"Sir Reynold!" bulalas ng taong nanutok sa binata ng mapagsino ito.
Naturingan siyang shadow pero hindi naman kaya ng mata niya na kilalanin ang tao sa dilim. Kinailangan pa niyang lumapit at tinutukan ito ng baril. Kaso bago pa siya makahingi ng paumanhin dahil sa nagawa ay naunahan na siya nito.
"Kilala mo ako? Sino ka?" takang tanong ng binata.
Tama, inaamin niyang natakot siya nang may nanutok sa kaniya ng baril pero labis din ang pasasalamat niya nang ibinaba nito. Kaso labis-labis ang kaniyang pagtataka kung bakit siya nito kilala.
"I'm sorry, Sir, kung natutukan kita ng baril. Yes, kilala kita dahil tauhan ako ni Ma'am Jannelle. I'm, Miss Adel's shadow." Sinabayan pa nito ng pagtango ang pananalita.
Sa isipan ni Reynold Wayne ay kailan pa nagkaroon ng Shadow ang mahal niya? Saka, kailangan pa ba nito ang shadow samantalang may Love naman ito? Ah! Mukhang iba na yata ang ikot ng mundo. Nababaliw na rin ba siya? Sa pagkakaalala niya sa mga katagang narinig mula sa loob ay napangiwi siya. F*ck! Hindi naman siguro. Tao lamang siyang maaring makaramdam ng selos.
"Okay lang, Miss. Sige maiwan na kita riyan," aniya na lamang.
Wala na siyang interest na alamin kung ano ang pangalan nito. Masakit ang puso niya dahil sa natuklasan. Ilang babae ang namatay ng dahil sa obsesyon sa kaniya ngunit mas masakit pa rin ang siya mismo ang nakasaksi na may love na ang babaeng mahal niya.
"Hindi ka papasok, Sir?" pigil sa kaniya ng nagpakilalang shadow.
"Hindi na, Miss. Sa ibang araw na lang baka makadisturbo pa ako sa kanila ng bisita niya," sagot niya. Hindi na niya pinagkaabalahang lingunin ang kausap.
Kaso hindi pa siya nakakahakbang ay muling nagwika ang shadow o mas tamang sabihin na napahalakhak ito. Kaya naman imbes na aalis na siya ay lumingon siya.
"I'm sorry, Sir. Huwag mo---"
"Ano'ng ingay iyan, Shadow? Aba'y nasa tapat ka ng silid ko. Hindi mo ba alam na nakakadisturbo ka ng panaginip," tinig na nagmula sa loob ng kabahayan.
"Keep on dreaming, Miss Adel. Masaya lang akong nakakita ng shooting star," mahinang tugon ng Shadow.
Mahina man ang pagkasabi pero dahil sa gabi ay sapat na upang marinig ng naalimpungatan mula sa panaginip.
Wala na silang nahintay na sagot kaya't muling binalingan ng binata ang shadow. Kaso mind reader din yata ito dahil tugma ang binitawang salita sa iniisip niya.
"Again, sorry for saying this, Sir, pero sa pagkakaakala mo ba ay si, Miss Adel, ang nasa sala? Wala ako sa posisyon na magsabi pero magtiwala ka kay, Miss Adel. Mabait na babae ang binabantayan ko patunay lamang ang mga nasa sala," anito.
"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin, Miss? Sabi niya ay nakakadisturbo ka ng panaginip, sabi mo naman ay patunay ang nasa sala. Kung ganoon, alin doon ang tama?" napapantastikuhang tanong ng binata.
"They're her classmates, Sir. She's just helping them. As you heard, nadisturbo siya mula sa panaginip. That's true. Minsan ako ang nagsasara sa ilaw kapag tulog na siya bago aalis ang mga nasa sala. By the way, mukhang naparami na rin ako ng sinabi. If I were you, Sir, mas mabuting kausapin mo siya pero bukas na lang. Maiwan na kita, Sir. Kailangan ko pa na e-secure ang paligid." Bahagya itong yumukod bago tuluyang nawala na parang usok.
"May sasabihin pa sana ako sa taong iyon eh aba'y bigla na lamang nawala. Huh! Hindi raw si, Adel, ang nasa sala, nanaginip na raw. Tsk! Tsk!" Napailing siya ng tuluyan dahil sari-saring pumapasok sa utak niya.
May bahaging nagsasabing uuwi na siya, mayroon ding bahagi na gusto niyang papasok sa loob upang kausapin ng masinsinan ang dalaga. Kaso ayaw din naman niyang maging katawa-tawa sa mga nasa loob.
Ang hindi niya alam ay dumaan lang sa kabilang bahagi ng bahay ang shadow. Doon ito pumasok at ipinaalam sa binabantayan ang presensiya niya.
"Ha? Ano'ng sabi mo, nandito siya? Nasaan siya? Bakit hindi siya kumatok?" Napabalikwas si Adel dahil sa narinig.
"Dahan-dahan lang, Miss Adel. Alin doon ang una kong sasagutin?" mapanuksong tanong ni Shadow.
"Huh! Ikaw Shadow ha, bakit hindi mo ako ginising---ah, siya ang kausap mo kanina ano?" hindi magkandatutong sabi ng dalaga.
Kaso ang shadow niya ay nagaya na rin yata sa nagpapasahod dito. Mula sa dulo ng buhok hanggang sa dulo na yata ng kuko sa paa ang kasutilan nito. Natuto na rin itong makipagharutan sa kaniya bagay na madalas niyang gawin dito.
Pero, teka lang!
Mukhang bumabawi ito!
"Nasa labas pa siya, Miss Adel. Maaring iniisip niya na ikaw ang nasa sala kaya't urong-sulong ito. Mabuti na nga lang at namukhaan ko. Kung nagkataon lang na hindi patay ako kay Ma'am Jannelle." Nakangiti itong lumingon sa kaniya. Akala nga niya'y maglalaho na naman ito na parang usok.
Sa narinig ay nakaisip din siya ng ipapagawa rito n
"Lumipad ka na sa kinaroroonan niya, Shadow. Doon sa mismong sasakyan niya para hindi makaalis," aniya. May pangalan naman ito, Shaina. Iyon nga lang ay nakasanayan na niya ang tawagin itong shadow. Para kasi itong anino na laging nakabantay kahit saan siya magpunta.
"Sure, Miss Adel. Ikaw, saan ka dadaan? Mukhang may milagro este hindi pa tapos ang mga nasa sala," sagot nito.
"May mga mahiwaga akong bato sa kabinet. Lulunukin ko muna bago ako lilipad. Dali na, Shadow, aba'y kasalanan mo kapag aalis siya, ikaw rin." Pananakot pa niya.
Hindi na ito sumagot pero kahit gabi ay kitang-kita niya ang ngiti nitong umaabot sa mga taenga. Sabagay, hindi rin naman kasi niya ito masisisi dahil bihira lang kung may ipapagawa siya.
"Ang taong ito talaga, oo. Maano ba na kumatok man lang sana. Sabagay kahit siguro ako ang nasa kalagayan niya kung may makikita akong ganyan...well....it's challenging." Para tuloy siyang kiti-kiti dahil sa kaisipang sa wakas ay magkakasama na sila ay hindi siya mapakali. Kung hindi pa nga sana niya naisip na palitan ang pantulog niya'y hindi pa siya kumilos.
"AKALA ko ba ay uuwi ka na, Sir?" tanong ni Shadow.
"Tsk! Hindi yata si Mommy, ang amo mo eh. Mukhang si Kapre. Aba'y bigla ka na lang sumusulpot ah." Ismid tuloy ng binata. Hindi naman siya magulating tao kaso sa malaliman niyang pag-iisip ay hindi niya namalayang muli itong nakalapit.
"May sariling Shadow si Miss Rennie Grace. Kilala mo rin siya, Sir. Dahil ayon kay Ma'am Jannelle ay head over heels daw ito kay Miss," tugon ng shadow. Pero ang mata ay panaka-nakang tumitingin kung saan dadaan ang binabantayan.
"Pero teka lang, Miss. Totoo ba na tulog na si, Adel? Ano kaya kung gisingin mo?" alanganing aniya.
Hindi agad sumagot si shadow dahil lihim siyang nagbubunyi. Maaring hindi nila napansin kung saan dumaan ang taong pinag-uusapan nila, kung paano ito nakalapit na walang nakapansin. Nakatapat pa ang hintuturo sa labi, tanda lamang na huwag ipaalam ang presensiya.
"Narinig mo naman siguro ang sabi niya kanina, Sir. Naudlot daw ang panaginip niya kaya't maaring itinuloy na niya ang pagtulog." Kibit-balikat nito.
"Huh! Siya sige, Miss. Tumabi ka na riyan at ako ay uuwi na. Pakisabi na lang sa kanya---"
"Ha? Shadow ba iyon o multo? Biglang sumusulpot, bigla ring naglalaho." Napailing siya dahil sa isang iglap ay nawala na naman ito sa paningin niya.
But!
Kulang ang salitang nagulat siya upang ilarawan ang sarili ng oras na iyon. Napatalon pa nga siya dahil bukod sa biglang may umihip sa mismong taenga niya'y may malamig pang dumampi sa balat niya!
"Okay ba? Kailan ka pa matakutin? Huh! Kinaya n'yo nga ang mga kalaban ninyo sa Thailand samantalang apat lang kayo. Tapos ngayon na nasa harapan ka ng bahay ko'y mukhang may kinakatakutan ka." Abot hanggang taenga ang ngiti ng taong nalingunan niya. Ang taong may kagagawan sa pagkagulat niya ng todo.
"Papatayin mo na ba ako, Adel? Aba'y imbes na maligawan kita ng maayos ay hindi na. Huh! Baka kay Benedict na ang tungo ko kapag nagkataon," ani RW.
"Hindi ka maaaskikaso ni Kuya Ben, dahil busy iyon sa love life niya. Hmm, may ganyan ba na manliligaw? Magulatin na nga'y gabing-gabi pa dadalaw. Pero..." pambibitin pa ng dalaga.
Sa kaisipang lumulukob sa kaniya ay hindi niya mapigilang mapangiti.
"Pero, ano?" tanong ng binata.
"Hindi mo na ako kailangang ligawan. Dahil sasagutin na rin kita ngayong gabi. Baka magbago na naman ang isipan mo," nakangiti pa ring saad ni Adel.
Samantalang hindi agad nakasagot si Reynold Wayne. Dahil bukod sa nagulat siya sa isinagot nito ay aminado siyang walang nais manulas sa labi.
"Hmmm, mukhang hindi ka naniniwala ah. Hindi kung hindi. Ah, magpapaligaw na lamang ako sa ibang lalaki. Tsk! Bakit ba kasi kita hinintay-hintay samantalang hindi ka naman naniniwala sa sinasabi ko."
Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit tuwang-tuwa siya kapag natutulala ito sa harapan niya. Well, bawi-bawi lang din. Uuwi nga sana itong hindi man lang nagpakita. Kung hindi lang dahil sa shadow niyang nakita rito ay baka tuluyan itong umalis na hindi siya kinausap.
"Wait! Saan ka pupunta? Don't worry because I'm yours. At kagaya nang sinabi mo ay kahit wala nang ligaw-ligaw. Total parehas tayong nasa tamang edad at maari nang magmahalan kahit nag-aaral ka ay walang problema. Kung gusto mo at upang walang gulo ay magpakasal na tayo. Ako na ang bahalang sa iyong pag-aaral hanggang sa makatapos ka. Mahal na mahal kita alam mo iyan, Adel."
Dali-dali niya itong hinawakan sa magkabilang palad nang naabutan niya ito. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha. Dahil alam niyang parehas lamang sila nang nararamdaman. Both of them are in love with each other.
In the other side of the place,
"Finally, he decided to take the wheels. Kung noon pa sana niya ginawa'y hindi na sana sila dumaan sa kung ano-ano," sabi ng isa.
"Life without a twist, hindrances, trials, e.t.c is meaningless. Iyan ang nakatadhana para sa kanila. Kumbaga 'Pinaghiwalay ng tadhana pero pinagbuklod din ng tadhana'. But since they met and settled down already, let them continue to drive the wheel of life," wika pa ng isa.
Kung sino-sino man sila ay walang nakakaalam. Dahil ang pakay lamang nila ay siguraduhing masaya ang mga taong tunay na nagmamahalan sa kabila ng agwat sa edad.
"Adel, please wait for me. Kailangan nating mag-usap ng maayos."
"Ikaw naman kasi, mahal. Aba'y hindi naman siguro ako magagalit ng ganoon sa airport kung may iba akong kausap at itinatagong karelasyon dito sa bahay. At isa pa ay matagal na sana akong nagkaroon ng kasintahan kung hindi ako umasang babalik ka kagaya nang ipinangako mo noong bago ka nagtungong Thailand."
"I'm sorry again for doubting you, Adel Pero baka naman maaring sabihin mo sa akin in words. Mas masaya sa pakiramdam kung marinig ko ito sa salita."
"Tsk! Tsk! Ang hina talaga ng pick up mo, mahal ko. Aba'y kilala mo naman akong hindi basta-basta lumalabas ng bahay at mas hindi nakikipag-usap sa mga lalaki. Pero dahil malakas ka sa akin ay sige, mahal na mahal din kita, Reynold Wayne Abrasado. Salamat at ligtas kang nakauwi rito sa ating bansa. I love you."
Bakit pa ba siya magpapakipot? Aba'y wala naman talagang batas na nagbabawal sa makipagrelasyon siya sa taong mas matanda kaysa sa kaniya ng labing-dalawang taon. Mahal nila ang isa't-isa at iyon ang mahalaga
SAMANTALANG sa narinig ay hindi na napigilan ni Reynold Wayne ang sariling huwag itong yakapin. Niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi pa nga siya nakuntento dahil bahagya pa niya itong iniangat sa lupa at isinayaw-sayaw.
"I love you so much, Adel. Kung may pagkakamali man ako ay patawarin mo na sana ako. Ayaw kong magsimula tayo sa ating relasyon na may hindi pagkakaunawaan. I want to spend my lifetime loving you. Mahal na mahal kita, Adel."
Wala na yatang ibang lumalabas sa kaniyang labi kundi ang labis na pagmamahal sa babaeng mas bata sa kaniya ng labing-dalawang taon. Ngunit wala siyang pakialam dahil sila ang nagmamahalan.
DAHIL na rin nagkaaminan sila ng tunay na damdamin ay nakalimutan na nila ang nasa loob ng bahay. Dahil silang dalawa ang pumuwesto sa labas ngunit sa ilalim ng punong-kahoy. Maliwanag naman kasi ang paligid dahil sa buwan. Kaya't sinulit nila ang oras na magkasama sila na wari'y wala ng bukas.
AS the days goes on!"L-lasing ka?"Dulot ng pagkagulat ay nautal si Adel nang napagbuksan ang kumatok. Wala namang ibang dumadalaw sa kaniya maliban sa kasintahang si Reynold Wayne. Ito rin ang madalas tumambay sa bahay niya lalo na tuwing weekend. Ngunit kailanman ay hindi ito nakainom sa tuwing nandoon sa kaniya. Kaya't hindi niya inaasahang amoy na amoy ang alak mula rito."I-im sorry, my little one. Nagkasagutan kasi kami ni Mommy sa unang pagkakataon. Kaya't napainom ako sa bar," tugon nito habang naglalakad sila patungo sa upuan."Ha? Bakit? Ibig kong sabihin ay bakit mo sinagot-sagot ang Mommy mo?" tanong niyang muli.Ngunit wala siyang natanggap na sagot mula rito. Kaya't inalalayan niya ito upang makahiga ng maayos. Akala nga niya ay nakaidlip na ito kaya't tumayo siyang muli saka nagtungo sa pintuan saka ini-lock. Simula naman kasi nang dumating ang kasintahan mula sa Thailand ay halos ito na ang bantay niya. Kahit si Shadow ay bumalik na sa dati nitong amo."Mahal, maari b
SALIT-SALITAN ang ginawa nito habang ang palad nito ay marahang humahaplos sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Hanggang sa muli nitong pinagapang ang labi. Mabuti na lang at hindi nag-iiwan ng mapupulang marka sa bawat dinaraanan. Dahil kung nagkataon ay baka mas tuksuhin siya ng mga kapwa estudyante. Kung kanina ay naglalakbay ang palad nito, ngayon naman ay sa dibdib niya naglalaro. Damang-dama niya na napapadiin ang pagmasahe nito sa tuwing marahil ay nanggigil."Ahhhh...hmmm." Kumawalang muli sa labi niya. Hindi niya mapigilang hindi mapaungol sa ginagawa nito. Kulang na lamang ay mapunit ang sapin ng kama dahil sa higpit nang pagkapit niya. Paanong hindi siya mapapakapit ng mahigpit sa bed sheet ay nababaliw na yata siya sa kiliting dulot nang pagromansa nito sa kaniya. Parehas silang walang karanasan sa pagtatalik ngunit hindi naging sagabal iyon upang hindi nila magampanan ang nasimulan.Napaupo siya nang tumigil ito. Buong akala niya ay huhubarin ang sariling kasuutan ngun
NANG dahil sa ilang ulit nilang pagniniig sa hindi na nila namalayan ang oras. Nagsimula nilang paligayahin ang kani-kanilang sarili sa sala at sa bawat sulok ng bahay. Halos hindi nga nila nalaman kung paano sila nakarating sa silid ni Adel."Umaga na ba, Mahal?""Hindi pa, my little one. Pero mukhang mag-umaga na batay na rin sa liwanag ng buwan. Kaya't good morning na rin."SA tinurang iyon ng kasintahan ay napangiti si Adel. Aba'y napasarap ang kanilang tulog. Sa unang pagkakataon simula noong naging opisyal ang kanilang relasyon bilang nobyo at nobya ay sa gabing iyon lang sila nakalimot. Sinulit pa nga nila dahil hindi niya matandaan kung ilang beses silang nakarating sa rurok ng kaligayahan."Ngayong nangyari na ang lahat sa atin ay---"'Sana huwag kang magbago sa akin. Naisuko ko na ang aking pagkatao sa iyo dulot ng aking pagmamahal.'Nais sanang sabihin ni Adel subalit hindi na niya nagawang tapusin dahil idinantay ng kasintahan ang dalawang daliri sa labi niya."Kung ang na
"GANYAN ka na ba kadesperadong mag-asawa, Reynold Wayne?!"Dahil sa galit ay muling dumapo ang palad ni Ginang Jannelle sa pisngi ng panganay na anak. Noong una ay inakala niyang kagaya lang ng dating sinasamahan ang kasintahan sa bahay nito. Subalit kinausap siya ni Antonette na kung maari ay siya ang kakausap dito at ito naman sa sariling kapatid. Dahil nadatnan daw umano nitong nagduduwal. Para sa kanilang naranasan nang nagbuntis ay alam na nila ang ibig sabihin nang pagduduwal."Mommy, ilang beses ko bang sinabi sa iyong nasa tamang edad na---"Kaso ang pagsagot ng binatang si Reynold Wayne ay naputol dahil muling lumagapak ang palad ng ina sa kaniyang pisngi. Sa katunayan ay mas malakas pa kaysa nauna dahil tumabingi."Okay, fine! Nasa tamang edad ka! Pero si Adel inisip mo rin ba? Tama hindi na siya menor de-edad. Subalit naisip mo bang kausapin ang hipag mo? Bakit sa akala mo ba ay ganoon kadali dahil biyente na siya ay maari na kayong magsamang walang parental consent? Oo, pa
"Saglit lang po. Ano po ang ibig n'yong sabihin, Tito?" Maagap na pagitna ni Antonette sa tiyuhin ng asawa.Labis-labis ang pagtataka niya dahil bukod sa bigla itong sumulpot ay galit na galit pa. Idagdag pa ang init ng ulo nito patunay lamang na malakas ang boses o mas tamang sabihing sinisigawan nito ang mahal niyang asawa. Kaso bago pa ito nakasagot ay nagtanong din ang biyanan niyang matanda na kapwa ring nagtataka."Oo nga naman, anak. Wala namang problema kung gusto mong pumarito kahit ano mang oras dahil bahay naman natin ito. Kaso aba'y mukhang gusto mo ng takutin ang mga pamangkin mo ah," anito.Wari'y natauhan ito dahil unti-unting nanumbalik ang tunay na ekspresyon ng mukha. Hindi rin nagtagal ay maaring nahamig ang sarili kaya't sa wakas ay sumagot din."I'm sorry, Mommy, if I acted this way. Pero kung malaman n'yong nagtanan ang dalawa ay baka---"SA unang pagkakataon ay nagawang namutol ni Antonette sa pananalita ng biyanan o ang tiyuhin ng asawa niya. Dahil sa tinuran n
***DAHIL sa sagutan nilang mag-ina ay hindi na inalintana ni Reynold Wayne kung magalit man ito sa kaniya. Totoo namang hindi sumagi sa isipan ang tungkol sa parent consent. Ngunit kaya naman niyang sabihin at pakiusapan ang hipag upang pahintulotan siyang pakasalan ang kapatid nito kahit pa nag-aaral pa. Kaya nga niya iniwan ang mga magulang na mukhang tagilid na rin sa relasyon nila ni Adel. Ngunit hindi naman siya magpursige sa kasal kung labag sa kalooban nito.Subalit pagdating na pagdating niya sa bahay nito ay iba ang isinalubong sa kaniya."Mahal, let's run away from the City,""Ha? Mahal na mahal kita, Adel. Huwag mong pagdudahan iyan. Ngunit maari bang ipaliwanag mo kung bakit mas gusto mong magtanan tayo kaysa ang ilaban kita sa mundo.""Kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko ang pagdudahan ka sa iyong pagmamahal. Dahil kung may plano akong gawin iyan ay noon pa. Ngunit kako ay kailangan nating lumayo rito dahil lahat sila ay hindi sumasang-ayon sa plano nating magsama bil
MAKALIPAS ng ilang buwan..."Wala pa rin bang balita kung nasaan ang dalawa, honey?" tanong ni Ginang Jannelle sa asawa."Wala pa, Honey. Sa kabila ako nanggaling at napag-alaman kong kahit sina Khalid at Antonette ay umupa na rin ng PI upang ipahanap sila." Napabuntunghininga si Ginoong Pierce Wesley dahil sa usapan nilang mag-asawa.Alam niyang tama ang nasabi sa panganay na anak noong bago ito nawala. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng habag. Kailanman ay hindi siya nakaranas ng hirap kaya't nagsumikap silang mag-asawa upang maibigay ang magandang buhay sa mga anak. At sa awa ng Diyos ay napag-aral nilang ang mga dalawang anak. Mga propesyunal na nga. Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi niya maiwasang mag-alala. Pakiramdam niya ay hindi siya alagad ng batas dahil wala siyang magawa upang alamin kung nasaan ang anak."MUKHANG nakalayo ang imahinasyon mo, honey? Do you feel sorry for them now?" tinig ng asawa ang nagpabalik sa imahinasyon niyang totoo namang nag
"Hey, handsome. How are you?" maharot na saad ng isang babaeng sa hitsura pa lamang ay masasabi nang pakawala. "I'm fine thanks. How about you?" Ayaw man sana itong pansinin ni Reynold Wayne kaso kung hindi so a kikibo ay magmukha siyang masungit at bastos."I'm okay but I'll be more alright if you will tell me your name. By the way, I'm Elizabeth Jamaica Ponce. But you can call me Zabeth."Hindi pa nga siya nakasagot ay nakalahad na ang palad nito. Kaya't mas nainis lumukob ang inis sa isipan niya. Sasabihin na nga sana niya itong mayroon siyang asawa kaya't maari na itong umalis. Kaso ang kaibigan naman ang nagsalita. Likas naman kasi siyang palakaibigan kaya't sa ilang buwan nilang paninirahan sa Laoag City simula noong umalis sila ng asawa sa Manila ay doon sila napadpad.Naisip kasi niyang kung sa Mt Province sila pupunta at manirahan doon sa mga kamag-anak ay baka ora mismo ay pauwiin silang dalawa. Idagdag pa ang katotohanan at kamuntikan niyang makalimutang nandoon ang pinsan
"Alam ko po na nasurpresa kayong dalawa ni Mommy, Papa. Kaya ako po ay humihingi ng paumanhin. Ganoon pa man ay nais ko po kayong batiin sa espesyal na araw para sa inyong dalawa. I love you both."Binitiwan ni Reign ang palad ng ina saka tumingkayad at hinagkan sa noo ang amang kagaya ng ina na hindi halos makapagsalita."Wala akong ibang masabi anak kundi maraming-maraming salamat. Dahil kahit halos nakalimutan na namin ang araw na ito ay higit pa sa inaasahan sobra ang ginawa n'yong paghahanda. Spoiled parents na kami sa inyong magkapatid," maluha-luhang tugon ni Reynold Wayne sa anak na lalaki bago tumingin sa asawang kahit hindi magsalita ay kagaya niyang emosyonal."Mommy, smile na po. Baka mamaya ay mas maganda na ako sa iyo dahil nagiging crybaby ka na po. Hayaan mo po dahil isusunod na po natin ang para sa amin ng mga maging manugang ninyo ni Papa. Ayon po si Father naghihintay sa inyong pag-abante," dagdag turan pa ni Jewel."Huh! Saan ka ba nagmana kundi sa akin, Hija? Well
KASALUKUYAN silang nasa bansang Australia dahil sa kagustuhan ng kanilang mga anak. Panahon na rin daw upang tumigil sila sa pagtatrabaho. Kahit pa sabihing malalakas pa silang parehas. Well, Reynold Wayne is already sixty plus but still kicking off. While Adel is on his fifties."Ang mga taong iyon ay ibinuyo tayong magtravel pero hindi naman sila. Mukhang may binabalak sila kaya't ayaw nilang nandoon tayo," saad ni Reynold Wayne habang sila nasa balkonahe ng isang luxurious hotel kung saan sila naka-check in sa naturang bansa."Mahal ko, huwag ka ng magtaka sa mga anak natin. Ang pagkaabalahan mo ngayon ay kung kailan sila mag-aasawa. Aba'y huwag mong sabihing kapag hindi na natin kayang alagaan ang magiging anak nila," tugon ng asawa."Iyon na nga, asawa ko. Parang kahapon lang noong nangyari ang aksidente iyon sa buhay natin pero ngayon ay isa ng professional coach ng martial arts sa ating bansa si Reign at isa namang international fashion designer si Jewel. Iyon nga lang ay pinan
"Mommy, Daddy, kumusta na kayo rito?" tanong ni Adel sa dalawang puntod na nasa harapan.Oo, dahil sa frustration naramdaman ay umalis siya ng bahay na hindi nagpaalam. Ngunit ang sarili naman niya ay nakakatawa dahil sa sementeryo siya dinala. Sa libingan ng mga biyanan niyang magkasunod na namayapa ilang buwan na ang nakalipas."Hindi ko po alam ang maari kong sabihin, Mommy, Daddy. Kahit pa sabihing nasa tamang edad na kaming parehas ni Reynold Wayne noong nagtanan kami ngunit alam n'yo po na nakikita ko ang aking sarili kina Catherine at Reign Wayde? Tama po, mag-aasawa na po ang lalaki n'yong apo."Kagaya namin noon ay gusto na nilang magsama bilang mag-asawa kahit nag-aaral pa silang dalawa. Ngunit alam n'yo po ba ang nakakatawa? Ako, Mommy, Daddy. Dahil ngayon ko pa nauunawaan kung bakit ganoon ang pagtutol n'yong manirahan sa iisang bubong kahit on-going pa ang pag-aaral."Maari po bang ituro n'yo kung paano kami tinanggap muli ni Reynold Wayne samantalang sinuway namin kayong
"Since na ginusto ninyong dalawa at naareglo na natin ang gusot. Ngayon ay gusto kong itanong sa inyong dalawa kung ano ang plano n'yo. Kung nagtapat lang sana kayo ng mas maaga kaysa ang pinaabot ninyo pa sa presinto. Ngunit hindi na bale dahil tapos na kaya't sagutin n'yo na lang ako ng totoo. Dahil ang susunod na desisyon namin ng Mommy ninyo ay nakasalalay sa inyong sagot."Let's start with you, Reign Wayde. Nasa ikalawang taon ka ng kolehiyo ngunit nagkaroon ng nobya. Wala naman sanang problema roon kung hindi kayo lumampas sa limitasyon at ngayon ay buntis ang nobya mo. Inuulit ko, ano ngayon ang plano mo?""As you are, Catherine Hija. Classmate kayong dalawa ng kasintahan mo kaya't hindi ko na uulitin ang nasabi ko kanina. Isang tanong at isang sagot. Ano ang plano mo ngayong may laman na ang iyong tiyan?"Pinaglipat-lipat ni Reynold Wayne ang paningin sa mga teenagers na kaharap. Masakit man ngunit kailangan niyang magdesisyon. Aminado rin naman siyang marinig ang inaasam mula
"SO, kumusta ang bago mong paningin, mahal ko?""Maraming salamat sa iyo, asawa ko. Dahil ikaw ang nagtulak sa akin upang ipagamot ang mga mata ko.""Ikaw naman, mahal. Natural na iyon dahil asawa kita."Oo, hindi man dumaan sa eye operation si Reynold Wayne ngunit natagalan sa pagamutan. Dahil sa pagkabaril sa tiyan at aksidenteng pagkatanggal ng life saving machine ay kamuntikan din itong namatay. Mabuti na nga lang at naagapan ng mga doktor. Ayon sa paliwanag nito ay nanaginip na may sumasakal at iyon ang naging dahilan na nagising mula sa ilang araw na pagtulog.Kaso sa pag-aakalang totoo ang panaginip ay biglang napatayo upang depensahan ang sarili. Subalit dahil sa tiyan ang tinamaan ng baril ay nabagsak din ngunit nasagi ang mga wires na nakasabit sa katawan kabilang na ang life saving machine. And whe was completely healed, they performed the cataract surgery."Hsssh, huwag ka nang magpaliwanag, mahal ko. Kalimutan mo na ang mga nakaraan. Instead, let's used them as a lesson i
"KUMUSTA na ang asawa ko, doctor?" salubong na tanong ni Adel sa doctor na umasikaso sa asawa niya."As of now, hindi ko masasabing ligtas na siya dahil kahit natanggal na ang dalawang bala na pumasok sa tiyan niya ay hindi pa natin siya naoperahan. Ipanalangin nating magising na siya upang maisagawa ang blood clots sa kaniyang ulo. Dahil kung hindi ay mas manlalabo ang kaniyang paningin," pahayag nito.Dahil sa narinig ay natahimik siya. Naipaliwanag na ng kaniyang bayaw kung ano ang nangyari at nabanggit din nito ang tungkol sa maaring dahilan kung paano nagkaroon ng blood clots sa ulo. Kahit ano pa man iyon ay wala na siyang pakialam. Dahil bahagi na iyon ng nakaraan. Siya nga ay tinanggap ng asawa sa kanila ng naranasan sa piling ni Jubert. Kahit pa sabihing may pinasok na ibang kuweba ang buddy-buddy ng asawa ay lalaki ito samantalang siya ay babae. Ang pagtanggap nitong muli sa kaniya ay sapat na sa sobra upang unawain kung ano man ang dahilan."May nais ka pa bang itanong, Ma'a
"Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pala nagbagong buhay, JC. Ang gusto mo ay madaliang promosyon ngunit hindi mo naman ginagawa ang tama," saad ni Reynold Wayne sa dati na niyang nakaaway noong nasa Laoag City sila ng asawa."Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin hay*p ka! Dahil sa susunod ay siguraduhin kong matuluyan ka na!" Imbes na magpakumbaba dahil nabuko na ngunit ito pa ang may ganang magalit.Tuloy!"Hoy! Kapag ako ang tuluyang magalit ay ora mismo ay ibartolina kita!" singhal ng hepe. Hindi lang iyon, hinablot pa nito ang kuwelyo ng damit nito."Tsk! Tsk! Administrative case plus police brutality ang kaso mo, Hepe. Ako ang inaresto ninyo pero kayo ang may kasalanan---"Dahil na rin sa galit ay hindi na napigilan ni Reynold Wayne ang sariling huwag padapuin ang palad sa lalaking wala na yatang magandang magawa sa buhay. Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay ito na ang peste sa niya."Kung naluko mo ang mga tao noon sa kalokohang patay ka umano, ako ay hindi! Dahil
FEW days later..."Ha? Pero bakit, mahal? Ako ang natatakot para sa iyo. Wala namang problema pero bakit sarili mo ang kailangang ipain?""Alam ko, asawa ko. Ibig kong sabihin ay iyan ang magiging reaksyon mo. Ngunit aking sasagutin ang tanong mo. Dahil ako ang target.""Nandoon na tayo, mahal. Pero kagaya nang sinabi ko sa iyo ay dahil sa kagustuhan mong mahuli ang salarin ay mas lumala ang kalagayan ng mata mo. Idagdag pa ang clots sa ulo mo."NAPAILING-ILING si Adel. Dahil kung kailan niya napapayag ang asawa upang magpatanggal ng clouded part ng mata dulot ng cataracts ay saka naman nila nalamang nagbalik ang dati nitong kaaway na si JC Ponce. At ayon pa nga sa nalaman nila ay mayroon itong tao sa loob ng sariling kompanya ng asawa niya. Kaya nga siya natatakot dahil baka mapahamak ito."My little one, listen to me carefully. Ginagawa ko ito para sa ating lahat. Ako lang ang may malabong mata. Kahit sumpungin ako ng sakit sa ulo on the process ay kasali na iyon. Ang mahalaga ay ka
(italics)"Ha? Aba'y mukhang baliktad yata ang mundo ngayon, pinsan na best friend. Kailan ka pa natutong magsinungaling kay hipag?""Loud and clear, pinsan. Maliwanag ang pag-iisip ko.""Okay, fine. Maliwanag pa sa sikat ng araw, pinsan. Ang tanong, bakit ayaw mong sabihin kay hipag? Tama, pinsan na best friend tayo at double bayaw pa. Pero alalahanin mo namang mayroon kang asawa. At mas may karapatan siyang malaman ang tungkol sa kalagayan mo.""Kaso ayaw ko namang mag-alala siya sa akin, insan. Marami na akong kasalanan sa kaniya. Mula pa noong nasa twenties siya."Kaso sa tinurang iyon ni Reynold Wayne ay sinapak siya ng pinsang si Khalid Mohammad. Dahil hindi naman niya inaasahang mananapak ito ay nagulat pa siya."Isang pag-iinarte pa at talagang makakatikim na na sa akin. Kahit may edad na tayo ay kaya pa kitang sipain. Aba'y kung kailan tumatanda na tayo ay saka ka naman nag-iinarte! Hala! Umuwi ka ngayon din at ipagtapat mo kay Adel ang kalagayan mo!"Singhal nito sa kaniya.