Naglalakad papasok ng school si Brie, hindi na siya nag pahatid pa sa loob dahil alam niyang magiging issue iyon.
Two days siya hindi nakapasok kaya naman sobrang dami niyang gagawin. Muli niyang tinignan ang phone niyang ibinigay ng lalaki sa kaniya kagabi. Isang Iphone 11 pro max. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa lahat ng binigay nito o matatakot dahil baka kung anong kapalit ang hingiin nito.
Bakit pa nga ba siya matatakot sa hihingiin nito, gayong ikakasal na sila sa susunod na linggo.
Papasok na siya ng gate ng may humarang sa kaniya. Sila Klea, ang bully ng school nila. Hindi niya na ito sana papansin subalit bigla itong humaramg sa daanan niya kasama ang mga kaibigan nito.
"I thought you already quit here. You're just a stupid," sabi nito at tumawa.
Huminga siya ng malalim at akmang maglalakad na. Pero hinarang na naman siya nito.
"Hoy Klea! Tigil-tigilan mo nga si Brie!"
Mabuti na lamang at sinalubong siya ng kaibigang si Chillet kaya naman padabog itong umalis.
"Hoy besh! Anong nangyari sayo? Hindi ka nagparamdam?!" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
Hindi siya kumibo. Ayaw niyang malaman nito ang nangyari, dahil paniguradong pipilitin siya nitong magsumbong sa police. At baka mahalungkat pa ang utang ng tatay niya.
"Alam mong punta ako sa inyo?! At ang sabi ng mga kapatid mo hindi ka daw umuwi! Nagaalala na rin sila!"
Bigla naman siyang napatingin rito.Isa lang ang nasa isip niya.
"Hindi sinabi ni Papa ang nangyari?"
Yan ang nasa isip niya habang nagkwekwento ang kaibigan. Pati rin sa shop at hinahanap na siya.
"B-besh, sorry kung nag aalala ka."sabi nito at yumuko.
"Babaita! Yung totoo? Saan ka galing? "tanong nito.
Hindi siya nakasagot, hindi niya rin alam ang sasabihin dito. Ayaw niyang lumaki ang problema. Pero malalaman at malalaman din naman niya ang nangyari.
Nakarating sila sa room nila habang inasikaso ang mga task na na missed niya. Nakiusap siya sa mga professor nila kaya naman todo gawa siya kasama ang kaibigan. Habang kinukulit siya kung saan talaga siya galing.
Natapos ang araw at sobrang na stress siya dahil sabay-sabay niyang tinapos ang mga task na yon ngayong araw.
"Hoy besh! Sabay tayo sa shop!" sabi nito.
Isa ito sa problema niya.Balak niya sanang magtrabaho pa subalit alam niyang hindi siya papayagan ng lalaki.
"S-sige besh! Magkita na lang tayo mamaya," sabi niya bago umalis. Paliko na siya ng makasalubong niya ang driver nila.
Mabilis siyang pumasok at baka maabutan pa siya ng kaibigan.
Kumain muna siya sa bago nagpahinga at naligo, mabuti na lang at andito ang uniform niya sa shop dahil ito ang suot niya noong kinuha siya ng mga ito.
Ang uniform niya ang naiwan sa bahay nila kaya naman dadaanan niya na lamang ito mamaya.
Palabas na sana siya ng may maid na nagsalita sa likod niya.
"Ma'am Brie, pinagbilin ni Sir na wag kayong lalabas," sabi nito.
"Manang, itetext ko na lang po siya.Kailangan ko kasing pumasok ngayon," sabi nito.
Kinulit niya pa ang maid para lang pumayag ito. Paalis na siya at hinatid na lamang siya ng kaniyang driver.
Nakarating siya sa shop nila. Pero nagulat na lamang siya ng hindi siya kinulit o tinanong man lang ng manager nila.
"Besh, imposible talaga eh! Bakit parang alam ni Ma'am ang nangyari sayo at hindi man lang siya nagabalang tanungin ka?" sabi ni Chillet habang umaarteng nagiisip.
Hindi na lamang niya iyon pinansin.
Sigurado siyang ang lalaki ang may pakana non.
Itinuon na lamang niya ang pansin sa mga costumer habang malalim na nag -iisip.
Hindi naman ganon kasama ang lalaki. Hindi lang niya agad nakita ang kabaitan ito dahil sa nangyari. Pero hindi pa rin siya kampante sa puder nito. Hindi niya pa ito kilala ng lubusan kaya naman may pangamba pa rin siya.
"Miss isang Coffe Jelly-- Madame?"
Bigla siyang napatingin sa costumer ng magsalita ito at tawagin siyang madame.
"M-meshua..."
"Madame anong ginagawa niyo dito? At nag t-trabaho kayo? Alam ba to ni Captain?" tanong ni Meshua habang tinignan ang suot niya.
Nag excuse siya sa kasama niya Para kausapin si Meshua sa labas.
"Meshua, huwag mo nalang sabihin sa kaniya please?" sabi nito.
"Pero madame--"
"Bukod don, kailangan kita Meshua. Kailangan ko ng kasagutan sa lahat ng tanong ko," sabi niya pa habang nakatingin dito.
"Ano iyon Madame?" nagtatakang tanong nito habang hinuhulaan ang nasa isip ni Brie.
Kailangan niyang malaman ang tunay na pagkatao ng lalaki. Kung saan ba talaga ito nanggaling. Kung sino ba talaga ito.
Kailangan niyang malaman lahat ng nakaraan din nito. Hindi niya rin alam kung bakit niya pa naisipan ungkatin iyon.
"Oy Brie! Bakit ko kausap si Sir Meshua? Ang gwapo niya infairness!"
Parang baliw na sabi ni Sheena habang nakatingin kay Meshua na nasa table number three.
"Hoy beshy! Hindi mo man lang sinabi na close pala kayo ni sir pogi!" sabi naman ni Chillet habang kinikilig din.
"Hindi kami close. Kakilala ko lang siya," sabi nito habang umiiwas ng tingin.
Hindi na siya nagtaka jung bakit kilig na kilig ang mga babae dito. Dahil approachable ito at napakabait.
Lumipas ang oras. Nagpaalam na siya sa mga kasama niya. Palabas na siya ng makita niya si Meshua sa parking lot. Tumingin siya sa paligid bago pumasok sa kotse nito.
"Madame, anong gusto niyong malaman?" tanong nito habang prenteng nakaupo. Tumingin muna siya dito bago magsalita.
"Lahat Meshua, kung sino ba talaga siya? Kung anong uri siya ng tao at ang nakaraan niya? Kung anong nangyari sa kaniya?" tanong niya habang nakatingin ng seryoso sa binata.
"M-madame h-hindi ako ang dapat mong tanungin tungkol sa bagay na iyan," sabi nito.
"Ikakasal na kami Meshua, maski pangalan niya hindi ko alam," sabi niya habang nagmamakaawang tumingin sa lalaki. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.
"Hindi ka nagiisa madame, hindi niya basta-basta binibigay ang pangalan niya sa mga taong hindi malapit sa kaniya. Pero nakakapagtaka lang at hindi niya sinabi sayo ang bagay na yan?" sabi nito habang nagtatakang tumingin.
"Kaya nga nakikiusap ako sayo Meshua, ano ba talaga ang pangalan niya?"
Hindi ito kumibo at tumingin lang sa kaniya. Hindi nito alam kung sasagutin niya ba ang sagot ng dalaga o ipapaubaya niya na lamang ito sa kaibigan.
"Ano ba talagang pangalan niya at sino ba talaga siya?" ulit niya habang nakatingin kay Meshua.
Ilang minuto ang lumipas ng may magsalit sa likod niya.
"Why do you want to know?"
Napalingon siya at nakaramdam ng kaba. Hindi niya akalain na andito sa likod niya ang lalaki. siya, hindi niya alam ang isasagot niya. Lumapit ito sa kanila.
"Why do you asked him about me? My personality," muling tanong nito.
"S-sorry..." nasambit niya at yumuko.
"Ah Captain, Madame mauna na ako.Kayo na lang ang mag-usap," sabi ni Meshua bago lumabas ng coffeshop.
Hinila siya ng lalaki dahilan para mapatayo siya. Nakarating sila sa kotse. Walang gana siyang sumakay. Bigo siyang malaman ang lahat. Bigo siya na makilala ang tunay nitong katauhan.
Nakarating sila sa bahay ng walang ni isang umiimik habang nakain.
Hanggang sa matapos siyang kumain. Dumiretso siya sa kwarto at nagpahangin sa terrace.
Pero nagulat siya ng may humila sa kaniya. Ang lalaki. Pinaupo siya nito sa sofa kaya naman nagulat siyang nakatingin dito .
"Anong gagawin natin?" tanong niya habang nakatingin dito.
"You want to know my name right?" tanong ng lalaki. Tumango naman siya. Hindi niya inaasahan na tatanungin siya ng ganon ng lalaki.
"On your necklace," maikling sagot nito.
Nagtataka naman siyang tumingin sa necklace niya.
"The pendant."
Muli niyang hinawakan ang pendant na moon.Binaliktad niya ito para masusing suriin. Laking gulat niya ng may nakalagay doon, sobrang liit na letter lang niyon kaya hindi mo agad makikita.
"Lanche Hendrix?" nagtatakang basa niya. Ngayon niya lang napagtanto na ito ang pangalan ng lalaki.
"I-ikaw to? Ang pangalan mo ay Lanche Hendrix?" gulat na tanong niya. Hindi ito umimik. Tinignan siya nito.
"Pero bakit? Bakit kahit ang mga katulong o ibang tao ay hindi nila alam ang pangalan mo?" takang tanong niya. Naguguluhan na rin siya dito.
"Just simple, because we're not close,"
"Pero teka lang, kahit na. Hindi ba mayaman ka? Pero bakit tagong-tago ito? Paano naitatago yon?" tanong niya.
"I telling my name to the people who I trusted."
May kung anong naramdaman siya sa puso niya na hindi niya mapaliwanag.Ibig sabihin nito nagtitiwala siya sakaniya?
"P-pero bakit?" naguguluhan pa rin niyang tanong.
"I don't want to involved any issue. My personality is latent. Only who will close to me are knew about that."
Namangha siya, dahil nakaya nitong itago ang pangalan nito sa paligid nito. Tanging mga kaibigan at pamilya lang nakakaalam ng pangalan niya.
"Now you know who I'am. Are you satisfied now?" tanong nito habang nakatingin sa kaniya.
"O-oo," nahihiyang sagot niya. Hindi niya alam kung bakit ganito siya tignan ng lalaki.
Lumabas na ito matapos mangyari yon. Bahagya siyang napakigon sa labas. Ang ganda ng view, na eenjoy siyang panoorin ang mga bituin sa kalangitan habang sa madilim na parte ay nandon ang mga building.
Ngayon, panatag na siya. Pero kulang pa. May kulang pa sa nalaman niya. Hindi pa siya gaanong satisfied dahil gusto pa rin niya malaman ang lahat tungkol sa lalaki. Batid niyang marami pa itong itinatago tungkol sa kaniya. Muli niyang tinignan ang pendant na moon.
"Lanche Henrix"
Ngayon lang niya nakita ang nakasulat dito. Hindi niya alam na may pangalan nito ng lalaki.
Nagising siya sa sinag ng araw. Sabado ngayon kaya walang pasok sa school. Kaya naman ginawa niya na ang morning routine niya. Bago siya pumasok sa shop. Hindi niya pa nababanggit sa lalaki ang about doon.
Ngunit pagbaba niya ng hagdan ay hindi niya nadatnan ang lalaki.
"Madame, pinapasabi ni Sir na kumain na raw po kayo maaga po siyang umalis," sabi ng isang maid.
Nginitian niya na lamang ito. Hindi niya alam ang trabaho nito. Kung saan nga ba ito nauwi. Pero nagulat siya ng magtext it sa kaniya.
From him;
Ill go home tomorrow evening.
Napataas naman ang kilay niya, bakit bukas pa ng gabi? Ano bang pinagkakaabalahan nito?
Hindi na lamang niya ito inisip pa, nauna na siyang pumasok sa shop. Masaya siyang sinalubong ni Chillet.
"Hoy beshhh! Kakaiba ka talaga ah! Saan kayo nagpunta ni Mr. Pogi kagabi huh?!"umaarte pa itong parang galit na kinikilig.
"H-huh?" naguguluhang tanong niya.
"Aysus Beshy! Wag ako nakita ko kayo, sumakay ka sa kotse niya kagabi! Ano kayo na ba?Haba ng hair!" sabi nito habang kinukulit siya.
"Hindi, kaibigan ko lang siya," pag dedeny nito.
"Ayiiiie! Friend with benefit ganon?" pangungulit na naman nito.
"Hindi besh. Ang kulit mo talaga," niya habang iniwan ang kaibigang nagtitinili.
Pumwesto na siya sa counter habang sinundan naman siya nito.
"Inlove ka! Kinikilig ka oh!" sabi niya habang tinuturo ang mukha ni Brie.
"Besh ano ba, para kang sira may costumer oh," sabi nito at oatagong ngumiti.
Natapos ang araw ng panay siyang kinukulit ng kaibigan.Kaya naman hindi na siya nakatiis pa.
"B-BESHY?! SERYOSO KA BA?!" hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan sa kaniya.Tumango lamang siya.
"Ikakasal ka na next week?! K-kanino? At p-paano?!" naguguluhang tanong nito.
Expected niya na mangyayari to. Na maguguluhan at tatanungin siya ng ganito ng kaibigan. Dahil masyado nga namang biglaan.
"N-nawala ka lang ng two days tapos malalaman kong ikakasal ka na? Baka naman jinojoke time mo lang ako?" sabi nito habang seryosong nakatingin sa kaniya at hinihintay na sabihin nito na joke lamang iyon.
"Oo besh, ikakasal na ko at hindi ito joke. Totoo, ikakasal na ko sa susunod na linggo," sabi niya.
"Alam kong hindi ka nagjojoke besh pero seryoso? As in?!"
Hindi na siya sumagot pa. Mahirap ipaliwanag ang lahat kaya mas mabuti na lang talaga na walang makaalam.
"Nbsb ka! Tapos ikakasal? T-teka nga! Naguguluhan talaga ako besh eh!"
Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad. Pero maya-maya lang ay sumigaw ito na ikinabigla niya.
"AHA! DON'T TELL ME SI MR. POGI ANG MAGIGING ASAWA MO?!" seryosong tanong nito na tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Hoy besh! SI MR POGI NGA?!" pangungulit na naman nito sa kaniya.
Huminga siya ng malalim, magsasalita na sana siya ng may humintong sasakyan sa tapat nila dahilan para maudlot ang pagsasalita niya.
"Madame!" bumaba naman si Mang Kanor mula sa kotse.
Naalarma naman siya ng mapatingin ang kaibigan dito.
"Madame?" nakataas ang kilay nitong nagtataka habang nakatingin sa driver na papalapit.
"Madame, kanina ka po hinahanap ni sir!" sabi nito sa kaniya.
Napatingin naman siya sa kaibigan na nakanganga habang nagiisip.
"Besh, magpapaliwanag ako bukas okay? For now, I need to go," sabi niya pa.
"Okay?" wala pa rin ito sa katinuan ng iwanan niya. Alam niya na ganon ang reaksyon nito.
Tahimik siyang umuwi sa mansion. Ngunit wala doon ang lalaki. Naalala niya ang text sa kaniya nito na bukas pa ito ng gabi uuwi. Matapos niyang kumain, nakita niya si Mang kanor na nasa garahe.
"Ah, mang Kanor?" pagtawag niya tumayo naman ito at binati siya.
"Magtatanong lang po ako, kamusta po ang mga kapatid at papa ko?" tanong nito.
"Oo nga po pala madame. Tuwang-tuwa sila ng ibigay ko ang mga gamit at pagkain sa bahay niyo.Hinahanap ka po nila sakin.Miss na miss ka na daw po nila." mahabang sagot nito.
Napangiti naman siya sa narinig.Ngayon panatag na siya na okay at ligtas ang mga ito. Na may kakainin ito sa pang araw-araw nila.Ang pera niya ang ginastos niya para ipangbili ng groceries at ang natira at ibinigay niya sa mga ito.
Gusto niya mang puntahan ang mga ito ay wala pa siyang sapat na oras. Dahil panigurado na hahanapin siya kaagad ng lalaki. Ayaw ng lalaki na umuwi siya habang hindi pa sila ikinakakasal dahil iyon ang kasunduan nila.Kaya hangga't hindi pa sila kinakasal, ay hindi pa siya pwede umuwi at makita ang mga ito.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya ng may sinag ng araw ang tumama sa mata niya. Day off niya ngayon sa work kaya naman magpapahinga siya.
Mabilis na lumipas ang oras, katatapos lamang na magtext ng lalaki at kamustahin siya. Papunta na siya sa kwarto niya. Hihiga na sana siya ng malalag ang relo sa lamesa agad niya utong dinampot. Subalit, napansin niya na may kahon sa ilalim ng kama.
Kinuha niya ito at binuksan.
Tumambad sa kaniya ang mga litrato at iilang gamit.
Litrato ng isang napakagandang babae at ni Lanche.
May kung ano naman siyang naramdaman ng makita iyon.
"Sino siya?" tanong niya sa isip. Tinignan niya pa ang ibang gamit, hindi niya alam kung para saan iyon. Hanggang sa may makita siyang singsing. Napakagandang singsing. Muli niya itong sinuri. Tinitigan niya ito bago isinauli sa loob. May nakita siyang panyo.
"L&L Forever"
At binasa niya ang nasa ibaba ng letter na iyon.May maliit na nakalakip doon na mga salita
"Lauren and Lanche"
Mas lalong kumabog ang dibdib niya ng makita iyon. Hindi niya alam pero bigla niya na lamang iyon itinago sa ilalim ng kama. Huminga siya ng malalimnat pumuntang terrace. Para bang naubusan siya ng hangin.
"P-pero madame--"
"Please? Sino ba talaga siya?" tanong niya sa mga maid. Nagkatiginan lamang ang mga ito.
"Wala po kami sa posisyon para magsabi sa inyo ng mga bagay na iyan madame," sabi ng mga ito sa kaniya.
"Promise, hinding-hindi ko sasabihin na kayo ang nagsabi," pakikiusap niya.
"Si Lauren Dawson po, siya ang dahilan kung bakit naging ganiyan si Sir. Naghiwalay sila at umalis si Ma'am lauren non," walang nagawa ang isang maid kundi ang sabihin ang nalalaman nito.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang ireak. Hindi niya ineexpect iyon. Kahit na alam niya na isa ito sa dahilan kung bakit ganito ang lalaki.
Hindi lang siya makapaniwala na iba ang lalaki noon sa ngayon. Mula daw ng maghiwalay ito ay naging ganito na ang lalaki. Mahal na mahal daw nito ang ex girlfriend niya noon.
Ilang oras lang siya natulala habang malalim na nagisip. Muli niyang kinuha ang laptop na ibinili sa kaniya ni Lanche.
"Lauren Dawson."
Ito ang isinulat niya sa search bar ng google. Subalit hindi niya akalain na ito ang lalabas. Binasa niya ang information about Lauren Dawson.
"The child of owner of Carniva Airlines. Basa niya sa screen habang iniscroll pababa.
"Former Model (2018). Graduated in Harvard University in the taken course of Barchelor of business Management, with a highly honor and also a salutatorian of the university."
Halos lumuwa ang mata niya ng makita ang nakasulat na salutatorian sa mismong Harvard.
Bukod sa maganda ito, matalino pa. Hindi lang siya basta-bastang ordinaryong tao dahil nagmamay-ari din sila ng Airlines.
Bigla siyang nanliit sa nalaman niya. Sobrang nanliit siya sa Ex ng mapapangasawa niya. Hindi niya expected na ganito ito ka-impluwensya. Hindi niya rin alam kung matutuwa ba siya ngayon na siya ang papakasalan ng lalaki.
Tila ba naubusan siya ng dugo sa mga nalaman niya. Masasabi niyang napaka-perfect na nito. Maski babae ay siguradong magkakagusto rito dahil sa angkin ganda at talino nito. Kaya naman lalong gumulo ang kaniyang isipan.
Nagmamahalan silang dalawa pero dahil sa career ay nasira iyon. Kung yitignan niya, bahay na bagay si Lanche at Lauren. Masasabi niyang perfect na talaga sila. Parehas silang mayaman, gwapo at maganda. Hindi lang iyon, matalino pa sila. Kaya naman mas lalo siyang naliit sa sarili. Isang hamak na scholar lamg siya. Walang kayamanan. At nakatira lamang sa squatter area. Kaya naman hindi niya maiwasang hindi mahiya sa nalaman niya.
Ngunit bakit? Bakit sila naghiwalay? Hindi siya naniniwala na dahil lamg iyon sa career. Base sa mga napapanood niya, kung talagang nagmamahalan ang dalawang magkasintahan, hindi nila basta-basta iiwanan ang isa't-isa dahil lang sa pera o sa kahit anong bagay. Alam niyang may higit na dahilan. At iyon ang nais niyang malaman.
Kung paano? Hindi niya alam pero gagawa siya ng paraan para malaman iyon. Ayaw niya sanang pakialaman pa ang nakaraan ni Lanche, pero na-curious siya sa dahilan kung bakit ito naghiwalay. Kahit alam niyang maaring magalit si Lanche kung sakaling malalaman nito na hinahalungkat nita ang nakaraan ng lalaki
Nagising siya ng maaga, hindi niya napansin na nakatulog na pala siya kagabi. Hindi niya nakita man lang si Lanche. Kaya naman matapos niyang mag ayos ay bumaba na siya. Subalit nasa sala pa lang siya ay amoy niya na ang mabangong niluluto sa kusina.Pumunta siya roon at nakita niya si Lanche na busy sa pagluluto habang naka apron pa."You're awake," hindi niya namalayan na nakatingin na pala ito sa kaniya.Paalis na sana siya ng pigilan siya nito at pinaupo sa upuan.Hindi niya maiwasang hindi tumingin sa lalaki habang nagluluto ito. Naghihinayang siya sa samahan ni Lanche at Lauren. Alam niya rin na ito lang din ang makakapagpabago sa lalaki para bumalik ito sa dati.Natapos itong magluto kaya naman tahimik silang kumain. Wala rin siya sa mood magsalita kaya naman tahimik ang hapag-kainan habang nakain silang dalawa."Are you okay?"&nb
Nakatingin siya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Ito ang araw na magbabago ang buhay niya. Ito ang simula ng pagbabago ng lahat.Batid niya na ilang sandali na lamang ay pupunta na dito ang driver na naka assign sa kaniya. Hindi niya pa rin nakikita si Lanche. Hindi ito umuwi kagabi o maski kanina. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang pinaplano nito. Tanging si Meshua ang nagpaliwanag ng lahat.Huminga siya ng malalim, upang maalis ang nararamdamang kaba mula sa kaniyang dibdib. Hindi rin siya mapakali. Kaya naman maya-maya siya umiinom ng tubig. Madalas siya makaranas ng heart palpitation kaya kailangan niyang pakalmahin ang sarili.Muli niyang inayos ang sarili ng pumasok ang nag m-make up sa kaniya. Kahit nawala namang makakakita rito. Sinabi niya rin kay Meshua na inimbitahan niya ang kaibigan at laking gulat niya ng pumayagsi Lanche.Sinimulan na siyang make up-an ng babae. Ilang oras na lamang ay maguumpisa n
Nandito sila sa isang rest house. Nakita niya ito kanina bago sila pumunta dito ng driver."S-sayo yan?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Lanche. Hinila lamang siya ng lalaki,subalit dahil mahaba ang gown niya, binuhat na lamang siya ni Lanche. Hindinniya maiwasang hindi mapatingin dito. Lalo na at malapit ito sa kaniya. Napakagwapo niya lalo na sa malapitan, kaya hindi na siya nagtataka kung ma in love si Lauren dito."You'll free to stare at me whole night." sabi niya habang naka tuon ang paningin sa daan.Bahagya siyang umiwas ng tingin. Hindi niya napansin na nakatingin sa kaniya si Lanche.Hindi niya rin ito maiwasan isipin.Isa na siyang Claveria. Hindi na siya isang ordinaryong babae ngayon, dahil nakadikit na ang apelyido ni Lanche sa pangalan niya. Isa na siyang Mrs. Claveria. Pumasok sila sa pinto. Sadyang maganda ito kumpara sa mansion. Hindi man kasing laki ng mansion pero nakakarelax. Tanaw mo
Ilang araw ang lumipas, masayang namamasyal ang sila Brie at Lanche sa benguet. Hindi nila napansin na habang natagal ay lalo silang nahuhulog sa isa't-isa.Nag stay sila sa benguet ng ilang linggo pa. Pauwi na sila ng Manila ng puno ng masayang ala-ala. Balik sa normal ang lahat ng makabalik sila. Maagang umalis si Lanche. Ngayon lamang niya napagtanto na isa itong Piloto. Captain siya ng airlines. Kaya naman lalo siyang naging proud dito. Habang si Meshua naman ay isang First Officer at malapit na mag senior officer.Dahil tapos na ang weekend,naghanda na siya para pumasok. Kailangan niyang pumasok kahit kinausap na ni Lanche ang mga prof at dean ng school nila. Marami pa siyang itsi-tsismis kay Chillet.Nang makarating sila sa parking lot ay sobrang daming student na nakakalat sa labas kaya naman nah
Ilang minuto pa ang lumipas ng mag-umpisa ang klase nila. Maayos naman siyang nakapagaral. Kahit na naninibago siya dahil hindi siya sanay sa ganito.Hanggang sa natapos ang ilang subject niya.Pumasok sila sa Cafeteria, gaya kanina. Tahimik ring kumakain ang mga ito at walang ni isang nagsalita ng masama sa kaniya.Mag oorder na sana siya kaso naaalala niyang wala na siyang pera.Kaya tinignan siya ng nagtataka ni Chillet."Beshy? Tara na! Don't tell me na wala kang baon?" sabi ni Chillet.Ngumiti naman siya. Actually, fifty pesos na lang ang pera niya. Juice lang ang maibibila niya rito. Hindi naman siya nag baon ng pagkain.Nagulat siya ng hilahin siya ni Chillet sa isang sulok.
Pauwi na galing sa school si Brie. Hindi na siya nag abalang magpasunod pa kay Mang Kanor dahil late na rin naman siya. Kaya naman nag taxi na lang siya.Nakarating siya sa mansion. Pero nagtaka siya ng may isang kotse doon. Pumasok na lamang siya sa loob.Pero habang papasok siya naririnig niya mula sa sala ang paguusap ni Lanche. Hindi niya alam kung sino ang kausap nito."Hanggang ngayon masarap ka pa rin magluto."Pag pasok niya sa kusina, nakita niya si Lauren at Lanche na masayang nagluluto. Nakaramdam siya ng selos.Nakita niya kung gaanon alagaam at kasaya si Lanche habang tinuturuan si Lauren. Ni minsan hindi nila nagawa ang ganitong bagay. Kaya naman sobra siyang na
Umuwi sila at nakinig sa lahat ng paliwanag ng asawa. Nagka-ayos naman sila dahil mali rin ang naisip niya sa nakita niya. Napatid ito kaya tinulungan niyang tumayo.Maaga siyang nagising, wala si Lanche sa tabi niya. Hindi niya namalayan na dito siya nakatulog sa kwarto ni Lanche. Bumangon siya at naghilamos.Bumaba siya ng maamoy niya ang mabangong adobo. Nakita niyang busy sa pagluluto si Lanche. Niyakap niya at patalikod."You're awake honey." sabi niya at hinalikan si Brie."Gusto ko rin matuto magluto." sabi niya.Tinuruan naman siya ni Lanche mag luto ngunit patapos na ito.Masaya silang kumain.Ilang oras ang lumipas
MONTHS PASSED.Sa loob ng ilang buwan na pagsasama ni Brie at Lanche, hindi niya akalain na lalo siyang mahuhulog sa asawa. Napagpasiyahan na rin niya na magsama sila sa iisang kwarto, kahit na hindi pa siya nagagalaw nito.Marami siyang natutunan sa lalaki sa loob ng maraming buwan. At ngayon, pauwi na sila galing sa batangas. Kailangan na nilang bumalik dahil maguumpisa na ng klase si Brie.At kailangan niya nang pumasok.Magkahawak sila ng kamay habang naidlip sandali si Brie.Hindi binitawan ni Lanche ang kamay niya.Ilang minuto ang lumipas ng magising si brie dahil sa bako-bakong daan.Minulat niya ang kamay niya. Ilamg sandali pa ay tinahak na nila ang daan patungong manila.Subalit
Two years later"Madame!" masayang bungad ni Melody sa kararating lamang na si Lauren. Bumaba siya galing sa eroplanong kaka-landing pa lamang mula sa New york.Sinalubong siya ng mga staff habang may banner pa. Napangiti siya sa nakita niya. Sa di kalayuan nakatayo si Luanne hbaang nakangiti sa kaniya. Nasa VIP hallway sila kaya hindi nakakaabala sa mga costumer ang celebration nila."Thank you!" masayang sambit ni Lauren na hindi inaasahan ang ganitong eksena sa company nila.Natigilan siya nang maalala na may kasama pala siya."OMG! It's him?" tanong ni Luanne at dali-daling lumapit sa kanila.Isang ngiti lamang ang sinagot ni Lauren bago hinawakan ni Hiro ang kaniyang kamay."OMG! Nakakainggit ka, Sis!" kinikilig na sambit naman ni Luanne kaya natawa na lamang si Lauren habang isinandal ang ulo niya sa
Nakarating ako sa parking. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Para akong lutang na naglalakad sa kahabaan ng parking habang nakatulala. Hindi maalis sa isip ko ang lahat ng narinig at nalaman ko. Oarang paulit-ulit ko iyong naririnig.Hindi ko rin magawang umiyak dahil ayokong may makakita sa akin. Lalo na si Chiara at si Luanne. Ipinikit ko na lang ang mata ko at huminga ng malalim. Gustong-gusto ko nang umuwi para makapagpahinga ako.Papasok na ako ng kotse nang may magsalita sa likod ko. Para akong nagising nang marinig ko nag boses niya."Lauren," sambit niya. Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang luha na feeling ko ay paaptak na. Tumingala pa ako bago inayos ang sarili at humarap kay Lanche.Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako para hindi niya mahalata ang nararamdaman ko. I can pretend that I'm happy."Lanche," sabi ko sa kaniya at nanatiling
LAUREN'S POVPapalabas na ako ng office dahil kanina pa ako hinahanap ni Chiara. Pagkalabas ko nasalubong ko si Meshua kasama si Chillet na papasok rin ng elevator. Akmang pipindutin na nila nang bigla nila akong nakita na papasok. Kaya naman napatingin sila sa akin ata agad na nagbigay ng space."Good afternoon, Madame," nkangiting bati sa akin ni Meshua kasama si Chillet. Ngumiti lang ako sa kanila bago ako pumasok ng elevator. Ilang sandali lang iyon nang bigla ng bumukas. Same lang pala kami sa ground floor pupunta. Nang makalabas ako ay agad kong hinanap si Chiara. Ang sabi niya nasa field raw siya kaya naman nagpunta na ako doon.Sa di kalayuan ay natanaw ko naman siya na nakatayo habang nakatanaw sa di rin kalayuan sa kaniya. Agad akong pumunta doon at nagsalita."Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka na lang dumiretso sa office?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Agad siyang lumingon sa akin at paran
LAUREN'S POVNagising ako nang may yumogt=yog sa akin. Npadilat agad ako ng mata at nakita ko naman si Launne na nakangiti sa akin habang pilit akong itinatayo."What's wrong with you?" nakabusangot na tanong ko habang pilit na tumatayo dahil aalam kong hindi ako tatatantanan ni Luanne hangga't hindi ako natayo sa kama ko."Let's go. Mag-mall tayo," sabi niya pa at hinighila ako patayo."LUANNE!" masama ko siyang tiningnan bago ako tumayo ng tuluyan s akaam ko."What's wrong with you brain huh? Im sleeping!" sigaw ko at masama pa ring nakatinmgin sa kaniya."C'mon, Sis. Huwag kang mag-emot lang diyan. Baka kulang ka lang sa relax kaya ka ganiyan," sabi niya pa kaya naman mas lalong napataas ang kilay ko."Emot? Mukha ba akong nag-emot dito? Pwede ba Luanne. Stress na stress na ako sa Carniva. Wala akong panahon mag-emot," sabi ko s akaniya at tumatyo b
Bumangon si Lauren mula sa pagkakahiga. Ilang oras na siyang nakahiga subalit hindi siya dinalaw ng antok.Hindi maalis sa isip niya ang mga nakita at narinig niya kanina. Muli siyang dinalaw ng lungkot. Niyakap niya ang unan na nasa tabi niya.Hindi niya magawang maalis sa isip niya si Lanche. Kahit na gustuhin niyang bumalik ay hindi niya magawa dahil ayaw na niyang guluhin muli ang lalaki.Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago siya bumaba ng kwarto. Uminom na lamang siya ng wine upang mawala ang pagiisip niya ng kung anu-ano.Nang magtagal siya sa kusina ay agad rin siyang bumalik sa kwarto para matulog.***Isang pagtunog ng alarm clock ang nagpagising sa kaniya. Hindi niya namalayan nag oras at agad siyang tumayo upang mag-asikaso. Matapos iyon ay pumunta na siyang Carniva. Maraming papeles ang kailangan niyang aiskasuhin lalo na wala ang Dad niya
THREE MONTHS PASSED.LAUREN'S POVNakatanaw ako sa eroplanong papalipad na. It's already five pm."Madame, pwede na ba akong umuwi?" tanong ni Melody sa akin."Sure," nakangiting sagot ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin bago umalisHuminga ako ng malalim bago lumakad papuntang parking lot.Nag-drive ako papuntang condo ko. Tahimik akong nakatanaw sa kalsada. Muli kong naalala ang lahat.Three months ago, nang umamin si Luanne sa lahat ng kasalanan niya. Nakulong siya pero agad naman rin siyang nakalaya dahil nakipag-usap ang mga biktima at pinatawad naman siya.Huminga siya ng tawad sa akin, hindi pa man ganon naghilom ang sugat ko. Mas pinili kong patawarin siya.Habang nakahinto ang sasakyan ko, napalingon ako sa teddy bear na bigay ni Lanche.&
"Claveria, laya ka na," seryosong sambit ng isang police na ikinagulat ni Lanche. Kahit na naguguluhan ay naging masaya siya. Nang makalabas siya, agad na sinalubong siya ni Meshua kasama si Chillet.Subalit hinahanap ng kaniyang mga mata ang babaeng mahal niya. Nagkatinginan lamang ang dalawa habang panay pa rin ang lingon niya sa paligid."Where is my wife?" seryosong tanong niya sa dalawa."Wala siya dito, Captain. Sorry," sabi ni Meshua.Nawala ang mga ngiti niya sa labi nang sabihin iyon ni Meshua. Nasaktan siya ng hindi ito makita para salubungin siya.Talagang galit pa rin ito sa kaniya.Imbes na malungkot ay agadsiyang lumabas para umuwi. Na para bang sigurado siyang nasa bahay nga ang asawa.Ilang oras ang lumipas nang makauwi siya. Subalit walang Lauren na bumungad sa kaniya."Manang,
LAUREN'S POVHindi pa siya nadala at nagulat ako ng kumapit siya sa braso ni Lanche."Lanche, nakita mo? Nakita mo na kung gaano kasama yang babaeng pinakasalan mo?" sabi ni Luanne habang nakakapati sa braso ni Lanche."Ano bang pinagsasabi mo, Luanne?" sabi ni Lanche at bahagyang inalis ang kamay ni Luanne sa braso niya."Bakit, Luanne? Nahihiya ka bang malaman ng mga tao dito kung anong klaseng boss meron sila?" sabi ko na ikinatigil naman ni Luanne.Tumingin sa akin si Lanche ng nagtataka. Alam kong gusto niya kong pigilan. Pero hindi niya kaya."Tama ang mga nasa isip niyo! Ang itinuturing niyong mabait na boss ay may relasyon sa asawa ko. SHE IS A MISTRESS," nakangiting sabi ko. Lahat sila natigilan."HON..." sambit ni Lanche.Pero nagulat ako ng tumawa si Luanne.
LAUREN'S POVNakatulala akong hinihintay ang tawag ni Lanche. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto ang bumungad sa akin si Lanche. Halatang nagulat siya ng makita ako."Hon, sorry kung hindi na ako nakapag-text sa iyo. Nag-shutdown ang cellphone ko," sabi niya bago niya ako halikan.Nanatili akong tahimik habang sinusuri siya. Wala namang kakaiba sa kaniya."Where's your bag?" tanong ko sa kaniya."In my car, I just forgot," sabi niya bago siya pumasok ng banyo."Ako na ang kukuha," sabi ko sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto.Nagtungo ako sa garage at pumasok sa kotse niya. Nakita ko naman ang bag niya at kinuha iyon. Aalis na sana ako ng may maapakan akong bagay. Kaya agad ko iyong kinuha para makita.Nagulat ako ng makita ang isang lipst