Share

Chapter 2

Chapter 2

An early morning. The birds are  chirping. A cold wind. Then a man in his pajamas still lying on his bed, enjoying the embrace of his own blanket. Sleeping soundly. Then his alarm clock suddenly rings and wakes him up.

Masarap ang tulog niya. Kaya nasa mood ito ng gumising. Nag-toothbrush muna ito bago naligo. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay natapos na rin ito. Time check, 5:00 am. Masyado pang maaga. Kaya ginawa muna niya ang kaniyang daily routine.

Naka-short at sando lang ito. Kumuha lang ito ng towel at isang tumbler at nilagyan ng tubig bago pumasok sa exercise room.

Nag-iinat muna ito bago sinimulan ang kaniyang workout session. Nang ma-satisfied na ito sa pag-wawarming ay pum'westo na ito sa may weightlifting area.

Sa bawat pagtataas-baba niya sa hawak na barbell ay makikita ang kakisigan ng lalaki. Maganda ang hugis ng kaniyang mga muscles na halatang inaalagaan. Maayos ang tindig at pangangatawan nito. He is not just an attorney with only just his intelligence but also with its look. He is breathtakingly handsome in every angle and in everything he wore.

Nakadagdag pa dito ang kaniyang pagiging seryoso. Ilap sa mga babae ang nasabing abogado. He is not into relationships. Isang beses lang ito pumasok ng relasyon na umabot ng limang taon. Ngunit kailanman ay hindi na ito nasundan pa.

He is now in his 30's. They broke up five years ago exactly the same year that accident happened. They broke up for some unknown reasons.

Pagkatapos nitong pagsawaan ang barbell ay lumipat na ito sa iba pang workout equipment. Jogging in place. Nanatili pa siya doon ng ilang minuto bago nakaramdam ng pagod.

Tagaktak at naliligo sa sarili niyang pawis. Umupo muna ito sa mahaba ng cushion bago nagpunas sa sarili. Kinuha ang dala-dala niyang tumbler kanina at uminom ng tubig. Naubos niya ito ng isang lagukan lang.

Nang matapos magpahinga ay lumabas na ito sa silid at pumasok ulit sa kaniyang kuwarto. Dahil na rin siguro natuyuan siya ng pawis ay pakiramdam niya ay malagkit na ang katawan niya kaya napagdesisyonan niyang maligo ulit.

Kahit naman puno ito sa pawis ay hindi ito nakabawas sa kakisigan ng lalaki. He looks so hot on his sweats dripping down his well-toned body.

Sanay na ito sa ganoong set-up kaya matagal siyang makaramdam ng pagod. He even enrolled in a martial art class while studying law for self-defense.

Delikado ang kursong kinukuha niya at ang trabahong gustong pasukin nito. And he cannot let himself defenseless in any situation.

Kaakibat ng kaniyang trabaho ang kaalaman na p'wede niyang harapin na sitwasyon sa hinaharap na posibleng magbibigay ng panganib sa buhay niya.

May sarili din itong pangarap maliban sa pagtulong sa mga taong api at kinawawa. 'Yon ay makamtan ang sariling hustisya para sa ama na hanggang ngayon ay hindi niya pa nakakamit.

So as much as he can, he will do everything for the justice to prevail. And he cannot do that if he won't help himself to survive in this dangerous journey and keep surviving despite the dangers that is bound to happen in the future.

Matapos maligo ulit ay lumabas na ito papuntang kusina upang maghanda ng kaniyang pang-umagahan. Nagluto lang ito ng simpleng ulam. Bacon and egg lang ang hinanda nito para sa sarili. Nagtimpla rin ito ng kaniyang paboritong kape gamit ang kaniyang coffee-maker.

Alas siyete y media na ito natapos at handa ng umalis papunta sa kanilang law firm. Mamaya pang alas diyes ang umpisa ng kanilang hearing sa kaso. Inayos niya saglit ang kaniyang mga papeles at tiningnan ulit kung mayroon pa ba itong nakakalimutan. Nang masigurong dala na niya ang lahat ng kaniyang dapat dadalhin ay nagtungo na ito sa kaniyang garahe.

Sinimulan niya ng paandarin ang kaniyang sasakyan at sinarado ang gate.

Quarter to nine na ito nakarating sa opisina. Kakaupo niya lang ng sabay na dumating ang dalawa niyang kasamahan na sina attorney Bea Alfonso at attorney Rachel Santiago. Sa iisang condo lang nakatira ang dalawa simula ng makapasok sila sa law firm.

Kakagaling lang sa pagtatawanan ang dalawa ngunit biglang naudlot ng makita ang lalaking kasamahan nila na komportableng nakaupo sa swivel chair nito. Maingat na naglalakad ang dalawa sa kaniya-kaniyang desk ng sa ganoon ay hindi makalikha ng anumang ingay.

Rachel Santiago:

The moving statue is already here.

Pagbabasa ni Bea sa mensahe galing sa kaibigan.

Bea Alfonso:

Sira ka talaga, Rachel!

Impit na hagikhik ng dalawa sa kanilang kalokohan. Natatawang nagkatinginan ang dalawa at pilit pinipigilan ang matawa ng malakas habang pinag-usapan ang lalaki upang hindi makaagaw-pansin.

Rachel Santiago:

Talk to you later. Para tayong sira nito. 

Bea Alfonso:

Right. Talk to you later, then.

Umayos ng umupo ang dalawa bago nagpalitan ng tingin. Sabay itong tumango sa isa't-isa habang natatawa pa rin bago nagsimulang mag-aral sa mga kasong hawak nila. Tahimik ang paligid at tanging paglilipat lang ng pahina ang siyang namutawi sa apat na sulok ng opisina.

Nang tumunog ang alarm clock ni attorney Collins hudyat na malapit ng nagsimula ang hearing ng kaniyang kaso, ay bigla napapitlag sa gulat ang dalawa. Halatang seryoso sa kaniya-kaniyang ginagawa. Nang makabawi ay bumalik din naman ang atensiyon ng dalawa sa mga papeles sa harap nila.

Quarter to ten pina-alarm ni attorney Collins ang kaniyang wristwatch. He is not really fond of filipino time. Strikto ito pagdating sa oras. He is rather early in court than being late. Ayaw na ayaw niya sa mga taong ang bagal kumilos at palaging late.

Tahimik lang na binitbit niya ang kaniyang suitcase palabas ng hindi man lang nagpapaalam sa dalawa.

"Haaayyyy! Sa wakassss!" hingang maluwag na usal ni Rachel habang prenteng nakaupo sa kaniyang upuan.

She breathed a relieve air like it is her first time breathing after being drown in the middle of the deep sea and finally rescued.

"Hala siya! Para naman itong kinapos sa hininga. Hinga-hinga din kasi minsan." natatawang saad ni Bea sa kaibigan. Takot kasi ito kay attorney Collins. Ewan niya ba at masyadong nililimitahan ang galaw nito na para bang papatayin ito ng lalaki kung makagawa ng kahit kaunting ingay.

"Bakit ka ba kasi na-t-tensed kapag kaharap si atorney Collins. Hindi naman 'yon nangangagat. Hindi nga umiimik 'yon e." nagtatakang tanong ni Bea. "Umamin ka nga, may gusto ka ba kay attorney Collins?" dagdag nito habang pinanliliitan ng mata si Rachel.

"Pass te, ekis sa lalaking cold. Hello? Hot ako, baka matunaw lang siya kapag kasama niya ako. Edi maubos siya?" pabirong saad ni Rachel. "At iyon na nga e. Tahimik, hindi umiimik. Kapag kinakausap, hindi sumasagot. Hindi mo alam kung paano i-a-approach." nakalumbabang litanya niya.

Hindi naman sa takot siya kay attorney Collins. Medyo ilag lang ito sa lalaki. She treats him like a superior. A man who is higher than them in terms of position in court, which he really is. Mas nauna kasi ito sa kanilang dalawa.

Kaya kahit pareho silang attorney sa iisang firm at iisang opisina. They cannot denied attorney Collins's supremacy in court. Sa tindig pa lang ng lalaki na sumisigaw ng prinsipyo at kapangyarihan ay hindi magkamayaw ang pag-iwas ng mga kasamahang abogado.

"Gaga ka! Kapag kalokohan talaga e no? Ice lang?" hindi na rin mapigilang tawa ni Bea dahil sa kakulitan ng kaibigan. "Sabagay, attorney Collins and his intimidating aura." she nodded in agreement.

Tahimik na korte ang sumulubong pagkarating ni attorney Collins.

Dahan-dahan itong umupo sa naka-assign sa kaniyang upuan. Nobody is in there yet. Mag-isa niyang sinalubong ang papalapit na kaso. Unti-unti niya munang pinikit ang kaniyang mga mata.

The moment he closed his eyes, a flashed of images welcomed him— a scene from that past. Bawat pikit ng kaniyang mga mata ay ang kalunos-lunos na pangyayari sa nakaraan ang sasalubong sa kaniya.

He mastered the art of remembering. He is good at remembering things. And sometimes, it is a bad thing to be good at.

Kung ibang tao siguro ang may kakayahan nito ay siguro ay ikakatuwa pa nito. But not him, it is a curse for him.

Nakakapagod. Kahit anong pilit niyang paglimot nito ay hindi niya magawa-gawa. Gusto na niyang magpatuloy sa buhay at iwanan ang nakaraang, kung pwede lang.

But he cannot. He was stucked in his past. Pilit siyang hinahabol nito na kahit hanggang patulog ay sinusundan pa rin siya at kahit sa simpleng pagpikit ng kaniyang mga mata ay pagbukas ng memorya niya sa nakaraan.

For how many years of experiencing that, he learned how to handle them. If he cannnot get rid of them, then be above them atleast, he thought. To control or be controlled by your past is the only choice for him to keep living. And he did not choose the latter.

He learned to live above them. Above his illness called hyperthemsia. It was hard. But he got used to it.

"Should we plead guilty?" pag-uumpisa ni Doc. Raven

"Should we?"  pagsasang-ayon ni Doc. Adler.

"How about the reputation of the hospital?" pag-kontra ni Doc. Kim

"Bakit ba kasi na'tin nakalimutan na may surgeries pala tayo noong gabing 'yon?!" nababanas at tila wala sa sariling bulong ng isang kasamahan nila.

"We can win the case." pampalubag-loob ni Doc. Jaro

"Yes. We should. Kung hindi, masisibak talaga tayo sa trabaho na'tin. Buntis pa naman ang asawa ko, ayokong mag-aalala ito." ani Doc. Sebastian

"What if we plead guilty to receive a lesser punishment?" Doc. Arvi encouraged.

A moment of silence. Biglang natahimik ang lahat sa biglaang suhestiyon ni Doc. Arvi. Hindi makapaniwalang binalingan nila ito ng tingin.

"Are you crazy?"

"Naalog ba 'yang utak mo?"

"Tanga ka ba? Sa tingin mo may tatanggap pa sa atin pagkatapos nating masibak sa trabaho?"

Sunod-sunod na pagtutol ng kasamahan niya. Ipagpapatuloy pa sana nila ang pag-uusap ng bigla nilang makita ang tanyag na abogado.

Gulat na tiningnan ng mga doktor si attorney Collins na prenteng nakaupo sa desk nito.

It rendered them speechless. Nabato sila sa kanilang kinatatayuan. Hindi alam kung itutuloy ba nila ang pagpasok o lumiko pabalik sa kanilang dinadaanan.

Attorney Collins on the other hand, sat comfortably in his seat. Nakabukas na ang kaninang nakapikit niyang mga mata. Bahagyang napamulat dahil sa ingay na dulot ng mga doktor.

Rinig na rinig niya ang pag-uusap nila. Gayunpaman, isinawalang bahala lang ito ni attorney Collins.

He is not that someone who sneeze its nose for other people's businesses. Hindi niya ugaling makialam sa buhay ng iba. Ni hindi nga rin niya m ito binalingan ng tingin.

Tahimik na naglalakad papasok ang mga doktor. Maingat ang mga ito upang hindi makalikha ng anumang ingay. Hiyang-hiya ang mga ito kay attorney Collins.

Sa nangyaring usapan nila kanina ay para bang nahuli ang mga ito sa akto.

The atmosphere feels kind of suffocating to them. But the plaintiff attorney does not even care.

Nakadagdag pa sa kaba nila ang katotohanang sila pa ang nasa loob ng korte.

Bagot na bagot na si attorney Collins sa kahihintay sa kanila. Alas diyes na ngunit wala pa rin ang mga ito. Kung sana ay isa lamang itong ordinaryong pagpupulong, edi sana kanina pa niya nilayasan ang mga ito. Pero sa kasamaang palad, hindi ganoon ang sitwasyon.

Ilang minuto pa ang hinintay nila ng unti-unting nagsipag-datingan ang mga taong kasali sa paglilitis ng kaso.

Marami-rami din ang taong dumalo sa nasabing kaso. Kontrobersiyal kasi ito sapagkat hindi basta-bastang hospital ang involve.

Mga miyembro ng pamilya na nasawi sa kaliwang bahagi. At mga doktor na sangkot sa nasabing medical malpractice at mga pamilya nito sa kanang bahagi.

Ramdam mo ang galit ng bawat miyembro ng pamilya ng nasawi. Gusto na nitong balatan ng buhay ang nasabing mga doktor.

"An eye for an eye, a tooth for a tooth". Buhay ang kinuha kaya buhay din ang kapalit.

They are eager to put the doctors in jail. Or had their medical license revoke at the very least.

They trusted them. They entrusted the life of their children knowing that they are in good hands. But the doctors killed their only hope the moment their children stop breathing.

Ilang minuto lang din ang dumaan ng dumating na ang tatlong judges na mangunguna sa paglilitis ng kaso.

"Finally!" attorney Collins uttered mentally.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status