Tahimik na naglalakad sa gilid ng kalsada si Brielle, hindi niya akalain na mauubos nang ganon-ganon na lang ang baon niya. Isa siyang college student, kumuha lang siya ng scholarship para makapag-aral at matupad ang mga pangarap niya.
Nagt-trabaho rin siya kapag wala siyang pasok o hindi kaya ay hati ang schedule niya sa school. Kakasahod niya lang ng araw na to pero dahil siningil siya ng mga classmate niya kaya kailangan niyang pagkasiyahin ang dalawang libo sa loob ng kinsenas.
Ulila na siya sa ina, ang kaniyang ama naman ay isang construction worker na bihira lang din pumasok dahil walang masiyadong gawa ngayon.
Kaya namaan siya ang lubos na inaasahan ng pamilya niya. May dalawa siyang mga kapatid na nasa high school at elementarya.
Dahil sa dami ng utang nila kung kanino-kanino, kailangan nilang magtipid.Lalo na't kakaumpisa pa lang ng pasukan at matagal pa bago siya makapagtapos.
Hindi niya namalayan na malapit na pala siya sa compound nila, Ilang oras siyang naglakad pauwi para lang makatipid.
"Ate Brie!" masayang bungad sa kaniya ng mga kapatid niya bago siya sinalubong ng yakap.
"Ate Brie mabuti at nakauwi ka na!" masayang bati sa kaniya ng bunso niyang kapatid.
"Pasensya na kayo ah? Naglakad lang si ate pauwi," sabi niya at muling tumingin sa mga kapatid.
"Ate, anong pagkain? Nagugutom na po ako," malungkot na tanong nito.
"Nicole ano ka ba! Kakauwi lang ni ate!" saway nito sa bunsong kapatid.
Hindi niya maiwasang hindi maawa sa mga kapatid lalo na sa sarili. Kung hindi siguro nakatay ang nanay nila ay makakain sila ng maayos ngayon.
"Dito lang kayo ah? Bibili lang ako ng pagkain," nakangiting sabi niya sa mga kapatid. Tila lumiwanag naman ang mga mukha nito sa sinabi niya.
"Mauna na kayo sa loob, hintayin niyo ako," sabi niya bago siya lumakad palayo.
Nakarating siya sa palengke, pinagkasiya niya ang singkwenta pesos para sa kakainin nila ngayon.
"Ate pabili nga po, kalahating kilo lang po," sabi niya sa tindera ng bigas.
Nag salok naman ito bago ibigay sa kaniya.
"25 pesos,"sabi ng tindera.Inabit naman niy ang isang daang piso.
Sunod siyang pumunta sa tindahan ng tuyo. Nakabili siya ng tuyo na halagang 15 pesos, marami rami na rin ito. Kasiya na para mamayang gabi.
Pauwi na siya ng may makita siyang bagoong na alamang kaya naman binila niya ang halagang 10 piso.
Masaya siyang umuwi sa bahay nila at sinalubong naman siya ng mga kapatid niya.
"Wow! May bagoong! salamat ate!"
Nakangiti siyang tumingin sa mga kapatid niyang masaya dahil may pagkain sila ngayon.
"CARDO! CARDO! LUMABAS KA DIYAN!" Napabalikwas siya sa pagkakaupo ng may tumatawag sa papa niya.
"CARDO! PAPATAYIN KITA!" Jindi niya mapigilang hindi matakot sa inasta ng isang lalaking lasing na may dalang kutsilyo.
Inawat naman ang lalaki ng mga kapitbahay nila.
"Si tatay?" Tanong niya sa mga kapatid. Subalit mapait na ngiti lang ang sinagot nito.
"Nasa likod siya ate. Naglalasing..."
Huminga siya ng malalim bago siya pumunta sa likod ng bahay nila. Nakita niya ang ama na prenteng nakaupo sa upuan na kahot habang hawak ang sigarilyo at bote ng alak.
"Pa naman, pinang-inom niyo na naman ang pera na binigay ko sa inyo," sabi niya habang nakatingin sa ama.
"ANO BANG PAKE MO? TEKA NGA! SINUSUMBATAN MO BA KONG BATA KA?!" sigaw nito at tumayo.
"Pa naman, hindi sa ganon. Ang akin lang, imbes na ipangbili niyo ng alak, ibili na lang sana ng pagkain," sabi niya sa ama na mas lalong nagpainit ng dugo nito.
"EH GAGO KA PALANG BATA KA! NAGTRABAHO KA LANG NG KONTI AKALA MO PINALAMON MO NA KO?!"Tumayo ito at dinuro-duro siya.
"KUNG AYAW MONG GANITO, LUMAYAS KA SA BAHAY NA TO!BWESIT!" sigaw niya.
Wala siyang nagawa kundi ang manahimik na lang. Hindi niya kayang umalis sa bahay na to dahil paniguradong kawawa ang mga kapatid niya.
"A-ate..." Niyakap siya ng mga kapatid niya para pakalmahin siya.
Matapos nilang kumain, mabilis naman siyang nagbihis para pumasok sa milk tea shop.Paniguradong malalagot siya sa may ari kapag na late siya gayong may mga guest sa milk tea shop nila.
Kagaya ng nakaugalian, naglalakad na naman siya patungong milktea shop.Dahil ayaw niya ring magastos pa ang perang itinabi niya para sa susunod na mga araw.
Nasa kalagitnaan na siya ng may biglang kotse ang lumiko sa harap niya dahilan para mapatigil siya. Ang buong akala niya ay mababangga na siya ng kotseng iyon.
Bumaba ang may ari ng kotse na yon at chineck ang kotse niya bago tumingin sa kaniya.
"O-Okay lang po ako" nahihiyang sabi niya ng makita ang isang lalaki na naka tuxedo.Hindi niya maiwasang mapatitig dito.
"I don't asked you, I checked my car not you," malamig na tugon nito bago siya pumasok sa loob ng kotse.
Napatulala na lang siya habang nakatingin sa kotseng papalayo sa kaniya.
"ARGH! SUPLADO! AKALA MO NAMAN GWAPO! TSE!" Inis na sigaw niya.
"Hoy beshy!"Napalingon siya ng may sumiko sa braso niya.
"Besh, sinong kaaway mo?" tanong nito sa kaniya.
"Yung feelingerong gwapo na yon!" Inis na sigaw niya habang masamang tumingin sa kotseng malayo na.
"Yieee! Feelingero pero may gwapo? Iba ka besh ah?"pagtutukso nito.
"Duh! Kadiri ka besh!" sabi nito at sinamaan siya ng tingin.
Naglakad na sila papuntang milktea shop. Ito ang kaibigan niya sa milktea shop. Parehas niyang cashier din at isang college student rin sa kaparehang school.
Hindi niya maiwasang hindi maisip ang lalaki kanina.
"Hoy besh! Tawag ka ni Ma'am! Iniisip mo na naman si mysterious guy ah!" sabi nito.
Bumalik siya sa reyalidad ng mapatingin siya sa manager ng shop nila na paparating.
"Brie, ikaw muna don. Inutusan ko si Kyla na bumiling straw eh," sabi nito.
Mabilis naman siya sumunod. Hinatid niya ang mga milktea shake sa mga table.
Pero nagulat siya sa huling cups na nakalagay.
'VIP Claveria'
Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Nangunguna ang kaba dahil yung mismong cups na hawak niya ay sa VIP guest nila.
Habang papalapit siya sa table number 8, hindi niya maiwasang hindi manginig.Kaya naman huminga siya ng malalim bago makalapit sa table number eight.
"Good day sir! This is your double chocolate with chocolate roll Ice cream--"
Napatigil siya ng makita ang lalaki.Hindi niya inaasahan na makikita niya ito muli at ito ang sinasabing VIP ng manager nila.
Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya na animoy hinihintay ang susunod niya sasabihin.
"A-ahh here sir," napapahiyang sabi niya at inilapag ng dahan-dahan ang lahat ng order nito.
Hindi niya magawang tumingin rito dahil seryoso nitong tinitignan siya. Na animo'y inoobserbahan lahat ng kilos na gagawin niya.
Matapos niyang mailagay ang lahat, dahan-dahan siyang lumakad palayo.
Subalit hindi pa siya nakakalayo ng lubusan ay narinig niya na nagsalita ang lalaki.
"Brielle Chandria De Villa."
Hindi niya alam kung ano ang irereact niya ng banggitin nito ang buong pangalan niya. Nagtataka siyang bumalik sa table ng lalaki.
"S-sir?"nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa lalaki.
Tumingin ito sa kaniya ng walang emosyon. Bago inabot ang kamay niya.
"S-sir?"hindi maintindihang tanong niya sa lalaki.
"You keep this or I'll throw this?"malamig na tanong nito.
Napatingin siya sa kamay nito na may hawak na name tag. Ang name tag niya, hindi niya siguro namalayan sa pagmamadali na natanggal ang name tag niya.
"A-ahh sir, thank you po."nahihiyang sabi niya bago siya dahan-dahang lumakad patalikod.Nang akmang aalis na siya, muli itong nagsalita.
"Stop daydreaming while you're in work," sabi nito dahilan para mapahinto siya.
Muli siyang lumingom subalit hindi ito nakatingin sa kaniya at nakatanaw lang sa labas ang tingin nito.
Bumalik siya sa counter bago muking itinuon ang pansin sa lalaki.
Tila ba may kakaibang tinatago ito na hindi mo mawari.
Itinuon na lamang niya ang pansin sa customer nila. Mas mabuti nang ito ang pagkaabalahan niya kaysa maki-tsismis pa sa buhay ng iba,lalo na't sa hindi niya kilala.
Ilang oras ang lumipas at hindi niya napansin ang mga sandaling iyon.Muli niyang ibinaling ang tingin sa table number 8, subalit wala na don ang lalaki. May iba nang nakaupo doon.May kung ano siyang naramdaman na para bang hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya man lang nalaman ang pangalan nito.
"Hoy beshy! Kanina ka pa tahimik ah! Anyare?" tanong ng kaibigan ni niya habang nakatingin ito sa mga mata niya.
"W-wala," pag sisinungaling niya. Dahil kung sasabihin niya ang totoo, siguradong aasarin lang siya nito sa tuwing pupunta ang lalaki.
"Weh?Yung totoo beshy? Iniisip mo si mysterious guy no?" Pang-asar muli nito sa kaniya. Hindi na niya itobinigyan ng pansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Pauwi na sila kaya naman naghiwalay na rin sila ng daan ng kaibigan niya. Mabuti na lang at nilibre siya nito sa pamasahe kaya hindi siya maglalakad ng dis oras ng gabi.
Pagod siyang dumating sa bahay nila, madilim na ito dahil nakapatay na ang ilaw. Tangin ilaw na lamang sa kusina ang nakabukas.Marahil ay tulog na rin ang mga kapatid at tatay niya.
Hindi na siya kumain ng gabihan at dumiretso na sa kwarto nila para magbihis. Pagod siya ngayon dahil galing siya sa school bago siya nagtrabaho kaya naman mabilis siyang nakatulog.
"ATEEE GISINGGG!"
Hindi niya pa namunulat ang mata niya, ramdam niya na ang init mula sa bintana.
Muli siyang umunat para magising ang diwa niya. Bumungad sa kaniya ang kapatid niyang bunso na si Nicole.
"Ate gising na po, aalis na kami," sabi nito.
Sumulyap siya sa orasan na malapit sa bintana, at nakita niya roon na alas-syete na ng umaga. Bumangon naman agad siya ng mapagtanto na male-late na siya sa school.
Sabay-sabay silang umalis sa bahay. Isang pagsubok na naman ang tatahakin niya sa school. Dahil panigurado hinhintay na siya ng mga nagbubully dito.
Pero kahit na anong pang bubully ang natatamo niya, hindi ito naging hadlang para hindi siya pumasok at tuparin ang pangarap niya.
Hindi pa siya nakakaapak sa gate ng school nila ay may sumalubong na sa kaniya.
"STUPID!"
Bigla siya nitong binangga kaya napatumba siya.Hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatuloy na lamang na pumasok sa loob.
Pero dahil sadyang mapang asar ang mga ka klase nito, may muli na namang bumangga sa kaniya dahilan para matapon sa kaniya ang kape nito.
"YOU'RE SUCH A STUPID JERK?! ARRRGH! LOOK! TATANGA-TANGA KA KASI!"
Pero mas lalo siyang nagulat ng ibuhos ito ng tuluyan sa kaniya ang kapeng mainit-init pa.
"A-aahhh!" hindi niya maiwasang hindi mapasigaw sa init na yon.
Padabog naman na umalis ang babaeng bumuhos sa kaniya nito.
Nagsimula na ang bulong-bulungan nila. Yung iba ay pinagtatawanan siya.Pero may iilan namang naawa sa kaniya.
Hindi niya magawang lumaban dahil siya lang din ang talo. Mayayaman sila at ayaw niya rin ng gulo, lalo na't isa lang siyang scholar dito.
Nagpatuloy siya sa paglalakad papuntang locker nila para sana kumuha ng damit ng may sumigaw sa pangalan niya.
"My ghad beshy! Anong nangyari sayo?!"gulat na tanong nito ng makita ang itsura niya.
"A-ah natabig ko kasi kanina si Laura--" Magdadahilan sana siya subalit mabilis namang umangal ang kaibigan niya.
"OPPPS! Alam ko ang nangyari beshy, nako! malalagot siya kay Dean!" pagalit na sabi nito habang naawang nakatingin sa kabigan niyang madumi ang damit.
"Besh okay lang ako, hayaan mo na yon," sabi nuya at ngumiti.
"Nako besh ah? Tigil-tigilan ka nila, baka isampal ko sa kanila lahat ng awards mo."sabi pa nito.
"Halika na nga, may extra ako dito sa bag, ito muna suotin mo,"
Dumiretso sila sa Cr para magbihis, napasalamat siya sa kaibigan dahil kung di dahil dito, baka pumasoi siyang madungis. Mabuti na lang at may kaibigan siya kahit papano.
Ito lagi ang nagtatanggol sa kaniya sa tuwing mapipipe siya sa mga kaaway
Hindi nya lubos maisip na magiging kaibigan niya ito dahil isa itong spoiled sa magulang at may kaya rin sa buhay.
Pero dahil tinulungan niya ito noong wala itong sagot sa quiz nila,nagsimula na rin itong magpakita ng kabutihan sa kaniya.
Napilitan lang rin ito ng mag part tme dahil gusto niyang samahan ang kaibigan, kaya labis ang pasasalamat niya rito sa palaging pag suporta nito sa kaniya.
"Besh! Halika na! Kain na tayo nagugutom na ko."
Kakatapos lang ng tatlong klase niya kaya naman nag-aya na ang kaibigan para kumain. Nahihiya na rin siya rito dahil palagi siyang nililibre nito sa tuwing pupunta ng cafeteria para kumain.
"Ah besh, mauna ka na don. May tatapusin pa ko--" akmang magpapalusot na naman siya ng pilitin na naman siya ng kaibigan. Ang totoo, nagugutom na siya at kumakalam na ang sikmura niya. Pero dahil nga sa nakmhihiya na siya, kaya hindi na siya nag pa-pilit pa.
Pasikreto siyang pumuntang likod ng school. Mabuti na lang at walang tao dito kaya makakakain siya ng walang nangiinsulto sa kaniya.
Umupo siya sa pinakalamapit na upuan at dahan-dahang binuksan ang baonan niya.Tumambad ang malansang amoy.
Ito lang ang natira kagabi sa ulam nila kaya ito lang ang baon niya ngayon, ang paksiw na isdang maliit.Dinamihan lang niya ang sabaw para tumagal ang ulam nila hanggang mamaya.
Habang kumakain siya, hindi niya maiwasang hindi mag isip. Kailangan niyang magtiis para makamit ang pangarap niya. Para magkaroon ng pamilya balang araw. Para hindi maghirap ng ganito ang magiging anak niya.
Ngayon palang, ay sobrang dami nang plano niya para sa pamilya niya.Kung hindi sana namatay ang nanay niya noon, edi sana hindi sila ganito kahirap ngayon.Na may makakatulong siya sa pagtaguyod ng pamilya at hindi sila mababaon sa utang.
Hindi niya napansin na naiyak na pala siya. Mahirap maging mahirap, lalo na kung napapaligiran ka ng mas matataas sayo, pero hindi ibig sabihin non ay hanggang don ka na lang.Na habang buhay ka nalang na ganito.
"Wow! Ang sarap naman ng ulam mo! Pahingi!"
Nagulat siya ng may magsalita sa likod niya. Si Mike, yung kababata niya na isa ring scholar.
"Mike..."
Mabilis niyang itinago ang pagkain sa bag, dahil sa nahihiya siyang makita nito ang ulam niya.
"Brie, sabay tayo kumain.Hindi pa ko kumain eh. Hati tayo dito sa ulam ko.Hati tayo sa ulam mo ayos ba yon?" nakangiting tanong nito.
"Sure ka ba? Malansa tong ulam ko," sabi niya.
"Ay sus! Masarap nga yan eh! Parehas lang naman tayo ng bituka," sabi nito at umupo sa tabi niya.Inilabas nito ang pagkain na may kasamang ulam.
Nagsalo sila sa kapiranggot na paksiw at sa tocino na ulam nito.
"Salamat Mike..." nakangiti niyang sabi sa kabigan.
"Walang anuman Brie.Mag iingat ka ah? Kita tayo mamaya," nakangiti nitong sabi sa kaniya bago tuluyang lumakad papalayo.
Papunta na siya sa susunod niyang klase ng may mabangga siya. Hindi na siya nag abalang tumingin dahil alam niyang aasarin lang siya nito.Tumayo siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ang lansa mo naman! Eww!" maarteng sabi ng babaeng bumangga sa kaniya. Naglabas ito ng pabango bago siya inispray-han mula ulo hanggang tuhod.
Hindi na siya nag abalang kausapin o tignan ito, nagpatuloy siya sa paglalakad nang makasalubong niya ang kaibigan.
"Hoy beshy! Ang tagal mo naman! "sabi nito ng naka crossed arm.
Nagulat siya ng may kuhain ito sa bag at iniabot sa kaniya ang isang supot.
"Ano to?" takang tanong niya at kinuha ang supot.
"Alam ko namang hindi ka kumain eh, ayan binilhan na kita may kasama nang tubig yan sa loob," sabi nito.
Akmang ibabalik niya pero hindi na nito tinanggap ang supot. Nagpasalamat siya sa kabigan bago sila pumasok sa klase.
Natapos ang klase nila, Kaya naman sabay silang umuwi para pumasok sa shop.Dahil nagtitipid na naman siya, hindi na siya sumakay pa ng jeep dahil sumakay na siya kaninang umaga.
Naglakad siya sa sobrang init na kalsada.
Kakain lang siya saglit bago siya pumasok sa trabaho.Muli niyang naalala ang lalaking nakabangga sa kaniya kahapon.
Kung kamusta na ba ito, Kung pupunta pa ba ito sa shop nila matapos ang pangyayaring iyon?
Kung anong lihim ang nakatago at bakitbganon na lamang siya makitungo sa iba. Madalas niya mapanood iyon sa mga teleserye, na may matinding pingadadaanan ang isang tao kung bakit hindi nito magawang ngumiti o bakit ganito ito makitungo sa iba.
Hindi niya napansin na nasa bahay na pala siya. Sa sobrang pag iisip sa lalaking iyon. Ni pangalan nito ay hindi niya alam. Nakalimutan niya rin ang apelyido nito na nakasulat sa cups kahapon.
Saglit siyang kumain at nagbihis na, ayaw niyang malate sa trabaho dahil ito na lang ang bumubuhay sa kanila.
Kaya naman kahit pagod at marami pa siyang gagawin sa school, minabuti niyang ipagpaliban ito at mamaya na lang niya gagawin pagkatapos ng trabaho.
Mabuti na lamang at mabait ang manager nila at hindi nito isinusumbong sa may-ari ang nangyayari sa kaniya.
Hanggang ngayon, hindi niya pa rin kilala ang may-ari ng shop na ito. Ilang buwan na siya rito pero ni isang clue ay wala siyang makita kung sino ang may-ari nito.
Masaya siyang nakangiti habang nakatanaw sa counter ng shop nila.Hindi niya alintana ang pagod na nararamdaman niya."Besh tawag ka ni Ma'am," sabi ng kaibigan niyang kasama niya rin dito.Mabilis naman niyang iniwan ang ginagawa at pumunta sa manager nila.May hawak itong cup na nasa tray."Brie, ikaw muna ang mag hatid ito sa table number eight,"sabi niya.Inabot niya ang isang tray, binasa niya ang nakasulat sa cup.'VIP Mr. Claveria'Bigla naman siyang namutla ng mabasa ang nakasulat sa cup. Ito ang VIP na sinasabi nila. Kaya naman tinanaw niya ang naka upo sa number 8 na table. Nakita niya ang lalaking naka formal attire.Dahan-dahan siyang lumapit dito dahil kinakabahan siya.Nang makalapit, dahan-dahan niyang inilapag ang cup.
Maaga siyang gumising gaya ng nakasanayan niya. Ngunit pag mula ng mata niya ay bumungad sa kaniya ang malinis at maayos na kwarto.Hindi niya alam ang mararamdaman niya, hindi panaginip ang lahat.Totoo ang nangyari kagabi na pinaubaya na talaga siya ng ama niya.Gusto niyang magalit rito pero hindi niya kaya. Mahal niya ang pamilya niya at handa siyang gawin ang lahat masiguro lang niyang ligtas ang mga ito.Kagabi, naalala niya kung paano siya ipamigay ng ama. Alam niyang hindi iyon kagustuhan ng ama. Pero agad siyang nagtanong sa kaniyang isipan. Kung paano siya natiis ng kaniyang ama. Kung paano nito nasikmura na ipamigay siya ng ganon-ganon lang. Hindi niya rin pwedeng sisisihin ang lalaki dahil malaki ang utang ng ama nito dito. Kahit siguro ay ibenta nila ang mga lupain at pag-aari nila ay hindi iyon sasapat para mabayaran ito sa sobrang laki ng pagkaka-utang ng kaniyang ama. Saan nga b
Naglalakad papasok ng school si Brie, hindi na siya nag pahatid pa sa loob dahil alam niyang magiging issue iyon.Two days siya hindi nakapasok kaya naman sobrang dami niyang gagawin. Muli niyang tinignan ang phone niyang ibinigay ng lalaki sa kaniya kagabi. Isang Iphone 11 pro max. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa lahat ng binigay nito o matatakot dahil baka kung anong kapalit ang hingiin nito.Bakit pa nga ba siya matatakot sa hihingiin nito, gayong ikakasal na sila sa susunod na linggo.Papasok na siya ng gate ng may humarang sa kaniya. Sila Klea, ang bully ng school nila. Hindi niya na ito sana papansin subalit bigla itong humaramg sa daanan niya kasama ang mga kaibigan nito."I thought you already quit here. You're just a stupid," sabi nito at tumawa.Huminga siya ng malalim at akmang maglalakad na. Pero hinarang na naman siya nito.
Nagising siya ng maaga, hindi niya napansin na nakatulog na pala siya kagabi. Hindi niya nakita man lang si Lanche. Kaya naman matapos niyang mag ayos ay bumaba na siya. Subalit nasa sala pa lang siya ay amoy niya na ang mabangong niluluto sa kusina.Pumunta siya roon at nakita niya si Lanche na busy sa pagluluto habang naka apron pa."You're awake," hindi niya namalayan na nakatingin na pala ito sa kaniya.Paalis na sana siya ng pigilan siya nito at pinaupo sa upuan.Hindi niya maiwasang hindi tumingin sa lalaki habang nagluluto ito. Naghihinayang siya sa samahan ni Lanche at Lauren. Alam niya rin na ito lang din ang makakapagpabago sa lalaki para bumalik ito sa dati.Natapos itong magluto kaya naman tahimik silang kumain. Wala rin siya sa mood magsalita kaya naman tahimik ang hapag-kainan habang nakain silang dalawa."Are you okay?"&nb
Nakatingin siya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Ito ang araw na magbabago ang buhay niya. Ito ang simula ng pagbabago ng lahat.Batid niya na ilang sandali na lamang ay pupunta na dito ang driver na naka assign sa kaniya. Hindi niya pa rin nakikita si Lanche. Hindi ito umuwi kagabi o maski kanina. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang pinaplano nito. Tanging si Meshua ang nagpaliwanag ng lahat.Huminga siya ng malalim, upang maalis ang nararamdamang kaba mula sa kaniyang dibdib. Hindi rin siya mapakali. Kaya naman maya-maya siya umiinom ng tubig. Madalas siya makaranas ng heart palpitation kaya kailangan niyang pakalmahin ang sarili.Muli niyang inayos ang sarili ng pumasok ang nag m-make up sa kaniya. Kahit nawala namang makakakita rito. Sinabi niya rin kay Meshua na inimbitahan niya ang kaibigan at laking gulat niya ng pumayagsi Lanche.Sinimulan na siyang make up-an ng babae. Ilang oras na lamang ay maguumpisa n
Nandito sila sa isang rest house. Nakita niya ito kanina bago sila pumunta dito ng driver."S-sayo yan?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Lanche. Hinila lamang siya ng lalaki,subalit dahil mahaba ang gown niya, binuhat na lamang siya ni Lanche. Hindinniya maiwasang hindi mapatingin dito. Lalo na at malapit ito sa kaniya. Napakagwapo niya lalo na sa malapitan, kaya hindi na siya nagtataka kung ma in love si Lauren dito."You'll free to stare at me whole night." sabi niya habang naka tuon ang paningin sa daan.Bahagya siyang umiwas ng tingin. Hindi niya napansin na nakatingin sa kaniya si Lanche.Hindi niya rin ito maiwasan isipin.Isa na siyang Claveria. Hindi na siya isang ordinaryong babae ngayon, dahil nakadikit na ang apelyido ni Lanche sa pangalan niya. Isa na siyang Mrs. Claveria. Pumasok sila sa pinto. Sadyang maganda ito kumpara sa mansion. Hindi man kasing laki ng mansion pero nakakarelax. Tanaw mo
Ilang araw ang lumipas, masayang namamasyal ang sila Brie at Lanche sa benguet. Hindi nila napansin na habang natagal ay lalo silang nahuhulog sa isa't-isa.Nag stay sila sa benguet ng ilang linggo pa. Pauwi na sila ng Manila ng puno ng masayang ala-ala. Balik sa normal ang lahat ng makabalik sila. Maagang umalis si Lanche. Ngayon lamang niya napagtanto na isa itong Piloto. Captain siya ng airlines. Kaya naman lalo siyang naging proud dito. Habang si Meshua naman ay isang First Officer at malapit na mag senior officer.Dahil tapos na ang weekend,naghanda na siya para pumasok. Kailangan niyang pumasok kahit kinausap na ni Lanche ang mga prof at dean ng school nila. Marami pa siyang itsi-tsismis kay Chillet.Nang makarating sila sa parking lot ay sobrang daming student na nakakalat sa labas kaya naman nah
Ilang minuto pa ang lumipas ng mag-umpisa ang klase nila. Maayos naman siyang nakapagaral. Kahit na naninibago siya dahil hindi siya sanay sa ganito.Hanggang sa natapos ang ilang subject niya.Pumasok sila sa Cafeteria, gaya kanina. Tahimik ring kumakain ang mga ito at walang ni isang nagsalita ng masama sa kaniya.Mag oorder na sana siya kaso naaalala niyang wala na siyang pera.Kaya tinignan siya ng nagtataka ni Chillet."Beshy? Tara na! Don't tell me na wala kang baon?" sabi ni Chillet.Ngumiti naman siya. Actually, fifty pesos na lang ang pera niya. Juice lang ang maibibila niya rito. Hindi naman siya nag baon ng pagkain.Nagulat siya ng hilahin siya ni Chillet sa isang sulok.
Two years later"Madame!" masayang bungad ni Melody sa kararating lamang na si Lauren. Bumaba siya galing sa eroplanong kaka-landing pa lamang mula sa New york.Sinalubong siya ng mga staff habang may banner pa. Napangiti siya sa nakita niya. Sa di kalayuan nakatayo si Luanne hbaang nakangiti sa kaniya. Nasa VIP hallway sila kaya hindi nakakaabala sa mga costumer ang celebration nila."Thank you!" masayang sambit ni Lauren na hindi inaasahan ang ganitong eksena sa company nila.Natigilan siya nang maalala na may kasama pala siya."OMG! It's him?" tanong ni Luanne at dali-daling lumapit sa kanila.Isang ngiti lamang ang sinagot ni Lauren bago hinawakan ni Hiro ang kaniyang kamay."OMG! Nakakainggit ka, Sis!" kinikilig na sambit naman ni Luanne kaya natawa na lamang si Lauren habang isinandal ang ulo niya sa
Nakarating ako sa parking. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Para akong lutang na naglalakad sa kahabaan ng parking habang nakatulala. Hindi maalis sa isip ko ang lahat ng narinig at nalaman ko. Oarang paulit-ulit ko iyong naririnig.Hindi ko rin magawang umiyak dahil ayokong may makakita sa akin. Lalo na si Chiara at si Luanne. Ipinikit ko na lang ang mata ko at huminga ng malalim. Gustong-gusto ko nang umuwi para makapagpahinga ako.Papasok na ako ng kotse nang may magsalita sa likod ko. Para akong nagising nang marinig ko nag boses niya."Lauren," sambit niya. Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang luha na feeling ko ay paaptak na. Tumingala pa ako bago inayos ang sarili at humarap kay Lanche.Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako para hindi niya mahalata ang nararamdaman ko. I can pretend that I'm happy."Lanche," sabi ko sa kaniya at nanatiling
LAUREN'S POVPapalabas na ako ng office dahil kanina pa ako hinahanap ni Chiara. Pagkalabas ko nasalubong ko si Meshua kasama si Chillet na papasok rin ng elevator. Akmang pipindutin na nila nang bigla nila akong nakita na papasok. Kaya naman napatingin sila sa akin ata agad na nagbigay ng space."Good afternoon, Madame," nkangiting bati sa akin ni Meshua kasama si Chillet. Ngumiti lang ako sa kanila bago ako pumasok ng elevator. Ilang sandali lang iyon nang bigla ng bumukas. Same lang pala kami sa ground floor pupunta. Nang makalabas ako ay agad kong hinanap si Chiara. Ang sabi niya nasa field raw siya kaya naman nagpunta na ako doon.Sa di kalayuan ay natanaw ko naman siya na nakatayo habang nakatanaw sa di rin kalayuan sa kaniya. Agad akong pumunta doon at nagsalita."Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka na lang dumiretso sa office?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Agad siyang lumingon sa akin at paran
LAUREN'S POVNagising ako nang may yumogt=yog sa akin. Npadilat agad ako ng mata at nakita ko naman si Launne na nakangiti sa akin habang pilit akong itinatayo."What's wrong with you?" nakabusangot na tanong ko habang pilit na tumatayo dahil aalam kong hindi ako tatatantanan ni Luanne hangga't hindi ako natayo sa kama ko."Let's go. Mag-mall tayo," sabi niya pa at hinighila ako patayo."LUANNE!" masama ko siyang tiningnan bago ako tumayo ng tuluyan s akaam ko."What's wrong with you brain huh? Im sleeping!" sigaw ko at masama pa ring nakatinmgin sa kaniya."C'mon, Sis. Huwag kang mag-emot lang diyan. Baka kulang ka lang sa relax kaya ka ganiyan," sabi niya pa kaya naman mas lalong napataas ang kilay ko."Emot? Mukha ba akong nag-emot dito? Pwede ba Luanne. Stress na stress na ako sa Carniva. Wala akong panahon mag-emot," sabi ko s akaniya at tumatyo b
Bumangon si Lauren mula sa pagkakahiga. Ilang oras na siyang nakahiga subalit hindi siya dinalaw ng antok.Hindi maalis sa isip niya ang mga nakita at narinig niya kanina. Muli siyang dinalaw ng lungkot. Niyakap niya ang unan na nasa tabi niya.Hindi niya magawang maalis sa isip niya si Lanche. Kahit na gustuhin niyang bumalik ay hindi niya magawa dahil ayaw na niyang guluhin muli ang lalaki.Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago siya bumaba ng kwarto. Uminom na lamang siya ng wine upang mawala ang pagiisip niya ng kung anu-ano.Nang magtagal siya sa kusina ay agad rin siyang bumalik sa kwarto para matulog.***Isang pagtunog ng alarm clock ang nagpagising sa kaniya. Hindi niya namalayan nag oras at agad siyang tumayo upang mag-asikaso. Matapos iyon ay pumunta na siyang Carniva. Maraming papeles ang kailangan niyang aiskasuhin lalo na wala ang Dad niya
THREE MONTHS PASSED.LAUREN'S POVNakatanaw ako sa eroplanong papalipad na. It's already five pm."Madame, pwede na ba akong umuwi?" tanong ni Melody sa akin."Sure," nakangiting sagot ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin bago umalisHuminga ako ng malalim bago lumakad papuntang parking lot.Nag-drive ako papuntang condo ko. Tahimik akong nakatanaw sa kalsada. Muli kong naalala ang lahat.Three months ago, nang umamin si Luanne sa lahat ng kasalanan niya. Nakulong siya pero agad naman rin siyang nakalaya dahil nakipag-usap ang mga biktima at pinatawad naman siya.Huminga siya ng tawad sa akin, hindi pa man ganon naghilom ang sugat ko. Mas pinili kong patawarin siya.Habang nakahinto ang sasakyan ko, napalingon ako sa teddy bear na bigay ni Lanche.&
"Claveria, laya ka na," seryosong sambit ng isang police na ikinagulat ni Lanche. Kahit na naguguluhan ay naging masaya siya. Nang makalabas siya, agad na sinalubong siya ni Meshua kasama si Chillet.Subalit hinahanap ng kaniyang mga mata ang babaeng mahal niya. Nagkatinginan lamang ang dalawa habang panay pa rin ang lingon niya sa paligid."Where is my wife?" seryosong tanong niya sa dalawa."Wala siya dito, Captain. Sorry," sabi ni Meshua.Nawala ang mga ngiti niya sa labi nang sabihin iyon ni Meshua. Nasaktan siya ng hindi ito makita para salubungin siya.Talagang galit pa rin ito sa kaniya.Imbes na malungkot ay agadsiyang lumabas para umuwi. Na para bang sigurado siyang nasa bahay nga ang asawa.Ilang oras ang lumipas nang makauwi siya. Subalit walang Lauren na bumungad sa kaniya."Manang,
LAUREN'S POVHindi pa siya nadala at nagulat ako ng kumapit siya sa braso ni Lanche."Lanche, nakita mo? Nakita mo na kung gaano kasama yang babaeng pinakasalan mo?" sabi ni Luanne habang nakakapati sa braso ni Lanche."Ano bang pinagsasabi mo, Luanne?" sabi ni Lanche at bahagyang inalis ang kamay ni Luanne sa braso niya."Bakit, Luanne? Nahihiya ka bang malaman ng mga tao dito kung anong klaseng boss meron sila?" sabi ko na ikinatigil naman ni Luanne.Tumingin sa akin si Lanche ng nagtataka. Alam kong gusto niya kong pigilan. Pero hindi niya kaya."Tama ang mga nasa isip niyo! Ang itinuturing niyong mabait na boss ay may relasyon sa asawa ko. SHE IS A MISTRESS," nakangiting sabi ko. Lahat sila natigilan."HON..." sambit ni Lanche.Pero nagulat ako ng tumawa si Luanne.
LAUREN'S POVNakatulala akong hinihintay ang tawag ni Lanche. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto ang bumungad sa akin si Lanche. Halatang nagulat siya ng makita ako."Hon, sorry kung hindi na ako nakapag-text sa iyo. Nag-shutdown ang cellphone ko," sabi niya bago niya ako halikan.Nanatili akong tahimik habang sinusuri siya. Wala namang kakaiba sa kaniya."Where's your bag?" tanong ko sa kaniya."In my car, I just forgot," sabi niya bago siya pumasok ng banyo."Ako na ang kukuha," sabi ko sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto.Nagtungo ako sa garage at pumasok sa kotse niya. Nakita ko naman ang bag niya at kinuha iyon. Aalis na sana ako ng may maapakan akong bagay. Kaya agad ko iyong kinuha para makita.Nagulat ako ng makita ang isang lipst