansinin? Eh, di wag!'Muling itinuon ni Riko ang kanyang atensiyon sa kaharap na turntable. Dinampot din niya ang basong nasa tabi at inisang

  • THE RANCHER'S OBSESSION   WHAT IF WE TRY?

    “US?” “Yes, us…” sagot ni Alvaro kay Riko.Umangat ang kilay ni Riko. “Us–as in, you and me?” paniniguro niya habang tila napapantastikuhang nakatitig sa lalaki. Wala sa loob na napahilamos sa kanyang mukha si Alvaro. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya si Riko o seryoso ito sa sinabi nito na mahal siya nito.“Oo. You and me,” ulit niya sa sinabi ni Riko na itinuro pa ang babae at ang sarili. “Us…” may himig ng inis sa tinig na aniya sa babaeng tila manghang-mangha na nakatitig sa kanya. What is she even thinking? Ah, minsan talaga ay hindi niya mahulaan kung ano ang laman ng isip ni Riko.“There’s no us, Alvaro.” malamig ang boses na sabi ni Riko.Napatanga si Alvaro dahil sa kanyang narinig. What did she just say? She’s joking, right?“What do you mean?” Umikot ang mga mata ni Riko. “I gotta go, Roh. Inaantok na ako.” walang bakas ng kahit na anong emosyon sa tinig na aniya sa lalaki.Ngunit salungat sa ipinapakita niya kay Alvaro ay kanina pa gustong yakapin ni Riko ang

  • THE RANCHER'S OBSESSION   FRIENDS WITH BENEFITS

    KANINA pa lukot ang mga kilay ni Alvaro habang hawak sa isang kamay ang kanyang cellphone. Tatlong araw na rin ang nakakalipas nang huli silang magkita ni Riko at simula nga noon ay wala siyang natanggap kahit na simpleng hello o hi mula sa babae.Umigting ang mga panga ni Alvaro. Napakahirap talagang ispelengin ang babaeng ‘yon. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nais sa buhay. Tangina, no label daw? P’wede pala ‘yon? Siya na nga itong nagbukas ng usapan tungkol sa kanilang dalawa. Hoy, siya si Alvaro DiMarco, may-ari ng pinakamalaking rancho sa buong Pilipinas at malaking hotel chains, hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa.“Ano’ng problema mo?” Napatingin si Alvaro kay Tanya. Kaibigan ni Reign ang babae at isang taon din niyang niligawan hanggang sa tuluyan siyang huminto. Napag-isip-isip niya kasing parang wala namang patutunguhan ang pangungulit niya sa babae lalo na’t nagkaroon ito ng boyfriend. Habang nakatingin siya kay Tanya ay bigla niyang naalala si Riko. Oppos

  • THE RANCHER'S OBSESSION   GAMBLE

    HUWEBES NG HAPON, abala si Riko sa pag-aayos ng gagamitin niya para sa gagawin niyang fruit cake. Tumawag sa kanya si Crista, isa pa niyang kaibigan bukod kay Reeze. Darating daw ito sa susunod na araw at kabilin-bilinan ng babae na kailangan daw ay may madatnan itong fruit cake sa bahay niya.Napatigil sa ginagawa si Riko nang makarinig siya ng tatlong sunod-sunod na doorbell. Nangunot ang noo niya at kaagad na nalukot ang ilong. Hindi niya alam kung ano ang trip ng kung sino mang nasa labas. Maririnig naman niya kahit isang pindot lang sa doorbell ang gawin nito. Ibinaba niya ang hawak na pang-sukat sa harina. Ipinunas din niya ang magkabilang kamay sa suot na apron at walang pakialam sa itsura na naglakad patungo sa front door.Ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa pinto nang muling tumunog ang doorbell. Tatlong sunod-sunod ulit kaya tuluyan nang nainis si Riko.“Sandali!” gigil na turan niya sa malakas na tinig habang pinipihit ang doorknob. “Wala bang doorbell sa inyo at—”

  • THE RANCHER'S OBSESSION   NO LABEL

    KANINA pa pinagmamasdan ni Tanya si Alvaro na abala naman sa pagbabasa ng hawak nitong dokomento. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina nito na nasa pinakatuktok ng may limapo’t-limang palapag na Moonlight Hotel na pag-aari ng lalaking kanyang kaharap.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Tanya na nanatiling nakatutok sa lalaking kanina lang ay tila walang pakialam sa paligid nito. Ni hindi nga siya nito gaanong kinikibo simula nang dumating siya sa opisina nito. Ngunit nang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa mesa ay kaagad iyong dinampot ni Alvaro.Samantala, sumilay naman ang matamis na ngiti sa mga labi ni Alvaro nang makitang galing kay Riko ang mensahe. Mabilis niya iyong binasa.[Hi, baby. I miss you and I love you.]Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa mga labi ni Alvaro dahil sa kanyang nabasa.“You seem so happy, ha.” Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Alvaro nang marinig niya ang boses ni Tanya. “Tanya?” bakas ang pagtataka sa anyo na untag ni Alvaro habang nakatitig

Pinakabagong kabanata

  • THE RANCHER'S OBSESSION   I LOVE YOU

    WALANG IDEYA si Riko kung paano sila nakarating ni Alvaro sa silid niya. Namalayan na lamang niyang naroon na silang dalawa sa ibabaw ng kanyang kama at parehong walang saplot sa katawan. Ramdam na ramdam niya ang mainit na balat ng lalaki na kumikiskis sa hubad niyang katawan. Kung paanong nangyari iyon ay hindi na alam ni Riko. At wala na rin siyang balak na alamin dahil abala na rin ang mga kamay niya sa pagdama sa katawan ni Alvaro.“Hmmm…” mahinang ungol ni Riko nang maramdaman niya ang mga labi ni Alvaro na gumagapang sa kanyang leeg. Napakagat-labi si Riko nang dumako ang mainit na mga labi ni Alvaro sa gilid ng kanyang leeg, patungo sa likod ng tainga niya at nilaro ng pilyong dila nito ang dulo niyon. Bumaon ang mahahaba niyang kuko sa likod ng lalaki nang ang mapagpalang kamay naman nito ang naramdaman niyang dumadama sa mayabang niyang dibdib. Nilaro at pinisil-pisil ni Alvaro ang munting korona sa tuktok niyon na naging dahilan para wala sa loob na napaliyad si Riko.“Ba

  • THE RANCHER'S OBSESSION   YOU ARE MINE

    KAGAYA NG PANGAKO ni Alvaro ay hindi siya tumigil sa pagsuyo kay Riko. Kagaya na lang ngayon, naroon na naman siya sa labas ng bahay ng babae. Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng pinto at naka-ilang doorbell na rin siya ngunit tila walang balak ang babae na pagbuksan siya. At wala sa plano ni Alvaro na sumuko. Muling pinindot ni Alvaro ang doorbell sa ika-sampong beses o higit pa nga yatang pagkakataon. At kagaya ng kanyang inaasahan ay wala pa ring Riko na nagbukas ng pinto. Isa pa uling magkakasunod na pagpindot sa doorbell ang ginawa ni Alvaro at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nabigo dahil sa wakas ay bumukas ang pinto. At isang tila nag-aalburutong bulkang anyo ang bumungad sa kanya.“What do you want??!” pagalit na tanong ni Riko sa lalaking halos isang linggo na rin siyang hindi tinitigilan. Hindi niya alam kung umuuwi pa ba ito sa Manila o nag-check in na lamang sa hotel.Araw–araw kasing naroon sa labas ng bahay niya si Alvaro at nangunglit. Isang ngiti ang sumilay s

  • THE RANCHER'S OBSESSION   I'M DOING FINE

    SUNOD-SUNOD ang naging pagbuga ni Alvaro ng malalalim na buntong-hininga habang hinihintay niyang sagutin ni Riko ang tawag niya. Naka-ilang tawag na siya at ni isa ay walang sinagot ang babae. Alam naman niyang hindi sumasagot ng tawag si Riko kapag hindi nito kilala ang numero. Nagbabaka-sakali lamang siya.“Come on, Rik…” bulong ni Alvaro habang walang tigil ang pagparoon at parito niya sa loob ng kanyang silid. “Pick up the damn phone.” dugtong niya.Pang-apat na dial na niya iyon ngunit tila wala pa ring balak si Riko na sagutin ang tawag niya. “Please, baby…” muling usal niya. Nang sa wakas ay may sumagot sa tawag niya, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro. It was a sign of relief .Finally!Ngunit nang marinig ni Alvaro ang pamilyar na boses ni Riko ay tila naman bigla siyang nawalan ng dila. Hindi kaagad siya nakakibo at kung hindi pa niya narinig ang iritableng tinig ng babae na gusto na siyang pagbabaan ng tawag ay hindi pa sana siya matatauhan.“Rik

  • THE RANCHER'S OBSESSION   STAY AWAY

    TAHIMIK NA NAKAUPO si Riko sa pinakasulok na bahagi ng Route 59, isang kilalang coffee shop na nakatayo sa bahaging iyon ng Ortigas Avenue. Nagkita sila ng pinsan niyang si Tricia dahil nag-usap sila tungkol sa plano nilang negosyo na kanilang pagso-sosyohan. Mahigit kalahating oras na rin siguro ang nakakalipas simula nang magpaalam sa kanya ang pinsan na aalis na dahil may kikitain pa raw itong kliyente.“Oh, look who’s here…” Napatigil si Riko sa akmang paghigop ng kape mula sa hawak niyang tasa nang marinig niya ang maarte at nakaka-iritang boses na iyon mula sa kanyang harapan. Nag-angat ng paningin si Riko at nang makita niya si Tanya na nakatayo sa kanyang harapan ay sandali siyang hindi nakakibo. Sa dinami-dami ng p’wede niyang makita ngayong araw ay ang babae pa talaga. Napasulyap din siya sa babaeng kasama nito at muli siyang natigilan. Si Alile. Lihim na napa-isip si Riko. Kung si Alile ang nililigawan ni Alvaro bago sila nagkakilala, bakit kasama ito ni Tanya na siyang

  • THE RANCHER'S OBSESSION   BREAK UP

    TULUYAN nang nagpasya si Riko na kalimutan si Alvaro. Mahirap at walang gabi na hindi siya umiiyak dahil sa labis na pangungulila sa lalaki pero sa tuwing naaalala niya si Tanya ay mas lalo naman siyang nagiging desidido na layuan ito.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang selos na siyang dumudurog sa kanya. Maisip pa lang niya na habang umiiyak at nasasaktan siya nang dahil sa lalaki habang ito ay masaya na sa piling ni Tanya ay para na siyang pinapatay nang paulit–ulit.Hindi tuloy maiwasan ni Riko na sisihin ang kanyang sarili. Kung sana sa una pa lang na nakaramdam siya ng kakaiba para kay Alvaro ay dumistansiya na siya, siguro ay wala siya sa sitwasyon niya ngayon. My god, how can she be so damn foolish?Kagaya na lamang ngayon. Ito na naman siya. Nakatulala sa madilim na kalangitan. Alas onse pasado na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Riko. Well, hindi lang naman ngayon dahil simula nang matuklasan niya ang tungkol kina Alvaro at Tanya ay madalas na lamang na pin

  • THE RANCHER'S OBSESSION   JUST HOW?

    “SO?” Wala sa loob na napatingin si Riko sa kaharap na si Reeze. Kasalukuyang nasa bahay niya ang babae. At oo, naroon din sina Crista at Liza.“Spill it, Rik.” ani naman ni Liza.”Sabihin mo sa amin kung paano kang nagpapakatanga kay Alvaro.” naka–ismid na dugtong pa ng babae. Napangiwi naman si Riko dahil sa sinnabi ni Liza. Brutal talagang magsalita ang babae. Samantalang nangunot naman ang noo ni Reeze. “Alvaro?” Naguguluhang untag ni Reeze na ang mga mata ay palipat–lipat kina Liza at Crista. “Am I missing something here?” tanong pa niyang ang mga tingin ay nakatutok na kay Rik.Kaagad namang nag–iwas ng paningin si Riko nang makita niya ang nanunumbat na mga titig ni Reeze. Umikot ang mga mata ni Crista. “Uhg!” bulalas niyang sinundan pa ng sunod-sunod na iling. “Yes—a lot!” She exclaimed. “Rik?” nagtatanong ang mga mata na tawag ni Reeze kay Riko.Humugot ng malalim na buuntong-hininga si Riko. Mukhang wala na siyang kawala sa pagkakataong ito. Pero sa totoo lang ay nagi-

  • THE RANCHER'S OBSESSION   WHY?

    PAGPASOK PA LANG NI REIGN sa loob ng bagong bukas nitong cafe ay kaagad na hinanap ng mga mata ni Alvaro ang pamilyar na anyong kanina pa niya pinanabikang makita. Si Riko.At hindi siya nabigo because there she is, nakasunod ito kay Reign na kasabay namang naglalakad si Reeze. Nakabagsak ang lagpas balikat at alon-alon nitong buhok. Sandaling nangunot ang noo ni Alvaro nang makitang kulay pula na ang bhok ng babae. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang pagkadisgustong kanyang nararamdaman. “Love, is that Rik?” untag ni Tanya kay Alvaro sabay yakap sa beywang ng lalaki. Hindi nakaligtas sa matalas na mga mata ni Tanya ang ginagawang pagtitig ni Alvaro kay Riko. Dama din niya ang pagnanais ng lalaki na lapitan ang bagong dating. Isang bagay na hindi nagustuhan ni Tanya.“Love?” malambing ngunit may bahid ng yamot sa tinig na tawag ni Tanya kay Alvaro na saka pa lamang inalis ang mga mata kay Riko.Mahinang tumikhim si Alvaro bago niya ibinaling ang atensiyon sa katabing si Tanya.“

  • THE RANCHER'S OBSESSION   TANYA

    KANINA PA NAKATITIG sa hawak niyang cellphone si Alvaro. Natutukso siyang tawagan si Riko. Alam niyang pupunta ang babae sa soft opening ng bagong branch ng nerds’ sa Makati. Hindi mahilig makihalubilo sa maraming tao si Riko pero alam niyang hindi rin ito makakatanggi kay Reign.Bumuga ng hangin si Alvaro. Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang tumunog ang hawak niyang cellphone. Somehow, lihim niyang inasam na sana ay si Riko ang tumatawag. At nang tingnan niya ang screen ay bumakas sa kanyang anyo ang hindi maitagong pagkadismaya. Si Tanya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro bago niya pinindot ang answer button.“Hello,” matamlay ang tinig na bungad niya.“Hi, love,” malambing na turan ni Tanya mula sa kabilang linya. “pick me up na lang mamaya, ha.” aniya. Bakas din sa tinig ang saya.Natigilan si Alvaro, hindi dahil sa sinabi ni Tanya kundi dahil sa salitang “love”. “Love,” wala sa loob na usal niya kasabay ng pagbalik sa alala niya niya kung paanong

  • THE RANCHER'S OBSESSION   FRUSTRATION

    TIIM ANG ANYO na pinaulanan ng mga suntok ni Alvaro ang kaharap niyang punching bag. Kasalukuyan siyang nasa loob ng gym na naroon lang din sa mansyon niya.Isang bagay na hindi nakalagpas sa pansin ng kapatid niyang si Camila.“Problem, Kuya?” nagtakang tanong niya sa nakatatandang kapatid.Hindi pinansin ni Alvaro ang tanong ni Camila. Nagpatuloy lamang siya sa pagsuntok sa punching bag na tila ba doon ibinubuhos ang lahat ng naipong inis niya para kay Riko. Damn it! Who the hell she thinks she is, huh?Halos tatlong linggo na silang nag-uusap ng babae. Wala namang particular na dahilan kung bakit sila nagtalo. Basta ang huling tanda niya ay bigla na lamang umalis si Riko sa kalagitnaan ng gabi at kahit anong pigil niya rito ay parang bingi ang babae.“Kuya, gigil na gigil ka diyan sa punching bag. Ano bang kasalanan niyan sa’yo?” muling tanong ni Camila kay Alvaro. Nang wala pa ring makuhang sagot mula sa nakatatandang kapatid ay hinawakan na niya ng magkabilang kamay ang kaharap

DMCA.com Protection Status