AS the days goes on!
"L-lasing ka?"
Dulot ng pagkagulat ay nautal si Adel nang napagbuksan ang kumatok. Wala namang ibang dumadalaw sa kaniya maliban sa kasintahang si Reynold Wayne. Ito rin ang madalas tumambay sa bahay niya lalo na tuwing weekend. Ngunit kailanman ay hindi ito nakainom sa tuwing nandoon sa kaniya. Kaya't hindi niya inaasahang amoy na amoy ang alak mula rito.
"I-im sorry, my little one. Nagkasagutan kasi kami ni Mommy sa unang pagkakataon. Kaya't napainom ako sa bar," tugon nito habang naglalakad sila patungo sa upuan.
"Ha? Bakit? Ibig kong sabihin ay bakit mo sinagot-sagot ang Mommy mo?" tanong niyang muli.
Ngunit wala siyang natanggap na sagot mula rito. Kaya't inalalayan niya ito upang makahiga ng maayos. Akala nga niya ay nakaidlip na ito kaya't tumayo siyang muli saka nagtungo sa pintuan saka ini-lock. Simula naman kasi nang dumating ang kasintahan mula sa Thailand ay halos ito na ang bantay niya. Kahit si Shadow ay bumalik na sa dati nitong amo.
"Mahal, maari bang dito muna ako magpalipas ng gabi? Alam kong nagtataka ka lalo at weekdays pa. Ngunit gusto ko sanang dumito muna," dinig niyang saad nito.
Kaya naman imbes na dumiretso siya sa kusina upang ikuha sana ito ng maligamgam na tubig upang punasan ay bumalik siya sa tabi nito at naupo. Hindi lang iyon, ipinaunan niya ito sa kaniyang hita.
"May problema ba ang mahal ko? Dati-rati ka namang natutulog dito kahit hindi ka nagpapaalam ah. Maari ko bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit nagsagutan kayo ni Ma'am Janelle?" tanong niya habang sinusuklay niya ang daliri sa makapal at itim nitong buhok.
Kaso wala siyang nahintay na sagot mula rito. Kaya't akma siyang magtatanong muli. Kaso hindi niya napagtagumpayan dahil naupo ito saka hinawakan ang magkabila niyang palad.
"Huwag mong isipin iyon, mahal ko---"
"Mahal, hindi puwede iyang sinasabi mong huwag ko itong pansinin. Dahil sa unang pagkakataon ay nakipagsagutan ka sa Mommy mo. Kung ano man ang dahilan ay igagalang ko kahit ano pa iyon."
Mahinahong pamumutol ni Adel. Dahil hindi siya sanay sa ganoong usapin. Totoong hindi na kagaya ng dating labas-masok siya sa tahanan ng mga ito kahit nagtutungo pa rin siya roon. Lalo na sa tuwing mayroong okasyon.
SAMANTALANG sa tanong na iyon ng kasintahan niya ay hindi agad nakasagot si Reynold Wayne. Ganoon pa man ay mas minabuti niyang ipagtapat dito ang tunay na dahilan.
(Italics)
"You must be crazy, Reynold Wayne!"
"Kung kabaliwan ang tawag sa pagnanais kong pakasalan ang taong mahal ko bago man siya magtapos ay ganoon na nga, Mommy!"
"Aba'y sumagot ka na rin sa ngayon! Maari bang mag-isip ka naman! Natiis mo ang mahigit dalawang taon noong nagtungo ka ng Thailand bakit hindi mo kayang gawin ngayon?!"
SA tinurang iyon ng kaniyang ina ay natahimik si Reynold Wayne. Tama naman ito ngunit ang hindi niya maunawaan ay kung bakit ayaw nitong pumayag na kasalin sila ni Adel. Samantalang noon pa man ay botong-boto na sila rito.
"See? Hindi ka makasagot dahil sarili mo lang ang iyong iniisip! Kaya't huwag na huwag mong babanggitin muli sa akin ang bagay na iyan. Now, if you still my son that I raised with my own hands, get out of my sight before I can hit you!"
Mariing boses ng ina ang nagpabalik sa kaniyang isipang nagsimulang lumipad.
"Isipin mo po ang nais mong sabihin, Mommy. Ngunit para sa akin ay walang problema---"
Subalit hindi na iyon pinatapos ng Ginang. Sa unang pagkakataon ay pinadapo niya ang palad sa pisngi ng panganay na anak. Hindi pa siya nakuntento dahil hinablot niya ang kuwelyo ng damit nito.
"Hindi ka lang nababaliw, Reynold Wayne! Nawalan ka na rin ng kakayahang mag-isip ng maayos! Okay, fine! Do whatever you want but never think of coming to me when you are in trouble!"
Kung hinablot niya ito sa kuwelyo ay ganoon din nang binitiwan ang kuwelyo nito. Mabuti na lamang at sa sofa ito bumagsak.
"WHAT'S happening here, Honey, Reynold Wayne?" agad na tanong ni Ginoong Pierce Wesley. Bukod sa dinig na dinig ang boses ng asawa ay mukhang tabingi pa ang mukha ng panganay na anak.
"Itanong mo sira-ulo mong anak! Huwag na huwag mong matanong-tanong sa akin dahil masama ang timplada ko ngayon!" Pabagsak na naupo ang Ginang sa sofa.
Kaya naman lumapit si Ginoong Pierce Wesley sa anak kagaya nang tinuran asawa at ito nga ang tinanong.
"Anak, ano ba ang nangyayari sa inyo ng Mommy mo? Abot hanggang gate ang boses niya," aniya rito.
Kaso wala siyang nakuhang sagot mula rito. Tuloy ay nakaramdam siya ng inis lalo at mukhang wala itong balak sumagot. Ganoon pa man ay hindi siya nagpadala sa galit. Mas minabuti niyang idinaan sa magandang usapan.
"Anak, aba'y baka naman maaring sumagot ka? Tinatanong ko kung ano ang problema at ang lakas ng boses ng Mommy mo."
Subalit kagaya ng una ay wala siyang nahintay na sagot. Maaaring magsasalita siguro ito ngunit eksakto namang muling nagsalita ang asawa niya. Ang hindi lang niya napaghandaan ay sumunod nitong hakbang. Tumayo ito at itinulak ang binatang mukhang walang magsalita.
"Okay, fine! Kung ayaw mong sabihin ay ako ang magsasabi, you bastard!" Dinuro-duro pa ng Ginang ang anak bago humarap sa asawa.
"Ako na ang magsabi kung ano ang dahilan kaya't kamo ay dinig na dinig hanggang sa gate ang boses ko! Ang nasiraan ng bait mong anak ay hindi na yata makontrol ang sarili kaya't gustong pakasalan si Adel ng mas maaga kaysa ang pagtatapos nito sa pag-aaral. Nakaya nga niyang tiniis ang mahigit dalawang taong pagkalayo nang nagtungo siya sa Thailand, ngayon pa kaya? Kaya't pagsabihan mo ang baliw na iyan kung nasa tamang pag-iisip pa ba siya!" pahayag ng Ginang. Ngunit mataas pa rin ang boses na wari'y nais nang lamuning buhay ang anak.
NAUUNAWAAN naman ito ng Ginoo ngunit hindi magandang tingnan kung salubongin niya ang galit nito.
"Anak, iwanan mo na kami ng Mommy mo. Mamayang gabi na tayo nag-usap. Ako na ang bahala rito." Binalingan niya ang anak kaya't kitang-kita niya ang ekspresyon ng mukha nito. Maaring ayaw pa siguro nitong umalis ngunit tumango-tango siya.
SAMANTALANG sa tinuran ng kaniyang ama ay nag-alinlangan si Reynold Wayne. Ngunit nang tumango-tango ito ay saka pa lang siya kumilos. Dinampot niya ang inilapag na susi ng sasakyan at muling bumalik sa parking area. Nagmaneho siyang walang matinong direksyon. Hanggang sa napadpad siya sa isang bar at doon uminom nang uminom. Subalit kahit ano'ng gawin niya ay walang epekto sa ang iniinom. Kaya't imbes na tuluyang mainis sa mga malalanding paulit-ulit na ipinapakita ang maselang bahagi ng katawan ay binayaran na lamang niya ang bill at nagmanehong muli. Iyon nga lang ay sa tahanan ng kasintahan niya siya dumiretso.(end of italics)
SA mahaba-habang paliwanag ng kasintahan ay hindi siya agad nakapagsalita. Hinamig niya ang sarili ng ilang sandali bago nagsimulang nagsalita.
"Mahal, sana ay hinayaan mo na lang sana. Kita mo ngayon nag-away kayo ni Tita," aniya kaso umiling-iling ito.
"Hindi maaring hayaan ko na lang, Mahal. Dahil kapag ginawa ko iyon ay nagmistula na ring hindi kita kayang ipaglaban. Alam mo naman kung gaano kita kamahal," turan nito kasabay nang pag-iling.
"Alam ko iyan, Mahal. Kahit kailanman ay hindi ko pinagdudahan ang pagmamahal mo sa akin. Ngunit hindi naman kasi magandang tingnang sinagot-sagot mo ang iyong ina."
'Totoo naman kasi ang sinabi nito.'
Nais nga sana niyang idagdag kaso sinarili na lamang niya iyon. Dahil ayaw niyang silang dalawa ang magpang-abot. Napag-usapan na rin kasi nila ang tungkol sa kasal. Dahil gusto nilang magsama araw-araw kaso mukhang wala sa kanilang panig ang mundo sa pagkakataong iyon.
"Can I sleep here tonight, Mahal? Don't worry I'll stay here and you will sleep in your room," dinig niyang saad nito at pumukaw sa malaliman niyang pag-iisip.
"Oo naman, mahal. Dati-rati namang natutulog ka rito ah." Tumingala siya rito.
"Totoo iyan, Mahal. Ngunit kailanman ay hindi tayo lumampas sa ating limitasyon. Kaya ako nagtanong ngayon dahil hindi ko alam kung---"
'Wala ako sa huwesyo upang pigilan ang damdamin ko. Baka kung ano ang magawa ko kaya't mas mainam nang nagpaalam ako.'
Idugtong pa sana ng binata ngunit hindi na niya nagawa dahil kusang iniangat ng kasintahan ang palad saka idinantay sa kaniyang pisngi. Hinaplos-haplos nito kaya't mas nag-init ang damdamin niyang pilit pinipigilan sa tuwing magkasama silang dalawa.
"ALAM ko ang dahilan kung bakit kayo nagpang-abot ng Mommy mo, mahal. Kagaya nang sinabi mo ay ayaw pa nitong pumayag na magpakasal tayo bago ko matapos ang aking pag-aaral. Maaring hindi ka pa kinausap nina Ate at Kuya Khalid ngunit parehas sila ng rason kung bakit ayaw nilang magsama tayo sa iisang bubong bago ako mag-graduate sa university. Mahal na mahal kita alam mo iyan, mahal ko."
Pahayag nito kasabay nang paghaplos sa pisngi niya. Kaya't napadilat siya at tumitig dito. Akala pa naman niya ay maunawaan siya ng kaniyang pinsan. All of people that he expected to support him is opposing him.
"Kung ganoon lang din namang tutol silang lahat ay mas mabuting sundin natin ang itinitibok ng ating puso, Mahal. Huwag nilang ikumpara ang pagpunta ko noon sa Thailand at sa ngayon. Dahil desisyon nating dalawa iyon."
Hindi tuloy niya maiwasang maghinampo sa mga taong tumututol sa plano nilang mag-civil wedding. Ngunit sa paghihimagsik ng kalooban niya ay muli niyang naramdaman ang mainit na palad ng kasintahan. Hindi lang iyon, unti-unting lumapit at bumaba ang mukha nito sa kaniya.
SALIT-SALITAN ang ginawa nito habang ang palad nito ay marahang humahaplos sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Hanggang sa muli nitong pinagapang ang labi. Mabuti na lang at hindi nag-iiwan ng mapupulang marka sa bawat dinaraanan. Dahil kung nagkataon ay baka mas tuksuhin siya ng mga kapwa estudyante. Kung kanina ay naglalakbay ang palad nito, ngayon naman ay sa dibdib niya naglalaro. Damang-dama niya na napapadiin ang pagmasahe nito sa tuwing marahil ay nanggigil."Ahhhh...hmmm." Kumawalang muli sa labi niya. Hindi niya mapigilang hindi mapaungol sa ginagawa nito. Kulang na lamang ay mapunit ang sapin ng kama dahil sa higpit nang pagkapit niya. Paanong hindi siya mapapakapit ng mahigpit sa bed sheet ay nababaliw na yata siya sa kiliting dulot nang pagromansa nito sa kaniya. Parehas silang walang karanasan sa pagtatalik ngunit hindi naging sagabal iyon upang hindi nila magampanan ang nasimulan.Napaupo siya nang tumigil ito. Buong akala niya ay huhubarin ang sariling kasuutan ngun
NANG dahil sa ilang ulit nilang pagniniig sa hindi na nila namalayan ang oras. Nagsimula nilang paligayahin ang kani-kanilang sarili sa sala at sa bawat sulok ng bahay. Halos hindi nga nila nalaman kung paano sila nakarating sa silid ni Adel."Umaga na ba, Mahal?""Hindi pa, my little one. Pero mukhang mag-umaga na batay na rin sa liwanag ng buwan. Kaya't good morning na rin."SA tinurang iyon ng kasintahan ay napangiti si Adel. Aba'y napasarap ang kanilang tulog. Sa unang pagkakataon simula noong naging opisyal ang kanilang relasyon bilang nobyo at nobya ay sa gabing iyon lang sila nakalimot. Sinulit pa nga nila dahil hindi niya matandaan kung ilang beses silang nakarating sa rurok ng kaligayahan."Ngayong nangyari na ang lahat sa atin ay---"'Sana huwag kang magbago sa akin. Naisuko ko na ang aking pagkatao sa iyo dulot ng aking pagmamahal.'Nais sanang sabihin ni Adel subalit hindi na niya nagawang tapusin dahil idinantay ng kasintahan ang dalawang daliri sa labi niya."Kung ang na
"GANYAN ka na ba kadesperadong mag-asawa, Reynold Wayne?!"Dahil sa galit ay muling dumapo ang palad ni Ginang Jannelle sa pisngi ng panganay na anak. Noong una ay inakala niyang kagaya lang ng dating sinasamahan ang kasintahan sa bahay nito. Subalit kinausap siya ni Antonette na kung maari ay siya ang kakausap dito at ito naman sa sariling kapatid. Dahil nadatnan daw umano nitong nagduduwal. Para sa kanilang naranasan nang nagbuntis ay alam na nila ang ibig sabihin nang pagduduwal."Mommy, ilang beses ko bang sinabi sa iyong nasa tamang edad na---"Kaso ang pagsagot ng binatang si Reynold Wayne ay naputol dahil muling lumagapak ang palad ng ina sa kaniyang pisngi. Sa katunayan ay mas malakas pa kaysa nauna dahil tumabingi."Okay, fine! Nasa tamang edad ka! Pero si Adel inisip mo rin ba? Tama hindi na siya menor de-edad. Subalit naisip mo bang kausapin ang hipag mo? Bakit sa akala mo ba ay ganoon kadali dahil biyente na siya ay maari na kayong magsamang walang parental consent? Oo, pa
"Saglit lang po. Ano po ang ibig n'yong sabihin, Tito?" Maagap na pagitna ni Antonette sa tiyuhin ng asawa.Labis-labis ang pagtataka niya dahil bukod sa bigla itong sumulpot ay galit na galit pa. Idagdag pa ang init ng ulo nito patunay lamang na malakas ang boses o mas tamang sabihing sinisigawan nito ang mahal niyang asawa. Kaso bago pa ito nakasagot ay nagtanong din ang biyanan niyang matanda na kapwa ring nagtataka."Oo nga naman, anak. Wala namang problema kung gusto mong pumarito kahit ano mang oras dahil bahay naman natin ito. Kaso aba'y mukhang gusto mo ng takutin ang mga pamangkin mo ah," anito.Wari'y natauhan ito dahil unti-unting nanumbalik ang tunay na ekspresyon ng mukha. Hindi rin nagtagal ay maaring nahamig ang sarili kaya't sa wakas ay sumagot din."I'm sorry, Mommy, if I acted this way. Pero kung malaman n'yong nagtanan ang dalawa ay baka---"SA unang pagkakataon ay nagawang namutol ni Antonette sa pananalita ng biyanan o ang tiyuhin ng asawa niya. Dahil sa tinuran n
***DAHIL sa sagutan nilang mag-ina ay hindi na inalintana ni Reynold Wayne kung magalit man ito sa kaniya. Totoo namang hindi sumagi sa isipan ang tungkol sa parent consent. Ngunit kaya naman niyang sabihin at pakiusapan ang hipag upang pahintulotan siyang pakasalan ang kapatid nito kahit pa nag-aaral pa. Kaya nga niya iniwan ang mga magulang na mukhang tagilid na rin sa relasyon nila ni Adel. Ngunit hindi naman siya magpursige sa kasal kung labag sa kalooban nito.Subalit pagdating na pagdating niya sa bahay nito ay iba ang isinalubong sa kaniya."Mahal, let's run away from the City,""Ha? Mahal na mahal kita, Adel. Huwag mong pagdudahan iyan. Ngunit maari bang ipaliwanag mo kung bakit mas gusto mong magtanan tayo kaysa ang ilaban kita sa mundo.""Kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko ang pagdudahan ka sa iyong pagmamahal. Dahil kung may plano akong gawin iyan ay noon pa. Ngunit kako ay kailangan nating lumayo rito dahil lahat sila ay hindi sumasang-ayon sa plano nating magsama bil
MAKALIPAS ng ilang buwan..."Wala pa rin bang balita kung nasaan ang dalawa, honey?" tanong ni Ginang Jannelle sa asawa."Wala pa, Honey. Sa kabila ako nanggaling at napag-alaman kong kahit sina Khalid at Antonette ay umupa na rin ng PI upang ipahanap sila." Napabuntunghininga si Ginoong Pierce Wesley dahil sa usapan nilang mag-asawa.Alam niyang tama ang nasabi sa panganay na anak noong bago ito nawala. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng habag. Kailanman ay hindi siya nakaranas ng hirap kaya't nagsumikap silang mag-asawa upang maibigay ang magandang buhay sa mga anak. At sa awa ng Diyos ay napag-aral nilang ang mga dalawang anak. Mga propesyunal na nga. Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi niya maiwasang mag-alala. Pakiramdam niya ay hindi siya alagad ng batas dahil wala siyang magawa upang alamin kung nasaan ang anak."MUKHANG nakalayo ang imahinasyon mo, honey? Do you feel sorry for them now?" tinig ng asawa ang nagpabalik sa imahinasyon niyang totoo namang nag
"Hey, handsome. How are you?" maharot na saad ng isang babaeng sa hitsura pa lamang ay masasabi nang pakawala. "I'm fine thanks. How about you?" Ayaw man sana itong pansinin ni Reynold Wayne kaso kung hindi so a kikibo ay magmukha siyang masungit at bastos."I'm okay but I'll be more alright if you will tell me your name. By the way, I'm Elizabeth Jamaica Ponce. But you can call me Zabeth."Hindi pa nga siya nakasagot ay nakalahad na ang palad nito. Kaya't mas nainis lumukob ang inis sa isipan niya. Sasabihin na nga sana niya itong mayroon siyang asawa kaya't maari na itong umalis. Kaso ang kaibigan naman ang nagsalita. Likas naman kasi siyang palakaibigan kaya't sa ilang buwan nilang paninirahan sa Laoag City simula noong umalis sila ng asawa sa Manila ay doon sila napadpad.Naisip kasi niyang kung sa Mt Province sila pupunta at manirahan doon sa mga kamag-anak ay baka ora mismo ay pauwiin silang dalawa. Idagdag pa ang katotohanan at kamuntikan niyang makalimutang nandoon ang pinsan
"Oh my God! What I have done to my wife?" piping tanong ni Reynold Wayne nang nadatnan ang asawang mahimbing ang tulog sa sofa.Ilang sandali rin niya itong pinagmasdan. Malaki na ang ipinagbago ng katawan nito kaysa dati. Bukod sa mas lumitaw ang pagka-morena ay medyo pumayat pero mas gumanda. Mas naging mahubog ang katawan nito."I'm so sorry, Mahal ko. Hayaan mo sana akong makabawi sa aking pagkakamali sa iyo. Ipinapangako kong hindi na iyon mauulit pa. Mahal na mahal kita, Adel Dela Peña." Yumuko siya ng bahagya saka kinintalan nang halik sa noo.DAHIL ayaw din niyang maudlot ang mahimbing nitong tulog ay dahan-dahan niya itong binuhat saka dinala sa kanilang silid."Good night, Mahal ko. I love you so much," seryoso niyang saad nang nailapag na niya ito sa kanilang higaan.KINABUKASAN labis-labis ang pagtataka ni Adel dahil pakiramdam niya ay mayroong nakadagan sa kaniya. Kaya't napabalikwas siya upang alamin sana kung sino ang sira-ulong dumagan sa kaniya samantalang sa pagkakaa
"Alam ko po na nasurpresa kayong dalawa ni Mommy, Papa. Kaya ako po ay humihingi ng paumanhin. Ganoon pa man ay nais ko po kayong batiin sa espesyal na araw para sa inyong dalawa. I love you both."Binitiwan ni Reign ang palad ng ina saka tumingkayad at hinagkan sa noo ang amang kagaya ng ina na hindi halos makapagsalita."Wala akong ibang masabi anak kundi maraming-maraming salamat. Dahil kahit halos nakalimutan na namin ang araw na ito ay higit pa sa inaasahan sobra ang ginawa n'yong paghahanda. Spoiled parents na kami sa inyong magkapatid," maluha-luhang tugon ni Reynold Wayne sa anak na lalaki bago tumingin sa asawang kahit hindi magsalita ay kagaya niyang emosyonal."Mommy, smile na po. Baka mamaya ay mas maganda na ako sa iyo dahil nagiging crybaby ka na po. Hayaan mo po dahil isusunod na po natin ang para sa amin ng mga maging manugang ninyo ni Papa. Ayon po si Father naghihintay sa inyong pag-abante," dagdag turan pa ni Jewel."Huh! Saan ka ba nagmana kundi sa akin, Hija? Well
KASALUKUYAN silang nasa bansang Australia dahil sa kagustuhan ng kanilang mga anak. Panahon na rin daw upang tumigil sila sa pagtatrabaho. Kahit pa sabihing malalakas pa silang parehas. Well, Reynold Wayne is already sixty plus but still kicking off. While Adel is on his fifties."Ang mga taong iyon ay ibinuyo tayong magtravel pero hindi naman sila. Mukhang may binabalak sila kaya't ayaw nilang nandoon tayo," saad ni Reynold Wayne habang sila nasa balkonahe ng isang luxurious hotel kung saan sila naka-check in sa naturang bansa."Mahal ko, huwag ka ng magtaka sa mga anak natin. Ang pagkaabalahan mo ngayon ay kung kailan sila mag-aasawa. Aba'y huwag mong sabihing kapag hindi na natin kayang alagaan ang magiging anak nila," tugon ng asawa."Iyon na nga, asawa ko. Parang kahapon lang noong nangyari ang aksidente iyon sa buhay natin pero ngayon ay isa ng professional coach ng martial arts sa ating bansa si Reign at isa namang international fashion designer si Jewel. Iyon nga lang ay pinan
"Mommy, Daddy, kumusta na kayo rito?" tanong ni Adel sa dalawang puntod na nasa harapan.Oo, dahil sa frustration naramdaman ay umalis siya ng bahay na hindi nagpaalam. Ngunit ang sarili naman niya ay nakakatawa dahil sa sementeryo siya dinala. Sa libingan ng mga biyanan niyang magkasunod na namayapa ilang buwan na ang nakalipas."Hindi ko po alam ang maari kong sabihin, Mommy, Daddy. Kahit pa sabihing nasa tamang edad na kaming parehas ni Reynold Wayne noong nagtanan kami ngunit alam n'yo po na nakikita ko ang aking sarili kina Catherine at Reign Wayde? Tama po, mag-aasawa na po ang lalaki n'yong apo."Kagaya namin noon ay gusto na nilang magsama bilang mag-asawa kahit nag-aaral pa silang dalawa. Ngunit alam n'yo po ba ang nakakatawa? Ako, Mommy, Daddy. Dahil ngayon ko pa nauunawaan kung bakit ganoon ang pagtutol n'yong manirahan sa iisang bubong kahit on-going pa ang pag-aaral."Maari po bang ituro n'yo kung paano kami tinanggap muli ni Reynold Wayne samantalang sinuway namin kayong
"Since na ginusto ninyong dalawa at naareglo na natin ang gusot. Ngayon ay gusto kong itanong sa inyong dalawa kung ano ang plano n'yo. Kung nagtapat lang sana kayo ng mas maaga kaysa ang pinaabot ninyo pa sa presinto. Ngunit hindi na bale dahil tapos na kaya't sagutin n'yo na lang ako ng totoo. Dahil ang susunod na desisyon namin ng Mommy ninyo ay nakasalalay sa inyong sagot."Let's start with you, Reign Wayde. Nasa ikalawang taon ka ng kolehiyo ngunit nagkaroon ng nobya. Wala naman sanang problema roon kung hindi kayo lumampas sa limitasyon at ngayon ay buntis ang nobya mo. Inuulit ko, ano ngayon ang plano mo?""As you are, Catherine Hija. Classmate kayong dalawa ng kasintahan mo kaya't hindi ko na uulitin ang nasabi ko kanina. Isang tanong at isang sagot. Ano ang plano mo ngayong may laman na ang iyong tiyan?"Pinaglipat-lipat ni Reynold Wayne ang paningin sa mga teenagers na kaharap. Masakit man ngunit kailangan niyang magdesisyon. Aminado rin naman siyang marinig ang inaasam mula
"SO, kumusta ang bago mong paningin, mahal ko?""Maraming salamat sa iyo, asawa ko. Dahil ikaw ang nagtulak sa akin upang ipagamot ang mga mata ko.""Ikaw naman, mahal. Natural na iyon dahil asawa kita."Oo, hindi man dumaan sa eye operation si Reynold Wayne ngunit natagalan sa pagamutan. Dahil sa pagkabaril sa tiyan at aksidenteng pagkatanggal ng life saving machine ay kamuntikan din itong namatay. Mabuti na nga lang at naagapan ng mga doktor. Ayon sa paliwanag nito ay nanaginip na may sumasakal at iyon ang naging dahilan na nagising mula sa ilang araw na pagtulog.Kaso sa pag-aakalang totoo ang panaginip ay biglang napatayo upang depensahan ang sarili. Subalit dahil sa tiyan ang tinamaan ng baril ay nabagsak din ngunit nasagi ang mga wires na nakasabit sa katawan kabilang na ang life saving machine. And whe was completely healed, they performed the cataract surgery."Hsssh, huwag ka nang magpaliwanag, mahal ko. Kalimutan mo na ang mga nakaraan. Instead, let's used them as a lesson i
"KUMUSTA na ang asawa ko, doctor?" salubong na tanong ni Adel sa doctor na umasikaso sa asawa niya."As of now, hindi ko masasabing ligtas na siya dahil kahit natanggal na ang dalawang bala na pumasok sa tiyan niya ay hindi pa natin siya naoperahan. Ipanalangin nating magising na siya upang maisagawa ang blood clots sa kaniyang ulo. Dahil kung hindi ay mas manlalabo ang kaniyang paningin," pahayag nito.Dahil sa narinig ay natahimik siya. Naipaliwanag na ng kaniyang bayaw kung ano ang nangyari at nabanggit din nito ang tungkol sa maaring dahilan kung paano nagkaroon ng blood clots sa ulo. Kahit ano pa man iyon ay wala na siyang pakialam. Dahil bahagi na iyon ng nakaraan. Siya nga ay tinanggap ng asawa sa kanila ng naranasan sa piling ni Jubert. Kahit pa sabihing may pinasok na ibang kuweba ang buddy-buddy ng asawa ay lalaki ito samantalang siya ay babae. Ang pagtanggap nitong muli sa kaniya ay sapat na sa sobra upang unawain kung ano man ang dahilan."May nais ka pa bang itanong, Ma'a
"Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pala nagbagong buhay, JC. Ang gusto mo ay madaliang promosyon ngunit hindi mo naman ginagawa ang tama," saad ni Reynold Wayne sa dati na niyang nakaaway noong nasa Laoag City sila ng asawa."Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin hay*p ka! Dahil sa susunod ay siguraduhin kong matuluyan ka na!" Imbes na magpakumbaba dahil nabuko na ngunit ito pa ang may ganang magalit.Tuloy!"Hoy! Kapag ako ang tuluyang magalit ay ora mismo ay ibartolina kita!" singhal ng hepe. Hindi lang iyon, hinablot pa nito ang kuwelyo ng damit nito."Tsk! Tsk! Administrative case plus police brutality ang kaso mo, Hepe. Ako ang inaresto ninyo pero kayo ang may kasalanan---"Dahil na rin sa galit ay hindi na napigilan ni Reynold Wayne ang sariling huwag padapuin ang palad sa lalaking wala na yatang magandang magawa sa buhay. Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay ito na ang peste sa niya."Kung naluko mo ang mga tao noon sa kalokohang patay ka umano, ako ay hindi! Dahil
FEW days later..."Ha? Pero bakit, mahal? Ako ang natatakot para sa iyo. Wala namang problema pero bakit sarili mo ang kailangang ipain?""Alam ko, asawa ko. Ibig kong sabihin ay iyan ang magiging reaksyon mo. Ngunit aking sasagutin ang tanong mo. Dahil ako ang target.""Nandoon na tayo, mahal. Pero kagaya nang sinabi ko sa iyo ay dahil sa kagustuhan mong mahuli ang salarin ay mas lumala ang kalagayan ng mata mo. Idagdag pa ang clots sa ulo mo."NAPAILING-ILING si Adel. Dahil kung kailan niya napapayag ang asawa upang magpatanggal ng clouded part ng mata dulot ng cataracts ay saka naman nila nalamang nagbalik ang dati nitong kaaway na si JC Ponce. At ayon pa nga sa nalaman nila ay mayroon itong tao sa loob ng sariling kompanya ng asawa niya. Kaya nga siya natatakot dahil baka mapahamak ito."My little one, listen to me carefully. Ginagawa ko ito para sa ating lahat. Ako lang ang may malabong mata. Kahit sumpungin ako ng sakit sa ulo on the process ay kasali na iyon. Ang mahalaga ay ka
(italics)"Ha? Aba'y mukhang baliktad yata ang mundo ngayon, pinsan na best friend. Kailan ka pa natutong magsinungaling kay hipag?""Loud and clear, pinsan. Maliwanag ang pag-iisip ko.""Okay, fine. Maliwanag pa sa sikat ng araw, pinsan. Ang tanong, bakit ayaw mong sabihin kay hipag? Tama, pinsan na best friend tayo at double bayaw pa. Pero alalahanin mo namang mayroon kang asawa. At mas may karapatan siyang malaman ang tungkol sa kalagayan mo.""Kaso ayaw ko namang mag-alala siya sa akin, insan. Marami na akong kasalanan sa kaniya. Mula pa noong nasa twenties siya."Kaso sa tinurang iyon ni Reynold Wayne ay sinapak siya ng pinsang si Khalid Mohammad. Dahil hindi naman niya inaasahang mananapak ito ay nagulat pa siya."Isang pag-iinarte pa at talagang makakatikim na na sa akin. Kahit may edad na tayo ay kaya pa kitang sipain. Aba'y kung kailan tumatanda na tayo ay saka ka naman nag-iinarte! Hala! Umuwi ka ngayon din at ipagtapat mo kay Adel ang kalagayan mo!"Singhal nito sa kaniya.