(italics)"For Pete's sake, Adel! All of those months! Wala ka na ba talagang magandang magawa sa buhay? Alam mo bang ng dahil sa iyo ay ilang beses nang nalagay sa panganib ang mga anak mo? Nang dahil sa iyo ay nawala rin ang ipinagbuntis at inalagaan mo sa iyong sinapupunan ng siyam na buwan? Hindi na kita kilala sa lagay na iyan, Adel!"Malakas na sigaw ni Antonette sa nag-iisang kapatid. Hindi man siya agad nakadalaw dito nang isinugod ito ng bayaw sa pagamutan ngunit silang mag-asawa rin ang madalas tumambay o magbantay dito. Subalit sa araw na iyon ay shocked talaga siya sa nalaman. Nauunawaan na niya kung bakit parang wala sa sarili ang bayaw."Ginawa ko lang ang alam kong nararapat, Ate. At kung sa tingin ninyong lahat ay makasalanan ako dahil totoo naman ay tatanggapin ko iyon ng buong-buo," anito."Adel, ano ba! Makasarili ka iyan ang totoo! Ngayon sabihin mo kung ano ang dahilan at nagawa mong lokohin ang lahat! Dahil sa pagbabaliw-baliwan mo ay---""Kagaya nang sinabi ko k
"Ano sa palagay mo, Honey?""Ang panganay ba natin ang ibig mong sabihin, hon?"Dahil wala naman siyang kamalay-malay sa nais tukuyin ng asawa ay ibinalik ni Ginoong Pierce Wesley. Kaso ismid, taas-kilay at singhal ang napala mula rito."Tsk! Tsk! Siguro may pinagkabalahan kang iba ano? Aba'y tinanong kita ngunit sinagot mo rin ng tanong? Ano iyon nasa beauty pageant? Kung ayaw mong samain sa akin umayos-ayos ka!""Honey, tumatanda na tayo ngunit mahilig ka pa ring suminghal. At isa pa ay wala namang ibang tao rito sa bahay kundi tayong dalawa at silang mag-aama. Nasa Dagupan si Rennie Grace at ang sariling pamilya."Kung ibang tao lang siguro ang makasaksi sa kanilang mag-asawa sa tuwing nasa ganoon silang senaryo ay siguradong iisiping nag-aaway sila. Ngunit para sa kanilang pamilya ay nasanay na at isa iyon sa ugali nitong minahal niya. Ganoon pa man ay ayaw na niyang lumawig pa ang ganoong sitwasyon. Kaya't bahagya siyang umusog sa kinauupuan nito saka inakbayan bago muling mangur
"May problema ka ba, girl? Aba'y ilang araw na kitang napansing wala sa sarili ah. Is there's something wrong?""Wala, gurl. Hindi ko lang maunawaan ang damdamin kong wari'y laging kinakabahan. Mukhang nasubrahan ko ang pag-inom ng kape."Kaso sa tinuran niyang iyon ay pabiro siyang binatukan ni Star."Aba'y hoy, Adel Dela Peña! Umayos-ayos ka nga riyan! Susme, inaalala na nga kita kaso nakuha mo pa ang magbiro! Ano ba ang problema mo at mukhang dala-dala mo na naman ang mundo?"Tikwas ang daliri dulot nang pagbatok sa kaniya at taas-kilay pa itong humarap sa kaniya. Tuwang-tuwa siya kapag ganoon ang hitsura nito ngunit ayaw niya itong ma-offend. Kaya't umayos siya at inakay ito paupo sa kaniyang tabi."I'm sorry if I offended you, Star. Ngunit iyon ang totoo. Wala akong problema. At totoong hindi ko maunawaan ang aking sarili."Pahayag niya nang nakaupo na ito. Napabuntunghininga pa nga siya dahil doon."Okay, let's say wala kang problema. Ngunit sa lalim nang pinakawalan mong hining
"WHERE are you going, son? Ilang sandali pa ay mangsimula na ang awarding." Pagpipigil ni Reynold Wayne sa anak. Dahil panay ang paglingon nito na wari'y may hinahanap."Si Mommy, Papa. Nakita ko po siya," tugon nito."Sino? Tama ba ang narinig ko, anak?" Dahil gusto niyang makasiguradong tama ang narinig ay ibinalik niya ang tanong nito."I'm not kidding, Papa. Alam kong narinig mo ang sinabi ko. Nakita ko po si Mommy," anitong muli.Kaya naman ay tumayo na rin siya. Hindi man siya ang pinakamayaman sa buong mundo pero may sapat siyang halaga upang hanapin ang babaeng matagal nang hinahanap-hanap."Do you mean it, son? If we will leave now we might lose the chance to attend the awarding---"Pero ang pananalita niya ay natigil dahil nagsimula na ring magsalita ang emcee."Ladies and gentlemen, good evening to each and everyone. May I request you all to raise up and our awarding ceremony will begin now." Panimula nito.Kaya't kahit silang mag-ama ay humarap na rin sa harapang bahagi ng
DULOT ng ilang taong pagkawalay sa isa't-isa ay hindi na nagdalawang-isip dalawa. Tawag ng pangungulila ay tinugon nila ang init nang halikan ng bawat isa sa kanila. Laking pasasalamat nila dahil talagang hinayaan sila ng dalawang barako. Dumiretso naman kasi silang apat sa apartment nina Adel at Star. Ngunit ipinasyal ng huli si Reign Wayde. Dahil sila na rin ang magkakasama sa pag-uwi ng bansang Pilipinas."I really miss you, mahal. Ngunit bago man tayo magpadala sa init ng ating damdamin ay nais ko munang humingi ng paumanhin sa paulit-ulit kong pananakit sa damdamin mo. I'm really sorry, mahal. Let's start our lives together with our children," madamdaming pahayag ni Reynold Wayne kay Adel."Maaaring nagtataka ka kung bakit hindi ko magawa-gawang magalit sa iyo simula pa noon hanggang ngayon samantalang alam ko namang may katapatan akong maghinampo. Ngunit huwag kang magtaka kung BAKIT NGA BA MAHAL KITA. Dahil ang tangi kong masasabi ay walang katumbas ang pag-ibig ko sa iyo. I lo
"Po? Aba'y kailangan pa iyon?" namumulang tanong ni Adel nang iniabot sa kanilang mag-asawa ang sealed envelope na naglalaman umano ng fully package tickets round trip bound to Barcelona Spain."Ikaw naman anak. Aba'y natural lamang. Dahil ikinasal kayo kaya't dapat lang na may honeymoon. Who knows sa pagkakataong ito any may karagdagang babies sa pamilya natin," masayang saad ni Ginang Jannelle.Tuloy ay napakamot sa ulo si Adel dahil sa tinuran ng biyanang babae. Samantalang ang asawa ay pangiti-ngiti lamang sa kaniyang tabi. Para sa kaniya kasi ay kahit hindi na sila lalabas ng bansa. Dahil nagagawa naman nila ang kanilang ritwals bilang mag-asawa kahit saan kapag sila ang sinasalakay ng init sa katawan. At isa pa ay nais sana niyang yayain ang asawa upang magtungo sa Laoag kung saan naroon ang dati nilang tahanan.Subalit napalalim yata ang kaniyang pag-iisip dahil napakislot siya nang narinig ang tinig ng biyanang lalaki."Anak, alam ang iniisip mo at nauunawaan kita. Subalit hay
"Ano raw ba ang nangyari, anak? Aba'y masigla naman siyang lumabas kaninang umaga," agad na tanong ni Ginang Jannelle sa manugang.Maaaring itinawag ng sekretaryo ng anak nila rito ang nangyari kaya't mas nauna itong nakarating kaysa sa kanilang mag-asawa at mga apo. Nasa kolehiyo naman kasi ang dalawa kaya't per hour na ang pasok."Hindi ko po alam, Mommy. Dahil ako ay nagtataka rin kung ano po ang dahilan at bigla na lamang po siyang nawalan ng malay-tao," tugon nito."Paano mo pala nalamang nandito ang asawa mo, anak? Hindi ko naman naitanong sa sekretaryo kung naitawag sa iyo ang tungkol dito," saad naman ni Ginoong Pierce Wesley.Kaya naman ay hinarap ito ni Adel. Magkaiba naman kasi sila ng opisina. Sa mismong kumpanya n mga Abrasado siya nagtatrabaho bilang engineer samantalang ang asawa niya ay owner and manager ng sariling kompanya."Hindi ko po alam kung nagparamdam sa akin ang nangyaring ito sa asawa ko, Daddy. Dahil sa hindi malamang dahilan ay nagtungo ako sa opisina niya
(italics)"Ha? Aba'y mukhang baliktad yata ang mundo ngayon, pinsan na best friend. Kailan ka pa natutong magsinungaling kay hipag?""Loud and clear, pinsan. Maliwanag ang pag-iisip ko.""Okay, fine. Maliwanag pa sa sikat ng araw, pinsan. Ang tanong, bakit ayaw mong sabihin kay hipag? Tama, pinsan na best friend tayo at double bayaw pa. Pero alalahanin mo namang mayroon kang asawa. At mas may karapatan siyang malaman ang tungkol sa kalagayan mo.""Kaso ayaw ko namang mag-alala siya sa akin, insan. Marami na akong kasalanan sa kaniya. Mula pa noong nasa twenties siya."Kaso sa tinurang iyon ni Reynold Wayne ay sinapak siya ng pinsang si Khalid Mohammad. Dahil hindi naman niya inaasahang mananapak ito ay nagulat pa siya."Isang pag-iinarte pa at talagang makakatikim na na sa akin. Kahit may edad na tayo ay kaya pa kitang sipain. Aba'y kung kailan tumatanda na tayo ay saka ka naman nag-iinarte! Hala! Umuwi ka ngayon din at ipagtapat mo kay Adel ang kalagayan mo!"Singhal nito sa kaniya.
"Alam ko po na nasurpresa kayong dalawa ni Mommy, Papa. Kaya ako po ay humihingi ng paumanhin. Ganoon pa man ay nais ko po kayong batiin sa espesyal na araw para sa inyong dalawa. I love you both."Binitiwan ni Reign ang palad ng ina saka tumingkayad at hinagkan sa noo ang amang kagaya ng ina na hindi halos makapagsalita."Wala akong ibang masabi anak kundi maraming-maraming salamat. Dahil kahit halos nakalimutan na namin ang araw na ito ay higit pa sa inaasahan sobra ang ginawa n'yong paghahanda. Spoiled parents na kami sa inyong magkapatid," maluha-luhang tugon ni Reynold Wayne sa anak na lalaki bago tumingin sa asawang kahit hindi magsalita ay kagaya niyang emosyonal."Mommy, smile na po. Baka mamaya ay mas maganda na ako sa iyo dahil nagiging crybaby ka na po. Hayaan mo po dahil isusunod na po natin ang para sa amin ng mga maging manugang ninyo ni Papa. Ayon po si Father naghihintay sa inyong pag-abante," dagdag turan pa ni Jewel."Huh! Saan ka ba nagmana kundi sa akin, Hija? Well
KASALUKUYAN silang nasa bansang Australia dahil sa kagustuhan ng kanilang mga anak. Panahon na rin daw upang tumigil sila sa pagtatrabaho. Kahit pa sabihing malalakas pa silang parehas. Well, Reynold Wayne is already sixty plus but still kicking off. While Adel is on his fifties."Ang mga taong iyon ay ibinuyo tayong magtravel pero hindi naman sila. Mukhang may binabalak sila kaya't ayaw nilang nandoon tayo," saad ni Reynold Wayne habang sila nasa balkonahe ng isang luxurious hotel kung saan sila naka-check in sa naturang bansa."Mahal ko, huwag ka ng magtaka sa mga anak natin. Ang pagkaabalahan mo ngayon ay kung kailan sila mag-aasawa. Aba'y huwag mong sabihing kapag hindi na natin kayang alagaan ang magiging anak nila," tugon ng asawa."Iyon na nga, asawa ko. Parang kahapon lang noong nangyari ang aksidente iyon sa buhay natin pero ngayon ay isa ng professional coach ng martial arts sa ating bansa si Reign at isa namang international fashion designer si Jewel. Iyon nga lang ay pinan
"Mommy, Daddy, kumusta na kayo rito?" tanong ni Adel sa dalawang puntod na nasa harapan.Oo, dahil sa frustration naramdaman ay umalis siya ng bahay na hindi nagpaalam. Ngunit ang sarili naman niya ay nakakatawa dahil sa sementeryo siya dinala. Sa libingan ng mga biyanan niyang magkasunod na namayapa ilang buwan na ang nakalipas."Hindi ko po alam ang maari kong sabihin, Mommy, Daddy. Kahit pa sabihing nasa tamang edad na kaming parehas ni Reynold Wayne noong nagtanan kami ngunit alam n'yo po na nakikita ko ang aking sarili kina Catherine at Reign Wayde? Tama po, mag-aasawa na po ang lalaki n'yong apo."Kagaya namin noon ay gusto na nilang magsama bilang mag-asawa kahit nag-aaral pa silang dalawa. Ngunit alam n'yo po ba ang nakakatawa? Ako, Mommy, Daddy. Dahil ngayon ko pa nauunawaan kung bakit ganoon ang pagtutol n'yong manirahan sa iisang bubong kahit on-going pa ang pag-aaral."Maari po bang ituro n'yo kung paano kami tinanggap muli ni Reynold Wayne samantalang sinuway namin kayong
"Since na ginusto ninyong dalawa at naareglo na natin ang gusot. Ngayon ay gusto kong itanong sa inyong dalawa kung ano ang plano n'yo. Kung nagtapat lang sana kayo ng mas maaga kaysa ang pinaabot ninyo pa sa presinto. Ngunit hindi na bale dahil tapos na kaya't sagutin n'yo na lang ako ng totoo. Dahil ang susunod na desisyon namin ng Mommy ninyo ay nakasalalay sa inyong sagot."Let's start with you, Reign Wayde. Nasa ikalawang taon ka ng kolehiyo ngunit nagkaroon ng nobya. Wala naman sanang problema roon kung hindi kayo lumampas sa limitasyon at ngayon ay buntis ang nobya mo. Inuulit ko, ano ngayon ang plano mo?""As you are, Catherine Hija. Classmate kayong dalawa ng kasintahan mo kaya't hindi ko na uulitin ang nasabi ko kanina. Isang tanong at isang sagot. Ano ang plano mo ngayong may laman na ang iyong tiyan?"Pinaglipat-lipat ni Reynold Wayne ang paningin sa mga teenagers na kaharap. Masakit man ngunit kailangan niyang magdesisyon. Aminado rin naman siyang marinig ang inaasam mula
"SO, kumusta ang bago mong paningin, mahal ko?""Maraming salamat sa iyo, asawa ko. Dahil ikaw ang nagtulak sa akin upang ipagamot ang mga mata ko.""Ikaw naman, mahal. Natural na iyon dahil asawa kita."Oo, hindi man dumaan sa eye operation si Reynold Wayne ngunit natagalan sa pagamutan. Dahil sa pagkabaril sa tiyan at aksidenteng pagkatanggal ng life saving machine ay kamuntikan din itong namatay. Mabuti na nga lang at naagapan ng mga doktor. Ayon sa paliwanag nito ay nanaginip na may sumasakal at iyon ang naging dahilan na nagising mula sa ilang araw na pagtulog.Kaso sa pag-aakalang totoo ang panaginip ay biglang napatayo upang depensahan ang sarili. Subalit dahil sa tiyan ang tinamaan ng baril ay nabagsak din ngunit nasagi ang mga wires na nakasabit sa katawan kabilang na ang life saving machine. And whe was completely healed, they performed the cataract surgery."Hsssh, huwag ka nang magpaliwanag, mahal ko. Kalimutan mo na ang mga nakaraan. Instead, let's used them as a lesson i
"KUMUSTA na ang asawa ko, doctor?" salubong na tanong ni Adel sa doctor na umasikaso sa asawa niya."As of now, hindi ko masasabing ligtas na siya dahil kahit natanggal na ang dalawang bala na pumasok sa tiyan niya ay hindi pa natin siya naoperahan. Ipanalangin nating magising na siya upang maisagawa ang blood clots sa kaniyang ulo. Dahil kung hindi ay mas manlalabo ang kaniyang paningin," pahayag nito.Dahil sa narinig ay natahimik siya. Naipaliwanag na ng kaniyang bayaw kung ano ang nangyari at nabanggit din nito ang tungkol sa maaring dahilan kung paano nagkaroon ng blood clots sa ulo. Kahit ano pa man iyon ay wala na siyang pakialam. Dahil bahagi na iyon ng nakaraan. Siya nga ay tinanggap ng asawa sa kanila ng naranasan sa piling ni Jubert. Kahit pa sabihing may pinasok na ibang kuweba ang buddy-buddy ng asawa ay lalaki ito samantalang siya ay babae. Ang pagtanggap nitong muli sa kaniya ay sapat na sa sobra upang unawain kung ano man ang dahilan."May nais ka pa bang itanong, Ma'a
"Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pala nagbagong buhay, JC. Ang gusto mo ay madaliang promosyon ngunit hindi mo naman ginagawa ang tama," saad ni Reynold Wayne sa dati na niyang nakaaway noong nasa Laoag City sila ng asawa."Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin hay*p ka! Dahil sa susunod ay siguraduhin kong matuluyan ka na!" Imbes na magpakumbaba dahil nabuko na ngunit ito pa ang may ganang magalit.Tuloy!"Hoy! Kapag ako ang tuluyang magalit ay ora mismo ay ibartolina kita!" singhal ng hepe. Hindi lang iyon, hinablot pa nito ang kuwelyo ng damit nito."Tsk! Tsk! Administrative case plus police brutality ang kaso mo, Hepe. Ako ang inaresto ninyo pero kayo ang may kasalanan---"Dahil na rin sa galit ay hindi na napigilan ni Reynold Wayne ang sariling huwag padapuin ang palad sa lalaking wala na yatang magandang magawa sa buhay. Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay ito na ang peste sa niya."Kung naluko mo ang mga tao noon sa kalokohang patay ka umano, ako ay hindi! Dahil
FEW days later..."Ha? Pero bakit, mahal? Ako ang natatakot para sa iyo. Wala namang problema pero bakit sarili mo ang kailangang ipain?""Alam ko, asawa ko. Ibig kong sabihin ay iyan ang magiging reaksyon mo. Ngunit aking sasagutin ang tanong mo. Dahil ako ang target.""Nandoon na tayo, mahal. Pero kagaya nang sinabi ko sa iyo ay dahil sa kagustuhan mong mahuli ang salarin ay mas lumala ang kalagayan ng mata mo. Idagdag pa ang clots sa ulo mo."NAPAILING-ILING si Adel. Dahil kung kailan niya napapayag ang asawa upang magpatanggal ng clouded part ng mata dulot ng cataracts ay saka naman nila nalamang nagbalik ang dati nitong kaaway na si JC Ponce. At ayon pa nga sa nalaman nila ay mayroon itong tao sa loob ng sariling kompanya ng asawa niya. Kaya nga siya natatakot dahil baka mapahamak ito."My little one, listen to me carefully. Ginagawa ko ito para sa ating lahat. Ako lang ang may malabong mata. Kahit sumpungin ako ng sakit sa ulo on the process ay kasali na iyon. Ang mahalaga ay ka
(italics)"Ha? Aba'y mukhang baliktad yata ang mundo ngayon, pinsan na best friend. Kailan ka pa natutong magsinungaling kay hipag?""Loud and clear, pinsan. Maliwanag ang pag-iisip ko.""Okay, fine. Maliwanag pa sa sikat ng araw, pinsan. Ang tanong, bakit ayaw mong sabihin kay hipag? Tama, pinsan na best friend tayo at double bayaw pa. Pero alalahanin mo namang mayroon kang asawa. At mas may karapatan siyang malaman ang tungkol sa kalagayan mo.""Kaso ayaw ko namang mag-alala siya sa akin, insan. Marami na akong kasalanan sa kaniya. Mula pa noong nasa twenties siya."Kaso sa tinurang iyon ni Reynold Wayne ay sinapak siya ng pinsang si Khalid Mohammad. Dahil hindi naman niya inaasahang mananapak ito ay nagulat pa siya."Isang pag-iinarte pa at talagang makakatikim na na sa akin. Kahit may edad na tayo ay kaya pa kitang sipain. Aba'y kung kailan tumatanda na tayo ay saka ka naman nag-iinarte! Hala! Umuwi ka ngayon din at ipagtapat mo kay Adel ang kalagayan mo!"Singhal nito sa kaniya.