Home / Romance / THE RANCHER'S OBSESSION / KISSES AND GOODBYE?

Share

KISSES AND GOODBYE?

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

TULALANG nakatitig lamang sa kawalan si Riko. Nakahawak din ang pareho niyang kamay sa kanyang magkabilang pisngi.

“No, no, no…” parang sira-ulo aniya sa sarili na sinabayan pa ng matitigas na iling. “This can’t be!” naiinis niyang dugtong.

Like how? P’wede ba ‘yon? Kailan lang niya nakilala si Alvaro at sa loob ng tatlong buwan na pagkakakilala nila ay limang beses pa silang nagkikita ng lalaki, kasama na doon ang dalawang beses nitong pagpunta sa Velvet Lounge kasama si Reign.

Pagkatapos ng limang beses na pagkikita ay hindi na iyon nasundan dahil naging abala na ang lalaki. Hindi naman siya nagtatanong kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Wala siyang karapatan. Magkaibigan lang sila ng lalaki.

‘Kaibigan lang? Talaga ba, Rik?’

Napangiwi si Riko dahil sa tanong na iyon ng kanyang isipan. Kaibigan pa rin ba ang tingin niya kay Alvaro o unti-unti na siyang nahuhulog dito? Pero paano nga nangyari ‘yon gayong sa cellphone lang naman sila nag-uusap ng lalaki.

“Argh!” napipikong ungol niya sabay sabunot sa kanyang sarili. “Hindi p’wede. Hindi pa ako handa.” aniya sa sarili bago padabog na tumayo mula sa pagkakasalampak sa hagdan.

Wala si Manang Linda dahil sinundo nito sa school si Loreen. Grade one na ang anak niya at tuwang-tuwa dahil matalino ito.

Bumaba si Riko at naglakad patungo sa kusina. Malapit nang mag-alas kuwatro. Kailangan na niyang kumilos. Balak niya kasing ipagluto ng spaghetti na may meatballs si Loreen. Paborito iyon ng anak niya.

Inilabas na ni Riko ang mga kailangan niya para sa ilulutong spaghetti nang biglang tumunog ang doorbell. Nangunot ang noo niya.Sinulyapan din niya ang malaking relo na nakasabit sa dingding.

Kalalabas lang ni Loreen kapag ganoong oras kaya imposibleng ito at si Manang Linda na ang nasa labas. Isa pa ay may sariling susi naman ang matanda kaya hindi na nito kailangang mag-doorbell.

Naisip ni Riko na baka si Reeze pero ang alam niya ay sa susunod na linggo pa ang balik nito at ni Kenji. Umuwi kasi ang kaibigan niya sa Pangasinan dahil death anniversary ng ina nito.

Bumuga ng hangin si Riko bago naglakad palabas ng kusina. Nang makarating sa main door ay pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto.

“Hi…”

Awang ang mga labi na napatitig na lamang si Riko sa lalaking nasa kanyang harapan.

“Hey, hindi mo ba ako papapasukin?” salubong ang mga kilay na untag ni Alvaro sa babaeng nakatunganga lang sa kanya. “Malayo pa ang pinanggalingan ko.” dugtong pa niya bago inabot ang baba ni Riko.

“What?” nakasimangot na ani ni Riko kay Alvaro nang tuluyan siyang makabawi sa pagkabigla. Pinalo rin niya ang kamay nitong nakahawak sa baba niya.

“Itikom mo,” ani ni Alvaro habang pasilip-silip sa loob ng bahay. “baka mapasukan ng langaw. Wala yata si Loreen.” turan niya bago walang pakialam na hinawakan sa braso si Riko saka niya ito hinila papasok sa loob ng bahay.

“Wow, bahay mo?” sikmat ni Riko kay Alvaro sabay pagpag ng kamay nito. “Nasa school pa si Loreen pero pauwi na rin ‘yon. Sinundo na ni Manang Linda.”

Para kasing bigla siyang napaso sa hawak nito. Buwiset pero nanghina bigla ang mga tuhod niya kaya bago pa man siya pulutin sa sahig ay kaagad siyang umupo sa sofa.

Umismid naman si Alvaro sabay patong ng hawak na box sa ibabaw ng centertable. Sa labas niyon ay nakasulat ang pangalang ‘Nerds’’.

“Wala akong sinabi.” pasuplado niyang ani kay Riko bago ito pinandilatan ng mata. “Hindi mo man lang ba ako pagkakapehin?” tanong niya sa babaeng wala yatang balak na alukin siya kahit tubig man lang.

Dahil sa dalas nilang mag-usap sa cellphone ay palagay na palagay na rin ang loob nila sa isa’t-isa.

“Pumunta ka ba rito para utusan ako?” sikmat ni Riko sa lalaking umangat lang ang kilay. Umikot ang mga mata niya bago padabog na tumayo. “ Oo na, ito na po, kamahalan!” gigil na aniya kay Alvaro na tumawa lang.

Naglakad si Riko patungo sa kusina. Kumuha siya ng tasa sa cupboard para ipagtimpla ng kape si Alvaro.

“Magluluto ka?”

Napalingon si Riko. Hindi niya namalayang sumunod pala si Alvaro sa kanya.

“Oo.” sagot niya habang nilalagyan ng isang kutsaritang asukal ang kape ni Alvaro. “Magluluto ako ng spaghetti na may meatballs.”

Gumuhit ang nanunuksong kislap sa mga mata ni Alvaro. “Hindi kaya masunog?” tanong niya kay Riko.

Umirap si Riko. “Baka makalimutan mo ang daan pabalik sa inyo kapag natikman mo ang luto ko.” pagyayabang niya bago dinala ang tasang may kape sa lamesa. “Dito ka na magkape. Igawa na rin tuloy kitang sandwich.” aniya sa lalaki.

“Dito na lang ako titira kung ganon.” ganti ni Alvaro sa sinabi ni Riko na kaagad namang natigilan.

Bigla kasing pumasok sa isipan niya ang eksena kung saan magkasama sila ni Alvaro sa iisang bahay. Magkatulong sila sa paghahanda ng iluluto habang naghaharutan.

“Hindi ka na nakasagot.” pansin ni Alvaro kay Riko na napapitlag naman lalo na nang maramdaman niya ang mahinang pagtapik ng lalaki sa balikat niya.

“Dito ka na mag-dinner para mapatunayan ko sa’yo na masarap akong magluto.” hindi nag-iisip na aniya. Gusto lang naman sana niyang takpan ang sandaling pagkataranta.

‘Bakit kailangang patunayan?’ anang isang bahagi ng utak niya.

Tumanggi ka, please. Lihim na dasal ni Riko habang pilit na kinakalma ang sarili. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit. Dahil ba sila masyado silang malapit ni Alvaro sa isa’t-isa? Nakatayo kasi ang lalaki sa likuran niya at natatakot siyang gumalaw dahil dama niya ang mainit na hininga ng lalaki na tumatama sa batok niya.

Pero hindi siya pinakinggan ng langit dahil walang pagda-dalawang-isip na pumayag ang lalaki.

“Sige, dito ako kakain.” turan ni Alvaro.

Biglang pumihit si Riko paharap sa lalaki para lang mapatili. Nawalan kasi siya ng panimbang nang bigla siyang mataranta nang makitang guhit na lang ang pagitan nila ni Alvaro.

“Careful!” ani ni Alvaro bago mabilis na pumulupot ang isang braso sa beywang ni Riko.

Hinila ni Alvaro si Riko palapit sa kanya kaya nagdikit ang mga katawan nila. Pareho pa silang natigilan at nagkatitigan.

‘Damn!’ lihim na mura ni Alvaro habang nakapulupot sa beywang ni Riko ang braso niya. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng babae.

Lihim namang napalunok si Riko habang nakatitig sa mga mata ni Alvaro. Ang pinakamagandang pares ng mga mata na nakita niya sa tanang buhay niya. Malalim iyon na pinaresan ng malantik na pilikmata. Makapal na kilay at matangos na ilong. Pangahang mukha na bumagay rito. Dumako ang mga mata ni Riko sa mga labi ni Alvaro.

Napakagat-labi siya lalo na nang maamoy niya ang hininga ng lalaki. Pakiramdam niya ay bigla siyang nalasing.

“Shit!” paungol na mura ni Alvaro at bago pa man niya mapigilan ang sarili ay mabilis nang sinakop ng bibig niya ang mga labi ni Riko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Riko kasabay ng paninigas ng kanyang katawan.

Is he kissing her? Parang tanga na tanong ni Riko sa sarili. Hanggang sa kusa na ring gumalaw ang mga labi niya para gantihan ang halik ni Alvaro. At dahil doon ay mas lalo namang humigpit ang pagkakapulupot ng braso ng lalaki sa kanya.

Damn no, but they’re really kissing!

PAGKATAPOS ng unexpected kissing scene nila ni Alvaro ay nagpasya si Riko na magbakasyon muna sa probinsiya ng mommy niya sa Nueva Ecija. Gusto niyang mag-isip muna. Nalilito siya. Dama niyang hindi na simpleng kaibigan lang ang tingin niya kay Alvaro. Oo, mahal na niya ang lalaki at natatakot siya.

Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Ian ay nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki. Natatakot siya kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon lang kabilis na natibag ni Alvaro ang pader ng pilit niyang itinatayo para maprotektahan ang sarili. Hindi pa siya handa.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Riko. Naroon siya kubo ng namayapa niyang Lolo. Nakatayo iyon sa gitna ng malawak na palayan. Papasok na ang buwan ng september kaya nagsisimula na ring lumamig ang hangin lalo pa nga at ayon sa Pag-asa ay may paparating daw na bagyo.

Ika-tatlong araw na niya sa Nueva Ecija at isa lang ang alam niya, habang patuloy niyang iniiwasan si Alvaro ay lalo naman siyang nangungulila sa lalaki. Miss na miss na niya ang lalaki pati na rin ang walang kapagurang daldalan nila tuwing gabi kapag wala siyang pasok sa Velvet Lounge.

Napatigil sa pagmumuni-muni si Riko nang biglang tumunog ang cellphone niya.Nang tinangnan niya iyon ay pangalan ni Alvaro ang nakita niyang nakalagay sa caller ID.

Muli niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalong maong pagkatapos niya iyong i-off. At sigurado siyang sunod-sunod na text na naman ang matatanggap niya mula sa lalaki mamaya.

No, hindi siya p’wedeng magpadala sa nararamdaman niya para kay Alvaro. Kailangan niyang layuan ang lalaki.

Pero kaya nga ba niya? At hanggang kailan niya kayang takasan ang katotohanang mahal na niya si Alvaro?

HINDI MAIPINTA ang mukha ni Alvaro habang pilit na hinahabaan ang pasensiyang nakatayo sa labas ng bahay ni Riko. Walang pasok ang babae ngayon sa Velvet Lounge pero ang sabi ni Manang Linda ay lumabas daw ito kasama ang bagong kaibigan. Nang tanungin niya ang kasama sa bahay ni Riko kung sinong kaibigan ay alanganin pang ngumiti sa kanya ang matanda. Hindi raw nito kilala pero Greg daw ang pangalan.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan. Damn it! Ano ba ang gustong ipamukha sa kanya ni Riko? Umuwi at bumalik itto mula sa Nueva Ecija na wala man lang siyang narinig na kahit na ano mula rito. Ni isa sa mga tawag at text niya ay hindi rin nito sinagot. At ngayon, malalaman niyang lumabas ito kasama ang kung sino mang Greg na iyon.

Bullshit!

Napaunat mula sa pagkakaupo si Alvaro nang makita niya ang taxi na tumigil sa harapan ng bahay ni Riko. Mula doon ay bumaba ang babae na nakasuot ng bestidang lagpas tuhod.

Kumunot ang noo niya nang makitang ito lang ang bumaba. Nasaan ang Greg na kasama nito?

Padabog na bumaba ng sasakyan niya si Alvaro at malalaki ang mga hakbang na sinalubong niya si Riko.

“Nasaan na ang kasama mo?” magaspang ang tinig na tanong niya sa nagulat na babae.

Natitigilang napatitig si Riko kay Alvaro. Napangiwi pa siya nang makita ang tila galit na galit na anyo ng lalaki.

“Answer me!” gigil na sikmat ni Alvaro sa napa-igtad na si Riko.

“Bakit ka ba sumisigaw?” inis na tanong ni Riko sa lalaki nang tuluyan siyang makabawi.

“Just fucking answer me!”

“HUwag kang magmura!” napipikon na singhal ni Riko kay Alvaro na tila walang narinig.

“No calls. No texts. What was that all about, huh?” pigil ang sarili sa pagtaas ng boses na tanong ni Alvaro sa babae. Bakas din sa tinig niya ang pinaghalong tampo at sakit dahil sa pambabalewala nito sa kanya.

Natigilan naman si Riko. Bigla siyang nakonsensiya lalo na nang makita niya ang nanunumbat na mga mata ni Alvaro. Nag-iwas siya ng tingin dito at muling itinuloy ang paglalakad patungo sa nakasaradong pinto ng bahay niya.

“Saka na tayo mag-usap. It’s late.” aniya sa lalaki.

“No!” naubusan na ng pasensiyang ani ni Alvaro. “We talk…NOW!” may diin sa tinig na aniya kay Riko bago niya ito hinawakan sa braso at hinila patungo sa kotse. Mabilis niyang binuksan ang pinto sa tabi ng driver’s side at pagalit na pinapasok doon ang babae. “Get inside and don’t try me this time, Riko!” puno ng pagbabanta sa tinig na aniya sa babaeng napatigil sa akmang pagbaba.

Pabagsak na isinara ni Alvaro ang pinto ng kotse bago mabilis na umikot patungo sa driver’s side. Ayaw niyang doon sila magtalo ni Riko dahil ayaw niyang magising si Loreen sa ingay nilang dalawa. Mag-a-alas onse na ng gabi at mahimbing nang natutulog ang bata.

Pareho silang walang imikan habang patuloy sa pagtakbo ang sasakyan. Tiim ang anyo ni Alvaro habang mabilis na nagmamaneho habang inis namang nakahalukipkip si Riko.

Pagkaraan ng marahil ay labinlimang minuto ay tuluyang itinigil ni Alvaro ang sasakyan sa tabi ng bakanteng lote. Nasa labas sila ng subdivision pero hindi naman ganoon kalayo.

Bumuba ng kotse si Alvaro at mabilis na umikot para sana pagbuksan ng pinto si Riko para nakalabas na ang babae.

“I can manage.” malamig ang tinig na sabi ni Riko.

Umigting ang mga panga ni Alvaro. “Yeah, right.” sang-ayon niya. “So much of being a strong independent woman.”

“Why did you bring me here?” walang ganang untag ni Riko pagkaraan ng ilang sandali.

“Why are you avoiding me?”

Sandaling hindi nakakibo si Riko.

“What? Hindi ka ba magdadahilan?”

“Wala lang. Gusto ko lang.” turan ni Riko na mas lalong nagpatindi ng galit ni Alvaro.

“Gusto mo lang? Wow naman, Rik,” pagak ang tinig na ani ni Alvaro. Parang bigla siyang binatukan nang malakas nang marinig ang sinabi nito. Gusto lang nito? P’wede ba ‘yon? “ganoon na lang ‘yon? Gusto mo lang? Paano ‘yon? Ipaintindi mga nga sa akin kuung paanong nangyari ‘yon—”

“Dahil mahal kita!” sigaw ni Riko kay Alvaro na biglang napatigil sa pagsasalita. “Mahal na kita, Alvaro!” ulit pa niya.

Kinakabahan siya. Natatakot sa maaaring maging reaction ng lalaki. Natatakot siyang baka dahil sa lintek na nararamdaman niya para sa lalaki ay bigla siya nitong iwasan. Iyon kasi ang sabi ni Reign sa kanya nang minsang sumama siya kay Reeze na pasyalan ito sa Manila.

Pero bahala na. Kung iiwasan siya nito pagkatapos ay wala naman siyang magagawa. Saka pabor naman sa kanya kung iwasan siya nito dahil ibig sabihin niyon ay mapag-aaralan na din niyang kalimutan ito nang tuluyan.

Ngunit hindi niya inaasahan ang naging sagot ni Alvaro.

“Thank you…”

Umawang ang mga labi ni Riko. Thank you? Iyon na ‘yon? Bigla tuloy siyang nalito. Dapat ba siyang mainsulto o matuwa?

Bumuga ng hangin si Riko. “You’re welcome!” aniya kay Alvaro na tila nakapako na sa kinatatayuan nito.

Eksakto namang may dumaang taxi. Mabilis iyong kinawayan ni Riko at nang huminto iyon sa kanyang harapan ay mabilis siyang sumakay. Ni hindi na siya nagpaalam kay Alvaro na hindi naman siya pinigilan.

Related chapters

  • THE RANCHER'S OBSESSION   CONFUSED

    KANINA PA KUNOT ANG NOO at salubong ang mga kilay ni Alvaro habang nilalaro sa kanyang mga daliri ang hawak niyang ballpen. Tila tukso kasing pumapasok sa kanyang isipan si Riko. Hindi rin mawala sa kanyang alaala ang naging huling pag-uusap nila ng babae. Ang galit nitong anyo. Ang tila nahihirapang kislap ng mga mata. Ang nanginginig na tinig na punong-puno ng frustration at takot. ‘Mahal kita, Alvaro…’Tila iyon sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Alvaro. Kumuyom ang mga kamay niya habang patuloy niyang naririnig sa isipan ang boses ni Riko. And the sound of defeat in her voice, no…that’s not her. Bago iyon sa kanya. Ilang araw na ba silang hindi nag-uusap simula nang gabing iyon? Isa, dalawa, tatlo hanggang sa maging isang linggo? No, not just a week. Mahigit isang linggo na silang hindi nag-uusap ni Riko. At oo, inaamin niyang namimiss na niya ang babae. Ang pagiging pikon nito kapag kinukulit niya. Ang kadaldalan. Ang boses nitong hindi alam ni Alvaro nguni

  • THE RANCHER'S OBSESSION   FRUSTRATIONS

    PATAMAD NA BUMANGON si Riko mula sa kanyang kama. Aburidong kinapa niya ang kanyang cellphone na kanina pa nag-iingay dahil sa alarm. Biyernes na naman at tiyak na marami uling tao sa Velvet Lounge. Alas sais na at kailangan na niyang kumilos. Kailangang nasa club na siya bago pumatak ang alas otso ng gabi.Bumaba na ng higaan si Riko at naglakad palabas ng kanyang silid. Pagkarating sa ibaba ay kaagad niyang hinanap ang anak na si Loreen. Nakita niya ito sa kusina at tumutulong kay Manang Linda sa pagtanggal ng mga dahon ng kangkong.“Hi, my love,” bati ni Riko sa anak habang nakaunat ang magkabilang kamay. “where’s my hug?” untag niya kay Loreen.Kaagad namang binitawan ni Loreen ang hawak nitong kangkong at patakbong lumapit sa ina.“Careful…” turan ni Riko sa anak ngunit kaagad ding natigilan. ‘Careful…’Napangiwi si Riko nang marinig niya sa kanyang isipan ang tinig ni Alvaro. At mas lalo pa siyang napangiwi nang tila tuksong pumasok sa kanyang isipan ang nangyari pagkatapos

  • THE RANCHER'S OBSESSION   ABOUT US

    KANINA PA pasulyap-sulyap si Riko sa bahaging kinaroroonan ni Alvaro. Maya’t-maya rin siyang napapatingin sa ilang bote ng beer na nasa ibabaw ng bilog na mesang nasa harapan nito. Ang alam niya'y hindi naman mahilig uminom ang lalaki. Ano ang ginagawa ng lalaki sa Velvet Lounge? Nagtataka siya lalo na’t hindi nito kasama si Reign. Ito ang ikalawang beses na pumunta si Alvaro sa Velvet Lounge na mag-isa. Ang una ay noong makita niya ito ng madaling-araw sa parking lot.'Baka gusto kang makita.' tukso ng isang parte ng isip niya. Wala sa loob na napa-irap si Riko. Siya ang sadya? Malabo yata ‘yon. Para nga’ng hindi siya nag-e-exist sa paningin ng lalaki. Kanina pa ito roon pero ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Isang ismid ang pinakawalan ni Riko kasabay ng pagkalukot ng kanyang ilong.'Hmp, eh, ano naman kung ayaw siya nitong pansinin? Eh, di wag!'Muling itinuon ni Riko ang kanyang atensiyon sa kaharap na turntable. Dinampot din niya ang basong nasa tabi at inisang

  • THE RANCHER'S OBSESSION   WHAT IF WE TRY?

    “US?” “Yes, us…” sagot ni Alvaro kay Riko.Umangat ang kilay ni Riko. “Us–as in, you and me?” paniniguro niya habang tila napapantastikuhang nakatitig sa lalaki. Wala sa loob na napahilamos sa kanyang mukha si Alvaro. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya si Riko o seryoso ito sa sinabi nito na mahal siya nito.“Oo. You and me,” ulit niya sa sinabi ni Riko na itinuro pa ang babae at ang sarili. “Us…” may himig ng inis sa tinig na aniya sa babaeng tila manghang-mangha na nakatitig sa kanya. What is she even thinking? Ah, minsan talaga ay hindi niya mahulaan kung ano ang laman ng isip ni Riko.“There’s no us, Alvaro.” malamig ang boses na sabi ni Riko.Napatanga si Alvaro dahil sa kanyang narinig. What did she just say? She’s joking, right?“What do you mean?” Umikot ang mga mata ni Riko. “I gotta go, Roh. Inaantok na ako.” walang bakas ng kahit na anong emosyon sa tinig na aniya sa lalaki.Ngunit salungat sa ipinapakita niya kay Alvaro ay kanina pa gustong yakapin ni Riko ang

  • THE RANCHER'S OBSESSION   FRIENDS WITH BENEFITS

    KANINA pa lukot ang mga kilay ni Alvaro habang hawak sa isang kamay ang kanyang cellphone. Tatlong araw na rin ang nakakalipas nang huli silang magkita ni Riko at simula nga noon ay wala siyang natanggap kahit na simpleng hello o hi mula sa babae.Umigting ang mga panga ni Alvaro. Napakahirap talagang ispelengin ang babaeng ‘yon. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nais sa buhay. Tangina, no label daw? P’wede pala ‘yon? Siya na nga itong nagbukas ng usapan tungkol sa kanilang dalawa. Hoy, siya si Alvaro DiMarco, may-ari ng pinakamalaking rancho sa buong Pilipinas at malaking hotel chains, hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa.“Ano’ng problema mo?” Napatingin si Alvaro kay Tanya. Kaibigan ni Reign ang babae at isang taon din niyang niligawan hanggang sa tuluyan siyang huminto. Napag-isip-isip niya kasing parang wala namang patutunguhan ang pangungulit niya sa babae lalo na’t nagkaroon ito ng boyfriend. Habang nakatingin siya kay Tanya ay bigla niyang naalala si Riko. Oppos

  • THE RANCHER'S OBSESSION   GAMBLE

    HUWEBES NG HAPON, abala si Riko sa pag-aayos ng gagamitin niya para sa gagawin niyang fruit cake. Tumawag sa kanya si Crista, isa pa niyang kaibigan bukod kay Reeze. Darating daw ito sa susunod na araw at kabilin-bilinan ng babae na kailangan daw ay may madatnan itong fruit cake sa bahay niya.Napatigil sa ginagawa si Riko nang makarinig siya ng tatlong sunod-sunod na doorbell. Nangunot ang noo niya at kaagad na nalukot ang ilong. Hindi niya alam kung ano ang trip ng kung sino mang nasa labas. Maririnig naman niya kahit isang pindot lang sa doorbell ang gawin nito. Ibinaba niya ang hawak na pang-sukat sa harina. Ipinunas din niya ang magkabilang kamay sa suot na apron at walang pakialam sa itsura na naglakad patungo sa front door.Ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa pinto nang muling tumunog ang doorbell. Tatlong sunod-sunod ulit kaya tuluyan nang nainis si Riko.“Sandali!” gigil na turan niya sa malakas na tinig habang pinipihit ang doorknob. “Wala bang doorbell sa inyo at—”

  • THE RANCHER'S OBSESSION   NO LABEL

    KANINA pa pinagmamasdan ni Tanya si Alvaro na abala naman sa pagbabasa ng hawak nitong dokomento. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina nito na nasa pinakatuktok ng may limapo’t-limang palapag na Moonlight Hotel na pag-aari ng lalaking kanyang kaharap.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Tanya na nanatiling nakatutok sa lalaking kanina lang ay tila walang pakialam sa paligid nito. Ni hindi nga siya nito gaanong kinikibo simula nang dumating siya sa opisina nito. Ngunit nang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa mesa ay kaagad iyong dinampot ni Alvaro.Samantala, sumilay naman ang matamis na ngiti sa mga labi ni Alvaro nang makitang galing kay Riko ang mensahe. Mabilis niya iyong binasa.[Hi, baby. I miss you and I love you.]Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa mga labi ni Alvaro dahil sa kanyang nabasa.“You seem so happy, ha.” Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Alvaro nang marinig niya ang boses ni Tanya. “Tanya?” bakas ang pagtataka sa anyo na untag ni Alvaro habang nakatitig

  • THE RANCHER'S OBSESSION   RAIN

    BAGSAK ang magkabilang balikat na napatitig na lamang si Riko sa sasakyan niyang naka-park sa gilid ng kalsada. Mabuti na lamang at naitabi niya pa iyon bago tuluyang tumirik. Naroon siya isang bahagi ng Edsa. Pumunta siya sa bunsong kapatid ng Mama niya dahil mayroon silang pinag-usapan. And as usual, umalis na naman siya sa bahay nito na hindi sila nagkakaintindihan. Sabagay, ano pa ba ang bago roon? Ganoon naman palagi. Kailan ba siya naunawaan ng pamilya niya? Sanay na si Riko.Bumuga ng hangin si Riko at wala sa loob na napatingala sa makulimlim na kalangitan. Kapag nga naman minamalas, uulan pa yata nang malakas.[“Bakit kasi nagta-tiyaga ka riyan sa pagdi-DJ? Ano ba ang mapapala mo riyan? Kaya ka ba niyan buhayin at ang anak mo? Bakit hindi ka na lang umuwi sa atin at pamahalaan ang resort doon?!”]Tila iyon sirang plaka na muling umalingawngaw sa isipan ni Riko. No, ayaw niya. Gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Kaya naman niya. Ayaw lang siyang bigyan ng pagkakata

Latest chapter

  • THE RANCHER'S OBSESSION   I LOVE YOU

    WALANG IDEYA si Riko kung paano sila nakarating ni Alvaro sa silid niya. Namalayan na lamang niyang naroon na silang dalawa sa ibabaw ng kanyang kama at parehong walang saplot sa katawan. Ramdam na ramdam niya ang mainit na balat ng lalaki na kumikiskis sa hubad niyang katawan. Kung paanong nangyari iyon ay hindi na alam ni Riko. At wala na rin siyang balak na alamin dahil abala na rin ang mga kamay niya sa pagdama sa katawan ni Alvaro.“Hmmm…” mahinang ungol ni Riko nang maramdaman niya ang mga labi ni Alvaro na gumagapang sa kanyang leeg. Napakagat-labi si Riko nang dumako ang mainit na mga labi ni Alvaro sa gilid ng kanyang leeg, patungo sa likod ng tainga niya at nilaro ng pilyong dila nito ang dulo niyon. Bumaon ang mahahaba niyang kuko sa likod ng lalaki nang ang mapagpalang kamay naman nito ang naramdaman niyang dumadama sa mayabang niyang dibdib. Nilaro at pinisil-pisil ni Alvaro ang munting korona sa tuktok niyon na naging dahilan para wala sa loob na napaliyad si Riko.“Ba

  • THE RANCHER'S OBSESSION   YOU ARE MINE

    KAGAYA NG PANGAKO ni Alvaro ay hindi siya tumigil sa pagsuyo kay Riko. Kagaya na lang ngayon, naroon na naman siya sa labas ng bahay ng babae. Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng pinto at naka-ilang doorbell na rin siya ngunit tila walang balak ang babae na pagbuksan siya. At wala sa plano ni Alvaro na sumuko. Muling pinindot ni Alvaro ang doorbell sa ika-sampong beses o higit pa nga yatang pagkakataon. At kagaya ng kanyang inaasahan ay wala pa ring Riko na nagbukas ng pinto. Isa pa uling magkakasunod na pagpindot sa doorbell ang ginawa ni Alvaro at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nabigo dahil sa wakas ay bumukas ang pinto. At isang tila nag-aalburutong bulkang anyo ang bumungad sa kanya.“What do you want??!” pagalit na tanong ni Riko sa lalaking halos isang linggo na rin siyang hindi tinitigilan. Hindi niya alam kung umuuwi pa ba ito sa Manila o nag-check in na lamang sa hotel.Araw–araw kasing naroon sa labas ng bahay niya si Alvaro at nangunglit. Isang ngiti ang sumilay s

  • THE RANCHER'S OBSESSION   I'M DOING FINE

    SUNOD-SUNOD ang naging pagbuga ni Alvaro ng malalalim na buntong-hininga habang hinihintay niyang sagutin ni Riko ang tawag niya. Naka-ilang tawag na siya at ni isa ay walang sinagot ang babae. Alam naman niyang hindi sumasagot ng tawag si Riko kapag hindi nito kilala ang numero. Nagbabaka-sakali lamang siya.“Come on, Rik…” bulong ni Alvaro habang walang tigil ang pagparoon at parito niya sa loob ng kanyang silid. “Pick up the damn phone.” dugtong niya.Pang-apat na dial na niya iyon ngunit tila wala pa ring balak si Riko na sagutin ang tawag niya. “Please, baby…” muling usal niya. Nang sa wakas ay may sumagot sa tawag niya, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro. It was a sign of relief .Finally!Ngunit nang marinig ni Alvaro ang pamilyar na boses ni Riko ay tila naman bigla siyang nawalan ng dila. Hindi kaagad siya nakakibo at kung hindi pa niya narinig ang iritableng tinig ng babae na gusto na siyang pagbabaan ng tawag ay hindi pa sana siya matatauhan.“Rik

  • THE RANCHER'S OBSESSION   STAY AWAY

    TAHIMIK NA NAKAUPO si Riko sa pinakasulok na bahagi ng Route 59, isang kilalang coffee shop na nakatayo sa bahaging iyon ng Ortigas Avenue. Nagkita sila ng pinsan niyang si Tricia dahil nag-usap sila tungkol sa plano nilang negosyo na kanilang pagso-sosyohan. Mahigit kalahating oras na rin siguro ang nakakalipas simula nang magpaalam sa kanya ang pinsan na aalis na dahil may kikitain pa raw itong kliyente.“Oh, look who’s here…” Napatigil si Riko sa akmang paghigop ng kape mula sa hawak niyang tasa nang marinig niya ang maarte at nakaka-iritang boses na iyon mula sa kanyang harapan. Nag-angat ng paningin si Riko at nang makita niya si Tanya na nakatayo sa kanyang harapan ay sandali siyang hindi nakakibo. Sa dinami-dami ng p’wede niyang makita ngayong araw ay ang babae pa talaga. Napasulyap din siya sa babaeng kasama nito at muli siyang natigilan. Si Alile. Lihim na napa-isip si Riko. Kung si Alile ang nililigawan ni Alvaro bago sila nagkakilala, bakit kasama ito ni Tanya na siyang

  • THE RANCHER'S OBSESSION   BREAK UP

    TULUYAN nang nagpasya si Riko na kalimutan si Alvaro. Mahirap at walang gabi na hindi siya umiiyak dahil sa labis na pangungulila sa lalaki pero sa tuwing naaalala niya si Tanya ay mas lalo naman siyang nagiging desidido na layuan ito.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang selos na siyang dumudurog sa kanya. Maisip pa lang niya na habang umiiyak at nasasaktan siya nang dahil sa lalaki habang ito ay masaya na sa piling ni Tanya ay para na siyang pinapatay nang paulit–ulit.Hindi tuloy maiwasan ni Riko na sisihin ang kanyang sarili. Kung sana sa una pa lang na nakaramdam siya ng kakaiba para kay Alvaro ay dumistansiya na siya, siguro ay wala siya sa sitwasyon niya ngayon. My god, how can she be so damn foolish?Kagaya na lamang ngayon. Ito na naman siya. Nakatulala sa madilim na kalangitan. Alas onse pasado na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Riko. Well, hindi lang naman ngayon dahil simula nang matuklasan niya ang tungkol kina Alvaro at Tanya ay madalas na lamang na pin

  • THE RANCHER'S OBSESSION   JUST HOW?

    “SO?” Wala sa loob na napatingin si Riko sa kaharap na si Reeze. Kasalukuyang nasa bahay niya ang babae. At oo, naroon din sina Crista at Liza.“Spill it, Rik.” ani naman ni Liza.”Sabihin mo sa amin kung paano kang nagpapakatanga kay Alvaro.” naka–ismid na dugtong pa ng babae. Napangiwi naman si Riko dahil sa sinnabi ni Liza. Brutal talagang magsalita ang babae. Samantalang nangunot naman ang noo ni Reeze. “Alvaro?” Naguguluhang untag ni Reeze na ang mga mata ay palipat–lipat kina Liza at Crista. “Am I missing something here?” tanong pa niyang ang mga tingin ay nakatutok na kay Rik.Kaagad namang nag–iwas ng paningin si Riko nang makita niya ang nanunumbat na mga titig ni Reeze. Umikot ang mga mata ni Crista. “Uhg!” bulalas niyang sinundan pa ng sunod-sunod na iling. “Yes—a lot!” She exclaimed. “Rik?” nagtatanong ang mga mata na tawag ni Reeze kay Riko.Humugot ng malalim na buuntong-hininga si Riko. Mukhang wala na siyang kawala sa pagkakataong ito. Pero sa totoo lang ay nagi-

  • THE RANCHER'S OBSESSION   WHY?

    PAGPASOK PA LANG NI REIGN sa loob ng bagong bukas nitong cafe ay kaagad na hinanap ng mga mata ni Alvaro ang pamilyar na anyong kanina pa niya pinanabikang makita. Si Riko.At hindi siya nabigo because there she is, nakasunod ito kay Reign na kasabay namang naglalakad si Reeze. Nakabagsak ang lagpas balikat at alon-alon nitong buhok. Sandaling nangunot ang noo ni Alvaro nang makitang kulay pula na ang bhok ng babae. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang pagkadisgustong kanyang nararamdaman. “Love, is that Rik?” untag ni Tanya kay Alvaro sabay yakap sa beywang ng lalaki. Hindi nakaligtas sa matalas na mga mata ni Tanya ang ginagawang pagtitig ni Alvaro kay Riko. Dama din niya ang pagnanais ng lalaki na lapitan ang bagong dating. Isang bagay na hindi nagustuhan ni Tanya.“Love?” malambing ngunit may bahid ng yamot sa tinig na tawag ni Tanya kay Alvaro na saka pa lamang inalis ang mga mata kay Riko.Mahinang tumikhim si Alvaro bago niya ibinaling ang atensiyon sa katabing si Tanya.“

  • THE RANCHER'S OBSESSION   TANYA

    KANINA PA NAKATITIG sa hawak niyang cellphone si Alvaro. Natutukso siyang tawagan si Riko. Alam niyang pupunta ang babae sa soft opening ng bagong branch ng nerds’ sa Makati. Hindi mahilig makihalubilo sa maraming tao si Riko pero alam niyang hindi rin ito makakatanggi kay Reign.Bumuga ng hangin si Alvaro. Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang tumunog ang hawak niyang cellphone. Somehow, lihim niyang inasam na sana ay si Riko ang tumatawag. At nang tingnan niya ang screen ay bumakas sa kanyang anyo ang hindi maitagong pagkadismaya. Si Tanya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro bago niya pinindot ang answer button.“Hello,” matamlay ang tinig na bungad niya.“Hi, love,” malambing na turan ni Tanya mula sa kabilang linya. “pick me up na lang mamaya, ha.” aniya. Bakas din sa tinig ang saya.Natigilan si Alvaro, hindi dahil sa sinabi ni Tanya kundi dahil sa salitang “love”. “Love,” wala sa loob na usal niya kasabay ng pagbalik sa alala niya niya kung paanong

  • THE RANCHER'S OBSESSION   FRUSTRATION

    TIIM ANG ANYO na pinaulanan ng mga suntok ni Alvaro ang kaharap niyang punching bag. Kasalukuyan siyang nasa loob ng gym na naroon lang din sa mansyon niya.Isang bagay na hindi nakalagpas sa pansin ng kapatid niyang si Camila.“Problem, Kuya?” nagtakang tanong niya sa nakatatandang kapatid.Hindi pinansin ni Alvaro ang tanong ni Camila. Nagpatuloy lamang siya sa pagsuntok sa punching bag na tila ba doon ibinubuhos ang lahat ng naipong inis niya para kay Riko. Damn it! Who the hell she thinks she is, huh?Halos tatlong linggo na silang nag-uusap ng babae. Wala namang particular na dahilan kung bakit sila nagtalo. Basta ang huling tanda niya ay bigla na lamang umalis si Riko sa kalagitnaan ng gabi at kahit anong pigil niya rito ay parang bingi ang babae.“Kuya, gigil na gigil ka diyan sa punching bag. Ano bang kasalanan niyan sa’yo?” muling tanong ni Camila kay Alvaro. Nang wala pa ring makuhang sagot mula sa nakatatandang kapatid ay hinawakan na niya ng magkabilang kamay ang kaharap

DMCA.com Protection Status