“Matagal na panahon na rin pala tayong hindi nagkita.” malumanay na boses ni Mark.Nagising na pala si Mark Dee Roa. Ang boses niya ay bahagyang namamaos pa, at nang tumingin siya kay Thessa, ang kanyang mga mata ay puno ng gulat. Mayroong isang hindi mababakas na kislap sa kanyang mga mata, isang liwanag na hindi niya makita-kita.Noon, kilala siya sa kanyang malamig at walang pakialam na ugali. Ngunit ngayon, ang ngiting ibinigay niya kay Thessa ay malumanay, may bahid ng lambing. Maputla ang kanyang mukha, halatang nanghihina pa dahil kakagaling lang sa matinding karamdaman.Nagulat si Thessa ng makita ang lalaking si Mark, parang tumigil ang mundo niya ng ilang sandali. Ngunit agad din siyang nakabawi, ang kanyang mga mata ay nagniningning na para bang handa na anumang susunod na mangyayari.Habang hawak ang piring sa kanyang mga palad, nagbigay ng malapad na ngiti si Thessa sa lalaki, “Matagal na panahon din hindi tayo nagkita Mr. Roa.” ani Thessa.Halata ang pagkagulat sa mga m
“Hindi ako mataba, Tito Jul.” sabi ni Bella ng nakanguso.Julius: “...” Napabuntong hininga na lang siya.Ang bibig ng munting bata na ito ay tulad ng kanyang ina. Bata pa lamang siya ngunit iba siya kung mag-isip. Kahit na siya'y naagrabyado ay ayaw niyang kumain, ipaghihiganti niya ito agad.“Si Tito Julius ‘yan, hindi naman mataba ang ating Bella.” binuhat ni Julius ang munting bata at inikot, ang kanyang mga tawa na parang tunog ng kampanilya ay nagbigay ng saya sa paligid, na parang isang masayang musika na nagpapagaan sa kanilang puso.Hawak si Bella, lumapit si Julius kay Carlo. Masiglang ipinakita ang kanyang mapuputing mga ngipin, at nagpakilala na parang iyon ang unang pagkakataon ng kanilang pagkikita.“Magandang bati Mr. Carlo. Ako po pala si Julius Diaz, kapatid ni Thessa sa ama, pero para na rin kaming magkapatid sa ina, at tito ako ni Bella.” sabi ni Julius ng nakangiti.Para mas maging tiyak.Ang munting batang si Bella ay may pito o walong Tito, at tatlo o apat na Tit
Isang mainit na usapin na naman ang nag viral!Ang mainit na usapin sa paliparan tungkol kay Carlo, ang presidente ng Davilla's Group, na nagdadala ng bagong bituin na si Trixie Domingo sa ibang bansa para sa “pagpapagaling” ay mabilis na umakyat sa listahan sa industriya ng entertainment.Nang makita ni Thessa ang balita, nasa pinakasikat na ospital ng plastic surgery sa Villa Venezuela ang dalawa. Si Trixie ay nakasuot ng sumbrero, maskara, at salaming pang-araw, walang kahit isang pulgada ng balat niya ang nakalantad, mahigpit itong pinoprotektahan ng mga tauhan ng pamilyang Davilla.Si Carlo ay talagang gumastos ng napakalaking halaga na pera para mag hire ng isang medikal team para paglingkuran ng buong oras si Trixie. Para lang magamot ng mga peklat at sugat sa mukha nito.Pinag-uusapan din sa balita kung gaano kaalaga si Carlo kay Trixie. Sinamahan niya ang babae sa byahe, at namalagi ng buong magdamag sa ospital, para samahan at pakalmahin ito sa labis na pagdadalamhati.Naii
Pero ang hindi makatulog? Anong klaseng dahilan ang meron siya. Bahagyang kumunot ang sentido ni Carlo dahil nga sa matagal na panahon na rin itong hindi nakakatulog ng maayos.Matagal na siyang nahihirapang matulog. Mula ng ikinasal siya kay Thessa, ay marami ang ang nagbago sa sitwasyon niya, mismo siya ay hindi niya maipaliwanag.Matapos ang diborsyo, bumalik ang problema niya sa pananakit ng ulo. Tiniis niya ang lahat.Upang siya'y makatulog, kinakailangan pa niyang uminom ng gamot.Yun lang inaasahan niya. At habang tumatagal, palaki ng palaki ang dosis na gamot ang iniinom niya. Matagal na rin siyang pinayuhan ng kanyang doktor na itigil muna ang pag inom ng mga gamot na pangpatulog, ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa… muli niyang nakita si Thessa.Napagtanto niyang sa tuwing nasa tabi niya ang babae ay hindi na niya kailangan uminom pa ng gamot. Kusang nawawala ang insomnia niya.Matapos matikman ang sarap ng isang napakagandang tulog, nagkaroon pa ng ideya ng kasakiman
“Isa pang sekretarya?” Napailing si Thessa. May halong pagdududa sa kanyang boses habang binabanggit ang salitang “sekretarya.” Parang hindi kapani-paniwala ang narinig niya.Ngunit may isang bagay na tiyak, ay mayroong pagitan sa sekretarya at sa lalaking nasa harap niya, mas pinagkatiwalaan ni Carlo ang sekretarya, kahit na ibinigay na nito sa kanya ang ebidensya.Isang mahinang paghinga ang pinakawalan ni Thessa.Amoy na amoy niya ang isang jasmine na pabango sa lalaki.Isang pag-unawa ang sumibol sa kanyang puso, “Babaeng Sekretarya?” ani Thessa.Para kay Thessa, ang katahimikan ng lalaki ang naging pinakamagandang kasagutan.Sa sobrang tapang ng pabango, nanatili ito sa kanyang suot na damit. Ang lapit ng kanilang relasyon, marahil sila lang ang nakakaalam. Malamig ang mukha ni Thessa nang sabihin niya: “Bitawan mo.”Agad na sumugod ang mga bodyguards ni Thessa, sinundan ng mga bodyguards ng pamilyang Davilla. Kinabahan si Dylan, natatakot na magkaroon ng alitan ang dalawa. “M
Nanatili paring nakaupo sa likuran ng kotse ang lalaki, matikas at pino ang anyo, tulad ng isang marangal na prinsipe na naglalakad palabas mula sa isang sinaunang pintura.Hinaplos ni Carlo ang kanyang mga mata, bahagyang nakapikit, at sumulyap kay Thessa sa pagitan ng di-saradong pinto ng sasakyan. Isang madilim, nakakaakit na titig ang sumalubong sa kanya, na siyang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.Dahan-dahan at maingat na bumaba si Carlo sa sasakyan. Ang maikling pagtulog sa loob ng kotse ay nagpapagaan ng kanyang tensyon, at bumalik sa katinuan ang kanyang pag-iisip.Sinundan niya si Thessa pabalik sa silid nito. Naroon sina Kenzo, Kerby at Bella, at sabay-sabay na ngumiti ng agad siyang makita.Parang mga sisiw na nagmamadaling tumakbo palapit sa kanilang ama. “Tay, namiss ka namin ng sobra.” masiglang wika ng dalawang kambal.Marahan niyang hinimas ang ulo ng kanyang dalawang anak at malambing niyang sinabi, “Namiss din kayo ni Tatay.” “Maglaro muna kayo kasama ang kapati
“Mark Dee Roa?” Naguguluhang tumingin si Thessa sa kanya. Bakit niya muling binanggit ang pangalan ng lalaking ito? Ika niya sa sarili.“Hindi ko na siya nakita mula ng pakasalan kita.” malamig na sinabi ni Thessa habang masama ang tingin sa kanya.Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Carlo, at isang madilim na liwanag ang sumilay sa kanyang mga mata.May malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng nakikita niya at sa paliwanag ni Thessa.Isa sa kanila ang nagsisinungaling.“Narito ka lang ba para akusahan ako sa isang bagay na nangyari matagal na taon ng nakalipas?” matigas na usal ni Thessa.Medyo naguguluhan siya dahil sa iskandalo at sa biglaan nitong pagdating, ngunit ngayon ay napagtanto na niya ang layunin nito.Nag-aalangan siyang tumingin at puno ng depensa sa sarili habang sinasabi, “Carlo, hindi mo ba gagamitin ang pagkakataong ito para humingi ng pabor para kay Trixie?” aniya.Natigilan ng ilang sandali ang lalaki.“Gusto ko lang malaman ang totoong dahilan kung bakit tayo naghiwal
“Carlo, hindi naman sa may pagkukulang ako, kundi sa masasamang pag-uugali ninyong mga lalaki, na mahirap tanggalin simula paman noong sinaunang panahon.” mahinahong wika ni Thessa.“Sino man ang makakasama ko, ako parin si Thessa, ay magiging masaya.” dagdag pa niya na may halong panunuya.Nang mga sandaling iyon, tuluyan ng naputol nang kanyang mga kamay ang matagal nang nakagapos na kadenang bakal sa kanyang puso, ang ulap ng pagkalito sa kanyang harapan ay winasak ng biglaang kalinawagan. Lalong huminahon ang ngiti sa kanyang mga labi, tila payapang tinanggap na ni Thessa ang mga nakaraan, at dahan-dahang tumalikod para umalis ng silid-aklatan.“Thessa.” biglang sambit ng lalaki.Hindi na huminto pa sa paglalakad si Thessa, at habang binubuksan niya ang pinto ng silid-aklatan, “Makipag-usap ka muna sandali sa mga anak mo, at mamaya ay may sasakyang maghahatid sa iyo.” kalmadong tugon ni Thessa.Sa mga sandaling iyon, tanging ang pinapasalamatan lamang ni Thessa ay ang pagiging ta
"Sige po Mr. Carlo!" masiglang boses ng tauhan.Para sa isang taong may mataas na posisyon katulad ni Carlo na kumikita ng bilyon-bilyon sa isang iglap, ang oras ay pera, pero handa siyang maglaan ng napakaraming oras kasama ang kanyang anak para pumili ng damit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon, na para bang nag-aayos siya ng isang proyekto ng kooperasyon na nakakahalaga ng daan-daang milyong piso.Ang mga tauhan na nagbebenta ay nag bubulong-bulongan sa kanilang isipan; Sobrang saya ni Mr. Carlo magkaroon ng anak na babae! ani nila, ang saya'y tila ba isang lihim na kayamanan.Simula sa araw na ito, isang bagong kabanata ang nagbukas. Isang mahiwagang mensahe, isang bulong sa dilim, ang dumapo sa bawat taong bahagi sa kanilang mundo. Si Carlo ang Presidente ng Davilla's Group, ay may isang maliit na prinsesa matapos ang dalawang pinakamamahal na anak na lalaki. Isang karagdagan sa kanilang pamilya na nagdudulot ng matinding kagalakan, ngunit sa likod ng matamis na kagalakan, isang
"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Lalo na kapag sumasabay sa ngiti ang kanyang mga mata, tila ba para itong mga gasuklay ng buwan, eksaktong talaga namang kapareha ng kanyang ina. Ang batang si Bella ay mas maliit na bersyon ni Thessa.Ang tanging pagkakahawig ay ang maliit na nunal sa pagitan ng kanyang mga kilay, iaang marka na tila minana, isang bakas ng isang hindi inaasahang ugnayan.Ngunit posible nga ba? Ang ideya ay gumuhit ng matinding pag-aalala sa puso ni Carlo. Maaari kayang si Bella... ang kanyang anak? anito sa sariling isip.Mahigipit na nakayakap ang batang babae sa leeg ni Carlo, ang mga maliit na braso nito ay tila mga sanga ng isang punong kahoy na mahigpit ang pagkakapit. Sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ng kanilang dalawa- ang maliit na mukha ni Bella na halos kopya ng kanyang repleksyon, ay paminsan-minsang nagpapalabas ng mga nakakatawang ekspresyon, sinasadya upang mapatawa siya."Tito, ang gwapo niyo naman po!" malambing na usal ng musmos.Bagamat alam ng batang babae sa kanyang puso n
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot kay Carlo matapos ang gabing iyon. Ang sagot na kanyang inaasam ay nanitiling isang anino, isang palaisipan na tila nagpapabigat sa kanyang dibdib.Sa hapag-kainan, habang ang amoy ng mainit na kanin at almusal ay pumupuno sa silid, panay ang tingin niya kina Thessa at Bella, may kutob siyang may kinalaman sila sa palisipan niya.Ang una'y nagkukunwari pa itong walang nakikita, habang ang munting si Bella ay napaisip na baka nais lang nitong tikman ang lugaw niya, kaya't buong-loob na kumuha siya ng malaking kutsara at inilagay sa mangkok ng tito niya.Mula sa maliit na upuang pambata, maingat na kinuha ng batang babae ang kutsarang may lamang lugaw, sa isang galaw na puno ng pag-aalaga, iniharap niya ito sa bibig ni Carlo. "Tito, tikman mo ito." malambing na usal ni Bella.Natunaw ang puso ni Carlo sa ginawa ng bata, hinawakan niya ang maliit na ulo nito at malumanay niyang sinabi, "Hindi kumakain si Tito, ikaw nalang ang kumain niyan." malum
Orihinal na nais niyang sabihin ang tungkol kay Bella, ngunit nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Carlo, malinaw na hindi nito alam na ang munting batang babae ay kanyang anak.Hindi inaasahan ni Mark na si Carlo, ang may isang malaking pangalan sa mundo ng negosyo at kinatatakutan pa ng mga kalaban, ay ganoon nalang pala kaduwag pagdating sa pag-ibig. Hindi lamang niya nakikita ang kanyang tunay na damdamin, kundi lalo pa nitong tinutulak ang mga taong malapit sa kanya.Ngunit naisip pa rin ni Mark na mas mabuti na rin 'yon, upang sa gayon ay makahanap siya ng pagkakataong suyuin si Thessa, at mabigyan ng pag-asa ang kanilang di-maipaliwanag at nakatagong pag-ibig noon.Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlo sa kanyang panga, ang manipis niyang mga labi ay halos magkasalubong na, at ang mga daliri ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palad. Isang nakakatakot na lamig ng aura ang kanyang pinapakita.Nang mga oras na iyon, nakalayo na si Mark sakay ng kanyang sasakyan.Bumalik si Carlo,
Gumapang ang takot sa puso ng musmos na bata. Mahigpit na napayakap siya sa leeg ni Carlo, ang mukha'y binaon sa matipuno nitong balikat. Para bang ang pamilyar na kapanatagan ng isang ama ang nararamdaman niya, isang seguridad na hindi niya namalayan na hinahangad niya nang mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, mahigpit na niyakap ng munting bata ang leeg ni Carlo, ang kanyang maliit na braso ay nakapulupot nang mahigpit, at halos ayaw ng bumitaw."Tito, natatakot po ako." nanginginig na boses ng bata.Ang lambing at pag-asa sa tinig ng bata ang gumuhit ng lambot sa puso ni Carlo. Dahil dito, bahagyang lumiwanag ang kanyang tinig. "Huwag kang matakot, nandito si Tito." malumanay na boses ni Carlo.Mahirap ipaliwanag ang kakaibang pag-alala at pagmamahal na kanyang nadarama para sa batang babaeng yakap-yakap niya ng mga sandaling iyon. Isang damdamin na higit pa sa pagiging isang tiyuhin.May iba rin namang mga pamangkin si Carlo na mas bata pa kina Kenzo at Kerby, nguni
Napangiwi si Carlo, naaawa sa dalawang batang kanina pa nakaupo. "Bakit nga ba nandito si Mr. Mark?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheelchair na para bang wala lang."Naparito ako para magpasalamat." sagot ni Mark, ang mga labi'y bahagyang nakangiti. Ang mga mata niya'y malumanay na nakatuon kay Thessa, taos-puso ang pasasalamat sa kanyang tinig.Magalang namang ngumit si Thessa, isang "walang anuman" ang sinabi niya sa lalaki.Kinuyom ni Carlo ang kanyang mga kamao. Sa likod ng kanyang kalmadong mukha, ang puso niya ay matagal nang sinasalanta ng apoy ng selos at kawalan ng pag-asa.Malamig ngunit matalas ang kanyang mga kilay habang nagtatama ang kanilang mga tingin ni Mark sa ere. Isang di-maipaliwanag na tensyon ang bahagyang bumabalot sa pagitan ng dalawa."Tay, sumama ka na rin sa pangingisda, mag-uunahan tayo!" sigaw ni Kenzo.Nabasag ng masiglang boses ni Kenzo ang nakakabigat na katahimikan. Kumuha siya ng panibagong pamingwit ng mga bata mula sa gilid at inabot iyon ka
Dahil sa kagyatan ng sitwasyon, agad na dumiretso si Carlo sa paliparan.Habang nasa sasakyan, maingat na inulat ni Dylan ang dahilan ng problema, "Ang dating namamahala sa panig ng kasusyo natin ay natanggal na sa pwesto. At ang kasalukuyang namamahala ay humihingi ng dalawang karagdagang puntos sa ating kontrata." kalmadong tugon ng sekretarya.Isang malamig, matigas na ekspresyon ang sumalubong sa mga mata ni Dylan. "Kung ganon, palitan nalang natin ang kasusyo." malamig na tugon ni Carlo.Isang linggo ang itatagal ng paglalakbay ni Carlo sa ibang bansa. Ang kanyang presensya ay kailangan doon, at ang pag-asa ay nakasalalay sa kanyang kakayahan na maayos ang sitwasyon.Sa gitna ng kaguluhan at pag-aalala, isang bagong damdamin ang nagsimulang tumubo sa puso ni Thessa. Sa loob ng isang linggo, naging malinaw sa kanya ang kanyang nararamdaman. Isang pag-ibig na hindi naging madali, tila ba isang pag-ibig na parang naglalakbay sa isang malamig na kweba. Upang makaligtas kilangan mong
Sa sandaling nagtama ang kanilang mga mata, alam na ni Thessa na iba si Carlo. Hindi lang iba, kundi isang lalaki na walang puso at walang habag. Parang yelo ang kanyang mga mata, malamig at walang emosyong nakatingin sa lalaki.Kahit na hindi siya mahal ni Carlo, alam din niyang wala rin itong ibang babae na mahal. Iniisip niya na kahit respeto at suporta na lamang ang mayroon sila bilang mag-asawa pagkatapos ng kasal, ay maari pa ring maging mapayapa at maganda ang kanilang buhay.Subalit, sa kabila ng kanyang pag-iingat, hindi niya napigilan ang pagkahumaling kay Carlo. Unti-unti hindi niya namamalayan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso sa tuwing malapit ito.Sa pagdating ng kanilang kambal na mga anak, isang kapansin-pansing pagbabago ang naobserbahan ni Thessa sa lalaki, mas lalo na nitong inalagaaan ang kanyang pamilya. Nakakita ng pag-asa si Thessa at nagsimulang isipin ang posibilidad na magpakasal muna sila bago ang pag-ibig.Handa na si Thessa, tiyak na siya sa kanyang d